• All e-books and audiobooks on The New Life Mission website are free
  • Explore multilingual sermons in global languages
  • Two new revised editions in English have been released
  • Check out our website translated into 27 languages
Search

Sermons

Paksa 9: Mga Romano (Mga Komento sa Aklat ng Mga Roma)

[Kabanata 10-2] Ang tunay na pananampalataya ay nagmumula sa pakikinig

2021.04.13 126
 
“Datapuwa’t hindi silang lahat ay nakinig ng masasayang balita. Sapagka’t sinasabi ni Isaias, ‘Panginoon, sino ang naniwala sa aming balita?’ Kaya nga ang paniniwala’y nanggagaling sa pakikinig, at ang pakikinig ay sa pamamagitan ng salita ni Cristo. Datapuwa’t sinasabi ko, Hindi baga sila’y nangakinig? Oo, tunay nga:
‘Ang tinig nila ay kumalat sa buong lupa,
at ang kanilang mga salita’y hanggang sa mga dulo
ng sanglibutan.’
Datapuwa’t sinasabi ko, Hindi baga nalalaman ng Israel? Unauna’y sinasabi ni Moises:
‘Ipamumungkahi Ko kayo sa paninibugho sa
pamamagitan niyaong hindi bansa,
sa pamamagitan ng isang bansang mangmang
ay gagalitin Ko kayo.’
At si Isaias ay buong tapang na nagsasabi:
‘Ako’y nasumpungan nilang mga hindi nagsisihanap
sa Akin:
nahayag Ako sa kanilang mga hindi nagsisipagtanong
tungkol sa Akin.’
Datapuwa’t tungkol sa Israel ay sinasabi Niya:
‘Sa buong araw ay iniunat Ko ang Aking mga kamay
sa isang bayang suwail at matutol.’”
 
 
Sa talatang 17 ay sinasabi, “Kaya nga ang paniniwala’y nanggagaling sa pakikinig, at ang pakikinig ay sa pamamagitan ng Salita ni Cristo.” Saan nagmumula ang pananampalataya na magliligtas sa tao mula sa lahat ng kanyang mga kasalanan? Ang tunay na pananampalataya ay nagmumula sa pakikinig ng Salita ng Diyos.
Nais kong patuloy na magbigay patotoo sa ebanghelyo ng katuwiran ng Diyos sa pamamagitan ng Kanyang Salita. Ating simulang tignan ang Roma 3:10-20:
“Gaya ng nasusulat, ‘Walang matuwid, 
wala, wala kahit isa;
Walang nakatatalastas
Walang humahanap sa Dios; Silang lahat ay nagsilihis,
Magkakasamang nawalan ng kasaysayan,
Walang gumagawa ng mabuti, wala, wala kahit isa.’
‘Ang kanilang lalamunan ay isang libingang bukas,
Nagsigamit ng daya sa pamamagitan 
ng kanilang mga dila,
Ang kamandag ng mga ulupong ang siyang nasa ilalim ng 
Kanilang mga labi,
Ang kanilang bibig ay puno ng panunumpa at ng kapaitan,
Ang kanilang mga paa ay matulin sa pagbububo ng dugo,
Kagibaan at kahirapan ang nasa kanilang mga daan,
At ang daan ng kapayapaan ay hindi nila nakilala,
Walang pagkatakot sa Dios sa harap 
ng kanilang mga mata.’
Ngayon ay nalalaman natin na ang anomang sinasabi ng kautusan, yaon ay sinasabi sa nangasa ilalim ng kautusan, upang matikom ang bawa’t bibig, at ang buong sanglibutan ay mapasa ilalim ng hatol ng Dios. Sapagka’t sa pamamagitan ng mga gawa ng kautusan ay walang laman na aariing-ganap sa paningin niya; sapagka’t sa pamamagitan ng kautusan ay ang pagkakilala ng kasalanan.”
 
Paano tayo makauunawa at mananalig sa mga talatang ito upang makamit ang kaligtasan? Mula sa pasimula, walang matuwid ni naghahanap sa Diyos, nguni’t lahat ay mga makasalanan. Ang kanlang lalamuna’y isang libingang bukas; ang kanilang mga dila’y parang kamandag ng ulupong; mandaraya at puno ng panunumpa at kapaitan. Ang kanilang mga paa ay matulin sa pagbubo ng dugo. Di-nakikilala ang kapayapaan, o ang pagkatakot sa Diyos sa harap ng kanilang mga mata, at lumalakad lamang sa daan tungo sa kanilang sariling kapahamakan at kahirapan. Bawa’t isa’y isang makasalanan bago malaman at manalig sa katuwiran ng Diyos, at ang paraang nasumpungan nila na sila’y mga makasalanan sa harapan ng Diyos ay sa pamamagitan ng kautusan.
Kung wala ang kautusan, paano natin nalaman ang ating mga kasalanan? Paano natin nakilala ang Diyos? Natakot ba tayo sa Diyos? Sa Roma 3:18 ay sinabi, “Walang pagkatakot sa Diyos sa harap ng kanilang mga mata.” Ang atin bang mga mata ng laman ay nakita Siya? Tayo’y malamang na bahagyang nalalamang may Diyos, nguni’t hindi natin nakikita ni natatakot sa Kanya. Paano, kung gayon, nating nalaman na tayo’y mga makasalanan? Nalaman nating may Diyos dahil sa pakikinig ng Kanyang Salitang nakasulat. Ito ay kung bakit ang pakikinig ay nagmumula sa Salita ng Diyos.
 
Alam nating nilikha ng Diyos ang sanlibutan, dahil ito nga’y nasusulat sa Kasulatan, “Nang pasimula ay nilikha ng Dios ang langit at ang lupa” (Genesis 1:1). Sa pamamagitan ng pakikinig nitong Salita ng Diyos ay nalaman at nanalig sa Kanyang mga salita, at upang manalig na Siya ang Lumikha ng buong kalawakan. Kung hindi dahil sa Salita ng Diyos, wala ni isa ang nakakakilala sa Kanya, ni matatakot sa Kanya. Ni hindi natin malalaman ang ating mga kasalanan kung wala ang Salita ng Diyos—ni isang tao.
Sa ibang pananalita, tayo’y mga pangunahing mga mangmang sa Diyos, sumasamba sa mga walang-saysay na bagay, at hindi nababatid ang ating mga sariling kasalanan. Nguni’t binigay ng Diyos sa atin ang kautusan, at dito’y nalaman natin ang ating mga kasalanan sa harapan ng Diyos. Sa pamamagitan ng pakikinig sa Kanyang Salita ng kautusan ang Sampung Utos at ang 613 na mga detalyeng artikulo ng kautusan ay nalaman natin ang ating mga pagkukulang at mga kasalanan.
Wal ni isa ang makakalaam ng sarili niyang kasalanan kung wala ang Salita ng Kautusan. Kadalasan bawa’t bilanggong nasa preso ay inaangkin niyang di-nalalaman kung ano ang kanyang krimen, o kung bakit siya nakakulong. Marami sa kanila ang umaangking sila’y inosente; na sila’y di-makatuwirang dinala sa bilangguan, hindi natin nalalaman ang ating mga sariling kasalanan, sinasabing, “Lagi akong kumikilos ng ganito. Bawa’t isa’y ginagawa ito. Paanong naging kasalanan ito?”
Tanging sa pagtingin at pakikinig sa kautusan ng Diyos ay nabatid natin ang ating mga kasalanan. Nabatid natin na ang ating pagsamba sa mga dios-diusan, walang-kabuluhang pagtawag sa pangalan ng Diyos, ang pagkabigong mangilin sa araw ng pagsamba, ang pagpatay, ating pangangalunya, pagnanakaw, pagsisinungaling, ating pananaghili, ating kabiguang mabuhay sa pamamagitan ng Salita ng Diyos, sa madaling salita lahat ng mga gawa ng kasalanan dahil sinabi nga ng kautusan ng Diyos. Ganito natin nabatid at nakilala na tayo’y mga makasalanan sa harap ng Diyos, sa pamamagitan ng Salita ng kautusan. Bago ang kautusang ito, hindi natin nalalaman ang ating mga kasalanan.
Yamang nabatid nating tayo’y mga makasalanan, ano, kung gayon, ang ating gagawin sa harapan ng Diyos? Kailangan nating itanong kung paanong ang ating mga kasalanan ay napatawad. Ito’y sa pamamagitan ng pakikinig sa Salita ng Diyos nabatid natin ang ating mga kasalanan, at nabatid ang ating pangangailangan sa kaligtasan. Tulad ng isang gutom ay kinakailangan niya ng pagkain, ang mga nakakabatid na sumuway sila sa kautusan ng Diyos at nalamang sila’y mga makasalanang lubha batid nila ang kanilang pangangailangan sa kaligtasan. Ganito ba natin hinanap ang Diyos at kinilala ang ating pangangailangang manalig sa Kanyang katuwiran sa pamamagitan ni Cristo, Kanyang sinugo sa atin. Yamang ang “pananampalataya ay nagmumula sa pakikinig,” nalaman natin ang ating mga kasalanan dahil sa pakikinig sa Salita ng Diyos.
 
 
Nalaman natin ngayong tayo’y mga makasalanan. Anong dapat nating gawin upang mapalaya sa ating mga kasalanan?
 
Ang kaligtasa’y nagmumula sa pamamagitan ng pananampalataya sa Kanyang Salita na tumatayo sa gitna ng ating mga puso, tulad ng ating pagkabatid sa ating mga kasalanan dahil sa pakikinig at pag-aaral ng Salita ng Diyos. Tulad ng sinasabi sa Roma 3:21-22, “Datapuwa’t ngayon bukod sa kautusan ay ipinahahayag ang isang katuwiran ng Dios, na sinaksihan ng kautusan at ng mga propeta. Sa makatuwid baga’y ang katuwiran ng Dios sa pamamagitan ng pananampalataya ka Jesu-Cristo sa lahat nga mga nagsisisampalataya; sapagka’t walang pagkakaiba.”
Sa pamamagitan ng pagbibigay sa atin ng Kanyang kautusan, pinahintulot ng Diyos na malaman nating tayo’y mga makasalanan sa harapan Niya, dahil tayo’y mga bigong namuhay sa Kanyang Salita. Samakatuwid tayo’y may dalawang magkaibang pangangailangan: nais nating mabuhay sa pamamagitan ng kautusan, nguni’t kasabay nito, desperado tayo sa paghahanap sa ating ikaliligtas sa ating kasalanan. Nguni’t dahil “… ngayon bukod sa kautusan ay ipinahahayag ang isang katuwiran ng Dios,” ang mga mapapalaya sa kanilang mga kasalanan ay dapat hanapin ang katubusan sa pamamagitan ng kanilang mga pananampalataya sa katuwiran ng Diyos, hindi sa kautusan. Alam nating ang kalayaang ito ay di-makakamit sa pagsunod sa kautusan ng Diyos, kundi sa pamamagitan ng kaligtasang binigay ng Diyos, sa mismong katuwiran ng Diyos na nagligtas sa atin sa pamamagitan ni Jesu-Cristo.
 
Ano, kung gayon, itong katuwiran ng Diyos at Kanyang kaligtasan? Ito ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritung binanggit sa Luma at Bagong Tipan. Ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay binanggit sa Lumang Tipan bilang kaligtasan sa pamamagitan ng pananampalataya sa paraan ng pag-aalay, at sa Bagong Tipan bilang pananampalataya sa bautismo ni Jesus at Kanyang Krus. Sinasabi sa Roma 3:21-22, “Na sinaksihan ng kautusan at ng mga propeta. Sa makatuwid baga’y ang katuwiran ng Dios sa pamamagitan ng pananampalataya kay Jesu-Cristo sa lahat nga mga nagsisisampalataya; sapagka’t walang pagkakaiba.”
Paano natin ngayon makakamit ang katuwiran ng Diyos? Makakamit natin ang katuwiran ng Diyos sa pamamagitan ng pag-aalam, sa pamamagitan ng Salita ng Diyos na pinatotoo ng kautusan at mga propeta, na si Jesus ay Diyos at ating Tagapagligtas, at sa pamamagitan ng kaligtasan sa lahat ng ating mga kasalanan dahil sa ating pananampalataya sa Kanya.
Sa ibang pananalita, nakamit natin ang katuwiran ng Diyos dahil sa pananalig sa Kanyang Salita, pinatotoo ng kautusan at ng mga propeta sa Lumang Tipan. Na ang kautusan at mga propetang nagpatotoo sa Kanyang Salita ay ipinakita rin sa mga unang kapitulo ng Hebreo at Roma.
Na si Jesus ay naparito upang palayain tayo ay ang kaligtasang pinangako sa atin ng Diyos. Ang pangakong iligtas ang mga makasalanan, yaong mga nasa ilalim ng kautusan at patungo sa kanilang kapahamakan, ay binigay ng Diyos maraming libong taon na ang nakalipas. Paulit-ulit Niya itong pinangako at inihayag kung gaano Niya hinangad na tuparin ito sa pamamagitan ng Kanyang mga lingkod na mga nauna sa atin.
 
Ating tignan ang talata bilang halimbawa. Sa Levitico 16:21 ay sinabi, “At ipapatong ni Aaron ang kaniyang dalawang kamay sa ulo ng kambing na buhay, at isasaysay sa ibabaw niyaon ang lahat ng mga kasamaan ng mga anak ng Israel, at lahat ng kanilang pagsalangsang, lahat nga ng kanilang mga kasalanan, at ipadadala sa ilang sa pamamagitan ng kamay ng isang taong handa.” Ang mga talata sa Roma 3:21-22, na ang katuwiran ng Diyos ay pinatotoo ng kautusan at mga propeta, ibig sabihin ang kumpletong kaligtasan ni Jesus ay nahayag sa pamamagitan ng pag-aalay sa Lumang Tipan sa tabernakulo at sa pamamagitan ng mga propetang tulad ni Isaias, Ezekiel, Jeremias at Daniel.
Sa ibang pananalita, inihayag ng Diyos, sa pamamagitan ng Salita sa Lumang Tipan, kung paano Niya tutuparin ang Kanyang kaligtasang pinangako—na Kanya ngang gagawin sa pagsugo kay Jesu-Cristo, Kanyang pakukuha ang mga kasalanan ng sanlibutan sa pamamagitan ng Kanyang bautismo, namatay sa Krus alang-alang sa atin, at samakatuwid ay babayaran ang lahat ng bayarin sa mga kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang sariling katawan, lahat para sa ating kalayaan mula sa kasalanan sa pamamagitan ng katuwiran ng Diyos. Kung gayon, ang ating kaligtasa’y hindi dahil sa kautusan, bagkus sa pamamagitan ng ating pananampalataya sa katuwiran ng Diyos, na si Jesu-Cristo mismo, bilang patotoo ng kautusan at ng mga propeta.
 
Sinabi ng Diyos na tayo’y naligtas sa ating mga kasalanan sa pamamagitan ng pananalig sa Kanyang katuwiran, na siyang tinupad ni Jesu-Cristo. Ang ating pananampalataya ay nagmumula sa pakikinig ng Salita ng Diyos, ang Salita ni Jesu-Cristo. Paano natin malalaman at mananalig na si Jesus ay ang ating Panginoon? Nalalaman at nananalig na si Jesus ay ating Tagapagligtas sa pamamagitan ng pakikinig ng Salita ng Diyos na sinabi ng Kanyang mga lingkod, Kanyang pinangakong ililigtas tayo ayon sa Kanyang layon, at si Jesus ay naparito upang iligtas tayo ayon sa pangako at layong ito. Tulad ng nasusulat sa Danilel 9:24, “Pitong pung sanglinggo ang ipinasiya sa iyong mga tao at sa iyong banal na bayan, upang tapusin ang pagsalangsang, at upang wakasan ang pagkakasala, at upang linisin sa kasamaan, at upang dalhan ng walang hanggang katuwiran, at upang tatakan ang pangitain at ang panghuhula, at upang pahiran ang kabanalbanalan.”
 
 
Ang Diyos ay nagtakda ng pitumpung taon para sa 
ating bayan
 
Pagpapatuloy sa talatang nasa itaas mula sa Aklat ni Daniel. Ang inilalarawan ng talata ay ang pagbagsak ng Israel sa pamamagitan ng Babilon, nang ipinasiya ng Diyos na ang mga Israelita, dahil sa kanilang dios-diusan, dadalhin sa Babilon bilang mga bilanggo at maninirahan doon ng pitumpung taon bilang mga alipin. Sa pagpapasiya ng Diyos, ang Israel ay sinakop at nagapi ng Babilon, at di kayang tagalan ang pagkawasak, di-maglao’y sumuko sa mga mananakop, nagtangay ng maraming mga Israelita bilang mga bilanggo at sila’y naging mga alipin. Sa mga bilanggong dinala ay ang mga pantas, gaya ni Daniel, na ginawang tagapayo ng hari ng Babilon.
Kaya pinarusahan ng Diyos ang mga Israelita sa paraang ito dahil sa kanilang mga kasalanan, nguni’t dahil Siya’y mahabagin, hindi nanatili ang Kanyang galit kailanman, sa halip nilayon Niyang palayain sila matapos ang 70 taon.
Nang magsisi si Daniel sa Diyos para sa kapakanan ng kanyang bayan, dumalangin siya para sa Kanyang habag at pagpapalaya, nagsugo ang Diyos ng anghel at sinabi ang talata: “Pitong pung sanglinggo ang ipinasiya sa iyong mga tao at sa iyong banal na bayan, upang tapusin ang pagsalangsang, at upang wakasan ang pagkakasala, at upang linisin sa kasamaan, at upang dalhan ng walang hanggang katuwiran, at upang tatakan ang pangitain at ang panghuhula, at upang pahiran ang kabanalbanalan.” Ang talatang ito ay ang pangako ng Diyos kay Daniel na Kanyang patatawarin ang lahat ng mga kasalanan ng Kanyang bayan sa 70 taon kapag ang kanilang mga pagsalangsang ay natapos. Inihayag din sa atin ang kalayaang pinangako ng Diyos sa pamamagitan ni Jesu-Cristo.
Dahil ang mga Israelita’y nakagawa ng mga maraming kasalanan, kailangan silang parusahan ng Diyos, at sa halaga ng 70 taong pagkaalipin, pinatawad ng Diyos ang kanilang mga nagdaang kasalanan. Kapag ang pagsalangsang ay tinubos at ang hangganan ng mga kasalanan ay nagawa, lahat ng kasalanan ng mga Israelita’y di na mananatili doon. Kapag ang kasamaan ay nalinis, ang walang hanggang katuwiran ay dinala, at ang pangitain at hula ay natatakan, lahat ng mga salita ng Diyos na sinabi kay Jeremias ay matutupad. Sa 70 taong pagkaalipin, ang lahat ng mga ito’y mababata, at sa ika-pitumpung taon, ang mga Israelita ay babalik sa kanilang bayan.
Ito ang sinabi ng Diyos kay Daniel sa pamamagitan ng Kanyang anghel. Ang pangakong ito ay isang pinangakong ginawa sa mga Israelita, nguni’t ito’y mayroon ding espirituwal na kahalagahan—tulad ng pagtakda ng Diyos ng 70 linggo para sa bayan ng Israel at ang kanilang banal na lungsod, inihanda ng Diyos sa ating lahat na nanalig sa Kanya ang ating Banal na Lungsod ng Langit, ang Kaharian ng Diyos.
 
Sa Roma ay sinabi, “Datapuwa’t ngayon bukod sa kautusan ay ipinahahayag ang isang katuwiran ng Dios, na sinaksihan ng kautusan at ng mga propeta. Sa makatuwid baga’y ang katuwiran ng Dios sa pamamagitan ng pananampalataya ka Jesu-Cristo sa lahat nga mga nagsisisampalataya; sapagka’t walang pagkakaiba.” Nang si Jesus ay naparito sa mundo, binautismuhan at namatay sa Krus, lahat ng ating mga pagsalangsang ay naglaho, ang ating mga kasalanan ay nagwakas, ang walang hanggang katuwiran ay nahayag, at ang pangitain at hula ay tinatakan. Ang talata sa Daniel ay nagtapos, “Upang pahiran ang kabanalbanalan.” Anong ibig sabihin nito? Ang kabanalbanalan ay tumutukoy kay Jesu-Cristo, na naparito sa mundo upang pahiran.
Anong ibig sabihini ng pahiran? Na si Jesus ay magkakaroon ng tatlong katayuan bilang Hari, Mataas na Saserdote ng Kaharian ng Diyos, at ang Propeta. Bilang ating Hari, Mataas na Saserdote at Propeta, tutuparin ni Jesus ang kalooban ng Diyos upang palayain tayo sa lahat ng ating mga kasalanan. Tulad ng inihula ng anghel na nangusap kay Daniel, kinuha ni Jesu-Cristo lahat ng ating mga kasalanan at nahatulan alang-alang sa atin sa pamamagitan ng pagparito dito sa mundo at pagpapabautismo.
“Ang pananampalataya ay nanggagaling sa pakikinig.” Paano, kung gayon, natin maririnig at mananalig dito sa ebanghelyo ng katuwiran ng Diyos? Paano tayo mananalig na si Jesu-Cristo ang ating Tagapagligtas? Maririnig at mananalig tayo sa Salita ng Diyos na binanggit sa Luma at Bagong Tipan—sa mga salitang sinabi ng mga propeta ng Diyos at Kanyang mga lingkod. Ito ay kung bakit sinabi ni Pablo na ang pananampalataya ay nagmumula sa pakikinig, at ang pananampalatayang ito ay nagmumula sa pakikinig ng Salita ni Cristo.
 
Ang mga propeta sa Lumang Tipan, tulad ni Daniel at Isaias, inihula ang ukol sa pagdating ni Jesu-Cristo. Inihula ni Isaias, “Tunay na kaniyang dinala ang ating mga karamdaman at dinala ang ating mga kapanglawan” at “Gaya ng Kordero na dinadala sa patayan, at gaya ng tupang nasa harap ng mga manggugupit sa kaniya ay pipi, gayon ma’y hindi niya binuka ang kaniyang bibig” (Isaias 53:4, 7).
Sino sa panahon ni Isaias ang mananalig na si Jesu-Cristo ay isisilang ng isang birhen upang pumarito sa mundong ito bilang karaniwan sa lahat ng mga karaniwan, nabuhay ng 33 taon, nabautismuhan, pinako, at bumangong muli mula sa kamatayan sa ikatlong araw? Nguni’t nakita at inihula ni Isaias, halos 700 taon bago dumating si Jesus, upang ang lahat ng mga ito ay maisakatuparan. Pinatotoo niya ang katotohanang si Cristo’y dadalhin ang ating karamdaman at lahat ng ating mga kasalanan.
Ito ay kung bakit ginamit ni Pablo ang Salita sa Lumang Tipan ng madalas nang sinusulat niya ang Aklat ng Roma, upang ipaliwanag kung paano pinatotoo ng mga lingkod ng Diyos kung paano naging Tagapagligtas si Jesu-Cristo sa pagparito sa mundo, inalis lahat ng ating mga kasalanan, at iniligtas tayo sa pamamagitan ng katuwiran ng Diyos.
 
 
Sapagka’t ang lahat ay nagkasala
 
Sa Roma 3:23-24 ay sinabing “Sapagka’t ang lahat ay nangagkasala nga, at hindi nangakaabot sa kaluwalhatian ng Dios. Palibhasa’y inaring-ganap na walang bayad ng Kaniyang biyaya sa pamamagitan ng pagtubos na nasa kay Cristo Jesus.” Sapagka’t tayo’y isinilang sa kasalanan at lahat ay nagkasala laban sa Diyos, di-umabot sa Kanyang kaluwalhatian at Kaharian. Nguni’t tayo’y malayang pinawalang-sala sa pamamagitan ng biyaya ng Diyos dahil sa pagtubos ni Jesu-Cristo. Ang ating pagwawala-sala’y walang bayad, walang halaga. Hindi natin kailangang bayaran ang ating mga kasalanan dahil kinuha ni Jesus lahat ng ating mga kasalanan at binayaran ang mga ito sa pamamagitan ng Kanyang sariling buhay sa Krus, lahat ay upang iligtas tayo na mga nakikinig at nananalig sa Kanya.
Ano ang ating ibig sabihin sa pamamagitan ng pananampalataya sa kaligtasan mula sa lahat ng mga kasalanan? Ang pananalig sa katuwiran ng Diyos ay walang kinalaman sa ating mga puso, ang ating Panginoon ay naparito sa mundo, naging Kordero ng Diyos, Siyang nagdala ng lahat ng mga kasalanan ng sanlibutan sa pamamagitan ng pagbautismo ni Juan Bautista, at namatay sa Krus. Sa ikatlong araw, Siya’y bumangong muli mula sa kamatayan, at ngayo’y nakaupo sa kanang kamay ng Diyos Ama.
Kinuha mismo ni Juan ang lahat ng mga kasalanan ng sanlibutan, binayaran ang halaga para sa kaparusahan ng ating mga kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang sariling buhay, at bumangon mula sa kamatayan; lahat upang iligtas tayo sa ating tiyak na kamatayan. Tayo’y naligtas dahil dito. Ang ating kaligtasan ay nagmula sa pananampalataya, at ang ating mga pananampalataya ay nagmula sa pakikinig ng nasusulat na Salita ng Diyos, at ang ating pakikinig ay nagmula sa Salita ni Cristo.
“Ang paniniwala’y nagmumula sa pakikinig.” Nanalig tayo sa pamamagitan ng ating mga puso. Ang ating mga katalinuhan ay para sa kaalaman, habang ang ating mga katawan ay para sa paggawa, at sa ating puso tayo’y nananalig. Ano, kung gayon, ang sasampalatayan ng ating mga puso, at paano? Sa pamamagitan ng pakikinig ng Salita ng Diyos, maririnig natin ang Kanyang ebanghelyo, at sa pamamagitan ng pakikinig ng Kanyang ebanghelyo, magkakaroon tayo ng pananampalataya, at sa pamamagitan ng pagkakaroon ng pananampalataya, tayo’y maliligtas. Kapag tayo’y mananalig, mananalig tayo dahil sa Salita ng Diyos—ito ay, mananalig sa nasusulat na Salitang nagpapahayag na inalis ni Cristo lahat ng ating mga kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang bautismo, pinasan ang mga ito, namatay sa Krus, at bumangong muli mula sa kamatayan.
Ang magkaroon ng pananampalataya sa Salita ng Diyos ay ang pagkakaroon ng pananampalataya sa Kanyang katuwiran. Kaya, ang pananampalatayang di-nakikinig sa Salita ng Diyos ay walang-saysay. Ang mga gayong pag-angkin—na ang Diyos ay nahayag sa pamamagitan ng mga panaginip—ay mga kasinungalingan.
 
Tayo’y naligtas sa pamamagitan ng pananampalataya at sa pananampalataya lamang. Ating basahing muli, ang Roma 3:24-26: “Palibhasa’y inaring-ganap na walang bayad ang kaniyang biyaya sa pamamagitan ng pagtubos na nasa kay Cristo Jesus. Na Siyang inilagay ng Dios na maging pangpalubagloob, sa pamamagitan ng pananampalataya, sa kaniyang dugo, upang maipakilala ang Kaniyang katuwiran dahil sa hindi pagpansin sa mga kasalanan na nagawa nang nagdaang panahon sa pagpapahinuhod ng Dios. Sa pagpapakilala’y aking sinasabi, ng Kaniyang katuwiran sa panahong kasalukuyan, upang siya’y maging ganap at tagaaring-ganap sa may pananampalataya kay Cristo.” Siya nawa. Ang ating Panginoon ay naging tagapamayapa para sa ating mga kasalanan. Dahil sa ating mga kasalanan, tayo’y naging mga kaaway ng Diyos, nguni’t itinaguyod muli ni Jesus ang ating relasyon sa Diyos sa pagiging tagapamayapa para sa ating mga kasalanan sa Kanyang bautismo, kamatayan at pagbangong-muli.
Sa gitna ng Roma 3:25 ay ang talatang, “upang maipakilala ang kaniyang katuwiran dahil sa hindi pagpansin sa mga kasalanan na nagawa nang nagdaang panahon sa pagpapahinuhod ng Dios. Sa pagpapakilala’y aking sinasabi, ng kaniyang katuwiran sa panahong kasalukuyan.” Sinasabi sa atin ng talatang ito na ang Diyos ay matiyagang naghintay ng mahabang panahon, at Siya’y maghihintay hanggang sa Araw ng Paghuhukom. Ang mga nananalig kay Jesu-Cristo, ang mga nananalig sa kaligtasan sa pamamagitan ng tubig at ng dugo, ang mga nananalig sa kaligtasan ng Anak, na naging tagapamayapa sa Diyos Ama—lahat ng kanilang mga kasalanan ay inilipat ng Diyos. ‘Upang di-pansinin ang mga kasalanan’ ay nangangahulugang inilipat ng Diyos ang mga kasalanan ng mga nakinig at nanalig sa Salita ng Diyos at Kanyang ebanghelyo, mismong taong nanalig sa bautismo ni Jesus at Kanyang dugo sa Krus.
Paminsan-minsan tayo’y nanghihina ang loob sa ating mga buhay, nguni’t ito’y dahil sa kahinaan ng ating laman at mga isip, at hangga’t hindi tayo nagtatatwa sa kaligtasan ni Jesu-Cristo, hindi makikita ng Diyos ang mga kasalanang ito bilang mga kasalanan. Ang Diyos ay hindi, sa ibang pananalita, tumitingin sa mga kasalanan ng mga naligtas sa pamamagitan ng pananalig sa tubig at ng dugo ni Jesu-Cristo sa kanilang mga puso, nguni’t di-pinapansin ang mga ito.
Bakit, kung gayon, hindi pinansin ng Diyos ang ating mga kasalanan? Paanong hindi Niya papansinin ang gayong mga kasalanan, gayong Siya’y banal at makatarungang Diyos? Ito’y dahil si Cristo ay naparito sa mundo at binautismuhan. Ito’y dahil inalis ni Jesus lahat ng mga kasalanan ng sanlibutan sa pamamagitan ng Kanyang bautismo at pagkapako sa Krus hindi binigyang pansin ng Diyos ang ating nagdaang mga kasalanan. Ang mga nagdaan bang mga kasalanan ay tumutukoy lang sa ating mga orihinal na kasalanan? Hindi, dahil habang ang mga ito ay waring ating orihinal na kasalanan, para sa ating Diyos Ama, ang lahat ng bagay ay nakalipas.
 
Sa pananaw ng walang hanggan, ang panahon sa mundong ito ay laging nagmumukhang parang nakalipas. Ang mundong ito ay mayroong simula at hangganan, nguni’t ang Diyos ay di-nagmamaliw, kaya kung ating ihahambing ang Kanyang oras sa makalupang oras, lahat ng mga kasalanan ng sanlibutan ay nakikita bilang mga gawa sa nagdaan sa harapan Niya. “Upang maipakilala ang Kaniyang katuwiran dahil sa hindi pagpansin sa mga kasalanan na nagawa nang nagdaang panahon.” Ito’y kung bakit hindi nakikita ng Diyos ang ating mga kasalanan. Hindi dahil wala Siyang mata upang hindi Niya makita ng ating mga kasalanan, nguni’t hindi Niya nakikita ang mga ito dahil ang Kanyang Anak na si Jesu-Cristo ay binayaran na ang bayarin ng ating mga kasalanan. Dahil ang bautismo ni Cristo at pagkapako sa Krus nilinis ang ating mga kasalanan, nakikita Niya tayo bilang mamamayang walang kasalanan.
Paano makikita ng Diyos ang ating mga kasalanan gayong sa pagtupad ni Jesu-Cristo sa katuwiran ng Diyos ay tinubos lahat ng mga nananalig dito, inalis na ang mga kasalanan mula sa atin? Ganito pinakita ng Diyos ang Kanyang katuwiran ngayon sa hindi pagpansin ng mga kasalanang nagawa noong nagdaan, mga kasalanang binayaran na ni Jesu-Cristo.
 
Ang pananampalataya sa katuwiran ng Diyos ay nagmumula sa Salita ni Cristo dahil ang Salita ni Cristo mismo ay kalakip ang katuwiran ng Diyos. Sa pamamagitan ng pagpapakilala ng Kanyang katuwiran, ipinakita ng Diyos hindi lang ang Kanyang katuwiran, kundi maging ang katuwiran ng mga nananalig kay Jesu-Cristo. Inalis ng Diyos ang lahat ng ating mga kasalanan, at tayo rin, ay nananalig ang ating mga puso na inalis ni Jesus ang lahat ng ating mga kasalanan. Kaya tayo naging walang kasalanan at pinawalang-sala, ibinihis ang katulad na katuwiran ni Cristo (Galacia 3:27). Dahil ang Diyos at tayo ay matuwid, lahat tayo’y magka-pamilya, ikaw at ako ay Kanyang anak. Naniniwala ka ba sa magandang balitang ito?
Ibig bang sabihin na may isang bagay sa ating sarili na maipagmamayabang natin? Wala! Ikaw ba’y naligtas dahil sa iyong pagdalo sa madaling-araw na pagsamba sa iglesia? Ikaw ba’y naligtas dahil hindi nagliban sa lingguhang pananambahan? Ikaw ba’y naligtas dahil sa tiyak mong pagbibigay ng ikapu? Hindi.
Ang lahat ng mga ito ay gawa, at ang mga pananampalatayang batay sa mga gawa at mga pananampalatayang dinagdagan ng mga gawa ay mga maling pananampalataya. Tayo’y naligtas sa ating mga kasalanan lamang sa pamamagitan ng pananalig sa katuwiran ng Diyos sa ating mga puso. Ang pananampalataya ay nagmumula sa pakikinig, at ang kaligtasan ay nagmumula sa pananampalataya sa Salita ni Cristo.
Ang pagsisikap na makamit ang paghuhugas ng mga kasalanan sa pamamagitan ng mga panalanging pangungumpisal, matapos manalig kay Jesus, ay isa ring maling pananampalataya, dahil ang tunay na pananampalataya ay nagmumula lamang sa pananalig sa katuwiran ng Diyos, hindi sa mga gawa ng kautusan. Tulad ng sinabi ng Salita ng Diyos, “Kaya nga saan naroon ang pagmamapuri? Ito’y inihiwalay na. Sa pamamagitan ng anong kautusan? Ng mga gawa? Hindi, kundi sa pamamagitan ng kautusan ng pananampalataya. Kaya nga maipapasiya natin na ang tao ay inaaring-ganap sa pananampalataya na hiwalay sa mga gawa ng kautusan. O ang Dios baga ay Dios ng Judio lamang? Hindi baga Siya ang Dios din ng mga Gentil? Oo, ng mga Gentil din naman.”
Ang kaligtasan ay nagmumula, para sa mga Israelita at mga Gentil, sa pamamagitan ng pakikinig at pananalig ng kanilang mga puso na iniligtas sila ni Jesu-Cristo sa Kanyang tubig at dugo. Tayo’y naligtas sa ating mga kasalanan nang tayo’y manalig sa katuwiran ng Diyos. Nang tayo’y manalig sa katuwirang ito, si Jesu-Cristo, tayo’y naligtas sa ating mga kasalanan. Ang Diyos ay naging ating Ama at tayo’y naging Kanyang mga anak. Ito ang kaligtasan sa pamamagitan ng pananampalataya sa katuwiran ng Diyos, sa pamamagitan ng pakikinig at pananalig sa Salita ni Cristo. Ang ating pananampalataya ay nagmumula sa pananalig sa katuwiran ng Diyos.
 
Ang ating kaligtasan ay nagmumula sa pamamagitan ng ating pananampalataya sa Salita ni Cristo. Naniniwala ka ba na si Cristo ay naparito sa mundo bilang iyong Tagapagligtas, na sa Kanyang bautismo, kinuha Niya lahat ng mga kasalanan ng sanlibutan bilang isang tagapamayapa sa Diyos, at Siya’y namatay sa Krus, bumangong muli mula sa kamatayan sa ikatlong araw, at nakaupo sa kanang kamay ng Diyos Ama? Naniniwala ka ba talaga sa kaligtasang ito, sa pagwawalang-sala ng ating Panginoong Jesu-Cristo?
Maraming mga tao ang humihiling sa Diyos na magpakita Siya sa kanilang mga panaginip, nagsasabing sila’y maniniwala kung makikita lamang nila Siya kahit minsan sa kanilang mga sariling mata. Ang iba’y umaangking nakita na nila si Jesus sa kanilang mga panaginip, na Kanyang sinabi sa kanila na gawin ang ganito at ang gayong mga bagay—magtayo ng iglesia rito, isang sentro ng dalanginan doon, atbpa, nguni’t kadalasa’y isang bagay na nangangailangan ng salapi—at nadadaya ng gayong mga huwad na pag-angkin, marami ang naliligaw. Maraming mga nakalulungkot na mga pangyayari dito sa mundo ng Kristiyanismo. Dapat mong malaman na lahat ng mga bagay na ito ay hindi gawain ng Panginoon, kundi sa Diablo mismo.
Kung, kahit saang pagkakataon, nakita mo si Jesus sa iyong mga panaginip, huwag mong masyadong seryosohin ito. Ang mga panaginip ay mga panaginip lamang. Si Jesus ay hindi magpapakita sa iyong harapan sa gayong kapamaraanan—kung gayon, hindi na kailangan pa ang Biblia. Kung si Jesus ay nagpakita sa atin kahit minsan lang, kaya dapat nating isara ang Biblia, dahil hindi na ito kailangan pa. Nguni’t ito’y ay nakawawasak na ibubunga sa kaligtasang gawa ni Cristo.
Kung tayo’y mananalig kay Jesus na wala ang Biblia, kailangan Siyang magpakita sa bawa’t isa. Nguni’t hindi kailangan ito, dahil tinupad na ng Panginoon ang lahat ng mga kakailanganin ng kaligtasan. Itong dahilan kung bakit ang pananampalataya ay nagmumula sa pakikinig at pananalig sa Salita ni Cristo. Lahat na ba ng tao, kung gayon, ay nakarinig na ukol kay Jesu-Cristo? Maaaring narinig na nila ang pangalan ni Jesu-Cristo, nguni’t hindi lahat sa kanila’y narinig na ang tunay na ebanghelyo. Ito ay kung bakit si Pablo ay nagtanong, “At paano silang mangakikinig na walang tagapangaral?”
 
Samakatuwid, dapat nating ipangaral ang ebanghelyong ito na naglalaman ng katuwiran ng Diyos. Nguni’t ng ano at paano? Sa anong paraan o kung paano ang ebanghelyo ay ipangangaral ay di-mahalaga; lahat ng pamamaraan ng pagpapalawig ng mabuting balita, sa pamamagitan ng mga sinambit na salita, o mga babasahin, ay nagmumula sa Salita ni Cristo. Ang mga babasahing material ay ipinangangaral din ang ebanghelyo, maaaring akayin ang mga mambabasa tungo sa tunay na pananampalataya. Anuman ang pamamaraan, dapat mong tandaan na ang pananampalataya ay nagmumula lamang sa pakikinig, at pakikinig ay nagmumula lamang sa pangangaral ng mabuting balita.
Kung mayroon talagang pananampalataya ng Salita ng Diyos sa iyong puso, sa gayo’y malaman mong ika’y isang tunay na Kristiyano. Nawa at dalangin ko na batid ninyo ito; na ika’y ligtas sa iyong mga kasalanan. Nawa at dalangin ko rin na tumangan kayo sa Salita ng tubig at ng Espiritu ng buong puso. Atin ngayong wakasan ang ating talakayan sa pamamagitan ng sama-samang pagbasa ng Roma 10:17.
“Kaya nga ang paniniwala’y nanggagaling sa pakikinig, at ang pakikinig ay sa pamamagitan ng Salita ni Cristo.” Siya nawa. Ang mga nananalig sa kanilang mga puso sa pamamagitan ng pakikinig nitong nakasulat na Salita ng Diyos ay yaong mayroong mga tunay na pananampalataya. Taglay mo ba ang katotohanang it? Niligtas tayo ng Panginoon sa lahat ng ating mga kasalanan.
Lubos ang ating pasasalamat at kaligayahan dahil inalis ng Panginoon ang lahat ng ating mga kasalanan! Kung wala ang ebanghelyo, ang tao’y laging walang pag-asa, nguni’t sa pamamagitan lamang ng pakikinig na inalis ni Jesus ang lahat ng ating mga kasalanan sa Kanyang bautismo, ang ating mga puso’y mupupuno ng kagalakan at ang ating mga pananampalataya’y magsisimulang lumago.
 
Nagpapasalamat ako sa Panginoon a pagliligtas sa atin