• All e-books and audiobooks on The New Life Mission website are free
  • Explore multilingual sermons in global languages
  • Two new revised editions in English have been released
  • Check out our website translated into 27 languages
Search

Sermons

Paksa 9: Mga Romano (Mga Komento sa Aklat ng Mga Roma)

[Kabanata 11] Maliligtas ba ang Israel?

2021.04.13 138
Sinasabi ng Roma 11:1, “Sinasabi ko nga, Itinakuwil baga ng Dios ang Kaniyang bayan? Huwag nawang mangyari. Sapagka’t ako man ay Israelita, sa binhi ni Abraham, sa angkan ni Benjamin.” Sa ibang pananalita, hindi pinabayaan ng Diyos ang mga Israelita, dahil si Pablo mismo ay isa ring Israelita.
Sinabi ng Diyos sa Roma 11:2-5, “Hindi itinakuwil ng Dios ang Kaniyang bayan na nang una pa’y kinilala Niya. O hindi baga ninyo nalalaman ang sinasabi ng Kasulatan tungkol kay Elias? Kung paanong namamagitan siya sa Dios laban sa Israel na sinabi: ‘PANGINOON, pinatay nila ang Iyong mga propeta, giniba nila ang Iyong mga dambana, at ako’y naiwang nag-iisa, at hinahanap nila ang aking buhay.’ Datapuwa’t ano ang sinasabi ng kasagutan ng Dios sa kaniya? “Nagtira Ako sa Akin ng pitong libong lalake na hindi nangagsiluhod kay Baal.” Gayon din nga sa panahong itong kasalukuyan ay may isang nalalabi ayon sa pagkahirang ng biyaya.”
Tulad ng sinabi ng Diyos sa atin maraming mga Israelita ang magbabalik sa Kanya sa pamamagitan ng pananalig kay Jesus, maraming Judio ang maliligtas sa kanilang mga kasalanan. Dapat tayong maniwala na kapag dumating na ang huling araw, malaking bilang ng mga Gentil ang matutubos sa kanilang mga kasalanan dahil sa pananalig sa katuwiran ng Diyos at pagkilala kay Jesu-Cristo.
 
Tinanong ni Pablo, “Hindi baga ninyo nalalaman ang sinasabi ng kasulatan tungkol kay Elias?” Dito ay tinutukoy ni Pablo ang katotohanang ang mga Israelita’y unti-unting magtitiwala sa katuwiran ng Diyos na mag-aalis sa kanilang mga kasalanan. Sa Salita ng Diyos na sinabi kay Elias, sinasabi sa atin ng kasulatan na marami sa mga Israelita ang tatanggap kay Jesus bilang kanilang Tagapagligtas. Naniniwala tayo sa Salitang ito.
Sa Kasulatan, ang numerong “7” ay sumasagisag ng pagka-lubos. Nilikha ng Diyos ang sanlibutang ito ng anim na araw at nagpahinga sa ikapitong araw. Nangako ang Diyos na magtira ng pitong libong tao na di-luluhod kay Baal. Ibig sabihin maraming mga Israelita ang magkakamit ng kaligtasan sa kanilang mga kasalanan sa pamamagitan ng pagtanggap kay Jesu-Cristo bilang kanilang Tagapagligtas.
Sa pagpapaliwanag sa ugnayan sa pagitan ng mga Israelita at mga Gentil, naniniwala si Pablo na marami sa mga Israelita ang maliligtas.
 
 
Nangatisod kaya sila upang mangahulog?
 
Sa Roma 11:6-13 ay binanggit, “……Datapuwa’t nagsasalita ako sa inyong mga Gentil. Palibhasa’y ako nga’y apostol ng mga Gentil, at niluluwalhati ko ang aking ministerio.” Sinabi ni Pablo na kanyang niluluwalhati ang kanyang ministeryo bilang apostol ng mga Gentil. Nais niyang maligtas ang mga tao ng kanyang sariling laman at dugo sa pamamagitan ng pagpukaw sa kanila upang magselos sa mga isinilang na muling Gentil.
“Sapagka’t kung ang pagkakatakuwil ay siyang pakikipagkasundo ng sanglibutan, ano kaya ang pagtanggap sa kanila, kundi buhay mula sa mga patay? At kung ang pangunahing bunga ay banal ay gayon din ang lahat, at kung ang ugat ay banal, ay gayon din ang mga sanga” (Roma 11:15-16). Ibig sabihin ng talatang ito na kung si Abraham, ang ugat ng mga Israelita, ay naligtas at nakamit ang katuwiran ng Diyos dahil sa pananalig sa Kanyang Salita, kaya naging posible pa na ang mga Israelita, mga sanga ni Abraham, ang maligtas.
Kasabay nito, pinaalalahanan ni Pablo ang mga isinilang na muling Gentil na hindi sila dapat magyabang dahil sila’y naging banal na bayan ng Diyos bilang mga putol na sanga ng isang puno ng olibo ay binigay sa kanila ang bagong buhay sa pagkakahugpong sa isang nilinang na puno ng olibo. Tulad ng sinabi sa Roma 11:18, “Huwag kang magpalalo sa mga sanga, datapuwa’t kung magpalalo ka, ay hindi ikaw ang nagkakandili sa ugat, kundi ang ugat ang nagkakandili sa iyo.”
Tayo’y naging bayan ng Diyos dahil tayo’y naligtas sa ating mga kasalanan sa pamamagitan ng pananalig sa katuwiran ng Diyos, nguni’t kung ating pababayaan ang katuwiran ng Diyos, tayo rin ay pababayaan. Hindi natin magagawa ito dahil tinupad ni Jesu-Cristo lahat ng katuwiran ng Diyos upang iligtas tayo sa lahat ng ating mga kasalanan, at dahil nga tayo’y naligtas sa lahat ng ating mga kasalanan. Tayo’y naligtas sa pamamagitan ng ating pananampalataya sa tiyak na katuwiran ng Diyos, hindi dahil sa ating mga sariling gawa. Tayong mga Gentil, ay naging Kanyang bayan sa pamamagitan ng ating pananampalataya sa Kanyang katuwiran, bilang kapalit sa mga naputol na sanga na mga Israelita.
 
 
Makakatayo ng maigi dahil nananalig tayo sa katuwiran ng Diyos 
 
Samakatuwid, sa pamamagitan ng pananalig sa katuwiran ng Diyos, ang mga Kristiyano at mga Judio ay maaaring idugtong kay Jesus bilang Kanyang bayan. Kung hindi tayo mananalig sa katuwiran ng Diyos, tiyak na mamamatay tayo dahil sa ating mga kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang makatarungang hatol. Pinaalalahanan ni Pablo ang mga Israelita, nguni’t hindi tayo libre sa paalalang iyan.
Naawa ang Diyos sa ating mga Gentil, at lubos na niligtas tayo ng Kanyang katuwiran. Ang mga nakakaalam at nananalig sa katuwiran ng Diyos ay ligtas sa lahat ng kanilang mga kasalanan. Lahat ng mga Kristiyano sa panahong ito ay matutungo sa kapahamakan kung hindi sila mananalig sa katuwiran ng Diyos na lubos na nagligtas sa kanila, kahit pa ipahayag nilang si Jesus ay kanilang Tagapagligtas.
 
Sa Roma 11:23-24 ay sinabi, “At sila naman, kung hindi mangagsisilagi sa di pananampalataya ay mangakakasanib, sapagka’t makapangyarihan ang Dios upang sila’y isanib na muli. Sapagka’t kung ikaw ay pinutol doon sa talagang olibong ligaw, at laban sa kaugalian ay isinanib ka sa mabuting puno ng olibo, gaano pa nga ang mga ito, na mga talagang sanga, na mangakakasanib sa kanilang sariling punong olibo?” Ang Diyos, sa ibang pananalita, ay may kapangyarihan akayin ang sinuman upang magkaroon ng pananampalataya sa Kanyang katuwiran. Pinangako ang kapangyarihang iyan sa katuwiran ng Diyos sa pamamagitan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu.
Para sa mga Israelita at mga Gentil, ang kanilang mga gawa ay hindi mag-aakay sa kanila upang maging mga anak ng Diyos. Sa halip, sila’y magiging mga anak ng Diyos sa pananalig sa Kanyang katuwiran at Kanyang pangako upang sila’y maging Kanyang bayan. Ang katuwiran ng Diyos ay lubos na Diyos—kasama ang katuwiran ng Kautusan. Sa pamamagitan ng katuwiran ng Diyos, ang mga Israelita at mga Gentil sa buong mundo ay maliligtas dahil sa kanilang pananampalataya. Ito ang pagpapala ng dakilang kaligtasan ng Diyos na matutupad sa pamamagitan ng ebanghelyong pinapalawig natin. Ang kapangyarihang ito ng Diyos ay ang Kanyang pananampalatayang pinangako ng Kanyang katuwiran.
Ating tignan ang Roma 11:26-27, “At sa ganito’y ang buong Israel ay maliligtas: gaya ng nasusulat:
‘Magbubuhat sa Sion ang Tagapagligtas,
Siya ang maghihiwalay sa Jacob ng kalikuan,
At ito ang Aking tipan sa kanila,
Pagka aalisin Ko ang kanilang mga kasalanan.”
Pinangako ng Diyos na Kanyang unti-unting ililigtas ang mga Israelita sa huling panahon. Tulad niyaon, pinangako mismo ng Diyos na aalisin ang kasamaan at karumihan sa mga isipan ng mga Israelita at gagawin Niyang silang manalig kay Jesu-Cristo bilang kanilang Tagapagligtas. Bagaman sila’y may mga matapat na mga ninuno, silang mga Israelita mismo ay Diyos—natamo ang kaligtasan. Nguni’t nilayon ng Diyos na sila’y maligtas sa nalalapit na hinaharap sa pamamagitan ng pag-udyok sa kanilang mga puso at gawing manalig sila sa Kanyang katuwiran.
 
 
Kinulong tayong lahat ng Diyos sa kasuwayan, upang siya’y mahabag sa ating lahat! 
 
Ating basahin ang talatang 32, isang malalim na talata, “Sapagka’t ang lahat ay kinulong ng Dios sa kasuwayan, upang Siya’y mahabag sa lahat.” Bawa’t isa’y nagrebelde at sumalungat sa Diyos. Walang lubos na makakasunod sa Kanya, nguni’t ang dahilang hinayaan tayo ng Diyos sa lahat ng pagsuway ay upang Kanyang maipadama sa atin ang habag at pag-ibig. Ito’y isang kagulat-gulat at kamangha-manghang katotohanan.
Sa pamamagitan ng talatang ito, mauunawaan natin bakit kinulong ng Diyos ang tao sa kasuwayan. Kamangha-mangha ang Kanyang kalinga. Nilagay Niya tayo sa isang lugar bilang mga masuwayin upang damtan tayo ng Kanyang ganap na katuwiran at mahabaging pag-ibig. Mananalig lang tayo at magpapasalamat sa Kanya dahil sa Kanyang kamangha-manghang layon. Hinayaan din ng Diyos ang mga Israelita sa kasuwayan upang ipagkalooban sa kanila ang pag-ibig ng Kanyang katuwiran. Ang mga Israelita ay mababa pa rin ang pagtingin kay Jesus, kinikilala Siya bilang isang ordinaryong tao ng Nazaret, habang marami sa mga Kristiyanong Gentil ay ginagamit Siya bilang paraan ng pagkikitaan ng salapi.
Ang mga sumusuway sa mahabaging pag-ibig ng Diyos ay wala ng pagpipilian kundi ang matungo sa impiyerno. Inihanda na ng Diyos ang nag-aapoy na impiyerno para sa kanila, nguni’t hindi Niya matiis ang taong patungo sa impiyerno dahil sa Kanyang dakilang awa sa kanila. “Paano Ko kayo mapapadala sa impiyerno?” pagkatapos ng maraming bilang ng mga Gentil ang magtamo ng Kanyang kaligtasan, marami sa mga Israelita ang mananalig kay Jesus bilang kanilang Tagapagligtas, kapag ang anticristo ay uusig sa kanila sa huling kalahating bahagi ng 7 taong kapighatian. Sa hinaharap, di-mabilang na mga mananampalataya na nagpapahayag kay Jesus bilang ang katuwiran ng Diyos ay aahon mula sa mga Israelita.
“Sapagka’t ang lahat ay kinulong ng Dios sa kasuwayan, upang Siya’y mahabag sa lahat.” Ipinapaliwanag ng kamangha-manghang talatang ito na hinayaan ng Diyos ang lahat ng mga makasalanan na maligtas sa pamamagitan ng pananalig sa Kanyang katuwiran.
 
Sinabi ng Diyos kay Pablo na Kanyang papagsisihin ang mga Israelita at manalig kay Cristo kapag ang sapat na bilang mg mga Gentil ay naging mga martir sa panahon ng kapighatian. Tulad ng sinabi ni Pablo sa Roma 11:33, “Oh kalaliman ng mga kayamanan ng karunungan at ng kaalaman ng Dios! Oh di matingkalang mga hatol Niya, at hindi malirip na Kaniyang mga daan!”
Lahat ng tunay na karunungan at awa’t tulong ay nagmumula sa Diyos. Ginawa ang lahat ng mga tao na walang kasapatan na mga nilalang mula sa pasimula. Dito’y pinakikita ang karunungan ng Diyos, ang nagpahintulot sa atin na makamit ang Kanyang kaligtasan. Sanhi nito, ang pananalig sa Kanya sa mga huling araw ang magliligtas din sa mga Israelita. Lahat tayo’y walang pagpipilian kundi ang matapon sa basura at sa apoy, nguni’t niligtas tayo ng Diyos mula sa lahat ng ating mga kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang katuwiran nilayon at isinagawa sa pamamagitan Niya. Nilayon ng Diyos para sa lahat ng mga makasalanan na maligtas dahil sa bautismo ni Jesus at dugo, ayon sa pamamaraan ng paghahandog sa tabernakulo sa Lumang Tipan, nang ang lahat ay naging mga makasalanan dahil sa pagtukso ni satanas at pagsuway sa Kautusan ng Diyos.
Paano, kung gayon, maaaring ang sinuman ay mangahas na tumayo laban sa karunungan ng Diyos? “Sapagka’t Kaniya, at sa pamamagitan Niya, at sa Kaniya, ang lahat ng mga bagay. SumaKaniya nawa ang kaluwalhatian magpakailan man. Siya nawa.” Sinong makakaalam ng katotohanang ito, na hinayaan tayo ng Diyos sa pagsuway upang ibigay sa atin ang Kanyang habag? Wala ni isa! Ang lahat ng kaluwalhatian at awa’t tulong ay sa Kanya magpakailan kailan man.
Si Apostol Pablo, puspos ng Banal na Espiritu, ay sinulat, “Sapagka’t sino ang nakakaalam ng pagiisip ng Panginoon? O sino ang Kaniyang naging kasangguni? O sino ang nagbigay na una sa Kanya, at Siya’y babayarang muli? Sapagka’t Kaniya, at sa pamamagitan Niya, at sa Kaniya, ang lahat ng mga bagay. SumaKaniya nawa ang kaluwalhatian magpakailan man. Siya nawa” (Roma 11:34-36).
 
Bagaman tayo’y puno ng mga pagkukulang, nabubuhay tayo upang palawigin ang ebanghelyo ng katuwiran ng Diyos. Ang mga sumasalungat sa ebanghelyo ng katuwiran ng Diyos ay Kanyang mga kaaway. Tama! Ang gayong mga tao ay maaaring magmula sa atin, kaya dapat tayong manalangin at mabatid upang wala sa atin ang mahulog sa gayong tukso. Walang anumang pangyayaring tayo’y magiging salungat sa ebanghelyo. Hindi natin dapat talikuran ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ng may mga pusong di-nananalig. Ang mga sumasalungat dito ay mapapahamak sa mundong ito at sa susunod na mundo.
Ang panahon para sa mga Israelita na manalig kay Jesus ay malapit na. Anong kahanga-hanga kung ang anim na bilyong tao sa mundong ito ay manumbalik sa Diyos at tanggapin ang kaligtasan? Ang mga matuwid, na nananalig sa katuwiran ng Diyos, ay hindi lamang tumitingin sa kasalukuyang kalagayan, kundi tumitingin din sa gawaing nilayon ng Diyos para sa mga Israelita at ihanda ang kanilang pananampalataya upang makapasok at mamuhay sa bagong langit at lupa. Ang matuwid ay dapat laging mamuhay sa pamamagitan ng pananampalataya at pag-asa.
 
Nagpapasalamat ako sa Diyos, dahil ang araw ng mga Israelita na manalig kay Jesus bilang kanilang Tagapagligtas ay nalalapit na
 
Halika na, Panginoong Jesus!