• All e-books and audiobooks on The New Life Mission website are free
  • Explore multilingual sermons in global languages
  • Two new revised editions in English have been released
  • Check out our website translated into 27 languages
Search

Sermons

Paksa 9: Mga Romano (Mga Komento sa Aklat ng Mga Roma)

[Kabanata 12] Magbago ng iyong pag-iisip sa harapan ng Diyos

2021.04.13 140
“Kaya nga, mga kapatid, ipinamamanhik ko sa inyo, alangalang sa mga kahabagan ng Dios, na inyong iharap ang inyong mga katawan na isang haing buhay, banal, na kaayaya sa Dios, na Siya ninyong katampatang pagsamba” (Roma 12:1).
Ano itong “katampatang pagsamba,” isinalin bilang isang “gawang espirituwal na pagsamba” sa New International Version (NIV), na dapat nating ibigay sa Diyos? Ang pagbibigay ng katampatang pagsamba sa Diyos ay ang pag-aalay ng ating mga katawan sa Kanya upang gawin ang Kanyang makatwirang gawa. Yamang tayo’y naligtas, kailangan nating ialay ang ating mga katawan at maging katanggap-tanggap sa Diyos para sa papapalawig ng makatwirang ebanghelyo. Ang katampatang pagsamba na dapat nating ibigay sa Diyos ay ang pagtalaga ng ating mga katawan na magkakahiwalay sa kabanalan upang ibigay ang mga ito sa Kanya.
 
Sa kapitulo 12, tinalakay ni Pablo kung ano ang ating espirituwal na pagsamba. Hindi upang makiayon sa mundong ito, kundi mag-iba sa pamamagitan ng pagbabahagi ng ating mga pag-iisip, upang mapatunayan natin kung alin ang mabuti at kaaya-aya at lubos na kalooban ng Diyos.
Katampatang pagsamba ay ang pag-aalay ng lahat ng ating mga katawan at mga puso sa Diyos. Paano, kung gayon, ang matutuwid ay makapamumuhay ng gayong buhay sa Diyos? Sinabi ni Pablo na hindi tayo dapat makiayon sa mundong ito, bagkus ay mag-iba at magbago ng isip, at dapat nating ialay ang ating mga katawan para sa mga makatwirang gawain ng Diyos. Pananalig sa katuwiran ng Diyos, habang inaalay ang ating mga puso at mga katawan, ay isa ring katampatang pagsamba sa Diyos.
Ang talatang ito’y napakahalaga dahil sinasabi sa atin na hindi tayo dapat makiayon sa mundong ito, at sa halip, dapat tayong maglingkod sa mga gawain ng Diyos at mag-iba sa pamamagitan ng pagbabago ng ating mga pag-iisip.
Hindi tayo makapagbibigay ng espirituwal na pagsamba ng hindi muna binabago ang ating mga puso. Kahit ang matuwid ay hindi maibigay ang kanilang mga katawan o mga puso sa Diyos kung hihinto sila sa pananalig sa Kanyang katuwiran.
Maaari tayong hikayatin ng henerasyong ito, tulad ng nangyari sa henerasyon ni Pablo. Dahil tayo’y nabubuhay sa nakatatangay na anod nitong makasalanang henerasyong ito, kung hindi tayo nananalig sa katuwiran ng Diyos tayo’y tiyak na susunod sa agos ng panahong ito. Kahit pa ang matuwid na nananalig sa katuwiran ng Diyos ay di-maiiwasang maimpluwensiyahan ng mga makasanlibutang agos, habang sila’y nabubuhay kasama ang mga makasanlibutang tao. Kaya sinabi ng Biblia sa atin na huwag makiayon sa mundong ito.
 
Paano, kung gayon, maiaalay ng matuwid ang katampatang pagsamba, isang banal na handog sa Diyos sa kanilang mga buong puso at mga katawan, habang nakalantad sa mundong ito? Ito’y posible lamang sa pamamagitan ng pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu na walang katapusang magbabago ng ating mga pag-iisip. Ang matuwid ay mababatid at makasusunod sa mabuti at lubos na kalooban ng Diyos kapag kanilang baguhin ang kanilang mga pag-iisip at maging iba sa pamamagitan ng Kanyang katuwiran.
Hindi sinasabi ni Pablo ito dahil sa kanyang kamangmangan sa mga makamundong bagay. Ni hindi siya nagbibigay ng mga relihiyosong aral sa mga mananampalataya sa pagsabing, “Tayo’y maging mabuti,” habang nananatiling mangmang sa kanilang mga kaganapan at mga kakayahan. Ang dahilan kung bakit hinikayat tayo ni Pablo na baguhin ang ating mga pag-iisip upang maglingkod sa Diyos ay dahil lubos niyang alam na ang mananampalataya rin, ay maaaring matangay ng mga pamamaraan ng mundo.
Kahit isinilang na muli o hindi, ang mga pisikal na katawan ay hindi magkakaiba sa isa’t isa. Nguni’t mayroong malaking kaibhan sa pagitan ng mga isinilang na muli at yaong hindi—ito ay ang pananampalataya sa katuwiran ng Diyos. Ang matuwid lamang ang makasusunod sa Panginoon sa pamamagitan ng walang katapusang pagbabago ng kanilang mga pag-iisip habang nananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu.
 
Ano, kung gayon, ang magpapabago sa ating mga puso? Pananampalataya sa Salita ng ebanghelyo na ipinangangaral ang ating lubos na kalayaan sa kasalanan ang magpapabago ng ating mga puso. Pinatawad ng Diyos ang lahat ng kasalanang nagawa ng ating mga katawan at mga pag-iisip sa ating mga kahinaan at mga karupukan ng laman. Ang mga pag-iisip ng matuwid ay maaaring magbago dahil pinatawad ng ating Panginoon ang lahat ng mga kasalanan ng sanlibutan sa Kanyang bautismo at Kanyang dugo sa Krus. Ang ating mga pag-iisip, sa ibang pananalita, ay nabago dahil nanalig tayo sa katuwiran ng Diyos.
Ngayo’y kailangan natin ng wastong unawa kung anong gagawin natin sa harap ng Diyos. Kailangan nating malirip kung ano ang ganap na kalooban Niya, ano ang nais Niya sa atin, anong misyon ang Kanyang ibinigay sa atin, at ano ang dapat gawin ng mga matuwid. Dapat nating baguhin ang ating mga puso sa mga lugar na ito at maglingkod sa Kanya. Ang kalooban ng Diyos sa atin ay upang ialay ang ating mga katawan at mga pag-iisip, ihahandog ang ating mga sarili bilang banal na alay sa Kanya. Maibibigay natin ang ating mga pag-iisip. Ang pagbabago ng ating mga isipa’y nagmumula sa pananalig na inalis ng Diyos ang lahat ng ating mga kasalanan.
Mayroon isang kaibhan sa pagitan ng mga isinilang na muli at yaong mga hindi. Mga matuwid lamang ang maaaring magbago ng kanilang mga pag-iisip sa pamamagitan ng pananalig sa katuwiran ng Diyos. Tayong mga matuwid, ay maaaring gawin lagi ang mga bagay na makalulugod sa Diyos sa pananampalataya sa pamamagitan ng paglilinis at pagbabago ng ating mga puso, at itatwa ang mga makamundong pita ng laman. Ang mga matuwid ay kaiba sa mga makasalanan dahil maari nilang baguhin ang kanilang mga puso at laging maglilingkod at mamumuhay kasama ang Panginoon.
 
 
Dapat mong baguhin ang iyong puso ng may pananampalataya 
 
Maraming mga tanyag na tao sa T.V. Ang mga tao sa mundong ito ay abala sa pagtatangkang tularan ang mga estilo at mga moda ng mga kilalang tao. Madali nating malaman ang mga bagong uso sa panonood ng TV. Maari nating buksan ang mundo sa pamamagitan ng isang “remote control.” Ang iyo bang buhay ay di-nakikiayon sa mundong ito?
Pakiramdam ko ang mundong ito ay mabilis magbago. Bagaman ngayo’y nadadala natin ang mga singiling papel, darating ang panahon na madadala natin ang elektronikong salapi at mga electronikong plastik kard. Kung mawawala ang mga elektronikong kard na ito ay magiging isang kayamot-yamot, sasabihin sa atin na tanggapin ang “bar code” sa ating mga kamay o mga noo para sa higit na kaginhawaan. Wari ko rin na magkakaroon ng maraming mga likas na malaking kapinsalaan sa panahong iyon. Ating italaga ang ating mga puso sa pagbabago ng ating mga pag-iisip at pagpapalawig ng ebanghelyo ng Diyos bago dumating ang araw na iyon upang tayo na mga matuwid, ay di-makiayon sa mundong ito.
Naiisip ko ang ukol sa paglilingkod sa Diyos sa tuwing ako’y magigising. Hangad ko na masipag kong maikalat ang ebanghelyo na naglalaman ng Kanyang katuwiran ngayon, yamang hindi posible na ikalat ang Kanyang Salita kapag dumating ang panahon ng paglalagay ng “bar code” sa ating mga kamay at mga noo. Ako’y walang pagod na gumagawa upang sumunod sa kalooban ng Diyos. Marahil makakapag-pahinga lang ako kapag dumating na ang panahon na hindi na ako makakagawa. Maaaring maipamimigay ko lahat ng aking mga pag-aari sa mga nangangailangan kapag dumating ang pagkakataong iyon.
Nguni’t sa ngayon, maaari ko lamang sundin ang kalooban ng Diyos, mahiwalay at hindi makikiayon sa mundo. Marami sa mga matuwid sa Roma ang naligtas sa pamamagitan ng ebanghelyong pinangaral ni Pablo, ang nakiayon sa mundo at maligaw mula sa Diyos sa paglipas ng mga panahon. Dapat tayong makinig na huwag sumunod sa kanilang mga yapak.
 
Sinulat ni Pablo ang talatang ito na nangangamba, sa pakikiayon ng mga mananampalataya sa Roma ay nakikiayon sa mundong ito. “Ang iyong mga katawan ay nakiayon sa mundong ito, nguni’t mayroong isang mahalagang bagay na magagawa ka. Baguhin ang iyong pag-iisip. Hindi ba’t tinubos ng Diyos ang lahat ng iyong mga kasalanan? Alalahanin ang makatwirang ebanghelyo ng Diyos at isipin ang mga makalulugod sa Kanya. Baguhin ang iyong mga pag-iisip at gawin ng buo at mga katanggap-tanggap na mga gawa, sa pamamagitan ng espirituwal na pagninilay-nilay, hindi sa laman.” Ito ang paalala ni Pablo sa mga mananampalataya sa Roma, gayon din sa atin ngayon.
Bagaman nagkukunwaring hindi tayo panlabas na nakikiayon sa mundong ito, sa totoo’y tayo ay nakikiayon. Kahit na, makapaglilingkod pa rin tayo sa Panginoon sa pamamagitan ng pagbabago ng ating mga isipan. Bagaman sa ating kahinaan ay mahirap para sa atin na hindi nakikiayon sa mundong ito, nananalig pa rin tayo na inalis ng Panginoon lahat ng ating mga kasalanan dahil sa katuwiran ng Diyos. Ganito tayo laging makapaglilingkod sa mga makatwirang gawa ng Diyos sa ating pananampalataya sa Kanyang katuwiran. Tayo’y lubos na makasusunod sa mabuti at ganap na kalooban ng Diyos sa pananalig sa Kanya.
 
Dapat nating baguhin ang ating mga pag-iisip sa bawa’t sandali. Dahil ang matuwid, mga patay sa mundong ito, ay higit na dalisay kaysa sa mga makamundong tao, higit na mahaharap sila sa lumulubhang panganib ng mga maling kaisipan, at mga katawan kaysa sa mga tao sa sanlibutan. Ito ay kung bakit kailangan nating dapat bantayan ang ating mga puso sa ating pananampalataya sa katuwiran ng Diyos.
Yamang inalis lahat ni Cristo ang ating mga kasalanan, kailangan lamang tayong maging matatag sa ating pananampalatayang tinitiyak ang ating mga sarili sa katotohanang ang ating pananampalataya ay naging ganap. Naniniwala ka ba na tinangay ng Panginoon ang lahat ng ating mga kasalanan sa pamana ng katuwiran ng Diyos? Kung oo, magagawa mo ang mga gawain ng ating Panginoon sa pananampalataya, gaano man ang lahat ng mga kasamaan ng iyong nagdaan, yamang tinangay ng Panginoon mula sa iyo ang lahat ng paghahatol sa iyong mga kasalanan.
Dapat nating baguhin ang ating mga pag-iisip sa pamamagitan ng pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Ito’y napakahalaga. Tayong lahat di-maglaon ay iiwan ang iglesia at mamamatay kung hindi natin babaguhin ang ating mga pag-iisip sa pamamagitan ng pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu sa huling araw na ito.
Ang pamumuhay ng may pananampalatayang patuloy na nagbabago ay tulad ng pag-akyat ng burol sa isang bisikleta. Ang di-pagbabago ng pag-iisip ay tulad ng paghinto sa kalagitnaan paakyat sa burol at hindi pagtapak sa mga pedal. Kung hindi mo tatapakan ang mga pedal, hindi ka lamang mahihinto, nguni’t ikaw ay dudulas pabalik at babagsak paibaba ng burol.
 
Gayon din ang mangyayari sa ating pananampalataya sa katuwiran ng Diyos. Tayo’y nakasakay sa bisikleta paakyat ng burol. Mahirap na marating ang tuktok sa pamamagitan lang ng ating lakas at naisin. Kailangan na tayo’y matimtimang tumangan sa katuwiran ng Diyos, yamang tayo’y nasa laman pa. Walang isang pagkakataon na di-lilipas ng walang masamang mga pag-iisip.
Ang ating hangad sa laman ay madaling sumuko sa tuwing mawawalan tayo ng lakas. “Hindi ko magagawa ito. Hind ako naaangkop dito. Ang aking kakayahan ay lubos na mahina, nguni’t ang kakayahan ng isang kapatiran ay tiyak na malakas. Wala akong kapangyarihan, nguni’t ang isang kapatiran ay mayroon. Ako’y lubos na mahina kung ihahambing sa mga ibang kapatiran. Waring angkop silang makapaglingkod sa Diyos, nguni’t ako ay hindi.” Ang sinumang di-nananalig at nananangan sa katuwiran ng Diyos di-maglaon ay hihinto sa pagtapak sa mga pedal at lalagpak paibaba ng burol.
Ito ba’y angkop lamang sa iilang tao? Hindi. Ito’y angkop sa bawa’t isa. Ang isang lubos na bihasang siklista ay maaaring magbisikleta ng madali paitaas ng burol, nguni’t ang isang taong mahina ay mahihirapan. Subali’t, ang suliranin ng mga matuwid ay di-nakasalalay sa kanilang pisikal na lakas—ito’y mataimtimang nakahawak sa kanilang pananampalataya sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Imposibleng marating ang espirituwal na tuktok sa pamamagitan ng pisikal na lakas lamang. Ang pagiging mahina sa pisikal o malakas ay walang kinalaman dito.
Tandaang wala ni isa ang maaaring mamuhay ng may pananalig dahil lamang siya’y may malakas na kakayahan. Hindi mo dapat ihambing ang iyong sarili sa iba at mawalan ng pag-asa. Manangang mag-isa sa katuwiran ng Panginoon. Itatawid tayo ng Panginoon kung walang-humpa’y nating babaguhin ang ating mga pag-iisip sa pananampalataya sa katuwiran ng Diyos. Ang ebanghelyo ng kaligtasang ating nakamit ay itatanim sa ating mga puso at ang Panginoon ay mananangan sa ating pagsisiyasat ng ating mga puso araw-araw. Dapat nating linisin ang ating mga maruruming pag-iisip sa pamamagitan ng pananalig sa katuwiran ng Diyos at sa paggawa ng gawain ng Panginoon.
Nagpapasalamat ako sa Panginoon dahil sa Kanyang biyayang nagpapahintulot sa akin na paglingkuran Siya sa pamamagitan ng pagbabago ng ating mga pag-iisip. Sa pamamagitan ng pagbabago ng ating mga pag-isip, hiyaan ng ating Diyos na tayo’y laging makitagpo sa Kanya sa ating pananampalataya.
 
 
Alam kong walang mabuting bagay ang nananahan sa akin
 
Sinabi ni Pablo sa Roma 7:18, “Sapagka’t nalalaman ko na sa akin, sa makatuwid ay sa aking laman, ay hindi tumitira ang anomang bagay na mabuti, sapagka’t ang pagnanasa ay nasa akin, datapuwa’t ang paggawa ng mabuti ay wala.” Alam na alam ni Pablo na walang mabuti sa kanyang laman. Na walang mabuting nananahan sa laman ay isang tuntunin. 
Kinilala ni Pablo na walang mabuting nananahan sa kanyang laman. Alam niya na gaano man niya kamahal ang Kautusan at gaano man niya sikaping mamuhay sa pamamagitan nito, hindi talaga niya magawa. Ang puso’y nais magbago upang sumunod sa Panginoon, nguni’t ang laman ay walang-tigil ang pagnanais na sumuko mula sa larangan ng mga digmaang espirituwal.
Kaya si Pablo’y nananaghoy sa Roma 7:21-24, “Kaya nga nasumpungan ko ang isang kautusan na, kung ibig kong gumawa ng mabuti, ang masama ay nasa akin. Sapagka’t ako’y nagagalak sa kautusan ng Dios ayon sa pagkataong loob. Datapuwa’t nakikita ko ang ibang kautusan sa aking mga sangkap na nakikipagbaka laban sa kautusan ng aking pag-iisip, at dinadala akong bihag sa ilalim ng ligtas sa akin sa katawan nitong kamatayan?”
Paano isinalarawan ni Pablo ang kanyang katawan? Ipinaliwanag niya ito bilang “katawan nitong kamatayan.” Ano naman ukol sa iyong katawan? Ito ba’y hindi katawan ng kamatayan? Oo! Ang katawan mismo ay katawan ng kamatayan. Nais nito lang ang magkasala at pumaroon kung saan nananagana ang mga kasalanan. “Abang tao ako! Sino ang magliligtas sa akin sa katawan nitong kamatayan?” At kaya sinabi ni Pablo, “Nagpapasalamat ako sa Dios—sa pamamagitan ni Jesu-Cristo na Panginoon natin! Kaya nga tunay kong ipinaglilingkod ang aking pag-iisip, sa kautusan ng Diyos; datapuwa’t ang laman ay sa kautusan ng kasalanan” (Roma 7:25).
Ipinakikita ni Pablo na mayroong dalawang kautusan. Ang una ay ang kautusan ng laman. Hinahanap lang nito ang sumunod sa mga pagnanasa ng laman at nananahan sa mga kaisipan ng laman na lubos na salungat sa mga makalulugod sa Diyos.
Ang pangalawa ay ang kautusan ng Espiritu ng buhay. Ang kautusan ng Espiritu ay hangad ang tamang daan na nais ng Diyos na sundin natin. Ang kautusan ng Espiritu ay nasa ang salungat sa kautusan ng laman. Tayong mga Kristiyano ay nasa pagitan ng dalawa, sinisikap na magpasiya kung saan pupunta.
Kung minsan lagi tayong sumusunod sa mga kagustuhan ng laman, nguni’t kapag ating binago ang ating mga isipan, masusunod natin ang gawain ng Diyos na Siyang nasa ng Espiritu. Ang dahilan kung bakit ginagawa natin ito—ito ay, upang ialay ang ating mga katawan bilang mga handog sa Diyos at pagkatapos ay agad gagawin ang mga bagay ng laman—ay dahil taglay nating lahat ang laman. Tulad niyaon, ay dapat nating laging baguhin ang ating mga pag-iisip, sa pamamagitan ng Banal na Espiritu.
 
Bagaman ligtas, madali tayong makiayon sa mundong ito dahil tayo’y nasa laman pa rin. Dahil ang bawa’t isa sa mundong ito ay nabubuhay na nakikiayon sa mundo, madali tayong maimpluwensiyahan nila. Mayroon lang isang paraan kung saan makasusunod tayo sa Diyos, at iyan ay upang baguhin ang ating mga pag-iisip. Mabubuhay tayo sa pamamagitan ng laging pagbabago ng ating mga pag-iisip sa pananampalataya. Ganito tayo makasusunod sa ting Panginoon, hanggang Siya’y magbalik muli.
Nakatingin lamang sa ating laman, wala ni isa sa atin ang makasusunod sa makatwirang mga gawain ng Panginoon at tayong lahat ay matutungo sa kapahamakan. Nguni’t makasusunod tayo sa Panginoon sa pamamagitan ng pagbabago ng ating mga pag-iisip at manatili sa Kanyang katuwiran sa pamamagitan ng ating mga puso. Baguhin natin dapat ang ating mga pag-iisip at sumunod sa Kanya. Itong dahilan kaya sinabi ni Pablo sa Roma 8:2, “Sapagka’t ang kautusan ng Espiritu ng buhay na na kay Cristo Jesus ay pinalaya ako sa kautusan ng kasalanan at ng kamatayan.”
Ang hindi magawa ng Kautusan dahil ito’y mahina sa laman, nagawa ni Cristo sa pamamagitan ng katuwiran ng Diyos. Tulad ng sinasabi sa Roma 8:3, “Sapagka’t ang hindi magawa ng kautusan, na mahina sa pamamagitan ng laman, sa pagsusugo ng Dios sa Kaniyang sariling Anak na naganyong lamang salarin at dahil sa kasalanan, ay hinatulan ng Dios sa laman ang kasalanan.”
Sinugo ng Diyos ang Kanyang Bugtong na Anak na si Jesu-Cristo sa mundong ito at nahatulan ang ating mga kasalanan sa Kanyang laman. Na “Kanyang hinatulan sa laman ang kasalanan” ay nangangahulugang ang lahat ng ating mga kasalanan ay inalis at sa gayon tayo’y naging walang kasalanan. Tayo’y pinalaya sa ating mga kasalanan dahil sa pananalig sa katuwiran ng Diyos. Upang matagpo ang lahat ng mga kailanganin ng katarungan ng Kautusan, sinugo ng Diyos ang Kanyang Anak upang tangayin lahat ng ating mga kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang bautismo at dugo sa Krus at upang iligtas tayo sa lahat ng mga kasalanan ng sanlibutan.
 
Matapos matanggap itong kaligtasan, dalawang uri ng tao ang lumabas: ang mga nabubuhay ayon sa laman at itinalaga ang kanilang mga pag-iisip sa mga bagay ng laman, at yaong nabubuhay ayon sa Espiritu ay itinalaga ang kanilang mga pag-iisip sa mga bagay ng Espiritu. Dapat mong maunawaan na ang mga pag-iisip ng laman ay aakay sa iyong kamatayan, nguni’t ang mga pag-iisip ng Espiritu ay mag-aakay sa iyo sa buhay at kapayapaan. Ang kaisipang laman ay mga kaaway ng Diyos.
Hindi tayo saklaw ng Kautusan ng Diyos, ni hindi mga maaari (Roma 8:7). Kahit pa ang isinilang na muling matuwid ay tatalima sa mga pag-iisip ng laman kung hindi nila babaguhin ang kanilang mga pag-iisip. Kung hindi tayo mananalig na tinangay ng Diyos lahat ng ating mga kasalanan, at sa gayo’y hindi binabago ang ating mga pag-iisip, madali tayong tumalima sa mga gawa ng laman at di-makasusunod sa Panginoon. Ito ay kung bakit dapat tayong laging magbago ng ating mga pag-iisip.
Sinabi ni Pablo na tayong mga matuwid na isinilang na muli, ay maaaring mahulog sa laman dahil sa pagsunod sa mga kaisipan ng laman, o sumusunod sa mga kaisipan ng Espiritu sa pamamagitan ng pagbabago ng ating mga isipan. Tayo’y umuugo sa dalawa. Nguni’t sinabi pa rin ni Pablo, “Datapuwa’t kayo’y wala sa laman kundi nasa Espiritu, kung gayo’y tumitira sa inyo ang Espiritu ng Dios. Datapuwa’t kung ang sinoma’y walang Espiritu ni Cristo, siya’y hindi sa Kaniya” (Roma 8:9).
Tayo ang espirituwal na bayan ng Diyos. Tayo, sa ibang pananalita, ay Kanyang mga anak. Kahit pa tumatalima tayo sa pita ng sanlibutan at umaayon sa kanila sa ating kahinaan, tayo pa rin ang mga isinilang na muli. Tayo’y nahuhulog sa laman kapag itinatalaga natin ang ating mga kaisipan sa mga bagay ng laman, nguni’t dahil taglay natin ang Banal na Espiritung nananahan sa atin, tayo’y mamamayan ni Cristo. Tayo’y naging matuwid, na bayan ng Diyos.
 
Sinabi ni Pablo, “Ang ating mga katawan ay naging patay kay Cristo.” At kanyang dinagdag, “At kung si Cristo ay nasa sa inyo, ang katawan ay patay dahil sa kasalanan, datapuwa’t ang espiritu ay buhay dahil sa katuwiran” (Roma 8:10). Ang ating mga espirituwal na pag-iisip ay dapat na magising. Tayo’y mga mahihina pa rin, at ang ating mga katawan ay madaling maligaw hanggang sa oras ng ating kamatayan. Nguni’t ang ating mga kaisipan at mga pag-iisip ay dapat laging mabago sa pamamagitan ng pananalig sa katuwiran ng Diyos.
Ating ituon ang ating mga mata sa katuwiran ng Diyos sa tuwing ating nababatid ang pagnanais na magkasala sa ating kalooban. Sa gayon ay malalaman natin na ang katuwiran ng Panginoon ay inalis lahat ng ating mga kasalanan. Tumingin sa katuwiran ng Diyos at manalig. Magpapasalamat sa Kanya sa pag-aalis ng lahat ng ating mga kasalanan at isipin ang mga gawain ng Diyos. Isipin ukol sa kung ano ang kalooban ng Diyos, ganap at kalugod-lugod sa Kanya. Ang iyong isipan sa gayon ay mababago. 
Dapat nating baguhin ang ating mga kaisipan sa pamamagitan at pagtuon ng ating mga isipan sa mga bagay na makalulugod sa Diyos. Ganito dapat mabuhay ang matuwid. Tanging sa paggawa nito makasusunod tayo sa Panginoon hanggang Siya’y magbalik. Alam kong tayong lahat ay napapagal sa ating mga araw-araw na pamumuhay. Mahirap ang mag-trabaho, at mahirap ang dumalo sa iglesia. Bawa’t isa’y nahaharap sa mga kabigatan. Minsan ako’y nanaghili kay Jesus nang Siya’y sumigaw sa Kanyang kamatayan, “Naganap na.” Nagtitiwala ako na tayo rin ay maaaring magsabi, “Naganap na,” at mapalayo sa lahat ng mga paghihirap.
Nalalapit na ang pangalawang pagbabalik ng ating Panginoon. Hanggang sa araw na iyon, ating baguhin ang ating mga isipan nang hindi nakikiayon sa mundong ito. Dahil ang pagsunod sa Panginoon ng ating mga puso ay kailangang manangan sa katuwiran ng Diyos, ang ating mga pag-iisip ay dapat patuloy na mabago. Ganito kung paano tayo makasusunod sa Panginoon hanggang sa Kanyang pagbabalik. Nalalapit na ang panahon.
Kamakailan ay nabasa ko sa pahayagan ang ulat na ang butas sa “ozone layer” sa Antartika ay higit na tatlong beses ang laki kaysa sa kontinente ng Estados Unidos. Nabasa ko rin ang lathala ukol sa “missile defense initiative.” Ang sistemang ito ay may layuning barilin at pabagsakin ang “ballistic missiles” sa himpapawid, at ang mga paunang eksperimento ay naging tagumpay. Ang mga pahiwatig ng mga pagbabagong ito ay malinaw: ang kapaligiran ay unti-unting nasisira kahit pa ang kakayahang paninira ng kapangyarihan ng military ay dumarami ng husto.
Kung ang isang bansa ay mapapalakas ang kapangyarihang militar, hindi ba’t ang kanyang katunggali ay pararamihin din ang kanilang lakas militar upang pantayan ang ganitong dami? Lahat ng mga bansa sa mundo ay hindi lamang tatayong walang gagawin kung makita ang isang bansang lumalakas ang kanyang kapangyarihan. Anong mangyayari kung magsimula ang digmaan mula sa mga makapangyarihang ito?
Kapag ang ibang bansa ay nagsubok na gumawa ng mga sandatang nukleyar, ang mga malalaking makapangyarihang bansa ay susubukang pigilan sila sa pagkakaroon ng kakayahang nukleyar. Nguni’t ating sabihin na ang gayong mga pangkontrang pagsisikap ay nabigo at ang bansang tinututulan ay nagkaroon ng kakayahang makakuha ng mga sandata para sa pangwasak na pang-malakihan at nananakot na gagamitin ang mga ito. Gayo’y, ang iba sa mundo ay tiyak na sisikaping gumawa ng mga bagong sandata upang kayanin ang mga ganitong pangyayari.
Ang gayong mga bagong sandata ay wawasakin itong mundo ng mga puwersang higit na malakas kaysa mga sandatang nukleyar. Ang digmaan ay di na muling ipinaglalaban sa pamamagitan ng mga baril gaya ng nakalipas. Ang pagpatay sa tao ay walang-bagay; ang buong lungsod o buong mga bansa ay maglalaho sa isang iglap. Ang digmaaang nukleyar ay di-pambayan lamang, kundi isang digmaang pangdaigdigan. Nawasak na dahil sa gayong digmaan, higit na malaking pagkawasak ay naghihintay sa anyo ng mga likas na malalaking kapahamakan. Ang “ozone layer” ay higit na mabilis na masisira, at mga tsunami at mga bagyo na patuloy na dadagsa sanhi ng pagka-kalbo ng mga kagubatan. Pagkatapos ang anticristo ay lilitaw na may dakilang kapangyarihan at sasakupin itong mundo.
 
Maaaring iyong sinasabi na ipinapalagay ko ang senaryong ito ng may pagmamalabis, nguni’t ang sangkatauhan ay nasa masamang simulain. Ang mga bansa ay nagtataguyod mg mga hukbong sandatahan at gumagawa ng mga bagong armas, na hindi magagamit sa kabutihan. Ang mga sandatang nukleyar ay mapapantayan lamang sa parehong uri ng mga sandata para sa pang-malakihang pagwasak. Ang mga bansa’y mag-aaway sa isa’t isa upang sila ay manatiling buhay. Ang ibang bansa’y tatangkahing balansehin ang isang bansang nagnanais na maghari sa mundo. Anuman ang kanilang mga hangarin, minsang magawa ang mga sandatang nukleyar at mga kakayahang military ay magagamit lamang sa masamang layunin.
 
Noon, sinabi ni Pablo sa mga mananampalataya sa Roma na huwag makiayon sa mundong ito bagkus ay sumunod sa Panginoon sa pamamagitan ng pagbabago ng kanilang mga isipan. Ito ang angkop na angkop na talata para sa atin na nabubuhay sa panahong ito. Sa mga huling araw na ito, dapat nating mabatid kung ano ang mabuti, kaaya-aya, at ganap na kalooban ng Diyos, at sumunod sa Panginoon ng may pananampalataya.
Bagaman marami tayong mga pagkukulang, ang ating Panginoon ay ang Makapangyarihang Diyos. Ang Makapangyarihan ay nananahan sa atin bilang ang Banal na Espiritu. Bagaman mahina ang ating mga pisikal na katawan, ang Banal na Espiritung nasa atin ay lubos na malakas. Binabago ng Banal na Espiritu ang ating mga kaisipan sa pamamagitan ng pananampalataya sa Salita upang tayo’y makasunod sa Panginoon.
Lahat tayo’y umasa sa kapangyarihan ng Banal na Espiritu, baguhin ang ating mga pag-iisip, at maglingkod sa Panginoon. Kung ang Panginoon ay magbalik sa atin habang tayo’y naglilingkod sa Kanya, tayo nga’y sumama sa Kanya. Hanggang sa araw na ito na magbalik si Cristo, mabubuhay tayong ikinakalat ang katuwiran ng Diyos. Baguhin ang iyong pag-iisip sa pamamagitan ng pananalig sa katuwiran ng   Diyos.