• All e-books and audiobooks on The New Life Mission website are free
  • Explore multilingual sermons in global languages
  • Two new revised editions in English have been released
  • Check out our website translated into 27 languages
Search

Sermons

Paksa 9: Mga Romano (Mga Komento sa Aklat ng Mga Roma)

[Kabanata 13] Mamuhay para sa katuwiran ng Diyos

2021.04.13 93
Sa Roma 13:1 ay sinasabi, “Ang bawa’t kaluluwa ay pasakop sa matataas na kapangyarihan. Sapagka’t walang kapangyarihan na hindi mula sa Dios, at ang mga kapangyarihang yao’y hinirang ng Dios.”
Dapat tayong mamuhay sa loob ng mga hangganan ng mga panlipunang pamantayan. Iniutos ng Diyos sa atin na matakot at gumalang sa mga may kapangyarihan sa ating espirituwal at mga pisikal na buhay. Ang Diyos ay nagbibigay kapangyarihan sa mga opisyal ng pamahalaan para sa isang dahilan, at samakatuwid ay hindi natin dapat ipagsawalang bahala. Dapa’t nating tandaan ang sinasabi ni Pablo, “Huwag kayong magkautang ano pa man sa kanino man, maliban na sa mangagibigan kayo” (Roma 13:8).
Ito ay kung bakit naglalathala kami ng mga libreng aklat at ibinabahagi ang magandang ebanghelyong ito sa mga tao sa buong mundo.
Sinabi ni Panginoon, “Pag-ibig ang katuparan ng kautusan.” Ang tao ay abala ang kaisipan sa malaking-akala na sila’y tapat na tumatalima sa kautusan sa kanilang mga relihiyosong buhay.
Binigay ng Diyos sa atin ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu na naghayag ng Kanyang katuwiran upang iligtas tayo mula sa kasalanan. Kailangan tayong manalig sa katuwiran ng Diyos, siyang ipinakikita sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu.
Ang pagpapalaganap nitong magandang ebanghelyo na ibinigay sa atin ng ating Panginoon ay talagang nagbibigay buhay sa iba, dahil inililigtas ang tao sa lahat ng kanilang mga kasalanan. Hindi dapat tayo magkautang, maliban na ang utang sa pag-ibig na natanggap dahil sa pag-ibig ni Jesu-Cristo.
 
 
Panahon na para tayo ay magising
 
Sa talatang 11 ay sinasabi, “At ito yamang nakikilala ang panahon, na ngayo’y kapanahunan nang magsigising kayo sa pagkakatulog, sapagka’t ngayon ay lalong malapit na sa atin ang kaligtasan kay sa nang tayo’y magsisampalataya nang una.” Maghahari tayong kasama ni Cristo ng isang libong taon kapag ang ating mga katawang marupok ay mabago—ito ay, kapag ang ating mga katawan din ay matubos.
Makikita natin ang pagkatulad ng ating henerasyon at henerasyon ni Noe. Isang bagong daluyong ng mga kabaklaan ang kumikilos sa mga pamantasan. Anong sama nitong mundo nang ang isang lalake ay saksakin at patayin ang isang lalake dahil lamang sa paggamit ng pampublikong telepono ng mahabang oras. Maraming gayong mga malulupit at masasamang gawa ang naglipana sa henerasyong ito.
Dapat nating malamang ito na ang panahon upang magising. Nalalapit na ang pangalawang pagbabalik ng ating Panginoon. Dapat tayong listo at maaninaw kung ano na ang kalagayan nitong panahon at mabatid na ang pangalawang pagbabalik ng Panginoon ay malapit na malapit na. Nguni’t sa gayon din, alalahanin mong maraming mga tao ang hindi nakakalam ng panahong ito.
 
“At kung paano ang mga araw ni Noe, gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao” (Mateo 24:37). Maging sa araw ni Noe, ang tao ay nagtayo ng mga bahay, nag-asawa, gumawa ng lahat ng uri ng mg kasalanan, at nagpatuloy sa kanilang araw-araw na mga gawain hanggang sa hatol ng Diyos ay biglang dumating sa kanila isang araw. Walang iba kundi si Noe ang umasam ng mabigat ng ulan at ang baha ay nilipol ang lahat nguni’t iilan ang nakahanap ng kublihan sa kanyang arko. Ang mga napahamak ay natagpo ang nakawawasak na hatol ng Diyos habang malayang kumakain at umiinom ng walang pag-asam.
Ang mundong ito ay hindi lang lantad sa mga panganib ng digmaan, nguni’t pati rin sa mga nakatatakot na panganib ng kalikasan na mangyayari sa buong mundo tulad ng mga pagbabago ng klima. Mayroong seryosong panganib na kumukubli kahit pa sa ating kinakain, at hindi na tayo masisiyahan maging sa ating mga pagkain nang hindi nag-aalala ukol sa mga ito. Kaya nga dapat tayong mabuhay na marunong sa panahong ito, at tandaan na ang kaligtasan ng ating mga katawan ay higit na malapit kaysa nang tayo’y unang manalig.
 
 
Dinamtan mo na ba ang iyong sarili sa kaligtasan ni Cristo?
 
Maaaring akalain mo na ang pagkakawasak nitong mundo ay walang kinalaman sa larangan ng pananampalataya, na ito’y may kinalaman sa mga patakarang pampulitika at pang-ekonomiya. Nguni’t ang mga pangdaigdigang pinsala ay mga tanda ng babala para sa pagkawasak ng mundo. Ang mundong ito ay nahahandang maharap sa matinding kahirapan sa ekonomiya at kapaligiran. Sinasabi ng Biblia sa atin na ang nalalapit na pangalawang pagdating ng Panginoon, tayo’y “huwag magkautang ng ano pa man sa kanino man, maliban na sa mangagibigan kayo”—tumutulong, kumakalinga, umaakay, at dumadamay sa isa’t isa sa pag-ibig. At dapat nating mabatid na ang ating mga pag-asa ay higit na malapit kaysa noong tayo’y unang nanalig.
Tayo’y nabubuhay sa isang kapanahunan kung saan kailangan nating mamuhay sa pag-asa, naghihintay sa pagdating ni Jesu-Cristo.
Nasaan ang pag-asa? Ang ating pag-asa ay makikita sa paghihintay sa pagbalik ni Cristo na Siyang magbabangong-muli sa atin at gagantimpala sa atin upang maghari kasama Siya sa Kahariang Milenyo, at magpapatuloy ng pitong taong Dakilang Kapighatian. Habang ang panahon ay papalapit, dapat mamuhay na matatag sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, at paglingkuran ito nang buong puso. Dapat nating palawigin ang ating ministeryo upang maibahagi ang ebanghelyo sa bawa’t kaluluwa sa buong mundo.
 
 
Huwag magkautang ng anoman sa kanino man, maliban na sa mangag-ibigan kayo
 
Alam ko na mayroong higit na pagtitiis mula sa panganib ng kalikasan, tulad ng mga lindol at mga bulkan. Maraming mga pelikula ang nagagawa ngayon na may paksang pandaigdigang pagwasak. Sa tingin ko’y dahil ang mundo’y posibleng matulad sa mga imahinasyon ng mga manunulat sa Hollywood, at ito ang tanda na ang tao ay di-napapansin ang di-maiwasang pagkawasak ng mundo.
Samakatuwid, hindi dapat maukol ang ating mga sarili sa mga gawa ng laman, kundi ay maukol sa mga gawa ng Espiritu.
Dapat nating panaligan na ang buhay sa pagpapalaganap ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay ang pinakamagandang buhay. Ang tao sa buong mundo ay namamangha sa ating ministeryo. Di-mabilang na tao ang nagsabi sa atin kung gaano sila nahamon sa pamamagitan ng aming ministeryo. Hindi sila makapaniwala sa amin, isang grupo ng mga lingkod ng Diyos mula sa Korea, isang maliit na bansa, ay maaaring palaganapin ang katuwiran ng Diyos gayong ka-bisa. Oo, tayo nga’y maliit at mahina, nguni’t atin pa ring pinalalaganap ang ebanghelyo sa buong mundo dahil tayo ay nananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, ito ay ang katuwiran ng Diyos.
 
Sa Roma 14:8 ay sinabing, “Sapagka’t kung nangabubuhay tayo, sa Panginoon tayo’y nangabubuhay, o kung nangamamatay tayo, sa Panginoon tayo’y nangamamatay, kaya’t sa mabuhay tayo, o sa mamatay man, tayo’y sa Panginoon.” Sinabi rin ni Pablo sa naunang talata, “Ang sinoman sa atin ay hindi nabubuhay sa kaniyang sarili, at sinoman ay hindi namamatay sa kaniyang sarili.” Tayo’y nabubuhay lang dahil sa ating Panginoon.
Yamang tayo’y isinilang sa mundong ito sa pamamagitan ng ating Panginoon at naging matuwid sa pamamagitan ng Kanyang katuwiran, tayo’y kabilang kay Cristo tayo man ay buhay o patay. Tayo’y mabubuhay at lilisan sa mundong ito bilang kasama si Cristo, nabubuhay para sa katuwiran ng Diyos. Ang Diyos ay nalulugod sa atin, at hinirang tayo upang gamitin tayo bilang Kanyang mga kasangkapan ng pagpapalaganap sa maligayang balita sa buong mundo. Samakatuwid, Kanyang binuksan ang malaking pintuan ng ebanghelismo para sa atin. Pinahintulutan Niya tayong palaganapin ang ebanghelyo sa pamamagitan ng mga aklat, nang hindi talaga pumupunta pa sa bawa’t bansa sa pamamagitan ng paa.
Isang serye ng mga aklat na naglalaman ng ebanghelyo ng katuwiran ng Diyos na isinalin sa ibang mga wika at pinadala sa mga bansang nakakaunawa ng Ingles, wikang Kastila, gayon din sa bawa’t bansa sa Asia, Africa at Europa. Nakasisiguro ako na ang bagong mga seryeng aklat na ito na pinamagatang Ang ating Panginoon na naging Katuwiran ng Diyos ay magbibigay ng malaking espirituwal na mga pagpapala sa bawa’t kaluluwa sa mundo. Kamangha-mangha kung paano kumilos ang Diyos upang mabuo ang Kanyang kalooban sa pamamagitan ng mga mananampalataya sa Kanyang katuwiran.
Di-maglaon ang mundo’y malulukuban nitong magandang ebanghelyo, at kapag ang ebanghelyong naglalaman ng katuwiran ng Diyos ay naikalat sa buong mundo, tutuparin ng Diyos ang bawa’t planong Kanyang nilaan para sa atin.
Ang panahong ito ay gabi ng mga hanging bagyo. Mga krisis sa langis at pandaigdigang kaguluhan sa pananalapi ay maaaring dumating muli sa mundo. Dapa’t tayong maging tapat sa mga itinakda sa atin na gagawin. Dapa’t nating ikalat ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu hanggang sa katapusan nitong mundo ay dumating. Masigasig nating ikalat ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu upang wala ni isa sa mundong ito ang maiiwan na hindi narinig ang ebanghelyo. Dapat tayong makiisa at kumilos na may iisang layunin. Dapat tayong kumilos gaya ng mga tatlong daang mandirigma ni Gideon. Bagaman iilan lang tayo, tayo’y mga matatapang na sundalo ng langit, at ang Diyos ay nasa atin.
Sinuman ang tumatanggap ng kapatawaran sa mga kasalanan at nagpapasalamat sa Diyos ay nararapat na ikalat ang katuwiran ng Diyos. Tayo’y magiging tagumpay sa pamamagitan ng pananampalataya dahil taglay natin ang katuwiran ng Diyos. Ang mga nananalig sa katuwiran ng Diyos ay laging hangad ang mga gawain ng Espiritu at nakatuon ang kanilang mga hangarin sa mga espirituwal na gawain.
Dalangin ko na ang katuwiran ng Diyos ay mapasa-iyo.