• All e-books and audiobooks on The New Life Mission website are free
  • Explore multilingual sermons in global languages
  • Two new revised editions in English have been released
  • Check out our website translated into 27 languages
Search

Sermons

Paksa 9: Mga Romano (Mga Komento sa Aklat ng Mga Roma)

[Kabanata 14] Huwag hatulan ang isa’t isa

2021.04.13 86
Sa Roma 14:1 ay sinabi, “Ang mahina sa pananampalataya ay tanggapin ninyo, hindi upang pagtalunan ang kaniyang pag-aalinlangan.”
Pinaalalahanan ni Pablo ang mga hinirang sa Roma na huwag hatulan o pintasan ang pananampalataya ng iba. Sa panahong iyon, yamang may mga lubos na tapat at yaong di-gaanong tapat sa iglesia ng Roma, sila’y dumarating upang magpintasan sa pananampalataya ng iba. Kung ito’y mangyari sa iyo, dapat mong igalang ang pananampalataya ng iba at alisin ang magpintas laban sa mga lingkod ng Diyos. Nasa Diyos, hindi sa atin, ang magtayo at magtatag ng Kanyang mga lingkod.
Kahit pa sa loob ng iglesia ng Diyos, maraming mga suliranin ang lumilitaw mula sa mga mananampalataya. Kung ating titignan ang kanilang pananampalataya, makikita natin ang iba’t-ibang uri ng mga pananampalataya. Ang iba’y nakakulong sa Kautusan bago sila natubos, at samakatuwid, taglay pa rin nila ang bakas ng kanilang luma at legalismong pananampalataya.
Ang ibang mga Kristiyano ay lubos na pinapahalagahan sa pagpili ng kakainin. Tulad halimbawa, ang gayong tao’y naniniwalang hindi sila dapat kumain ng baboy. Ang iba nama’y naniniwalang dapat mangilin ng Sabado sa anumang pagkakataon. Nguni’t dapat nating lutasin ang mga kaibhang ito sa ating pananampalataya sa katuwiran ng Diyos at hindi pintasan ang isa’t isa sa mga maliliit na bagay. Ito ang buod na tinatalakay ni Pablo.
 
Tinuturo ni Pablo sa kapitulo 14 na hindi natin dapat pintasan ang kahinaan ng ating mga kapwa mananampalataya kug sila’y may pananalig sa katuwiran ng Diyos. Bakit hindi? Dahil bagaman mahina, sila rin ay nananalig sa katuwiran ng Diyos.
Kinikilala ng Biblia yaong mga tinubos sa kanilang mga kasalanan sa pamamagitan ng pananalig sa katuwiran ng Diyos bilang mga mahahalagang mamamayan ng Diyos. Sila man ay waring walang-kasapatan sa mga mata ng isa’t isa, magkagayon ma’y hindi inutos ng Diyos na pintasan natin ang pananampalataya ng ibang mga Kristiyano. Ito ay dahil bagaman sila’y hindi sapat sa laman, sila’y naging mga anak pa rin ng Diyos sa pamamagitan ng pananampalataya.
 
 
Ang pananampalataya ng bawa’t isa ay may 
kaibhan sa isa’t isa
 
Sa mga talatang 2 at 3 ay sinabi, “May tao na may pananampalataya na makakain ang lahat ng mga bagay, nguni’t ang mahina’y kumakain ng mga gulay. Ang kumakain ay huwag magwalang halaga sa hindi kumakain, at ang hindi kumakain ay huwag humatol sa kumakain, sapagka’t siya’y tinanggap ng Diyos.”
Maaaring may pagkakaiba sa gitna ng mga lingkod ng Diyos sa pananalig sa Kanyang katuwiran at pagsunod sa Kanya. Ang pananampalataya sa kaligtasan ay iisa, nguni’t ang sukat ng pananampalataya sa Kanyang Salita ay may kaibhan.
Kung ang isa ay naging legalista bago isilang na muli sa pamamagitan ng pananalig sa ebanghelyo ng katuwiran ng Diyos, kailangan niya ang panahong lisanin ang kanyang sariling katuwiran dahil sa na lubos na pananalig sa katuwiran ng Diyos. Ang mga taong ito ay nagbibigay ng malaking halaga sa pag-ngilin ng “Sabbath,” nguni’t hindi mo sila dapat libakin dahil sila rin, ay nanalig sa katuwiran ng Diyos.
 
Ang Diyos ay nalulugod sa pananampalataya ng mga nakaalam at nananalig sa Kanyang katuwiran. Kinuha Niya sila bilang Kanyang mga mamamayan. Samakatuwid, ang mga tunay na nananalig sa katuwiran ng Diyos ay dapat gawin ang lahat ng makakaya upang palusugin ang kanilang kapwa mananampalataya sa katuwiran ng Diyos, sa halip na batikusin ang kahinaan ng kanilang pananampalataya.
 
 
Hindi natin dapat hatulan ang mga lingkod ng Diyos 
 
Talatang 4 ay sinasabi, “Sino kang humahatol sa alila ng iba? Sa kaniyang sariling panginoon ay natatayo siya o nabubuwal. Oo, papatayuin siya, sapagka’t makapangyarihan ang Panginoon na siya’y maitayo.”
Dapat nating tanggapin ang mga lingkod ng Diyos, mga pinayagan ng Diyos, at maging ang kanilang mga pananampalataya. Pinipintasan at hinahatulan mo ang mga lingkod ng Diyos habang ika’y namumuhay bilang isang Kristiyano? Kung gayo’y pagagalitan ng Diyos ang iyong pananampalataya. Kung hahatulan mo ang pananampalataya ng mga pinayagan ng Diyos dahil lamang hindi mo gusto ang mga ito, umaakyat ka sa kahatulan ng Diyos sa iyong sarili at hinahatulan mo ang Kanyang mga lingkod. Hindi ito tama. Sa halip, dapat na matuwa kang tanggapin maging yaong mga lingkod ng Diyos, at sumunod sa kanilang mga patnubay habang itinataas ang katuwiran ng Diyos.
Dapa’t sang-ayunan ng Diyos ang ating pananampalataya. Dapa’t tayong magkaroon ng tunay na pananampalataya na magpapabuti sa parangal at gantimpala ng Diyos. Dahil hinayaan ng Diyos na italaga ang ating mga buhay kay Jesu-Cristo, magpapasalamat tayo sa Kanyang katuwiran. Dapat nating tanggapin ang mga tinanggap ng Diyos, at tanggihan ang mga tinanggihan ng Diyos. Nawa ay luwalhatiin ninyo ang Diyos sa pamamagitan ng pagkakaroon ng pananampalataya sa Kanyang katuwiran, sa halip na itaas ang iyong sariling katuwiran. Nawa’y aprubahan ng Diyos ang inyong pananampalataya. Sa gayon ika’y itataas dahil sa iyong pananampalataya sa Kanyang katuwiran.
 
 
Kung sila rin ay nananalig sa katuwiran ng Diyos...
 
“May nagmamahal sa isang araw ng higit kay sa iba: may ibang nagmamahal sa bawa’t araw. Bawa’t isa’y magtibay sa kaniyang sariling pagiisip. Ang nagmamahal sa araw, ay minamahal ito sa Panginoon, at ang kumakain, ay kumakain sa Panginoon, sapagka’t siya’y nagpapasalamat sa Dios; at ang hindi kumakain, ay hindi kumakain sa Panginoon, at nagpapasalamat sa Dios” (Roma 14:5-6).
Sa mga Judiong naligtas dahil sa kanilang pananalig kay Cristo, ating Panginoon ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Marami sa kanila, bagaman nananalig kay Jesus, ay nasa ilalim pa rin ng Kautusan. Nguni’t sila’y mga lingkod na ng katuwiran ng Diyos dahil anuman ang kanilang gawin upang sundin ang Kautusan, ginawa nila ito upang ikalat ang katuwiran ng Diyos.
Kaya sinabi ni Pablo, “Sa mga nasa ilalim ng kautusan ay gaya ng nasa ilalim ng kautusan, bagaman wala ako sa ilalim ng kautusan upang mahikayat ang mga nasa ilalim ng kautusan. Sa mga walang kautusan, bagama’t hindi ako walang kautusan sa Diyos, kundi nasa ilalim ng kautusan ni Cristo, upang mahikayat ko ang mga walang kautusan”     (I Corinto 9:20-21).
Hindi natin dapat ipagwalang-bahala o tanggihan ang pananampalataya ng mga nananalig sa katuwiran ng Diyos. Kung sila’y naglilingkod at nananalig sa Diyos, dapat natin silang tanggapin bilang mga lingkod ng Diyos.
 
 
Ang matuwid ay nabubuhay para sa Panginoon 
 
Sa talatang 7 hanggang 9 ay sinabi, “Sapagka’t ang sinoman sa atin ay hindi nabubuhay sa kaniyang sarili, at sinoman ay hindi namamatay sa kaniyang sarili. Sapagka’t kung nangabubuhay tayo, sa Panginoon tayo’y nangabubuhay, o kung nangamamatay tayo, sa Panginoon tayo’y nangamamatay, kaya’t sa mabuhay tayo, o mamatay man, tayo’y sa Panginoon. Sapagka’t dahil dito ay namatay si Cristo at nabuhay na maguli, upang Siya’y Panginoon ng mga patay at gayon din ng mga buhay.”
Nabubuhay taong kasama ni Cristo at namatay kasama Niya dahil tayo’y naligtas sa lahat ng ating mga kasalanan at tinanggap ang bagong buhay dahil sa pananalig sa katuwiran ng Diyos na inihayag sa ebanghelyo. Lahat ng mga dating bagay ay nagsilipas na kay Cristo, at tayo’y naging mga bagong nilalang. Upang tunay na manalig sa katuwiran ng Diyos ay dapat mabatid at manalig sa katotohanang ikaw ay pag-aari ni Cristo. Samakatuwid, ang mga nananalig sa katuwiran ng Diyos ay wala ng iba pang gagawin sa mundong ito at sa halip ay naging mga lingkod ng Diyos. 
Kung ika’y naging lingkod ng Diyos, itataas mo Siya, iibigin Siya, mamumuhay sa Kanyang kaluwalhatian, at magpapasalamat sa Kanya dahil pinahintulutan Niyang mamuhay ng ganito.
Ikaw ba’y talagang kabilang kay Cristo? Ang mga nananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay kasamang napako Niya. Sa mamatay o mabuhay, tayo’y kabilang kay Cristo sa pamamagitan ng katuwiran ng Diyos. Ang Panginoon ay naging Panginoon ng mga ligtas.
 
 
Hindi natin dapat hatulan ang ating mga kapwa mananampalataya 
 
Nasusulat sa mga talatang 10-12, “Datapuwa’t ikaw, bakit humahatol ka sa iyong kapatid? At ikaw naman, pinawalaang halaga mo an iyong kapatid? Sapagka’t tayong lahat ay tatayo sa harapan ng hukuman ng Diyos. Sapagka’t nasusulat: “Buhay Ako,sabi ng Panginoon, sa Akin ang bawa’t tuhod ay luluhod, at ang bawa’t dila ay magpapahayag sa Dios.” Kaya nga angbawa’t isa sa atin ay magbibigay sulit sa Dios ng kaniyang sarili.”
Dahil si Cristo na ating Diyos ay nabubuhay, isang araw tayo ay luluhod sa Kanya at ipapahayag ang lahat ng bagay. Samakatuwid ay di-dapat tayo maupo sa upuan ng paghahatol at hatulan ang ating mga kapatiran, bagkus ay tumayo sa harap ng Diyos nang may kababaang-loob. Higit na mahalaga ang mabuhay para sa kalooban ng Diyos kaysa humatol sa isa’t isa sa Kanyang iglesia. Kung ating hahatulan ang kahinaan ng ating mga kapatiran, tayo’y mahahatulan sa ating mga sariling kahinaan sa harap ng Diyos. Ito ay kung bakit kailangan nating malaman kung mainam ang mabuhay para sa kalooban ng Diyos, sama-sama sa kanilang iglesia.
 
Ang tunay na pananampalataya ay nagpapalakas sa kapwa mananampalataya at hinahanap ang katuwiran ng Diyos. Tandaan na ang maling pananampalataya ay iiwan ang katuwiran ng Diyos at itatayo ang kanyang sariling katuwiran lamang. Ano naman sa iyo? Hinahanap mo ba ang katuwiran ng Diyos sa pamamagitan ng pananampalataya? O hinanahanap mo ang katuwiran ng iyong sariling laman?
 
 
Ating palakasin ang pananampalataya ng iba
 
Talatang 13-14, “Huwag na nga tayong mangaghatulan sa isa’t isa, kundi bagkus ihatol ninyo ito, na ang sinoman ay huwag maglagay ng katitisuran sa daan ng kaniyang kapatid o kadahilanan ng ikakarapa. Nalalaman ko, at naniniwala akong lubos kay Jesus na Panginoon na walang anomang bagay na marumi sa kaniyang sarili, maliban na doon sa nagaakala na ang anomang bagay ay marumi, sa kaniya’y marumi ito.”
Dahil may kaibhan sa dami ng pananampalataya ng mga nananalig sa katuwiran ng Diyos, tayo’y dapat kumilos upang itaguyod ang pananampalataya ng iba sa pamamagitan ng pagpapalakasan sa isa’t isa. Ito’y magbibigay ng paglago sa mga mananampalataya sa katuwiran ng Diyos. Kung tunay tayong nabubuhay para sa Diyos at Kanyang katuwiran, tayong lahat ay Kanyang mamamayan.
Kung ika’y isang Kristiyano na nananalig sa katuwiran ng Diyos, magagawa mo ang anuman dahil sa iyong pananalig sa Salita ng Diyos. Kung hindi mo magagawa, dahil ang hanap mo ay ang iyong sariling katuwiran sa halip na ang katuwiran ng Diyos. Ang paghahanap sa sariling katuwiran sa katuwiran ng Diyos ay tulad ng paghahanap sa sanlibutan at pagkakaroon ng maling pananampalataya.
Ang mga naghahanap ng kanilang sariling katuwiran, bagaman ligtas dahil sa pananalig sa katuwiran ng Diyos, ay nabubuhay bilang mga kaaway ng Diyos. Nais ng Diyos sa mga ligtas dahil sa pananalig sa Kanyang katuwiran na mananatiling sumunod sa Kanyang katuwiran sa buong buhay nila.
 
 
Mamuhay nang may pag-ibig
 
Sinasabi sa talatang 15-18, “Sapagka’t dahil sa pagkain ang iyong kapatid ay naghihinakit ay hindi ka na lumalakad sa pag-ibig. Huwag mong ipahamak sa iyong pagkain yaong pinagkamatayan ni Cristo. Huwag nga ninyong pabayaan na pagsalitaan ng masama ang inyong kabutihan. Sapagka’t ang kaharian ng Dios ay hindi ang pagkain at pag-inom, kundi ang katuwiran at ang kapayapaan at ang kagalakan sa Espiritu Santo. Sapagka’t ang sa ganito ay naglilingkod kay Cristo ay kalugod-lugod sa Dios, at pinatutunayan ng mga tao.”
Ang mga naligtas sa pamamagitan ng pananalig sa katuwiran ng Diyos at namumuhay sa pagkalat ng katuwiran ng Diyos ay hindi nililibak ang Kanyanga mga mamamayan alang-alang sa pagkain. Kung minsan ay nagdadala tayo ng pagkain upang ibahagi at makihalubilo sa iba nang may pag-ibig. Nguni’t pinaalalahanan tayo ni Pablo laban sa hindi pagsama sa mga mahihirap na mga kapatiran at ibabahagi lamang sa mga mayayaman, dahil iyan ay makatitisod sa ating mga kapwa Krisitiyano.
Ang mga pagpapalang ipinagkaloob ng Diyos sa mga nananalig sa Kanyang katuwiran ay pinahihintulot tayong sumunod sa katuwiran ng Diyos, ang kapayapaan ng ating isipan na ibinigay sa pamamagitan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, at kakayahang makapaglingkod sa Panginoon ng sama-sama, nagbabahaginan ng kagalakan sa isa’t isa na Kanyang binigay sa atin. Ang mga mayayaman ay dapat na malamang ang lahat ng kanilang yaman ay mula sa Diyos, at ibahagi ang mga ito sa iba upang maglingkod sa ebanghelyo at sama-samang sumunod sa katuwiran ng Diyos. Ang Diyos ay nalulugod at nagmamahal sa mga nabubuhay ng gayon.
 
 
Hanapin ng ikalalakas ng iba
 
Sa mga talatang 19-21 ay sinasabi, “Kaya nga sundin ang mga bagay na makapapayapa, at ang mga bagay na makapapagtibay sa isa’t isa. Huwag mong sirain ang gawa ng Dios dahil sa pagkain. Tunay na ang lahat ng mga bagay ay malilinis, gayon man ay masama sa tao ang kumakain ng laban sa kaniyang budhi. Mabuti ang huwag kumain ng lamangkati, ni uminom ng alak, ni gumawa ng anoman na katitisuran ng iyong kapatid.”
Matagal na panahong nakalipas, sa mga naunang lungsod tulad ng Roma at Corinto, ang tao’y nagbibili ng pagkaing minsang inalay bilang mga handog sa mga dios-diusan. Ang isa sa mga mananampalataya sa katuwiran ng Diyos ay dating bumibili ng gayong karne at kinakain ang mga ito. Pagkatapos, ang iba sa mga kapwa mananampalatayang mahihina ang pananampalataya sa iglesia ng Diyos ay nag-aakalang kasalanan ang kumain ng gayong karne. Kaya sinabi ni Pablo, “Huwag mong sirain ang gawa ng Dios dahil sa pagkain” (talatang 20).
Ganito rin sa alak. May mga ibang mananampalataya ang hindi nag-aalalang masyado ukol sa pag-inom. Nguni’t hinimok ni Pablo na kung ang gayong mga pag-uugali ay magpapahina ng pananampalataya sa kanilang kapwa mananampalataya, mainam pa sa kanila na huwag saktan ang damdamin ng kanilang kapwa mananampalataya sa kanilang pag-inom. Ito’y nagyayari rin sa atin. Samakatuwid, dapat nating ipamuhay ang pagiging Kristiyano sa paraang magpapalakas sa iba, at hanapin ang katuwiran ng Diyos. Mga usapin ay lilitaw ngayon ukol sa pagkaing ginagamit na paghahandog sa mga ninuno, mainam pa huwag kainin ang gayong uri ng pagkain alang-alang sa mga mahihina ang pananampalataya.
 
 
Manampalataya sa katuwiran ng Diyos
 
Sa talatang 22-23 ay sinasabi, “Ang pananampalataya mo na nasa iyo ay ingatan mo sa iyong sarili sa harap ng Dios. Mapalad ang hindi humahatol sa kaniyang sarili sa bagay na kaniyang sinasangayunan. Nguni’t ang nagaalinlangan ay hinahatulan kung kumakain, sapagka’t hindi siya kumakain sa pananampalataya, at ang anomang hindi sa pananampalataya ay kasalanan.”
Ang mga nananalig sa katuwiran ng Diyos ay yaong may wastong pananalig. Ang pananalig sa katuwiran ng Diyos ay pananampalatayang bigay ng Diyos na naglilinis ng lahat ng ating mga kasalanan. Samakatuwid ang mga Kristiyano’y dapat manalig sa katuwiran ng Diyos at kamtan ang udyok ng kanilang pananampalataya sa Kanyang katuwiran.
 
Sinasabi ng Kasulatan sa atin na ang pagsunod sa Diyos na walang pananalig sa Kanyang katuwiran ay isang kasalanan. Anumang ginawa na walang pananampalataya ay isang kasalanan. Nalalamang anumang ginawa na wala ang pananampalataya sa katuwiran ng Diyos ay isang kasalanan, dapat tayong magkaroon pa ng pananalig sa Kanyang katuwiran.
Sinasabi ng Biblia, “Ang nagaalinlangan ay hinahatulan kung kumakain.” Ang lahat ay malinis kung kumakain ka na may pananampalataya sa katuwiran ng Diyos, dahil nilikha ng Diyos ang bawa’t halaman at hayop.
 
Dapat nating maunawaan kung gaano kahalaga para sa atin na malaman at ang manalig sa katuwiran ng Diyos. Dapat din nating palakasin ang ating kapwa isinilang na muling mananampalataya at galangin ang kanilang pananampalataya.