• All e-books and audiobooks on The New Life Mission website are free
  • Explore multilingual sermons in global languages
  • Two new revised editions in English have been released
  • Check out our website translated into 27 languages
Search

Sermons

Paksa 9: Mga Romano (Mga Komento sa Aklat ng Mga Roma)

[Kabanata 15] Ating palaganapin ang Salita sa buong Mundo

2021.04.13 96
“Tayo ngang malalakas ay nararapat mangagbata ng kahinaan ng mahihina, at huwag tayong mangabigay lugod sa ating sarili. Bawa’t isa sa atin ay magbigay lugod sa kaniyang kapuwa, sa kanilang ikabubuti” (Roma 15:1-2).
Ang mga nananalig sa katuwiran ng Diyos ay hindi dapat ang kanilang sariling katuwiran, yamang si Jesus ay hindi hinanap ang Kanya. Ang matuwid ay nabubuhay para sa Kaharian ng Diyos at ikalat ang ebanghelyo para sa kabutihan ng iba. Sinabi ni Pablo na ang malalakas ay dapat pasanin ang mga kahinaan ng mga mahihina sa halip na bigyang-lugod ang kanilang mga sarili.
Ang mga mananampalataya sa katuwiran ng Diyos ay dapat ipangaral ang ebanghelyo upang matulungan nila ang iba na mahugasan ang kanilang mga kasalanan sa pamamagitan ng bautismo at dugo ni Jesu-Cristo. Ito ay kung bakit namumuhi ang Diyos sa mga tamad at hindi pinapalaganap ang ebanghelyo upang maligtas ang mga makasalanan. Dapat nating maihatid ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu upang ang mga makasalanan ay maligtas sa pamamagitan ng pananampalataya. Dapat din nating palakasin ang isa’t isa.
 
 
Huwag magtayo ng bahay ng pananampalataya sa ibabaw na pinagsaligan ng iba 
 
Sa talatang 20 ay sinasabi, “Aking nilayon na maipangaral ang evangelio, hindi doon sa napagbalitaan na kay Cristo, upang huwag akong magtago sa ibabaw na pinagsaligan ng iba.”
May mga bagay na kakaiba sa ebanghelyong pinangangaral ni Pablo. Ito ay ang masikap niyang ikinakalat ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Ang mga mananampalataya sa katuwiran ng Diyos ay dapat magsikap na palaganapin ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, tulad ng ginawa ni Pablo. Upang ito ay mangyari, dapat nating hanapin ang ikabubuti ng iba, sa halip na ang ating sarili. Ang taong naghahanap ng ikabubuti ng iba ay dahil sila’y kasamang napako ni Cristo at kasama Niyang nabuhay. Ang mga nananalig kay Cristo ay patay na, nguni’t nabuhay.
 
“Kaya’t madalas naming napigil ako ng pagpariyan sa inyo, datapuwa’t ngayon, na wala nang dako sa mga lupaing ito, at malaon nang panahong ako’y may nasang pumariyan sa inyo. Pagparoon ko sa Espana ay paririyan ako (sapagka’t inaasahan kong makikita ko kayo sa aking paglalakbay, at ako’y sasamahan ninyo patungo doon, pagkatapos na magkamit ng kaunting kasiyahan sa pakikisama sa inyo)—Nguni’t ngayon, sinasabi ko, ako’y pasasa-Jerusalem, upang mamahagi sa mga banal. Sapagka’t minagaling ng Macedonia at ng Acaya na gumawa ng isang ambagang laan sa mga dukha sa mga banal na nasa Jerusalem. Oo, ito’y kalugodlugod sa kanila; at sila’y may utang na loob sa kanila. Sapagka’t kung ang mga Gentil ay naging mga kabahagi sa kanilang mga bagay na ayon sa Espiritu, nararapat naman nilang paglingkuran ang mga yaon sa mga bagay na ayon sa laman. Kung maganap ko nga ito, at aking matatakan na sa kanila ang bungang ito, ay magdaraan ako sa inyong patungo sa Espana. At nalalaman ko na, pagpariyan ko sa inyo, ay darating akong puspos ng pagpapala ng evangelio ni Cristo” (Roma 15:22-29).
 
 
Si Pablo ay isang palipat-lipat na mangangaral at tagapamahala ng iglesia ng Diyos
 
Habang si Pablo’y papuntang Iglesia ng Jerusalem upang maglingkod sa mga Kristiyano, hinatid niya ang mga abuloy mula sa Macedonia at Acaya sa kanila. Dinagdag na sinabi ni Pablo na kung ang mga Gentil ay naging kabahagi ng kanilang mga espirituwal na bagay, ang kanilang tungkulin ay upang maglingkod din sa kanila sa mga material na bagay. Ang mga hinirang sa Iglesia ng Jerusalem ay nasa gitna ng pag-uusig nang panahong iyon, at hindi makalaya ang kanilang mga materyal na kakulangan. Ang Iglesia ng Jerusalem, nagtitiis sa malaking pag-uusig dahil sa pananalig kay Jesu-Cristo, ay lubusang naginhawaan ng mga kapatirang Gentil.
Sa kasalukuyan tulad ng nakalipas, naging tradisyon na sa mga iglesia ng Diyos ang magbahagi ng kanilang yaman sa mga nangangailangan sa halip na para sa kanilang mga sarili. Ang mga nanampalatayang puspos ng Espiritu lalo na ay di-mabubuhay para sa kanilang sarili. Bakit? Dahil ang Banal na Espiritu ay nanamapalataya sa kanila! Sila ang mga isinilang na muli na inaakay ng Banal na Espiritung nananahan sa kanila.
 
Kahanga-hanga na ang mga iglesia ng mga Gentil ay tumutulong at naglalaan ng salapi para sa Iglesia sa Jerusalem. Ito ang gawa ng Banal na Espiritu. Ang Banal na Espiritu ay sumusuporta sa Iglesia ng Jerusalem para sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, at hindi para sa pangangailangan ng isa, at ipinagkakaloob din ang material na tulong. Sa panahong iyon ng Israel, marami ang nahagupit, tinapon sa kulungan, mga namatay dahil sa kanilang pananampalataya kay Cristo bilang kanilang Tagapagligtas.
Sa mga dokumentaryong palabas sa TV, kadalasa’y makakakita tayo ng mga labi ng mga martir sa Catacomb at kanilang mga kublihan sa mga kuweba ng bundok. Ito ang dinanas ng Iglesia ng Jerusalem noong mga panahong iyon. Tayo rin, ay dapat magbigay tulong sa mga iglesia ng Diyos kapag sila’y nahaharap sa mga kagipitan.
Maaaring nakalimutan natin ang kahalagahan ng tulungang pinaabot ng mga Naunang Iglesia sa isa’t isa, nguni’t ito ang panahon nang ang mga mananampalataya’y namuhay sa pagtatago upang takasan ang pag-uusig. Tanging ang Banal na Espiritu ag makakagawa ng ganitong pagtutulungan sa mga pagkakataong iyon. Dahil ang Iglesia ng Jerusalem ay nasa ilalim ng pag-uusig, likas sa mga ibang iglesia ang tumulong. Dahil ito ang gawa ng Banal na Espiritu, naaangkop at mabuti.
Ikaw, na isang mananampalataya sa katuwiran ng Diyos, ay dapat makibahagi sa gayong mga gawain. Ang mga iglesiang miyembro ng The New Life Mission ay naglilikom ng pondo at pinupuhunan sa pagpapalaganap ng ebanghelyo sa buong mundo. Lahat sila’y may ibang uri ng kahirapang pananalapi upang matustusan ang kanilang sarili, nguni’t sila’y masigasig pa rin sa pagpapalaganap ng ebanghelyo upang maligtas ang mga kaluluwa.
 
Si Pablo ay naghahanap-buhay bilang isang manggagawa ng tolda upang maipangaral ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Kapag mayroong isang maaaring mag-alaga sa iglesiang kanyang itanatag, ipagkakatiwala niya ito sa kanya, at pupunta sa ibang rehiyon upang ipangaral ang ebanghelyo habang kumikita sa pamamagitan ng paggawa ng tolda para sa kanyang ikabubuhay.
Ikaw rin ay hindi nabubuhay para sa sarili mo lamang, ang aming mga ministro ay di-nabubuhay sa kanilang mga sarili. Yaong taglay ang Banal na Espiritu ay nananahan sa kanila ay inalay ang kanilang mga sarili sa mga gawain ng Diyos—iyon ay, upang iligtas ang naliligaw sa kanilang mga kasalanan. Ang mga ministro at mga miyembro ng aming misyon ay naglilingkod sa ebanghelyo sa pamamagitan ng “ministeryo sa paggawa ng tolda,” kung saan tangan nila ang kanilang mga sariling trabaho upang tustusan ang kanilang mga sarili at kasabay nito ay nagbibigay tulong para sa pagpapalaganap ng ebanghelyo, sa pamamagitan ng pananalapi at pagboboluntaryo.
Tulad nito, makikita natin ang maraming pagkahawig ng ministeryo ni Pablo at yaong iglesia ng Diyos ngayon. Tayo’y may iisang balangkas ng isipan, at nabubuhay sa ikalulugod ng Banal na Espiritu. Anong mayroon sa ating mga isipan kung ito’y malamig? Tiyak na iniisip ang ating kapwa Kristiyano at mga lingkod ng Diyos, at nagtataka kung sila’y naghihirap sa lamig. Tayong mga Kristiyanong isinilang na muli, ay kumakalinga at inaalagaan ang isa’t isa. Lahat ng mga matuwid sa Biblia ay kailangan ang isa’t isa at sama-samang maglingkod sa katuwiran ng Diyos. Ang buhay pananampalatayang ito ay ang tunay na buhay ng isang matuwid.
Kami ay nabuhay nang mga gayong pag-iisip. Nang kami’y nagsimulang mangaral ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, kailangan kaming magsimula sa wala, dahil marami kaming kakulangan. Kami’y sa pananalapi na kadalasa’y hirap na makalikom ng ilang daang dolyar upang bayaran ang upa at mga bayarin para sa gusali ng iglesia. Nguni’t kailangan pa rin naming iukol ang aming mga sarili para sa aming ministeryo sa babasahin sa buong bansa.
Kapag kami ay nahaharap sa mga kahirapang pananalapi, ang Diyos ang lumulutas sa mga ito upang makita naming ang mga bunga ng aming ministeryo. Dahil ang Banal na Espiritu ay nananahan sa aming puso, ang aming hangad na ibahagi ang ebanghelyo ay nag-aalab sa aming mga puso, anuman ang mga kahirapang kahaharapin natin. Hangad naming ibahagi ang pag-ibig ng Diyos sa lahat ng mga kaluluwang naliligaw sa pamamagitan ng pangangaral ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, tulad ng mga iglesia ng Diyos at mga matuwid na nasusulat sa Biblia.
Makikita natin na ang mga Kristiyanong isinilang na muli sa Naunang Iglesia ay kinakalinga ang isa’t isa at tayo rin ay ginagawa ito. Ito’y hindi posible kung wala ang patnubay ng Banal na Espiritu. Ang Banal na Espiritu ay pinapalaganap ang katuwiran ng Diyos sa buong mundo sa pamamagitan ng pagmamahal ng mga isinilang na muli, at patuloy na gagawin ito.
 
 
Kahit pa tayo nahaharap sa katapusan ng mga araw!
 
Sinasabi ng tao na tayo ngayo’y nabubuhay sa huling panahon, kung saan lahat ng mga kahirapang inihula sa Biblia ay magaganap. 
Malaking kapahamakan at kaguluhan ay lalamon sa kabuuan sa mga huling araw. Bilang mga mananampalataya, dapat tayong matatag na tumayo sa ating pananampalataya sa katuwiran ng Diyos at ipangaral ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu na may kasipagan. Ang mga nananalig sa katuwiran ng Diyos ay dapat na may puso sa pagkalinga sa iba at mag-ibigan sa huling panahong ito. Ang ating mga puso ay maaaring maging bato tulad ng mga puso ng sanlibutan na tumigas, nguni’t mapapagtagumpayan natin ang mundong ito sa huli, dahil taglay natin ang Banal na Espiritu. Anuman ang mga pangyayari, dapat nating kalingain ang mga iglesia ng Diyos at mga kaluluwa. Kalingain natin ang mga nangangailangan ng ating tulong, mahalin sila, isipin ang ating mga kapatiran, at ikalat ang ebanghelyo hanggang sa huli.
 
Dapat nating iukol ang ating mga sarili para sa kaligtasan ng iba sa halip na hanapin ang ating sariling katuwiran. Marami pa ring mga kaluluwa sa buong mundo, hindi pa naririnig ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Ang tao sa maraming bansa’y hindi pa nakarinig ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, ni nagkaroon ng pagkakataong malaman ang katuwiran ng Diyos. Dapat nating ituon ang ating mga kaisipan tulad ng mga sundalong nakikipaglaban upang makaakay ng mga kaluluwang ligaw at mga bansa sa pamamagitan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Ang misyong ito ay hindi namimilit, na parang tayo’y namimilit nang puwersahan, nguni’t ito’y natural na umaahon sa mga puso ng mga tulad natin kung saan ang Banal na Espiritu ay nananahan.
Ang Dakilang Tagubilin na ipangaral ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu sa buong mundo ay aktibo sa aming puso ngayon. Ang nais kong iparating sa inyo na kapag lalong nagiging pahirap ang mundong ito, lalo namang sapat na binubuhos ng Diyos ang Kanyang Banal na Espiritu sa atin. Ikinakalat namin ang ebanghelyo sa pamamagitan ng mga babasahin at mga elektronikong aklat na ipinamimigay sa mga nauuhaw sa katotohanan, nang walang bayad. Palagian inihahatid ang aming ministeryo sa buong mundo sa pamamagitan ng Internet.
Bagaman hindi kami kasing-yaman ng mga Amerikano o ng mga taga-Europa, maipapamahagi pa rin namin sa kanila ang ebanghelyong naglalaman ng katuwiran ng Diyos.
Taglay din namin ang kaisipang tulad ni Pedro, “Pilak at ginto ay wala ako, datapuwa’t ang nasa akin, ay siya kong ibibigay sa iyo. Sa pangalan ni Jesu-Cristong taga Nazaret, lumakad ka” (Mga Gawa 3:6).
Walang-bayad naming maibibigay sa kanila ang ebanghelyong naghayag ng katuwiran ng Diyos, na hindi pa nila nalalaman. Bagaman kami’y hindi nakahihigit sa iba kung susukatin ng makalupang pang-sukat, kami’y mga lingkod ng Diyos na maipamimigay ang ebanghelyong naglalaman ng katuwiran ng Diyos. Ang mga nakabasa ng ebanghelyong ito sa pamamagitan ng aming ministeryo, ay mababatid at mananalig sa ebanghelyong ito ay lubos na pagpapalain.
 
Ito ang panahon ng Internet, at sa pamamagitan nito ipinagkaloob ng Diyos sa amin ang daan buksan ang buong mundo. Nakita namin kung gaano ang pagpapasalamat at kagalakan ng tao nang ibahagi namin ang ebanghelyong tumupad sa katuwiran ng Diyos. Nagiging kalungkot-lungkot man ang mundo, lalo naman kaming nagpapasalamat at nagiging makapangyarihan habang ipinangangaral ang ebanghelyo ng katuwiran ng Diyos sa mga naliligaw. Ang mundo ba’y magwawakas ng ganito, o ang Diyos ay bibigyan pa tayo ng maraming pagkakataon upang ikalat ang Kanyang ebanghelyo? Ito ang dapat nating isaisip at ipanalangin. Ang lahat ay ganap na matutupad sa pamamagitan ng Banal na Espiritu.
Dati rin ako’y makasarili, at inaalala lang ang aking laman bago ako isinilang na muli. Hindi lang ako, kundi tayong lahat ay katulad nito. Ang nabubuhay lamang para sa kasiyahan ng laman ay maaaring mayroon silang pag-ibig, nguni’t ang katotohana’y hindi talaga sila umiibig sa iba. Ito ang kaibhan ng mga taglay ang Banal na Espiritu at yaong hindi. Ang mga makasalanan ay nabubuhay lamang sa kanilang mga sarili, nguni’t yaong taglay ang Banal na Espiritu ay may kapangyarihang mabuhay para sa iba, at talagang nabubuhay para sa iba. Ang Trinidad na Diyos ay nagbigay sa Kanyang mga mananampalataya ng kapangyarihang mabuhay para sa ibang mga kaluluwa. Dahil ang Diyos ay nananahan sa kanilang mga puso at inaakay silang magpatuloy, nagagawa nila ang Kanyang mga makatwirang gawain.
Gaano man ang dami ng mga iglesia sa mundong ito, halos lahat ng mga ito ay naging parang mga pang-kalakalan. Wala silang itinitira sa pagpapatayo ng mga magagarang iglesia at sila’y may mga malalaking laang-gugulin na mga milyong dolyar, nguni’t ang maliit na bahagi ng kanilang yaman, kung mayroon, ay binibigay sa mga kawang-gawa. Sila’y naging baliw sa pagkamal ng maraming yaman sa mundong ito, iwinawaksi ang kanilang tunay na layon sa pagsagip sa mga kaluluwa sa kasalanan bilang pangalawa at di-mahalaga. Hindi sila maaaring bahagi ng iglesia ng Diyos, dahil ang Kanyang iglesia ay di-sinusundan ang kanyang sariling kapakanan nang higit yaong sa Diyos.
 
Ang tunay na iglesia ng Diyos ay ginagamit ang kanyang mga yamang iligtas ang mga kaluluwang ligaw. Tulad ng sinasabi ng Biblia, “Mapapalad ang mga mahabagin, sapagka’t sila’y kahahabagan” (Mateo 5:7), binigay ng Diyos sa atin ang pusong kalingain ang mga kaluluwa sa mundong ito at akayin sila sa pagtutubos, at ginawa Niyang posible ang lahat ng mga bagay na ito. Ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay sama-samang nailagay sa paglalathala na naisalin sa halos 40 mga wika sa halos 80 pamagat, bawa’t isa sa mga ito ay nagpapatotoo sa katuwiran ng Diyos sa mga nahaharap sa kanilang espirituwal na kamatayan.
Sa nakalipas, ang mahirap ay maaaring maligtas sa pamamagitan ng pagtulong sa isa’t isa. Nguni’t tayo’y napasok sa panahon ng walang-hanggang labanan kung saan ang mga malalakas lang ang matitira. Sa tuwing tayo’y titingin sa henerasyong ito, kami ay kumbinsido sa aming tungkulin na dapat nating ikalat ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu sa mga taong hindi pa nakarinig nito. Tayong lahat ay may puso sa paghatid ng ebanghelyo na magdadala ng kapayapaan sa mga napapagal at napapagod sa kanilang walang-katapusang mga pakikipaglaban dito sa mundong malupit. Ating ihatid ang espirituwal na pagpapala ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu sa kanila. Tayo’y maaaring mabuhay para kay Cristo sa ating pananalig sa katuwiran ng Diyos, dahil Kanyang inalis lahat ng ating mga kasalanan.
Ang ebanghelyong kalakip ang katuwiran ng Diyos ay kakalat ng sampung beses, isang daang beses, isang libong beses, at isang milyong beses nang mas matulin ngayon. Marami tayong dapat gawin, kaya’t tayo’y dapat maging tapat. Ang mga may talino ay dapat ibigay ang kanilang mga talino sa Panginoon at ikalat ang ebanghelyo sa bawa’t kaluluwa. Tayong lahat ay dapat gawin ang pagpapalaganap ng ebanghelyo ayon sa talinong binigay ng Diyos sa atin. Wala tayong sariling kapangyarihan, nguni’t naniniwala ako kung tayo’y mananalangin ayon sa Banal na Espiritu na mag-uudyok sa atin, ipagkakaloob ng Diyos ang lahat ng ating mga hangarin.
 
Binigay ni Cristo sa atin ang Kanyang tunay na pag-ibig na iibig naman sa mga makasalanan. Tayo’y naligtas sa mga kasalanan ng sanlibutang ito sa pamamagitan ng ating mga pananampalataya sa katuwiran ng Diyos. Ito ay kung bakit kailangan tayong kumilos ng mabuti upang ikalat ang ebanghelyo, kahit pa mahirap mamuhay sa mundong ito. Mayroon tayong tungkulin na ibahagi ang ebanghelyo sa mga hindi pa nakakarinig nito.
Sinabi ng Diyos, “Nagtira ako sa Akin ng pitong libong lalake na hindi nangagsiluhod kay Baal” (Roma 11:4). Marami pa rin sa mundong ito ang nangangailangang matamo ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Maraming mga kaluluwa, mga pastor, mga teolohiya, o mga karaniwang tao, ay lumilitaw.
Na tayo’y may kakayahang kumilos para sa ebanghelyo ay dahil sa pag-ibig ni Cristo. Marami pa tayong dapat gawin, at kung minsan tayo’y namamangha sa mga ito. Nguni’t tayo’y dapat na maging tapat at ikalat ang ebanghelyo na lalo pang sipag habang tayo’y haharap pa sa maraming mga paghihirap. Ito ang puso ni Cristo. Dalangin ko na ikaw, isang matuwid, ay di dapat isipin lamang ang iyong sarili. Kung iniisip mo lang ang iyong sarili, hindi na kailangan ang pananampalataya o mga panalangin dahil sinisikap mong mabuhay para sa iyong sarili at walang kinalaman sa mga kaluluwang naliligaw. Nguni’t kung nais mong makamit ang iyong sahod upang tustusan ang iyong sarili at maging ang mga ibang kaluluwa, ano ang mangyayari? Mananalangin ka sa Diyos para sa tulong dahil ika’y mahina.
Ganito ang ating pananampalataya at mga panalangin ay lalago. Kaya sinabi ng Diyos, 
“May nagsasabog, at tumutubo pa, at may humahawak 
naman ng higit kay sa karampatan, nguni’t nauuwi 
lamang sa pangangailangan” (Mga Kawikaan 11:24).
 
Ang pagbabahagi ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu sa iba ay ang pinaka-makatwirang buhay ng mga Kristiyano. Ang espirituwal na buhay ay ang pagpapalaganap ng tunay na ebanghelyo na mag-aakay sa tao tungo kay Cristo. Ating tignan ang mga pangangailangan ng ating mga kapitbahay at kanilang mga kaluluwa, at ikalat ang ebanghelyo sa buong mundo. Nawa ang pagpapala ng katuwiran ng Diyos ay laging mapasa-iyo.
 
Hallelujah! Ating purihin ang ating Panginoon! Pinasasalamatan ko Siya sa pagpapahintulot sa atin na gawin ang Kanyang makatwiran at mabubuting mga gawain at sa pagpapalaya sa atin mula sa kapangyarihan ng kadiliman at pag-akay sa atin sa Kaharian ng Langit.