Sinabi ni Apostol Pablo sa mga hinirang sa Roma na magbatian sa isa’t isa sa kanyang pangwakas na salaysaying bahagi. Sino ang buong-puso nating babatiin sa Panginoon sa panahong ito? Maaari nating batiin na may kagalakan ang mga ministro at mga mananampalatayang nangangaral ng Salita ng Diyos sa buong mundo. Tayo ay maaaring makipagtipon sa mga naligtas sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga aklat ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Tayo rin, ay may mga iglesia, mga mananampalataya, at mga lingkod ng Diyos na maaari nating batiin kay Cristo.
Yamang hindi lahat ay nananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, ang matuwid ay hindi mababati ang lahat. Hindi lubos ang dami ng tao sa mundong ito ang maaari nating batiin ng may galak. Kahina-hinayang nga lang na hindi gaano ang dami ang nananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, na maaari nating batiin at makipagtipon sa iisang pananampalataya. Hindi tayo maaaring makipagtipon sa mga makasalanang nagkukunwari na siya’y lingkod ng Diyos sa mga makamundong iglesia.
Gaya ng kasalanan at ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay di-maaaring ,anahan sa isa’t isa, ang mga makasalanan at mga matuwid ay di-maaaring bumati sa isa’t isa. Ang mga nananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay maaaring mag-alay ng mga espirituwal na pagsamba sa Diyos at gawin ang mga espirituwal na bagay. Ngunit ang mga makasalanan, na hindi pa nakatanggap ng paghuhugas sa kanilang mga kasalanan, nagtatangkang maligtas sa pagsunod sa Kautusan ng Diyos, at sa gayo’y hindi sila maaaring espirituwal na makisama sa mga matuwid. Tulad ng isang halimaw at isang tao ay di-maaaring makipag-usap sa isa’t isa, ang matuwid ay di-maaaring makisamang espirituwal sa mga makasalanan.
Makikita natin na ang tanging tao kung saan si Pablo ay may espirituwal na pakikisalamuha ay yaong kapareho ang kanyang pananampalataya. Alam natin na ang isang tao na nakisama sa espirituwal kay Pablo, ibig sabihin sinang-ayunan ni Pablo ang kanilang pananampalataya. Kaya inisip ko, “Kung ako ay pupunta sa isang rehiyon ngayon, sino ang aking dadalawin at babatiin?” Nakatitiyak akong dadalawin ko ang Iglesia ng Sokcho kung ako ay pupunta ng Sokcho, at Iglesia ng Gangneung kung ako’y pupunta ng Gangneung. Maaari akong makipagkita sa mga lingkod at mga mananampalataya, at makipagtipon at makipaghati ng tinapay sa kanila. Maaari ko ring dalawin ang mga bahay ng aking mga kapatid doon at batiin sila. Ngunit ang mga taong babatiin ko ay yaon lamang mga nananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, at sa mga taong maaari kong ibahagi sa mga katulad ang pananampalataya sa Banal na Espiritu.
Makikita natin kung gaano ang pagpapala ng mga may pananampalataya ay sinang-ayunan ni Pablo. Anong dakila na mayroon tayong ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu upang sang-ayunan ang pananampalataya ng isa’t isa at batiin ang isa’t isa. Taglay mo ba ang pananampalataya ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu na magpapahintulot sa iyo na batiin ang isa’t isa? Maaari mo bang tapat na maihayag, ng walang duda, sa Diyos na ika’y walang kasalanan?
Nagkaroon ako ng pagkakataong batiin ang mga kapwa mananampalataya sa Tsina nang dumalaw ako roon. Dinalaw ko ang isang kapatid na nakatira sa mga pangpang ng Ilog Heran. Pagkagising ko kinabukasan, naghanda siya ng maraming almusalin. Naupo kami sa isang malaking mesang pabilog, isang mesa na madalas naming inuupuan kasama ang maraming pamilya, at nagkaroon ng kaakit-akit na pagtitipon kasama ang mga mananampalataya roon. Mayroon ding isang ebanghelista sa nalalapit na lungsod ang sabik na sabik na makita kami. Kaya kami’y dumalaw at nakipagtipon rin sa kanya. Maaari naming batiin ang sinumang nananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu.
Saan ako pupunta kung dadalawin ko ang Estados Unidos? Dadalawin ko si Pastor Samuel Kim at ang kanyang asawa sa Flushing, New York. Dadalawin ko rin ang The New Life Church upang makasama ang aming mga kapatiran doon. Sa Ruso din, mayroong isang iglesia ng mga isinilang na muli na aking dinalaw ilang taon ang nakalipas. Sa Hapon, gusto kong dalawin ang bahay ni Diakonong si Soon-Ok Park sa Tokyo.
Tayo ang mga matuwid na naligtas sa pamamagitan ng ating pananampalataya sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Hindi tayo naligtas dahil sa anumang mga nagawa sa ating laman, ngunit dahil sa Katuwiran ng Diyos na ating natanggap sa pamamagitan ng ating pananampalataya sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu.
Tulad ng iyong nakikita, may mga taong hiniwalay para batiin ng mga matuwid, tulad ni Pablo ay may listahan ng mga taong babatiin sa Roma kapitulo 16. Tulad ng ginawa ni Pablo, hindi natin mababati ang bawat Kristiyano dahil hindi lahat sila ay mayroong wastong pananampalataya, ngunit yaon lamang nakakaalam at nananalig sa Katuwiran ng Diyos. Wala tayong magagawa kundi ang purihin ang Diyos sa pagbibigay sa atin ng pananampalataya kung saan tayo’y makakabati at babatiin.
Pinaaalahahan tayo ni Pablo na lumayo sa mga taong ito
Simula sa talatang 17, ang pangalawang paalala na ginawa ni Pablo sa atin ay ang umiwas sa mga taong nagbibigay lugod sa kanilang mga tiyan. “Ngayo’y ipinamamanhik ko sa inyo, mga kapatid, na tandaan ninyo yaong mga pinanggagalingan ng pagkakabahabahagi at ng mga katitisuran, laban sa mga aral na inyong nangapagaralan, at kayo’y magsilayo sa kanila. Sapagka’t ang mga gayon ay hindi nagsisipaglingkod sa Cristong Panginoon, kundi sa kanilang sariling tiyan, at sa pamamagitan ng kanilang mabuting pananalita ay dinadaya ang mga puso ng mga wlang malay” (Roma 16:17-18). Mayroong mga hindi naglilingkod kay Cristo, kundi ang kanilang mga tiyan. Sila ang mga nagdudulot ng alitan sa mga mananampalataya at dinadaya ang walang-malay ng may kalugod-lugod na mga salita at pagpupuring pag-uusap. Dapat nating batiin ang gayong mga tao, ngunit lumayo sa kanila.
Pinaalalahanan tayo ni Pablo na humiwalay sa mga gayong tao, dahil nasisiyahan silang magdulot ng mga kabagaban sa iglesia, ginugulo yaong tunay na nananalig sa Diyos, at pinagtitipon lang ang mga walang-malay upang busugin ang kanilang sariling kasakiman. Ang gayong mga Kristiyanong lider na manunuba ay sinisikap na ikulong ang tao sa ilalim ng kautusan sa pamamagitan ng pagtuturo sa kanilang mga taga-sunod na lubusang sundin ang Kautusan. Kanila lamang binubusog ang kanilang mga sariling tiyan sa pangalan ni Jesus at dinadaya ang mga inosente. Hindi na kailangan pa sa atin na batiin sila, dahil sila ay nasa ministeryo lamang ng paglilingkod sa kanilang mga tiyan.
Ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay dapat ikalat sa lahat ng bansa!
Pangatlo, tinalakay ni Pablo ukol sa pangangailangang ikalat ang ebanghelyo sa lahat ng bansa. Sinasabi sa talatang 26, “Datapuwa’t nahayag na ngayon, at sa pamamagitan ng mga kasulatan ng mga propeta, ayon sa ipinagutos ng Diyos na walang hanggan, ay ipinakilala sa lahat ng mga bansa upang magsitalima sa pananampalataya.” Ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu na pinangaral ni Pablo ay ang tunay na ebanghelyo na kailangang marinig at sundin ng lahat ng mga bansa. Lubos na nakalulungkot nga lang na karamihan sa mga rehiyon kung saan si Pablo ay nagtatag ng mga iglesia sa mga nananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay naging mga rehiyong Islam na.
Sa panahong iyon, si Pablo ay nagpunta sa mga rehiyong ito at nagtatag doon ng mga mamumuno ng mga iglesia sa mga mananampalataya ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritung naglalaman ng katuwiran ng Diyos. Ito’y katulad din sa mga paraan ng ating pagpapadala ng mga manggagawa sa ating iglesia matapos sanayin sila sa aming paaralang pang-misyon. Bagaman ang mga iglesia sa panahong iyon ay nanatili sa pananampalataya sa “isang Panginoon, isang pananampalataya, isang bautismo” (Efeso 4:5), nabigo silang panatilihin ang kanilang pananampalataya sa ebanghelyo, dahil hindi nila naitala ang kanilang pananampalataya.
Sa ngayon kami’y nasa pagpapatuloy ng pagsasalin ng mga aklat sa saling Turkis. Isang tao sa Turkey ay naantig sa pamamagitan ng aming mga Ingles na babasahin at nagkusang isalin ang mga ito. Kami ngayon ay nagsisimulang ikalat ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu kung saan si Pablo mismo ay nangaral ng ebanghelyo at nagtatag ng mga iglesia ng Diyos. Ipinangangaral naming ang iisang ebanghelyong pinangaral ni Pablo sa buong rehiyon na kanyang dinalaw. Ang ebanghelyong pinangaral ni Pablo ay ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu na magliligtas sa lahat ng mga bansa sa pamamagitan lamang ng pananalig at pagsunod nito.
Sa huling kapitulo ng Roma, sinabi ni Pablo sa mga hinirang ng Roma na batiin ang bawa’t isa, lumayo sa mga nagpapabusog lamang ng kanilang mga tiyan, at ikalat ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu sa lahat ng mga bansa.
Ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay patitibayin tayo
Ang pang-apat na binanggit ni Pablo na itong ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay ang karunungan ng Diyos na magpapatibay sa atin. “Datapuwa’t nahayag na ngayon, at sa pamamagitan ng mga kasulatan ng mga propeta, ayon sa ipinagutos ng Diyos na walang hanggan, ay ipinakilala sa lahat ng mga bansa upang magsitalima sa pananampalataya. Sa iisang Diyos na marunong, sa pamamagitan ni Jesucristo, na sumasa Kaniya ang kaluwalhatian magpakailan man. Siya nawa” (Roma 16:26-27). Anong magpapatatag sa mga hinirang sa Roma? Ito ay ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ni Pablo ang siyang maaaring at magpapatatag sa mga hinirang sa Roma. Ang ebanghelyong ito ay siya ring karunungan ng Diyos.
Sa ebanghelyong binigay ng Diyos sa atin ay ang Kanyang karunungan. Ang ebanghelyong ito ay taglay ang kapangyarihang mag-aalis sa lahat ng ating mga kasalanan maging sa mga puno ng mga pagkukulang. Ang mga nananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay hindi lamang walang kasalanan kundi mga mangangaral nitong ebanghelyo, gaano man ang kahinaan nila at puno ng mga pagkukulang. Tanging ang karunungan ng Diyos at ebanghelyo ng tubig at ng Espiritung nagmula rito ang maaaring gumawa sa atin bilang mga ganap na nilalang. Walang ibang katotohanan maliban sa ebanghelyong ito ang maaaring magpatibay sa isang kaluluwa, puso, mga isipan, at katawan.
Hindi tinawag ni Pablo ang “ebanghelyo” bilang ebanghelyo lamang, bagkus tinawag niyang “aking ebanghelyo.” Ang ebanghelyong pinangaral ni Pablo ay ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, nahayag sa Luma at Bagong Tipan. Itong ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay hango sa ebanghelyong nahayag sa pamamagitan ng mga propeta sa Lumang Tipan at natupad sa pamamagitan ni Jesu-Cristo sa Bagong Tipan. Kaya sinabi ni Pablo na ang ‘kanyang ebanghelyo’ ay naihayag alinsunod sa kapahayagan ng lihim sa inihulang mga Kasulatan.
Ang ebanghelyong pinangaral ni Pablo ay binanggit sa pamamaraang paghahandog sa Unang Limang aklat ng Lumang Tipan, lalo na sa Levitico, at naisakatuparan ni Jesu-Cristo sa Bagong Tipan bilang katuwiran ng Diyos sa pamamagitan ng Kanyang bautismo, Kanyang kamatayan sa Krus at Kanyang pagkabuhay na muli. Kaya binigay ni Pablo lahat ng kaluwalhatian “sa Kaniya na makapangyarihan na sa inyo’y makapagpapatibay ayon sa aking evangelio.”
Ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ang nagtatatag sa mga hinirang at mga lingkod ng Diyos. Sa pamamagitan ng ebanhelyong ito, ating pananampalataya, mga kaluluwa, mga kaisipan, at mga katawan ay napagtitibay. Paano titibay ang ating pananampalataya? Anong nagpapalakas sa atin sa lahat ng mga oras gayong tayo’y laging mahina?
Ang ating pananampalataya ay tumitibay ng tumitibay dahil natamo natin ang kaligtasan kay Cristo, Siya na nag-alis ng lahat ng ating mga kasalanan dahil sa Kanyang bautismo at dugong nabubo sa Krus. Masasabi nating tayo’y walang kasalanan sa harapan ng Diyos dahil ang ating mga puso ay walang dapat ikahiya kaninuman, at sa hindi nakakahiyang pananampalatayang espirituwal, maaari nating ikalat ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu sa mga nakatali pa rin sa kasalanan.
Ang mga pang-huling paalala
Nagwakas si Pablo sa kapitulo 16 sa pamamagitan ng pangwakas na panalangin sa pagsabing, “Sa iisang Dios na marunong, sa pamamagitan ni Jesucristo, na sumasa Kaniya ang kaluwalhatian magpakailan man. Siya nawa.” Anong magluluwalhati sa Diyos sa lahat? Pangangaral ng katuwiran ng Diyos kay Jesu-Cristo ang magluluwalhati sa lahat sa Diyos. Tayo rin ay naluluwalhati kapag tayo’y naglilingkod sa ebanghelyo ng buong puso.
Ang halaga ng mensahe ni Pablo sa Roma 16 ay ang mga ito: batiin ang isa’t isa, lumayo sa mga nagpapabusog ng kanilang mga tiyan, ikalat ang ebanghelyo sa lahat ng mga bansa. Ito ang huling paalalang binigay ni Pablo sa iglesia sa Roma. Ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritung pinangaral ni Pablo ay may kapangyarihang palakasin tayo sa lahat ng paraan. Ito ang ating pinapanaligan. Ang pananampalataya sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay katulad din ng pananampalataya ng mga apostol sa Biblia at ang sinasampalatayan din ng mga mananampalatay ngayon.
Nararamdaman mo rin ba ang pagka-tulad? Namamangha ako sa tuwing nagbabasa ako ng Biblia at nababatid na taglay natin ang iisang pananampalatayang katulad ng mga tao sa Biblia na nabuhay noong dalawang libong taon ang nakalipas.
Naisip mo na ba kung gaano karami ang taong binabahaginan namin ng ebanghelyo araw-araw? Ibinabahagi naming ang ebanghelyo ng di-hihigit sa dalawang libong tao bawa’t araw. Itong dalawang libong taong ito ay di-maglaong dadami hanggang sampung libo kung ang bawa’t isinilang na muli sa bawa’t bansa ay mangangaral ng ebanghelyo sa kanilang mga kapitbahay, at ang sampung libong tao lamang ay kailangang maibahagi ito ng minsan upang maging sampung libo. Tulad ng nakikita mo, ang pangangaral ng ebanghelyo sa buong mundo ay hindi isang mahirap na gawain kung tutuusin.
Ang pangunahing katangian ng aming mga aklat ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay hindi ito naglalaho dahil ito’y nakatinggal o nakaimbak, at ang kanilang mga kahulugan ay hindi nagbabago ilan man ang makabasa ng mga ito. Kung saan mayroong isang aklat na naglalaman ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, maraming tao ang hihiram nito at babasahin, at ang ebanghelyo ng Diyos ay mapapalaganap. Ang araw na ang ebanghelyo ay umabot sa buong mundo ay hindi masyadong malayo.
Ang katuwiran ng Diyos na taglay mo dahil sa iyong pananampalataya sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu na kahit pa yaong nasa mayayamang bansa ay hindi batid ito. Ang totoong ebanghelyong nais nating ibahagi sa buong mundo ay isang misteryong hindi kilala sa mundong ito, at samakatuwid, sabik tayong ihayag ang lihim ng kaligtasan sa lahat ng mga hindi makahinga sa kanilang mga kasalanan. Itong katuwiran ng Diyos na ipinakita sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay lubos na malinaw na kung sinuman ang mga tumanggap sa ebanghelyong ito ay magpapasalamat at luluwalhati sa Diyos.
Inaakala ng ibang tao na kakaiba na paulit-ulit tayo sa pagsasalita uko sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Nguni’t gaano man natin ito ulit-ulitin, ito pa rin ay mag-aantig ng kagalakan at pasasalamat sa ating mga kaluluwa. Yamang lubos na maraming mga Kristiyano at nakatali pa rin sa kasalanan, paulit-ulit pa rin naming pinangangaral ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu sa buong mundo. Dahil ang ebanghelyong ito ay siyang ebanghelyo na ipinamana ng mga apostol, kasama na si Pablo, lahat ng mga kaluluwa dapat manalig sa ebanghelyong ito. Kailangang tayong makinig at iukit sa ating mga puso ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu dahil ito’y mahalaga sa bawa’t Kristiyano.
Ibinabahagi namin ang ebanghelyo sa higit dalawang libong tao bawa’t araw sa pamamagitan ng aming mga aklat, mga nilatha at elektroniko, at sa internet. Nakasisiguro kami na kapag ang binhi ng katotohanan ay nahulog sa mabuting lupa, ito’y magbubunga—tatlumpu, animnapu, o isang daang beses higit pa sa itinanim. Ang isang tao ay maaaring ipangaral ang ebanghelyo sa maraming dosenang tao, at bawa’t isa sa mga taong ito ay maaaring ipangaral ang ebanghelyo sa mga dosena pa, naikakalat ang ebanghelyo sa maraming bilang na mga tao.
Kapag aming narinig na ang ating ebanghelyo ay naikalat sa higit na dalawang libong tao araw-araw, ang aming mga puso ay puno ng katuwiran ng Diyos. Nagpapasalamat ako sa Diyos sa pagbubukas ng daan para sa amin na maihatid itong ebanghelyo sa buong mundo. Dalangin ko na patibayin lalo ng Diyos ang pananampalataya ng Kanyang mga lingkod.
Ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu na ngayo’y kumakalat sa buong mundo ay isang bagong daluyong ng katotohanan para sa kaligtasan. Ang ebanghelyong ito ay ang tanging daan upang matamo ang Banal na Espiritu at makapasok sa Kaharian ng Diyos. Gaano man ang iyong hirap sa paghahanap sa mga makamundong relihiyon, hindi mo masusumpungan ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu.
Ang tao sa buong mundo ay magpapasalamat sa Diyos dahil maaari na silang manalig sa Kanyang katuwiran sa pamamagitan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Ang bawa’t isang magbasa ng aming aklat ay mapapasigaw, “Aha! Ganito kung paano ako niligtas ni Jesus mula sa aking mga kasalanan!”, dahil hindi pa nila dating narinig itong ebanghelyo.
Ang mga nagnanais na mapalaya mula sa pagkakakulong sa kasalanan at yaong walang-katapusang naghahangad na matamo ang Banal na Espiritu ay tatanggapin ang lubos na kapatawaran ng kanilang mga kasalanan at kapayapaan sa kanilang mga pag-iisip kapag sila’y lubusang nalaman at tanggapin ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Mula sa pagkakataong ito, ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay mahahayag sa bawa’t bansa sa mundo.
Ang aking puso ay puno ng kagalakan na ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay kumakalat sa buong mundo. Bagaman naglilingkod ako sa ebanghelyo, alam ko na ako’y puno pa rin ng mga kahinaan at mga pagkukulang. Ngunit dahil ako’y lubos na nananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu at batid ang katuwiran ng Diyos, lagi akong nakakatanggap ng bagong lakas mula sa Panginoon upang patuloy akong makapaglingkod sa Kanyang ebanghelyo. Ang ebanghelyo ay nakapasok na sa maraming mga bansa; maraming tao ang nakabasa ng aming mga aklat at namangha sa pamamagitan ng gayong ganap na ebanghelyo.
Ang mga nananalig sa katuwiran ng Diyos sa buong mundo ay yaong mga naligtas dahil sa pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Ang dahilan kung bakit makakatayo tayo na ganap at lubos bagaman sa ating mga kahinaan ay dahil nananalig tayo sa ating Panginoon, ang katuwiran ng Diyos. Tayo’y mga manggagawa ng Diyos. Hindi natin hinahanap upang masiyahan ang ating mga tiyan, bagkus upang ikalat ang tunay na pananampalataya sa buong mundo. Pagpalain at nawa’y maraming mga mananampalatayang matuwid ay lumitaw sa ating hamon upang ikalat ang ebanghelyo sa buong mundo.
Tulad ni Pablo, maaari nating ikalat ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu kailan man ang pagdating ng ating Panginoon. Tayo’y sama-samang kumilos ng mabuti para sa Dakilang Tagubilin. Kapag ating kinalat ang ebanghelyo sa mga dulo ng mundo, ang Panginoon ay darating ayon sa Kanyang pangako at kukuhanin tayo. Dapat tayong makinig ng mabuti sa mga paalala ni Pablo, magbatian at magpalakasan sa isa’t isa. Bagaman tayo’y kulang sa ating mga gawain, tayo’y higit na pinatitibay sa espirituwal sa pamamagitan ng ating pananampalataya sa katuwiran ng Diyos. Nalaman natin kung gaano makatarungan at tiyak ang ating mga pananampalataya sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Tayo nga’y mga mananampalataya sa ating Panginoon, ang Siyang ganap na katuwiran ng Diyos.
Kapag ating tinitignan itong mundo sa ating pananampalataya sa katuwiran ng Diyos, nakikita nating marami pang dapat gawin. Tayong lahat ay mabubuhay sa pagpapalaganap ng ebanghelyo sa buong mundo, nagpupuri sa Diyos sa ating pananampalataya kay Cristo, ang Siyang katuwiran ng Diyos.
Halellujah! Walang hanggan kong pinupuri ang ating Panginoon, ang katuwiran ng Diyos!