• All e-books and audiobooks on The New Life Mission website are free
  • Explore multilingual sermons in global languages
  • Two new revised editions in English have been released
  • Check out our website translated into 27 languages
Search

Sermons

Paksa 10: Ang Pahayag (Mga Komento sa Pahayag)

[Kabanata 1-1] Pakinggan ang Pahayag ng Salita ng Diyos (Apocalipsis 1:1-20)

2021.04.13 122
(Apocalipsis 1:1-20)
“Ang Apocalipsis ni Jesucristo, na ibinigay ng Dios sa kaniya upang ipahayag sa kaniyang mga alipin, sa makatuwid ay ang mga bagay na nararapat mangyaring madali: at kaniyang ipinadala at pinaalam sa pamamagitan ng kaniyang anghel sa kaniyang alipin na si Juan; na sumaksi sa salita ng Dios, at sa patotoo ni Jesucristo, sa lahat ng mga bagay na nakita niya. Mapalad ang bumabasa, at ang nangakikinig ng mga salita ng hula, at tumutupad ng mga bagay na nangasusulat doon: sapagka’t ang panaho’y malapit na. Si Juan sa pitong iglesia na nasa Asia: Biyaya ang sumainyo nawa, at kapayapaang mula doon sa kaniya na ngayon, at nang nakaraan at darating; at mula sa pitong Espiritu na nasa harapan ng kaniyang luklukan; at mula kay Jesucristo na siyang saksing tapat, na panganay sa mga patay, at pangulo ng mga hari sa lupa. Doon sa umiibig sa atin, at sa nagkalag sa atin sa ating mga kasalanan sa pamamagitan ng kaniyang dugo; at ginawa tayong kaharian, mga sesardote sa kaniyang Dios at Ama; sumakaniya nawa ang kaluwalhatian at ang paghahari magpakailan kailan man. Siya nawa. Narito, siya’y pumaparitong nasasa mga alapaap; at makikita siya ng bawa’t mata, at ng nangagsiulos sa kaniya; at ang lahat ng mga angkan sa lupa ay magsisitaghoy dahil sa kaniya. Gayon din, Siya nawa. Ako ng Alpha at ang Omega, sabi ng Panginoong Dios, ngayon at nang nakaraan at sa darating, ang Makapangyarihan sa lahat. Akong si Juan, na inyong kapatid at inyong karamay sa kapighatian at sa kaharian at sa pagtitiis na kay Jesus, ay nasasa pulo na tinatawag na Patmos, dahil sa salita ng Dios at sa patotoo ni Jesus. Ako’y nasa Espiritu nang araw ng Panginoon, at narinig ko sa aking likuran ang dakilang tinig, na tulad sa isang pakakak. Na nagsasabi, ang iyong nakikita, ay isulat mo sa isang aklat at iyong ipadala sa pitong iglesia: sa Efeso, at sa Smirna, at sa Pergamo, at sa Tiatira, at sa Sardis, at sa Filadelfia, at sa Laodicea. At ako’y lumingon upang makita ang tinig na nagsasalita sa akin. At nang ako’y lumingon ay nakita ko ang pitong kandelerong ginto: at sa gitna ng mga kandelero ay may isang katulad ng isang anak ng tao, na may suot na damit hanggang sa paa, at may bigkis ang dibdib na isang pamigkis na ginto. At ang kaniyang ulo at ang kaniyang buhok ay mapuputing gaya ng balahibong maputi ng tupa, gaya ng niebe; at ang kaniyang mga mata ay gaya ng ningas ng apoy; at ang kaniyang mga paa ay katulad ng tansong binuli, na gaya ng dinalisay sa isang lutuang-bakal; at ang kaniyang tinig ay gaya ng lagaslas ng maraming tubig. At sa kaniyang kanang kamay ay may pitong bituin: at sa kaniyang bibig ay lumalabas ang isang matalas na tabak na may dalawang talim: at ang kaniyang mukha ay gaya ng araw na sumisikat ng matindi. At nang siya’y aking makita, ay nasubasob akong waring patay sa kaniyang paanan. At ipinatong niya sa akin ang kaniyang kanang kamay, na sinasabi, Huwag kang matakot; ako’y ang una at ang huli, at ang Nabubuhay; at ako’y namatay, at narito, ako’y nabubuhay magpakailan man, at nasa akin ang mga susi ng kamatayan at ng Hades. Isulat mo nga ang mga bagay na nakita mo, at ang mga bagay ngayon, at ang mga bagay na mangyayari sa darating; ang hiwaga ng pitong bituin na iyong nakita sa aking kanang kamay, at ng pitong kandelerong ginto. Ang pitong bituin ay ang mga anghel ng pitong iglesia: at ang pitong kandelero ay ang pintong iglesia.”
 
 
Masusing kapaliwanagan ng kasulatan
 
Talatang 1: “Ang Apocalipsis ni Jesucristo, na ibinigay ng Diyos sa kaniya upang ipahayag sa kaniyang mga alipin, sa makatuwid ay ang mga bagay na nararapat mangyaring madali: at Kaniyang ipinadala at ipinaalam sa pamamagitan ng Kaniyang anghel sa Kaniyang alipin na si Juan.”
Ang Aklat ng Apocalipsis ay sinulat ni Apostol Juan, siyang nagtala ng kapahayagan ni Jesucristo na sinabi sa kanya habang siya’y nananatili sa Patmos, isang isla sa dagat ng Aegean kung saan siya’y ipinatapon noong nanghihinang kapanahunan ng paghahati ni Domitian, Emperador ng Roma (AD 95). Si Juan ay ipinatapon sa Islang Patmos dahil sa pagbibigay saksi sa Salita ng Diyos at ang pagpapatotoo kay Jesus, at sa islang ito nakita ni Juan ang kaharian ng Diyos na pinakita ni Jesucristo sa pamamagitan ng kasiya ng Banal na Espiritu at Kanyang mga Angel.
Ano itong “Kapahayagan ni Jesucristo?” Sa pamamagitan ng paghahayag ni Jesucristo, ibig sabihin ihahayag ng Diyos sa atin sa pamamagitan ng Kanyang kumakatawang si Jesucristo, kung anong mangyayari sa mundong ito at ang Kaharian ng Langit sa hinaharap. Sino si Jesus na Kanyang Diyos at ang Tagapagligtas na nagpalaya sa sangkatauhan mula sa mga kasalanan ng sanlibutan.
Si Jesucristo ay ang Diyos ng Bagong Kahariang darating, ang tagapaghayag na nagpapakita sa atin ng lahat ng bagay ukol dito sa mundong darating, at ang kumakatawan sa Diyos Ama. Sa pamamagitan ng Salita ng Apocalipsis na naitala ni Juan, makikita natin kung paano pakikitunguhan ni Jesus ang lumang mundo at buksan ang bago.
 
Talatang 2: “Na sumaksi sa salita ng Dios, at sa patotoo ni Jesucristo, sa lahat ng mga bagay na nakita niya.”
Si Juan ay makakapagbigay saksi sa Salita ng katotohanan dahil nakita niya kung anong gagawin ni Jesucristo sa hinaharap bilang kinatawan ng Diyos Ama. Nakita at narinig ni Juan kung anong magaganap sa pamamagitan ni Jesucristo, at tulad niyaon, mapapatotoo niya ang lahat ng mga bagay.
 
Talatang 3: “Mapalad ang bumabasa, at ang nangakikinig ng mga salita ng hula, at tumutupad ng mga bagay na nangasusulat doon: sapagka’t ang panaho’y malapit na.”
Sinabi rito na mapalad yaong mga nakabasa at nakinig ng Salita ng Diyos na pinatotoo ni Juan. Sino ang mapalad? Una sa lahat, sila ang mga mananampalataya na naging bayan ng Diyos sa pamamagitan ng pagpapalaya sa lahat ng kanilang mga kasalanan dahil sa kanilang pananalig sa Salita ng Diyos. Tanging ang mga hinirang lamang ang pagpapalain dahil sila ang mga nagbabasa, nakikinig at nagpapatotoo ng Salita ng Diyos–lahat ng mga bagay na magaganap sa pamamagitan ni Jesucristo–naitala ni Juan. Ang mga naging hinirang ng Diyos sa ganitong paraan ay tatanggapin ang mga pagpapala ng Langit sa pamamagitan ng pakikinig ng Salita ng Diyos at nananatili ang kanilang pananampalataya sa Kanya.
Hindi ba sinabi ng Diyos sa atin, sa pamamagitan ni Juan, ang lihim ng katotohanan sa lahat ng darating sa mundong ito at sa Langit, paanong maririnig at makikita ito ng mga hinirang? Paano nila makakamit ang pagpapala sa pag-aalam noong una pa at paniwalaan ang lahat ng mga pagbabagong nagaganap sa mundo? Nagpapasalamat ako at lumuluwalhati sa Diyos sa pagpapakita sa atin sa pamamagitan ni Juan ng lahat ng mga magaganap sa mundo at sa langit. Sa ating kasalukuyang panahon, sadyang mapalad ang mga nakakakita at nakababasa ng kanilang mga sariling mata sa Salita ng Diyos na inihayag sa pamamagitan ni Jesucristo.
 
Talatang 4: “Si Juan sa pitong iglesia na nasa Asia: Biyaya ang sumainyo nawa, at kapayapaang mula doon sa kaniya na ngayon, at nang nakaraan at darating; at mula sa pitong Espiritu na nasa harapan ng kaniyang luklukan;” 
Sinabi ni Juan dito na kanyang ipinahahatid ang kanyang liham sa mga pitong iglesia ng Asia. Yamang naitala ang mga hula at mga pahayag na binigay ng Diyos sa kanya habang siya’y nakakulong sa Isla ng Patmos, pinadala ni Juan sa pitong iglesia ng Asia, maging sa lahat ng mga iglesia ng Diyos sa buong mundo.
 
Talatang 5: “At mula kay Jesucristo na siyang saksing tapat, na panganay sa mga patay, at pangulo ng mga hari sa lupa. Doon sa umiibig sa atin, at sa nagkalag sa atin sa ating mga kasalanan sa pamamagitan ng Kaniyang dugo;”
Bakit tinawag ni Juan si Jesucristo na “ang saksing tapat”? Ang ating Panginoon ay naparito sa mundo at binautismuhan ni Juan Bautista upang palayain lahat ng mga nasa kasalanan at nakatali sa kapahamakan. Sa pamamagitan ng Kanyang bautismo, kinuha ni Jesus lahat ng kasalanan ng sanlibutan ng minsanan, nabubo ang dugo sa Krus upang bayaran ang kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang sariling buhay, at bumangon muli mula sa kamatayan sa ikatlong araw–upang iligtas lahat ng mga mananampalataya at hugasan ang kanilang mga kasalanan. Dahil wala ng iba kundi si Jesus mismo ang nagligtas sa lahat ng mga makasalanan ng sanlibutan mula sa lahat ng kanilang mga kasalanan, si Cristo ang buhay na patunay sa kaligtasang ito.
Sa pamamagitan ng “panganay sa mga patay,” sinasabi sa atin ni Juan na si Jesus ay naging panganay sa pamamagitan ng pagparito sa mundong ito at pagtupad ng lahat ng mga kailangan ng Kautusan–binayad, sa ibang salita, ang mga bayarin ng kasalanan–sa pamamagitan ng pagkuha ng lahat ng mga kasalanan sa Kanyang bautismo, kamatayan sa Krus, at pagbangong-muli sa kamatayan. At tulad ni Cristo “na umibig sa atin at hinugasan tayo ng Kanyang sariling dugo,” pinalaya ng Diyos yaong mga nanalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu mula sa lahat ng kanilang mga kasalanan. 
 
Talatang 6: “At ginawa tayong kaharian, mga sesardote sa kaniyang Dios at Ama; sumakaniya nawa ang kaluwalhatian at ang paghahari magpakailan kailan man. Siya nawa.”
Bilang kinatawan ng Diyos Ama, si Jesus ay naparito sa mundo sa laman at niligtas ang mga makasalanan sa pamamagitan ng Kanyang bautismo at dugo sa Krus. Dahil sa mga biyayang gawang ito, nilinis tayo ni Cristo at ginawa tayong mamamayan at mga saserdote ng Diyos. Sa Ama na nagbigay sa atin ng mga pagpapalang ito ng Kanyang kamangha-manghang biyaya, at sa Anak na Kanyang kinatawan at ating Tagapagligtas, nawa lahat ng luwalhati, papuri, at pasasalamat ay maipagkaloob magpakailan kailan man! Ang layunin ng pagkakatawang-tao ni Cristo ay upang gawin tayong bayan at sesardote sa kaharian ng Diyos para sa Ama. Tayo’y naging mga “hari,” sa madaling salita, sa Kaharian ng Langit kung saan tayo’y mamumuhay ng walang hanggan kasama ang Diyos.
Talatang 7: “Narito, siya’y pumaparitong nasasa mga alapaap; at makikita siya ng bawa’t mata, at ng nangagsiulos sa kaniya; at ang lahat ng mga angkan sa lupa ay magsisitaghoy dahil sa kaniya. Gayon din, Siya nawa.”
Sinabi rito na si Cristo ay paparitong nasasa mga alapaap at ako’y naniniwalang lubos. Hindi ito isang kathang-isip lamang. Ito ang hula na si Jesucristo ay tiyak na paparito sa mundong ito mula sa Langit. Sinabi rin dito na maging “ng nangagsiulos sa Kanya” ay makikita siya. Sino ang mga ito? Ito ang mga nakakita sa Salita ng tubig at ng Espiritu bilang pawang isa sa maraming relihiyosong doktrina ng mundo, kahit pa ang Salitang ito ay may kapangyarihang iligtas silang lahat.
Kapag si Cristo ay dumating, yaong nag-ulos sa Kanya sa pamamagitan ng kanilang di-pananalig ay tiyak na tatangis. Sila’y mananangis at sasama ang loob, dahil sa oras na mabatid nila na ang ebanghelyo ng tubig at ng Epiritu ay siya ngang ebanghelyo ng katubusan at kaligtasan mula sa kanilang mga kasalanan, at si Jesus nga’y nabautismuhan ni Juan upang alisin lahat ng mga kasalanan ng sanlibutan, magiging huli na para sa kanila.
 
Talatang 8: “‘Ako ang Alpha at ang Omega, sabi ng Panginoong Dios, ngayon at ang nakaraan at sa darating, ang Makapangyarihan sa lahat.’”
“Ang Alpha at ang Omega,” sinasabi ni Juan sa atin na ang Panginoon at ang ating Diyos na makatarungan kung saan ang simula at ang katapusan ng buong kalawakan at ang kasaysayan ng sangkatauhan ay nagmula. Ang Panginoon ay babalik upang gantimpalaan ang matuwid at hatulan ang mga makasalanan. Siya ang Dakilang Diyos na hahatol sa mga kasalanan ng tao at gagantimpalaan ang katuwiran ng mga nananalig sa Kanyang katuwiran.
Talatang 9-10: “Akong si Juan, na inyong kapatid at inyong karamay sa kapighatian at sa kaharian at sa pagtitiis na kay Jesus, ay nasasa pulo na tinatawag na Patmos, dahil sa salita ng Dios at sa patotoo ni Jesus. Ako’y nasa Espiritu nang araw ng Panginoon, at narinig ko sa aking likuran ang dakilang tinig, na tulad sa isang pakakak.”
Ang salitang “kapatid” ay ginamit kapag ang kapwa mananampalataya ay nagtatawagan sa isa’t isa. Sa isinilang na muling iglesia ng Diyos, yaong naging kapamilya sa pamamagitan ng pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay tinatawagan ang isa’t isa bilang mga kapatid, at ang mga titulong ito ay ibinigay sa atin dahil sa pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu.
Ang “Araw ng Panginoon” dito ay tumutukoy sa araw matapos ang Sabbath, nang si Jesus ay magbangon mula sa kamatayan. Ito ang araw ng isang linggo nang si Jesus ay bumangong-muli, at kaya tinatawag nating “Araw ng Panginoon” ang Linggo. Ang araw na ito ay tanda ng katapusan ng panahon ng Kautusan at pagbubukas ng bagong panahon ng kaligtasan kasama ng Kanyang pagbangong muli, sinabi ng Panginoon sa atin na ang Kanyang Kaharian ay hindi sa mundong ito.
 
Talatang 11: “Na nagsasabi, ang iyong nakikita, ay isulat mo sa isang aklat at iyong ipadala sa pitong iglesia: sa Efeso, at sa Smirna, at sa Pergamo, at sa Tiatira, at sa Sardis, at sa Filadelfia, at sa Laodicea.”
Sinulat ni Juan ang kanyang nakita sa pamamagitan ng pahayag ni Jesucristo at pinadala ang mga ito bilang mga liham sa pitong iglesia ng Asia. Sinasabi sa atin na ang Diyos ay nangungusap sa buong iglesia sa pamamagitan ng Kanyang mga lingkod na kasa-kasama natin.
Talatang 12: “At ako’y lumingon upang makita ang tinig na nagsasalita sa akin. At nang ako’y lumingon ay nakita ko ang pitong kandelerong ginto,”
Dahil ang Kasulatan ng Diyos ay hindi pa kumpleto sa panahon ng mga apostol, kailangang maipakita ang mga tanda at mga pangitain sa mga alagad. Nang lumingon si Juan upang pakinggan ang tinig ng Diyos, nakakita siya ng “pitong kardelerong ginto.” Ang kandelerong ito ay sumisimbulo sa mga iglesia ng Diyos, ang pagtitipon ng mga hinirang na nananalig sa kapahayagan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Ang Diyos ay ang Panginoon ng pitong iglesia sa Asia, at siya ang Pastol na kumakalinga sa lahat ng mga hinirang.
 
Talatang 13: “At sa gitna ng mga kandelero ay may isang katulad ng isang anak ng tao, na may suot na damit hanggang sa paa, at may bigkis ang dibdib na isang pamigkis na ginto.”
“May isang katulad ng Isang Anak ng Tao,” siyang nakita ni Juan. “Sa gitna ng mga kandelero,” ay tumutukoy kay Jesucristo. Bilang Pastol ng mga hinirang, dinadalaw at kinakausap ni Jesus ang mga nananalig sa Salita ng katotohanan ng Kanyang bautismo at pagkapako. Ang paglalarawan ni Juan kay Jesus “na may suot ng damit hanggang sa paa, at may bigkis ang dibdib na isang pamigkis na ginto” ay sumisimbolo sa katayuan ng ating Panginoon bilang kinatawan ng Diyos Ama. 
 
Talatang 14: “At ang Kaniyang ulo at ang Kaniyang buhok ay mapuputing gaya ng balahibong maputi ng tupa, gaya ng niebe; at ang Kaniyang mga mata ay gaya ng ningas ng apoy;”
Ang ating Panginoon ay ganap na banal, kamangha-mangha, at kapita-pitagan. “Ang Kanyang mga mata ay gaya ng ningas ng apoy” ibig sabihin Siya, bilang Dakilang Diyos, ay ang makatarungang Hukom ng lahat.
 
Talatang 15: “At ang Kaniyang mga paa ay katulad ng tansong binuli, na gaya ng dinalisay sa isang lutuang-bakal; at ang Kaniyang tinig ay gaya ng lagaslas ng maraming tubig.”
Sino sa akala natin si Jesus? Naniniwala ang mga hinirang na Siya’y lubos at ganap na Diyos. Ang ating Panginoon ay dakila at walang kahinaan. Ngunit dahil naranasan Niya ang ating mga kahinaan habang nabubuhay sa mundong ito, Siya ay may malalim na kaunawaan ng ating mga pangyayari at mga kalagayan, at sa gayo’y lalong matutulungan tayo. Ang Kanyang tinig ay katulad ng tunog ng maraming tubig, nagpapakita kung gaano ang kabanalan at dakila ang ating Panginoon. Walang bahid ng dungis at kahinaan ng Kanyang kabanalan, pag-ibig, kamangha-mangha at karangalan.
 
Talatang 16: “At sa Kaniyang kanang kamay ay may pitong bituin: at sa Kaniyang bibig ay lumalabas ang isang matalas na tabak na may dalawang talim: at ang Kaniyang mukha ay gaya ng araw na sumisikat ng matindi.”
Ang ibig sabihin ng “Sa Kanyang kamay ay may pitong bituin,” pinapanatili ng ating Panginoon ang iglesia ng Diyos. Ang “matalas na tabak na may dalawang talim” na lumalabas sa Kanyang bibig, sa kabilang dako, ay sumisimbulo na si Jesus ay ang Dakilang Diyos na kumikilos kasama ang Salita ng kapangyarihan at kapamahalaan ng Diyos. “Gaya ng araw na sumisikat ng matindi,” ang ating Panginoon ang Diyos ng salita, ang Isang Makapangyarihan. 
Talatang 17: “At nang Siya’y aking makita, ay nasubasob akong waring patay sa Kaniyang paanan. At ipinatong Niya sa akin ang Kaniyang kanang kamay, na sinasabi, ‘Huwag kang matakot; Ako’y ang una at ang huli.’”
Pinakikita ng talatang ito kung gaano ang ating kahinaan at kadimlan tayo sa harap ng kabanalan ng Diyos. Ang ating Panginoon ay laging makapangyarihan at ganap, pinahahayag Niya ang Kanyang sarili sa mga lingkod ng Diyos minsa’y isang kaibigan, at kung minsan nama’y bilang Diyos na mahigpit ang hatol.
 
Talatang 18: “At ang Nabubuhay; at Ako’y namatay, at narito, Ako’y nabubuhay magpakailan man, at nasa Akin ang mga susi ng kamatayan at ng Hades.”
Ang ating Panginoon ay nabubuhay magpakailanman at taglay ang lahat ng kapangyarihan ng Langit bilang kinatawan ng Diyos Ama. Kaya bilang Tagapagligtas at Hukom ng sangkatauhan, Siya ang Diyos na may kapangyarihan sa buhay na walang hanggan at kamatayan.
 
Talatang 19: “Isulat mo nga ang mga bagay na nakita mo, at ang mga bagay ngayon, at ang mga bagay na mangyayari sa darating.”
Ang mga lingkod ng Diyos ay may tungkuling itala ang layon at mga gawa ng Diyos, sa kasalukuyan at sa hinaharap. Kaya’t sinabi ng Panginoon kay Juan na ikalat na may pananalig anuman ang Kanyang inihayag sa kanya, ang pananampalataya ng iglesia ng Diyos na magtatamo ng buhay ng mga bagay na magaganap sa hinaharap. Sa pamamagitan ni Juan iniutos ng Diyos kung ano ang ating gagawin.
 
Talatang 20: “Ang hiwaga ng pitong bituin na iyong nakita sa Kking kanang kamay, at ng pitong kandelerong ginto. Ang pitong bituin ay ang mga anghel ng pitong iglesia: at ang pitong kandelero ay ang pintong iglesia.”
Ano ang “hiwaga ng pitong bituin?” Ito ay ang pagtatag ng Kanyang Kaharian sa pag-angkin Niya sa atin bilang bayan sa pamamagitan ng Kanyang mga lingkod. “Ang pitong Kandelero” ay sumisimbulo sa mga iglesia ng Diyos na itinayo sa pamamagitan ng mga hinirang na nananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu na binigay ng Diyos sa tao.
Sa pamamagitan ng Kanyang mga lingkod at Kanyang mga iglesia, ipinakita ng Diyos sa mga mananampalataya kung ano ang Kanyang layon at kung ano ang naghihintay sa mundong ito sa hinaharap. Sa pamamagitan ng Salita ng kapahayagang pinakikita Niya kay Juan at kanyang naitala, tayo rin, di-maglao’y makikita ang Kanyang mga gaganapin sa pamamagitan ng ating mga sariling mata. Nagpapasalamat ako sa lahat ng mga bagay na magaganap sa mundong ito.