(Apocalipsis 1:1-20)
Nagpapasalamat ako sa Panginoon na nagbibigay sa atin ng pag-asa sa panahon ng karimlan. Ang ating pag-asa na ang lahat ay matutupad tulad ng nasusulat sa Aklat ng Apocalipsis, at maghintay ng may pananampalataya na ang lahat ng Salita ng hula ay magaganap.
Marami na ang naisulat ukol sa Aklat ng Apocalipsis. Habang ang mga haka-haka at mga interpretasyon ng mga bihasa ay sagana, mahirap pa rin ang makasumpong ng isang gawa na siguradong hango sa Biblia. Tanging sa biyaya lamang ng Diyos, ako ay nakagugol ng di-mabilang na mga oras sa pag-aaral at pagsasaliksik ng salita ng Apocalipsis o Pahayag, ako ay makasusulat sa aklat na ito. Habang sinusulat ko ito ngayon, ang aking puso ay puno ng katotohanan ng Apocalipsis. Pinuspos din ako ng Banal na Espiritu habang hinahanda ko ang mga komentaryo at mga sermon ng aklat na ito.
Isang maliit na sorpresa, kung gayon, na ang aking puso ay masaganang napuspos ng pag-asa para sa Langit at ang luwalhati ng Isang Libong Paghahari o Milenyong Paghahari. Nabatid ko rin na kung gaano ang luwalhati ng mga pagka-martir ng mga hinirang para sa ating Panginoon. Ngayon, ay handa na akong ibahagi sa inyo ang Salita ng karunungang pinakita ng Diyos sa akin, at tulungan kayong maunawaan ito.
Habang sinusulat ko ang aklat ng Apocalipsis, lalong napupuspos ang aking puso ng kaluwalhatian ng Diyos. Sa katunayan, totoong hindi ko nababatid kung gaano kadakila ang Salita ng Apocalipsis.
Pinakita ng Diyos kay Juan ang mundo ni Jesucristo. Anong kahulugan ng mga pambungad ng salitang, “ang Apocalipsis ni Jesucristo?” Ang kahulugan sa diksionaryong salitang apocalipsis ay paghahayag o paglalahad ng Diyos. Ang apocalipsis ni Jesucristo kung gayon, ay nangangahulugan kung ano ang mangyayari sa hinaharap kay Jesucristo. Sa ibang pananaw, pinakita ng Diyos kay Juan, isang lingkod ni Jesucristo, ag lahat ng mga bagay na magaganap sa huling araw.
Bago tayo lumalim sa Salita ng Apocalipsis, mayroong isang bagay tayong tiyakin bago ang iba–ito ay, dapat nating matiyak kung ang Salitang hula ng Apocalipsis ay simbulo lamang o mga katotohanan. Lahat ng mga nakasulat sa Aklat ng Apocalipsis ay pawang katotohanan, maging ang mga pangitaing pinakita ng Diyos kay Juan na detalyeng pinahayag sa atin kung ano ang magaganap sa mundong ito.
Katotohanang maraming mga bihasa ang naglahad ng iba’t ibang mga teolohiyang teorya at mga interpretasyon sa mga hula ng Apocalipsis. Katotohanan din na ang mga pagsisikap ng mga bihasang ito ay nailahad ang katotohanan ng Apocalipsis sa abot ng kanilang kaalaman. Ngunit ang gayong mga haka-hakang mungkahi ay nagdulot ng higit na kapahamakan sa Kristiyanismo, sa hindi nila pakikiayon sa katotohanan ng Biblia at nagdulot lamang ng kalituhan. Gaya halimbawa, maraming mga konserbatibong iskolar ay sumuporta sa tinatawag na ‘amelinialismo’–ito ay ang, pagtanggap nila na walang Milenyong Paghahari. Ngunit ang gayong mga opinyon ay malayo sa katotohanan ng Biblia.
Ang Isang-libong taong Paghahari ay katotohanang nakatala sa kapitulo 20 ng Apocalipsis, kung saan nakatala na ang mga hinirang ay hindi lang maghahari sa kahariang ito, kundi mamumuhay kasama ni Cristo ng isang libong taon. Sa kapitulo 21, sa kabilang dako, sinasabi sa atin na matapos ang Milenyong Paghahari, ang mga hinirang ay mamanahin ang Bagong Langit at Lupa at mabubuhay at maghaharing kasama si Cristo magpakailanman. Lahat ng mga ito ay katotohanan. Sinasabi ng Biblia sa atin na ang lahat ng katotohanang ito ay mababatid hindi bilang isang simbulo na matutupad sa mga pusong mananampalataya, ngunit bilang isang tunay na kaganapan ng kasaysayan.
Ngunit kung titignan natin ang mga Kristiyano ngayon, makikita natin na marami sa kanila ang mukhang mayroong maliit na pag-asam para sa Milenyong Paghahari. Kung ang kanilang mga pagkakaila ay totoo, hindi ba ito nangangahulugang ang pangako ng Diyos sa mga mananampalataya ay mga walang saysay na mga salita lamang? Kung walang Milenyong Paghaharing naghihintay sa mga mananampalataya, ni ang Bagong Langit at Lupa, kung gayon ang pananampalataya ng mga naligtas dahil sa pananalig kay Jesus bilang kanilang Tagapagligtas ay magiging walang-saysay.
Sa isang kaugnayang pansin, maraming mga teolohiya at mga ministro ngayon ay inaangkin na ang marka ng 666 na hula sa Apocalipsis ay isang simbulo lamang. Ngunit huwag magkakamali: kapag natupad ang araw ng kaganapan ng hulang ito, ang pananampalataya ng mga walang-kapalarang mga kaluluwa na naniniwala sa gayong mga maling pag-angkin ay matatayo agad tulad ng isang bahay na naitayo sa buhanginan.
Kung ang mga nanalig kay Jesus ay di-nanalig sa Salita ng katotohanang naihayag sa kanila sa Biblia, sila’y ituturing ng Diyos katulad din ng mga di-mananampalataya. Nagbabadya lang na hindi lamang nila nalalaman ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu na binigay ng Diyos, kundi ang Banal na Espiritu ay di man nananahan sa kanilang mga puso. Kaya ang kanilang mga puso ay di umaasam para sa Milenyong Paghahari o ang Bagong Langit at Lupang pinangako ng Diyos sa atin. Kahit pa naniniwala sila kay Jesus, hindi sila nanalig sa Kanya ayon sa katotohanang nakatala sa Salita ng Diyos. Ang nakasulat sa Apocalipsis ay ang Salita ng Diyos na nagpapakita sa atin, kung gayon ano ang tiyak at ang nalalapit na magaganap sa mundong ito.
Sa mga kapitulo 2 at 3 ng Apocalipsis ay nakatala ang Salita ng babala sa mga pitong iglesia sa Asia. Sa kanila ay matatagpuan ang mga papuri at mga pagkagalit ng Diyos sa mga pitong iglesia. Bagay nito, pinangako ng Diyos na ang korona ng buhay ay ibibigay sa mga nagpapatuloy sa kanilang mga katapatan at pagtagumpayan ang kanilang mga kapighatian. Nangangahulugang mayroong tiyak na kamatayan ng mga hinirang o pagmamartir naghihintay sa lahat ng mga mananampalataya sa huling panahon.
Ang Salita ng Apocalipsis ay ukol sa pagmartir ng mga hinirang, ang kanilang pagkabuhay muli at ang Bagong Langit at Lupa na ginawa ng Diyos sa kanila. Ang salita ng Apocalipisis ay maaaring maging isang malaking kaaliwan at pagpapala sa mga nananalig sa katiyakan ng kanilang kamatayan, ngunit mayroong maliit na idudulot sa mga di-nananalig dito. Samakatuwid tayo’y maaaring mamuhay na may katatagan sa pamamagitan ng pananatili sa ating di-pabago-bagong pananampalataya sa salita ng pangakong nakasulat sa Apocalipsis at Kanyang Salita ng katotohanan sa huling panahon.
Ang pinakamahalagang paksa sa Salita ng Apocalipsis ay ang pagmartir, pagkabuhay na muli at “rapture” ng mga hinirang ng Kaharian ng isang libong taon at ang Bagong Langit at Lupa. Ito ang layon at kalooban ng Diyos para sa mga Naunang Iglesia upang ipagtanggol ng mga mananampalataya ang kanilang pananampalataya sa huli dahil sa kanilang pagmamartir. Ito’y dahil nilayon ng Diyos ang lahat ng mga bagay na Kanyang winika ukol sa pagmamartir ng lahat ng mga hinirang. Sinabi ng Diyos sa atin, sa ibang pananalita, na lahat ng mga hinirang ay magtatagumpay kay Anticristo sa pamamagitan ng kanilang kamatayan sa huling panahon.
Isang malaking kaunawaan sa mga kapitulo 1-6 ay kritikal sa kaunawaan ng Aklat ng Apocalipsis sa kabuuan nito. Ang kapitulo 1 ay mailalarawan bilang ang panimula, habang ang mga kapitulo 2 at 3 ay nangungusap sa kamatayan o pagmartir ng mga hinirang sa Naunang Iglesia. Ang kapitulo 4 ay sinasabi sa atin ang pagluklok ni Cristo sa trono ng Diyos. Sinasabi ng kapitulo 5 ang pagbukas ni Jesucristo ng isang aklat ng plano ng Diyos at mga katuparan nito, at kapitulo 6 ay tinatalakay ang pitong panahon na itinakda ng Diyos sa sangkatauhan. Ang pang-unawa sa kapitulo 6 ay sadyang mahalaga, dahil ito ang magbubukas sa kaunawaan ng buong Apocalipsis para sa iyo.
Mailalarawan ang kapitulo 6 bilang isang plano para sa pitong panahon na nilayon ng Diyos Ama para sa sangkatauhan kay Jesucristo. Sa desenyong plano ng Diyos ay matatagpuan ang pangangalaga ng Diyos para sa pitong panahon na ipaparating ng Diyos sa sangkatauhan. Kapag nalalaman at nauunawaan natin kung ano itong pitong panahon, mababatid natin kung saan sa mga panahong ito ang kinabibilangan na natin ngayon. Mababatid din natin kung anong uri ng pananampalataya ang kailangan upang pagsikapan natin labanan at magtagumpay ang panahon ng Anticristong darating.
Tulad ng paglalarawan sa Apocalipsis 6, nang ang unang tatak, may lumabas na isang puting kabayo. Tangan ng nakasakay ang isang busog, binigyan siya ng isang putong at siya’y yumaong nagtatagumpay at upang magtagumpay. Ang sakay ng puting kabayo ay si Jesucristo, tangan Niya ang isang pana ibig sabihin patuloy Siyang makikipaglaban at magtagumpay kay Satanas. Sa ibang pananalita, ang panahon ng puting kabayo ay tumutukoy sa panahon ng tagumpay ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu na pinahintulot ng Diyos sa mundo, at ang panahong ito ay magpapatuloy hanggang ang mga layon ng Diyos ay matupad.
Ang pangalawang kapanahunan ay ang panahon ng pulang kabayo. Ito’y tumutukoy sa pagsapit ng panahon ni Satanas, kung saan si Satanas ay dadayain ang puso ng mga tao upang makipag-digma, aalisin ang kapayapaan mula sa mundo at usigin ang mga hinirang.
Pagkatapos ng panahon ng pulang kabayo ay darating naman ang panahon ng itim na kabayo, kapag ang tagutom ay umatake sa mga kaluluwa at mga katawan ng tao. Ikaw at ako ay namumuhay ngayon sa panahon nitong espirituwal at pisikal na kagutuman. Kapag ito ay sinundan ng panahon ng maputlang kabayo sa nalalapit na bukas, ang Anticristo ay lilitaw, at sa kanyang paglitaw ang mundo’y mahuhulog sa nakamamatay na mga kalamidad.
Ang panahon ng maputlang kabayo ay ang pang-apat na panahon. Sa panahong ito, ang mundo’y mahahampas ng mga salot ng pitong mga trumpeta, ang ikatlong bahagi ng kagubatan ay matutupok ng apoy, ikatlong bahagi ng dagat ay magiging dugo, ikatlong bahagi ng tubig-ulan ay magiging dugo rin, at ang ikatlong bahagi ng araw at ng buwan, ay magdidilim.
Ang ikalimang kapanahunan ay ang panahon ng pagkabuhay muli at “rapture” ng mga hinirang. Tulad ng nakatala sa Apocalipsis 6:9-10, “At nang buksan niya ang ikalimang tatak, ay nakita ko sa ilalim ng dambana ang mga kaluluwa ng mga pinatay dahil sa salita ng Dios, at dahil sa patotoong sumakanila: at sila’y sumigaw ng tinig na malakas, na nagsasabi, Hanggang kailan, Oh Panginoong banal at totoo, hindi Mo hahatulan at ipaghihiganti ang aming dugo, sa mga nananahan sa ibabaw ng lupa?”
Ang ikaanim na panahon ay ang pagkawasak ng unang mundo. Ayon sa Apocalipsis 6:12-17, “At nakita ko nang buksan niya ang ikaanim na tatak, at nagkaroon ng malakas ng lindol; at ang araw ay umitim na gaya ng isang magaspang na kayong buhok na maitim, at ang buong buwan ay naging gaya ng dugo; at ang mga bituin sa langit ay nangahulog sa lupa, gaya ng puno ng igos na isinasambulat ang kaniyang mga bungang bubot pagkahinahampas ng malakas na hangin. At ang langit ay nahawi na gaya ng isang lulong aklat kung nalululon; at ang bawa’t bundok at pulo ay naalis sa kanilang kinatatayuan. At ang mga hari sa lupa at ang mga prinsipe, at ang mga pangulong kapitan, at ang mayayaman, at ang mga makapangyarihan, at ang bawa’t alipin at ang bawa’t laya, ay nagsipagtago sa mga yungib at sa mga bato sa mga bundok; at sinasabi nila sa mga bundok at sa mga bato, Mahulog kayo sa amin, at kami’y inyong itago sa mukha noong nakaupo sa luklukan, at sa galit ng Cordero: sapagka’t dumating na ang dakilang araw ng kanilang kagalitan; at sino ang makatatayo?”
Ano, kung gayon, ang mangyayari sa ikapitong panahon na itinakda ng Diyos sa atin? Sa huling kapanahunang ito, ibibigay ng Diyos sa mga hinirang ang Kanyang Milenyong Paghihirang at ang Bagong Langit at Lupa.
Alin sa mga pitong panahong ito, kung gayon, ang ating kinabibilangan? Ngayong nalampasan ang panahon ng pulang kabayo, kung saan ang mundo’y nawasak ng maraming mga digmaan, tayo’y nabubuhay sa panahon ng itim na kabayo.
Lahat ng Salita ng Apocalipsis ay nasusulat hindi sa negatibo, kundi sa positibong espiritu para sa mga mananampalataya. Sinabi ng Diyos na hindi lamang Niya nais ibigay sa mga mananampalataya ng huling panahon ang pag-asa para sa Kanyang Isang-libong taong Paghahari, bagkus upang hindi Niya sila iiwanan parang mga ulila sa mundo.
Ang mabatid ang katotohanang inihayag sa Apocalipsis, subalit, dapat muna nating alisin ang gayong mga maling doktrina tulad ng mga teoriya ng “pre-tribulation rapture” (“rapture” muna bago ang kapighatian), “amillennialism,” at “post-tribulation rapture” (pag-uusig muna bago ang “rapture”), at ang pagbabalik sa Kasulatan.
Nagtakda ang Diyos ng pitong kapanahunan para sa atin kay Jesucristo. Ang mga pitong panahong ito ay nilayon ng Diyos para sa mga hinirang kay Jesucristo mula pa sa simula ng paglikha. Ngunit dahil maraming mga iskolar, nananatiling mangmang sa mga pitong kapanahunang ito na tinakda ng Diyos, ay inialay lang ang kanilang mga sariling interpretasyon at mga di-nasumpungang mga haka-haka sa Salita ng Apocalipsis, ang tao’y nalito ng husto. Ngunit dapat nating kilalanin ang pitong panahong itinakda ng Diyos, at kasama na ang kaalaman at pananampalataya sa katotohanang ito magpasalamat at lumuwalhati sa Kanya sa lahat ng Kanyang mga ginawa sa atin. Lahat ng mga plano ng Diyos para sa mga hinirang ay itinakda at natupad sa loob ng mga pitong kapanahunang ito.
Nawa ang aking paksa ay nagbigay sa inyo ng kaunting pangunahing kaunawaan ng panimulang talata ng Apocalipsis. Sa pamamagitan ng Aklat ng Apocalipsis, nakikita natin na ang nilikha ng Diyos ay tanda ng simula ng pitong kapanahunan na Kanyang tinakda kay Jesucristo sa pamamagitan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Sa pag-aalam nitong mga pitong panahon, ang ating pananampalataya ay magiging malakas. At sa pamamagitan ng pag-aalam nito, mababatid natin kung anong uri ng mga pagsubok ang naghihintay sa atin habang namumuhay tayo sa panahon ng itim na kabayo, at sa pamamagitan ng pagbabatid nito, mamumuhay tayo sa pamamagitan ng pananampalataya.
Ang mga mananampalataya–kasama na ikaw at ako–ay mamamatay bilang martir kapag ang panahon ng maputlang kabayo ay dumating bilang isa sa mga pitong kapanahunang nilayon ng Diyos. Kapag mabatid ito ng mga mananampalataya, ang kanilang mga puso ay mapupuspos ng pag-asa at ang kanilang mga mata ay makikita ang hindi nila nakikita dati. Kapag ang mga lingkod at mga hinirang ng Diyos ay mabatid ang nalalapit na pagdating ng panahon ng pagmartir, ang kanilang mga buhay ay malilinisan sa lahat ng mga basura, dahil kung agad nilang nabatid na sila’y itinakdang maging mga martir sa panahon ng maputlang kabayo, ang kanilang mga puso’y magiging handa kahit hindi pa nila nababatid pa.
Tayong lahat ay magiging martir gaya ng mga hinirang ng Naunang Iglesia. Dapat mong mabatid na kapag ang panahon ng maputlang kabayo ay dumating, ang pagmartir ay magiging di-maiiwasang realidad para sa mga tunay na mananampalataya, dahil agad na susunod ang kanilang pagbangong-muli matapos ang pagmartir.
Matapos ang pagmamartir ay darating ang pagbangong-muli, at susunod ang “rapture,” at sa “rapture” ay ang ating pagsalubong sa Panginoon sa langit. Pagkatapos ng pagmamartir ng mga hinirang, ibabangon ng ating Panginoon ang mga hinirang mula sa kamatayan at dadalhin sa “rapture” para sa kasalang piging sa langit.
Sa oras na dumating ang rapture ng mga hinirang, ang mundo ay laganap na ang pagkawasak at tiyak na hindi na maaari pang tirhan. Isa sa tatlong bahagi ng kagubatan ay matutupok ng apoy; mga dagat, mga ilog, at maging ang mga sibol ay magiging dugo. Nais mo pa bang tumira sa gayong mundo? Ang mga hinirang ay lalong dadami ang dahilan na sumama sa pagmamartir, gayong wala na ang pag-asa pang maiwan sa mundo.
Nais mo bang tumira sa magulo at wasak na mundo, nanginginig sa takot? Hindi! Sa huling panahon ay ang pagmamartir ng mga hinirang, at matapos nito ang kanilang pagbangong-muli at rapture, at sa kanilang pagbangong-muli at rapture ay ang luwalhati ng walang-hanggang buhay kasama ang Diyos sa Milenyong Paghahari at ang Bagong Langit at Lupa.
Maliwanag na sinasabi sa atin ng Biblia na matapos ang kalagitnaan ng Dakilang Kapighatian–ito ay ang tatlo at kalahating taon ng pitong taon–ang mga hinirang ay papatayin bilang mga martir dahil sa paglaban sa Anticristo sa pamamagitan ng kanilang pananampalataya, at ito’y susundan ng kanilang pagbangong-muli at rapture at ang pangalawang pagbabalik ni Cristo. Sa ibang pananalita, ang pagbalik ni Cristo at ang pagbangong-muli at rapture ng mga hinirang ay magaganap matapos ang kanilang pagmamartir sa Dakilang Kapighatian. Ngayon na ang panahon para sa iyo na maging maingat pa sa pag-iisip sa gayong mga usapin.
Tayo ba’y maaaring maging martir gayong ang panahon ng maputlang kabayong itinakda ng Diyos ay hindi pa dumating? Hindi. Ngunit ang “teoriya ng pre-tribulation rapture” ay itinuturong lahat ng mga hinirang ay masasama sa rapture ng Diyos bago ang simula ng Dakilang Kapighatian, at hindi sila masasama sa pitong taong Kapighatian. Inaangkin ng pananampalatayang ito na walang pagmamartir, at di-naniniwalang ang panahon ng maputlang kabayo ay darating sa mga hinirang.
Kung ang “teoriya ng pre-tribulation rapture” ay totoo, ano, kung gayon, ang pagmamartir ng mga hinirang na binabanggit sa kapitulo 13 ng Apocalipsis? Maliwanag na sinasabi rito na ang mga hinirang ay magiging martir dahil sila, na ang mga pangalang nakasulat sa Aklat ng Buhay ng Diyos, ay hindi susuko kay Satanas.
Ang mga nagtuturo ng “teoriya ng post-tribulation rapture” ay kulang din ng wastong unawa ng panahon ng maputlang kabayo, ang pagmamartir, pagbangong-muli, at rapture ng mga hinirang. Ayon sa haka-hakang ito ang mga hinirang ay mananatili sa mundong ito hanggang sa huling pitong trumpeta ng salot ay tumunog. Ngunit maliwanag na sinasabi ng Apocalipsis sa atin na ang pagbangong-muli at rapture ng mga hinirang ay magaganap kapag ang huling anghel ay pinatunog ang trumpeta,--bago, sa ibang pananalita, ibuhos ang pitong mangkok ng poot ng Diyos. Ito ang dahilan kung bakit ang Apocalipsis ay ang Salita ng dakilang kaaliwan at mga pagpapala sa mga nananalig sa ebanghelyo ng tubig at Espiritu.
“Amillennialismo” ay nagdulot lamang ng di-kasiyahan at kalituhan sa mga tao, at hindi ang katotohanan. Ang pinangako ng ating Panginoon sa Kanyang mga disipulo–na ang mga hinirang ay gagantimpalaan ng kapangyarihang maghari sa lima o sampung mga lungsod–ay ang tiyak na magaganap sa Milenyong Paghahari.
Dapat mong tandaan na ang gayong mga haka-haka bilang mga teoriya ng “pre-tribulation rapture,” “post-tribulation rapture,” at “amillennialismo” ay walang batayan, magdudulot lang ng di-pagtitiwala at kalituhan sa mga mananampalataya.
Bakit, kung gayon, ibinigay ng Diyos sa atin ang Aklat ng Apocalipsis? Binigay Niya sa atin ang salita ng Apocalipsis upang ipakita sa atin ang Kanyang pangangalaga sa pamamagitan ng mga pitong panahon at ibigay sa mga naging alagad ni Jesus ang tunay na pag-asa ng Langit.
Kahit ngayon, ang mga bagay ay magaganap bilang layon ng Diyos. Ang panahon kung saan tayo’y nabubuhay ay ang panahon ng itim na kabayo. Sa nalalapit na hinaharap, itong panahon ng itim na kabayo ay malapit ng maganap at ang kapanahunan ng maputlang kabayo ay darating. At sa panahon ng maputlang kabayo ay magsisimula ang pagmamartir ng mga hinirang sa panahong ito ay ang panahon kung saan ang buong mundo ay magiging sama-sama at iisa sa ilalim ng isang kapangyarihan ni Anticristo. Ang mga disipulo ni Jesus ay dapat maghanda ngayon upang harapin sa kanilang pananampalataya ang napipintong pagdating ng panahon ng maputlang kabayo.