• All e-books and audiobooks on The New Life Mission website are free
  • Explore multilingual sermons in global languages
  • Two new revised editions in English have been released
  • Check out our website translated into 27 languages
Search

Sermons

Paksa 10: Ang Pahayag (Mga Komento sa Pahayag)

[Kabanata 2-1] Liham sa Iglesia ng Efeso (Apocalipsis 2:1-7)

2021.04.13 92
(Apocalipsis 2:1-7)
“Sa anghel ng iglesia sa Efeso ay isulat mo: Ang mga bagay na ito ay sinasabi ng may hawak ng pitong bituin sa kaniyang kanang kamay, na yaong lumalakad sa gitna ng pitong kandelerong ginto: nalalaman ko ang iyong mga gawa, at ang iyong pagpapagal at pagtitiis, at hindi mo matiis ang masasamang tao, at sinubok mo ang mga nagpapanggap na apostol, at sila’y hindi gayon, at nasumpungan mo silang pawang bulaan; at may pagtitiis ka at nagbata ka dahil sa aking pangalan, at hindi ka napagod. Ngunit mayroon akong laban sa iyo, na iyong iniwan ang iyong unang pagibig. Kaya’t alalahanin mo kung saan ka nahulog, at magsisi ka at gawin mo ang iyong mga unang gawa; o kung hindi ay paririyan ako sa iyo, at aalisin ko ang iyong kandelero sa kaniyang kinalalagyan, maliban na magsisi ka. Nguni’t ito’y nasa iyo, na iyong kinapopootan ang mga gawa ng mga Nicolaita, na kinapopootan ko naman. Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia. Ang magtagumpay, ay siya kong pakakanin ng punong kahoy ng buhay, na nasa Paraiso ng Dios.”
 
 
Masusing kapaliwanagan ng kasulatan
 
Talatang 1: “Sa anghel ng iglesia sa Efeso ay isulat mo: ‘Ang mga bagay na ito ay sinasabi ng may hawak ng pitong bituin sa kaniyang kanang kamay, na yaong lumalakad sa gitna ng pitong kandelerong ginto:’”
Ang Iglesia sa Efeso ay isang iglesia ng Diyos naitatag sa pamamagitan ng pananampalataya sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu na ipinangaral ni Pablo. Ang “pitong gintong kandelabra” sa talatang ito ay tumutukoy sa mga iglesia ng Diyos, ang mga pagtitipon ng mga “pitong bituin” ay tumutukoy sa mga pitong lingkod ng Diyos. Ang salitang “Siyang may hawak ng pitong bituin sa Kanyang kanang kamay,” sa kabilang dako, ibig sabihin na ang Diyos mismo ang humahawak at gumagamit sa Kanyang mga lingkod.
Dapat nating mabatid kung ano ang sinabi ng Diyos sa mga pitong iglesia sa Asia sa pamamagitan ng Kanyang lingkod na si Juan ay para rin sa lahat ng Kanyang mga iglesia sa kasalukuyang panahon, na ngayo’y nahaharap sa nalalapit ng mga huling panahon. Sa pamamagitan ng Kanyang mga iglesia at mga lingkod, nagsasabi sa atin ang Diyos kung paano magtatagumpay sa mga pagsubok ang mga kapighatiang naghihintay sa atin. Dapat tayong magtagumpay laban kay Satanas sa pamamagitan ng pakikinig at pananalig sa Salita ng Apocalipsis. Nagsasalita ang Diyos sa bawat isa sa Kanyang mga iglesia.
 
Talatang 2: “Nalalaman ko ang iyong mga gawa, at ang iyong pagpapagal at pagtitiis, at hindi mo matiis ang masasamang tao, at sinubok mo ang mga nagpapanggap na apostol, at sila’y hindi gayon, at nasumpungan mo silang pawang bulaan;”
Pinuri ng Panginoon ang Iglesia ng Efeso dahil sa kanyang mga gawa, pagpapagal, pagtitiis, sa kanyang di-pagbata sa masasamang tao, at sa pagsubok at mga mapagpanggap na mga apostol. Makikita natin sa talatang ito kung gaano kalaki at pag-uukol ng Iglesia ng Efeso. Ngunit dapat nating mabatid na kung gaano man kabuti ang simula ng pananampalataya, kung di-maglaon ang pananampalataya ay maligaw, ito’y mawawalan ng saysay. Ang ating pananampalataya ay dapat ang tunay na pananampalataya na ang simula at katapusan ay mananatiling matatag.
Ngunit ang pananampalataya ng lingkod ng Iglesia sa Efeso ay iba, at dahil dito siya’y tahasang pinag-wikaan at binalaan ng Diyos na Kanyang aalisin ang Kanyang kandelabra sa Kanyang kinalalagyan. Tulad ng kapahayagan ng kasaysayan ng iglesia, ang mga pitong iglesia sa Asia Menor ay nasumpang alisin ang kanilang mga kandelabra. Dapat tayong matuto mula sa mga aral ng Iglesia ng Efeso at tandaan na ang ating mga iglesia ay dapat sang-ayunan ng Diyos bilang Kanya sa pamamagitan ng pagtatatag sa kanilang pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, at tayo’y dapat na maging mga lingkod ng Diyos na nananatili sa mga iglesia sa pamamagitan ng pananampalatayang ito.
 
Talatang 3: “At may pagtitiis ka at nagbata ka dahil sa aking pangalan, at hindi ka napagod.”
Ang ating Panginoon ay nagbabantay sa lahat ng Kanyang mga iglesia at lubos na nalalaman ang pagpapagal ng Kanyang mga hinirang alang-alang sa kapakanan ng Kanyang pangalan. Ngunit ang mga hinirang ng Iglesia ng Efeso ay nililisan ang kanilang unang pananampalataya at nagsisimilang mahulog sa maling daan sa pamamagitan ng paghahalo ng dalisay na ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ng ibang mga paniniwala.
 
Talatang 4: “Ngunit mayroon akong laban sa iyo, na iyong iniwan ang iyong unang pagibig.”
Ang mga gawa ng pananampalataya ng mga lingkod at mga hinirang ng Iglesia ng Efeso ay dakila kung saan ang Panginoon mismo ang nagpuri sa kanilang mga gawa pagpapagal, at pagtitiis. Sinubok ang mga nagpapanggap na apostol, sila’y nagtiis at nagbata alang-alang sa pangalan ng Panginoon, at hindi sila napagod. Ngunit sa gitna ng mga matataas na papuring gawain, nawalan sila ng napakahalagang higit sa mga ito: iniwan nila ang kanilang unang pag-ibig na ipinagkaloob ni Jesucristo.
Anong ibig sabihin nito? Ibig sabihin nabigo silang manatili sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu na nagpahintulot sa kanila na lumaya ng minsanan sa lahat ng kanilang mga kasalanan sa pamamagitan ng kanilang pagtanggap at pananalig sa Panginoon. Ang kanilang paglisan sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, sa kabilang dako, ibig sabihin kanilang pinahintulot ang mga maling aral at mga ibang ebanghelyo na kumalat sa kanilang iglesia.
Ano, kung gayon, ang mga ibang iglesia at mga aral na ito? Ito ang mga makamundong pilosopiya at mga makataong idolohia. Ang mga ito ay sumasalungat pa rin laban sa katotohanan ng kaligtasang binigay ng Diyos sa sangkatauhan. Maaaring may pakinabang sa laman, o maaaring maging tulong sa pagkakaroon ng pagkakaisa at kapayapaan sa mga tao, ngunit hindi ito magdudulot ng pagkakaisa sa mga puso ng tao sa Diyos. Ganito kung paano ang lingkod at mga hinirang ng Iglesia ng Efeso ay nahantong ang kanilang pananampalataya tulad ng nagtakwil, nasumpa sa harap ng Diyos. At ito ang dahilan kung bakit sila’y sinaway ng Panginoon.
Kung titignan ang kasaysayan ng iglesia, makikita natin na ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay nagsimulang lumubha mula pa sa panahon ng Naunang Iglesia. Ang matututunan sa aral na ito, dapat tayong matatag na manangan sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, bigyang-lugod ang Panginoon sa ating pananampalatayang di-nagbabago, at magtagumpay kay Satanas at sa mundo sa ating pakikibaka laban sa kanila.
Ano kung gayon, “ang unang pag-ibig” para sa lingkod at mga hinirang ng Diyos sa Iglesia ng Efeso? Ang kanilang unag pag-ibig ay walang iba kundi ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritung binigay sa kanila. Ang ebanghelyo ng tubig at ng Espirito ay ang Salita ng kaligtasang may kapangyarihang palayain lahat sa kanilang mga kasalanan sa sanlibutan.
Inihayag ng Diyos kay Pablo, Juan, at ang mga lingkod ng pitong iglesia sa Asia kung ano ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu at pinahintulutan silang unawain ito. Ganito kung paano sila nanalig sa ebanghelyong ito, at kung paanong ang mga nakarinig at nanalig sa ebanghelyong pinangaral nila sila ay maliligtas sa lahat ng mga kasalanan ng sanlibutan.
Ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritung binigay ng ating Panginoon ay matatagpuan sa salita ng bautismo ni Cristo at Kanyang dugo sa Krus. Ngunit ang lingkod ng Iglesia sa Efeso, bagamat nasumpungan ang Panginoon sa pamamagitan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu at nangaral ng may pasasalamat sa pasimula, iniwan ang ebanghelyong ito di-maglaon. Samakatuwid, sinaway siya ng Panginoon sa kanyang kamalian sa talatang ito.
 
Talatang 5: “Kaya’t alalahanin mo kung saan ka nahulog, at magsisi ka at gawin mo ang iyong mga unang gawa; o kung hindi ay paririyan ako sa iyo, at aalisin ko ang iyong kandelero sa kaniyang kinalalagyan, maliban na magsisi ka.”
Na ang lingkod ng Iglesia ng Efeso ay nahulog mula sa pag-ibig ng Diyos ay nangangahulugan na ang kongregasyon ay iniwan ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Ito ay kung bakit sinabi ng Panginoon na pag-isipan kung saan nawala ang kanilang pananampalataya, nagsisi, at gawin ang unang gawain.
Ano, kung gayon, ang dahilan sa Iglesia ng Efeso at iwan nila ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu? Ang kahinaan ng pananampalataya sa Iglesia ng Efeso, ay natuon sa makamundong mga kaisipan ng kanyang lingkod, ito ang nag-akay sa pagkaligaw ng iglesia. Ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay nagmula sa Diyos, ang tiyak na katotohanang inihayag ang lahat ng mga kasinungalingan ng mga maling doktrina at mga aral ng lahat ng mga relihiyon ng mundong ito. Ibig sabihin nang ang Iglesia ng Efeso ay pinangaral at ikinalat ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, ang labanan sa makamundong tao ay di-maiiwasan.
Ang labanan na ito, ay lalong nagpahirap para sa mga mananampalataya sa Iglesia ng Efeso upang pakitunguhan ang mga makamundong tao, maging akayin sila upang usigin sa kanilang pananampalataya. Upang iwasan ito, at upang maging madali para sa tao ang pumasok sa iglesia ng Diyos, ang lingkod sa Iglesia ng Efeso ay lumayo mula sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu at pinahintulot ang lalong pilosopiyang ebanghelyo na maituro.
Ang “pilosopiyang ebanghelyo” rito ay ang maling ebanghelyong nagmula sa makataong pag-iisip na naghahango hindi lang ang maibalik ang relasyon sa pagitan ng Diyos at ng tao kundi upang maihatid din ang kapayapaan sa pakikipag-ugnayan sa tao. Ang uri ng pataas at pahalang na pananampalatayang hangad ng Diyos sa atin.
Ang dahilan kung bakit nawala ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu sa Iglesia ng Efeso ay dahil tinangka niyang tanggapin ang hindi tinatanggap sa iglesia ng Diyos – ito ay ang, makamundong taong di-nananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu – at isinisiksik ang kanyang mga aral sa kanyang kapritso na ang iglesia ng Diyos ay maitatayo lang sa pundasyon ng salita ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu.
Ngunit maraming tao, sa panahon ngayon tulad ng panahon ng Naunang Iglesia, ang naaniwala kay Jesus kahit paano upang maligtas, at hindi nila nakikita kung bakit kailangang maniwala sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Ngunit ang paniniwala kay Jesus habang binabale-wala ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritung binigay ng Diyos ay isang malaking maling pananampalataya. Ang mga nananalig lang sa Panginoon bilang isang waring relihiyong kaugalian, hindi lubos ang puso, ay magiging kaaway ng Diyos. Ito ang dahilan kung bakit sinaway ng Panginoon at binalaan ang lingkod sa Iglesia ng Efeso upang magsisi sa kanyang maling pananampalataya at magbalik sa kanyang naunang, tunay at masigasig na pananalig, sa unang pagkakataon.
Mayroong isang mahalagang aral para sa atin dito, kung ang iglesia ng Diyos ay nawala sa pananampalataya sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, hindi na siya tatawagin ng Diyos bilang Kanyang iglesia. Ito ay kung bakit sinabi ng Panginoon na Kanyang aalisin ang kandelabra sa kanyang kinalalagyan at ibibigay sa mga mananampalataya ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu.
Ang iglesiang iniwan at hindi pinangangaral ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay hindi iglesia ng Diyos. Tiyak na maselan para sa atin na mabatid na ang paniniwala, pagtatanggol, at pangangaral ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay higit na mahalaga kaysa sa anumang mga gawa.
Ang Asia Menor kung saan ang mga pitong iglesia sa mga nasabing talata ay matatagpuan ay isang rehiyon ng Muslim ngayon. Inialis nga samakatuwid ng Panginoon ang kandelabra, ang iglesia ng Diyos at ginawa tayo na ipangaral ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu sa bung mundo. Ngunit sa tunay na iglesia ng Diyos ay ang tunay na ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Hindi mabubuhay ang iglesia ng Diyos kung wala ito. Ang labin-dalawang alagad ni Jesus ay mayroong iisang pananampalataya sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu noong panahon ng mga apostol (I Pedro 3:21, Roman kapitulo 6, I Juan kapitulo 5).
Ang labis na kasawiang-palad dito, magkagayon man, na ang mga iglesia ng Diyos sa Asia Menor ay nawalan ng tunay na ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu mula sa panahon ng Naunang Iglesia, at ang rehiyong ito ay naging Muslim bilang isang resulta nito. Dagdag nito, maging ang Iglesia Romano ay hinampas ng trahedya ng pagkawalan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ayon sa Kautusan sa Milan iniutos ng Emperorador Constantine ng Roma.
 
Talatang 6: “Nguni’t ito’y nasa iyo, na iyong kinapopootan ang mga gawa ng mga Nicolaita, na kinapopootan ko naman.”
Ang mga Nicolaita ay yaong mga gumagamit ng pangalan ni Jesus upang hangarin ang kanilang mga makamundo at material na nasa. Ngunit namumuhi ang Iglesia ng Efeso sa mga doktrina at gawa ng mga Nicolaita. Para sa Iglesia ng Efeso, ito ang isang bagay na lubos na katanggap-tanggap na pagpuri ng Diyos.
 
Talatang 7: “Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia. Ang magtagumpay, ay siya Kong pakakanin ng punong kahoy ng buhay, na nasa Paraiso ng Dios.”
Ang mga lingkod at hinirang ng Diyos ay dapat pakinggan ang sinasabi ng Banal na Espiritu sa kanila. Ang sinasabi ng Banal na Espiritu sa kanila ay ang ipagtanggol ang kanilang pananampalataya at palawigin ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu hanggang sa huli. Upang magkagayon, dapat silang lumaban at magtagumpay sa mga nagkakalat ng di-katotohanan. Ang pagkatalo laban sa di-katotohanan ay isang pagkawasak. Ang mga lingkod at mga mananampalataya ng Diyos ay dapat sakupin at talunin ang kanilang mga kaaway sa pamamagitan ng kanilang mga bisig – ito ay ang, Salita ng Diyos at ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu.
Sinabi ng Diyos, “Ang magtagumpay, ay siya Kong pakakanin ng punong kahoy ng buhay, na nasa Paraiso ng Dios.” Ibibigay lamang ng Diyos ang mga bunga ng puno ng buhay sa “kanya na nagtagumpay”. Ngunit tagumpay ng ano o sino? Magtagumpay ang ating pananampalataya sa mga di-nanalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Ang mga mananampalataya ay dapat mangako sa mga espirituwal na pakikibaka sa mga kabilang sa di-katotohanan, at dapat silang lumitaw bilang mga mananagumpay sa mga digmaang ito sa pamamagitan ng kanilang mga pananampaltaya. Dapat din nilang ibigay ang lahat ng luwalhati sa Diyos at mamuhay ng tagumpay sa pamamagitan ng kanilang pananalig sa katotohanan, magtagumpay sa kanilang mga kalaban sa kanilang pakikibaka at tanging magdudulot ng kakayahang manirahan sa Bagong Langit at Lupang binigay ng Diyos.
Sa panahon ng Naunang Iglesia, ang mga naghanap upang manalig at ipagtanggol ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay mahaharap sa pagmamartir. Gayon din, kapag dumating ang panahon para sa Anticristo na lumitaw, higit na maraming martir ang darating.