• All e-books and audiobooks on The New Life Mission website are free
  • Explore multilingual sermons in global languages
  • Two new revised editions in English have been released
  • Check out our website translated into 27 languages
Search

Sermons

Paksa 10: Ang Pahayag (Mga Komento sa Pahayag)

[Kabanata 2-2] Ang Pananampalatayang Maaaring Yayakap sa Pagmamartir (Apocalipsis 2:1-7)

2021.04.13 145
(Apocalipsis 2:1-7)
 
Karamihan sa atin, ang pagmamartir ay di-kilalang salita, ngunit sa mga taong lumaki sa kulturang di-Kristiyano, higit na hindi nakikilala ito. Sadyang ang salitang “pagmamartir” ay hindi isang salita na madalas nating nakikilala sa ating araw-araw na buhay; waring hiwalay at alangan tayo sa mundo, kaya parang mahirap para sa atin na isipin ang ating tiyak na pagmamartir. Magkagayon man, ang mga kapitulo 2 at 3 ng Aklat ng Apocalipsis ay tumatalakay sa pagmamartir, at mula sa Salita ay dapat nating maitatag ang pananampalataya ng pagmamartir sa ating mga puso – ito ay ang pananampalatayang maaari tayong maging martir.
Ang mga emperador ng Roma ay ang mga ganap na hari ng Empero ng kanilang mga tao. Gumagamit ng kapangyarihan sa ibabaw ng kanilang lupaing-bayan, nagagawa nila ang anumang kanilang nasa sa puso. Sa pagkakaroon at pananalo ng maraming mga digmaan, ang Emperador ng Roma ay nagsakop ng di-mabilang na mga bansa sa ilalim ng kanilang paghahari, dumadami ang yaman sa mga buwis na binabayaran ng mga nasakop na mga bansa. Hindi natalo kahit sa isang digmaan, ang isang bansa ay lumalaki upang maging isang dakilang kaharian ng mundo. Tanging langit ang limitasyon sa kapangyarihan na ang kanyang mga emperador ay ginamit. Sa laki ng kapangyarihang ito sila’y unti-unting sinamba bilang mga buhay na taong-diyos.
Hindi karaniwan, halimbawa, para sa mga emperador na magtayo ng mga rebulto ayon sa kanilang anyo at ang tao ay yumukod sa kanila. Sa mga emperador na naghahayag sa kanilang sarili bilang mga diyos, ang pagdami ng mga mananampalataya kay Jesus ay hindi maaaring isang bagay kundi isang seryosong banta sa kanilang dakilang kapangyarihan. Ipagbawal ang pagtitipon ng mga Kristiyano, sila’y nauwi; sa mga mabibigat na panuntunan upang usigin ang mga mananampalataya, pagdakip, pagkukulong, at di-maglaon maging pagpatay sa kanila dahil sa kanilang pananampalataya. Ito’y isang pagsalungat sa likod ng kasaysayang naganap ng mga Naunang Kristiyano sa gayong mga lugar ng mga “Catacombs” o libingan sa ilalim ng lungsod upang takasan ang pag-uusig, at itong pag-uusig ang nagdala ng saligan para sa kanila upang yakapin ang pagmamartir upang ipagtanggol ang kanilang matuwid na pananampalataya.
Ganito kung paano naglipana ang mga martir sa panahon ng Naunang Iglesia. Ang mga hinirang sa panahong iyon, ay hindi pinatay dahil lang sa pagtangging kilalanin ang kapangyarihan ng mga emperador. Nakikilala ang kanilang makalupang kapangyarihan, ngunit hindi na nila tinatanggap ang gayong kapangyarihan kung ito’y namimilit sa kanila na sambahin ang tao bilang diyos at iwaksi si Jesus mula sa kanilang mga puso kahit pa nakataya ang kanilang mga sariling buhay. Iniutos ng mga emperador ng Roma sa mga Kristiyano na itatwa si Jesus at sambahin sila, hindi lamang bilang mga emperador kundi bilang mga diyos. Dahil sa walang kakayanan at hindi handa upang sumuko sa gayong mga utos, ang mga Naunang Iglesia ay patuloy na nahaharap sa mga pag-uusig at ipapapatay sahil sa pagtatanggol sa kanilang pananampalataya, hanggang ang utos sa Milan noong taong 313 sa wakas ay nagdala sa kanilang kalayaan pang-relihiyon. Tulad ng mga ninuno sa pananampalatayang ito, tayo rin, ay marapat na maharap sa matuwid na kamatayan sa halip na iwanan ang ating pananampalataya.
Ang talata ukol sa pitong iglesia sa Asia Menor ay hindi lamang ang paglalarawan ng mga pangyayari at mga kalagayan ng panahong iyon, kundi pati na ang pahayag ukol sa mundong darating. Dito’y matatagpuan ang kapahayagan na ang mga lingkod ng Diyos at Kanyang mga hinirang ay magiging martir dahil sa pagtatanggol sa kanilang pananalig. Tulad ng panahon sa Empero ng Roma, darating ang panahong lilitaw ang isang tiyak na maghahari bilang modernong bersyon ng kaharian ng Roma, ilalagay ang bawat isa sa ilalim ng kanilang malupit na paghahari, gagawa ng mga rebulto ayon sa kanilang anyo, ang lahat ay dapat yumukod sa kanila, at pipilitin na siya’y samabahin bilang isang diyos. Hindi ito nalalayo sa ating kapanahunan, at kapag dumating ang panahong ito, maraming mga hinirang ang susunod sa mga yapak ng mga mananampalataya ng Naunang Iglesia tungo sa kanilang pagmamartir.
Samakatuwid, dapat nating panatilihin sa ating mga puso ang salita ng paalala na binigay ng ating Panginoon sa mga pitong iglesia ng Asya. Sa pagbati, paghimok, at paalala ang mga pitong iglesia ng Asya, pinangako ng Diyos sa kanila na “ang magtagumpay” ay “pakakanin ng punong kahoy ng buhay, na nasa Paraiso ng Diyos,” at tatanggap ng “putong ng buhay,” “manang natatago upang kainin,” “tala sa umaga,” at marami pa! Ito ang tapat na pangako ng Diyos sa mga nagtagumpay sa pamamagitan ng kanilang kamatayan, ibibigay Niya ang lahat ng mga walang hanggang pagpapala ng Langit.
Paano, kung gayon, mahaharap ang mga hinirang sa Naunang Iglesia sa kanilang kamatayan? Ang unang bahagi na dapat nating tandaan na yaong mga naging martir ay ang mga lingkod ng Diyos at Kanyang mga hinirang. Hindi lahat ay maaaring maging martir. Yaon lang nananalig kay Jesus bilang kanilang Tagapagligtas, hindi susuko sa ilalim ng pag-uusig, at nanangan sa kanilang pananampalataya at nagtiwala sa Panginoon ay mahaharap sa kamatayan.
Si Apostol Juan, ang nakikita natin dito na siyang nagwiwika laban sa Iglesia ng Efeso habang siya’y nasa Isla ng Patmos, ang huling nabubuhay sa 12 Apostol ni Jesus. Lahat ng mga ibang apostol ay pinatay na bilang mga martir, pati na ang mga ibang hinirang. Sa kasaysayan, ang mga hinirang ng pitong iglesia na Asia ay iilan lamang sa mga di-mabilang na mga Kristiyano ang mga naging martir hanggang sa taong 313. Dahil sa kagustuhang makatakas sa pag-uusig ng mga kapangyarihan ng Romano, sila’y nagsitungo sa ilalim ng mga lupa, naghukay ng mga kuweba upang tumakas sa kanilang abot at nagtitipon sa mga sementeryo sa ilalim ng lupang tinawag na Catacomb para sumamba – sa pamamagitan ng lahat ng ito at sa ibayo, hindi nila pinagkanulo ang kanilang pananampalataya at handang yakapin ang kanilang kamatayan.
Ang mga lingkod at mga hinirang ng pitong iglesia sa Asia, kasama na ang Iglesia ng Efeso, kahit pa sinaway sila ng Diyos dito, ay pinagpapatay din. Ang dahilan ng kanilang kamatayan ay dahil sa kanilang pananampalataya sa Panginoon. Silang lahat ay naniniwalang ang Panginoon ay Diyos, Kanyang inalis ang lahat ng kanilang mga kasalanan, at Siya ang Pastol na aakay sa kanilang lahat sa Milenyong Paghahari at ang Bagong Langit at Lupa. Ang pananampalatayang ito at ang udyok ng pag-asa na nagbigay sa kanila upang pagtagumpayan ang lahat ng kanilang takot at sakit ng kamatayang gagamitin dahil sa kanilang pagkamartir.
Tayo ngayo’y nabubuhay sa mga huling panahon. Hindi kalayuan na ang mundo’y magiging isa sa ilalim ng isang pamumuno at ang maghahari ay magkakamal ng malaking kapangyarihan ay lilitaw. Ang makapangyarihang ito, tulad ng nakatala sa Apocalipsis 13, ay binabanta ang buhay ng mga hinirang at pipilitin silang iwanan ang kanilang pananampalataya. Ngunit tayo, mga hinirang sa mga huling panahon, ay magtatagumpay sa kanyang mga banta at pamimilit at maipagtanggol ang ating pananampalataya sa pamamagitan ng kamatayang martir, dahil taglay natin ang parehong pananampalatayang taglay ng mga hinirang noong Naunang Iglesia.
Sa talatang 4-5, sinaway ng Diyos ang Iglesia sa Efeso, sinasabing, “Ngunit mayroon akong laban sa iyo, na iyong iniwan ang iyong unang pagibig. Kaya’t alalahanin mo kung saan ka nahulog, at magsisi ka at gawin mo ang iyong mga unang gawa; o kung hindi ay paririyan ako sa iyo, at aalisin ko ang iyong kandelero sa kaniyang kinalalagyan, maliban na magsisi ka.” Anong ibig sabihin nito? Ibig sabihin ay iniwanan ng Iglesia ng Efeso ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Lahat ng mga hinirang ng naunang Iglesia, pati na yaong nasa Iglesia ng Efeso, ay nanalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Ito ay dahil ang mga alagad ni Jesus ay naikalat at naipangaral ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Sa gayon ang ebanghelyong tinanggap ng mga hinirang sa panahong iyon ay ang buong ebanghelyo, hindi ang maling ebanghelyong gawang-tao na naniniwala lang sa dugo sa Krus.
Ngunit sinabi rito na ang lingkod sa Iglesia ng Efeso ay iniwan ang unang pag-ibig. Ibig sabihin nito ay iniwan ng lingkod ng Efeso ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu sa kanyang pagmiministeryo sa iglesia. Ito ay kung bakit sinabi ng Panginoon na Kanyang aalisin ang kandelabra sa kanyang kinalalagyan maliban na siya’y magsisi. Ang kahulugan ng pag-aalis ng kandelabra sa kanya ay ang pag-aalis ng iglesia, siya ring, nangangahulugang hindi na kikilos ang Banal na Espiritu sa Efeso.
Para sa lingkod sa Iglesia ng Efeso, ang pagbabalik sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu kung tutuusin ay hindi ganoon mahirap na gawin. Ngunit ito ang pinakamaliit sa kanyang mga suliranin. Ang nagpadpad sa kanya sa kaguluhang ito na siya, habang naniniwala sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ng kanyang puso, nabigong ipangaral ang kanyang sinampalatayanan. Kanyang tinanggap sa kanyang iglesia ang lahat na wari mo’y kumikilala kay Jesus bilang kanilang Tagapagligtas, kahit na hindi sila nananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, ngunit sa katotohana’y ang paghayag sa kanilang pananampalataya sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay nangangahulugang para sa mga mananampalataya ay naghahanda sa kamatayan bilang martir.
Samakatuwid, kanyang malugod na tinanggap, sa ibang pananalita, ang lahat ng mga dumalo sa kanyang iglesia taglay man nila ang iisang pananampalataya sa Diyos at Kanyang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Dahil ang pagpasok sa iglesia ng Diyos ay nangangailangan ng malaking sakripisyo, at dahil ang lingkod ng Iglesia sa Efeso ay natatakot na ang mga sakripisyo ay makahahadlang sa marami ang pagsali sa iglesia, nabigo niyang ipangaral ang tanging katotohanan sa tamang panahon.
Ngunit dahil sa Banal na Espiritu ay di-maaaring manahan kung saan wala ang katotohanan, sinabi ng Diyos na Kanyang aalisin ang kandelabra. Hindi dahil sa kakulangan ng mga gawain ng lingkod at mga hinirang ng Iglesia sa Efeso na sinabi ng Diyos na Kanyang aalisin ang iglesia; sa halip, ibig Niyang sabihin na hindi na Siya maaaring manahan sa iglesia dahil ang katotohanan ay hindi matatagpuan sa kanya.
Ito ang isang tiyak na kailangan na ang iglesia ng Diyos ay sumusunod sa Ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Ang mga lingkod at mga hinirang ng Diyos ay hindi lamang dapat manalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu kundi ay ipangaral din at ituro ito sa tama at tiyak na pamamaraan, dahil sa ebanghelyong ito lamang makikita natin ang pag-ibig ng Diyos, Kanyang biyaya, at lahat ng Kanyang mga pagpapala para sa atin.
Sa halip na ipangaral ang ebanghelyong ito, ang lingkod ng Iglesia sa Efeso ay tinanggap sa kanyang kongregasyon yaong mga nananalig lamang sa dugo sa Krus. Ngunit maging para sa isang isinilang na muling lingkod, hinirang, o iglesia, pananalig ngunit hindi pangangaral ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu na nag-aalis ng lahat ng ating mga kasalanan sa pamamagitan ng bautismo ni Jesus at Kanyang dugo sa Krus ay magiging walang saysay ang lahat ng mga ginawa ng ating Panginoon.
Kahit pa hindi tayo umabot sa paningin ng Panginoon, kung tayo’y mananalig at ipangangaral ito, mananahan ang Panginoon at kikilos sa atin ang Banal na Espiritu. Kahit pa ang mga lingkod ng Diyos o mga hinirang ay puno ng mga pagkukulang, tuturuan at aakayin sila ng Panginoon sa pamamagitan ng Kanyang Salita. Sa iglesia ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay matatagpuan ang Banal na Espiritu, at ang presensiya ng Banal na Espiritu rito ay nangangahulugang ang iglesia ay banal.
Hindi magkakaroon ng kabanalan para sa mga lingkod ng Diyos o sa mga hinirang kung hindi na nila pinangangaral ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Maaaring sabihin nilang wala na silang kasalanan, ngunit ang kabanalan ay di-masusumpungan kung saan ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay di-ipinangangaral.
Ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritung ito ay ang ebanghelyong sinasampalatayan ng mga hinirang sa Naunang Iglesia, ang ebanghelyong ipinapahayag na ang Panginoon ay naparito sa mundong ito upang iligtas ang sangkatauhan sa pamamagitan ng pag-aalis ng lahat ng mga kasalanan ng sanlibutan sa pamamagitan ng Kanyang bautismo at pag-aalis ng lahat ng ito sa pamamagitan ng Kanyang kamatayan sa Krus. Kinuha Niya lahat ng ating mga kahinaan at mga pagkukulang sa Kanyang bautismo. Inalis ng Diyos ang lahat ng ating mga kasalanan bunga ng ating kahinaan at mga pagkukulang, at siya’y naging ating walang hanggang Pastol.
Dahil sa lubos na yamang pagpapala, paanong ang sinuma’y ipagpapalit ang Panginoon sa isang emperador ng Roma at sambahin ang isang mortal bilang kanyang diyos? Dahil ang biyaya ng Diyos ay lubos na dakila at lubos ang pananagana, walang mga panghihikaya’t ni mga pananakot ng isang emperador ng Romano ang maaaring gumawa sa mga hinirang upang itatwa ang Kanyang pag-ibig, at sila’y handa at galak na yayakap sa pagmamartir upang ipagtanggol ang kanilang pananampalataya. Kanilang nilabag ang mga pananakot na nagpipilit sa kanila na talikdan ang kanilang pananampalataya at ang mga pagtatangkang iluklok sila bilang mga pampublikong opisyal upang maakit sila na talikdan ang kanilang pananampalataya para sa mga materyal na benepisyo. Wala ni isa ang maaaring magpatalikod sa kanilang pananampalataya at iwanan ang kanilang Diyos, at ang walang kamatayang katapatang ito ang nagbigay sa kanila ng kakayahang maging martir.
Ang puso ng mga martir ay napuno ng pasasalamat sa biyaya at pag-ibig ng Diyos na nagpalayo sa kanila mula sa kanilang mga kasalanan sa pamamagitan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Yaong ang pananampalataya ay di-maaaring pagkanulo ang pag-ibig ng Diyos na walang hanggang nagpalalaya sa kanila mula sa kanilang mga kasalanan ay yumakap sa pagmamartir kaysa sa pagtalikod sa pananampaltaya. Ang panahon ay darating kapag, tulad ng mga emperador ng Roma ay ipinilit sa mga hinirang ng Naunang Iglesia na kilalanin rin ang kanilang pagka-diyos at sambahin sila bilang mga diyos, tayo, rin ay ipipilit na talikdan ang ating pananampalataya. Kapag nangyari ito, dapat nating tularan ang mga yapak ng ating mga ninuno sa kanilang pananampalataya at ipagtanggol ito kahit pa sa kamatayan.
Bagaman puno tayo ng mga pagkukulang, lubos na inibig tayo ng Diyos na Kanyang kinuha ang ating mga pagkukulang at mga kasalanan. Gaano man hindi tayo nakaabot sa Kanyang kaluwalhatian, tinanggap Niya tayo sa Kanyang mga bisig. Hindi lamang Niya tayo niyakap, ngunit Kanyang nilutas ang lahat ng mga suliranin ng kasalanan at kapahamakan at ginawa Niya tayong Kanyang mga anak at Kanyang mga asawang babae magpakailanman. Ito ay kung bakit hindi natin maaaring ipagkanulo ang ating pananampalataya sa Kanya at kung bakit handa at galak nating yayakapin ang kamatayan alang-alang sa Kanyang pangalan. Ang pagmamartir o kamatayan ay upang ipagtanggol ang unang pag-ibig na binigay ng Diyos sa atin. Hindi ito produkto ng ating mga damdamin, bagkus ay pananampalataya sa katotohanang binigay ng Diyos sa atin lahat ng kanyang mga pagpapala sa kabila ng ating mga kahinaan at mga pagkukulang. Hindi dahil sa kalakasan ng ating kaloobang maging martir, ngunit dahil sa ating pananampalataya sa kadakilaan ng ating Diyos.
May mga taong naging martir sa kamatayan para sa kanilang bansa o idolohiya. Ang mga taong ito ay mayroong malakas na paniniwalang di-nababali sa kanilang paniniwala na totoo at handang ialay ang buhay alang-alang dito. Ngunit paano ang ukol sa atin? Paano maaaring ang mga anak ng Diyos na isinilang na muli sa pamamagitan ng tubig at ng Espiritu dahil sa kanilang pananampalataya kay Jesucristo ay mamatay sa pagmamartir? Tayo’y papatayin parang martir dahil sa ating pagpapasalamat sa ebanghelyo dahil sa pagmamahal at pagliligtas ng ating Panginoon. Dahil tinanggap tayo ng Panginoon sa kabila ng ating di-mabilang na mga pagkukulang, dahil binigay Niya sa atin ang banal na Espiritu, at dahil ginawa Niya tayong Kanyang bayan at pinagpala Niya tayong mamuhay ng walang hanggan sa Kanyang presensya, hindi kailanman natin Siya lilisanin.
Pinangako rin ng Diyos sa atin ang Bagong Langit at Lupa at dahil sa pag-asang ito hindi natin matatalikuran ang ating pananampalataya. Anuman ang mangyari – kahit pa bantaan at usigin sa kamatayan ni Anticristo sa mga huling araw – kailanman ay hindi natin maitatatwa ang ating Panginoon at Kanyang ebanghelyo sa tubig at sa Espiritu. Kahit pa tayo kaladkarin sa paanan ni Anticristo at patayin, hindi natin maipagkakanulo ang biyaya at pag-ibig ng Diyos na nagligtas sa atin. Gaya ng kasabihan, hindi kahit pa “sa ibabaw ng ating mga bangkay” ay ipagkanulo natin ang Panginoon. Maaari tayong pilitin sa ibang mga bagay, ngunit mayroong isang bagay na kailanman ay di tayo susuko: hindi natin lilisanin ni pagkakanulo ang pag-ibig ni Cristong nagligtas sa atin.
Sa tingin mo ba’y maaawa sa atin si Anticristo dahil sa ating mga kakulangan? Hindi! Hindi niya tayo pahahalagahan! Ngunit ginawa tayong lubos at ganap ng ating Panginoon sa pamamagitan ng pag-aalis ng lahat ng ating mga suliranin at nahatulan alang-alang sa atin, gaano man ang ating kahinaan at kakulangan. Ito ang dahilan kung bakit hindi natin maiiwan ang pag-ibig ng kaligtasan ng Panginoon na nagpalaya sa atin sa pamamagitan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, at kung bakit hindi natin lilisanin ang ating pananalig sa unang pag-ibig na ito. Walang iiwanan malibang iwanan natin ito ng ating puso.
Gayonman, kung pananatilihin ang pananampalataya sa kahibuturan ng ating puso, maipagtanggol natin ang ating pananalig hanggang sa huli anuman ang pagbabanta, pag-akit, o pamimilit sa atin. Kung alam natin sa ating mga puso ang napakahalagang pag-ibig ng Diyos sa atin, at kung kakapit tayo sa pag-ibig natin hanggang sa huli, maipagtanggol natin ang ebanghelyo hanggang sa mga huling araw. Sa mga nabubuhay sa pananalig, kamatayan bilang martir ay di-mahirap yakapin.
Tayong lahat ay dapat seryosong mag-isip para sa posibleng kamatayan natin. Ang pagmamartir ay hindi lang ang magtiis sa sakit at paghihirap. Ang ating laman ay gayon na lamang kahit pa ang pinakamaliit na pagtusok ng isang karayom ay magdudulot ng di-makayanang mga sakit. Ang pagbata sa gayong mga sakit sa laman ay hindi iyan ang ukol sa pagmamartir. Sa halip, ang pagmamartir ay ukol sa pagbigay ng sariling buhay. Hindi lamang paghihirap sa mga pisikal na mga sakit, kundi ang kahandaang mawala ang sariling buhay na ito ang pagmamartir. Kapag pinilit ni Anticristo na tawagin at sambahin siya bilang diyos, tututol tayo para sa ating sariling kamatayan. Dahil tanging ang Panginoon natin ang Diyos at sa Kanya lang ating pagsamba, marapat lamang tayo’y maging martir at mamatay sa pagtatanggol sa Kanyang pangalan. Hindi maipagpapalit ang pananalig na ito sa kahit ano pa man.
Si Anticristo ba, na nagtatatwa sa Diyos at nagpipilit na sambahin bilang isang diyos, talagang karapat-dapat na sambahin ng gayon? Hindi! Tanging ang Diyos ang may kapangyarihang lumikha ng mundo at kalawakan. Siya lang ang may kapangyarihan sa buhay at kamatayan. Siya lang ang walang-bahid, walang kasalanan, at ganap na matuwid sa lahat ng nilalang, at Siya lang ang may kapangyarihang magalis ng lahat ng kasalanan ng sanlibutan. Paano naman si Anticristo? Ang tanging mayroon si Anticristo ay ang makalupang kapangyarihan. Kaya hindi natin maaaring ipagpalit ang Panginoon para sa kanya, at ito rin ay kung bakit kailanma’y di natin maipagkakanulo ang ating pananalig sa Dakilang Diyos.
Ang Diyos lang ang tiyak na magbibigay sa atin ng walang hanggang kaligayahan. Kanyang ibabangong muli yaong mga naging walang kasalanan dahil sa pananalig kay Jesucristo upang magkaroon ng mga luwalhating katawan at buksan ang pinto ng Milenyong Paghahari ay ang Bagong Langit at Lupa para sa kanila. Ngunit yaong mga yumukod kay Anticristo at haharap sa walang hanggang kapahamakan at itatapon sa impiyerno kasama si Satanas. Isang malaking kahangalan na itapon ang ating walang hanggang kaligayahan sa pagpanig kay Satanas sa takot na gagawing pansamantalang pasakit at hirap. Sa pag-aalam sa katotohanang ito, sa mga naniniwala sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu sa kanilang mga puso ay matapang na tatayo laban kay Anticristo, magiging martir, at tatanggapin ang walang hanggang kaligayahan bilang gantimpala sa kanilang sakripisyo.
Ikaw at ako, tayong lahat ay magiging martir. Huwag magkakamali kapag natapos na ang panahon ng itim na kabayo, darating ang panahon ng maputlang kabayo, at pagkatapos, lilitaw ang Anticristo at magsisimula ang mga salot ng pitong trumpeta. Tiyak na darating ang Anticristo, tayong mga hinirang ay tiyak na magiging martir, at sa ating pagbangong-muli ay tiyak na masasama sa “rapture.” At tiyak na tiyak na papasok sa Kaharian ng Isang libong Taon. Itong dahilan kung bakit tayo’y handang maging martir sa mga pag-uusig at paghangad ng ating kamatayan.
Quo Vadis, isa sa mga klasikong pelikua, inilalarawan ang mga maraming Kristiyanong ibinuwis ang kanilang buhay sa pagtatanggol sa kanilang pananampalataya at umawit ng mga papuri habang sila’y pinapatay. Ang pelikula ay isang kathang-isip, ngunit ang kasaysayan sa likod nito ay makatotohanan – ito ay, maraming mga Kristiyano ang ibinigay ang kanilang mga buhay sa pagtatanggol ng kanilang pananampalataya. Bakit hinayaan nila ito? Dahil ang pinipilit ng mga Romano sa kanila ay itatwa ang Diyos, upang sambahin ang mga ibang diyos, at itapon ang kanilang pananampalataya – ay hindi ibang bagay na kanilang tatanggapin.
Kung kanilang papalitan ang kanilang Diyos tulad ng pagpilit ng mga emperador ng Roma, mapapabago nila lahat ng bagay. Ang emperador ang kanilang magiging diyos, papasupil sila sa ilalim ng kanyang kalupitan, at mamatay sa kanyang digmaan bilang kanyang mga maliliit na tauhan. Hindi sila mapapalaya sa kanilang kasalanan, ni hindi sila makapapasok sa Bagong Langit at Lupa. Ito’y kung bakit hindi nila maipagkakanulo ang kanilang pananampalataya at sa halip ay piniling maharap ang tiyak na kamatayan na may galak at papuri. Makakaawit sila ng mga papuri sa Panginoon kahit pa sa kanilang kamatayan, dahil ang kanilang pag-asa ay lubos na malaki kaysa sa kanilang paghihirap sa kamatayan.
Lubos at tiyak na kritikal para sa atin na ipagtanggol ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Kailangan din sa atin ang mabuhay sa pag-asa, naniniwalang sa kabilang dako ng ating kamatayan ay naghihintay ang ating buhay na walang hanggan sa isang bagong mundo puno ng kaligayahan at kaluwalhatian.
Ikaw ba’y nagdusa na para sa Panginoon? Talaga bang nagdusa ka na, hindi dahil sa iyong sariling mga pagkukulang o mga kamalian, ngunit alang-alang sa Panginoon? Kung ang ating pagdurusa ay para sa Panginoon, lahat ng ating mga pasakit ay magiging malaking kagalakan. Tulad ng ipinakitang kagalakan ni Apostol Pablo, “Sapagka’t napatutunayan ko na ang pagtitiis sa panahong ito’y hindi karapatdapat maitumbas sa kaluwalhatiang mahahayag sa atin” (Roma 8:18). Dahil ang kagalakan ng kaluwalhatiang mahahayag sa atin ay lubos na dakila kaysa sa pasakit ng ating pagdurusa para sa Panginon, lahat ng ating mga kasalukuyang pagdurusa ay ililibing sa ilalim ng dakilang galak at kaligayahan ng ating pananampalataya.
Sa ibang mga pananalita, ang mga hinirang at mga martir ng Naunang Iglesia ay mapagtatagumpayan ang kanilang pasakit at ibibigay ang kanilang mga buhay para sa Panginoon dahil alam nilang ang kagalakang naghihintay sa kanila ay higit na dakila kaysa sa kanilang madalian pagdurusa. Ang kanilang pagmamartir ay hindi sanhi ng kanilang sariling kakayanang tiisin ang pasakit at nagbata ng pagdurusa, bagkus ay sa kanilang pag-asa para sa kaluwalhatiang naghihintay sa kanila.
Sa pangkalahatan, ang tao’y nakayanan ang kanilang pasakit inaakalang ito’y kinakailangan lamang. Ito’y isang mahirap at nakapapagod na pakikipagtunggali. Kapag ang kanilang pagbabata ay nagdulot ng mga kabiguang resulta, ang kanilang panlulumo ay lalong darami – lahat ng pagdurusa para sa kawalan! Ngunit sa ating mga Kristiyano, ang magiging dakila ay ang kagalakan at kaligayahan sa ating pagtitiyaga, dahil tayo’y nakasisiguro sa tiyak na pag-asa at mga gantimpala. Kung itutuon ang ating mga isipan sa paglilingkod sa Panginoon ng ating buong puso bilang Kanyang mga matapat na lingkod, alam natin na ang kagalakan at ang kaginhawahang naghihintay sa atin ay lubos na dakila kaysa sa pasakit ng ating mga kasalukuyang sakripisyo. Dahil lahat ng ating mga paghihirap ay maililibing sa kagalakang ito, tayong lahat ay mabubuhay para sa Panginoon at mayayakap maging ang ating kamatayan para sa Kanya.
Ang tao ay may kaluluwa, damdamin, kaisipan, at pananalig. Para sa kaluluwa ng mga isinilang na muli, dahil ang Espiritu ng Panginoon ay nananahan sa kanila, inuusig dahil sa kanilang katuwiran na nagbibigay ng di-maipaliwanag na galak at kaligayahan para sa kaluwalhatiang naghihintay sa kanila. Ngunit kapag kanilang nilisan ang unang pag-ibig, ang Panginoon ay di-magaatubiling alisin ang kandelabra.
Yaong mga galak na naglilingkod sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ng kanilang buong puso at buhay ay huminto ng gayon, ibig sabihin lamang na kanilang unti-unting iniwan ang kagalakan sa paglilingkod sa ebanghelyo, kanilang unang pag-ibig, kahit pa hindi lubos na itinapon ang ebanghelyong ito. Mananangan pa rin sila sa kanilang personal na pananalig, ngunit kung wala na silang pagpapahalaga sa ebanghelyo at walang ng malinaw na pang-unawa kung ano ang kaligtasan – na ang dugo sa Krus ay di-sapat para sa ikaliligtas – kung gayon ang kanilang pananampalataya ay nahaluan na, at ang kanilang kamatayan ay nagiging di-maabot para sa kanila. Aalisin ng Diyos ang kanilang kandelabra sa kinalalagyan nito.
Ang mga naglilingkod sa ebanghelyo na may galak at katapatan ay nakahandang yakapin ang kamatayan dahil hindi nila nilisan ang kanilang unang pag-ibig. Dahil ang mga ito ay pinagpala ng Diyos dahil sa pananalig at pangangaral ng pag-ibig ng Cristo, ay maaari silang maging martir. Hindi mahalaga kung gaano ang kakayahan o gaano ang kagalingan mo; kung hindi mo ikakalat ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, ang iglesia ay aalisin sa kanyang kinalalagyan. Ito ay isang mahalagang mensahe na gustong ipabatid sa atin ng Diyos. Kung ating malaman at paniwalaan ang katotohanang ito, maaari nating baguhin ang ating mga puso sa mga huling araw at maaaring maging martir alang-alang sa pangalan ng Panginoon.
Anong pangunahing diwang naninindigan sa ating pananampalataya? Ito ay ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Kung hindi dahil sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, anong saysay ng mga gawa ng ating pananalig? Ang dahilan kung bakit mapapanatili natin ang ating pananalig ay dahil minahal tayo ng Diyos at niyakap tayo ng Kanyang mga bisig dahil sa Kanyang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Dahil ang pag-ibig na ito ay isang pag-ibig na di-nagbabago na lumuluwalhati sa atin, mapapanatili natin ang ating pananampalataya at patuloy na ipangangaral at ikalat ito.
Sa kabila ng ating mga kahinaan. Maaari tayong tumakbo palapit sa Diyos hanggang sa pinakahuli, dahil niligtas tayo ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, at dahil sa ebanghelyong ito ay makikita ang pag-ibig ni Cristo. Tayo’y puno ng mga pagkukulang, ngunit dahil dinamtan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritung puno ng pag-ibig ng ating Panginoon, maaari nating ibigin ang ating mga kapatiran, mga lingkod ng Diyos at lahat ng mga kaluluwa ng sanlibutan. Isang batayan, ang ganap na pag-ibig ay di-maaabot ng tao. Dahil wala ang pag-ibig sa atin, wala tayong kakayahang mahalin ang sinuman kundi ang sarili lang natin dahil sa kasakiman. Maraming tao ang nalilinlang sa mga bagay na nakikita, naaakit sa nagniningning na patsada na kasing-lalim lang ng balat. Humahatol sa tao ayon sa mga materyal at panlabas na pag-aari nila. Ngunit sa gitna ng mga tunay na mananampalataya ay ang pag-ibig ng Diyos. Ito ang magbibigay kakayahan sa atin na palawigin ang ebanghelyo, ang ganap na pag-ibig ng ating Panginoon.
Ang ating Panginoon ay naparito sa mundong ito, binautismuhan upang tanggapin lahat ng ating mga pagkukulang, at nilinis sa lahat ng ating mga kasalanan upang maligtas. Paano, kung gayon, maaaring iwanan natin ang Kanyang unang pag-ibig na umangkin sa atin bilang mga anak ng Diyos? Maaaring kulangin tayo sa maraming bagay, ngunit hindi dapat kailanman kulangin ang ating pananampalataya sa katotohanang ito. Dapat nating ipangaral ang ebanghelyong ito sa pamamagitan ng ating tiyak na pananalig. Ang pinaka-kailangan sa mga panahon ng kapighatian ay ang eksaktong pananalig ito sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Kapag nahaharap tayo sa mga pagsubok at mga kapighatian, ang kalakasang ipagtanggol ang ating pananampalataya at kayanin ang mga paghihirap ay magmumula lamang sa pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Ito ay sa pamamagitan ng kapangyarihan ng ebanghelyong ito na ang ating mga mukha ay magliliwanag sa galak kahit pa napapagod tayo sa mga di-mabilang na pakikipaglaban na kinakaharap natin araw-araw ng ating mga buhay. Ito ang pag-ibig ng ating Panginoon.
Kung minsan ang tao ay madaling mahulog sa legalistang patibong. Inaakala nilang pinagpala sila ng Diyos sa kanilang nagawa. Hindi ko minumungkahi na ito ay lubos na mali, dahil sinabi ng Panginoon na mamahalin Niya ang mga magmamahal sa Kanya. Ngunit hindi dahil sa ating mga nagawa na inibig tayo ng Diyos upang tayo’y maging walang kasalanan. Dahil alam ng Diyos lahat ng mga pangakong ibinigay sa atin, at dahil alam Niya lahat ng ating mga kasalanan, sa Kanyang ganap na kalooban at pag-ibig, niyakap Niya tayo at ginawang mga ganap. Tanging sa Kanyang mga pagpapala lamang kaya tayo nabubuhay na may galak. Dahil tayo’y ginawang Kanyang bayan at Kanyang mga lingkod kaya magagawa natin ang gawain para sa Panginoon, madadamitan ng Kanyang kaluwalhatian, ipangaral ang ebanghelyo sa iba, at kapag dumating na ang panahon, magiging martir para sa Kanyang pangalan. Siya ang nagbigay sa atin ng kakayahang gawin ang lahat ng mga bagay na ito.
Saan nakakuha ng kalakasan ang mga babaeng martir sa Quo Vadis upang umawit ng mga papuri sa Panginoon kahit pa sa binggit ng kamatayan? Nasumpungan nila ang kalakasan sa pag-ibig ng ating Panginoon. Dahil ang pag-ibig ni Cristo’y lubos, mayayakap nila ang pagmamartir ng may pagpupuri.
Ang gayong kalagayan ay angkop sa ating sariling mga buhay. Nagagawa nating mamuhay dahil binigyan tayo ng Panginoon ng kakayanang gawin natin ang mga ito; hindi dahil sa ating mga sariling gawa kaya tayo nabubuhay bilang mga anak at mga lingkod ng Diyos. Wala tayong nagawa upang maging karapat-dapat. Sa pamamagitan ng hindi-nagbabago at ganap na pag-ibig ng Diyos sa atin at ating pananampalataya sa pag-ibig na ito kaya maaari tayong sumunod sa kanya sa huli, kahit pa nadarapa tayo kung minsan. Ang kalakasang ito ay ang kalakasan ng Diyos, hindi atin. Ang pagmamartir ay possible lamang dahil sa pag-ibig ng Diyos na ginawa tayong lubos – dahil sa biyaya ng Diyos lamang ay maaari nating yakapin ang pagmamartir. Tandaan ang katotohanang ito, na ang Diyos ang nagbigay ng kakayanang maging martir, at huwag sayangin ang iyong panahonsa pagsisikap na ihanda ang iyong sarili upang maging martir, na parang may magagawa ka ukol dito. Tanging ang ating pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ang magbibigay ng kakayanan sa atin upang purihin ang Panginoon hanggang sa ating huling hininga.
Sinabi ng Panginoon sa pitong iglesia ng Asia: “Ang magtagumpay, ay siya Kong pakakanin ng punong kahoy ng buhay, na nasa Paraiso ng Diyos.” Ang punong kahoy ng buhay ay makikita sa Bagong Langit at Lupa. Doo’y ang trono ng Diyos, mga tahanang yari sa mga mamahaling bato, at ang nag-uumapaw na tubig ng buhay. Sa mga magtagumpay, pinangako ng Diyos ang Kanyang Paraiso, kung saan sila’y maninirahan ng walang hanggan kasama Niya ng buong ganap.
Ang mga magtagumpay ay dahil sa kanilang pananampalataya sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Ang lahat maliban sa ebanghelyong ito ay imposible ang magtagumpay, na maaari lang makamit sa pamamagitan ng lakas ng Diyos, hindi sa kalakasan ng tao. Ang kalakasang magbibigay sa atin ng tagumpay ay magmumula lang sa Diyos. Dapat nating malaman at pasalamatan kung gaano ang kadakilaan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu at kung gaano ang kadakilaan ng pag-ibig ng Diyos at ang Kanyang kaligtasan, dahil ang ebanghelyong ito ang magbibigay sa atin ng pananampalatayang yakapin ang kamatayan. Maaaring tayong lahat ay mahina, walang katalinuhan, walang likas na kakayanan, kawalan ng kasanayan, hangal at mangmang, ngunit mayroon pa rin tayong kapangyarihan, dahil taglay natin ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu sa ating mga puso.
Ang mga pangalan ng nananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng espiritu ay nakatala sa Aklat ng Buhay. Bawat isang pangalan na di-nakatala sa Aklat ng Buhay, sa kabilang dako, ay mahuhulog at susuko kay Satanas. Yaon lamang ang mga pangalan ay nakasulat sa Aklat ng Buhay dahil sa pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng espiritu ay di-yuyuko sa diablo. Dapat mong siguruhin na ang iyong pangalan ay malinaw at tiyak na nakatala sa Aklat ng Buhay.
Kapag tayo’y namatay bilang martir, ito’y dahil sa ating pananampalataya, ang unang pag-ibig ni Cristo na ibinigay sa atin ng ating Panginoon. Maaari tayong maghintay sa ating kamatayan nang walang pangamba o takot dahil nananalig tayo na ang Banal na Espiritung nananahan sa atin ay bibigyan tayo ng kalakasang harapin ang ating kamatayan. Dahil ang paghihirap ng pagmamartir ay di-maihahambing sa kaluwalhatian ng langit naghihintay sa atin, hindi tayo magyuyumukyok sa ating kamatayan sa halip ay buong tapang na yakapin ang ating kamatayan upang ipagtanggol ang napakahalagang ebanghelyo. Dapat nating iwanan ngayon ang anumang mga pagtataka kung paano tayo magiging martir, dahil hindi sa ating sariling pagsisikap kundi sa Diyops kaya tayo magiging mga martir.
Nakatitiyak ako na ang susunod na anunsiyo ay magaganap sa pamamagitan ng mga malalakas na “tagapag-salita” balang araw: “Mga minamahal kong kababayan, ito ang huling araw upang tanggapin ang marka. Tanging iilang mga mamamayan lamang ang tatanggap ng marka ngayon. Lubos ang pasasalamat sa inyong pakikiisa hanggang ngayon. Ang tanggapin ang marka ay napakainam at kailangang-kailangan para sa iyo, dahil ito ang magtataguyod ng kaayusan sa ating bansa. Kaya, magsiparito sa munisipyo at tanggapin agad ang tatak. Muli ay sinasabi ko sa iyo, ito ang huling araw upang ika’y matatakan. Ang mga hindi natatakan hanggang sa sandaling ito ay lubos na mapaparusahan. Ngayon, upang maging malinaw, tatawagin ko ang mga pangalan ng mga hindi pa natatakan.” Siyempre, ito’y isang haka-haka lamang, ngunit ang gayong mga bagay ay tiyak na magaganap sa nalalapit na bukas.
Ang mga mananampalataya ng Naunang Iglesia ay kinilala ang isa’t isa sa pamamagitan ng marka ng isda. Ito ang hudya’t sa isa’t isa. Tayo rin, ay dapat magkaroon ng isang tanda upang makilala natin ang mga kapatiran, upang lubos na mapalakas ang pananalig ng bawat isa at mayakap ang pagmamartir.
Dahil ang kamatayan ng isang martir ay di isang bagay na makakamit natin sa ating sariling sikap, maaari nating iwan ang ating mga alalahanin at harapin na may tapang. Walang dapat ikatakot sa ating matuwid na kamatayan. Ang dapat lang nating gawin ay mamuhay para sa Panginoon habang narito sa mundong ito. Maibibigay natin ang ating buhay sa Panginoon dahil alam nating tayo’y itinakdang maging martir alang-alang sa ngalan ng ating Diyos. Dapat mong maunawaan na kung susubukan mong takasan ang pagiging martir dahil sa takot na mawala ang iyong mga ari-arian, lalo kang mahaharap sa matinding mga paghihirap at mga kapahamakan. Dapat kang maging mamamayang may pananampalataya na, nalalamang sila’y magiging martir para kay Cristo, mamumuhay para sa Panginoon hanggang sa kanilang mga huling araw.
Kapag ating maunawaan na tayo’y magiging mga martir, lalo tayong magiging matalino sa ating pananalig, mga kaisipan, at sa ating mga buhay. Ang kaalamang ito ang gamot sa ating kahangalan, magpapahintulot sa atin na iwanan lahat ng mga matagal na makamundong nakakapit sa atin. Hindi ibig sabihin na kailangang isuko natin ang ating mga buhay, ngunit tayo’y dapat mabuhay para sa ating Panginoon. Hanggang ang kapangyarihan ng Diyos ay itapon si satanas sa walang katapusang hukay, nabubuhay tayo para sa Panginoon na nagligtas sa atin, labanan at pagtagumpayan laban kay satanas at sa anticristo, at ibigay lahat ng luwalhati ng tagumpay sa Diyos at sa Kanya lamang. Nais maluwalhati ng Diyos sa pamamagitan natin. Nagpapasalamat ako sa Panginoon sa paghintulot sa atin na bigyan, sa pamamagitan ng ating pananalig, luwalhati sa Kanya na nagbigay sa atin ng lubos.
Naniniwala tayong malapit ng bumalik ang Panginoon upang kuhanin tayo. Kapag maraming mga kaluluwa ang nagbalik sa Diyos sa mga huling araw, tatanggapin silang lahat ng Diyos sa Kanyang mga bisig at tatangayin sila. Tulad ng sinabi ng Diyos sa Iglesia ng Filadelfia sa Apocalipsis 3:10, “Sapagkat tinupad mo ang salita ng Aking pagtitiis, ikaw naman ay Aking iingatan sa panahon ng pagsubok, na darating sa buong sanglibutan, upang subukan ang mga nananahan sa ibabaw ng lupa.” Nakatitiyak na tutuparin ng Diyos ang Kanyang Salitang pinangako.
Ang ibig sabihin ng, “tinupad mo ang salita ng Aking pagtitiis,” tumutukoy ang Diyos sa mga buhay ng mga tapat na hinirang. Ibig sabihin sila’y matatag na nanatili sa kanilang pananalig anuman ang sabihin ng iba o gawin sa kanila. Kapag sinabi ng Diyos na Kanyang “iingatan sa panahon ng pagsubok,” Kanyang sinasabing ang mga tumupad sa Kanyang utos ng pagtitiis ay di-masasama sa mga pagsubok ng pananampalataya.
Kapag ang oras ng kapighatian at pagmamartir ay dumating, sa ibang pananalita, tayo ay sasaklutin ng Diyos paalis habang tayo’y tapat na ginagawa ang ating araw-araw na gawaing pagsamba at panalangin. Kapag ating itinalaga ang ating mga isipan na tayo’y maaaring maging mga martir, ang ating mga puso ay maaalisan ng lahat ng mga dumi, at ang ating pananampalataya ay lalong lalakas sanhi nito. Dapat tayong mamuhay sa ating kasalukuyang buhay pananampalataya sa Diyos sa pamamagitan ng pag-alaala ng pangako ng Diyos na, sa ating pagmamartir, tayong lahat ay iingatan sa oras ng pagsubok. Tayo’y dapat na mamuhay, sa madaling salita, sa pamamagitan ng ating pananampalataya.
Ang panahon ngayo’y panahon ng apocalipsis. Maraming mga hangal na Kristiyano, habang binabalewala ang Salita ng Diyos, matigas ang ulo sa pagkapit sa kanilang maling paniniwala sa doktrina ng “pre-tribulation rapture.” Kapag dumating ang huling araw, makikita nila kung gaano ang kamalian nila. Ang kanilang araw ng impluwensiya at kapangyarihan ay nabibilang; ang dapat lamang nating gawin ay mamuhay ng may katiyakan sa ating pag-asa na tutuparin ng Diyos ang kanyang Salitang pangako.
Kapag narating natin ang kalagitnaan ng Matinding Kapighatian, tayo’y papataying martir sa pagtatanggol ng ating pananampalataya, at bago magsimula ang mga salot ng pitong mangkok, tayo’y kukuhanin (”rapture”) paitaas ng Diyos at papasok sa Milenyong Kaharian. Kapag ang ating pag-asang maghaharing kasama si Cristo ay maunawaan, lahat ng ating mga paghihirap sa mundong ito ay lalong higit na matutumbasan ng mga mga gantimpalang naghihintay sa atin, at ang ating pagpasok sa walang hanggang bagong Langit at Lupa na magpapahanga sa atin nang kagalakang di-maipaliwanag. Ngayon, tayo’y nabubuhay sa pamamagitan ng pananampalataya, para sa Panginoon, sa pag-asang matupad ang pangakong ito ng Diyos. Ang pagtitiwala sa ating Panginoon sa katuparan ng lahat ng Kanyang mga pangako, nabubuhay tayo sa pananabik na paghihintay sa araw na tayo’y maninirahang kasama Siya magpakailanman sa ating mga katawang niluwalhati.
Nagpapasalamat ako sa Panginoong nagbigay sa atin ng ebanghelyong ganap na paghuhugas ng kasalanan, sa pagyayakap sa kamatayang pagmamartir dahil sa pagtanggol ng ating pananampalataya sa Kanya, at sa pagpayag sa atin na tumayo kasama ang Kanyang mga pinagpala.
 
 
Karanasan ng Iglesia ng Efeso
 
Ang Efeso, isang malaking daungang lungsod sa Asia Menor ng Kaharian ng Roma, isang sentro ng kalakalan at mga pang-relihiyong gawain. Sa panahon ng Naunang Iglesia, ito’y isang biglang naging maunlad na pandaigdigang lungsod; sa hilaga ay ang Smirna, at sa kanyang katimugan ay ang Miletus. Ayon sa mga alamat, si Amazon, ang matapang na diyos ng digmaan, unang itinatag ang lungsod sa ika-12 siglo BC nang kanyang ibigay kay Androclus, isang prinsipe ng Athens.
Ang Efeso, sa materyal na pag-uusap, isang maunlad na lungsod, ibig sabihing ito’y isa ring makamundong lungsod. Kaya sinabi ng Diyos sa Iglesia ng Efeso na lumaban hanggang sa huli at magtagumpay kay satanas upang hindi mawala ang Kanyang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Dapat nating maunawaan kung gaano kahalaga ang Salita ng katotohanan ng Diyos, at dapat nating ipagtanggol ang ating pananampalataya anuman ang paraan.
Sa pamamagitan ni Apostol Juan sumulat ang Diyos sa Iglesia ng Efeso. “Ang mga bagay na ito ay sinasabi ng may hawak ng pitong bituin sa kaniyang kanang kamay, na yaong lumalakad sa gitna ng pitong kandelerong ginto: nalalaman ko ang iyong mga gawa, at ang iyong pagpapagal at pagtitiis, at hindi mo matiis ang masasamang tao, at sinubok mo ang mga nagpapanggap na apostol, at sila’y hindi gayon, at nasumpungan mo silang pawang bulaan; at may pagtitiis ka at nagbata ka dahil sa aking pangalan, at hindi ka napagod.” Ang Iglesia sa Efeso ay pinarangalan ng Diyos dahil sa kanyang mga gawa, pagtitiis, pamumuhi sa masasama at pagsubok sa mga bulaang apostol, sa pagtitiyaga sa hirap alang-alang sa Kanyang pangalan nang di-nanlulupaypay.
Ngunit ang Iglesia sa Efeso ay sinaway din sa kanyang mga kalikuan. Ang mga talata’y nagsasabi: “Ngunit mayroon Akong laban sa iyo, na iyong iniwan ang iyong unang pagibig. Kaya’t alalahanin mo kung saan ka nahulog, at magsisi ka at gawin mo ang iyong mga unang gawa; o kung hindi ay paririyan Ako sa iyo, at aalisin Ko ang iyong kandelero sa kaniyang kinalalagyan, maliban na magsisi ka. Nguni’t ito’y nasa iyo, na iyong kinapopootan ang mga gawa ng mga Nicolaita, na kinapopootan Ko naman. Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia. Ang magtagumpay, ay siya Kong pakakanin ng punong kahoy ng buhay, na nasa Paraiso ng Dios.”
Sinasabi sa mga talatang nabanggit na kinapootan ng Diyos ang mga Nicolaita. Ang mga Nicolaita rito ay tumutukoy sa mga grupo ng mga mananampalatayang sumalungat sa Diyos, sa Kanyang iglesia at katotohanan. Ang talatang ginawa ng mga Nicolaita ay detalyeng ipinaliwanag sa mga susunod na talata tumutukoy sa Ilgesia ng Pergamo.
 
 
Ang mga Kalikuan ng mga Nicolaita
 
Sinasabi sa Apocalipsis 2:14, “Datapuwa’t mayroon akong ilang bagay na laban sa iyo, sapagka’t mayroon ka diyang ilan na nanghahawak sa aral ni Balaam, na siyang nagturo kay Balac na maglagay ng katisuran sa harapan ng mga anak ni Israel, upang magsikain ng mga bagay na inihahain sa mga diosdiosan, at makiapid.” Ang talatang ito ay matatagpuan din sa kapitulo 22 ng Aklat ng mga Bilang, ang ukol kay Balak, hari ng Moabita ay nakatala.
Sa oras na ang mga Israelita ay nakarating sa mga kapatagan ng Moab sa Canaan matapos ang kanilang paglisan sa Ehipto, sinakop ang mga pitong tribo doon, “gaya ng baka na humihimod sa damo sa parang.” Nang marinig ni Balak ang pagsakop na ito, natakot siya sa kanilang Diyos, natatakot siyang ang tadhana ng mga Moabita ay susunod din sa pagsakop sa mga tribo ng Canaan. Sa pagtangkang makagawa ng paraang makaiwas sa pananakop ng mga Israelita, tinawag ni Balak si Balaam, isang bulaang propeta, upang kanyang sumpain ang mga Israelita sa kanyang mana.
Si Balaam ay isang huwad na propeta, ngunit akala ng mga Hentil na siya’y lingkod ng Diyos. Hindi siya inapo ng Mataas na Sesardoteng si Aaron, ni isang Levita. Ngunit ang hari ng Moabitang si Balak, naniniwalang ang pagpalain ni Balaam ay mapagpapala, at ang kanyang sumpain ay masusumpa. Sa oras na yaon, si Balaam, bagama’t isang huwad na propeta, ay kilala sa buong lupain bilang tanyag na salamangkero.
Subalit si Balaam ay di-mapilit sa hinihiling ni Balak na gawin niya. Dahil ang mga Israelita ay ang bayan ng Diyos, bukod sa walang pahintulot si Balaam mula sa Diyos para sumpaan ang mga Israelita, kundi ang pagtangka pa rin ay mahahantong bilang sumpa sa kanyang sarili. Namamangha sa espirituwal na kapangyarihan ng Diyos, walang magawa si Balaam kundi ang pagpalain ang mga Israelita. Sa galit dito, hiniling ni Balak kay Balaam na sumpain ang mga Israelita kung saan ay hindi niya nakikita sila.
Si Balaam ay tumanggap ng malaking halaga ng kayamanan mula kay Balak at bilang kapalit tinuruan niya siya ng isang paraan upang magsumpa sa mga Israelita. Ang pamamaraan ay upang tuksuin sila na maging patotot sa pamamagitan ng pag-anyaya sa kanila sa mga piging ng Moabita at pagkalooban sila ng mga babae, upang ang mga Israelita ay parurusahan ng Diyos dahil sa kanilang mga kasalanan. Ganito tinuruan ng bulaang propetang si Balaam ang haring si Balak upang masugpo ang mga Israelita.
Sinabi ng Diyos na Kanyang kinamumuhian si Balaam dahil si Balaam ay isang taong umiibig sa salapi. Maraming tao sa ngayong komunidad ng mga Kristiyano ang tulad ni Balaam. Sa katotohanan silang lahat ay mga bulaang propeta, ngunit marami sa kanila ang mga ginagalang pa at pinagpipitagan. Ngunit ang mga hangad ni Balaam ay mga materyal na pag-aari. Kapag siya’y puno ng salapi, siya’y nagpapala; ngunit kung sa kawalan, siya’y nanunumpa. Sa komunidad ng mga Kristiyano ngayon, nakalulungkot, karamihan sa kanila na dapat ay mga lingkod ng Diyos ay tulad lang ni Balaam. Kapag yaong mga nananalig sa Diyos ay nahantong sa paghahangad sa mga materyal na pakinabang, sila’y nahantong bilang mga bulaang propeta. Kaya namumuhi ang Diyos sa mga Nicolaita.
Alam mo ba kung anong magdadala sa pagkawasak ng iglesia ng Diyos at Kanyang mga lingkod? Ang pag-ibig sa salapi. Ang mga paghangad sa mga materyal na pakinabang lamang sa kanilang mga mata ay mahaharap sa kanilang sariling pagkawasak sa harap ng Diyos.
 
 
Ang mga Iglesiang Sumusunod kay Balaam
 
Ngayon, tulad ng panahon ng mga Apostol, maraming mga makamundong iglesia at mga bulaang lingkod ang sumusunod sa paraan no Balaam. Naubos nila ang lahat ng pamamaraan sa pagkalaykay ng salapi mula sa kanilang mga tagasunod. Halimbawa, mayroong kausi-usisang kampanya upang ang kongregasyon ay magtunggali sa isa’t isa upang ipatotoo ang kanilang pananampalataya hindi sa pamamagitan ng kanilang espirituwalidad kundi sa pamamagitan ng kanilang mga materyal na pagbibigay, parang ang pagbibigay ng mga tagasunod ang sukatan ng kanilang pananampalataya. Nagpahiwatig na ang pananampalataya ng mga nagbibigay ng mas higit sa iglesia ay higit ang pananampalataya kaysa sa mga nagbibigay ng kaunti; ang tanging layunin sa pagpapaunlad sa katiwaliang paraang ito ay ang pagpapayaman ng iglesia.
Isang kahanga-hangang bagay kung ang mga mananampalataya ay nagpasiyang maglingkod sa Diyos at Kanyang iglesia ng dalisay na puso. Ngunit ang mga bulaang propetang tulad ni Balaam ay nagsasamantala sa mga mananampalataya upang busugin ang kanilang tiyan. Pinupukaw nila ang kanilang mga tagasunod sa isang paligsahan ng mga materyal na pagpapatotoong tulad nito, “Tapat akong nagbibigay ng ikapu, at ginantimpalaan ako ng Diyos ng sampung ulit ng mga pagpapala sa aking hanap-buhay.” Nalinlang ni Balaam, ang walang kahina-hinalang mananampalataya ay nag-aakalang ito ang paraan sa tunay na pananampalataya, ngunit sa toto’y ito ang daan sa kanilang pamumulubi, sa esperituwal at materyal, maling kapurihan, at sa huli ang kanilang sariling pagkawasak.
“Ang mga gawa ng Nicolaita” ay walang iba kundi ang mga gawa ni Balaam. Tulad ni Balaam, sa kanyang kasakiman, tinuruan si Balak na maglagay ng katitisurang bato sa mga Israelita, maraming nagpapakilalang sila’y mga lingkod ng Diyos ay interesado lamang sa mga bulsa ng kanilang mga tagasunod. Yaong mga iniligaw ng mga bulaang propetang ito ay nahantong sa kawalan matapos ibigay lahat ng kanilang mga ari-arian sa mga bulaang pastol na ito, at ang pinaka-masahol pa rito di-maglaon ay kanilang nabatid na ang kanilang pinaniwalaan ay ganap na huwad. Sa huli, kanilang sisisihin ang huwad na iglesia at mahahantong sa pagtalikod sa kanilang pananampalataya. Sa kasawiang-palad, ang malungkot na realidad na ang kaawa-awang pangyayaring ito ay karaniwan na, kahit pa sa mga tinatawag na “evangelical” na mga iglesia. Nalinlang ni Balaam, maraming mga mananampalataya ang naligaw nitong mga huwad at iniwan ang iglesia.
Sinasabi ng Banal na Kasulatan na namumuhi ang Diyos sa mga gawa ng mga Nicolaita. Kung ating susundin ang mga Nicolaita, mawawala ang ating pananampalataya sa Diyos. Maraming patotoo ang binigay ng Diyos sa atin, at lahat ng mga ito ay pagpapasaga ng mga espirituwal na yaman. Ngunit ang hangad sa materyal na kapakanan sa pamamagitan ng mga patotoo ay isang bagay na dapat nating iwasan, dahil ito ang pamamaraan ng mga Nicolaita na kinamumuhian ng Diyos mismo.
 
 
Pananampalatayang May Katangian
 
Nagbigay ang Diyos ng babala laban sa mga gawa ng mga Nicolaita sa lahat ng pitong iglesia sa Asia. Dagdag nito, Kanya ring pinangako sa kanila na ang mga magtagumpay ay kakain mula sa punong kahoy ng buhay. Kapag tayo’y naglingkod sa Panginoon, magkagayon nga sa pamamagitan ng pananampalataya, dahil sa ating pasasalamat sa Kanyang pagtubos, at dahil ang kaalaman na ang pagpapalaganap ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay ang dapat gawin. Hindi natin pinaglilingkuran ang Diyos upang ipakita lang sa iba, o kaya upang tayo’y magmukhang mabuti sa anumang paraan. Dahil sa paggawa nito ay hindi ang tunay na naglilingkod ni tunay na pananampalataya. Sa Iglesia ng Diyos, dapat tayong buong ingat ukol sa mga gawa ng mga Nicolaita. Ito ay kung bakit nagbabala ang Panginoon sa pitong iglesia ng Asia ukol sa mga Nicolaita.
Alam mo ba kung bakit maraming mga iglesia, na hindi mga isinilang na muli, ay lumaki ng husto at mabilis na dumami? Sila’y dumami dahil ang mga iglesiang ito ay naitayo sa mga maling pananampalataya at mga maling patotoo. Ang mga lingkod ng Diyos ay hindi dapat pagsamantalahin ang kanilang mga miyembro upang busugin ang kanilang sariling tiyan.
Ang tunay na pananampalataya ay pananalig sa kaligtasang binigay ng Diyos sa atin sa pamamagitan ng bautismo ni Jesus, Kanyang dugo si Cristo, at Kanyang paghatol alang-alang sa atin. Ngunit maraming mga iglesia na isinilang na muli o di-katulad, ang gumagamit ng mga patotoo upang salakayin ang mga bulsa ng mga miyembro. Dapat kang maging maingat at maging matalino upang kilalanin na habang ang mga tunay na patotoo ay pampalakas sa iyong pananampalataya at pagluwalhati sa Diyos, ngunit ang mga huwad na patotoo ay magiging iyong sariling patibong.
Lahat ng mga pinakamayamang iglesia sa mundo ngayon ay naakay ng mga mangangaral gaya ni Balaam. Ang mga lider ng iglesia na naghahangad ng daan ni Balaam ay ginagamit ang kanilang mga iglesia upang pakinabangan ang kanilang mga tagasunod upang lalo pang paramihin ang kanilang mga materyal na hangad. Ang mga lider na Kristiyanong tulad ni Balaam ay inaagaw ang salapi ng kanilang mga tagasunod sa pamamagitan ng pag-udyok sa kanila sa isang paligsahan ng mga materyal na patotoo. Kinapopootan Ko ang kanilang mga gawa sa sukdulan.
Ang tunay na buhay pananampalataya ay nagsisimula walang iba kundi sa pananampalataya. Dapat tayong maging matalino upang maiwasan ang mga patibong ng mga Nicolaita na itinalaga ni satanas. Ang bawat isa ay dapat malaman ang mga gawain ng mga Nicolaita, nang di-madaya ang mga lingkod ni satanas na ang kasakiman ay walang hangganan. Ang mga lingkod ng Diyos ay dapat maging buong ingat sa bagay na ito. Kasama ang mga mangangaral. Kapag ang mga mangangaral ay lubos na nauukol sa mga materyal na pag-aari – anong kotse ang kanilang sinasakyan, gaano ang laki ng kanilang mga bahay, ang halaga ng kanilang bahay at lupa, gaano karami ang impok sa bangko – mahahantong sila sa pangingikil sa kanilang mga miyembro, maaakay sila tungo sa daan ng mga Nicolaita.
Sinabi ng Diyos sa mga pitong iglesia sa Asya na pansinin ang usaping ito. Ang pakay ng pananampalataya ni Balaam at hanap lamang ang mga materyal na pakinabang, luwalhati para sa sarili at unti-unti ay ang hangad na maging tagapagtaguyod ng isang kulto. Ang iglesia ng Diyos ay hindi dapat hanapin ang pag-aaring materyal para sa sarili. Tulad ng pinangako ng Diyos na Kanyang pagpapalain ang mga naghahangad sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, dapat nating gamitin ang ating pag-aaring materyal sa pangangaral ng ebanghelyo, hindi ang iimbak ang mga ito sa mundo.
 
 
Tanggihan ang mga Bulaang Pastol
 
Kahit pa ang mga mananampalatayang isinilang na muli ay mapapahamak kung sila’y masisilo sa mga patibong ng mga Nicolaita. Sa simula inaakalang ang gayong pananampalataya ng lider ay kamangha-mangha at matatag, ngunit ang pandaraya ng mga huwad na pastol sa huli ay aakayin sila sa kanilang pagkawasak.
Sinabi ng Diyos sa anghel ng Iglesia ng Efeso na Siya’y namumuhi sa mga gawa ng mga Nicolaita. Bawat isang nasilo ng mga Nicolaita ay mahaharap sa kanyang tiyak na kapahamakan. Maging siya’y mananampalatayang isinilang na muli, isang lingkod ng Diyos, o anuman ang pagkawasak ay isang katiyakan kapag nasilo ng mga Nicolaita. Habang ang isang masamang pastol ay umaakay sa kawan tungo sa kamatayan, magdudulot ng mga sumpa ang mga bulaang propeta.
Kaya sinabi ng Diyos sa Kanyang mga lingkod na “pakanin ang Aking mga tupa.” Ang mga lingkod ng Diyos ay dapat alagaan ang mga mananampaltaya bilang mga pastol na nag-aalaga sa kanilang mga tupa, kinakalinga sila mula sa panganib at binibigay ang kanilang mga pangangailangan. Bilang mga pastol, dapat nilang tiyakin na ang kanilang mga kawan ay di-maliligaw, alamin kung anong panganib ang nakakubli sa kanila, at iiwas sila sa nalalapit na gayong mga panganib.
Narinig ko mula sa mga taong nag-aalaga ng tupa na ang mga hayop na ito ay ang pinakamatigas ang ulo. Hindi ba tayo tulad ng mga suwail na tupa sa harap ng Diyos? Ang Diyos ay may isang mabuting dahilan nang ginamit Niya ang paghahalintulad ng mga tulad sa paglalarawan sa atin, dahil alam Niya kung gaano katigas ang ating ulo sa ating pangunahing esensiya.
Bakit paulit-ulit na binabanggit ng Diyos ang mga gawa ng Nicolaita, Jezebel at Balaam sa mga pitong iglesia sa Asya? Bakit Niya pinangako na sa mga magtagumpay, Kanyang ibibigay ang punong kahoy ng buhay upang kanin? Ginawa Niya upang ituro sa atin na maging maingat laban sa mga pandaraya ng mga bulaang propeta. Dapat pagdili-dilihan natin ang Salita ng Diyos at itanong sa ating mga sarili, “Ano ang tunay na ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu?” Kung hahaluan ang Salita ng Diyos ng mga ibang aral ng tao, at pamaraanan ito ng wari mo’y totoo ay hindi ibig sabihin na ito’y ebanghelyo. Maraming mga magagandang kagalingan at nasambit na mga sermon sa Kristiyanismo ngayon na walang kaugnayan sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Maraming mga tanyag na mangangaral na mayroong sariling bihasang manunulat ng mga talumpati na sumusulat ng mga sermon para sa kanila, ang dapat lang nilang gawin ay basahin ang inihanda ng iba.
Hindi tayo dapat pasisilo sa mga Nicolaita. Ang isinilang na muling iglesia ay dapat na lubos ang ingat na hindi hangarin ang mga material na pakinabang, lalo na ang mga ministro ay dapat na mapagbantay, maging ang bawat miyembro sa iglesia. Ang pagsisikap na mangikil ng salapi mula sa mga miyembro, pagandahin ang iglesia ng materyal na pagmamalabis, at mga gusaling parang mga palasyo sa halip na isang templo ng pagsamba–pagkatapos itinuturo na ang pagbalik ng Panginoon ay napipinto na!–ang lahat ay gawain ng maling pananalig, tiyak na mga gawa ng mga Nicolaita.
Lalo nating kilalanin ang mga huwad na pastol, at tiyakin na hindi tayo madadaya na sumunod sa kanilang pananalig. Ang mga hinirang kailanma’y di dapat umibig sa salapi. Sa halip, ang dapat ibigin at panatilihin ay ang ebanghelyo ng tubig at ng dugo, ang unang pag-ibig ng Diyos. Dapat tayong mamuhay ng tapat na nanangan sa katotohanang niligtas Niya tayo sa pamamagitan ng tubig at dugo ni Cristo hanggang sa Siya’y makita natin. Dapat tayong manalig sa Salita ng Diyos na inalis lahat ni Jesus ang ating mga kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang bautismo at dugo sa Krus.
Ang mga sumusunod sa mga Nicolaita ay hindi nangangaral ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Hindi sila interesado sa mga gawain ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, kundi sa paglikom lamang ng salapi. Ito ang mga Balaam ngayon, naglalagay ng mga katitisurang bato sa harap ng mga sraelita at akayin sila sa kanilang kapahamakan. Dapat mong tandaan ito.
Di-maglao’y si Balaam ay napatay ni Josue. Tulad ng naitala sa Aklat ng Josue, napatay ang bulaang propetang ito ng tabak ng Josue nang salakayin ng mga israelita ang canaan. Si Balaam ay napatay dahil hindi siya tunay na lingkod ng Diyos. Lahat ng mga gumagamit ng pangalan ni Cristo upang kasangkapanin ang mga inosenteng mananampalataya at busugin ang lanilang sariling tiyan ay ang Balaam ngayon. Dapat nating tandaan na ginamit ni Balaam ang bawat pamamaraan upang busugin ang kanyang kasakiman.
Sinabi ng Diyos sa mga lingkod sa Iglesia ng Efeso, “Ang magtagumpay, ay siya Kong pakakanin ng punong kahoy ng buhay, na nasa Paraiso ng Dios.” Sa ibang pananalita, ang talata ring ito ay nangangahulugan na ang mga nanghina ang loob at natalo ay mamamatay. Ang pagsunod sa paraan ni Balaam ay matatalo, tungo sa sariling kamatayan. Binigay ng Diyos sa atin ang Kanyang Salita ng babala upang hindi tayo mahulog sa patibong ng mga Nicolaita, at nagpapasalamat ako sa kanya ukol dito. Taos-puso akong umaasa at dumadalangin na hindi kayo magbibigay daan sa mga materyal na tukso at mahantong na iwanan kayo ng Diyos sa inyong kasakiman.