(Apocalipsis 2:8-11)
“At sa anghel ng iglesia sa Smirna ay isulat mo: Ang mga bagay na ito ay sinasabi ng una at ng huli, na namatay, at muling nabuhay: nalalaman Ko ang iyong kapighatian, at iyong kadukhaan (datapuwa’t ikaw ay mayaman), at ang pamumusong ng mga nagsasabing sila’y mga Judio, at hindi sila gayon, kundi isang sinagoga ni satanas. Huwag mong katakutan ang mga bagay na iyong malapit ng tiisin: narito, malapit ng ilagay ng diablo ang ilan sa inyo sa bilangguan, upang kayo’y masubok; at magkakaroon kayo ng kapighatiang sangpung araw. Magtapat ka hanggang sa kamatayan, at bibigyan kita ng putong ng buhay. Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia. Ang magtagumpay ay hindi parurusahan ng ikalawang kamatayan.”
Masusing Kapaliwanagan na Kasulatan
Talatang 8: “At sa anghel ng iglesia sa Smirna ay isulat mo: ‘Ang mga bagay na ito ay sinasabi ng una at ng huli, na namatay, at muling nabuhay:’”
Ang Iglesia ng Smirna ay naitatag habang si Pablo ay nagmiministeryo sa Iglesia ng Efeso. Ayon sa nasabing talata, ang mga miyembro ng iglesiang ito ay mahihirap, sila, dahil sa kanilang pananampalataya, ay kinakalaban ng mga Judio sa kanilang komunidad. Kung gaano uniusig ang iglesiang ito ng mga Judio ay makikita sa pamamagitan ng pagkakamartir ni Policarpio, isang tagapangasiwa sa panahon ng mga Ama ng Iglesia. Ang mga hinirang ng Naunang Iglesia ay naharap sa patuloy na paguusig ng mga mananampalatayang Judio na inayawan si Cristo bilang kanilang Mesias.
Ang Iglesia sa Smirna ay itinatag ni Apostol Pablo. “Ang Una at ang Huli, na namatay, at muling mabuhay,” tinutukoy ni Juan ang Diyos, na lumikha ng kalawakan. Ang ating Panginoon, isinilang ng Birheng Maria, kinuha ang mga kasalanan ng sanlibutan sa pamamagitan ng Kanyang bautismo ni Juan at nahatulan dahil sa mga kasalanang ito sa pamamagitan ng pagbubo ng dugo sa Krus. Pagkatapos Siya’y bumangong muli mula sa patay sa ikatlong araw at nakaupo sa kanang kamay ng Diyos. Nagsalita si Jesus sa anghel ng iglesia ng Diyos hindi lang ating Tagapagligtas kundi ating Dakilang Diyos din.
Talatang 9: “Nalalaman Ko ang iyong kapighatian, at iyong kadukhaan (datapuwa’t ikaw ay mayaman), at ang pamumusong ng mga nagsasabing sila’y mga Judio, at hindi sila gayon, kundi isang sinagoga ni Satanas.”
Alam ng Panginoon ang lahat ng ating mga paghihirap at mga kapighatian na kinakaharap ng Iglesia sa Smirna. Bagamat ito’y isang mahirap na iglesia sa mga materyal na hangganan, ang Iglesia ng Smirna ay mayaman sa espirituwal. Maraming Judio ang naninirahan sa Smirna, na inilarawan ng Diyos bilang, “ng mga nagsasabing sila’y mga Judio, at hindi sila gayon kundi isang sinagoga ni Satanas.” Ang mga Judiong ito ay ibinigay ang kanilang mga sarili bilang mga kasangkapan ni satanas upang gamitin at gawain ang kanyang mga layon, at sa gayo’y naging mga balakid sa pangangaral ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, inuusig ang iglesia ng Diyos. Naniniwala silang sila lang ang kinikilalang Judio, at sila lang ang mga anak ni Abraham. Ngunit sa katotohana’y hindi lang sila nabigo sa pagsunod sa pananampalataya ni Abraham, ngunit higit na masahol, sila’y nahantong sa pagtanggi sa Diyos ng kanilang mga ninuno. Dahil sa matinding pag-uusig ng mga Judio, ang Iglesia ng Smirna ay mahirap, ngunit ito pa rin ay isang iglesia na mayaman sa espirituwal.
Talatang 10: “Huwag mong katakutan ang mga bagay na iyong malapit ng tiisin: narito, malapit ng ilagay ng Diablo ang ilan sa inyo sa bilangguan, upang kayo’y masubok; at magkakaroon kayo ng kapighatiang sangpung araw. Magtapat ka hanggang sa kamatayan, at bibigyan kita ng putong ng buhay.”
Sinabi ng Diyos sa Smirna na “huwag mong katakutan ang mga bagay na iyong malapit ng tiisin.” Kanya ring sinabi sa kanila na “maging matapat hanggang kamatayan,” at pinangakong ibibigay Niya sa kanila, “ang putong ng buhay.” Alam ng Panginoon antimano na babantaan ni satanas ang ibang mga hinirang sa Iglesia ng Smirna at tatangkahing baliin ang kanilang pananampalataya. Kaya pinangako Niya na kung mananatili silang matapat sa Kanya hanggang kamatayan, Kanyang ibibigay ang korona ng buhay.
Ang sinasabi ng Panginoon sa atin sa pamamagitan ng talatang ito na ang mga lingkod ng Diyos at kanyang mga hinirang ang mabubuhay sa mga huling panahon ay uusigin ni satanas ay kanyang mga tagasunod. Ngunit tataglayin natin ang kalakasang maging tapat sa Diyos hanggang kamatayan, dahil ang kalakasang ito ay darating sa atin ng masagana dahil sa ating pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu at ang ating pag-asam para sa Bagong Langit at Lupang pinangako ng Diyos sa atin.
Talatang 11: “Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia. Ang magtagumpay ay hindi parurusahan ng ikalawang kamatayan.”
Ang mga mananampalataya sa mga huling araw ay masasagupa sa isang digmaan laban kay anticristo at sa mga sasalungat sa Diyos. Sinabi ng Diyos sa atin na yaong may pag-asam sa tunay na ebanghelyo at Langit ay magtatagumpay dahil sa kanilang pananampalataya. Sa pamamagitan ng Kanyang salita sa katotohanan at pananampalataya, pinapagtagumpay ng Diyos ang bawat mananampalataya sa Kanyang mga kaaway. Ang tanging natitirang katanungan ay kung tayo’y papanig sa Diyos at sa Kanyang mga lingkod o hindi.
Sa Roma 8:18 ay sinasabi sa atin, “Sapagka’t napatutunayan ko na ang pagtitiis sa panahong ito’y hindi karapatdapat maitumbas sa kaluwalhatiang mahahayag sa atin.” Ang pag-uusig sa atin ni anticristo at Kanyang mga tagasunod ay sandali lamang, maaaring sampung araw lang. Pagtitiwala sa Diyos, makakayanan mo ang paghihirap sa maliit na panahon, magtatagumpay kay anticristo, at luluwalhati sa Diyos at tanggapin ang Kanyang Walang hanggang Kaharian bilang iyong gantimpala. Binigay ng Diyos ang kalakasan sa mga hinirang upang manalo sa kanilang digmaan laban sa anticristo.
Tayo’y magtagumpay laban kay anticristo sa pamamagitan ng ating pananampalataya sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, at tayo’y magkita muli sa Milenyong Paghahari at sa Bagong Langit at Lupa upang manirahang magkasama ng walang hanggan. Ang unang kamatayan dito ay tumutukoy sa ating kamatayang pisikal, habang ang pangalawa’y ang kamatayang espirituwal dahil sa walang hanggang kaparusahan sa impiyerno. Para sa mga hinirang, mayroong kamatayang martir, kanilang kamatayang pisikal, ngunit walang kamatayang espirituwal.
Nagpapasalamat ako sa Diyos sa pagbibigay ng luwalhati at karangalang pagmamartir sa atin, mga mananampalataya sa mga huling araw na ito, tulad ng naibigay Niya sa mga martir ng Naunang Iglesia.