• All e-books and audiobooks on The New Life Mission website are free
  • Explore multilingual sermons in global languages
  • Two new revised editions in English have been released
  • Check out our website translated into 27 languages
Search

Sermons

Paksa 10: Ang Pahayag (Mga Komento sa Pahayag)

[Kabanata 2-4] Manaliting Tapat hanggang Kamatayan (Apocalipsis 2:8-11)

2021.04.13 120
(Apocalipsis 2:8-11)
 
Noong panahon ng Naunang Iglesia, maraming mga Kristiyano ang gumagala sa lupain, naghahanap ng ligtas na lugar para makatakas sa mga umuusig na kamay ng mga Romano. Ang emperador ng Roma ay patuloy sa kanyang patakaran ng pag-uusig kahit matapos ang kamatayan ng Emperador Nero, habang patuloy ang mga Kristiyano sa pagsalungat sa kapangyarihan ng mga susunod pang mga emperador. Ang mga naunang hinirang ay tinanggap at kinilala ang makalupang kapangyarihan ng mga emperador ng Roma, ngunit tumatanggi silang kilalanin ito kapag pinipilit silang isuko ang kanilang pananampalataya. Dahil sila’y nanindigan laban sa gayong mga utos ng may-kapangyarihan, ang mga kasaysayan ng Naunang Iglesia ay puno ng pag-uusig at pagpatay.
Dapat nating tanungin ang ating mga sarili kung ang salita ng Apocalipsis ay mayroong tiyak na kaugnayan sa mga mananampalataya ngayon. Kung sabagay, ito’y naisulat halos dalawang libong taon noon, at hindi ngayon, at sa mga pitong iglesia sa Asia, hindi sa atin. Ano ang kaugnayan nito sa atin?
Ito’y may kaugnayan dahil ang Salita ng Diyos na naghayag sa atin ng mga lihim na magaganap sa hinaharap. Dapat nating maunawaan na tayo’y nabubuhay sa panahon ng itim na kabayo, ang ikatlong panahon ng “mga kapanahunan ng apat na kabayong” inilalarawan sa Apocalipsis 6. Yamang lumipas na ang mga panahon ng puti at pulang kabayo, tayo ngayo’y nabubuhay sa panahon ng kabayong itim, halos patapos na. Ang buong mundo ay malapit ng kaharapin ang matinding kagutuman, pisikal at espirituwal. Katunayan, higit na ligtas sabihin na ang panahong ito ng kagutuman ay dumating na. Kapag ang kasalukuyang panahon ng kabayong itim, ang panahon ng tag-gutom, ay dumaan, ang panahon ng maputlang kabayo ay darating.
Ang pitong tatak na binanggit sa Apocalipsis 6 ay nagsasabing nilayon ng Diyos kay Cristo ang pitong kapanahunan nang Kanyang unang likhain ang kalawakan. Ang unang panahon, ang panahon ng kabayong puti, ay ang panahon ng ebanghelyo; ang pangalawang panahon, ang panahon ng pulang kabayo, ay ang panahon ni satanas nang ang diablo ay magdulot ng malaking kalituhan sa mundo, digmaan, at patuloy na kakalabanin ang iglesia ng Diyos. Ang mga panahong ito ay susundan ng panahon ng kabayong itim, ang panahon kung saan ang pisikal at espirituwal na taggutom ay wawasakin ang mundo. Ang panahon ng itim na kabayo ay matagal ng nagsimula.
Kapag natapos ang panahong ito, ang panahon ng maputlang kabayo ay magsisismula, kung saan si anticristo ay lilitaw, pati na ang mga salot ng pitong trumpetang inilarawan sa Apocalipsis 8 ay magsisimula. Kapag nahipan ang huling pang-pitong trumpeta, ang mga hinirang ay masasama sa “rapture,” at ito’y susundan ng pitong salot ng pitong mangkok. Pagkatapos ay magkakaroon ng piging ng kasalan ng Kordero sa alapaap para sa mga hinirang na na-rapture at kapag ang lahat ng mga salot ng pitong mangkok ay natapos, babalik ang Panginoon sa mundo kasama tayo at magsisimula ang Kanyang Milenyong Paghahari. Ang Milenyong Paghahari ay susundan ng bagong Langit at Lupa na bababa para sa mga hinirang na nabuhay sa Milenyong Paghahari sa pamamagitan ng unang pagkabuhay na muli.
Kaya ang mga talata ng Aklat ng Apocalipsis, gaya ng, “Maging tapat ka hanggang sa kamatayan at bibigyan kita ng putong ng buhay,” at “Ang magtagumpay ay hindi parurusahan ng ikalawang kamatayan,” ay may kaugnayan sa ating lahat. Ang Salita ng Apocalipsis, sa ibang pananalita, ay may malaking kaugnayan sa mga Kristiyanong nabubuhay ngayon sa mundong ito. Kung walang kaugnayan sa atin ang Apocalipsis, lahat ng Salita ng Diyos na ito ay walang saysay sa atin.
Ang layon ng pitong panahong inihayag ng Aklat ng Apocalipsis ay maisakatuparan at ganap kay Cristong ating Panginoon. Kapag dumating ang panahon ng maputlang kabayo, ang Anticristo ay lilitaw. Kailangan nating makita sa Salita ng Diyos ano ang layon ng Panginoon para sa atin sa panahong iyon. Kailangang-kailangang maunawaan natin mula sa Salita ng Diyos kung paano itinakda ng Diyos ang Kanyang buong layon para sa atin at paano Niya ito mabubuo – anong mga salot at bababa sa mundo, anong mangyayari sa mga mananampalataya, anong mga kapahamakan ang sasalot sa mga di-mananampalataya, at kung ano pa. Dapat mong tanggapin at manalig sa lubos na kahalagahan at kaugnayan nitong salita ng hula para sa iyo.
Dapat ka ring magkaroon ng tamanag kaunawaan kung ano ang sinasabi ng Aklat ng Apocalipsis, tulad ng pitong taong Matinding Kapighatian at ang pangalawang pagdating ni Cristo. Maraming mga Kristiyano sa panahon ngayon ang naniniwala sa doktrina ng “pre-tribulation rapture,” na unang lumitaw sa Inglatera noong mga 1830 at naging laganap na nakilala sa isang iskolar nagngangalang C.I. Scofield, isang guro ng Moody Bible Institute.
Ang teoriyang ito ipinapalagay na ang “rapture” ng mga hinirang ay magaganap bago ang pitong taong Matinding Kapighatian ay magsimula. Sa pananaw na ito, ang mga Hentil ay unang kukuhanin, at pagkatapos ang Diyos ay magsisimula ng Kanyang kilos ng kaligtasan para sa bayang Israel, ang pag-rapture ng mga hinirang din ay mauuna bago ang paglitaw ng anticristo at ang mga salot ng pitong mangkok.
Sa pangkalahatan, maraming mga Kristiyano ang naniniwala na walang isang libong paghahari si Cristo o ang teoriya ng pre-tribulation rapture. Ngunit ang mga ito ay pawang mga haka na nabuo mula sa maling unawa at kakulangan sa kaunawaan ng Biblia. Sa halip na sagutin ang maraming katanungan ng mga mananampalataya ukol sa Aklat ng Apocalipsis, ang mga haka-hakang ito ay nagdulot ng maraming kapahamakan kaysa kabutihan sa pagdudulot ng lalo pang mga katanungan at mga alinlangan ukol sa Salita ng Apocalipsis.
Kung ang teoriya ng “pre-tribulation rapture” ay tama, ano ang kaugnayan ng Aklat ng Apocalipsis para sa mga mananampalatayang Hentil? Ang Matinding Kapighatian at ang mga serye ng mga pangyayari na inihula sa Apocalipsis ay maging walang kaugnayan sa atin, dahil tayong lahat ay kukuhanin na. Ito ay kung bakit maraming tao ang umuusisa lang sa Aklat ng Apocalipsis sa halip na panaligan ang sinasabi.
Ngunit dapat nating maunawaan na ang Aklat ng Apocalipsis ay lubos na may kauganayan sa atin na nabubuhay ngayon sa mundong ito. Hayaan ninyong itanong ko ito sa inyo: naniniwala ka ba sa Salita ng Diyos, o naniniwala ka sa mga salita ng iskolar? Maraming mga teoriya ukol sa mga huling araw mula, sa walang-milenyo hanggang “post-millennial rapture,” “post-tribulation,” “pre-tribulation,” “mid-tribulation,” at kung ano pa. Ang mga teoriyang ito at iminumungkahi ng mga iskolar bilang gayon na lang—ang mga ito ay pawang mga haka-haka, mga palagay at mga panukala.
Alin sa mga teoriyang ito ang iyong pinaniniwalaan? Maraming tao ang nagsasabing naniniwala sa teoriya ng “pre-tribulation rapture” dahil ito ang itinuro ng kanilang mga pastor. Ngunit malinaw kong sasabihin sa iyo: ikaw at ako ay dadaan sa mga salot ng pitong trumpeta at mamumuhay sa gitna ng Matinding Kapighatian. Dahil tayo’y itinalaga na dumaan sa Matinding Kapighatian, ang ating pananampalataya ay dapat na maging tunay at malakas upang pagtagumpayan ang mga pagsubok at mga kapighatiang naghihintay sa atin.
Anong mangyayari kung ikaw, na naniniwala sa teoriya ng “pre-tribulation rapture”, iyong napag-isip, “ako’y kukuhanin bago ang Matinding kapighatian ay dumating; hini ko na bibigyang pansin pa ukol ditto,” at hindi inihanda ang yong pananampalataya para sa mga huling araw? Kapag ang pitong-taong panahon ng Matinding Kapighatian ay dumatind tulad ng sinasabi ng Salita ng Diyos, yaong mga hindi naghanda ng kanilang pananampalataya para sa Kapighatian ay lalamunin ng Malaking Kalituhan, paghihirap, at maaaring pati kamatayan – ito ay, ang kanilang pinakapananampalataya kay Jesus ay maaaring maliligalig. Marami sa kanila ang di-magtatagumpay sa Kapighatian at mahahantong na matalo sa kanilang laban ng pananampalataya.
Bago ang paglitaw ng teoriya ng “pre-tribulation rapture,” ang lubos na naniniwalang sila’y dadaan sa pitong-taong Matinding Kapighatian, at sila’y mara-rapture lamang pagkatapos ng dulo nito kapag si Cristo ay dumating muli. Inaakalang kailangan silang magbata sa bawat taon ng pitong-taon, inihanda nila ang kanilang pananampalataya ng may pananabik, ngunit ng may malaking takot din. Ang dumaan sa lahat ng mga salot ay maaaring isang nakatatakot na tanawin para sa kanila, na dapat para sa bawat isa sa kanila. Ngunit ang gayong paniniwala ay isa ring teoriya, produkto ng kamang-mangan sa Salita ng Diyos.
Pagkatapos nariyan ang mga korserbatibong naniniwala sa amillenialismo. Ang mga taong ito ay kinikilala ang Milenyong Paghahari bilang simbolo. Kanilang pananaw na ito’y isang simbolong kumakatawan sa kapayapaang makakamit ng mga mananampalataya kay Cristo sanhi ng kanilang kaligtasan. Kung ang mga teoriyang ito ay totoo, hindi na natin gaanong papansinin ukol sa kung anong mangyayari sa mundo, dahil tayong lahat ay kukuhanin paitaas ng alapaap ng Diyos bago magsimula ang Kapighatian.
Kung hindi totoo ang mga ito, anong mangyayari kung gayon? Ang maharap sa Matinding Kapighatian nang walang kahandaan ng ating pananampalataya, tayo’y lulupigin ng takot na di-makakikilos. Maaaring hindi natin maipagtanggol ang ating pananampalataya, susuko sa mga alon ng mga pagsubok at mga kapighatian, at mahantong sa gayong agos tulad ng mundo. Ngunit sinabi ng Diyos sa atin na yaong mga pangalang nakasulat sa Salita ng Buhay – yaong mga isinilang na muli sa tubig at sa Espiritu – kailanma’y di-sususko.
Sinasabi ng Diyos sa atin sa Kanyang Salita ng Apocalipsis na yaong mga isinilang na muli ay magtatagumpay sa mga pagsubok ng Matinding Kapighatian sa pamamagitan ng pananampalataya, at sa gitna ng Kapighatian Kanyang kukuhanin sila paitaas ng alapaap. Ang teoriya ng “pre-tribulation rapture” kung gayon ay lumalayo sa katotohanan ng Bibila, ibig sabihin ang pag-angking ito ay isa lamang palagay na likha ng tao. Sa ibang salita, ito’y isang kasinungalingan, hindi ang katotohanan.
Ngunit maraming tao sa buong mundo ang tumanggap na nitong teoriya ng pre-tribulation rapture. Yaong mga naniniwala sa turo ni Scofield sa “pre-tribulation rapture” ay naniniwala sa mga sumusunod:
1. Ang pitong-taong panahon ng Matinding Kapighatian ay magsisimula matapos ang paglitaw ng anticristo sa mga huling araw.
2. Ang anticristo ay maghahari sa mundo sa panahon ng pitong-taong panahon ng Matinding Kapighatian; para sa unang bahagi ng pitong-taon, siya’y maghahari bilang isang mapagkawang-gawang pinuno, at ang huling bahagi bilang isang masama at malupit na pinuno.
3. Ang templo ng Jerusalem ay itatayong muli at ang mga paghahandog ng mga alay ay muling magpapatuloy.
4. Ang anticristo ay magkakaroon ng pitong-taong tipan sa Israel.
5. Matapos ang unang tatlo at kalahating taon ng Kapighatian, ang anticristo ay sisirain ang tipang ito sa Israel.
6. Ang susunod na tatlo at kalahating taon ay panahon ng mga Matinding Kapighatian at pag-uusig sa mga Israelita. Sa panahong ito ay ebanghelyo ng Milenyong Paghahari ay pangangaral sa halip na ang ebanghelyo ng biyaya.
7. Sa gitna ng mga Israelita, 144,000 ay makaliligtas sa Kapighatian.
8. Ang Kapighatian ay matatapos sa pamamagitan ng digmaan sa Armagedon.
 
Sa pagpapaliwanag ng Matinding Kapighatian sa mga nabanggit na kapanahunan, si Scofield ay walang nabanggit kung ano ang mangyayari sa mga Hentil sa oras ng Kapighatian. Si Scofield, sa ibang pananalita, iginiit sa lahat ng mga Hentil na nananalig kay Cristo ay masasama sa rapture bago magsimula ang Kapighatian, at pagkatapos lang ng kanilang rapture ay saka magsisimulang kumilos ang Diyos sa mga mamamayan ng Israel. Ang Kanyang gawa ay mabubuo lamang sa pamamagitan ng pagliligtas sa mga 144,000 na Israelita, at kasama nito, Kanyang tatapusisn ang Kanyang gawa ng kaligtasan. Pagkatapos nito ang Milenyong Paghahari ay magsisimula.
Ang pinagmulan ng impluwensiya kay Scofield at kanyang mga pag-angkin sa “pre-tribulation rapture” ay kay John Nelson Darby, ang nagtaguyod ng isang grupong tinatawag na Plymouth Brethren, na nagsimulang yakapin ang teoriyang ito matapos makipagpulong sa isang lider ng Pentecostal. Ang lider na ito ay isang labing-limang taong gulang nagngangalang Margaret MacDonald ng Scotland, umaangkin noong 1830 na siya’y nagkaroon ng pangitain mula sa Diyos kung saan nakita niya ang mga Kristiyano na tinangay sa rapture halos bago ang Matinding Kapighatian. Matapos ang pagdalaw sa babaeng ito nagsimula si Darby sa pagtuturo sa teoriya ng “pre-tribulation brapture.”
Ang mga aral ni Darby ay naisalin kay Scofield, isang teolohiyang Amerikano. Si Scofield, ginugol niya ang kanyang buong buhay sa pagtatrabaho sa kanyang Scofield Reference Bible na laganap na ginagamit, na sa oras na iyon ay nag-iisip-isip sa katanungan kung ang rapture ay magaganap bago o pagkatapos ang Kapighatian. Nang marinig ni Scofield ang teoriya ng “pre-tribulation rapture” ni Darby, siya’y lubos na nalulong dito, at gayon na lamang lubusang nakumbinsi sa mga salaysay na ito, niyakap niya ang bagong teoriyang ito sa pamamagitan ng paglalagay nito sa kanyang Scofield Reference Bible. Ganito kung paano naniwala sa Scofield at nakipagtalo para sa teoriya ng “pre-tribulation rapture,” at kung gaano ang dami ng mga Kristiyano ngayon ang sumunod din dito.
Bago ang teoriya ng “pre-tribulation rapture” ay niliwanag ni Darby at Scofield, maraming mga Kristiyano ang naniniwala sa “post-tribulation rapture.” Ngunit si Scofield, na dating guro ng Moody Bible Institute sa Estados Unidos, ay mayroong napakalaking impluwensiya sa mga doktrinang paksa, lalo na sa impresyon sa kanyang Scofield Reference Bible. Ito’y dahil kay Scofield at kanyang impluwensiya na ang teoriya ng “pre-tribulation rapture” ay naging laganap sa mga komunidad ng Kristiyano sa buong mundo.
Sa kasawiang-palad, sanhi nito, maraming mga Kristiyano ngayon ay tulog ang kanilang pananampalataya. Sila’y tulog dahil sila’y nagkakamali ng akala na ang anticristo ay walang kinalaman sa kanila. Nakikita nilang wala silang kailangan upang ihanda ang kanilang pananampalataya para sa panahon ng Matinding kapighatian, sa paniniwalang sila’y masasama sa rapture bago magsimula ito. Ngunit sinabi sa atin ng Panginoon na laging gising, sapagkat walang nakakaalam kung kailang darating ang lalakeng ikakasal. Ngunit nakalulungkot, yaong mga nagwawalang-bahala sa Salita ng Diyos at sa halip ay umaasa sa mga aral ng “pre-tribulation rapture” ay nananatiling tulog na tulog.
Ngunit ngayon na ang oras para magising. Ngayon na ang oras para sa iyo na itapon mo ang ang maling paniniwala sa “pre-tribulation rapture” at manalig sa Salita ng katotohanan. Hindi ang teoriya ng “pre-tribulation rapture” ni ang teoriya ng “post-tribulation rapture” ang mayroong bibliyang pundasyon; dapat kang magbalik sa tunay na Salita ng Diyos. Ang Salita ng Apocalipsis (6:8) ay sinasabi sa atin, “At tumingin ako, at narito, ang isang kabayong maputla at ang nakasakay dito ay may pangalang Kamatayan; at ang Hades ay sumusunod sa Kanya. At sila’y pinagkalooban ng kapamahalaan sa ikaapat na bahagi ng lupa, na pumatay sa pamamagitan ng tabak, at ng gutom, at ng salot ay ng mga ganid na hayop sa lupa.”
Sinabi rito na ang pangalan ng nakaupo sa maputlang kabayo ay ang anticristo, ang Kamatayan, at ang Hades ay sumusunod sa kanya. Ibig sabihin na ang anticristo ay isang mamamatay-tao at dinadala ang kanyang mga biktima sa impiyerno. Sinabi rin dito na siya’y binigyan ng kapamahalaan sa ikaapat na bahagi ng mundo, upang pumatay sa pamamagitan ng tabak, gutom, kamatayan, at mga halimaw sa lupa. Si anticristo, sa ibang pananalita, ay gagawa ng mga kalupitan tulad ng mga emperador ng Roma – ngunit lalong matindi sa pagkakataong ito – upang pumatay, magmalabis, at usugin ang mga Kristiyano at wasakin ang kanilang pananampalataya.
Dapat mong, mabatid na ang panahon ng maputlang kabayo ay ang panahon ni anticristo. Sinasabi ng Panginoon sa atin, “Kayo’y marurunong magsikilala ng anyo ng langit; datapuwa’t hindi ninyo mangakilala ang mga tanda ng mga panahon (Mateo 16:3).” Kapag hindi natin naaaninaw ang mga tanda ng panahon, hindi natin malalaman kung anong uri ng pananampalataya na dapat magkaroon tayo, at kung gayon hindi tayo makapagtatanim ng mga binhi ni makapag-aani ng mga prutas–hindi natin magagawa, sa ibang salita, ang makapaglingkod para sa Panginoon. Ngayon, ang panahon ng maputlang kabayo ay nagdaan na, at tayo’y nasa panahon ng kabayong maitim. Ang mundo ay malapit ng hagupitin ng matinding kalamidad sa pananalapi at haharap sa panahon ng matinding kagutuman. Gutom at kagutuman ay magiging malawakan sa buong mundo. Kapag ang lahat ng mga bagay na ito ay naganap, marami ang magsisisi sa matinding hirap. Huwag maging katulad nila; sa halip, maging isa ka na ang pananampalataya ay maunawaan ang mga tanda ng mga panahon.
Ang ngayong panahon ay ang panahon ng maitim na kabayo. Kapag natapos ang panahong ito, ang panahon ng maputlang kabayo ay darating. Ang anticristo, lilitaw sa panahong ito, walang-itinatanging papatayin at uusigin ang mga hinirang, tanda ito ng panahon ng pagmamartir.
Sinasabi ng Apocalipsis 13:6-8, “At binuka niya ang kanyang bibig sa mga kapusungan laban sa Dios, upang pusungin ang Kaniyang pangalan, at ang Kaniyang tabernakulo, gayon din naman ang mga nananahan sa langit. At ipinagkaloob sa Kaniya na makipagbaka sa mga banal, at pagtagumpayan sila; at binigyan siya ng kapamahalaan sa bawa’t angkan at bayan at wika at bansa. At ang lahat ng nangananahan sa lupa ay magsisisamba sa kaniya, na ang kanikaniyang pangalan ay hindi nasusulat sa Aklat ng Buhay ng Cordero na pinatay buhat nang itatag ang sanglibutan.”. Ang “siya” dito ay tumutukoy kay anticristo. Sinasabi ng talata na isa sa mga pinuno ng sanlibutan ay bibigyan ni satanas ng kapangyarihang laitin ang Diyos at usigin ang mga hinirang. Ito ang anak ng diablo, taglay ang kapangyarihan ng dragon. Sa kanyang kapangyarihan kanyang kakalabanin at tatalunin ang mga hinirang. Ngunit sa pagwawagi, ibig sabihin lamang na maraming magiging martir mula sa mga hinirang. Ito’y tumutukoy lamang sa pisikal na kamatayan ng mga hinirang; kailanma’y hindi maaalis ni anticristo ang pananampalataya ng mga hinirang.
Ang iginiit ni Scofield na ang mga hinirang ay di-mahaharap sa Matinding Kapighatian. Ngunit kung wala ang pitong-taong Matinding Kapighatian, hindi magkakaroon ng Milenyong Paghahari para sa mga hinirang. Ang mga hinirang ay magiging mga martir sa Matinding kapighatian. Ang hulang ito ng Biblia ay nilayon lahat ni Jesucristo mula pa sa pasimula ng mundo. Lahat ng kasaysayan ng mundo ay magtatapos sa mga gawa na tinupad ni Cristo.
Dapat mong malaman na ang pitong kapanahunang itinalaga ng Diyos para sa atin. Ang unang panahon ay ang panahon ng puting kabayo, ang panahon kung saan ang Salita ng Diyos ay magsisimulang kumilos. Ang pangalawang panahon, siyang panahon ng pulang kabayo, ay ang panahon ng Diablo. Ang ikatlong panahon ng kabayong itim ay ang panahon ng pisikal at espirituwal na kagutuman. Ang ikaapat na panahon ay ang panahon ng maputlang kabayo ay ang panahon ng paglitaw ng anticristo. Ito ang panahon ng pitong trumpeta, ang panahon ng pagmamartir. Ang kabiguang mabatid itong panahon ng maputlang kabayo ang nagpapalito sa tao.
Kung di-nalalaman ang panahong ito, hindi tayo makapamumuhay ng maayos bilang mga Kristiyanong isinilang na muli. Kung mananatili tayong di-alintana kung anong naghihintay sa atin, paano tayo magiging handa para sa hinaharap? Kahit pa ang taong nagpapatakbo ng mga negosyo ay dapat malaman sa pasimula pa ang nagbabagong mga kalakaran ng panahon upang umunlad. Paano tayo maaaring maging handa sa Kanyang pagbabalik gayong wala tayong palatandaan kung ano ang naghihintay sa atin?
Dapat tayong magkaroon ng malinaw na kaunawaan sa Matinding Kapighatian upang maging handa rito. Ang mga hinirang ay mamumuhay hanggang sa unang tatlo at kalahating taon ng Kapighatian, at sa panahong ito sila’y magiging mga martir. Hindi sila dadaan sa buong pitong-taon ng Kapighatian, ngunit sa unang kalahati lamang, at pagkatapos, sa kanilang kamatayan sila’y mabubuhay muli at kukuhanin sa rapture. Kapag ang mga hinirang ay maisama sa rapture, hindi ibig sabihin na si Cristo ay bababa sa mundo, kundi sa halip ang Panginoon ay kukuhanin sila paitaas sa alapaap para sa kasalang piging ng Kordero.
Ang mundong ito, samantala, ay lalamunin ng mga salot ng pitong mangkok. Ang mga magbalik sa mundo kasama si Cristo matapos ang mga salot ay yaon lamang ang mga kasalanan ay pinatawad, kasing-puti ng niyebe, sa pamamagitan ng pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritung binigay ng Panginoon. Ito ay kung bakit dapat nating ihanda ang ating pananalig sa pag-unawa sa panahong ito at ang kritikal na kaugnayan at kahalagahan para sa atin.
Sinabi ng ating Panginoon sa anghel ng Iglesia ng Smirna, “Nalalaman Ko ang iyong kapighatian, at iyong kadukhaan (datapuwa’t ikaw ay mayaman), at ang pamumusong ng mga nagsasabing sila’y mga Judio, at hindi sila gayon, kundi isang sinagoga ni satanas. Huwag mong katakutan ang mga bagay na iyong malapit ng tiisin: narito, malapit ng ilagay ng Diablo ang ilan sa inyo sa bilangguan, upang kayo’y masubok;at magkakaroon kayo ng kapighatiang sangpung araw. Magtapat ka hanggang sa kamatayan, at bibigyan Kita ng putong ng buhay.” Mula sa talatang ito, makikita natin na ang Iglesia ng Smirna ay malubhang inusig ng mga Judio. Ngunit sinabi ng Pnaginoon na ang mga Judiong ito ay hindi tunay na mga Judio, kundi isang sinagoga ni satanas. Sinabi Niya ito hindi lang para sa Iglesia ng Smirna, kundi sa lahat ng pitong iglesia sa Asya.
Mayroong isang malawak na komunidad ng mga Judio sa Smirna, kung saan, kahit pa sa katotohanan ang mga Judio ay sumasamba sa Diyos ng mga mananampalataya kay Cristo, magkagayon man ay inusig ang mga hinirang ng Iglesia sa Smirna, tulad ng ginawa ng mga Romano. Sa mga hinirang na nahaharap sa pag-uusig na ito, sinabi ng Diyos, “Maging tapat hanggang kamatayan, at bibigyan kita ng putong ng buhay,” at “Ang magtagumpay ay hindi paparusahan ng ikalawang kamatayan.” Sinabi ng Diyos sa mga hinirang na dapat silang magtagumpay. Tayo rin ay dapat labanan ang anticristo hanggang sa huli at talunin siya sa ating digmaan ng pananampalataya. Pagkatapos ay ibibigay sa atin ng Panginoon ang korona ng buhay – pagpapalain Niya tayo sa pagbibigay at paghintulot sa atin na mamuhay sa Milenyong Paghahari at ang Bagong Langit at Lupa.
Mayroong ka bang tapang na maging martir? Ngayon ang panahon para sa iyo na ihanda ang iyong pananampalataya sa kamatayan. At upang magkagayon, kailangan mong magkaroon ng pananampalataya sa pagtubos na ganap sa magbibigay-lakas sa iyo na tumayo sa harap ng Panginoon – ang pananampalatayang makayayakap sa kamatayan ng walang-alinlangan.
Dapat nating ihanda ang pananampalatayang ito ngayon. Sinabi ng Panginoon sa bawat isa na walang sinuman ang makapapasok at makakakita sa Kaharian ng Diyos nang di-nananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Sinabi Niya sa atin na ang pananampalataya sa ebanghelyong ito ay ang pananampalataya ng pagmamartir sa mga huling araw.
Kung mayroong kasalanan sa mga puso ng tao, paano sila magiging martir? Malayong maging martir, sila ang mga uri ng tao na aakayin ang iba na tanggapin ang tatak ng Halimaw! Walang iba kundi ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ang makapaglilinis ng ating mga kasalanan. Maging ang ating mga palagiang panalangin ng pangungumpisal at seremonyang inaalay mo ay mag-aalis ng iyong mga kasalanan. Ang pagtangkang alisin ang iyong mga kasalanan sa pamamagitan ng mga pangungumpisal ay isa lamang pag-aksaya ng oras at pagsisikap.
Ang mga nagsisikap ng gayon ay higit na naniniwala sa mga sinasabi ng mga teolihiya kaysa sa sinasabi ng Salita ng Diyos. Hindi ba ang katotohanan na ang mga iskolar, yaong mga taong pinagkakatiwalaang lubos ng maraming mga Kristiyano, iginigiit at naniniwala sa amileniyanismo nagpapakita lamang kung gaano ang kamangmangan nila sa Biblia? Ayon sa mga naniniwala sa amileniyanismo, walang Mileyong Paghahari ni pagmamartir ng mga hinirang sa Matinding Kapighatian. Sa mga naniniwala sa teoriya ng “pre-tribulation rapture” o amileniyanismo, ang Aklat ng Apocalipsis ay walang-saysay sa kanila!
Ang Salita ng Aklat ng Apocalipsis ay ang Salita ng Diyos. Ito ang salita ng Diyos na sinulat ni Apostol Juan, ang pinaka-mamahal ni Cristo. Walang maaaring magkaila rito.
Hindi ko binabatikos ang naitatag na mga teoriya at mga doktrina ng mga teolohiya nang walang dahilan, pero ginagawa ko ito upang ihanda ang iyong pananampalataya upang manatili kang tapat sa Panginoon hanggang kamatayan. Upang maturuan ka sa Salita ng Banal na Kasulatan upang maging handa kang magtiis sa pag-uusig ng Matinding Kapighatian nang may natiyak na kahandaan na yakapin ang kamatayan.
Upang magkagayon, dapat mong ihanda ang iyong pananampalataya sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ngayon. Ang mga di-nananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, sa kabilang dako ay susuko kay satanas at magiging mga kaaway ng Diyos, dahil ang mga pangalan na hindi nakasulat sa Aklat ng Buhay ay sasamba kay satanas. Ito ang sinasabi ng Salita ng Diyos sa atin.
Pahihintulutan ng Diyos ang mga hinirang na mamatay sa kalagitnaan ng Matinding Kapighatian. Kapag unang tatlo at kalahating taon ang pitong-taong Matinding Kapighatian ay dumaan, yaong mga nananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay papatayin. Sa loob ng madaling panahon matapos ang kanilang kamatayan ay darating ang pagbangong-muli mula sa kamatayan at ang rapture. Ito ang kabuuang buod ng Aklat ng Apocalipsis, at kung bakit iginigiit ko ang mga pangunahing puntos.
Dapat mong tandaan na kapag ang panahon ng anticristo ay dumating, sa loob ng maikling panahon matapos ang pagpatay sa mga martir na nananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ang mabubuhay muli at agad kukuhanin sa rapture. Kapag ang panahon ng maputlang kabayo ay dumating, ang mga bulaklak ng pananampalataya ay mamumukadkad sa kanilang kamatayan. Ang tunay na pananampalataya, sa tamang panahon ay darating, mamumunga ng tunay na bunga at ang mga magagandang bulaklak ay mamumukadkad.
May mga iilang halaman sa ilang ng umusbong, namukadkad, at namunga sa isang lingo lang. Ito ay dahil sila’y umagpang sa kanilang kalagayan sa ilang, kung saan ang ulan at tubig ay bibihira kailangan silang umusbong, mamukadkad, at mamunga agad dahil ang madalang na daloy ng tubig ay maaaring maglaho agad.
Ang pananampalataya ng mga nananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu sa panahon ng pitong-taong Matinding Kapighatian at tulad nitong mga halaman. Para sa kanila ang manalig, sumunod, at maging mga martir sa ebanghelyong ito kasama natin, tanging isang maikling panahon lamang ang sasapat. Ang matinding galit ni anticristo ay mararating ang taluktok sa kalagitnaan ng Matinding Kapighatian, tatlo at kalahating taon mula sa simula.
Dito kung saan ang kamatayan ng mga maritr ay magaganap. Kahit ang mga nakarinig na ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, ay saka lamang tatanggapin ng kanilang mga puso ay magkakaroon pa rin ng tunay na pananampalataya at masasama sa atin sa ating pagiging martir, kung maniniwala sila sa ebanghelyong ito sa huli sa panahon ng Kapighatian sa kabila ng maikling panahon. Ito ay kung bakit pinapalawig namin ang ebanghelyo, upang gisingin ang mga Kristiyano sa buong mundo mula sa kanilang espirituwal na pagkakatulog. Aming ihahayag ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu hanggang sa dulo ng mundo maging hanggang sa aming kamatayan bilang mga martir. Kung wala ang pagmamartir, anong kabutihan nitong ebanghelyong aming pinapalawig ngayon? Ang mga nananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay maaaring maging martir sa mga huling panahon. Dapat nating ihanda ang ating pananalig para dito ngayon.
Kung hindi natin ihahanda ang ating pananampalataya upang mayakap ang kamatayan at maipagtanggol ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ngayon, kapag tayo ay may pakikipag-payapa sa Diyos, sa huli’y magsisisi lamang tayo. Kapag dumating ang huling panahon, magiging abala tayo sa ating mga sarili, sasabihing, “Panginoon, ako’y abala ngayon. Maghintay pa kayo ng kaunti, ako’y magsisisi na ngayon.” Kung ganito ang uri ng ating pananampalataya hanggang sa huli, sasabihin sa atin ng Panginoon, “bakit hindi ka na lang tumalon sa lawa ng apoy? Higit na nararapat ka para doon!” Yaong may mga kasalanan ngayon ay dapat mabatid na sila’y mahahantong tulad nito sa huli. Kaya sinabi ng Diyos, “Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng espiritu sa mga iglesia.”
Sa oras na ang mga hinirang ay maging mga martir, ang kalikasan ng sanlibutan ay lubos na mawawasak. Ang mga kagubata’y matutupok ng apoy; ang mga dagat, mga ilog, at mga sibol ay magiging dugong nabubulok; at ang araw, ang buwan, ang mga bituin, ay mawawalan ng liwanag, lalamunin ng dilim ang sanlibutan. Ang mga naninirahan, ay pamumunuan ng mga masasamang espiritu, mawawalan ng bait, ang kanilang ugali ay magiging marahas at malulupit, at ang kanilang hangad lamang ay ang patayin lahat ng mga anak ng Diyos na makikita nila. Ito ay kung bakit dapat mong maunawaan at manalig sa Salita ng Apocalipsis.
Ang mga iglesia ngayon ay hangad lang ang malalaking gusali, malalawak at matataas na mga iglesia. Gumugugol sila ng milyon-milyong dolyar upang magtayo ng kanilang mga iglesia ngunit sa kanilang mga puso ay matatagpuan lang ay kasalanan, hindi ang pananampalatayang yayakap na maging martir para kay Jesus. Ang mga taong ito ay kailangan munang mahugasan ang kasalanan ng kanilang puso.
Ang mundo ay malapit ng pumasok sa panahon ng Kapighatian, ang panahonng maputlang kabayo. Nawa at dalangin ko na magkaroon ka ng pananampalatayang yayakap na maging martir at manatiling tapat kay Cristo hanggang kamatayan. Dapat tayong manalig sa Salita ng Apocalipsis matapos siyasating mabuti sa pamamagitan ng Bereang  espiritu.