• All e-books and audiobooks on The New Life Mission website are free
  • Explore multilingual sermons in global languages
  • Two new revised editions in English have been released
  • Check out our website translated into 27 languages
Search

Sermons

Paksa 10: Ang Pahayag (Mga Komento sa Pahayag)

[Kabanata 2-5] Sinong Naligtas mula sa Kasalanan? (Apocalipsis 2:8-11)

2021.04.13 123
(Apocalipsis 2:8-11)
 
Ang talatang ito ay ang liham ng Panginoon sa Iglesia sa Smirna ng Asia Menor, isang iglesiang dukha sa materyal, ngunit gayon pama’y mayamang espirituwal sa pananalig. Ang mga hinirang at lingkod ng Diyos ay ipagtatanggol ang kanilang pananampalataya sa kabila ng mga pag-uusig ng mga Judio, at kahit pa sa kanilang mga kapighatian ng kamatayan, hindi nila kinaila ang Panginoon at Kanyang ebanghelyo ng tubig at ng espiritu. Sila’y nakipaglaban at nagtagumpay dahil sa pananalig sa Salita ng Diyos.
Sinabi ng Panginoon sa mga hinirang ng Iglesia ng Smirna na huwag matakot sa mga paghihirap na darating, bagkus ay maging matapat hanggang kamatayan, pinangako sa kanila ang korona ng buhay.
Sinabi ng Diyos sa Kanyang bayan na labanan at pagtagumpayan ang mga maling doktrina ng mga nagsasabing sila’y mga propeta. Dapat nating malaman kung anong uri ng pananampalataya ang kailangan upang maligtas sa lahat ng ating mga kasalanan. Dapat nating malaman na ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay ang tunay na ebanghelyo, at sa pananampalatayang ito ay dapat tayong lumaban at magtagumpay sa mga maling doktrina at mga kasinungalingang sumasalot sa mundong Kristiyano ngayon. Kapag ang buong mundo ay nadaya ni satanas, sinugo ng Diyos ang ating Panginoon upang tuparin ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Kanya ring niligtas lahat ng mga nananalig nito mula sa lahat ng kanilang mga kasalanan. Dapat nating maunawaan at paniwalaan ang katotohanang ito.
Sino ang mga taong naligtas mula sa lahat ng kanilang kasalanan sa harap ng Diyos? Hindi sila ang mga malalakas ang katawan at matitibay ang kalooban, ngunit yaong mga napalaya sa lahat ng kanilang mga kasalanan sa pamamagitan ng ebanghelyo ng tubig at ng Epiritu. Ito ang mga taong nakipaglaban at nagtagumpay sa mga maling doktrina at mga kasinungalingan sa pamamagitan ng pag-aalam at paniniwala sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Sa mga nanalig sa ebanghelyong ito at nagtagumpay sa mga maling doktrina, ibibigay ng Diyos sa kanila ang pagpapalang maiwasan ang pangalawang kamatayan.
 
 
Ang Kaligtasan ng Diyos na Binigay sa mga Nagtagumpay
 
Tulad ng sinasabi sa atin ng Salita ng Apocalipsis, “Ang magtagumpay ay hindi parurusahan ng ikalawang kamatayan.” Yaon lamang nagtagumpay ang bibigyan ng Diyos ng bagong buhay at Kanyang Bagong Kaharian. Tayo’y may dalawang tainga, nakakarinig tayo ng dalawang kwento–ito ay, nakaririnig tayo ng katotohanan at kamalian ng sabay. Sa pagitan ng Salita ng Diyos at kay satanas, ang ating tadhana ay malalaman sa pamamagitan ng salitang tinatanggap natin at salita na tinatanggihan natin.
Ito ay kung bakit dapat tayong manalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, at, sa pamamagitan ng Salita ng katotohanang ito at pananampalataya rito, malalabanan at mapagtatagumpayan ang mga maling aral. Dahil ang bawat isa sa mundong ito ay maghihirap sa ilalim ng bigat ng kasalanan, ating hanapin at dapat matagpuan ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu na ganap na magpapalaya sa atin mula sa ating mga kasalanan. Ngunit marami ang di-matanggap ang katotohanan dahil sa mga kasinungalingang hatid ng mga bulaang guro. Ang animo’y kaligtasang pinangangaral ng mga bulaang propetang ito ay batay sa pag-angking kung di ka nagkakasala, sa gayon ika’y pagpapalain.
Ngunit tayo, sa ating diwa, naitalagang magkasala; ito ang ating di-maiiwasang likas na magkasala, at kung gayon mananatili lang tayong nakagapos nga sa mga kasalanan ng sanlibutan dahil sa mga bulaang propeta, paano sila mananalig sa Diyos at maliligtas sa kanilang mga kasalanan? Dapat silang magbalik sa iglesia ng Diyos pakinggan ang Salita ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, at tanggapin ang tunay na kapahingahan sa kanilang mga puso sa pamamagitan ng paghuhugas ng kanilang mga kasalanan. Maraming tao sa mundong ito ang naghahanap ng tunay na iglesia ng Diyos at naghahangad ng kanilang kaligtasan, ngunit karamihan sa kanila ay bigong makita ito at sa halip ay nahahantong sa iglesia ng Kautusan–at ito ay kung bakit patungo sila sa impiyerno.
Anong uri ng iglesia, kung gayon, ang iglesia ng Diyos na ang mga makasalanan ay tunay na kailangan ito? Ang iglesia ng Diyos na kailangan ng bawat makasalanan ay ang iglesiang nangangaral ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Ang iglesia ng Diyos na binanggit sa Biblia ay nangangaral ng bautismo ni Jesus at Kanyang dugo sa Krus. Ang tunay na iglesia ng Diyos ay ipinaliliwanag ng husto at itinuturo kung paano inalis ni Jesus lahat ng kasalanan ng sanlibutan at paano Niya pinaglaho ang mga ito, ang lahat ay nakapaloob sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Bawat makasalanang napalaya mula sa kanyang mga kasalanan ay nangyari nga dahil sa pananampalatayang nagmula sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu sa pamamagitan ng iglesia ng Diyos.
Ngunit dahil maraming mga Kristiyano ang hindi nakarinig at hindi nakikilala ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, hindi sila maaaring maligtas sa lahat ng kanilang mga kasalanan. Ngunit sinasabi ng Diyos sa atin na Kanyang palalayain sa kasalanan ang mga mananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu at mga lalaban at magtatagumpay sa mga maling ebanghelyo. Pinangako ng Diyos sa atin na ang mga nagtagumpay ay di-mapapahamak sa pangalawang kamatayan.
Ang tunay na kalayaan mula sa kasalanan ay makukuha lamang sa mga sasalungat at magtatagumpay sa mga bulaang guro. Dahil tayo’y isinilang na mga makasalanan, kung hindi magtatagumpay sa mga maling aral, tayo’y mahahantong bilang mga bihag ni satanas, nakatalagang magkasala, at nakatakda para sa impiyerno sa huli. Ito ay kung bakit sinabi ng Diyos sa bawat isa sa atin na magtagumpay sa mga kaaway sa ating espirituwal na kalaban ng kaligtasan.
Sinasabi na ang mga ibang hayop, tulad ng mga leon o mga tigre, tinuturuan ang kanilang mga anak na leon sa pamamagitan ng sadyang pagtulak sa kanila paibaba ng burol at hayaan silang umakyat mag-isa. Ang mga supling na makaakyat paitaas ng burol ang maalagaan. Gayunman, binigay sa atin ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, at yaon lamang makapaglalaban at magtatagumpay sa mga aral sa pamamagitan ng ebanghelyong ito ang pahihintulutan Niya sa Langit.
Ang ating kaligtasan ay di nagmumula sa ating sariling dugo at laman. Tayo’y maliligtas mula sa kasalanan lamang sa pamamagitan ng pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Ang tunay na kaligtasan ay mararating sa pamamagitan ng bautismo ni Jesus at Kanyang dugo sa Krus. Kapag ang ating mga puso ay nanalig sa bautismo at dugong dumanak ng Anak ng Diyos na nag-alis ng mga kasalanan ng sanlibutan, tayo’y maliligats sa lahat ng ating mga kasalanan at mapapalaya sa ating tiyak na kapahamakan. Ang bawat isang pumasok sa Langit dahil sa pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, at bawat isang nahantong sa impiyerno ay magkagayon nga dahil sa di-pananalig sa ebanghelyong ito. Ito ay kung bakit tayong lahat ay dapat manalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu at tanggihan ang mga huwad na ebanghelyo.
Sa pamamagitan ng pagkalat ng mga huwad na aral at mga kasinungalingan, tinatangka ni satanas na pigilin ang tao na naligtas sa pamamagitan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Ano kung gayon ang mga maling aral na ito? Ang mga maling ebanghelyo ay yaong nagtuturo na hindi inalis ni Jesus ang lahat ng mga kasalanan ng sanlibutang sa pamamagitan ng Kanyang bautismo. Itinuturo nila na habang inalis ni Jesus ang ating orihinal na kasalanan, ang ating mga araw-araw na kasalanan ay dapat hugasan ng ating mga araw-araw na mga dalanging pagkumpisal. Maaaring ang mga aral na ito ay may saysay sa mga pananaw ng relihiyon, ngunit kung titignan sa pamamagitan ng tunay na ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, ito’y mga simpleng kamalian.
Ang pagtutubos ng bawat isa’y nagmumula sa pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu; ang mga maling katuruan kailanma’y di-magpapalaya sa atin sa kasalanan. Ito’y kung bakit dapat nating labanan at magtagumpay sa mga maling aral na ito. Ang pakikibaka laban kay satanas ay ang pagsalungat laban sa di-makatotohanan. Samakatuwid, dapat tayong magpasiya kung sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu o sa mga maling ebanghelyo, at gayong mga desisyon, dapat nating labanan ang isa sa mga ito. Kahit ang mga nananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay di-magtatagumpay kay Satanas kung ang kanilang pananampalataya’y mananatiling maligamgam.
Marami sa mga taong naligtas ay nakikipagtalo sa pagitan ng Salita ng Diyos at iyong kay satanas pati ang kanilang mga kasalanan ay napatawad lamang nang sila’y magpasiyang manalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Ang bawat isang naligtas, mula sa pasimula ng paglikha hanggang ngayon, sila ang nakikipaglaban at nagtatagumpay sa mga labanan at nagtatagumpay sa mga maling ebanghelyo. Tayong lahat ay dapat hanapin ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, tanggihan ang mga huwad na ebanghelyo, at mapalaya sa lahat ng ating mga kasalanan sa pamamagitan ng pananampalataya.
 
 
Ano ang mga Huwad na Ebanghelyo?
 
Ating ipalagay, para sa layon ng paglalarawan, may isang nayon na ang bawat isang nahihirahan doon ay may iisang mata lamang, at may isang bisitang dumating sa nayong ito na may dalawang mata. Ang mga tao sa nayong ito ay tatawaging “kakaiba,” “di-normal,” “naiiba,” o kaya’y “erehe” ang bisitang ito. Ang dahilan kung bakit hinatulan nila siya bilang isang erehe dahil siya’y kakaiba sa kanila, sila, sa pagkakataong ito, ay kinabibilangan ng nakararami. Gayon din, mayroong isang pagkiling sa mundong ito kung saan “ang nakararami ang may kapasiyahan,” o, sa ibang pananalita, kung saan “ang katotohanan ay ukol sa nakararami.” Ngunit dapat nating mabatid na ang gayong mga tuntunin sa paghatol at mga resulta ay mga kamalian.
Sa walang katapusang mundo, ang katotohanan ay di-kapasiyahan ng nakararami ngunit ang pinaka-pangunahing panuntunan. Saan kung gayon, matatagpuan ang ganitong katotohanan? Matatagpuan ito sa pagtutubos ng mga makasalanan at kanilang kalayaan mula sa kapahamakan. Lahat ng mga naging matuwid ay naging gayon nga sa pamamagitan ng pagliligtas sa kanilang mga kasalanan – matapos marinig, sa pamamagitan ng kanilang mga tainga, ang katotohanan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, sa pamamagitan ng kanilang mga puso, sa ebanghelyong ito.
Ngunit dahil maraming tao ang matagal ng nahulog sa mga maling ebanghelyo, kapag ang tunay na katotohanan ay nahayag sa kanila, tinatawag nila itong kakaiba, erehe, at tinatanggihan ito. Ngunit ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu na kanilang inayawan ay ang ebanghelyo ng katotohanang nahayag, pinaniniwalaan, at pinangaral ng mga apostol mismo, babalikan ang buong Panahon ng mga Apostol. Ang problema ng kasalanan ay mululutas lang sa pamamagitan ng pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu sa harap ng Diyos.
Si Jesus, ating Katotohanan, kinuha ang mga kasalanan ng sanlibutan nang minsanan sa pamamagitan ng bautismo sa Kanya ni Juan, isang inapo ni Aaron, at Kanyang binubo ang dugo sa Krus para sa atin. Ang Salita ng Diyos ang nagpapatotoo na tinangay ni Jesus ang lahat ng kasalanan ng sanlibutan sa pamamagitan ng Kanyang bautismo. At Siya ngayo’y namatay sa Krus, bumangong-muli, at umakyat sa Langit upang maupo sa kanang kamay ng Diyos. Ang katotohanang ito’y natupad dalawang libong taon na ang nakalipas nang si Jesus ay naging Panginoon ng katotohanan sa pag-aalis ng lahat ng mga kasalanan ng mundo sa Kanyang bautismo at dugo sa Krus.
Ngunit ang mga nadaya ng mga kasinungalingan hindi pa rin nalalaman na sa kanilang pananampalataya kay Jesus ay darating ang buong kalayaan mula sa kasalanan; masahol nito, maraming kaluluwa sa ngayong mundo ng Kristiyano ay ligaw sa kasalanan, lito sa mga huwad na ebanghelyo. Ito ay kung bakit ang mga nananalig sa tunay na ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay dapat lalong ipangaral at ikalat ang ebanghelyong ito. Tanging sa pamamagitan ng pakikinig nitong tunay na ebanghelyo maaaring mapalaya sila sa kanilang mga kasalanan.
Ang katotohanang inihayag ng Biblia ay ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu (Mateo 3:13-17, Efeso 1:13). Sa talatang nabanggit, pinuri ng Diyos ang Iglesia ng Smirna, sinasabi na kahit sa kabila ng kanilang karukhaan, sila’y mayaman sa pananampalataya. Ngunit tinawag Niya ang mga Judio bilang mga likod ni satanas, bagama’t sinasabi nilang nananalig sila sa Diyos, ayaw pa rin nilang tanggapin ang Kanyang ebanghelyo ng katubusan sa kanilang mga puso. Hindi sila nananalig kay Jesus bilang Anak ng Diyos at kanilang Tagapagligtas, bagama’t ang ating Panginoon ay inalis na ang kanilang mga kasalanan sa pamamagitan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Dahil hindi pa rin nila tinatanggap ang katotohanang inalis na ni Jesus ang lahat ng kanilang mga kasalanan, kahit pa inaangkin nilang nananalig sila kay Yahweh, patuloy ang kasalanan sa kanilang mga puso.
Ang gayong tao ay inaangkin ng kanilang mga bibig na sila’y nananalig sa Diyos, ngunit sa katotohana’y sila’y isang “sinagoga ni satanas” na di-nananalig sa Kanya. Ang mga, kahit pa inaangking nananalig sila kay Jesus, di pa tinatanggap ang Kanyang katubusan sa kanilang mga puso ay kabilang dito sa sinagoga ni satanas.
Mayroong dalawang sinagoga sa mundong ito: kay satanas, at ang isa ay sa Diyos. Kapag bumalik ang Panginoon, ang sinagoga ni satanas ay walang hanggang mawawasak, at ang sinagoga ng Diyos ay walang hanggang pagpapalain. Sa madaling salita, malinaw na paghihiwalayin ng Diyos ang mga matuwid sa mga makasalanan. Hindi lahat ng umaangkin nananalig kay Jesus bilang kanyang Tagapagligtas ay papasok sa Langit.
Maliwanag na ipinakita ito sa sinabi ni Jesus sa atin sa Mateo 7:21-23: “Sapagka’t mula sa loob, mula sa puso ng mga tao, lumalabas ang masasamang pagiisip, ang mga pakikiapid, ang mga pagnanakaw, ang mga pagpatay sa kapuwa-tao, angmga pangangalunya. Ang mga kasakiman, ang mga kasamaan, ang pagdaraya, ang kalibugan, ang matang masama, ang kapusungan, ang kapalaluan, ang kamangmangan. Ang lahat ng masasamang bagay na ito ay sa loob nagsisipanggaling, at nangakakahawa sa tao” (Mateo 7:21-23).
Sa madaling salita, hindi natin masasabi na ang Langit ay di-tiyak na garantiya para sa lahat ng umaangkin na nanalig kay Jesus at tumatawag sa Kanyang pangalan. Kahit pa sila nananalig kay Jesus upang kanilang maging Tagapagligtas, kung di sila nananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, sa huli, sila’y mga lingkod ni satanas, tiyak na patungong impiyerno. Dahil sinunod nila ang mga huwad na ebanghelyo kahit pa sinasabing nananalig kay Jesus, marapat lang at makatarungang sila’y ipadala sa impiyerno.
Yaong may kasalanan kung gayon ay kabilang kay satanas ay patungong impiyerno. Ngunit para sa atin na tumanggap ng paghuhugas sa lahat ng ating mga kasalanan sa pamamagitan ng pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, ang mga pinto ng Langit ay mabubuksan. Bawat nanalig kay Jesus ay dapat pumasok sa Langit sa pamamagitan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu.
Upang maligtas sa mga kasalanan ng mundo, hindi lamang tayo dapat magkaroon ng malinaw na unawa sa ating mga kasalanan, kundi magkaroon din ng espirituwal na kakayahang malaman ang katotohanan sa mga kasinungalingan. Upang magkagayon, dapat tayong manahan sa nakasulat na Salita ng Diyos at manalig ayon dito. Kung ayaw mong matapon sa lawa ng impiyerno, dapat mong tanggihan ang mga huwad na ebanghelyo sa pamamagitan ng pananampalataya. Dapat kang manalo sa iyong digmaan laban sa mga huwad na ebanghelyo. At upang matiyak ang tagumpay sa pananampalataya, dapat mong malaman kung ano ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Saka mo lang maiiwasan ang pangalawang kamatayan, at makapapasok ka sa Paraiso ng Diyos.
Sa 2 Juan 1:7 ay sinasabi sa atin, “Sapagka’t maraming magdaraya na nangagsilitaw sa sanglibutan, sa makatuwid ay ang mga hindi nangagpapahayag na si Jesucristo ay napariritong nasa laman. Ito ang magdaraya at an gang anticristo.” Ang mandaraya rito ay tumutukoy sa mga nagkaila na si Jesucristo ay naparito sa mundo sa laman. Sila ang mga nagkaila na ang Panginoon ay naparito sa laman ay ang Anak ng Diyos, na Kanyang inalis lahat ng mga kasalanan ng mundo sa pamamagitan ng Kanyang bautismo sa Ilog ng Jordan, at Siya’y hinatulan dahil sa ating mga kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang dugo sa Krus.
Ang mga di-tumanggap sa katotohanang ito, na Kanyang inalis lahat sa atin ang kahatulan ng ating mga kasalanan, ay ang mga mandaraya at mga lingkod ni satanas. Ito ang mga kaaway ng Diyos at mga lingkod ng diablo. Kanilang nililito ang marami tungo sa kapahamakan dahil sa pagtuturo at pagkalat ng kanilang mga huwad na ebanghelyo at pagsalungat sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu.
Ang mga umangking nananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ngunit hindi lumalaban sa espirituwal na digmaan laban sa huwad na ebanghelyo ni satanas ay tiyak na mahahantong bilang mga kaaway ng Salita ng Diyos at Kanyang bayan. Ang gayong tao ay di-pansin kung ang kanilang mga tagasunod ay nananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu o hindi. Ang pinapansin lang nila ay ang kanilang sariling karangalan at yaman. Ito ang mga huwad na lingkod na hangad lang ang kabusugan ng kanilang tiyan. Sa madaling salita, sila ay kabilang kay anticristo na sinasabi ng Biblia.
 
 
Ang mga Panlilinlang ng mga Erehe
 
Sinasabi sa Ezekiel 13:17-18, “At ikaw, anak ng tao, itingin mo ang iyong mukha laban sa mga anak na babae ng iyong bayan, na nangaghuhula ng mula sa kanilang sariling puso, ay manghula ka laban sa kanila. At iyong sabihin, ‘Ganito ang sabi ng Panginoong Dios, sa aba ng mga babae na nangananahi ng mga unan sa lahat ng siko, nagsisigawa ng mga lambong na ukol sa ulo ng iba’t ibang sukat upang manghuli ng mga kaluluwa! Hahanapin baga ninyo ang mga kaluluwa ng aking bayan, at mangagliligtas na buhay ng mga kaluluwa sa ganang inyong sarili?’” Mula sa talatang ito ay makikita natin kung paano nanakawin ng mga lingkod ni satanas ang mga kaluluwa ng tao.
Sinasabi sa talatang ito na ang mga lingkod ni satanas ay magtatahi ng salamangka sa mga unan sa mga siko ng tao. Walang ginhawa at anong asiwa ang may mga unan sa iyong mga siko, at kahiya-hiya sa iba? Ang mga binigyan ng katayuan sa iglesia kahit hindi sila nananalig o hindi sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay katulad din nito: di-maginhawa, asiwa at kahiya-hiya. Bakit? Dahil ang mga posisyong ito sa iglesia ay di-angkop sa kanila. Alam nila na hindi pa sila napawalang-sala ni isinilang na muli, dahil hindi pa sila nananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu.
Paano, kung gayon, sila makapaglilingkod para sa Panginoon? Upang magawa ang mga gawain ng Diyos, samakatuwid, ang unang dapat mong gawin ay kamtan ang pagtubos ng iyong mga kasalanan sa pamamagitan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, tiyaking nananahan ang Banal na Espiritu sa iyong puso, at sapat na masanay sa Salita ng Diyos at Kanyang katotohanan bago mo tanggapin ang anumang puwesto sa iglesia.
Sa pamamagitan ng Biblia sinabi ng Diyos sa atin, Kanyang bayan, na dapat tayong lumaban at magtagumpay sa mga huwad na propeta sa pamamagitan ng pananalig sa Kanyang katotohanan. Ang pagiging isinilang na muli sa pamamagitan ng pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay di-makakamit kung walang gagawin. Ito’y makakamit kung sa pamamagitan ng pagtagumpay sa katuwiran ng Diyos dahil sa pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Sinasabi sa Mateo 11:12, “At mula sa mga araw ni Juan Bautista hangga ngayon, ang kaharian ng langit ay nagbabata ng karahasan,, at kinukuha nang sapilitan ng mga taong mararahas.” Ang mga mararahas ay makapapasok sa Kaharian ng Diyos – mararahas, sila ang sumasalungat sa di-katotohanan. Dapat mong tandaan na tanging pagtanggap sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu sa iyong puso at magtagumpay sa mga maling katuruan ay saka ka lang maaaring maligtas, at sa gayon lang mananahan ang Banal na Espiritu sa iyong puso.
Upang makamit ang ganap na kaligtasan, ang bawat isinilang sa mundong ito ay dapat labanan at magtagumpay sa di-katotohanan sa pamamagitan ng katotohanan ng Salita ng Diyos. Ang mundong ito ay ang larangan ng digmaan sa pagitan ng mga puwersa ng katotohanan at mga puwersa ng di-katotohanan. Ang mundong ito ay naging larangan ng digmaan sa pagitan ng Diyos at ni satanas dahil si Adan at si Eba, bagama’t binigay ng Diyos ang buhay, nahantong na naniniwala pa ng husto sa mga kasinungalingan ng diablo kaysa sa Salita ng Diyos.
Ang panahon ngayon lalo na ay higit na mapanganib, bilang satanas nalalaman niyang nabibilang na ang kanyang mga oras, nagsisikap na pigilan ang tao na manalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu sa pamamagitan ng paglito sa kanila ng mga bulaang propeta, dinadaya sila sa mga huwad na himala, at inililigaw sila sa kanyang mga maling gawa dinamtan bilang mga gawa ng Banal na Espiritu.” At hindi katakataka: sapagkat si satanas man ay nagpapakunwaring anghel; ng kaliwanagan” (2 Corinto 11:4). Yamang nagtagumpay sa mga pangunahing relihiyon, si satanas ay nananatiling laban sa mga matuwid. Bagaman ito na ang panahon kung saan ang mga kasinungalingan ay natatakpan ang katotohanan, ang mga nananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu sa huli ay mapapalayo sa lahat ng mga di-katotohanan, at sa katapusa’y magtatagumpay laban sa mga ito.
Upang maligtas sa lahat ng ating kasalanan, ay dapat manalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, at lumayo sa mga maling katuruang umaangking dapat mangumpisal araw-araw. Pinangako sa atin ng Diyos na ang mga magtagumpay laban sa mga kasinungalingan sa pamamagitan ng Kanyang katotohanan ay di-mapapahamak ng pangalawang kamatayan. Tayo’y magsumikap, tulad ng mga hinirang sa Iglesia ng Smirna na nauna sa atin, upang maipagtanggol ang ating pananampalataya sa Diyos, upang tayo rin, ay papurihan Niya dahil sa ating katapatan sa Panginoon.