• All e-books and audiobooks on The New Life Mission website are free
  • Explore multilingual sermons in global languages
  • Two new revised editions in English have been released
  • Check out our website translated into 27 languages
Search

Sermons

Paksa 10: Ang Pahayag (Mga Komento sa Pahayag)

[Kabanata 2-7] Ang mga Tagasunod sa Doktrina ng mga Nicolaita (Apocalipsis 2:12-17)

2021.04.13 103
(Apocalipsis 2:12-17)
 
Ang Paraan ni Balaam
 
Sinabi rito na sa mga pitong iglesya sa Asia, ang Iglesia ng Pergamo ay may mga iilang miyembro na sumunod sa doktrina ng mga Nicolaita. Ang mga taong ito ay gumugugol lamang para sa kanilang nasa na itaguyod ang kanilang makamundong yaman at katanyagan, at walang hangad sa kaligtasan ng mga kaluluwa. Ang mga mangangaral, lalo na ay dapat maingat na di-mahantong sa pagsunod sa doktina ni Balaam. Nagawa ni Balaam na sumamba ang mga hinirang sa mundo at akayin sila sa kapahamakan.
Binigay ng Diyos sa atin ang Kanyang Salita ng pangako na magtagumpay, Kanyang ibibigay ang manang nakatago at isang puting bato. Ibig sabihin din na ang mga pastor na naghahangad sa mundo ay mawawalan ng kanilang pagkaing mana. Ang mana rito ay “ang pinaka Salita ng Diyos,” at ang kawalan ng nakatagong mana ay kawalan ng kalooban ng Diyos na nakatago sa Kanyang Salita.
Kapag hinangad ng mga hinirang na isinilang na muli ng Diyos ang sanlibutan, mawawala sa kanila ang Kanyang Salita. Ito’y nakatatakot na hinaharap. Ako’y natatakot sa posibilidad na ito, ikaw din, ay dapat matakot. Sinasabi ng Diyos sa atin na yaong nagtagumpay Kanyang ibibigay ang nakatagong mana at isang puting bato, ngunit yaong nawalan para sa sanlibutan dahil sa pakiki-ayon nito at sumukob sa makamundong katanyagan o kaaliwan ay di-tatanggap nitong mana.
Sinabi sa atin ng Biblia, “Ibibigay Ko ng manang nakatago, at siya’y bibigyan ko ng isang batong puti, at sa bato ay may nakasulat na isang bagong pangalan, na walang nakaaalam kundi yaong tumanggap.” Tunay ang Salita ng Diyos. Ang umiibig sa sanlibutan ay yaong di-naligtas sa kanilang mga kasalanan dahil sa di-pananalig sa bautismo ni Jesucristo at Kanyang dugo sa Krus. Ang mga taong ito ay di-nalalaman ang katotohanang pinatawad ni Jesus ang lahat ng kanilang mga kasalanan sa Kanyang bautismo.
Ang pananampalataya ng iba kay Jesus ay nanatiling sa isip lamang. Inaakala nilang inalis ni Jesus ang kanyang mga kasalanan, at samakatuwid sila’y naging matuwid, ngunit ang kanilang pananampalataya ay walang-saysay dahil ang Banal na Espiritu ay wala sa kanilang mga puso. Ito’y pananampalataya sa isip lamang. Kung ang isa’y natamo talaga ang pagtubos, siya’y dapat lumaban at magtagumpay sa mga bagay ng sanlibutan – ang makamundong katanyagan, karangalan, kayamanan at kapangyarihan. Ang magtagumpay sa mundo ay pagtangan sa Salita ng Diyos na nagpapahintulot sa atin na isinilang muli, lumaban sa mga naghahanap ng yaman at karangalan ng sanlibutang ito, at nananahan ang Banal na Espiritu sa ating mga puso.
Sinabi ng Diyos sa atin na Kanyang isusulat sa Aklat ng Buhay ang mga pangalan ng mga tinubos, at kung saan ang Banal na Espiritu ay nananahan sa kanilang mga puso. Tulad ng sinasabi ng Biblia sa atin, “kaya’t kung ang sinuman ay na kay Cristo, siya’y bagong nilalang ang mga dating bagay ay nagsisilipas na, narito, sila’y pawang naging bago,” yaong mga isinilang na muli at ang Banal na Espiritu ay nananahan sa kanilang mga puso nalalaman nila na ang kanilang mga pangalan ay nakasulat sa Aklat ng Buhay. Ganito nila makikita ang nakatagong mana ng Diyos, at ganito maririnig n hindi na sila tulad ng dati. Nabatid nila mismo sa mga sarili nila na ang kanilang lumang katauhan ngayon ay naging bagong nilalang sa pamamagitan ng pananalig sa tubig at dugo ni Jesucristo. Sa kanilang pananampalataya nalalaman nila nakikita ang nakatagong mana ng Diyos, at ganito maririnig ng mga hinirang at mga lingkod ng Diyos sa Salita ng katotohanan ng Diyos, ang pinaka-tinig ng Diyos.
Ang mana ay binigay sa mga Israelita nang sila’y lumibot sa ilang ng apatnapung taon bago makarating sa lupang pangako ng Canaan. Ayon sa larawan ng Biblia.
Ang mana ay tulad ng puting binhi ng “coriander,” bilog at maliit. Nang magising ang mga Israelita sa umaga, natakpan ang kanilang mga paligid ng mana, parang bumuhos ang niyebe ng magdamag. At inipon ng mga Israelita ang mana at kinain nila sa umaga. Ito ang kanilang tinapay sa araw-araw. Maaaring pinirito nila ito, o kaya’y pinakuluan, o kaya’y niluto sa hurno; anuman ito ang pangunahing kailangan ng mga Israelita sa buong 40 taong paggala sa ilang.
Dahil ang mana ay kasing-liit ng binhi ng “coriander”: hindi makabubusog ang pagkain ng isang mana. Ngunit lubos ang binigay ng Diyos sa magdamag upang ang pangangailangan ng bawat Israelita’y makakamit para sa isang araw-hindi sosobra at lalabis para sa isang araw, binigay ng Diyos ang lubos na mana para tumagal ng dalawang araw, kaya ang mga Israelita ay di-kailangang mag-ipon ng mana sa araw ng Sabbat.
 
 
Ang Tinapay ng Buhay
 
Ang Salita ng Diyos ay ang ating mana, tinapay ng buhay. Sa Salita ng Diyos ay matatagpuan ang tinapay para sa kaluluwa, ang tinapay ng buhay. Hindi sa isang tanging talata mo matatagpuan ang malaking pan ng tinapay, ngunit ang dakilang kalooban ng Diyos ay matatagpuan sa buong Kasulatan, kahit pa sa pinakamaliit na detalye.
Sa mga lingkod at mga hinirang ng Diyos na hindi nakiayon sa sanlibutan, binigay ng Diyos ang tinapay ng buhay. At patuloy Siyang nagbigay sa bawat isa sa atin itong pang-araw-araw na tinapay na matatagpuan sa ating pisikal at espirituwal na mga pangangailangan.
Dahil sa manang ito, ang mga Israelita ay di-nagutom sa 40 taong paglibot sa ilang, kahit pa ang ilang ay di-nagbibigay ng pagkain para sa kanila. Gayundin, sa mga tumanggi sa mga gawain ng mga Nicolaita, pinangako ng Diyos na Kanyang ibibigay ang Kanyang mana upang kainin. Sa mga lingkod ng Diyos na hindi naghahangad sa mga gayong bagay ng mundo tulad ng kayaman at kalagayan, binigay ng Diyos ang Kanyang katangi-tanging Salita, ang Salita ng Buhay na nagpahintulot sa kanila na isilang na muli sa pamamagitan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu.
Dapat nating kamuhian at tanggihan ang mga gawa ng mga Nicolaita na nananalig sa mga komunidad ng Kristiyano ngayon. Hindi natin dapat sundan ang pananampalataya ng mga di-isinilang na muli, at dapat nating tanggihan ang makiayon sa mundo. Bagaman ito ang kautusan ng Diyos na ang ating laman ay hinahangad ang bagay ng laman at ang espiritu’y hangad ang mga bagay ang Espiritu, gayon pa man kailangan nating tanggihan ang doktrina ng mga Nicolaita, mamuhi sa lahat ng mga gawa ng pag-ayon sa sanlibutan, at sa halip ay kumain ng mana ng Diyos. Yamang kinikilala na tayo nga’y naging mga matuwid at taglay natin ngayon ang Banal na Espiritung nananahan sa ating mga puso, tayong lahat ay dapat mabuhay sa pananampalataya.
Ang isinilang na muli ay dapat labanan ang sanlibutan. Dapat nilang labanan ang mga Nicolaita. Tulad ng nalalaman mo, maraming pastor ang ngayo’y hangad ang kanilang sariling kayamanan at katanyagan, nakiki-ayon sa sanlibutan, at sinisikap na maging tagumpay sa mga paraan ng sanlibutan. Labanan natin ang mga huwad na propeta.
Tayo rin ay taglay ang laman, at mayroon din tayong hangad sa mga makamundong pakinabang. Ngunit yaong taglay ang Banal na Espiritu ay dapat malaman na hindi sila makasusunod sa mundo sa kanilang mga puso, na dapat nilang kalimutan ang mga bagay ng mundo, at dapat silang mamuhay sa pananampalataya lamang. Kung ang inyong mga puso ay kaisa ng mga sumusunod sa mundo, sang-ayon sa kanilang mga puso, at hanap ay sanlibutan gayong paghangad nila rito, mahahantong ka sa pagsunod sa daan ni Balaam, tungo sa iyong huling kapahamakan. Ito ang daan para sa pagkawasak ng iyong laman at espiritu. Kapag sumunod ka sa mundo, mawawala ang iyong pananampalataya. Sinabi ng Diyos na Kanyang iluluwa ang gayong tao; ang mga taong ito ay di na kumakain ng mana, at ganap na mawawala ang pananampalataya.
Ang dahilan kung bakit sinaway ng Diyos ang Iglesia ng Pergamo ay dahil ang kanyang mga miyembro ay sumunod sa doktrina ni Balaam. Sinaway ng Diyos ang lingkod ng Iglesia ng Pergamo dahil siya, bagamat isang lingkod na isinilang na muli na ang kanyang puso ay nananahan ang Banal na Espiritu, naghahanap upang kilalanin ng sanlibutan at mag-ministeryo sa kanyang Iglesia na parang siya’y isang ordinaryong tao. Hindi lamang iyan, nagtanim siya ng parehong maling paniniwala sa kanyang kawan at iniligaw sila. Ang gayong lingkod ay walang iba kundi isang makamundong pastor na di-isinilang na muli. Sa talatang ito, nagbigay ang Diyos ng malinaw at mahigpit na babala sa mga uri ng lingkod ng Diyos na ang tanging hangad lamang ay umiikot sa mga pakinabang at mapayaman ang kaban ng iglesia: ‘Magsisi ka nga; o kundi hindi ay madaling paririyan Ako sa iyo, at babakahin ko sila ng tabak ng Aking bibig.”
 
 
Pananampalatayang Mag-aakay sa Iyo sa Kapahamakan
 
Anong mangyayari kung ang isang tao ay lumaban sa Diyos? Hindi ka na kailangan pang mag-isip kahit isang segundo – tiyak ito ang pinakamabilis na paraan ng kapahamakan. Ang ibig sabihin ng “Siya na may hawak na magkabilang-talim na tabak,” na ang Salita ng Diyos ay isang tabak na dalawa ang talim. Hindi mahalaga kung sino ka; kung ikaw ay tamaan ng Salita ng Diyos, tiyak ang iyong kamatayan. Ang Salita ng Diyos ay ang tabak ng kapangyarihan na kayang bumaon “hanggang sa paghihiwalay ng kaluluwa at espiritu, ng mga kasukasuan at ng utak” (Hebreo 4:12). At ito’y madaling kumilala ng mga pag-iisip at mga haka ng puso, upang ang tao’y madamtan ng katubusang inaalok ng tubig at ng dugo ni Jesucristo.
Marami yaong, habang nananalig kay Jesus, ay nahuhulog sa patibong ng legalismo, at ang resulta’y nahahantong sa kamatayan dahil sa Kautusan. Upang maiwasan itong nakalulungkot na kahihinatnan, dapat nating labanan at magtagumpay sa makamundong pananampalataya. Ang mga lingkod ng Diyos ay dapat magtagumpay sa mga maling aral, at dapat din nilang tiyakin na ang kanilang mga kawan ay di-nadadaya ng gayong mga kasinungalingan. Sinuman ang umiibig sa sanlibutan at nahuhulog sa kanyang mga patibong ay makikitang maglalaho ang kanyang pananampalataya.
Maraming iglesia ngayo’y mailalarawan hindi lang mga iglesia kundi bilang mga kalakal. Ito’y isang nakalulungkot ngunit nakalalagos na paglalarawan. Bakit ang mga iglesiang ito ay kinikilala bilang mga kalakal? Dahil ang mga iglesia ngayon ay lubos na abala sa paghahabol sa mundo, ang nauuna sa pagsunod at pagsamba sa mga mahahalagang bagay ng mundo. Hindi ko sinasabi, na ang isinilang na muli ay tiyak na walang nasa ng laman. Kahit ang mananampalatayang isinilang na muli ay may pita ng laman, ngunit ang pita ay napipigilan sa pamamagitan ng kanilang pananampalataya. Hindi nila hanap ang mga bagay ng laman tulad ng habol ng mga di-mananampalatayang sa mga masasamang nasa ng kanilang mga puso.
Ang mga di-isinilang na muli ay naitakda ang kanilang sariling mga pamantayan, at nabubuhay na masaya sa lahat ng bagay sa loob ng mga pamantayang ito. Ang pagsamba sa diyos-diyosan at imoralidad ay likas sa kanila. Masahol nito, ang iba’y sumasamba sa diablo. Magagawa ba ito ng mga isinilang na muli? Hindi! Hindi nila magagawa ang mga gayong bagay, dahil alam ng mga isinilang na muli kung gaano ang baho at dumi ng mga gawaing ito. Dahil ang mundo at bawat masamang nasa mayroon sila, hindi tayo dapat mamuhay sa paghahangad sa ating mga sarili sa pamamagitan ng mga makamundong pakinabang, ni hindi tayo makapamumuhay ng gayon.
Ang mga nagpapatuloy sa mga gawa ng Nicolaita ay yaong nagpapatuloy lang sa kayamanan ng mundong ito. Walang mali sa pagsisikap na kumita, at ang maging mayaman. Ngunit kung ang tanging layon ng iyong buhay ay ang magkalap at kapag ika’y nahulog sa pagsamba sa diyos-diyosan at mahantong na maging sakim, samakatuwid ang iyong pananampalataya ay tiyak na mawawasak. Ang mga nagparangal para sa pera at yaong dumadalo sa iglesia para sa kayamanan ng sanlibutan ang lahat ay sumusunod sa mga gawa ng mga Nicolaita. Ang mga taong ito sa huli ay matatalo ng sanlibutan, dahil bagamat inaangkin nilang nananalig sa Diyos, ang kanilang mga puso ay di pa lubos natutubos sa lahat ng mga kasalanan.
 
 
Apat na Uri ng Kabukiran ng Puso
 
Ang Aklat ng Mateo ay nagsasabi sa atin ng isang talinghaga kung saan ay tinalakay ang ukol sa isang magtatanim ng mga binhi ay nahulog sa apat na uri ng lupa. Ang unang lupa ay ang daanan; ang pangalawa ay batuhan; ang pangatlo ay matitinik; at ang pang-apat ay ang matabang lupa. Ating tingnan ang bawat isa.
Ang daanan ay sumisimbolo sa isang matigas na puso. Ang taong ito ay nakikinig sa Salita ng Diyos, ngunit hindi niya ito agad isinasapuso, maaagaw ng mga ibon. Sa madaling salita, dahil ang gayong tao ay kinikilala ang Salita ng kaligtasan bilang kaalaman lamang na maaari siyang isilang na muli sa pamamagitan ng tubig at ng Espiritu, aagawin ito ng ibon (Satanas), at ang kanyang pananampalataya ay hindi man lang magsisimulang sumibol. (Ano, kung gayon).
Ano naman ang ibig sabihin ng mabatong lugar? Ito’y tumutukoy sa mga, galak na tumanggap sa Salita ng Diyos, ngunit hindi nagtatagal, dahil wala silang ugat sa mababaw na lupa. Sa mga tumanggap ng binhi sa matinik na lugar, sa kabilang dako, ay tumutukoy sa mga taong ang kalinga ay para sa mundong ito at ang pandaraya sa mga yaman ay sumasakal sa Salita na magalak nilang tinanggap sa pasimula pa.
Ang panghuli, ang mga tumanggap ng mga binhi sa matabang lupa ay yaong mga nagbunga sa kanilang mga puso sa pamamagitan ng buong pagtanggap sa Salita ng Diyos at pagsunod nito.
Alin sa mga lupang ito ang kumakatawan sa iyong puso? Kung ang iyong puso ay tulad ng nasa daanan na lubos na hindi handang tumubo ang binhi ng Salita, ito’y mawawalisan o maaagaw ng mga ibon, mawawalang-saysay ng lubusan ang pagpapala ng Salita. Dapat nating mabatid dahil tayo’y mga binhi ng kasalanan, kung hindi dahil sa Salita ng Diyos tayo’y mananatiling walang-saysay sa Kanya. Kung, sa kabilang dako, ang ating mga puso ay tulad ng mabatong lupa, kung gayon ang binhi ng Salita ay di-magkakaugat, at hindi mabubuhay sa mga bagyo, mga hampas ng hangin at mga tag-tuyot. Ang mga taong ito ay dapat isuko ang kanilang mga kabukiran. Gaanoman ang galak nila sa pagtanggap sa Salita ng Diyos noong una, kung hindi ito tutubo at malalanta sa pinakamaliit na suliranin, kung gayon ang kanyang unang pagtanggap ay walang-saysay.
Dapat din tayong magtagumpay sa mga matinik na lupa ng mga puso. Kung pababayaan mo sila, ang mga tinik di-maglaon ay tatakpan tayo at haharangan mula sa sinag ng araw. Nahiwalay sa araw at mawawalan ng mga paglinang lupa sa mga tinik, itong halaman ng Salita ay mamamatay.
Kapag tayo’y nahaharap sa mga pagsubok at mga kapighatian ngg ating buhay, dapat tayong matapang na magtagumpay. Dapat nating labanan ang mga tinik na humaharap sa ating daan at nagtatakip sa ating mga mukha sa pamamagitan ng lahat ng ating lakas, parang ang ating mga buhay ay nakasalalay dito. Kapag ang kayamanan ng mundong ito ay pinipigilan tayo o kapag ang katanyagan ay binabantaan tayo, dapat nating labanan silang lahat at magtagumpay. Dahil ang mga alalahanin ng mundo at ang mga kasakiman nito ay nakamamatay para sa kaluluwa, dapat lagi natin itong labanan. Kapag tayo’y namuhay ng tagumpay sa espirituwal, ang ating mga katawan at kaluluwa ay sasagana, dahil sila’y tatanggap ng liwanag ng araw at pagkaing pampalusog mula sa Diyos.
Para sa mga isinilang na muli at mga lingkod ng Diyos, kailangang mayroon laging espirituwal na pakikibaka laban sa sanlibutan. Samakatuwid hindi tayo dapat sumunod sa mga Nicolaita. Ang mga Nicolaita ay sinasabing sila’y lubos na kasapi sa pagbibigay ng mga pampublikong serbisyo. Ngunit ang paglilingkod sa publiko sa sanlibutan ay hindi ang pangunahing layon ng iglesia. Isang malaking kamalian na akalain na ang layon ng iglesia ay kawanggawa.
 
 
Matapang na Tanggihan!
 
Sinasabi ng Diyos sa atin na tayo ay asin ng sanlibutan. Anong ibig Niyang sabihin? Ibig sabihin na tayo ay kailangan ng sanlibutan. Ang layon ng asin ay ipangaral ang Salita ng tubig at ng dugo ni Cristo sa mga makasalanan upang sila’y mapalaya sa kanilang mga kasalanan, maging mga anak ng Diyos, at makapasok sa Langit. Tulad ng asin na kailangan upang magbigay lasa, kailangan ng sanlibutan ang mga isinilang na muli bilang kanilang asin. Ang mga matuwid na isinilang na muli, sa ibang pananalita, ay dapat ipangaral ang Salita ng tubig at ng Espiritu at gabayan ang tao sa kanilang katubusan. Dapat nating isakatuparan ang layong maging asin at tulungan ang mga kaluluwa na isilang muli. Dapat nating tulungan ang mga makasalanan maging mga matuwid.
Ano ang tunay na iglesia ng Diyos? Ang tunay na iglesia ng Diyos ay ang lugar na sumasamba ang tao sa Kanya; ito ang lugar kung saan sila’y nagpupuri sa Diyos; at kung saan sila’y nananalingan sa Kanya. Kapag dumating ang tukso, ang mga lingkod ng Diyos ay dapat na labanan ito. Ang mga hinirang din, ay dapat paglabanan ang mga tukso ng sanlibutan nagmumula kay satanas. Maaaring tuksuhin ka ng diablo, “Kalimutan ang iyong pananampalataya; pararamihin ko ang iyong yaman! Hindi mo kailangang dumalo sa iglesia ng isinilang na muli; halika sa aking mga iglesia, at gagawin pa kitang matanda ng iglesia!” Ngunit dahil laging sinisikap ni satanas na madapa ang matuwid at maakit sa kanyang mga patibong, dapat tayong laging handang labanan at magtagumpay sa kanya upang maipagtanggol ang ating pananampalataya hanggang sa huli.
Yaong may maling pananampalataya kadalasa’y tinatangkang tuksuhin ang mga tinubos sa pamamagitan ng mga materyal na bagay. Sila’y nanunukso sa pamamagitan ng salapi at katanyagan. Ipinakikita ni satanas sa atin ang mga makamundong bagay at sinasabi sa atin na talikdan ang ating pananampalataya at ang Diyos. Ang dapat magkaroon tayo sa gayong mga panahon ay ang pananampalataya sa Panginoon na Kanyang tutugunan ang lahat ng ating mga kailangan, at sa pananampalatayang ito matapang nating matatanggihan at mapagtatagumpayan ang mga tukso ni satanas.
Ang ugat ng mga pagpapala ay matatagpuan sa Diyos. Ang Diyos ang nagpapala sa atin, pisikal at espirituwal. Alam nating hindi ang diablo ang nagpapala sa tao, maari natin siyang labanan. May mga pagkakataon din na tayo’y nakikipaglaban sa ating mga nasa. Kapag ang kasakiman at pita ay nagsimulang umiiral kung hahayaan ang ating mga puso matatangay ng agos ng mundong ito, dapat nating labanan ang ating mga sarili. Sinasabing dapat nating kalabanin ang mga makamundong tao na naghahangad na sabotahe ang ating pananampalataya. Tayo’y tinadhanang lumaban sa mga espirituwal na digmaan laban sa lahat ng mga makamundong puwersa.
Bakit? Sapagkat ang isang Kristiyano ay di-nakikibaka sa digmaang espirituwal, nangangahulugan lamang na patay ang kanyang pananampalataya sa lahat ng mga praktikal na dahilan. Hanggang di-natatapos ang mundo at ang paghatol sa mga matuwid at mga makasalanan ay di-natatapos, magpapatuloy ang mga panlilinlang upang wasakin ang ating pananampalataya. Ito ay kung bakit walang-tigil tayong dapat na makibaka sa mga espirituwal na digmaan. Kung pababayaan natin ang mga taong sumasalungat sa Diyos at wasakin ang ating pananampalataya, mawawala ang lahat ng bagay sa atin, maging ang ating mga buhay. Kung wala ang malakas na determinasyong para hindi pahintulot ang anumang bagay maliban ang ating pananampalatayang maghari sa atin, hindi mawawala ang mga ari-arian lang natin, kundi tayo’y iiwan din ng Diyos. Dapat nalalaman natin kung sino ang pumapanig sa atin at sumasalungat sa atin para malabanan at magtagumpay tayo sa ating mga kaaway. Habang tayo’y dapat na maging mabait sa iba, dapat tayong matatag sa ating paglutas laban sa ating mga kaaway – sa puntong hindi mangangahas ang ating mga kaaway laban sa atin.
Ang mga Nicolaita ay mga kaaway para sa atin. Sila ang ating mga kaaway dahil sila ay isang “sinagoga ni satanas” na hindi natin pahihintulutan ni makikisama sa kanila. Tayo na mga pinatawad sa ating mga kasalanan ay di dapat pahintulutan ang mga Nicolaita na sumasamba sa diyos-diyosan at hangad ay mga materyal na pakinabang lamang, sa halip ay dapat nating iukol ang ating buhay sa paglilingkod sa ating Panginoon at Kanyang matuwid na gawain sa pagtaguyod ng Kaharian ng Langit sa mundong ito.
 
 
Hanapin Muna Ang Kaharian Ng Diyos
 
Sinabi ni Jesus sa atin “hanapin muna ang Kaniyang Kaharian, at ang Kanyang katuwiran,” hinihimok na gawin natin ang mga gawain ng Diyos bago ang gawa ng laman. Tayo na mga isinilang na muli ay may mga espirituwal na mga nasa. Hindi ito mga nasa ng laman, kundi mga nasa ng Espiritu. Ganito natin unang magagampanan ang gawain ng Diyos at Kanyang Kaharian. Paglilingkuran ang Diyos muna, ngunit gagawin din natin ang mga gawa ng laman. Tulad ng sinasabi ng Biblia sa atin, “Hindi sa tinapay lamang nabubuhay ang tao, kundi sa bawa’t salitang lumalabas sa bibig ng Diyos.” Tayo’y nabubuhay, hindi sa pamamgitan ng ating laman lamang, kundi sa laman at sa espiritu. Dapat tayong marunong balansehin ang dalawa. Kung susundin natin ang mga gawa ng Nicoliata inaakalang ang mahalaga ay ang ating kasiyahan sa mundong ito, sa huli’y tayo’y mahaharap sa ating pagkawasak: ito ay kung bakit hanapin muna natin ang ating mga espirituwal na pagnanasa.
Ang ibang tao sa halip ay nagiging mapanlaban sa tuwing ang paksa ng Langit at impiyerno ay napapag-usapan. Tinatanong nila, “Nanggaling ka na ba sa impiyerno?” Nakita mo na ba sa iyong sariling mga mata?” Ngunit ang mga katanungang ito ay nagmula sa mga isipan ni satanas. Hindi lamang karaniwan sa tao ang ganito, maging ang mga pastor na naggugugol ng maraming taon sa pag-aaral ng teolohiya ay naglilingkod sa kanilang mga kawan ng walang katiyakan ng Langit at ang kaalamang paano isilang na muli. Ito ang pinaka-kasamaang palad at nakalulungkot na kalagayan, para sa mga ministrong walang gayong mga pananalig at hindi pa mga isinilang na muli ay di-makakaakay sa mga hindi nakakaunawa sa Diyos upang isilang na muli. Kapag maraming kaluluwa ang nakatuon sa mga isipan ni satanas at salungat sa Diyos, ano ang maaari nilang matututunan sa mga pastor na di-naniniwala sa Langit ni hindi sumasang-ayon sa kanilang sariling kaligtasan?
Ang ibig sabihin ng “sa kinaroroonan ng luklukan ni Satanas,” si satanas ngayo’y naghahari sa buong mundo. Ito ang uri ng panahon na nabubuhay tayo, ang uri ng panahon ang mundo’y puno ng mga Nicolaita na nagpapaningning ng gabi sa pamamagitan ng mga krus ng gawa sa “neon” at ang pagpapalakad sa iglesia ay parang isang kalakal. Sinabi ng Diyos sa atin na ang mga ito ay hindi ang kanyang mga iglesia, kundi “mga sinagoga ni satanas.” Ang mundo ngayo’y puno ng mga taong nasilo ni satanas sa pamamagitan ng mga kaisipan ni satanas at hanap ay kasakiman nitong mundo, nagkukunwaring ministro, dumadalo sa iglesia, at tumatawag sa pangalan ng Panginoon; subalit, ang kapanganakang muli ng kanilang kaluluwa at kanilang pag-asam sa Langit ay matagal ng naglaho. Ito ang uri ng panahon kung saan tayo’y nabubuhay at naglilingkod sa Panginoon.
 
 
Digmaang Espirituwal laban Sa Mga Hindi Isinilang Na Muli
 
Tayo’y nabubuhay sa mundong ito “sa kinaroroonan ng luklukan ni satanas.” Dapat nating ipagtanggol ang ating pananampalataya sa pamamagitan ng pagiging listo at matapang na haharapin ang ating mga kaaway kapag nahahamon. Hanggang sa pagdating ng ating Panginoon, dapat tayong maingat na bantayan at panatilihin ang ating “batong puti”—ang ating pananalig, sa pamamagitan ng tubig at dugo.
Mabuhay tayo sa pamamagitan ng mana, ang Salita ng Dyos. Upang magkagayon, ating labanan at pagtagumpayan ang mga gawa ng mga Nicolaita. Tanggihan natin ang mga ito. Hindi tayo dapat lumapit sa mga naghahanap ng yaman lamang at makamundong katanyagan. Bagamat mapapaubaya at mapapatawad ang kanilang mga kahinaan, hindi tayo maaaring makihati ng tinapay sa mga sumasampalataya sa katotohan at magnasa lamang ng salapi, malayong magawa ang mga gawain ng Diyos sa gayong mga taong.
Saan, nakatala ang mga pangalan ng mga isinilang na muli sa pamamagitan ng pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu? Sila’y nakatala sa Aklat ng Buhay? Ano, kung gayon, ang ibig sabihin ng pagsulat ng bagong pangalan sa puting batong ito? Ibig sabihin tayo’y naging mga anak ng Diyos. Nakasulat din na walang nakakaalam ng bagong pangalang ito “maliban sa kanya na tumanggap nito.” Ibig sabihin walang iba kundi yaong isinilang na muli sa pamamagitan ng pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu nalalaman ang kaligtasan kay Jesus. Hindi alam ng mga makasalanan kung paano maging matuwid – yaon lang tumanggap ng kanilang mga bagong pangalan mula kay Jesus ang nakakaalam kung paano ang kanilang mga kasalanan ay maglalaho.
Dapat tayong lumaban sa mga Nicolaita; hindi sa iba, kundi laban sa mga Nicolaita. Ang pinakadiwa ng talata na tayo’y dapat makipaglaban at magtagumpay sa mga Nicolaita, bagamat nananalig sa Diyos at nalalaman ang Salita ng katotohan, patuloy pa rin sa pagsuway at pagtanggi sa Salita ng Diyos at habol ay salapi lamang, mga materyal na pakinabang, kayamanan, at katanyagan para sa kanilang laman.
Dapat din tayong makibaka sa ating mga sarili. Kung hindi tayo makasunod sa Diyos dahil sa ating kapalaluan, dapat tayong lumaban sa gayong mga puso. At dapat din tayong sumagupa sa isang espirituwal na pakikibaka laban sa mga umaangking nananalig kay Jesus nang hindi isinilang na muli.
Bagaman ang katotohanang tayo’y di-umaabot sa Kanyang kaluwalhatian, niligtas tayo ng Panginoon sa pamamagitan ng Kanyang tubig at dugo. Dapat nating ipagtanggol ang ating pananampalataya sa pamamagitan ng pananalig sa Salita at mamuhay bilang mga lingkod ng Diyos, nagpapasalamat sa Kanyang ganap na kaligtasang binigay sa atin. Dapat muna nating hanapin ang kaharian ng Diyos at Kanyang katuwiran. Tayong lahat ay maging katulad ng mga nagtagumpay sa pamamagitan ng pakikipaglaban sa pananalighanggang sa huli.
 
 
Ang mga Nagtagumpay ay Bibigyan ng Mana
 
Ang pinakamalaking pangyayari ng pagkawala sa kasaysayan ng tao ay ang rapture na darating. Kasabay nito, ang pangalawang pagdating ni Jesus ay ang paksa na magbubunsod ng pinaka-pakinabang mula sa lahat ng mga nananalig kay Cristo. Iniisip ng iba, “Magkakaroon ng malaking pagkawala ng tao dahil ang mga hinirang ay kinuha paitaas; ang mga tao sa iba’t-ibang buhay ay maglalaho, magmula sa mga piloto hanggang sa mga konduktor ng tren hanggang sa tsuper ng taxi, ang mundo ay babaha ng lahat ng uri ng mga sakuna at mga malalaking kapahamakan, mga eroplanong bumabagsak, mga tren nalihis sa riles, at mga daanan na nagkalat ng mga sakuna. “Isang aklat na batay ang kwento sa nabanggit, pinamagatang Rapture, ay dating isang pinakamabili. Ang mga taong ito ay naniniwalang ang mga hinirang ay maglalaho sa hangin kapag sila’y kinuha sa rapture. Samakatuwid, hindi lamang sila nagsisi at naghanda sa kanilang pananampalataya para sa araw ng rapture, kundi ang iba sa kanila ay nagsitigil pa sa kanilang mga pag-aaral at trabaho, isang di-gaanong nakatutuwang kababalaghan.
Hindi kalayuang panahon, isang relihiyong yumayakap sa doktrina ng “pre-tribulation rapture” ay pinasuko ang mga pag-aari ng kanilang miyembro sa iglesia at maghihintay lang sa araw ng rapture na inihula ng kanilang mga pinuno. Ang araw na kanilang inihula at lubos ang pananabik ay nagtapos tulad ng ibang araw – lahat ng paghihintay ay naging walang saysay! Lahat ng kanilang sabik na paghihintay at pinaniniwalaan ay napatunayang isang kasinungalingan.
Ngunit ang iba sa kanila ay matigas na nagpahayag ng ibang araw sa 1999 bilang kanilang araw ng rapture, at naghintay ng naghintay. Subalit, tulad ng dati, napatunayang silang lahat ay nadaya ng mga kasinungalingan. Ang mga pinuno nila, ay napahiya sa kanilang hulang di-natupad, nagpasiyang hindi na muling magtatakda ng araw ng pagbalik ni Cristo. Makikita natin sa mga pangyayaring ito kung paano ang doktrina ng “pre-tribulation rapture” ay di akma sa Salita ng Diyos.
Ang pinakamahalagang punto sa Aklat ng Apocalipsis ay ang pangalawang pagdating ni Jesus at ang rapture para sa mga hinirang. Para sa lahat ng matapat na Kristiyano, kapag si Cristo’y bumalik sa mundo at itataas ang Kanyang mga mananampalataya sa alapaap ay ang pinakamalaking pag-asam at paghihintay. Sa katunayan, nararapat para sa mga Kristiyano na maghintay ng may pananabik sa pagbalik ni Cristo dahil sa kanilang pananampalataya.
Mainam na magkaroon ng pananampalatayang naghihintay sa pangalawang pagbabalik ng Panginoon at ang rapture kaysa sa isang tao na di-naghihintay. Ang mga taong nagpapahayag ng mga katapusan ng mundo ay nababaling mula sa tamang daan dahil sila’y nagtatakda ng araw at oras para sa rapture. Batay sa kanilang kalkula, marami sa kanila ang mayroong maling-unawa sa pitong-linggong hula na makikita sa Daniel 9, pati na sa Zacarias at nagtakda ng kanilang sariling hinulaang mga araw.
Sinasabi ni Pablo sa I Tesalonica 4 na kapag bumalik si Cristo sa mundo, ang mga hinirang ay kukuhanin paitaas ng alapaap upang salubungin Siya. Marapat lang na yaong tunay na nananalig kay Jesus ay maghihintay para sa rapture. Ngunit ang pagkalkula at pagtatakda ng tiyak na araw para sa rapture ay lubos na kamalian, dahil ito’y isang paglilimi ng kanilang pagmamataas na binabalewala ang karunungan ng Diyos. Isang malaking kamalian ang magtangkang lutasin at unawain ang mga hula ng Biblia sa pamamagitan ng matematikang gawa ng tao. 
Kailan, kung gayon, magaganap ang tunay na rapture? Sinasabi sa Apocalipsis 6 na ang rapture ng mga hinirang; ayon dito, ay magaganap sa ika-apat na panahon ng pitong kapanahunan ng Diyos—ang panahon ng maputlang kabayo—ay magkakaroon ng pagmartir sa mga hinirang at matapos nito ang rapture ay magaganap sa ika-limang panahon. Ang rapture sa mga hinirang ay detalyeng inilarawan, at ito nga’y tiyak na kaganapan kapag dumating ang panahon.
Nilayon ng Diyos ang mga pitong panahon sa sangkatauhan, ang una ay ang panahon ng puting kabayo. Ito ang panahon ng pasimula ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu at patuloy na pagtagumpay. Ang pangalawang panahon ay ang panahon ng pulang kabayo. Ang panahong ito ay tanda ng simula ng panahon ni satanas. Ang pangatlong panahon ay ang panahon ng kabayong itim, kapag ang mundo ay mahahampas ng pisikal at espirituwal na kagutuman. Ang pang-apat na panahon ay ang maputlang kabayo. Ito ang panahon ng paglitaw ni anticristo at ang mga hinirang ay papatayin. Ang pang-lima ay ang pagbangong-muli ng mga hinirang at pagkatapos ng kanilang kamatayan ay rapture. Ang pang-anim na panahon ay ang ganap na pagwasak sa unang nilikha—itong mundo, sa pamamagitan ng Diyos, pagkatapos ay susundan ng ikapitong panahon na bubuksan ng Diyos ang Milenyong Paghahari at ang Bagong Langit at Lupa kung saan ang Kanyang mga hinirang ay maninirahan magpakailanman. Samakatuwid itinakda ng Diyos itong pitong magkakaibang mga kapanahunan para sa buong sangkatauhan. Marapat lamang na yaong nananalig kay Jesus ay dapat malaman at maniwala sa mga pitong panahong itinakda ng Diyos sa kanila.
Sa Korea pa lang, ipinapalagay na higit 100,000 tao, sa katapusan ng huling siglo, nagtakda at naghintay para sa kanilang sariling araw at oras ng pangalawang pagdating ni Cristo at ang kanilang rapture. Halos 12 milyong Koreano ang sinasabing kanilang pag-rapture. Ito ang mga matinding mananampalatayang nananalig sa Salita ng Diyos tulad ng nasusulat at naghintay ng pagbabalik ng Panginoon – 100,000 lang sa 12 milyon, ito ay kakaunti sa isang porsiyento. Ang kanilang problema, gayunman, ay wala silang wastong kaunawaan sa mga kapanahunang itinakda ng Diyos sa kanila. Kung wala ang wastong unawa sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, maraming mga Kristiyano noong Naunang Iglesia ang nagkamali sa pagsisikap na magtakda ng pagbabalik ni Cristo batay sa kanilang maling kaalaman ng panahon ng pangalawang pagbabalik ni Cristo at ang rapture ng mga hinirang. Kaya nagbabala si Apostol Pablo sa kanila, “upang huwag kayong madaling makilos sa inyong pagiisip, at huwag din naman kayong mabagabag maging sa pamamagitan ng salita, o sa pamamagitan ng sulat na waring mula sa amin, na wari bagang nalalapit na ang kaarawan ng Panginoon”         (2 Thes. 2:2).
Sa kasaysayan, marami ang nagpatuloy sa kanilang kamangmangan sa layon ng Diyos at patuloy na nagtatakda ng mga maling araw ng walang-saysay. Naniniwala ako na kailangang ituwid ang kanilang maling pananampalataya. Ngunit wala akong hangad na pagwikaan sila ng masakit—nais ko lamang ituwid sila. Bakit? Dahil ang kanilang kamangmangan sa mga pitong panahong itinakda ng Diyos sa sangkatauhan. Mali ang pagkalkula sa araw ng pangalawang pagbabalik ni Jesus dahil sa kanilang maling unawa at maling paggamit ng mga numerong nakasaad sa Biblia, nakikita nila ang mga ito sa pananaw ng tao.
Ang kamaliang ito ay hindi pa nakarating sa mga Koreanong Kristiyano, ngunit ito’y halos karaniwan na sa ibang bahagi ng mundo. Ang mga lider ng 3 iglesia mula sa lahat ng bahagi nitong mundo, ang iba sa kanila’y tanyag, ay nakagawa ng gayong uri ng pagkakamali. Ang hangad ng aking puso ay ipatotoo ang layon ng Diyos sa mga nananalig kay Jesus at maghintay ng rapture sa gayong pagtatakda ng araw, upang sila’y magkaroon ng wasto, hindi kamaliang kaunawaan ng layon ng Diyos para sa kanila. Nawa sila rin, sa katotohana’y mabigyan ng pagpapala ng rapture ng Diyos.
Ang tunay na rapture ng Diyos ay darating matapos ang panahon ng maputlang kabayo at kamatayan ng mga hinirang ay maganap. Kapag ang pitong taong panahon ng Matinding Kapighatian ay magsimula sa panahong ito ng maputlang kabayo, lilitaw si anticristo bilang pinaka-makapangyarihang pinuno ng mundo at maghahari rito.
Magsisimulang usigin ni satanas ang mga hinirang kapag nagsimula ang Matinding Kapighatian, titindi sa unang kalahati ng Matinding Kapighatian—ito ay ang, unang tatlo at kalahating taon—hanggang marating ang rurok ng kalagitnaan ng pitong taon. Ito ay kapag ang mga hinirang ay magiging martir upang ipagtanggol ang kanilang pananampalataya. At ito’y agad susundan ng pang-anim na panahon, kapag ang mga hinirang na martir ay mabubuhay muli at kukuhanin sa rapture.
Yaong nananalig kay Jesus ay dapat malaman ng mabuti ang mga panahon. Maging siya’y nananalig sa “pre-tribulation rapture” o “mid-tribulation rapture,” ang kanilang buhay na pananampalataya ay matalinong maghihintay sa kanilang rapture batay sa wastong pananampalataya, o magkamali sa pagtutuon ng kanilang mga isipan sa isang kakatwang araw sa kanilang sariling pagpili—ito’y magiging depende lahat kung ibabatay nila ang kanilang pananampalataya sa Salita ng Diyos o hindi. Kung iyong lalapitan ang mga aral na ito sa Salita ng Apocalipsis ng may kapanatagan, iyong malalaman kung ano ang mga makatuwirang panukala, at sa gayo’y magagawa mong malutas ng wasto ang lahat ng iyong mga suliranin. Ngunit kung wala kang tamang kaunawaan ng rapture at mabigong maghintay dito ng wasto, kung gayon ang iyong pananampalataya ay mawawasak.
Ang teoriya ng “pre-tribulation rapture” ay naipaliwanag ni Scofield, isang Amerikanong teolohiya, ang unang sistematikong nagtatag ng mga doktrinang paninindigan sa kanyang Scofield Reference Bible. Ang Reference Bible na ito ay laganap na isinalin at ginamit sa buong mundo. Ito ay dahil sa impluwensiya ng Scofield Reference Bible ang teoriya sa “pre-tribulation rapture” ay dumating upang lumaganap ng lubos. Dahil ang Scofield Reference Bible ay nailimbag ng isang maimpluwensiyang teolohiya ng isang bansang makapangyariha, ang aklat ay isinalin sa maraming iba’t ibang wika at binabasa ng maraming bilang ng mga Kristiyano.
Si Scofield mismo ay walang ideya na ang kanyang pre-tribulation rapture” magiging laganap sa buong mundo. Ang resulta ay ang naglipanang pagtanggap ng teoriya ng pre-tribulation rapture” ng halos lahat ng mga Kristiyano sa mundo. Ngunit bago lumitaw ang teoriya ni Scofield tungkol sa pre-tribulation rapture”, ang namayaning paniniwala na nanatili sa mundo ng Kristiyano ay ang teoriya ng “post-tribulation rapture.”
Ang teoriya ng “post-tribulation rapture” ay nagsasaad na si Cristo’y babalik matapos ang pitong taong Matinding Kapighatian, at Kanyang kukuhanin ang mga hinirang sa oras na iyon. Maraming tao kung gayon ang may malaking takot sa Kapighatian bago ang rapture at ang pangalawang pagdating ng Panginoon. Nang ipangaral ng mga “revivalist” ang pangalawang pagdating ni Cristo, ang tao’y dagling nagsisi, umiiyak at tumatangis sa kanilang mga kasalanan, ginugol ang kanilang mga sarili sa pamamagitan ng walang tigil na pagsisisi. Kaya kung sino ang malubhang umiiyak kadalasa’y ginagamit bilang panukat kung sino ang higit na pinagpala. Ang gayong tao, bagaman nananalig kay Jesus, lubos na umiyak.
Ngunit ang naunang paniniwala nitong “post-tribulation rapture” ay unti-unting napalitan ng “pre-tribulation rapture.” Bakit? Nakita ng tao na ito’y higit na kaaliw-aliw na lumipat mula sa “post-tribulation rapture” papunta sa “pre-tribulation rapture”, dahil ang ibig sabihin ng pagpalit na ito’y hindi sila mahaharap sa lahat ng mga pagsubok at mga kapighatian na kanilang lahat sanang dadanasin. Ito’y medyo kataka-taka na mas pipiliin nilang makuha paitaas sa alapaap bago ang nakapangingilabot na mga paghihirap ng Matinding Kapighatiang bababa sa kanila. Sa paraang ito, ang teoriya ng “pre-tribulation rapture” ay kumalat na parang apoy, dahil ito’y naghatid ng kawili-wiling pananampalataya, higit na katanggap-tanggap kaysa sa nakakikilabot na pagdanas ng mga kahirapan sa Matinding Kapighatian.
Katulad ng taong higit na pinipili ang matatamis kaysa simpleng lasa o ang mapapait, ang tao ay higit na pinipili ang madalian pagdating din sa kanilang pananampalataya. Gusto nilang pinipili at pinaniniwalaan anumang angkop sa kanilang panlasa sa gitna ng mga teoriyang naidulot ng mga iskolar. Ganito kung gaano karami ang taong mabilis na nahantong na maniwala sa teoriya ng “pre-tribulation rapture”. Ang mga sumusuporta sa ganitong pananaw ng “pre-tribulation rapture” bagamat kailangan nilang panatilihin ang kanilang mga katawan at mga puso na dalisay at malinis upang masama sa rapture. Kaya’t sila’y medyo masigasig sa kanilang mga buhay pananampalataya. Ngunit isang seryosong maling pagtangkilik sa kanilang paniniwala sa “pre-tribulation rapture”. Habang ang kanilang pananampalataya kay Jesus at kanilang paghihintay sa pagbabalik ng Panginoon ay kapuri-puri, ngunit sila pa rin ay nakagawa ng dalawang seryoso at malubhang mga kamalian.
Una, sa hindi pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, sila’y naghintay sa Panginoon habang sila’y may kasalanan sa kanilang mga puso. Sila’y nanangan lang at umasa sa dugo sa Krus, ngunit walang kabuuang pagsisi ang magdudulot sa kanila ng ganap na katubusan ng kanilang mga kasalanang nagawa sa araw-araw. Ngunit araw at gabi, sila’y naghintay sa pangalawang pagbabalik ni Cristo. Nagtitipon-tipon sila sa kanilang mga iglesia upang ikumpisal ang kanilang mga kasalanan, upang manalangin at umawit ng mga papuri magdamagan, sama-sama sa kanilang paghihintay sa rapture. Walang mali sa katotohanang sila’y naghintay at umasam sa rapture. Ngunit sila’y nakagawa ng malubhang kamalian sa paghihintay ng walang wastong pananampalataya – ito ay, di-pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, ang pananampalatayang magpapahintulot sa atin na tumayo sa harapan ng Diyos bilang Kanyang mga anak.
Ang kanilang pangalawang kamalian ay ang gawa-gawang pagtatakda na nagdulot ng kawalan sa mga maraming mananampalatayang naghihintay, ngunit masamang kakintalan sa Kristiyanismo at wasakin ang kanyang reputasyon sa mga di-mananampalataya.
Dahil sa dalawang kamaliang ito, kapag ang rapture na nasikap na hinihintay ng mga taong ito ay di-naganap, ito-y mahahantong lamang na akayin ang marami na mag-isip ng masama sa rapture, lalo pa silang maitutulak palayo sa katotohanan. Ngayon, ang tamang panahon na pag-usapan ang pangalawang pagdating ni Cristo at kapag ang Kanyang pagbabalik ay nalalapit, hindi na halos ito pag-uusapan ninuman—salamat sa kapritso ng mga iilang naliligaw.
Ang talatang ating kasalukuyang tinatalakay ay ang sinulat ng Diyos sa anghel ng Iglesia ng Pergamo sa pamamagitan ni Juan. Pinuri ng Diyos ang mga lingkod at mga hinirang ng Iglesia sa pagtatanggol sa kanilang pananampalataya hanggang sa huli ng kanilang kamatayan. Ngunit ang mga papuri ng Diyos sa Iglesia ng Pergamo ay mayroon ding mga pagsaway, dahil sa Iglesia ay mayroon sa kanyang miyembro ang naghahangad sa sanlibutan. Ito ay kung bakit sinabi ng Diyos sa Iglesia na magsisi, at kung bakit sinabi Niya na kung hindi Kanyang paparusahan at paparito agad.
Dapat nating bigyang-pansin ang sinabi ng Diyos dito sa pamamagitan ni Juan sa lahat ng mga pitong iglesia sa Asia na magkaparehong; “Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia.” Ibig sabihin nito na tinitiyak ng Diyos na Kanyang sinasabi ang Kanyang katotohanan sa mga hinirang at mga kaluluwa sa pamamagitan ng Kanyang mga iglesia at Kanyang mga lingkod. Kapansin-pansin sinabi ng Diyos sa Iglesia ng Pergamo: “Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia. Ang magtagumpay ay bibigyan ko ng manang natatago, at siya’y sa batong puti, at sa bato ay may nakasulat na isang bagong pangalan, na walang nakakaalam kundi yaong tumatanggap.” 
Aking ididiin ang pariralang, “Ang magtagumpay ay bibigyan Ko ng manang natatago.” Ibig sabihin yaong tunay na naghintay sa Panginoon ay dapat magtagumpay sa mga kaaway ng Diyos. Ibig sabihin na kanilang dapat labanan yaong sumusunod sa mundo, at dapat nilang ihiwalay ang kanilang mga sarili sa mga umiibig sa sanlibutan. Yaong sumusunod kay Balaam ay yaong sumusunod sa mga bulaang propeta. Sinabi ng Diyos sa atin na ang mga taong ito ay hanap lamang ay ang mga kayamanan ng mundo sa kanilang kasakiman, tinatawag silang mga tagasunod ng doktrina ni Balaam.
Hindi bawat iglesia’y iglesia ng Diyos. Marami sa mga lider ng iglesia ngayo’y tinatanggap na si Jesus ay ang Anak ng Diyos, ngunit di-naniniwalang Siya’y Diyos. Marami pa rin ang di-naniniwalang nilikha ni Jesucristo ang sanlibutan.
Dagdag nito, maraming tao ang dumadalo sa iglesia upang makamit lang ang pagpapala. Maraming mga iglesia ang nagsasabi sa kanilang mga miyembro na upang pagpalain ay dapat magkaloob pa ng salapi sa iglesia. Nalinlang ng mga gayong bulaang aral, maraming mga mananampalataya na ang dami ng pagbibigay ng kaloob sa iglesia ay isang salamin ng kanilang pananampalataya. Dahil lang sa pagkakaloob at ang patuloy na pagdalo sa iglesia, marami sa kanila ang kikilaning bilang mga tapat na mananampalataya. Dagdag pa nito, ang iba sa kanila’y binigyan ng posisyong pamumuno sa iglesia, bilang diakono o pagiging matanda sa iglesia, dahil lang sa kanilang regular na pagdalo at paglilingkod sa iglesia, at pagbibigay ng malalaking halaga sa pagkakaloob. Ang lahat ng mga ito ay paraan ni Balaam, na tayong lahat ay dapat umiwas dito. 
Lumaban tayo sa gayong pananampalataya, kung nais mo talagang makakain ng nakatagong mana, dapat mo munang alamin kung ang iyong iglesia ay isang iglesiang tunay na sumusunod sa Salita ng Diyos o hindi. Kung hindi, sa gayon ay dapat kang lumaban at magtagumpay dito. Sa pamamagitan lamang nito maaari kang kumain ng katotohanan ng tubig at ng Espiritu, ang tunay na Salita ng Diyos.
Sa pamamagitan lamang ng pagkain mula sa Salita ng tubig at ng Espiritu, ang nakatagong mana, maaari kang isilang na muli, at tanging sa pagsisilang na muli maaari kang patuloy na kumain ng Salita ng katotohanang binigay ng Diyos. Sa ganitong paraan ang isinilang na muli ay maaaring talakayin kung ano ang Salita ng Diyos, kumain nito sa pamamagitan ng pakikinig, sa paningin, at pagbabahagi sa isang pagtitipon.
Kung matapat na hinahangad mong masama sa rapture ng Diyos, kung nais mo talagang maisilang na muli, gayon isang kahangalan lamang ang patuloy na pagdalo sa isang iglesia, iglesia sa pangalan lamang. Ang pagdalo sa isang iglesia na di-kabilang sa Diyos, hindi ka makakakain ng tunay na Salita ng buhay, gaano man katagal na ang iyong pagdalo sa iglesiang iyon – isang daang taon, isang libong taon, o higit pa, walang makapaglalagay sa iyo sa tamang daan ng iyong kaligtasan.
Ang gayong tao ay di-maaaring isilang na muli sa pamamagitan ng pananamplataya, kundi sila’y mahahantong sa paggawa ng kahangalang kamalian sa paghihintay para sa kanilang rapture na di-natupad ang unang kailangan—ito ay ang, nang di-isinisilang pang muli. Ang uri ng pananampalatayang ito ay mali. Gaanoman ang iyong pananabik sa paghintay para sa pagbabalik ni Cristo gaano man ang iyong pag-ibig sa Panginoon ng iyong puso, gaano ka man handang isuko ang iyong buhay para sa Panginoon, ang lahat ng ito ay walang saysay. Ang gayong tao ay di-makikita ang Panginoon. Ang kanilang pag-ibig sa Diyos ay magtatapos bilang isang di-masusukliang pag-ibig.
 Ito ay kung bakit sinabi ng Diyos sa mga pitong iglesia sa Asia: “Ang magtagumpay ay bibigyan Ko ng manang natatago.” Hindi sinabi ng Diyos sa atin na makakamit natin ang Kanyang Salita ng katotohanan nang walang anumang pakikipaglaban. Kung hindi tayo lalaban at magtagumpay sa mga sinungaling, hindi tayo makakakain ng Kanyang mana, ang Salita ng Buhay. Hindi mahalaga kung gaano ang iyong katapatan sa pagdalo sa iglesia; kung hindi mo alam ang katotohanan, ibig sabihin na ang iyong nalalaman sa ngayon ay puro kasinungalingan lamang. Dapat mong takasan ang mga kasinungalingang ito sa pamamagitan ng pakikipaglaban at pagtagumpay sa kanila sa iyong paghahanap sa katotohanan. Kapag iyo lamang nasumpungan ang katotohanang ito sa pamamagitan ng pagtagpo ng isang iglesiang nagpapatotoo sa Salita ng Diyos at ipinapangaral.
Walang bagay sa atin na humadlang sa ating pagtanggap sa ating mga puso ang Salita ng katotohanan ng tubig at Espiritu. Ang mga puso ng mga nangangaral at nakikinig nitong Salita ng tubig at ng Espiritu ay naging kaisa, ang Banal na Espiritung nananahan sa kanilang mga puso ay magkatulad.
Pinangako ng Diyos sa atin na Kanyang ibibigay ang Kanyang nakatagong mana sa mga nagtagumpay; tulad niyaon, dapat tayong magtagumpay kay satanas sa ating pakikipaglaban sa kanya, at labanan at matagumpay sa mga sinungaling. Kung nais mo ang buhay na walang hanggan, dapat kang isilang muli; kung nais mong masama sa rapture ng Diyos, dapat mayroon kang tamang pananampalataya. Dapat kang lumaban at magtagumpay sa maraming kasinungalingan ng mundong ito, gayon din sa mga sinungaling sa loob ng mundong Kristiyano.
Ang iyong pananampalataya ay hindi dapat tulad ng gayong pabagu-bago, na nagpapatuloy na nag-aatubili kabi-kabila at natangay ng anumang agos na nangyayari sa isang pagkakataon. Kung ang iyong iglesia ay hindi ipinangangaral ang Salita ng Diyos tulad nito, kung gayon dapat kang huminto sa pagdalo sa gayong iglesia. Yaon lamang ang mga pusong umiibig at naghahanap ng katotohanan ang Diyos ay darating sa kanila sa pamamagitan ng Kanyang Salita ng mana, ang Salita ng katotohanan ng tubig at ng Espiritu.
Ako’y isang naging mahusay na mag-aaral sa isang seminaryo. Walang araw na ako’y nagliban ng klase, at lahat ng aking mga marka ay kaaya-aya. Masipag at tapat akong mag-aaral. Ngunit maraming mga bagay akong di-nalalaman. Dahil ako, pati lahat ng aking pamilya, ay dating Budismo bago ko makilala si Jesus at nanalig sa Kanya, ang aking kaalaman sa Kanya ay limitado noon. Lalong limitado ang aking unawa sa Salita, at ako’y lubos na sabik sa pag-aaral ukol sa Kasulatan. Nauuhaw sa kaalaman ng Salita ng Diyos, hinanap ko ang pag-aaral mula sa maraming guro sa seminaryo, tinatanong sa kanila ang maraming mga tanong at umaasa na ang kanilang mga sagot ang magpapatid uhaw sa akin sa Biblia.
Wala sa kanila, gayon man, ang nakapagbigay sa akin ng malinaw na kasagutan. Kapag aking dinadala ang mga tanong sa mga gurong nagbubunyi; sa kanilang kaalaman sa Kasulatan, kanila lamang pinupuri ang aking kaalaman sa Biblia sa halip na sagutin ang aking mga tanong. Sa mga seminaryo, ang mga guro ay di-nangangaral ng Salita, ngunit tinuturo nila ang kanilang mga sariling “teoriya” sa Biblia. Ngunit ang lahat ng kanilang mga teoriya, mula sa Teolohiya ng Lumang Tipan hanggang sa Teolohiya ng Bagong Tipan, mula sa Sistematikong Teolohiya hanggang sa Kasaysayan ng Kristiyanismo, mula Calvinismo hanggang sa Arminianismo, mula sa Kristolohiya hanggang Pneumatolohiya at mula sa mga pangunahing aralin hanggang sa detalyeng mga pagpapaliwanang, ay mga likha lamang ng kaisipan ng tao. Itinuturo lamang nila ang iba’t-ibang teoriyang yakap-yakap ng mga iskolar, hindi naiiba sa iyong sariling karanasan sa kolehiyo ng pag-aaral ng ibang teoriyang pananaw sa iyong larangan ng pag-aaral.
Ako’y isang taong mangmang sa Biblia. Hindi mahalaga kung gaano kalawak ang aking pagsasanay bilang iskolar, o kung gaano ang dami ang nagbigay puna sa aking malawak na kaalaman sa Biblia, o kung paano ko binatay ang aking mga sermon sa kaalamang ito – kapag lalo akong nag-aaral sa Biblia at teolohiya, lalong dumadami ang aking mga alinlangan sa aking daan. Di-maglaon aking nabatid na ako’y buong mangmang, at ako’y dapat magsimula sa umpisa uli. Kaya’t ako’y nagsimulang ibigay ang mga katanungang kinikilala ko bilang mga kakaibang mga katanungan sa aking mga klase sa paaralan.
Isa sa mga ito ay ang: “Bakit binautismuhan si Jesus?” Hindi ako nakarinig ng malinaw ng kasagutan sa tanong na ito. Wala ni isa ang nakapagbigay ng wastong sagot, na si Jesus ay nabautismuhan sa Ilog ng Jordan sa pamamagitan ni Juan Bautista upang alisin ang lahat ng ating mga kasalanan sa Kanyang sariling laman.
Mayroon ding akong mga tanong ukol sa mga himalang ginawa ni Jesus, tulad ng pagpapakain ni Jesus sa higit na limang libong kalalakihan sa pamamagitan ng limang tinapay lamang at isda ng minsanan, o ang mga ito’y dumadami nang ipinamamahagi sa bawat isa?” Mahigit sa kadalasan kaysa hindi, ako ay nililibak at kinukutya sa pagbibigay ng mga gayong katanungan.
Ganito kung paano ko nabatid, “Kaya ganito ang ukol sa teolohiya. Pinag-aaralan lang natin kung ano ang pamamaraan ng isang Frances na si Calvin tungo sa isang masusing teoriya at mga pagpapaliwanag ng malalim. Wala tayong nalalaman ukol sa Biblia.” Kaya nagsimula akong ituon ang aking sarili sa maiging pagsasaliksik sa pamamagitan ng mga pinagsam-samang mga babasahin ng mga denominasyon at pinaghahambing ang mga ito sa Biblia. Gayon pa man, wala akong pakinabang. 
Lahat ng mga ito’y napunta sa isang kapasiyahan, nang ang tao’y nanalig kay Jesus, ang kanilang mga kasalanan ay unting naglalaho habang sila’y napapabanal ng kanilang mga panalanging pangungumpisal, at sila’y lubos na walang kasalanan sa kanilang kamatayan at pagkatapos ay papasok sa Langit. Ang mga pagkakaiba ng mga relihiyon ay di-mahalaga—gayon ding kapasiyahan sa kanilang lahat na mga Kristiyano ang paghangad ng panalanging pangungumpisal at unti-unting pagbabanal, isang bagay na walang kinalaman sa Salita. Lahat ng mga pag-angking ito ay lumayo sa sinasabi ng Salita ng Diyos. Kaya ako’y lumuhod sa harap ng Diyos, hinanap at hiningi ang Kanyang katotohanan.
Ito ay nang ituro ng Diyos sa akin ang tunay na ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Namangha ako sa katotohanang ito. Nang malaman ko ang katotohanan ng tubig at ng Espiritu ay matatagpuan sa buong 66 na mga aklat ng Biblia, ang aking mga bulag na mata ay nabuksan at nagsimula kong makita ng malinaw ang Salita ng Biblia. Nasumpungan ko kung paanong ang Lumang Tipan at bagong Tipan ay angkop sa isa’t-isa, at ang Banal na Espiritu ay naparito upang manahan sa aking puso dahil sa katotohanang ito. Matapos kong makita at mabatid ang Salita ng katotohanang ito, maraming mga kasalanan ang nagsalot sa aking puso at lubos na naglaho, sa isang kangaha-hangang pagkilos ng pag-ibig at biyaya ng Diyos.
Tulad ng mga maliliit na alon ay sanhi ng isang maliit na batong itinapon sa tahimik na lawa, isang kalmadong galak at liwanag ang pumasok sa aking puso. Dahil sa liwanag, nabatid ko kung ano ang katotohanan ng Salita. At sa sandali ng pagkakilalang ito, pumasok ang Banal na Espiritu sa aking puso, at dahil sa Banal na Espiritu malinaw na nauunawaan ko ang Salita Biblia. Mula sa sandaling ito, lagi kong ipinangangaral ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu.
Sa araw na ito, ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay laging pinatatag ang aking puso. Ganito kung paano ako kumakain ng Salita ng Diyos. Nang ako’y nananahan sa Salita, kasama ang aking pagkabatid sa kahulugan nito ay dumating ang mahinahong pagpapalang nagpuspos sa aking puso, at ang aking puso, di-maglaon, ay nagsimulang lumangoy sa dagat ng biyaya. Dahil ang aking puso’y napuno ng pagpapalang ito, kung mananalig ka sa Kanyang Salita ng pagsilang na muling kaligtasan, ihahatid ka rin ng Salita ng Diyos sa Kanyang biyaya at pagpapala.
Nang buksan ko ang aking Biblia at manahan sa Salita, lahat ng aking mga alalahanin at mga nakababalisang mga kaisipan ay naglaho, sa halip pinuspos ang aking puso ng kagalakan at kapayapaan. Lagi kong nagawang sagutin ang ibig sabihin ng Diyos sa Kanyang Salita sa tuwing ako’y tatanungin. Tanging sa pamamagitan ng pag-alam at pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ang isa’y makakakain ng Salita ng Diyos, at tanging sa pagkain ng Salita ng Diyos maaaring isilang na muli. Dahil ang isinilang na muli ay wala ng kasalanan pang naiwan sa kanilang mga puso, kahit kailan pa babalik ang Panginoon sa mundong ito, silang lahat ay handa sa kanilang rapture kapag ang Panginoon sa huli’y itataas sila sa alapaap.
 
 
Ang Pananampalatayang Mag-aakay sa Atin sa Rapture
 
Ang rapture ay ang pinakahihintay natin matapos nating tanggapin ang katubusan sa pamamagitan ng pag-alam at pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. At sa paghihintay, dapat tayong maghintay na may malinaw na kaunawaan sa mga panahong itinakda ng Diyos. Ang mga panahong itinakda ng Diyos ay ang mga pitong kapanahunan, at ang panahon ng pagmamartir sa mga ito ay ang panahon ng maputlang kabayo. Ang panahon ng maputlang kabayo ay ang ika-apat at sa mga pitong panahong itinakda ng Diyos. Ang panahong ngayon sa kabilang dako, ay ang ikatlo, ang panahon ng kabayong itim. 
Kapag tayo’y aakyat ng mataas na bundok, umaasa tayo sa mapa bilang isang gabay. Ngunit upang tiyak at ligtas na makarating sa ating patutunguhan sa pamamagitan ng paggamit sa mapang ito, dapat muna nating malaman ang ating kinaroroonan. Hindi mahalaga ang iyong kagalingan sa pagbasa ng mapa o kung gaano ang katiyakan ng mapa mismo – kung hindi mo alam kung nasaan ka, ang mapa ay walang silbi. Kapag nalalaman mo lang ang iyong kinaroroonan ligtas mong mararating ang iyong patutunguhan.
Gayon din, dahil lamang sa pagsilang na muli sa pamamagitan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, matatagpuan mo kung kailan ka masasama sa rapture. Ang tiyak na oras ng rapture ayon sa Biblia ay halos isang saglit ng kalagitnaan ng pitong taong panahon ng Matinding Kapighatian – ito ang tatlo at kalahating taon ng Kapighatian. Ito ang nilayon ng Diyos kay Jesucristo nang una Niyang likhain itong kalawakan.
Ang layon ng kaligtasan ng Diyos kay Jesucristo, na Kanyang sinugo ang Kanyang bugtong na Anak dito sa mundo, pinabautismuhan Niya at pinako sa Krus, at Kanyang binangong muli mula sa kamatayan, ay hindi lamang plano, ngunit Kanya ring itinakda ang mga panahon para sa kalawakan, mula sa paglikha hanggang sa katapusan sa pamamagitan ng Kanyang pitong panahon. Kahit pa iginuguhit natin ang mga “blueprint” bago itayo ang ating mga bahay at planuhin ng maaga para sa ating mga kalakal-higit pa man, ating pang itinatakda sa ating mga talatakdaan kung ano ang ating gagawin sa isang araw. Samakatuwid, lilikhain bang Diyos itong kalawakan, tao, ikaw at ako kay Jesucristo ng walang anumang plano? Hindi! Nilikha Niya tayo sa pamamagitan ng isang plano.
Ang planong ito ay maliwanag na inihayag sa Salita ng Apocalipsis. Kapag ating binuksan at nanahan sa Salita, tiyak na malalaman natin kung ano ang plano ng Diyos. Ang Salitang ito ay ang katotohanan. Bagaman ang Salita ng Diyos ay maraming libong taon na, ito pa rin ang di-nagbabago at di-nahahalinhang katotohan, hindi madagdagan ni mababawasan. Ang mga di-nakakalam nito at di-isinisilang na muli sa pamamagitan ng tubig at ng Espiritu ay mananatiling mangmang sa katotohanang inihayag sa atin ng Salita ng Diyos. Ngunit yaong nananahan sa Salita ay matatagpuan at mababatid lahat ng katotohanang inihayag ng Biblia.
Ang talatang nangako ang Diyos na ibibigay ang Kanyang mana sa mga magtatagumpay nangangahulugang ang Diyos ay magbibigay liwanag sa Kanyang Salita lamang sa mga makababatid ng katotohanan sa mga mali at magtagumpay sa mga sinungaling sa pamamagitan ng Kanyang Salita ng katotohanan. Yaong mga nakatakas mula sa kasinungalingan at natagpuan ang katotohanan ay dapat magtagumpay sa mga kasinungalingang ito sa pamamagitan ng pangangaral sa katotohanang ito. Pinangako ng Diyos sa atin na ang mga nanalig sa ebanghelyo ay ibibigay ang pagpapala upang kumain ng Kanyang mana: “Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia. Ang magtagumpay ay bibigyan ko ng manang natatago, at siya’y sa batong puti, at sa bato ay may nakasulat na isang bagong pangalan, na walang nakakaalam kundi yaong tumatanggap.”
Ang nakatagong mana rito ay ang Salita ng Diyos. Ang puting bato, sa kabilang dako, ay tumutukoy na ang ating mga pangalan ay isusulat sa Aklat ng Buhay. Kapag ang tao’y nanalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritung binigay ng Diyos sa kanila, ang kanilang mga puso’y magbabago. Sa pamamagitan ng kanilang mga pusong puspos ng Salita ng Banal na Espiritu, mababatid nila na sa pamamagitan ng pananalig sa Salita, ang lahat ng kanilang mga kasalanan sa puso’y naglaho. Yamang ang kanilang mga kasalanan ay nalinisan na ng tubig at ng Espiritu, ang kanilang mga pangalan ay naisulat sa puting bato.
Sinasabi sa atin ng Diyos na walang nakakaalam nitong bagong pangalan maliban siya na tumatanggap. Yaong mga napatawad sa lahat ng kanilang mga kasalanan ay dapat mabatid na ang kanilang mga puso ay wala ng kasalanang natitira sa kanila, ang kanilang mga pangala’y nakatala sa Aklat ng Buhay. Alam nila, na ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu’y inalis lahat ng mga kasalanan sa kanilang mga puso. Yaon lamang mga isinilang na muli samakatuwid ang nakakaalam ng tunay na Salita ng tubig at ng Espiritu at nagkamit ng kanilang katubusan ang makakaalam sa Panginoon at ang katotohanan. Ang mga di-isinilang na muli’y di-nalalaman na sila’y hindi pa isinilang na muli ay makikilala ang ganitong mga tao, na hindi pa sila nakakain ng mana ng Diyos, at ang kanilang mga pangalan ay hindi pa nakatala sa puting bato.
Nais mo ba talagang masama sa rapture? Kung nais mo, dapat kang magkaroon ng katangiang kailangan upang makakain ng mana. Sa pagkakaroon ng katangiang makakain ng mana, ibig kong sabihin kailangan kang maisilang muli sa pamamagitan ng tubig at Espiritu. Sa pagkain ng mana, dapat ka ring lumaban at magtagumpay sa mga kasinungalingan sa pamamagitan ng iyong pananampalataya. Ang mga huwad na guro ay di-naghahatid ng katubusan sa mga makasalanan, kundi pakinabang ng kanilang mga kaluluwa at mga materyal na pag-aari. Dapat tayong lumaban at magtagumpay sa mga gayong huwad na iglesia, bulaang propeta, at mga huwad na lingkod ng Kristiyanismo ngayon.
Dapat nating alamin, batay sa Biblia, kung paanong eksaktong inalis ni Jesus ang lahat ng ating mga kasalanan, bakit Siya binautismuhan, bakit Niya kinuha ang mga kasalanan ng mundo, bakit Siya namatay sa Krus, at bakit Siya nabuhay muli. Dapat lubos na malaman natin kung bakit si Jesus ay naparito sa mudo sa laman at ginawa ang lahat ng mga ito, at dapat nating malaman ng husto kung sino si Jesus. Ngunit ang mga huwad na iglesia, sa halip na ito ang mga katotohanang ito, tinatawag niya ang bawat dumadalo sa kanila bilang “isang hinirang” sa kanilang sariling kapangyarihan. Tinatanong lang nila, “Naniniwala ka ba kay Jesus?” Kung ang tugon ay, “Oo, naniniwala kami,” pagkatapos ang mga huwad na iglesiang ito ay agad na tatawagin silang mga hinirang, babautismuhan sila matapos ang isang taon, at pagkatapos ay magpapatuloy sa paghingi ng lahat ng uri ng handog mula sa kanila, mula sa mga pasasalamat na handog hanggang sa mga espesyal na handog, mga pangakong paghahandog para sa maningning, bagong gusaling iglesia. Ang gayong mga iglesia tulad nito, pagnanasa lang sa salapi at kanilang kasakiman upang magtayo ng malaki, nagningning na gusali ng iglesia, ang lahat ay mga huwag na iglesia.
Kapag tayo’y kumain ng mana, dapat tayong lumaban sa gayong mga huwad na iglesia at yaong nagkakalat ng mga maling aral. Kung matalo tayo sa ating laban, ibig sabihin hindi na tayo mga hinirang ng Diyos, hindi rin tayo masasama sa rapture ng Diyos. Ang hindi pagiging hinirang ng Diyos ay katulad din ng hindi pagiging anak ng Diyos; kahit pa si Cristo’y bumalik ng isang-daang ulit, hindi tayo masasama sa rapture.
Sinasabi sa atin ng Mateo 25. Ang talinghaga ng sampung dalaga, ang lima ay matalino at ang lima nama’y mangmang. Sinasabi sa atin ang kamangmangan ng limang dalagang nagdala ng ilawan ngunit walang langis at umalis upang bumili matapos ihayag ang pagdating ng lalaking ikakasal. Tayo’y dapat na maging mga matatalinong babaeng ikakasal na maagang nakapaghanda ng langis sa pagkakaroon ng pananampalatayang paghahanda ng langis, ibig kong sabihin tayo’y dapat na katanggap-tanggap na kumain ng mana sa harapan ni Jesus, magtagumpay sa mga sinungaling, at isilang na muli sa pamamagitan ng Salita ng tubig at ng Espiritu.
Kapag tayo’y nakarinig ng isang Sermon, dapat nating tanungin ang ating mga sarili kung ipinangangaral ng pastor ang Salita ng Diyos o hindi. Kailangan ding nating itanong kung ginagamit ng iglesia ang salapi, ayon sa kagustuhan ng Diyos, sa Kanyang mga gawain, hindi sa sarili. Dapat nating hanapin, sa ibang pananalita, ang tunay na iglesia ng Diyos. Magkaroon ng kamalayan sa mga iglesia na nagbibigay lang ng paglilingkod sa pangangaral ng Salita ng Diyos at Kanyang mga aral sa pamamagitan ng bibig lamang.
Hindi mahalaga kung gaano ang kabutihan nila sa kanilang mga pananalita at pagsisisi, sa kanilang mga gawa ay magsasabi sa iyo kung ano talaga ang paninindigan nila—kung sila’y higit na interesado sa pagtayo ng higit na malaking gusali ng iglesia kaysa ano pa man; kung sila’y kumakalinga sa mahihirap o sa mga mayayaman lamang; at kung sila’y nagpapakita ng malasakit sa pagliligtas sa mga kaluluwa. Binigay ng Diyos sa iyo ang mga mata at mga tenga upang iyong makita at mahatulan sa iyong sarili. At kung makapagbigay ka ng pasiya na ang ilang iglesia ay hindi ang tunay na iglesia, kaya’t huwag mag-atubiling umalis agad diyan, dahil ang patuloy na pagdalo sa gayong huwag na iglesia ay kawangis ng pagsisikap na matungong impiyerno. Mabuti pang itapon mo na ang iyong buhay.
Batid mo ba kung gaano ang kabutihan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu? Kung iyong nalalaman at tinanggap ang katotohanang ito, ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, sa iyong puso, ika’y magiging ganap na bagong tao. Ang mga nabibilang sa mundo dati, ngayo’y kabilang na sa Langit, at yaong mga pinahirapan ng mga demonyo ngayo’y mga malaya na.
Ang mga demonyo ay makapapasok at pahirapan ang mga kaluluwa ng may kasalanan sa kanilang mga puso at samakatuwid nakagapos ng kanilang mga kasalanan. Ngunit naparito ang Panginoon sa mundo at inalis Niya lahat ng ating mga kasalanan sa pamamagitan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Dahil lubos Niyang inalis ang ating mga kasalanan, hindi na maaaring pahirapan pa at nakawin ng mga demonyo ang ating mga kaluluwa. Ito ay kung bakit nang malaman mo at nanalig sa ebanghelyong ito, itinaboy ang mga demonyo at ang iyong buhay ay nabago.
Sa ibang salita, yaong mga naging lingkod ng sanlibutan ay napalaya sa ganitong pagkaalipin. Ginawa ng Diyos ang kahanga-hangang gawain na gawing matuwid ang mga makasalanan, binabago yaong mga nasa lupa tungo sa Langit, at kapag nagbalik ang Panginoon, Kanya silang itaas sa Kanyang Kaharian.
Ang ating buhay sa lupa’y hindi ang katapusan. Yamang nilikha tayo ng Diyos sa Kanyang larawan, hindi tayo nilagay ng Diyos dito sa lupa upang mabuhay ng sandali lamang. Ang buhay sa laman sa katunayan ay napakaiksi. Sa oras na matapos tayong mag-aral, tayo’y lampas na sa 20 taong gulang. Gugugulin natin ang ating ika-30 taong gulang sa pagtatatag ng isang haligi sa ating mga buhay, at kapag dumating na ang oras na ang pundasyong ito ay handa na upang matayo sa ibabaw, tayo’y nasa gulang na ng 40 o 50. Kapag ating lubos na narating na ang yugto kung saan inaakala natin sa ating mga sarili na maaari na tayong maghinay-hinay at magtamasa sa buhay, ang ating buong buhay ay lumipas na sa atin, at tayo’y haharap sa kanyang hangganan. Tulad ng mga bulaklak na mamumukadkad sa umaga at malalanta sa hapon, tulad ng ating inaakalang lubos na ang ating buhay, nalaman nating nagdaan na ang ating panahon, at tayo’y nakatingin na lang sa kanyang nalalapit na katapusan.
Ganito kaiksi ang ating buhay. Ngunit ang higit na kalungkutan sa maraming tao ang hindi nalalaman itong kaiklian ng buhay. Ngunit ang katapusan ng ating mga buhay sa laman ay hindi natin katapusan, sapagkat ito ang simula pa lang ng ating mga kaluluwa. Bakit? Dahil ang Diyos, na wari mo’y Kanyang tinutumbasan ang kaiklian ng ating panlupang-buhay, inihanda sa atin hindi lang Milenyong Paghahari ngunit pati na ang Bagong Langit at Lupa, kung saan walang hanggan tayong maninirahan. Ito ang pagpapala ng buhay na walang hanggan ng Diyos na Kanyang ipinagkaloob lamang sa mga isinilang na muli dahil sa pananalig sa Salita ng Kanyang tubig at Espiritu.
Kapag inyo lamang kinain ang nakatagong mana at ang iyong pangalan ay nakatitik sa puting bato ay maaari kang masama sa rapture. Sinasabi ng Diyos sa atin na yaon lamang kumain ng kanyang mana ang siya lang magtatagumpay kay satanas sa panahon ng Matinding Kapighatian, at ang mga pangalan ng nagtagumpay ang masusulat sa puting bato. Yaong hindi nagtagumpay, samakatuwid, ay di dapat mangarap na masama sa rapture, ni hindi makapangarap na maisisilang na muli.
Malaking sakrispisyo ang kailangan upang makamit ang bagay na mahalaga. Isang magandang halimbawa’y ang ginto; kailangan ng malaking pagsisikap, ang mamatay sa mga minahan bago man sila makakita ng isang pirasong kumpol ng ginto. Ang paghiwalay ng putik sa ginto ay nangangailangan din ng maraming gawa. Ang paghukay ng lupa na kasing-dami ng trak ng buong araw ay magbubunga ng maliit na kabuuan ng ginto. Bukod nito, hindi ito basta na lamang nagagawa sa anumang ilog, ngunit kailangan ka munang maghanap ng ilog na mayroong ginto. Nangangailangan sa madaling salita, ng ibayong pagsisikap upang makahanap ng ginto, kung minsan sa iyong buong buhay. Bakit, kung gayon ang tao’y nagsusumikap na humanap ng ginto? Dahil alam nilang ang ginto’y napakahalaga, na maaaring ilagay ang kanilang sariling buhay sa panganib.
Ang lalong higit na mahalaga kaysa ginto at pilak, gayon man, ay ang katotohanang tayo’y maaaring maging anak ng Diyos. Ang ginto ay maaaring magdulot ng panandaliang kasiyahan para sa iyong laman, ngunit ang maging anak ng Diyos ay magdadala sa iyo ng walang-katapusang kaligayahan. Upang masama sa rapture sa mga huling araw, upang malugod sa yaman, kasaganaan, at karangalan ng Milienyong Paghahari at ang Bagong Langit at Lupa, at ang mamuhay ng gayong buhay magpakailanman, dapat labanan ngayon ang lahat ng mga sinungaling nitong mundo, manalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, at ipagtanggol ang iyong pananampalataya at tiyakin ang iyong tagumpay.
Maraming kasinungalingan sa mundong ito na laging nagmamasid sa mga pagkakataon upang agawin ang ating mga puso, tinatangkang alisin ang ating pananampalataya. Yaong mga nanalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu sa kanilang mga puso ay nalalaman ang kahalagahan ng kanilang pananampalataya. At dahil nalalaman nila ang kahalagahan nitong pananampalataya, lumalaban sila sa lahat ng mga maling aral na nagtatangkang agawin ito sa kanila. Kung batid lang natin kung gaano ang dami ng taong nanabik sa pananampalatayang ito ngunit hindi kayang makamit ito, at kung batin natin na ang pananampalatayang ito lamang ang magdadamit sa atin upang malugod na tanggapin sa kasalang hapunan ng Kordero at ibigay sa atin ang Kanyang pagpapalang buhay na walang hanggan, dapat nating gawin maging atin ang lubos at huwag hayaan sinuman na alisin ito sa atin. Ito ang uri ng pananampalatayang lumalaban at nagtatagumpay.
Ako’y napasang-ayon sa pangangailangang palaganapin ang tamang kaalaman at kaunawaan ng Salita ng Apocalipsis – tiyaking maipagtatanggol ang pinakamahalagang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu – dahil alam kung maraming mga huwad na tagapagturo ang nagsisikap na gamitin pati rin ang mga hinirang na isinilang muli. Ito’y kung bakit ipinangangaral ko ang Salita ng Apocalipsis sa pamamagitan ng aking mga sermon at mga aklat, upang siguruhin na maaari kang mamuhay sa pananampalataya na may wastong kaalaman at paniniwala sa mga huling araw.
Ang Aklat ng Apocalipsis ay naghahandog ng anumang napakahalaga. Ngunit ang Aklat ng Apocalipsis ay di – naghahayag sa mga hindi kumakain ng nakatagong mana ng Diyos at yaong hindi taglay ang Banal na Espiritu sa kanilang mga puso. Mula sa mga tanda ng mga huling araw hanggang sa rapture, ang pag-asa ng bawat Kristiyano, hanggang sa Bagong Langit at Lupa, isang di–pangkaraniwang plano ay nakasulat sa Salita ng Apocalipsis. Ngunit dahil sa karunungan ng Diyos na hindi basta inihahayag ang Kanyang mga lihim kaninuman, ang Apocalipsis ay nananatiling mahirap na sulat na hindi lahat ay makauunawa nito. Wala ni isa kundi yaong kumain ng mana ng Diyos at yaong ang mga pangalan ay nakatala sa puting bato sa pamamagitan ng pagsilang muli dahil sa tubig at sa Espiritu at pagtatagumpay sa mga kasinungalingan ang makakaunawa ng Salita ng Apocalipsis.
Ito’y kung bakit, sa kanilang kamangmangan, ang mga di-isinilang na muli ay nagsasalita ukol sa “pre-tribulation rapture” o ang “post-tribulation rapture,” at kung bakit may mga taong umaangking ang Milenyong Paghahari ay simbulo lamang. Ang Salita ng Diyos ay ang katotohanan, at malinaw na sinasabi na ang rapture ay di-magaganap kung wala ang Matinding Kapighatian. Sinasabi sa atin na ang rapture ay magaganap ilang sandali ng kalagitnaan ng pitong taong Matinding Kapighatian—matapos ang pagmamartir ng mga hinirang, at kaalinsabay ang kanilang pagkabuhay muli.
Ang masama sa rapture habang sa panahon ng pangkaraniwang araw-araw na pamumuhay—mga piloto ay maglalaho—ng bigla at ang mga ina ay maglalaho sa mga hapag–kainan sa buong mundo—paumanhin, malaking kapahamakan ay mangyari sa mundo, mga lindol na wawasak, mga bituing malalaglag mula sa langit, at mabibiyak ang lupain. Ang rapture, sa ibang pananalita, ay di-magaganap sa isang mapayapang araw sa maluwang na liwanag ng araw.
Ang mga bituin ay di pa nangalaglag, ikatlong bahagi ng mundo ay masusunog pa muna, at ang dagat ay hindi pa nagiging dugo. Anong ibig sabihin ko nito? Ibig kong sabihin na ngayon ay hindi pa ang panahon ng rapture, sinasabi ng Diyos sa atin na Kanyang ibibigay sa atin ang mga tanda na makikilala nating lahat bago dumating ang rapture. Ang mga tanda na ito ay ang mga matinding kapahamakan na mahuhulog sa mundo – ikatlong bahagi ng dagat at mga ilog ay magiging dugo, ikatlong bahagi ng kagubata’y masusunog, mga bituing mahuhulog, di-maiinom na tubig, at kung ano pa.
Kapag ang mundo’y nilamon ng mga malalaking kalamidad, lilitaw si Anticristo upang magdulot ng kaayusan. Sa una’y lilitaw bilang isang di-karaniwang pinuno ng mundo, ngunit di-maglao’y magiging isang malupit na maghahari sa mundo sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihan. Sinasabi ng Biblia sa atin na sa panahong ito, kapag ang malupit na paghahari ni anticristo sa mundo’y naitatag, ang Panginoon ay babalik upang kuhanin ang Kanyang mga hinirang. Ang rapture ay di-magaganap kapag ang mga matitinding likas na kapahamakan ay hindi pa nagaganap at ang anticristo ay lilitaw pa lang.
Isang kamalian, para sa isa na huminto sa paghahanap-buhay, huminto sa pag-aaral, at ang lahat ay lubos na hihinto sa kanilang pamumuhay, inaakalang ang rapture ay magaganap, sa katotohanang ang mga tanda na pinangako ng Diyos na ito ay magaganap pa lang. Huwag kang padadaya sa ganitong paraan, dahil ika’y mahuhulog sa mga kasinungalingang patibong ni satanas.
Dapat tayong lumaban at magtagumpay sa lahat ng bagay sa gayong mga maling aral na itinakda upang siluin tayo. Ang tanging pananampalataya na makapagtatagumpay sa mga maling aral ay ang pananampalataya sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Tanging yaong nananalig sa bautismo ni Jesus na nag-alis ng lahat ng kanilang mga pagkakasala ay lubos na lumaya mula sa mga tanikala nitong mga kasalanan. Dahil kinuha ni Jesus ang ating mga kasalanan sa Kanya mismo sa pamamagitan ng Kanyang bautismo, at dahil Kanyang binili tayo sa pamamagitan ng Kanyang sariling dugo na nag-alis ng ating mga kasalanan, tinanggap natin ang kanyang ganap na kaligtasan dahil sa pananalig sa lahat ng mga bagay na ito na ginawa ng Panginoon para sa atin—sa pamamagitan ng pananamplataya at pananampalataya lamang. Yaong nanalig sa Salitang ito ngayo’y naging mga anak ng Diyos, at sila’y magtatagumpay sa lahat ng layon ng Diyos na itinakda para sa atin.
Sa kabilang dako, ang tanging naghihintay sa mga sinungaling na umaangking nananalig kay Jesus ngunit may kasalanan pa rin sa kanilang mga puso, at hanap ay ang kanilang sariling kasakiman lamang sa paglilingkod sa Diyos, ay may kaparusahan na kanilang kakaharapin kay satanas. Ito ay kung bakit ang ating ebanghelyo ay lubos na mahalaga. Tanging yaong nakakaalam lamang at nakababatid sa pagitan ng katotohanan at mga huwad na ebanghelyo ay makakakain ng nakatagong mana ng Diyos, magtagumpay sa lahat ng mga kasinungalingan sa huli, at makakapasok sa Bagong Langit at Lupa at ang Milenyong Paghahari. Basahin ang Salita at tingnan mo sa iyong sarili kung ano ang tunay na katotohanan na nagliligtas sa iyo, bigyan ka ng pag-asa, at pagpalain ka ng buhay na walang hanggan, malirip at manalig dito. Ito ang pananampalatayang nagtatagumpay. 
Ang tagumpay sa ating espirituwal na pakikipaglaban ay lubhang mahalaga para sa atin dahil ang pagkatalo sa pakikipaglabang ito ay di-nangangahulugang isang kawalan lamang, ngunit ito’y nangangahulugang patungong impiyerno. Sa ibang mga labanan maaari tayong makabawi, sa pagkatalo, ngunit sa digmaang ito ng pananampalatayang walang pagkakataong makabawi. Samakatuwid dapat mong malirip kung ano ang katotohanan at kung ano ang iyong mga sariling kaisipan, ang pita ng iyong laman, at mga kasinungalingan ng mga bulaang guro, at dapat mong ihanda ang iyong pananampalataya para sa huli sa pamamagitan ng pang-unawa sa wastong kaalaman sa mga kapanahunan dahil sa liwanag ng Salita.
Inihanda ng Diyos ang mga salot ng mga pitong trumpeta at ang mga pitong mangkok, at pinahintulot ang Matinding Kapighatian sa atin. Kapag ang mundo’y namalagi ang kakila-kilabot ng mga kalikasang kapahamakan—nakawawasak na matinding sunog, mga nahuhulog na bituin, nabatid na ito ang mga tanda ng pasimula ng pitong taong Matinding Kapighatian. Ang pagmamartir, pagkabuhay na muli, at rapture ng mga hinirang ay magaganap sa katapusan ng mga salot ng pitong trumpeta, kapag tumunog ang huling trumpeta, ngunit bago ang mga salot ng pitong mangkok ay mabubuhos.
Kapag ang pang-apat na tatak ng Diyos ay naalis, si anticristo’y ipipilit ang pagtalikod sa pananampalataya mula sa mga hinirang. Sa panahong ito, yaong ang mga pangala’y nasulat sa Aklat ng Buhay—ito ang mga hinirang na isinilang na muli na kumain ng mana at yaong ang mga pangala’y nakasulat sa puting bato—ay matapang na mamamatay. Ito ang huli at pinaka-dakilang pananampalatayang nagbibigay luwalhati sa Panginoon. Ito ang matapang na pananampalataya ng mga nananalig at namumuhay ayon sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Ito, sa maikling pananalita, ay ang pananampalataya na maaaring maging mga mananagumpay sa ating esprituwal na pakikipaglaban.
Dapat tayong magtagumpay sa ating mga kaaway sa anumang mangyayari. Matapos isilang na muli, dapat tayong patuloy na lumaban at magtagumpay sa mga sinungaling. Upang magkagayon, dapat tayong mamuhay sa uri ng buhay na kumakain sa mana ng Diyos at pinangangaral ang Salita ng ating Panginoon hanggang sa huli. Sa mga nagtagumpay, pinangako ng Diyos na ibibigay ang Kanyang kaluwalhatian at mga pagpapala. Ang pananampalataya na nararapat na itaas sa alapaap ng Diyos, ang pinakadakilang pag-asa para sa mga mananampalataya, at ang udyok para sa Milenyong Paghahari at ang Bagong Langit at Lupa – lahat ng mga bagay na ito ay pinahintulot lamang sa mga tumanggap ng mana ng Diyos sa pamamagitan ng lahat ng mga kasinungalingan sa pananampalataya sa Salita ng Diyos.
Sa mga nakakaalam kung ano ang tunay na mahalaga ay ipinagbibili ang lahat ng bagay upang makuha ito at makakayanan ang matinding sakrispisyo upang manatili rito. Dahil ang mga gayong sakrispisyo ay di-darating bilang isang kahirapan kundi bilang isang matinding kagalakan para sa atin, at dahil ito ang tunay na mahalagang yaman na idudulot sa atin ang lahat ng bagay sa huli, mahalaga sa bawat pagkakataon na isuko ang lahat upang ipagtanggol ito.
Ito ang aking pag-asa at dalangin na patuloy na umasa para sa Milenyong Paghahari at ang Bagong Langit at Lupa, magtagumpay sa lahat ng mga kaaway sa pag-asang ito, at lumitaw bilang panalo ng dakilang kagalakan at kasiyahan sa huli.