• All e-books and audiobooks on The New Life Mission website are free
  • Explore multilingual sermons in global languages
  • Two new revised editions in English have been released
  • Check out our website translated into 27 languages
Search

Sermons

Paksa 10: Ang Pahayag (Mga Komento sa Pahayag)

[Kabanata 2-8] Liham sa Iglesia ng Tiatira (Apocalipsis 2:18-29)

(Apocalipsis 2:18-29) 
“At sa anghel ng iglesia sa Tiatira ay isulat mo: Ang mga bagay na ito ay sinasabi ng anak ng Dios, na may mga matang gaya ng ningas ng apoy, at ang Kaniyang mga paa ay gaya ng tansong binuli: nalalaman Ko ang iyong mga gawa; at ang iyong pagibig, at pananampalataya at ministerio at pagtitiis, at ang iyong mga huling gawa ay higit kay sa mga una. Datapuwa’t mayroon Akong laban sa iyo, na pinahintulutan mo ang babaing si Jezebel, na nagpapanggap na propetisa; at siya’y nagtuturo at humihikayat sa Aking mga lingkod upang makiapid, at kumain ng mga bagay na inihahain sa mga diosdiosan. At binigyan Ko siya ng panahon upang makapagsisi; at siya’y ayaw magsisi sa kaniyang pakikiapid. Narito, Akin siyang iniraratay sa higaan, at ang mga nakikiapid sa kaniya sa malaking kapighatian, maliban na kung sila’y magsisipagsisi sa kaniyang mga gawa. At papatayin Ko ng salot ang kaniyang mga anak; at malalaman ng lahat ng mga iglesia na Ako’y yaong sumasaliksik ng mga pagiisip at ng mga puso: at bibigyan Ko ang bawa’t isa sa inyo ng ayon sa inyong mga gawa. Datapuwa’t sinasabi Ko sa inyo, sa mga iba na nasa Tiatira, sa lahat ng walang aral na ito, na hindi nakakaalam ng malalalim na bagay ni Satanas, gaya ng sinasabi nila; hindi na Ako magpapasan sa inyo ng ibang pasan. Gayon ma’y ang nasa inyo’y panghawakan ninyong matibay hanggang sa Ako’y pumariyan. At ang magtagumpay, at tumupad ng Aking mga gawa hanggang sa katapusan, ay bibigyan Ko ng kapamahalaan sa mga bansa – 
At sila’y paghaharian niya sa pamamagitan ng isang panghampas na bakal;
Gaya ng pagkadurog ng mga sisidlang lupa ng magpapalyok; -- 
Gaya naman ng tinanggap Ko sa Aking Ama: at sa kaniya’y ibibigay Ko ang tala sa umaga. Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia.”
 
 
Masusing Kapaliwanagan ng Kasulatan
 
Talatang 18: “At sa anghel ng iglesia sa Tiatira ay isulat mo: ‘Ang mga bagay na ito ay sinasabi ng Anak ng Dios, na may mga matang gaya ng ningas ng apoy, at ang Kaniyang mga paa ay gaya ng tansong binuli:’”
Ang mga maling gawa ng Iglesia ng Tiatira ay ang pagpapahintulot ng mga aral ni Jezebel, ang asawa ni Haring Ahab, ay nagdala ng pagsamba sa dios-diosan sa Israel at inakit ang mga tao na Gumawa ng pakikiapid at kumain ng mga bagay na inihahain sa mga diyos-diyosan. Inilarawan ni Jesus ang “mga matang gaya ng ningas ng apoy,” ang Diyos ay nagbabala na kanyang pagwiwikaan at hahatulan yaong may maling pananampalataya sa Kanyang mga iglesia.
 
Talatang 19: “Nalalaman Ko ang iyong mga gawa; at ang iyong pagibig, at pananampalataya at ministerio at pagtitiis, at ang iyong mga huling gawa ay higit kay sa mga una.”
Ngunit kasabay nito, sinabi ng Diyos sa Kanyang lingkod sa Iglesia ng Tiatira at mga hinirang na ang kanilang mga gawa ay higit na mainam ngayon kaysa dati.
 
Talatang 20: “Datapuwa’t mayroon Akong laban sa iyo, na pinahintulutan mo ang babaing si Jezebel, na nagpapanggap na propetisa; at siya’y nagtuturo at humihikayat sa Aking mga lingkod upang makiapid, at kumain ng mga bagay na inihahain sa mga diosdiosan.”
Ang suliranin sa Iglesia ng Tiatira ay ang pagtanggap ng mga aral ng isang huwad na propetang babae. Sa pagpapahintulot sa isang patotot, kahalintulad ni Jezebel na huwad na propetang babae sa iglesia at sa pamamagitan ng pagsunod sa kanyang mga aral, ang mga puso ng mga hinirang ay nahantong sa paghahanap ng pita ng kanilang laman. Sanhi nito, ang nakatatakot na galit ng Diyos ay ipapataw sa kanila.
Ang tunay na iglesia ng Diyos ay hindi tunatawag sa mga di-nananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu bilang mga hinirang. Ni hindi nila nilalagay ang taong di-taglay ang Banal na Espiritu sa kanilang mga puso sa pamumuno sa iglesia. Dahil yaong wala ang Banal na Espiritu ay hanap ang kanilang pita ng laman at ang mundo sa halip na ang Diyos, hindi sila mapapahintulot at papayagan sa tunay na iglesia ng Diyos.
 
Talatang 21: “At binigyan Ko siya ng panahon upang makapagsisi; at siya’y ayaw magsisi sa kaniyang pakikiapid.”
Dito’y sinasabi sa atin na yaong ang laman na hindi tumanggap sa Banal na Espiritu ay di-nakikilala at maririnig ang tinig ng Banal na Espiritu. Ito ay kung bakit ang babaeng huwad na propeta ay di-makapagsisi sa kanyang pakikiapid. Sanhi nito, siya’y nahagupit ng tabak ng Banal na espiritu at napahamak ang laman at espiritu.
Sa tunay na iglesia ng Diyos, yaong lamang nananalig sa Salita ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ang makapagtatatag bilang mga lingkod ng Diyos. Yaong di-nananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, kahit pa gaano ang kagalingan ng isang pastor, ay di-maaaring maging tapat na mga pinuno na mag-aakay ng mga anak ng Diyos tungo sa Kanya. Samakatuwid dapat nating makilala ang mga huwad na propeta at palayasin sila sa ating mga iglesia. Sa pamamagitan lang nito maaaring matirang buhay ang iglesia ng Diyos sa lahat ng mga panlilinlang ni satanas at espirituwal na makasunod sa Kanya.
 
Talatang 22: “Narito, Akin siyang iniraratay sa higaan, at ang mga nakikiapid sa kaniya sa malaking kapighatian, maliban na kung sila’y magsisipagsisi sa kaniyang mga gawa.”
Sinasabi ng talatang ito sa atin na kung ang isang lingkod ng Diyos ay di-mababatid at mabunyag ang mga sinungaling, ang Diyos mismo ang maghahanap sa mga nakikiapid at itatapon sila sa matinding kapahamakan. Ang mga hinirang at mga lingkod ng Diyos ay dapat malaman na ang Diyos mismo ang nagpapanatili sa Kanyang mga iglesia na malinis at inaakay sila sa tamang daan.
Walang lugar para sa mga huwad na propeta sa tunay na iglesia ng Diyos. Kung mayroong mga huwad na propeta, hahanapin mismo sila ng Diyos at hahatulan. Kapag ang kalituhan ay dumating sa iglesia ng Diyos sa pamamagitan nitong mga huwad na iglesia, tiyak na paparusuhan sila ng Diyos sa pamamagitan ng matinding kapighatian.
 
Talatang 23: “At papatayin Ko ng salot ang kaniyang mga anak; at malalaman ng lahat ng mga iglesia na Ako’y yaong sumasaliksik ng mga pagiisip at ng mga puso: at bibigyan Ko ang bawa’t isa sa inyo ng ayon sa inyong mga gawa.”
Pinalalayas ng Diyos ang mga huwad na propeta mula sa Kanyang iglesia, upang malaman ng lahat ng Kanyang binabantayan ang Kanyang sariling iglesia. Malalaman na mga hinirang na kinakalinga ng Diyos ang kanilang iglesia at ginagantimpalaan Niya ang kanilang mga gawang mabuti sa pananampalataya.
 
Talatang 24: “Datapuwa’t sinasabi Ko sa inyo, sa mga iba na nasa Tiatira, sa lahat ng walang aral na ito, na hindi nakakaalam ng malalalim na bagay ni satanas, gaya ng sinasabi nila; hindi na ako magpapasan sa inyo ng ibang pasan.”
Ibig sabihin na yaong naging mga hinirang na ng Diyos dahil sa pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay dapat manatili sa kanilang pananampalataya hanggang sa katapusan ng mundo. Yaong mga nananalig sa ebanghelyong ito at wala ng ibang paraan kundi mamuhay sa pag-iisa ng kanilang mga puso sa iglesia at mga hinirang ng Diyos at pagtatanggol sa kanilang pananampalataya hanggang sa huli. Ang tunay na iglesia ng Diyos ay hindi lamang dapat na laging ipangaral ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, kundi’y kailangan din ibunyag ang mga sinungaling sa pananampalataya sa ebanghelyong ito.
 
Talatang 25: “Gayon ma’y ang nasa inyo’y panghawakan ninyong matibay hanggang sa ako’y pumariyan.”
Ang mga mananampalataya’y hindi dapat maglaho ang kanilang pananampalataya sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu at manatili rito hanggang sa araw ng pagbabalik ng ating Panginoon. Mayroong matinding kapangyarihan at kapamahalaan sa kanilang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu na higit na sapat na magtatagumpay kay satanas. Ang mga hinirang ay makakapagbigay lugod sa Diyos sa pamamagitan nitong pananampalataya. Kung ang mananampalataya’y nabubuhay sa kanilang pananampalataya sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu at nanatili sa tunay na iglesia ng Diyos, magtatagumpay sila kahit sa mga huling araw.
 
Talatang 26: “At ang magtagumpay, at tumupad ng Aking mga gawa hanggang sa katapusan, ay bibigyan Ko ng kapamahalaan sa mga bansa:”
Ang mga hinirang ay maaaring magtagumpay sa lahat ng kanilang mga kaaway sa pamamagitan ng pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritung binigay ng Diyos sa kanila. Ang digmaan ng pananampalatayang ito ay isang labanan na magbibigay lagi sa atin ng tagumpay. Lahat ng mga hinirang samakatuwid ay dapat lumaban kay anticristo at handang maging martir sa mga huling araw, at resulta nito, sila’y bibigyan ng kapangyarihang maghari kasama ang Panginoon.
 
Talatang 27: “At sila’y paghaharian Niya sa pamamagitan ng isang panghampas na bakal, gaya ng pagkadurog ng mga sisidlang lupa ng magpapalyok; gaya naman ng tinanggap ko sa aking Ama:”
Ibibigay ng Panginoon sa mga martir na hinirang ang Kanyang kapangyarihang maghari. Yaong magtagumpay ay maghahari na may kapangyarihang, tulad ng inilalarawan ng talata, kasing-lakas ng panghampas na bakal na pandurog ng mga sisidlang palayok.
 
Talatang 28: “At sa kaniya’y ibibigay Ko ang tala sa umaga.”
Yaong lumaban sa mga kaaway dahil sa pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay bibigyan ng pagpapala ng pagkabatid ng katotohanan ng Salita ng Diyos.
 
Talatang 29: “Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia.”
Lahat ng mga hinirang ay makakapakinig ng tinig ng Banal na Espiritu nagmula sa iglesia ng Diyos, dahil ang Espiritu’y nagsasalita sa lahat ng mga hinirang sa pamamagitan ng mga lingkod ng Diyos. Ang mga hinirang ay dapat makilala ang kanilang naririnig sa pamamagitan ng iglesia ng Diyos bilang Kanyang tinig.