(Apocalipsis 2:18-29)
Ang Iglesia ng Tiatira ay naglingkod sa mga gawain ng Diyos nang may pag-ibig, pananampalataya, at pagtitiis, at ang kanyang mga gawa ay bumubuti sa paglipas ng panahon. Ngunit kasabay nito, ito ang iglesia na pestehin ng isang masamang babaeng propeta. Ang kanyang mga maling gawa, ang kanyang mga miyembro ay nalinlang nitong di-nagsising huwad na propetang babae na makiapid at sumamba sa diyos-diyosan. Ang Panginoon samakatuwid ay kinailanganan ang Iglesia ng Tiatira na magsisi at manatili sa kanyang unang pananampalataya hanggang sa huli. Pinangako rin ng Diyos na yaong nagtanggol ng kanilang pananampalataya hanggang sa huli, Kanyang ibibigay ang kapngyarihan sa mga bansa at ang bituin sa umaga.
Ang Baal ni Jezebel
Si Jezebel ay isang Hentil na prinsesang nagdala ng kanyang paganong diyus-diyosan, si Baal, sa Israel nang siya’y maging asawa ni haring Ahab (I Hari 16:31). Si Baal ay isang diyos na pagano ng araw, isang rebulto ng Finisia na sinasamba ng mga tao upang magkaroon ng kasaganaan. Ang mga imahen ng diyus-diyosang ito ay inukit at sinamba, kung saan ang kanyang mga tagasunod ay dumalangin para ang kanilang pamilya’y magkaanak at yumabong ang lupain. Ito’y katulad din sa pangkalahatang nakagawian ng pagano sa pagsamba sa lupa at kalikasang matatagpuan sa buong mundo. Halimbawa, ang pagharap sa isang bathala sa ibabaw ng isang malaking bato at sambahin ito na parang isang diyos ay karaniwang paganong gawain ng pagsamba sa mga kalikasan. Ang gayong relihiyong gawain at pananalig ay ginagawa ng mga sumusunod sa panteismo.
Sa pagsimula nitong paganong relihiyon ni Jezebel, si Baal ay naging isang dakilang diyus-diyosan para sa mamamayan ng Israel. Si haring Ahab, na dating sumasamba lang sa tunay na Diyos na si Yahweh, ay sumamba kay Baal dahil sa kanyang Hentil na asawang babae. Maraming mga Israelita ang sumunod sa kanyang mga yapak, tinalikuran ang kanilang tunay na Diyos at sa halip ay sumamba sa diyus-diyosang si Baal. Samakatuwid nagdala sila sa kanilang mga sarili ng poot ng Diyos.
Sinaway ng Diyos ang lingkod ng Iglesia ng Tiatira sa pagpapahintulot sa pananalig ng huwad na propetang si Jezebel sa Iglesia. Inutos kay Jezebel at kanyang mga tagasunod na magsisi, binalaan ng Diyos na kanyang padadala ang matinding kapighatian at kapahamakan sa kanila kung sila’y susuway.
Ibig sabihin na ang tunay na iglesia ng Diyos ay di-hahayaan ang kayamanan at mga materyal na pag-aari na nangingibabaw sa kanyang mga alalahanin. Ibig sabihin na ang ngayong mga mananampalataya ay di-maaaring sambahin ang mundo bilang kanilang diyos, tulad ng pagsamba ng mga Israelita kay Baal, ang diyos ng araw, para sa pagyabong at sa kasaganaan.
Sa 3 Juan 1:3 ay sinasabi, “Sapagka’t ako’y totoong nagalak nang magsidating ang mga kapatid at mangagpatotoo sa iyong katotohanan, ayon sa paglakad mo sa katotohanan.” Kung ating titignan ang pananampalataya ni Apostol Juan, makikita natin na ang kanyang unang binigyang-pansin ay ang espirituwal na kasaganaan. Ang kasaganaan para sa lahat ng ibang bagay ay susunod, hindi – mauuna, ang mahalaga kay Juan ay ang kasaganaan ng kaluluwa. Paano, kung gayon, nagbago ang pananampalatayang ito? Ito’y nasira sa isang pananampalataya na hanap ay mga pagpapala lamang ng laman, inilalagay ang makalupang kasaganaan sa pangunguna ng pananampalataya at pagwalang-bahala sa ibang mga malasakit para sa kanilang espirituwal na katauhan. Maraming nananalig kay Jesus hindi upang pagyamanin ang kanilang mga kaluluwa, kundi upang pagyamanin lang ang kanilang laman.
Maraming mga kultong relihiyon sa ating palibot, parang lasong gamot, umaangking nagbibigay yaman at kalusugan sa kanilang mga tagasunod bilang kapalit ng kanilang pagsamba. Ang pagsamba kay Baal ni Jezebel ay katulad nito. Ang mga tao’y sumusunod sa mga kultong ito upang hangarin lang ang yaman at pagyabong ng kanilang sariling laman.
Sa ngayong iglesia ng mga isinilang na muli, ang iba’y maaaring matungo na pagbigyan ang pananampalataya ni Jezebel upang palawakin ang kanilang kongregasyon. Ngunit ang kaniyang lohika ay kauri ng pagkakaroon ng mga imahen sa Templo ng Diyos.
Dinala ni Jezebel ang paganong dios na si Baal hindi lang sa Israel kundi maging sa mismong Templo ni Yahweh. Itong uri ng pananampalataya na habol ay kasaganaan ng laman at mga makamundong pakinabang habang nananatiling di-alintana ang katubusan ng kasalanan kay Jesus ay maling pananampalatayang tulad ng pagsamba sa mga diyus-diyosan sa paningin mismo ng Diyos.
Ang iglesia ngayon sa buong mundo ay nangangaral mula sa Juan 1:29, “Lahat ng iyong mga kasalanan ay natapos na, dahil inalis ni Jesus ang mga ito sa Krus.” Ang bautismo ni Jesus ay naging isang kasangkapan lang, inaangkin ang kaligtasan ay makakamit lang sa pamamagitan ng paniniwala lang kay Jesus, kahit hindi manalig sa Kanyang bautismo. Ngunit ang bautismo na tinanggap ni Cristo kay Juan, ang bautismong Kanyang pagkuha ng lahat ng kasalanan ng mundo, ay hindi isang bagay na pagpipilian lang upang tayo’y maaaring di-makatuwiran mapasama o hindi. Ang pagkilala at pangangaral ng bautismo ni Jesus bilang isang animo’y kasangkapan ng ebanghelyo ay katulad ng pagsamba kay Baal.
Bakit, kung gayon, ang mga taong ito’y pinangangaral ang ebanghelyo nang wala ang bautismo ni Jesus? Dahil ang kanilang pag-asa’y makikita hindi sa Kaharian ng Diyos, kundi sa kanilang makamundong yaman sa mundong ito. Ang taong may ganitong pananampalataya ay tiyak na katulad ng mga sumasamba sa paganong diyos na si Baal.
Ang mga, nananalig na sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, ngayo’y ipinangangaral lang ang dugo sa Krus, ay dapat malaman na sila’y nagkakasalang malubha tulad ng pagsamba kay Baal.
Walang sinuman ang makapagtuturo ng wasto sa pamamagitan ng pagtatalaga ng kanilang hangarin sa mga materyal na pakinabang nitong mundo. Kung ang mga pastor ay iiwanan ang bautismo ni Jesus at ipangangaral ang dugo lang ni Jesus sa Krus, maaari silang makaipon ng mga makamundong pakinabang nitong mundo. Ngunit dapat nilang malaman na hindi tunay ang gayong pananampalataya, ni ang pangangaral ay tunay na pangangaral.
Kung titignan ang talata sa apocalipsis, makikita natin na ang pinuno ng Iglesia ng Tiatira ay sumasamba kay Baal sa kanyang iglesia, tulad ni Jezebel na sumasamba kay Baal.
Kung ang tao’y di-nananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, kung gayon ang Banal na espiritu ay di-maaaring manahan sa kanilang mga puso ni kikilos para sa kanila. Tulad ng sinasabi ng Apostol Pablo sa atin, “datapuwa’t ang sinoma’y walang Espiritu ni Cristo, siya’y hindi sa Kaniya,” kung siya ma’y o hindi anak ng Diyos ay malalaman sa pamamagitan ng kung ang Espiritu ni Cristo’y nasa kanyang puso. Sinasabi ng Biblia sa atin na yaong hindi-taglay ang Espiritu ni Cristo ay iniwanan.
Yaong Nakakaalam at Nangangaral ng Bautismo ni Jesus
Yaong nananalig sa bautismo (tubig) ni Jesus, kung saan Kanyang kinuha lahat ng kasalanan ng mundo, at sa Kanyang dugo sa Krus, sa gayon ang Banal na Espiritu ay mananahan sa kanyang puso.
Ngunit ang di-nananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu kahit pa siya patayin bilang martir kay Jesus, hindi ito tunay na pagmamartir, kundi pagtangka lang na itatag ang kanyang sariling katuwiran. Ang ibang tao, ay nananalig lang sa dugo sa Krus, pumupunta sa pinakamalayong sulok ng mundo upang ipangaral ang ebanghelyo, ginugugol ang kanilang buong buhay nakaalay sa misyon, at kung minsan ang maging martir para sa kanilang pananampalataya.
Napukaw dahil sa pag-ibig ni Cristo, ang tao’y maaaring maging martir kahit pa sila’y nananalig lang sa dugo ni Cristo sa Krus. Tulad ng sinasabi sa atin ng Mateo 7:23, anong kabutihan ba nito kung ang Panginoon mismo ay tumatangging kilalanin lahat ng kanilang mga gawa at sakripisyo? Hindi mahalaga kung gaano ang sigasig at katapatan ang pagkalat nila sa ebanghelyo – tulad, halimbawa, ang ginawa ng mga misyoneryo ng Mormon. Dahil hindi nila ipinangangaral ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, ang kanilang pananampalataya at lahat ng mga pagsisikap ay walang-saysay.
Sinaway ng Diyos ang lingkod ng Iglesia ng Tiatira dahil pinayagan niya ang pananampalataya ng mga tagasunod ni Jezebel na umusbong sa Iglesia at pinahuntulutan ang kanilang paglago. Maraming mga pinuno ng relihiyon ngayon ang tulad nito, naghahanap ng malilinlang na mga kaluluwa. Sa kapanganakan ni Cristo, kanyang pagkabuhay na muli, at Kanyang pag-akyat sa Langit – sa lahat ng mga ito, ang tunay na iglesia ng Diyos ay dapat taglay ang tamang pananampalataya at ikalat ang tamang pananampalataya at ikalat ang tamang ebanghelyo. Kung hindi ang kanilang pananampalataya ay walang-saysay.
Inaangkin ng mga huwad na propeta na upang naligtas, sapat na ang maniwala lang sa dugo ni Cristo sa Krus nang di-nalalaman ang kahalagahan ng bautismo ni Cristo. Dahil iniwan nila ang katotohanan ng tubig, ang Kristiyanismo’y nadungisan at naging isa sa mga maraming relihiyon ng sanlibutan. Ito ay kung bakit ang Kristiyanismo ngayon ay hindi na makapagdadala ng kaligtasan sa lahat ng tao ng sanlibutan.
Kung wala ang bautismo ni Jesus at Kanyang dugo sa Krus, ang Kristiyanismo ay naging isang relihiyon lamang na iginigiit ang mga tuntunin at mga ugali ng sanlibutan. Sa Europa at Amerika, kung saan karamihan ng populasyon ay mga Kristiyano, mga relihiyong taga-silangan ang ngayo’y naging tangay. Bakit? Dahil ang gayong relihiyong nakasanayan ay di-makapaghuhugas ng mga kasalanan at makapagbibigay ng tunay na pananampalataya sa Diyos, kaya’t maraming tao ang naakit ng mga mapaghimalang kalikasan ng mga silangang relihiyon at inaakalang nakapag-aalay sila ng higit na mga alternatibo sa mga relihiyong taga-kanluran. Ngunit ang Kristiyanismo’y hindi isang kanluran o isang silangang relihiyon.
Ito na ang oras para sa atin na isaalang-alang muli ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu at ang kalagayan ng Kristiyanismo ngayon. Dapat nating itanong at bulay-bulayin kung bakit ang katotohanan ng Kristiyanismo ay nadungisan ng kung ano siya ngayon, at kung bakit ang Kristiyanismo ngayo’y naging walang-halaga at nakayayamot sa paningin ng maraming tao. Ang sagot ay masusumpungan sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Ang pananalig kay Jesus nang di-nalalaman ang ebanghelyo ng tubig at ng espiritu ay tulad ng pagsamba kay Baal sa paningin mismo ng Diyos. Ang pinakamalubhang kasamaan sa harap ng Diyos ay ang pagtangging manalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu bilang katotohanan ng tunay na kaligtasan.
Ang Kristiyano ngayo’y maakit hindi dahil sa kagandahan ng ebanghelyo ng tubig at ng espiritu, kundi dahil sa kagandahan ng sanlibutan. Ang mga pitong iglesia sa Asia ay naglilingkod sa Panginoon sa pamamagitan ng pananalig sa bautismo ni Jesus at Kanyang dugo sa Krus. Subalit, tulad ng pinakita sa Biblia, sila rin, sa ibang bahagi sila’y sumusuko sa sanlibutan, ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay unti-unting nailalayo, at sa kanyang kinalalagyan ay dumating ng lubos sa mga puso ng tao.
Anong mangyayari kung ang iglesia ay di-pinangangaral ang katotohanan ng kaligtasan, ang ebanghelyo ng pagsilang muli sa tubig at sa Espiritu, at sa halip ay ipinangangaral lang ang dugo sa Krus? Binanggit ko ang katanungang ito dahil kahit ang iglesia ng Diyos, kung ang habol ay sanlibutan, di- maglao’y madudungisan ng sanlibutan, at di-maglaon ay magsisimulang angkinin na wasto ang maging mangmang sa bautismo ni Jesus upang maligtas. Ito ay kung bakit ako’y nagsusuring muli at iginigiit ang mahalagang puntos na ito sa pamamagitan ng salita ng Diyos.
Ang Kaibhan ng Ebanghelyo ng Bautismo ni Jesus at Ang Ebanghelyong wala ang Kanyang Bautismo
Ikaw at ako, natamo ang paghuhugas ng lahat ng ating mga kasalanan dahil sa pananalig sa benaghelyo ng tubig at ng Espiritu. Ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ito ay ang katotohanan ng Panginoon, habang ang bautismo ni Jesus, Kanyang dugo sa Krus, at ang Banal na Espiritu ay ang mga katibayan ng ating kaligtasan.
Sinasabi ng 1 Juan 5:5-7 at 1 Pedro 3:21 na ang “tubig”—bautismo, ay ang tatak ng ating kaligtasan, at ito rin ang Salita ng kaligtasang makikita sa Mateo 3:15 kung saan inalis ni Jesus lahat ng mga kasalanan ng sangkatauhan sa pamamagitan ng Kanyang bautismo. Kung ganito ang kahalagahan ng bautismo ni Jesus, paano mag-aakay sa atin tungo sa kabuuan at ganap na kaligtasan ang pagwawalang-bahala sa bautismo ni Cristo at ang pangangaral lang sa dugo ni Cristo? Yaong mga napalaya sa kasalanan ay dapat magbigay ng malinaw na daan tungo sa ikaliligtas dahil sa pananalig sa salita. Dapat nilang paalalahanan ang kanilang mga sarili ng paulit-ulit upang ang daang ito ay lalong luminaw.
Kung ang isa’y di-makapaglalagay ng malinaw na linya ng hangganan para sa kanyang kaligtasan, ibig sabihin lamang na ang taong ito ay hindi pa naliligtas. Isang kamaliang isipin na ang ating kalayaan sa kasalanan ay isa lamang paunang yugto ng ating pananampalataya. Ang kalayaan sa kasalanan ay hindi yugto ng espirituwal na patotoo, kundi ito ang pinaka-pundasyon ng ating pananampalataya, ang pinakamahalagang yugto sa pagtatayo ng ating tahanan ng pananampalataya ay sa bato.
Hindi rin natin dapat akalain na ang isyu ng kaligtasan ay para lamang itong isang bagay na “doktrinang paniniwala” ng iba’t-ibang denominasyon. Ang mga doktrina’y maaaring may kaibhan sa mga iba-ibang denominasyon, ngunit ang doktrina ng Biblia, ang katotohanang inalis ni Jesus lahat ng ating mga kasalanan sa Kanyang bautismo, walang pagkakaiba mula sa pananampalataya hanggang sa pananampalataya. Ito ay kung bakit hindi natin maaaring iwan ang kahalagahan ng bautismo kapag ating ipinangangaral ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu.
Hindi natin maiiwan ang bautismo ni Cristo at ipangaral lang si Cristo bilang “ang Kordero ng Diyos na nag-aalis ng kasalanan ng sanlibutan,” o ipangaral na ang tao’y maliligtas sa pamamagitan ng pananalig lang sa dugo sa Krus. Dapat nating tanggapin ang paghuhugas ng ating mga kasalanan sa pamamagitan ng pananalig sa bautismo ni Jesucristo at Kanyang dugo sa Krus. Paanong maglalaho ang lahat ng kanyang mga kasalanan dahil lang sa pananalig sa dugo ni Cristo sa Krus ngunit di-nananalig sa Kanyang bautismo? Kapag ang tao ay nanalig sa dugo sa Krus, maglalaho ba ang mga kasalanan sa kanilang budhi? Hindi?
Sa pamamagitan ng Biblia, nagpatunay si Jesus para sa katuwiran ng Diyos, sa aking mga kasalanan, at kanilang kahatulan. Ang tunay na pananampalatayang dapat makamit natin ay ang pananampalataya sa tunay na kaalaman sa testamento ni Cristo. Anong ibig sabihin ko sa tunay na kaalaman? Ibig kong sabihin ay ang pagkakaroon ng malinaw na kaunawaan kung ano ang ating mga kasalanang hahatulan ng Diyos, ano ang Kanyang katuwiran, at anong uri ng pananampalataya na may kaparusahan sa Diyos. Tanging ang kaalaman sa mga ito ang tunay na pananampalataya ay sisibol mula sa ating tunay na kaalaman.
Kung, sa pangangaral ng ebanghelyo, iniwan natin ang bautismo ni Jesus o ang Kanyang dugo sa Krus, kung gayon ang ating ipinangangaral ay hindi ang ebanghelyo ng tubig at ng espiritu. Kung ating ituturing ang katotohanan ng Diyos sa ating sariling mga maka-taong kayarian, at ipinangangaral na ang sinuman ay magiging walang kasalanan dahil lang sa paniniwala kay Jesus, kung gayon ang mga nangangaral at yaong nakikinig ng lahat ay mananatiling mga makasalanan. Ang kaibhan ng pagitan ng kung ating ipinangangaral ang bautismo ni Jesus o hindi ay magdudulot ng buong kaibhan sa pagliligtas sa mga kaluluwa.
Kung ating titignan ang pananampalataya ng mga apostol, makikita natin na hindi lamang nila ipinangangaral ang dugo sa Krus. Silang lahat ay nananalig sa bautismo ni Jesus at Kanyang dugo sa Krus bilang isang gawa ng kaligtasan. Iginigiit na inalis ni Jesus ang lahat ng ating mga kasalanan sa Krus na di-nananalig sa Kanya na kinuha ang mga ito sa pamamagitan ng Kanyang bautismo ay hindi lang di-makatwiran sa makataong pangangatwiran, ito’y hindi rin angkop sa katotohanan ng tubig at ng Espiritu. Yaong nanalig sa gayong kalahating – ebanghelyo ay di-mapapalaya sa kanilang mga kasalanan.
Ang mga Gawain ng Nangangaral ng Ebanghelyo
Sa Biblia ang mga espirituwal na mga nagpapareha ay yaong nangangaral ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Ang mga nagpapareha ng espirituwal na kaligtasan ay dapat mamagitan sa Panginoon at Kanyang pakakasalan. Ang unang bagay na dapat nilang gawin ay pangangaral sa mga makasalanan kung ano ang ginawa ng Panginoon sa kanila. Dapat nilang ituro sa kanila na si Jesus ay binautismuhan upang kuhanin Niya ang kanilang mga kasalanan, at Siya’y nahatulan sa lahat ng mga kasalanang ito sa Krus. Dapat din nilang malirip na may katiyakan kung ang mga babaeng ikakasal ay naniniwala dito o hindi, at kapag ang mga babaeng ikakasal ay nanalig, kung gayon ang layon ng mga nagpapareha ay natupad.
Upang makamit ito, napakahalaga para sa mga nagpapareha na ipaliwanag sa mga babaeng ikakasal kung sino ang lalake at ano ang kanyang ginawa para sa kanila, upang ang mga babae ay madaling maunawaan ito. Kapag ang mga puso ng mga babae ay nabatid ang ginawa ng lalakeng ikakasal, sa gayon dapat ituro ng nagpapareha sa kanila ang katotohanang inalis ng lalake ang kanilang mga kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang tubig at dugo.
Kapag tinanggap ng mga babae ang lahat ng mga bagay na ginawa ng lalakeng ikakasal sa kanila, sa gayo’y tatawagin silang mga babaeng ikakasal kay Cristo. Yaong mga naging babaeng ikakasal kay Jesucristo ay dapat mabatid na binili sila ng lalaki sa pamamagitan ng pantubos ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Dapat nilang mabatid, upang sila’y maging kanya, nilinis ng lalaki ang lahat ng kanilang mga kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang tubig at dugo, naging kasing-puti ng niyebe, at tinanggap sila bilang Kanyang mga babaeng pakakasalan.
Saka lamang makapagbibigay galang at pagkilala ang mga babaeng ikakasal sa lalaki magpakailanman. Ang mga tumanggap ng katubusan sa lahat ng kanilang mga kasalanan ay ang mga matuwid, ang mga matuwid ay walang kasalanan, at ang mga walang kasalanan, ay ang mga babaeng pakakasalan ni Jesucristo. Kapag ang mga babae ay may gayong pananampalataya, maaari silang ikasal sa lalaki, at matatanggap ng lalaki sila sa Kanyang mga bisig. At tulad niyaon, tanging ang mga nagpapareha ang nakapaghanda sa mga babaeng ikakasal sa pamamagitan ng Salita ng katotohanan ay maaari nilang iayos ng ganap ang kanilang kasalan.
Upang magwagi, ang mga nagpapahera ng kaligtasang espirituwal ay dapat malaman kung anong uri ng mga babae ang nais ng lalaking ikakasal. Si Jesus na ating pakakasalang lalaki ay walang kasalanan. Siya’y banal. Ito ang dahilan kung bakit nais ni Jesus na ang babaeng ikakasal ay walang bahid. At ito ay kung bakit ang mga nagpapareha ay ginagamit ang mga gawa ng lalaking ikakasal upang linisin at pagandahin ang mga babaeng pakakasalan. Ang pagpapaganda sa mga babae ay nangangahulugan na sila’y ihaharap lamang sa lalaki matapos ganap na maalis ang kanilang mga kasalanan sa pamamagitan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritung tinupad ng lalaking ikakasal. Kung sila’y dadalhin ss Kanya na ang kanilang kasalanan ay di-lubos na nalinis, hindi sila tatanggapin ng lalaking ikakasal, dahil nais Niya na ang mga babae’y ganap na walang kasalanan. Ang mga lingkod ng Diyos na gumagawa ng layuning ito ay ang mga nagpapareha ng kaligtasang espirituwal.
Samakatuwid, ang mga lingkod, ay dapat patuloy na ihanda ang mga babae para sa kanilang espirituwal na kaligtasan. Kasabay nito, dapat din nating mabatid na sa Kristiyanismo ngayon marami ang mga nagpapareha ng laman na nagsasamantala at kinukuwartahan para sa kanilang mga materyal na pakinabang kahit saan. Ang mga nagpapareha sa laman na ito ay hahaagupitin ni Jesucristo at ang mga tinanggihang babae. Hindi tayo dapat maging mga nagpapareha ng laman.
Nalalaman ang kalaliman ni satanas
Kahit pa sa mga lingkod at bayan ng Diyos, marami ang hindi nakakaalam ng lalim ng mga panlilinlang ni satanas. Marami ang di-nakababatid kung gaano ang pagsusumikap ni satanas na tisurin tayo. Lubos na maraming mga lingkod ng Diyos ang nabigong malaman kung paano binago at dinungisan ni satanas ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, at kung paano niya nilinlang ang mga mananampalataya sa pagsunod sa kanyang maling pananampalataya. Sanhi nito, maraming mananampalataya ni Jesus ay nahantong sa isang madungis na ebanghelyo sa halip na sa tunay na ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, at ang kanilang mga kaluluwa, salungat sa nais ng Diyos, ay nawasak din.
Sinasabi ng Diyos sa atin, “Huwag mong sundan ang doktrina ni Jezebel. Mataimtim na manalig at ipangaral ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu hanggang sa aking pagbabalik. Aking kang bibigyan kapamahalaan sa mga bansa.” Ngayon yaong nadaya ng pananampalataya ni Jezebel, sinasabi rin ng Diyos sa atin, Kanya silang itatapon sa kapighatian at manghuwad silang muli.
Kapag dumating na ang panahon ng pagbabalik ni Cristo, makikita natin ang mga nanalig at nangaral ng kaligtasan sa pamamagitan lang ng dugo ni Jesus na ipinagkanulo ang kanilang pananampalataya. Ang mga taong ito ay mahilig na ipagyabang ang kanilang pananampalataya, laging dama ang mapagmataas sa iba na ang pananampalataya ay iba sa kanila. Ngunit maibubukod at maitatangi ng Diyos sa pagitan ng kanilang pananampalataya at pananampalataya ng mga nanalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu: “At ang magtagumpay, at tumupad ng aking mga gawa hanggang sa katapusan, ay bibigyan ko ng kapamahalaan sa mga bansa – ‘At sila’y paghaharian niya sa pamamagitan ng isang panghampas na bakal, gaya ng pagkadurog ng mga sisidlang lupang magpapalayok’ – gaya naman ng tinanggap Ko sa Aking Ama.”
Kapag nagbalik ang ating Panginoon dito sa mundo, maraming mga Kristiyano ang nakikipagkita sa Panginoon nang di isinisilang na muli. Dahil hindi sila nanalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, sasalubong sila sa Panginoon na may mga kasalanan sa kanilang mga puso. Ngunit yaong ang mga puso’y napatawad sa kanilang mga kasalanan dahil sa pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, ay magbabago ang anyo sa pagdating ng Panginoon, at maghaharing kasama Siya. Tulad ng sinasabi rito, ang kapangyarihan ng Panginoon at Kanyang bayan ay tulad ng kapangyarihan ng isang pamalong bakal na pandurog sa isang sisidlan ng magpapalayok.
Ang Diyos ay nakatitiyak na ibibigay ang pamamahala sa mga bayan sa mga nagtanggol sa kanilang pananampalataya sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu hanggang sa huli. Sinasabi ng Panginoon sa atin na ang kapanggarihang ito ay siya ring kapangyarihang Kanyang tinanggap mula sa Ama. Dapat tayong lumaban at magtagumpay laban sa mga huwad na propetang tulad ni Jezebel at Balaam, upang tayo’y walang hanggang maghari sa kapangyarihang ito sa pamamahala sa mga bansa na ibinigay ng Panginoon sa atin.
Ang Malinaw na Kaligtasan ng Katotohanan!
Upang ilgtas ang mga makasalanan, ang Panginoon ay kailangang pumarito sa mundo, at upang alisin ang lahat ng mga kasalanan ng sangkatauhan, kailangan Siyang bautismuhan ni Juan. Dahil ang Panginoon ay binautismuhan upang alisin ang ating mga kasalanan, Kanyang pinasan ang mga kasalanang ito sa Krus, namatay, at nabuhay muli. Ginawa Niya ang mga makatwirang gawang ito para sa atin, sapagka’t hindi na Niya kayang tignan ang sangkatauhang patuloy sa paggawa at paghihirap sa kanilang mga kasalanan. Ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay ang katotohanang magpapalaya sa iyo sa lahat ng iyong mga kasalanan.
At ang ating Panginoon ay magiging Tagapagligtas sa lahat ng mga nananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Dahil ang Panginoon ay dapat bautismuhan ni Juan, magbubunga Siya sa kamangha-manghang resultang pinatotoo sa Juan 1:29 at Juan 19:30, “Narito, ang Cordero ng Dios, na nagaalis ng kasalanan ng sanglibutan!” at “Naganap na!” Sila na may pagtiwala sa kanilang katubusan sa pamamagitan nitong Salita ng Diyos ay may kakayahang magkaroon ng malakas na pananampalataya sa Kanya dahil alam nilang si Jesus ang kumalinga sa lahat ng kanilang mga kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang bautismo. Dapat tayong matapat na tignan ang ating mga puso, dahil kung hindi tayo nananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, ang ating mga kasalanan ay mananatiling nakakulong sa ating mga puso.
Kung ating titignang mabuti ang mga puso ng mga nagwawalang-bahala sa bautismo ni Jesus at nananalig lang sa Kanyang dugo sa Krus, makikita natin ang pananatili ng kasalanan sa kanilang mga puso’y di-maitatanggi. Dapat tayong magtuon sa bautismo ni Jesus sa pamamagitan ni Juan Bautista at lalong lubos na manalig dito, dahil hindi tayo maaaring magbawas o magdagdag ng ating mga kaisipan sa Salita ng Diyos. Labanan nating lahat ang mga maling ebanghelyo, dahil maaaring wasakin ang pananampalataya ng mga nananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu.
Si Jesus mismo ay nagsabi sa atin, “Kayo’y mangagingat at magsipangilag sa lebadura ng mga Fariseo.” Ang “lebadura” ay hindi tumutukoy sa uri ng ginagamit sa paggawa ng mga alak o tinapay, kundi ang ebanghelyong di-naglalaman ng bautismo ni Jesus. Dapat nating malaman at manalig sa katotohanang pinasan ni Jesus ang mga kasalanan ng sanlibutan sa Krus sa pagkuha Niya mismo ng mga ito sa Kanyang bautismo, at Siya’y naging ating tunay na Tagapagligtas sa pamamagitan ng pagpako sa Krus at pagkabuhay na muli.
Sa kanyang bahagi, tinanggap ni Jesus lahat ng mga kasalanan ng mundo sa pamamagitan ng Kanyang bautismo ni Juan, at ginawa Niya itong maglaho sa pamamagitan ng Kanyang dugo sa Krus. Ngunit sa panig ng tao, dahil hindi sila nanalig sa bautismo ni Jesus, patuloy na mananatili ang kanilang mga kasalanan. Ang di-pananalig sa katotohanang binautismuhan ni Juan si Jesus upang ilagay ang lahat ng mga kasalanan ng mundo sa Kanya, ang kanilang mga kasalanan ay di-maaalis. Ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay ang ebanghelyo ng kapangyarihang maglilinis ng lahat ng ating mga kasalanan at gagawing kasingputi ng niyebe kapag tayo’y naniwala sa bautismo ni Jesus at ang Kanyang dugo sa Krus.
Tayo’y Maging mga Mananagumpay
Mula sa pangunahing talatang ito, nakita natin ang sinabi ng Salita ng Diyos sa Iglesia ng Tiatira. Pinangako ng Diyos sa lingkod ng Iglesia ng Tiatira na Kanyang bibigyan ng kapamahalaan sa mga bansa. Bawat hinirang na isinilang na muli’y nabubuhay sa isang espirituwal na pakikipaglaban. Dapat tayong laging magtagumpay sa espirituwal na pakikipaglabang ito sa pamamagitan ng ating pananampalataya sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Ang espirituwal na pakikipaglabang ito ay nagsimula agad nang manalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu.
Yaong nanalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay dapat talunin si satanas sa kanilang pakikipaglaban sa kanya. Ang iba sa atin ay lumalaban kay satanas at magtatagumpay sa mga huwad na ebanghelyo hanggang sa pinaka-araw na haharap sila sa Diyos. Ang mga nagtagumpay ay nananalig na inalis ng ating Panginoon lahat ng ating mga kasalanan sa pamamagitan ng pagparito sa mundo, pagbautismo, kamatayan sa Krus, at pagkabuhay na muli. Anuman ang sabihin ng iba, hindi sila urong-sulong sa kanilang pananampalataya na ang lugar ng paglilinis sa kanilang mga kasalanan ay sa Ilog ng Jordan, at ang lahat ng kasalanan ay inilipat kay Kesus sa pamamagitan ng bautismong Kanyang tinanggap mula kay Juan.
Iniutos ng Panginoon sa atin na makipaglaban at magtagumpay kay satanas. Ang ating laman ay maaaring maghirap ng husto at mamahinga kung minsan, ngunit ang ating pananampalataya sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay di-matatalo sa kanyang pakikipaglaban sa mga huwad na ebanghelyo.
Sinasabi ng Panginoon sa atin, “Kayo’y magsipasok sa makipot na pintuan, sapagka’t maluwang ang pintuan, at malapad ang daang patunog sa pagkapahamak, at maram ang doo’y nagsisipasok. Sapagka’t makipot ang pintuan, at makitid ang daang patungo sa buhay, at kakaunti ang nangakakasumpong noon” (Mateo 7:13-14). Ang propetang si Elias ng Lumang Tipan ay lumaban at nanalo laban sa mahigit na 850 pari ni Baal.
Sinabi rin ni Apostol Pablo na wala ng ibang ebanghelyo kundi ang isa na kanyang ikinalat. Itong ebanghelyo ni Pablo ay wala ng iba kundi ang pananampalataya as bautismo ni Jesus at Kanyang dugo sa Krus. Yaong nananalig sa ebanghelyong ito, kahit pa mayroon silang mga pagkukulang kahit pa matapos isilang na muli, magpakailanman na walang kasalanan sa kanilang mga puso. Nilinis ng ating Panginoon lahat ng ating mga kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang tubig at tinanggap lahat ng hatol para sa kanila sa pamamagitan ng Kanyang dugo. Ang bautismo ni Jesus at Kanyang dugo sa Krus ay nagbigay ng walang hanggang katubusan sa mga nanalig.
Sa mga naligtas, nagbibigay ang Panginoon ng kapangyarihang ipagtanggol ang kanilang pananampalataya, upang lumaban at magtagumpay sa huli.