• All e-books and audiobooks on The New Life Mission website are free
  • Explore multilingual sermons in global languages
  • Two new revised editions in English have been released
  • Check out our website translated into 27 languages
Search

Sermons

Paksa 9: Mga Romano (Mga Komento sa Aklat ng Mga Roma)

[Kabanata 3-1] Liham sa Iglesia ng Sardis (Apocalipsis 3:1-6)

2021.04.13 91
(Apocalipsis 3:1-6)
“At sa anghel ng iglesia sa Sardis ay isulat mo: Ang mga bagay na ito ay sinasabi ng may pitong Espiritu ng Dios, at may pitong bituin: ‘Nalalaman Ko ang iyong mga gawa, na ikaw ay may pangalang ikaw ay nabubuhay, at ikaw ay patay. Magpuyat ka, at pagtibayin mo ang mga bagay na natitira, na malapit ng mamatay: sapagka’t wala Akong nasumpungang iyong mga gawang sakdal sa harapan ng Aking Dios. Alalahanin mo nga kung paanong iyong tinanggap at narinig; at ito’y tuparin mo, at magsisi ka. Kaya’t kung hindi ka magpupuyat ay paririyan Akong gaya ng magnanakaw, at hindi mo malalaman kung anong panahon paririyan Ako sa iyo. Nguni’t mayroon kang ilang pangalan sa Sardis na hindi nangagdumi ng kanilang mga damit: at sila’y kasama kong magsisilakad na may mga damit na maputi; sapagka’t sila’y karapatdapat. Ang magtagumpay ay daramtang gayon ng mga mapuputing damit; at hindi ko papawiin sa anomang paraan ang kaniyang pangalan sa aklat ng buhay, at ipahahayag ko ang kaniyang pangalan sa harapan ng Aking Ama, at sa harapan ng kaniyang mga anghel. Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia.’”
 
 
Masusing kapaliwanagan ng kasulatan
 
Talatang 1: “At sa anghel ng iglesia sa Sardis ay isulat mo: Ang mga bagay na ito ay sinasabi ng may pitong Espiritu ng Dios, at may pitong bituin: Nalalaman Ko ang iyong mga gawa, na ikaw ay may pangalang ikaw ay nabubuhay, at ikaw ay patay.”
Hawak ng Panginoon ang pitong Espiritu ng Diyos at ang mga pitong bituin. Ang Iglesia ng Sardis ay maraming mga pagkukulang sa kanyang buhay pananampalataya. Samakatuwid, pinaalalahanan ng Diyos ang Iglesia na mamuhay sa pamamagitan ng pananampalataya. Sinabi ng Diyos sa lingkod ng Iglesia ng Sardis, “ikaw ay may pangalang ikaw ay nabubuhay, at ikaw ay patay.” Sa pamamagitan nito, ibig sabihin ng Diyos na ang pananampalataya ng lingkod ng Iglesia ng Sardis ay patay sa lahat ng mga tunay na layunin.
 
Talatang 2: “Magpuyat ka, at pagtibayin mo ang mga bagay na natitira, na malapit ng mamatay: sapagka’t wala Akong nasumpungang iyong mga gawang sakdal sa harapan ng Aking Dios.”
Hindi na pinahihintulot ng Panginoon ang anghel ng Iglesia ng sardis na magpatuloy sa di-pagsampalataya. Kanyang sinaway itong Iglesia dahil ito’y namuhay nang walang lubos na pananalig sa Salita ng Diyos. Para sa mga hinirang na di-buong pusong namumuhay sa pananalig sa lahat ng nakasulat na Salita ng Diyos ay kauri ng pamumuhay sa kasalanan sa harapan ng Diyos.
Kahit pa sila’y mahihina, kung ang mga hinirang ay nabubuhay sa pamamagitan ng kanilang pananampalataya sa Salita ng Diyos, sila’y itataas sa harap ng Diyos at ng tao. Upang maging gayong mga hinirang na ang pananampalataya ay buo, dapat tayong mamuhay ng tapat na nananalig at sumusunod sa Salita ng Diyos na Siyang Gumawa sa mga hinirang na maging ganap.
 
Talatang 3: “Alalahanin mo nga kung paanong iyong tinanggap at narinig; at ito’y tuparin mo, at magsisi ka. Kaya’t kung hindi ka magpupuyat ay paririyan Akong gaya ng magnanakaw, at hindi mo malalaman kung anong panahon paririyan Ako sa iyo.”
Ang mga hinirang at mga lingkod ng Naunang Iglesia’y dapat magbigay ng di-masukat na mga sakripisyo upang marinig at mapanatili ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Samakatuwid sinabi ng Panginoon sa kanila na huwag hayaang maglaho ang kanilang pananampalataya sa mahalagang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, ang ebanghelyong kumuha ng maraming mga sakripisyo at kahit pa mga buhay upang sila’y tumanggap. Ang mga mananampalataya’y dapat ipakita ang kanilang pananampalataya at mga gawain sa Diyos sa pamamagitan ng pagtangan nitong ebanghelyo ng ganap na kaligtasan ng tubig at ng Espiritu.
Yaong mga naligtas ay dapat laging tandaan kung paano nila unang narinig at nanalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, namumuhay sa pagpapasalamat para sa biyaya ng kaligtasan. Ang mga hinirang na isinilang na muli at mga lingkod ay laging dapat manahan kung gaano kadakila at mapalad ang ebanghelyong kanilang tinanggap mula sa Panginoon. Kung hindi, sila’y tatayo sa lugar ng mga mangmang, hindi nalalaman kung kailan babalik ang Panginoon sa mundong ito.
 
Talatang 4: “Nguni’t mayroon kang ilang pangalan sa Sardis na hindi nangagdumi ng kanilang mga damit: at sila’y kasama kong magsisilakad na may mga damit na maputi; sapagka’t sila’y karapatdapat.”
Gayon pa man, sinasabi ng Panginoon sa atin dito na ang Iglesia ng Sardis ay mayroon pa ring mga iilang mananamapalataya na hindi dinudungisan ang kanilang mga damit, nanangan sa kanilang pananampalataya. Sinabi rin ng Panginoon na ang mga matatapat na hinirang na ito ay mamumuhay bilang mga lingkod ng Diyos, na Siyang nagdamit ng Kanyang Katuwiran, ay mamumuhay kasama ang Panginoon. Sila’y makalalakad kasama ang Panginoon dahil ang kanilang pananampalataya ay karapat-dapat na mamuhay kasama Siya.
Ang mga hinirang na ang pananampalataya ay sinang-ayunan ng Diyos ay sumusunod sa Panginoon saan man Niya gustong akayin sila. Ang katotohanang hindi nila dinungisan ang kanilang mga damit ay nangangahulugang hindi sumuko sa mga bagay ng sanlibutan, dahil sa pagtiwala sa salita ng Panginoon. Yaong mga nabihisan ng mga damit ng mga matuwid sa pamamagitan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu na binigay ng Panginoon ay nananatiling mataimtim sa Kanyang Salita at di-nakikiayon sa mundo. Naglalagay sila ng guhit, sa ibang pananalita, para mahiwalay sa mga bulaang ebanghelyo.
Ang mga binihisan ng damit na puti dahil sa pananalig sa ebanghelyo ng Panginoon ay nagpagal para sa Kanyang ebanghelyo at namuhay sa mundong ito kasama Siya. Ito ay kung bakit ang Panginoon ay laging nasa kanila, dahil sila’y laging sumusunod sa Kanya sa pamamagitan ng pananalig sa Kanyang Salita.
 
Talatang 5: “Ang magtagumpay ay daramtang gayon ng mga mapuputing damit; at hindi ko papawiin sa anomang paraan ang kaniyang pangalan sa aklat ng buhay, at ipahahayag ko ang kaniyang pangalan sa harapan ng aking Ama, at sa harapan ng kaniyang mga anghel.”
Ang mga nagtagumpay sa mundo dahil sa pananalig sa Salita ng Diyos ay walang hanggang mabubuhay, dinamitan ng katuwiran ng Diyos bilang Kanyang mga hinirang at naglilingkod sa mga gawain ng Panginoon. Sasang-ayunan din ng Panginoon ang kanilang pananampalataya at isusulat ang kanilang mga pangalan sa Aklat ng Buhay, at ang mga pangalang ito ay hindi buburahin magpakailanman.
Ang Salitang pangako na sinasabi ng Panginoon sa atin na yaong may tunay na pananampalataya ay tiyak na magtatagumpay sa kanilang pakikipaglaban sa pananampalataya laban sa mga kaaway ng Diyos. Ang mga mananagumpay sa pananampalataya ay bibigyan ng pagpapala kung saan ang kanilang mga pangalan ay di-aalisin mula sa Aklat ng Buhay magpakailanman. At ang kanilang mga pangalan ay masusulat din sa Bagong Jerusalem. “Ipapahayag Ko ang kanyang pangalan sa harapan ng Aking Ama at sa harapan ng Kaniyang mga anghel.” Ang ibig sabihin ng “ipapahayag” dito, ay sasang-ayunan ng Panginoon ang kanilang pananampalataya.
 
Talatang 6: “Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia.”
Yaong may tunay na pananampalataya ay laging nakikinig sa sinasabi ng Banal ng Espiritu sa kanila sa pamamagitan ng Kanyang mga iglesia. Tulad niyaon, namumuhay silang kasama ang Diyos, at patuloy na ginagabayan ng Banal na Espiritu.