(Apocalipsis 3:1-6)
Sinasabi ng talatang ito, “Ngunit mayroon kang ilang pangalan sa Sardis na hindi nangagdumi ng kanilang mga damit, at sila’y kasama Kong magsisilakad na may mga damit na maputi, sapagkat sila’y karapatdapat.” Ang lumakad sa “puti” ay nangangahulugang kanilang pinagtanggol ang kanilang pananampalataya sa katuwiran ng Diyos.
Lumalakad ang Diyos kasama ang mga nananatili sa dalisay ng kanilang pananampalataya. Hindi Niya sila iiwan, ngunit laging kasama at pinagpapala sila.
May mga matuwid sa mundong ito ang lumalakad ayon sa Banal na Espiritu. Isinulat ng Diyos ang kanilang mga pangalan sa Aklat ng Buhay at pinahintulutan sila ng walang hanggang buhay. Sa pamamagitan ng pagdamit sa mga matuwid ng puti at laging kasama nila, ginawa ng Diyos sa kanila na laging magtagumpay kay satanas sa kanilang pakikipaglaban sa kanya.
Upang Maging Isa sa mga Nagtatagumpay kay satanas
Upang maging isa sa mga magtatagumpay kay satanas, dapat muna tayong manalig sa Salita ng pagtutubos na binigay ng Panginoon sa atin. Tulad niyaon, tayo’y magbalik sa Salita at tignan kung paano niligtas tayo ng Panginoon sa pamamagitan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu.
Tayo’y magsimula sa Lukas 10:25-35, “At narito, ang isang tagapagtanggol ng kautusan ay nagtindig at siya’y tinutukso, na sinasabi, ‘Guro, anong aking gagawin upang magmana ng walang hanggang buhay?’ At sinabi Niya sa kaniya, ‘ano ang nasusulat sa kautusan? Ano ang nababasa mo?’ At pagsagot niya’y sinabi, ‘Iibigin mo ang Panginoon mong Dios ng buong puso mo, at ng buong kaluluwa mo, at ng buong lakas mo, at ng buong pagiisip mo; at ang iyong kapuwa na gaya ng iyong sarili.’ At sinabi Niya sa kaniya, ‘Matuwid ang sagot mo: gawin mo ito, at mabubuhay ka.’ Datapuwa’t siya, na ibig magaring-ganap sa kaniyang sarili, ay nagsabi kay Jesus, ‘At sino ang aking kapuwa tao?’ Sumagot si Jesus at sinabi, ‘Isang tao’y bumababa sa Jerico na mula sa Jerusalem; at siya’y nahulog sa kamay ng mga tulisan, na sa kaniya’y sumamsam at sa kaniya’y humampas, at nagsialis na siya’y iniwang halos patay na. At nagkataong bumababa sa daan yaon ang isang saserdote; at nang makita siya ay dumaan sa kanilang tabi. At sa gayon ding paraan ang isang Levita naman, nang dumating siya sa dakong yaon, at makita siya, ay dumaan sa kabilang tabi. Datapuwa’t ang isang Samaritano, sa kaniyang paglalakbay, ay dumating sa kinaroroonan niya: at nang siya’y makita niya, ay nagdalang habag. At lumapit sa kaniya, at tinalian ang kaniyang mga sugat, na binuhusan ng langit at alak, at siya’y isinakay sa kaniyang sariling hayop, at dinala siya sa bahay-tuluyan, at siya’y inalagaan. At nang kinabukasa’y dumukot siya ng dalawang denario, at ibinigay sa katiwala ng bahay-tuluyan, at sinabi, ‘Alagaan mo siya, at ang anomang magugol mong higit, ay aking pagbabayaran sa iyo pagbabalik ko.’”
Makikita natin sa talatang ito ang dalawang pangunahing tauhan si Jesus at ang isang abogado. Ang abogadong ito, upang ipagmalaki ang kanyang katapatan sa Kautusan, tinanong kay Jesus: “Guro, ano ang aking gagawin upang magkaroon ng buhay na walang hanggan?” Anong uri ng impresyon ang makukuha mo sa ganitong katanungan?
Ang abogadong nagtatanong ay nagkamali ng akala na kanyang matutupad ang Kautusan sa pagsunod nito sa literal na kapantayan. Ngunit binigay ng Diyos ang Kanyang Kautusan sa sangkatauhan upang ang tao ay makilala ang kanyang mga kasalanan sa kanilang mga puso. Ang Salita ng Diyos ay nangungusap at isinisiwalat ang mga kasalanan na pangunahin sa mga puso ng tao. Sa kanilang mga puso ay matatagpuan ang mga masasamang kaisipan, mga malaswang isipan, pumapatay na isipan, pagnanakaw, pagsisinungaling, pagkasira ng isip, at marami pa. Upang tukuyin ang mga kasalanan sa puso ng abogado, samakatuwid, nagtanong ang ating Panginoon, “Ano ang nakasulat sa Kautusan? Ano ang unawa?”
Nais ng ating Panginoon sa abogado na makilala ang pangunahing kasalanang nananahan sa kanyang puso. Ngunit ang hambog na tanong kay Jesus “anong aking gagawin upang magkaroon ng buhay na walang hanggan?” sa halip ang abogado ay nagmayabang sa kanyang sariling katuwiran. Sa kanyang mga pananalita, makikita natin ang isipan ng abogado: “Natupad ko ang Kautusan, at nakatitiyak ako na matutupad ko sa hinaharap.”
Ngunit dapat nating mabatid na ang Kautusang binigay ng Diyos ay ang Diyos lang mismo ang makakatupad, at walang iba pa, kahit ni isa, ang ganap na makatutupad ng Kanyang Kautusan. Samakatuwid, para sa isang tao na magsikap na tumupad sa Kautusan ng Diyos ay naipapakita lang ang kanyang kapangahasan at pagmamalaki sa harap ng Panginoon. Dapat lamang natin kilalanin na tayo’y mga makasalanan na hindi makatutupad sa Kautusan ng Diyos.
Para sa ating lahat, napakahalaga kung paano natin binabasa ang Salita ng Diyos. Kapag ating binabasa ang Salita ng Diyos, dapat nating basahin ng may kabatiran sa layon ng Diyos para sa atin. Kung atin babasahin ang Biblia ng walang pagkaunawang ito ng layon ng Panginoon, ang ating pananampalataya ay dadaloy sa kabilang direksyon ng Kanyang kalooban. Ito’y kung bakit napakarami ang iba’t ibang denominasyon, at kung bakit yaong ang pananampalataya ay kaisa sa Diyos ay madalas tinatanggihan.
Kapag yaong nanalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay nagbabasa ng Biblia, mauunawaan nila ng husto kung ano ang layon ng Diyos. Ngunit ang sinumang nagbabasa ng Biblia ng di-nananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritung binigay ng Diyos, kung gayon ito’y magdudulot ng malaking di-pagkakaunawaan, at sa gayong tao ay di-magkakaroon ng hustong biblikal na pananampalataya gaano man ang kanyang paghihirap sa pag-aaral ng Biblia.
Ano ang Sinasabi ng Kasulatan?
Nagpapatuloy tayo sa talata mula kay Lukas: “At sinabi Niya sa kaniya, ‘ano ang nasusulat sa kautusan? Ano ang nababasa mo?’ At pagsagot niya’y sinabi, ‘Iibigin mo ang Panginoon mong Dios ng buong puso mo, at ng buong kaluluwa mo, at ng buong lakas mo, at ng buong pagiisip mo; at ang iyong kapuwa na gaya ng iyong sarili.’”
Sa Roma 3:20 ay sinasabi, “Sa pamamagitan ng kautusan ay ang pagkakilala ng kasalanan.” Sinasabi rin ng Biblia sa atin, “Sapagkat ang lahat ng sa mga gawang ayon sa kautusan ay nasa ilalim ng kautusan” (Galacia 3:10).
Hindi lang tayo ginagawa ng Kautusan, tayong mga isinilang na makasalanan, upang maging lalong mga makasalanan, bagkus inihayag din ang mga pagkukulang ng ating mga gawa. Ito ay kung bakit “lahat na sa mga gawang ayon sa kautusan ay nasa ilalim ng kautusan.”
Sinasabi ng ibang tao na ang isa’y makapapasok sa langit kung siya’y nananalig sa Diyos at tumutupad ng gusto sa Kautusan, at dapat siyang magsumikap na tuparin ang Kautusan. Kaya ang mga taong ito, kahit pa sila nananalig kay Jesus, ginugugol ang kanilang buong buhay sa pagsisikap na tuparin ang Kautusan. Ngunit sa katotohanan sila’y nasa ilalim ng sumpa ng Kautusan. Ang mga di-naligtas sa kasalanan kahit pa sila nananalig kay Jesus ay walang kakayahang tumakas mula sa pagkakulong ng kanilang pananampalatayang nagsisikap na sundin ang Kautusan sa walang kabuluhan. Maaaring nananalig sila kay Jesus, ngunit nananatili silang makasalanan sa harap ng Diyos, at ang mga makasalanan sa harapan ng Diyos ay mahaharap lang sa nakatatakot na paghatol Niya. Ito ay kung bakit, na Siyang Diyos, naparito sa atin bilang ating Tagapagligtas at naging manunubos ng mga makasalanan. Upang maipaliwanag ng mabuti, sa ibang mga pananalita, inasikaso ni Jesus ang lahat ng ating mga kasalanan sa pamamagitan ng pagbautismo sa Ilog Jordan.
Alam mo ba na ang bautismo ay ang tanda ng kaligtasang naglinis ng lahat ng ating mga kasalanan? Ang bautismo ni Jesus ang tanging pamamaraang itinatag ng Diyos upang hugasan lahat ng ating mga kasalanan.
Sinasabi ng Biblia sa atin, sa Mateo 3:15, “Payagan mo ngayon, sapagkat ganyan ang nararapat sa atin, ang pagganap ng buong katuwiran.” Ang ibig sabihin ng salitang “sapagka’t ganyan” dito, sa kanyang orihinal na wika, “ang pinaka-angkop na angkop,” o “pinaka karapat-dapat.” Sa ibang salita, ito ang pinakaangkop at karapat-dapat na pag-alis ni Jesus ng lahat ng ating mga kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang pagbautismo ni Juan. Ang bautismo ni Jesucristo, sa madaling salita, kinalinga ang lahat ng ating mga kasalanan. Pinalaya tayo ni Jesucristo mula sa ating mga kasalanan sa pamamagitan ng pagbautismo at kamatayan sa Krus. Kapag nalalaman ng tao ang tiyak na katotohanan at lumaban sa mga kasinungalingan, tatawagin sila ng Diyos bilang yaong nagtagumpay.
Sino ang Dapat Kalabanin ng Mga Isinilang na Muli?
Ang isinilang na muli ay dapat lumaban at magtagumpay sa mga legalismo. Sa relihiyosong mga salita, ang mga lider ng Kautusan at waring mabuti, ngunit sa kalooban sila’y mga naghahamon laban sa Diyos. Samakatuwid ang kanilang mga salita, habang sila ay waring mga banal, sa katotohana’y mga salita ni Satanas na nananatili ang kanilang mga tagasunod sa ilalim ng sumpa ng kasalanan. Ito ay bakit ang mga hinirang ay dapat lumaban at magtagumpay sa mga relihiyosong ito.
Ang mga relihiyoso ay umaangkin na ang kaligtasa’y nagmumula sa pananalig kay Jesus, ngunit kanila ring inaangkin na ang isa’y makapapasok sa Langit kapag siya’y namumuhay ng may kabanalan sa harap ng Kautusan. Ang gayon bang pananampalataya ay matatawag bilang pananampalatayang mag-aakay sa ikaliligtas? Hindi!
Kaya, ang Panginoon ay gumamit ng isang talinhaga upang liwanagin ang legalista at tayo sa bagay na ito. Ang kuwento ay ganito: Isang tao ang patungong Jericho mula Jerusalem ay sinalakay ng mga magnanakaw binugbog at iniwan siyang walang-malay. Isang saserdote ang napadaan, at nadatnan itong taong nabugbog. Ngunit hindi siya tinulungan ng saserdote, at sa halip ay dumaan sa kabilang dako. Isa pang tao, ngayo’y isang Levita, nakita ang biktima, ngunit siya rin, nagkukunwaring hindi naririnig ang daing ng kawawang lalaki humihingi ng tulong at simpleng iniwasan siya.
Pagkatapos, dumating ang ikatlong lalaki, isang Samaritano. Hindi tulad ng sesardote o ang Levita, tinalian ng Samaritano ang kanyang mga sugat, binuhusan ng langis at alak, at siya’y isinakay sa kanyang sariling hayop, at siya’y inalagaan. Binigyan pa ng salapi ang katiwala ng bahay-tuluyan, sinabing, “Alagaan mo siya, ako’y babalik, anumang magugol mong higit para sa kanyang kagalingan, ay aking pagbabayaran sa iyo pagbalik ko. Kaya’t gawin ang anuman upang matulungan siya.”
Sino sa tatlong ito ang mabuti? Ang Samaritano. Ang Samaritanong ito ay tumutukoy kay Jesus. Ang nagligtas sa ating mga makasalanan ay hindi ang Kautusan ng Diyos, ni ang mga guro, ni mga pinuno, lalong hindi ang ating mga lakas, pagsisikap, o mga pangungumpisal. Tanging si Jesus lang ang naparito sa mundong ito upang hugasan ang ating mga kasalanan ang tunay na Tagapagligtas. Si Jesus ay “ganyan (Mateo 3:15)” ngang pinalaya lahat ng mga makasalanan. Ang bautismo ni Jesus at Kanyang dugo sa Krus ay ang tanda ng kaligtasan ng makasalanan (1 Pedro 3:21). Lahat ng mga makasalanan sa mundong ito ay naligtas sa pamamagitan ng bautismo at Krus ni Jesus. Ang mga nanalig sa bautismo ni Jesus sa Ilog ng Jordan at Kanyang dugo sa Krus bilang kanilang kaligtasan ay buong ganap na lumaya sa lahat ng kanilang mga kasalanan.
Binigyan tayo ni Jesus ng kalakasang lumaban at magtagumpay sa mga maling doktrina ng di-katotohanan. Kapag inaangkin ng tao, “Nananalig kami kay Jesus, ngunit kung iyong sinusunod ang Kautusan ng Diyos at ang iyong mga gawa ay mabubuti, kung gayon ika’y mapapalaya sa lahat ng iyong mga kasalanan,” pinakikita lang nila ang kanilang pagkasuwail at pagkalat ng mga kasinungalingan. Kung magdadagdag ka o magbabawas ng anuman sa katotohanan ng ating kaligtasan kay Jesus, kung gayon hindi na ito katotohanan pa. Binigyan tayo ni Jesus ng kalakasan upang lumaban at magtagumpay sa gayong mga maling doktrina ng di-katotohanan.
Ang mga pinuno ngayon ng Kautusan ay nagsasalita ng malalakas sa harapan ng tao, parang sila’y mga mabuting taga-sunod ng Kautusan. Ngunit kadalasan nating nasasaksihan na hindi nila nagagawa ang kanilang mga sinasabi kapag sila’y nahaharap sa isang sitwasyon kung saan, bagama’t mahirap, gayon pa man dapat nilang tuparin ang mga kahilingan ng Kautusan sa kanila. Nabatid mismo na bagama’t gusto nilang gumawa ng mabubuti sa kanilang mga puso, hindi nila ito magagawa dahil sa kahinaan ng kanilang laman. Sa paglilihim ng kanilang mga kahinaan at pagkubli ng kanilang mga sarili sa mga ralihiyong seremonya, nililinlang nila ang iba at dinadagdagan ang gayon pa ring pabigat.
Bilang saserdote at Levita ayon sa nabasang talata, ang mga legalista ngayon ay may mga dalawang pamantayan sa pagpapalampas sa kabilang panig sa tuwing ang kanilang pangako ay nangangailangan ng kanilang sakripisyo. Ito ang kawalan ng kapangyarihan ng tao sa harap ng Kautusan ng Diyos. Itinatago ito ng tao sa pamamagitan ng pagkubli nito ng isang magandang damit tinatawag na relihiyon. Ngunit lahat ng mga nagtatago sa sarili sa harapan ng Diyos ay di-maliligtas. Yaong lang kumikilala sa kanilang mga kasalanan sa pamamagitan ng paghahayag ng kanilang tunay na mga sarili sa pamamagitan ng sukat ng Kautusan ay maaaring lumaya mula sa lahat ng kanilang mga kasalanan dahil sa Salita ng katotohanan ng tubig at Espiritu.
Tanging si Jesus lang ang di-pinalalampas ang mga naghihingalong mga makasalanan at Siya lamang ang nagligtas sa kanila sa pamamagitan ng paghahanap at pagtatagpo sa kanila. Inilipat Niya lahat ng ating mga kasalanan sa Kanya sa pamamagitan ng pagbautismo sa Kanya, at Kanyang pinalaya ang mga nag-aagaw-buhay na mga makasalanan mula sa lahat sa lahat ng kanilang mga kasalanan sa pamamagitan ng pagbayad ng mga bayarin sa pamamagitan ng paghahandog ng Kanyang sariling katawan. Ganito kung paano si Jesus ay naging Tagapagligtas para sa lahat ng mga makasalanan.
Ang Mga Nagtagumpay ay Dadamitan ng Puti
Sinasabi ng talata rito na ang magtagumpay ay dadamitan ng puti. Ibig sabihin dapat nating labanan at magtagumpay sa mga sinungaling sa mundo ng Kristiyano. Kahit pa ako’y nagsasalita ngayon, ang mga sinungaling ito ay itinuturo sa tao na maniwala kay Jesus at mamuhay ng may kabutihan. Ang pamumuhay ng may kabutihan ay ang tamang gawin. Ngunit ang pangunahin, ang mga puso ng tao’y puno ng lahat ng uri ng mga karumihang mga bagay, mula sa pagpatay hanggang pangangalunya, pagnanakaw, at pagseselos; at ang pagsasabi sa mga taong ito na mamuhay ng may kabutihan, bagamat ang pagsabi nito ay wasto, ay katulad din ng pagkiling sa kanila sa isang relihiyon at sagkaan ang paghinga sa kamatayan. Ang pagsabi sa tao na ang mga kasalanan ay umaapaw hanggang sa kanilang lalamunan upang “mamuhay ng may kabutihan” ay pagtulak sa kanila sa kanilang pagwasak sa sarili.
Tulad niyaon, ang talagang kailangan nila ay ang tulungan silang mapalaya sa lahat ng kanilang mga kasalanan sa pamamagitan ng pagtuturo sa kanila ng katotohanan ng tubig at ng Espiritu na magliligtas sa kanila mula sa kanilang mga pangunahing kasalanan. Ito ang tamang aral, at pagkatapos ang aral na ito ay darating ang paghimok na mamuhay na may kabutihan sa Diyos. Ang pinakamahalagang unahin para sa mga hindi na kay Cristo bilang mga kasalanan ay ang pagtuturo sa kanila paano maging matuwid sa pamamagitan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu.
Ang Pagkawasak ng Kristiyanismo Tungo sa Isang Makamundong Relihiyon
Hindi tayo dapat nadadapa sa mga makamundong relihiyon. Tanging sa pakikipaglaban at pagtagumpay sa mga makamundong relihiyong naghahasik ng kasinungalingan ang makapapasok sa Langit. Dahil tayo’y walang kakayahang sundin ang kautusan ng Diyos, kailangan natin ang biyaya ng kaligtasang binigay ni Jesus sa atin, at tanging sa pananalig lang sa biyayang ito maaari nating matatagpuan ang Panginoon.
Ngunit marami sa Kristiyanismo, bagama’t naniniwala sila kay Jesus, ay nahihila patungong impiyerno, nalinlang at naligaw ng mga nagkakalat ng kasinungalingan. Sila’y nalinlang dahil sa mapang-akit na haka-haka na ang tao’y dapat maging mabuti. Ngunit dahil tayo’y likas na isinilang sa kasalanan, hindi tayo maaaring maging mabuti gaano man ang pagsisikap. Dahil dito, maliligtas lamang tayo sa pamamagitan ng pananalig sa ebanghelyo ng katotohanan na iniligtas tayo ni Jesus sa pamamagitan ng Kanyang tubig at Espiritu. Maaari tayong mamamuhay ng bagong buhay kung atin lamang kikilanin na tayo’y naging walang kasalanan dahil sa pananalig sa katotohanang ito.
Ang mga Fariseo sa Biblia at karamihan sa mga Kristiyano ngayon na hindi nalinis ang kanilang mga kasalanan dahil sa di-pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay magkakatulad—silang lahat ay mga erehe. Ang mga Fariseo ay naniniwala sa Diyos, ang pagkabuhay ng mga kaluluwa, at ang buhay matapos ang kamatayan tulad ng nakatala sa Kautusan. Ngunit hindi sila nanalig kay Jesus bilang kanilang Mesias. Dagdag nito, kanilang niyurak at pinagwalang-bahala ang bautismo ni Cristo at Kanyang dugo sa Krus.
Ngayon, maraming mga Kristiyano ang tulad niyaong mga Fariseo. Sila’y may posibilidad na magbigay ng higit na pagkilala sa mga doktrina kaysa sa Biblia mismo. Ito ay kung bakit maraming mga erehe ang walang katapusang naglilitawan ngayon. Sa Tito 3:10-11, nagsabi ang Diyos sa atin ukol ssmga erehe, “Ang taong may maling pananampalataya pagkatapos nang una at ikalawang pagsaway ay itakuwil mo. Yamang nalalaman mo na ang gayon ay napahamak, at nagkakasala at siya’y hinahatulan ng kaniyang sarili.” Ang kabilang sa mga erehe’y nagtitiwala, naniniwala, at sumusunod sa kanilang mga relihiyong pinuno kaysa sa Biblia at resulta nito, silang lahat ay wawasakin.
Ngayon gaya ng dati, maraming mga huwad na propeta ang naglilitawan sa mundong ito. Sa pamamagitan ng pangunahing talata, sinabi nga ng Diyos sa atin na ang bawat isa’y dapat lumaban at magtagumpay sa mga huwad na propetang ito. At Kanya ring sinabi na yaon lang nagtagumpay ang dadamitan ng mga damit ng Katuwiran.
Sa Lukas 18 ay matatagpuan “ang talinghaga ng Fariseo at ang maniningil ng buwis.” Ang Fariseo ay pumunta ng Templo, itinaas ang kanyang mga kamay, at mayabang na nanalangin: “O Diyos, dalawang beses sa isang lingo akong mag-ayuno at ibinibigay ko ang ikapu ng lahat ng aking kinita.” Ang publikano, sa kabilang dako, ni hindi maitaas ang kanyang ulo sa dalangin: “O Diyos, hindi ko magawa ang kanyang nagagawa. Ako’y makasalanan na maraming mga pagkukulang, hindi makapag-ayuno ng dalawang beses at hindi makapagbigay ng ikapu. Hindi lang po iyon, aking nilinlang din ang tao, ninakawan sila, at nakagawa ng mga maraming kasamaan. Ako’y isang taong walang halaga. Maawa po Kayo sa akin, O Diyos. Maawa po kayo at iligtas po Ninyo ako.”
Sinasabi ng Biblia sa atin na ang maniningil ng buwis ang pinawalang-sala ng Diyos sa halip na Fariseo. Ito’y pinakita ng mabuti sa katanungang, “Sino ang posibleng mapatawad sa kanyang kasalanan?” Walang iba kundi yaong nakakilala sa kanilang mga sariling pagkukulang. Yaong nakakaalam na sila’y mga makasalanan, ang mga kaluluwang nakababatid na sila’y walang-dudang patungong impiyerno kung saan ang Kautusan o ang matuwid na hatol ng Diyos ay ipapataw sa kanila—ito ang mga nagkamit ng kaligtasan galing kay Jesus.
Nakatala sa Mateo 3:15 ang sinabi ni Jesus bago Siya bautismuhan. “Sapagka’t ganyan” sa talatang ito ay nangangahulugan na ang bautismo ni Jesus ang pinaka-nararapat na paraan upang iligtas ang mga makasalanan—ito ay, pagliligtas sa kanila sa pamamagitan ng paghalo ng kanilang mga kasalanan dahil sa bautismo ni Jesus, inilipat ang lahat ng kasalanan sa Kanya.
Naniniwala ka ba sa katotohanang “ganyan” ngang iniligtas ka ni Jesus sa iyong mga kasalanan? Kinuha ng Panginoong ang lahat ng ating mga kasalanan nang “ganyan” nga Siyang bautismuhan. Kanyang pinasan ang lahat ng mga kasalanan ng sanlibutan sa Krus at binayaran lahat ng mga kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang sariling dugo. Dapat kang manalig ukol dito sa kaligtasan ng iyong kaluluwa. Kapag ika’y nanalig dito, ang iyong kaluluwa’y tinubos, at ika’y isinilang na muli bilang isang anak ng Diyos.
Ngunit marami sa mundong ito ang nagkakaila sa katotohanang ito ng tubig at ng Espiritu, ang ebanghelyo ng kaligtasan. Ito’y kung bakit dapat tayong makibaka sa mga espirituwal na labanan. Hindi ko sinasabi na lalo tayong gumagawa ng mga maling asal upang makilala ang ating kasalanan, ngunit upang mabihisan ng biyaya ng Diyos sa pamamagitan ng pagkilala sa ating mga sarili bilang isang tao na patungong impiyerno at espirituwal na mahahatulan. Dapat mong tanggapin ang katotohanang si Jesus ay ang iyong Tagapagligtas. Ang bawat isang nagnanais na maligtas ay dapat manalig sa pagtutubos ni Jesus ang Siyang kumuha ng lahat ng ating mga kasalanan at nahatulan alang-alang sa atin. Sa gayon lamang wala ng matitirang kasalanan sa puso ninuman.
Mayroon bang kasalanan sa iyong puso ngayon? Ang mga nag-iisip na may kasalanan sa kanilang mga puso ay dapat malaman muna ang Kautusan ng Diyos. Sa pamamagitan ng Kautusan ng Diyos, ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan. Kung mayroon kang kasalanan, kung gayon dapat kang mamatay. Kung mamamatay ka ng hindi natutubos ang iyong mga kasalanan, ika’y mahahatulan at madadala sa impiyerno. Dahil ang bawat isa sa mundong ito’y walang magagawa kundi ang magkasala, bawat isa’y di-maiiwasang hindi matungong impiyerno dahil sa Kautusan ng Diyos. Ito’y kung bakit ang Diyos ay nahabag sa atin, niligtas tayo sa pamamagitan ng pagsugo ng Kanyang bugtong na Anak na si Jesucristo sa mundong ito, sa Kanya ngang “ganyan (Mateo 3:15)” kinuha lahat ng mga kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang bautismo sa Ilog Jordan, at ang hatol sa Kanya sa Krus alang-alang sa atin—lahat upang tayo’y maipadala sa Langit.
Hindi tayo maliligtas dahil sa atin mga mabubuting gawa. Ang tao’y maaring may iba’t-ibang yugto ng pagka-hipokrito, ngunit bawa’t isa’y hipokrito pa rin, at wala ni isa ang ganap na magiging mabuti. Samakatuwid, ang tao’y buong ganap na mapapalaya sa kanilang mga kasalanan lamang kapag sila’y napatawad sa lahat ng kanilang mga kasalanan sa pamamagitan ng pananalig sa kaligtasan ng pagtubos ni Cristo. Ito ang sentro ng katotohanan ng Biblia.
Inilalarawan kung ano siya bago makilala ang Panginoon, nagtapat si Pablo, “Sapagka’t ang mabuti na aking ibig, ay hindi ko ginagawa; nguni’t ang masama na hindi ko ibig, ay siya kong ginagawa” (Roma 7:19). Bakit ganito si Pablo? Dahil ang sangkatauhan ay walang kakayahan sa paggawa ng mabuti. Bawa’t isa’y nalalaman na ang paggawa ng mabuti ay ang wastong gawin, ngunit wala ni isa ang likas na nakagawa ng gayon. Ito’y isang bagay na may lubos na pagkakaiba sa antas at sukat mula sa mga nasa ng laman na maging ang mga matuwid ay mayroon. Ito’y kung bakit ang tao’y maliligtas lamang sa pamamagitan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritung binigay ng Panginoon sa kanila.
Paanong ang Diyos na matuwid at banal matatanggap ang gayong marurumi at masasamang nilalang tulad natin? Niligtas at niyakap tayo ng Diyos dahil sa ating Panginoong Jesus. Kanyang kinuha lahat ng mga kasalanan ng sangkatauhan sa pamamagitan ng Kanyang bautismo ni Juan, ang Mataas na Saserdote ng sangkatauhan, pinasan ang mga kasalanang ito sa Krus, at nahatulan alang-alang sa atin. Naniniwala ka ba kay Jesus? Ang pananalig kay Jesus ay pananalig sa Kanyang ginawa para sa atin.
Ang Paraang Tumayo sa Harap ng Diyos
Si Cain at si Abel ay isinilang mula kay Adan at Eba, ang unang magulang ng sangkatauhan. Nang si Adan at Eba’y nagkasala, ang Diyos ay nagkatay ng isang hayop at dinamitan sila ng balat nito. Itinuturo rito ang dalawang kautusan ng Diyos sa sangkatauhan. Isa ay ang kautusan ng katarungan ng Diyos, kung saan “ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan, at ang isa ay ang Kanyang kautusan ng pag-ibig, kung saan ang mga pag-aalay ang ginagamit upang takpan ang nakahihiyang mga kasalanan ng mga makasalanan. Si Adan at Eba, nilinlang ni satanas, nagkasala sa Diyos. Paano man sila nagkasala sa Diyos. Paano man sila nagkasala, kailangan silang mamatay dahil ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan sa harapan ng Kautusan ng Diyos. Ngunit sa halip ay pumatay ang Diyos ng hayop at dinamtan sila ng balat nito. Ito ang anino ng simbolo ng darating na pag-aalay ng pagsisisi.
Matapos silang magkasala, si Adan at Si Eba ay nagtahi ng mga dahon ng igos at ginawang mga pantakip nila. Ngunit ang mga dahon na ito’y di-nagtatagal natutuyo sa araw, nasisira at nalalaglag sa kanilang pagkilos, at sanhi nito’y hindi natatakpan ang kanilang mga kadungisan. Kaya alang-alang kay Adan at Eba na nagtatangkang takpan ang kanilang kahihiyan sa pamamagitan ng mga dahon ng igos sa walang-saysay, pumatay ang Diyos ng isang hayop. Gumawa ng damit yari sa balat, at dinamtan sila. Sa pamamagitan ng pag-aalay ng handog, sa ibang pananalita, tinakpan ng Diyos ang lahat ng kahihiyan ng mga makasalanan.
Dito’y ipinakikita sa atin ang pag-ibig ng Diyos para sa atin at ang Kanyang makatuwirang kaligtasan. Nabatid nina Adan at Eba na pinatay ng Diyos ang hayop sa halip na sila, at Siya mismo ang nagtakip ng lahat ng kanilang kahihiyan at iniligtas sila. At kanilang isinalin nga ang pananampalatayang ito sa kanilang mga anak.
Si Adan ay may dalawang anak na lalaki, si Cain at si Abel. Si Cain, ang panganay, naghandog sa Diyos ng bunga ng kanyang sariling pagsisiskap at lakas bilang kanyang mga alay, habang ang alay ni Abel ay isang kinatay na kordero ayon sa kautusan ng pagbibigay-puri sa Diyos. Alin ang tinanggap ng Diyos? Ang mga alay na ito ay ang isa sa susi ng palatandaan na mga pangyayari ng Lumang Tipan na pinakikita ang kaibhan sa pagitan ng alay ng pananampalataya at ang alay ng kaisipan ng tao. Sinasabi ng Biblia sa atin na hindi tinanggap ng Diyos ang handog ni Cain ng bunga ng lupain at ng kanyang pawis at pagal, sa halip ay tinanggap ang handog ni Abel ng panganay ng kanyang kawan at ang kanilang taba.
“At nagdala rin naman si Abel ng mga panganay ng kaniyang kawan at ng mga taba ng mga yaon. At nilingap ng Panginoon si Abel at ang kaniyang handog,” sinabi ng Bilia. Tinanggap ng Diyos ang handog ni Abel at ang kanyang alay na may galak. Mula sa Salitang ito, mababasa natin kung ano ang nais ng puso ng Diyos mula sa atin.
Paano tayo tatanggapin ng Diyos? Araw-araw tayo’y nagkukulang sa Kanya; paano tayo makatatayo sa harap ng Diyos? May isang paraan lang upang tayo’y makalalapit sa Diyos, isang paraan lang ang itinakda ng Diyos para sa atin. Wala ng iba kundi sa pamamagitan ng “paghahandog” —hindi ang alay ng ating “mga gawa,” ngunit ang handog ng ating “pananampalataya.” Ito ang tinatanggap ng Diyos.
Anong pananampalataya ang isinalin ni Adan at Eba sa kanilang mga anak? Ito ang pananampalataya ng “mga damit ng balat.” Ito ang pananampalatayang nananalig sa pagbibigay-puri sa pamamagitan ng pag-aalay ng handog. Ngayon, ito ang pananampalataya sa ebanghelyo ng tubig at dugo ni Jesus: “Nananalig ako na ang lahat ng aking mga kasalanan ay inalis sa pamamagitan ng bautismo at dugo ni Jesus, at Siya’y nahatulan alang-alang sa akin. Ibinibigay ko ang pananampalatayang ito bilang aking handog. Naniniwala akong kinuha na ng Panginoon ang lahat ng aking mga kasalanan nang Siya’y bautismuhan. Naniniwala ako na lahat ng aking mga kasalanan ay inilipat kay Jesus. Tulad ng pinangako ng Diyos sa Lumang Tipan, ginawa ni Jesus ako’y walang kasalanan sa pamamagitan ng pag-aalay sa Kordero at pagkamatay para sa akin. Naniniwala ako sa kaligtasang ito.”
Kapag tayo’y humaharap sa Diyos, nananalig na iniligtas nga tayo ng Panginoon, tinatanggap ng Diyos ang pananampalatang ito at niyayakap tayo. Bakit? Dahil lang sa Kanyang “pag-aalay ng handog,” at walang kasalanan at matuwid sa harap ng Diyos.
Tinanggap tayo ng Diyos dahil binigay natin sa Kanya ang handog ng ating pananampalatayang nananalig kay Jesus bilang ating Tagapagligtas. Nang tanggapin ng Diyos ang alay ni Jesus, sa ibang pananalita, tayo rin ay Kanyang tinanggap kay Cristo. Ang dahilan ay dahil ang lahat ng ating mga kasalanan ay nailipat sa handog. Dahil ang hatol para sa ating mga kasalanan. Ito ang katarungan ng Diyos at Kanyang katuwiran. Ito rin ang pag-ibig ng Diyos at Kanyang ganap na kaligtasan.
Tayo, Rin, Ihahandog Ang Pananampalataya ni Abel
Sinabi sa atin ng Biblia na galak na tinanggap ng Diyos ang handog na pananampalataya ni Abel. Ano kung gayon, ang handog na pananampalatayang Tinanggap ng Diyos mula sa atin ngayon? Nang tayo’y nanalig sa ating mga puso na si Jesus ang ating Panginoon, at Kanyang kinuha lahat ng atin mga kasalanan at nahatulan para sa atin, at kapag ating ibibigay ang pananampalatayang ito sa Diyos, tatanggapin tayo ng Diyos sa pamamagitan ng handog ng pananampalatayang ito. Gaano man hindi umabot ang ating mga gawa, dahil ang ating mga kasalanan ay naisalin kay Jesus, at dahil si Jesus ay nahatulan alang-alang sa atin, nakita ng Diyos ang ating mga kasalanan sa Kanyang Anak, hindi sa atin. Samakatuwid inilipat ng Diyos lahat ng ating mga kasalanan sa Kanyang anak, hinatulan Siya sa halip na tayo, Siya’y binuhay na muli sa ikatlong araw, at iniluklok Siya sa Kanyang kanang makay.
Niligtas ng Diyos ang lahat ng naniniwala rito. Tinanggap Niya ang ating handog ng pananampalataya. Kung wala si Jesucristo, hindi tayo makatatayo sa harap ng Diyos. Ngunit dahil si Jesus ay naging ating tiyak na Tagapagligtas, makalalapit tayo sa Diyos sa pamamagitan ng handog na pananampalatayang ito, at dahil sa handog na ito, matatanggap tayo ng Diyos. Ang atin bang pananampalataya sa katotohanang ito ay buo? Oo!
Tayo nga’y naging wala ng kasalanan. Dahil ang ating mga kasalanan ay isinalin kay Jesus, binihisan tayo ng Diyos, naging walang kasalanan, sa mga puting damit. Ginawa Niya tayong matuwid! Tulad ng pinangako ng Panginoon sa atin, “Ang magtagumpay ay daramtang gayon ng mga mapuputing damit; at hindi ko papawiin sa anomang paraan ang kaniyang pangalan sa Aklat ng Buhay.” Kanyang ipapahayag ang ating mga pangalan sa harapan ng Kaniyang mga anghel.
Tinanggap ng Diyos ang handog ni Abel. At Kanya ring tinanggap si Abel. Ngunit ang Diyos ay hindi tumatanggap ng handog na hindi buo. Kaya hindi tinanggap ng Diyos si Cain at ang kanyang handog. Bakit hindi tinanggap ng Diyos si Cain at ang kanyang handog? Hindi Niya tinanggap ito dahil ang handog ni Cain ay hindi handog ng buhay na inihanda ng dugo ng pagbabayad-puri. Sinabi ng Biblia sa atin na ibinigay ni Cain ang mga bunga ng lupain, ang bunga ng kanyang sariling pagsisikap, bilang kanyang handog. Sa simpleng pananalita, inihandog niya ang kanyang mga tanim. Ito ay maaaring mga pakwan, mais, o patatas, o ano man, walang dudang lahat ay malilinis at inihandang mabuti. Ngunit di-tinanggap ng Diyos ang ganitong uri ng handog.
Ang handog ni Cain ay may mahalagang kahulugan na dapat maunawaan ng Kristiyano ngayon upang maligtas. Ngunit sa mundong ito iilan lang talaga ang nakaaalam ng puso ng Diyos, dahil marami sa kanila ang walang ideya, ni maging sa kanilang mga panaginip, animo’y kanilang ibinigay ang handog ni Cain sa Diyos.
Ang sinumang humarap sa Diyos, kailangan muna niyang kilalanin ang sarili siya’y mamamatay at patungong impiyerno dahil sa kanyang mga kasalanan. Iyo bang kinikilala ito sa harap ng Diyos, na ika’y nahatulan at patungong impiyerno dahil sa iyong mga kasalanan? Kung hindi mo kikilanin ito, kung gayon hindi na kailangan sa iyo na manalig pa kay Jesus, dahil si Jesus ay ang Tagapagligtas ng mga makasalanan. Sinabi ng Panginoon sa atin, “Ang mga walang sakit ay di-nangangailangan ng manggagamot, ngunit yaong mga sakit lamang.” Ang ating Panginoon ay kailangan ng mga kaluluwang naghihirap sa ilalim ng alipin ng kasalanan, hindi ng mga hindi nakababatid ng kanilang mga sariling kasalanan at mga umaangking sila’y walang kasalanan gayong hindi pa sila isinilang na muli.
Bawa’t isa’y likas na makasalanan. Samakatuwid kailangang hatulan ng Diyos ang sangkatauhan, at ang sangkatauhan ay nakatalagang harapin itong hatol ng poot ng Diyos. Ikaw at ako, sa ibang salita, lahat ay nahatulan upang parusahan. Ngunit upang maiwasang mapunta tayo sa mpiyernong ito ng kapahamakan, inalis ng Panginoon lahat ng ating mga kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang bautismo sa Ilog Jordan at Tinanggap ang hatol ng Diyos alang-alang sa atin. Dahil dito, ganap na maililigtas tayo ng Panginoon sa harap ng Diyos. Samakatuwid, yaon lamang mga nagkasala sa Diyos at kinikilala ang kanilang mga sarili bilang mga makasalanan ay kailangang manalig sa Diyos, at sa kanila lang ang Diyos ay naging Tagapagligtas.
Pananampalatayang Nagbihis sa Atin ng Puting Damit ng Kaligtasan
Tulad ng sinabi ng Biblia sa atin, “Sapagka’t ang buhay ng laman ay nasa dugo,,” ang buhay ng tao ay nasa dugo rin. Dahil sa ating mga kasalanan, tayo’y dapat na mamatay. Bakit, kung gayon, namatay si Jesus sa Krus? Namatay si Jesus sa Krus dahil Kanyang kinuha lahat ng ating mga kasalanan, at, dahil ang kabayarang ng kasalanan ay kamatayan, nabuhos ang dugo ng buhay ni Jesus upang bayaran ang mga bayarin at namatay sa halip na tayo. Upang patunayan ang katotohanag ito, Siya’y napako, nabubo ang dugo at namatay sa Krus sa halip na tayo.
Tulad ng sinasabi ng Biblia sa atin, “Siya’y nasugatan dahil sa ating mga pagsalangsang, siya’y nabugbog dahil sa ating mga kasalanan,” si Jesus nga’y namatay dahil sa ating mga pagsalangsang at mga kasalanan. Ang Kanyang kamatayan, samakatuwid, ay ating kamatayan, at ang Kanyang pagkabuhay na muli ay ating pagkabuhay na muli. Naniniwala ka ba rito?
Si Jesus ay naparito sa mundong ito upang tayo’y maligtas sa mundong at nabautismuhan upang maglaho ang ating mga kasalanan. Si Jesus ay pinako rin. Nilibak Siya ng tao, ninakaw ang Kanyang mga damit, dinuraan Siya, at hinampas ang Kanyang mukha. Bakit si Jesus, na Diyos, ay naharap sa pagsampal at pagdura? Ang ating Panginoon ay hinamak dahil sa ating mga kasalanan.
Ang kamatayan at pagkabuhay na muli ng Panginoon, samakatuwid, ay ang kamatayan at pagkabuhay na muli ng bawat isa sa atin. Walang relihiyosong lider sa mundo ang nag-asikaso ng ating mga kasalanan. Hindi si Muhammed ni si Budda, kahit sinuman sa mundong ito ang nagbigay ng kanyang buhay para sa ating mga kasalanan.
Ngunit si Jesucristo, ang Anak ng Diyos, naparito sa mundong ito at kinuha ang ating mga kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang bautismo sa Ilog Jordan at tayo’y naging walang kasalanan. At upang mapalaya mula sa ating kamatayan, hatol, kapahamakan at sumpa, Kanyang binigay ang sariling buhay.
Samakatuwid, tulad ng sinabi ng Biblia sa atin, “Tayong lahat na mga nabautismuhan kay Cristo Jesus ay nangabautismuhan sa Kaniyang kamatayan,” ang ating pananampalataya ay dapat bihisan ng damit ng katuwiran, magbayad-puri para sa ating mga kasalanan, sa pamamagitan ng pananalig sa bautismo ni Jesus na nag-alis ng lahat ng ating mga kasalanan. Ang pananampalataya sa bautismo ni Jesus kung gayo’y kasama ang pananampalataya sa ating kamatayan at pagkabuhay na muli.
Tayo’y ginawang mga anak ng Diyos sa pamamagitan ng pagtingin sa pananampalatayang ito na angkin natin na mga nananalig sa Kanyang Anak. Ito ang pagtatanggap. Tinatanggap tayo ng Diyos sa pamamagitan ng pagtingin sa handog ng ating pananampalataya na ating ibinibigay sa Kanya. Hindi Niya tatanggapin dahil sa pagtingin sa ating mga gawa, ngunit tayo’y Kanyang tatanggapin bilang Kanyang mga anak dahil sa pagtingin sa ating pananampalataya sa Anak ng Diyos bilang Tagapagligtas ng lahat, pumasan ng ating mga kasalanan, nahatulan sa halip na tayo, at bumangong muli.
Ito, mga minamahal kong mga kapatid, ang tunay na pananampalataya. Tayo’y naligtas hindi dahil sa ating mga sariling gawa, ngunit tayo’y binihisan ng mga puting damit sa pamamagitan ng mga gawa ni Jesucristo. Walang gawa ng tao ang 100 persiyentong malinis. Upang ang ating mga puso’y maging walang kasalanan, dapat nating isuko ang ating sariling walang-saysay na pagsisikap, at sa halip ay manalig lang sa Panginoon bilang sariling Tagapagligtas. Sa pamamagitan ng pananalig lamang dito at dito lamang ay maaari tayong mabihisan ng mga maputing damit.
Ang ating mga pangala’y masusulat sa Aklat ng Buhay, at tayo’y sasang-ayunan ng Diyos sa harap ng mga anghel. Si Jesus mismo ay kikilalanin tayo bilang mga anak ng Diyos, sasabihing, “Niligtas kita; ika’y matuwid dahil pinaglaho Ko ang iyong mga kasalanan.” Ito ang tiyak na kahulugan ng pangunahing talata mula sa Apocalipsis kung tayo’y pupunta sa iglesia ng Diyos at ang pagbabayad-puri ay makikita lamang sa Kanyang iglesia.
Tinanggap tayo ng Diyos Ama sa pamamagitan ng pagtingin sa ating pananampalataya sa Kanyang anak. Bagaman sa ating mga kasalanan at mga pagkukulang wala tayong magagawa kungdi ang maligaw araw-araw at patuloy na mahulog sa mga kahinaan, tinitignan ng Diyos ang ating pananampalata sa Kanyang Anak, at dahil sa pananampalatayang ito Kanya tayong Tinanggap tulad ng pagtanggap sa Kanyang sariling Anak. Niligtas tayo ng ating Panginoon.
At tayo’y Kanyang binihisan ng mga mapuputing damit. Ang pananampalataya sa walang-pagkakasala ng ating mga puso ay ang katibayan ng ating pagkabihis ng mapuputing damit. Pinangako ng Panginoon sa atin na, kapag tayo’y tumayo sa Kanyang harapan sa pamamagitan ng ating mga puso ay una munang mabibihisan ng mga puting damit, Kanyang gagawing banal na katawan ang ating laman.
Sa mundong ito, may mga iglesia ng Diyos kung saan ang mga matuwid at mga lingkod ng Diyos ay matatagpuan. Naroon ang mga binihisan ng puting mga damit sa mga iglesiang ito, at ang Diyos ay kumikilos sa pamamagitan ng Kanyang mga iglesia at Kanyang mga lingkod.
Ating tignan ang Apocalipsis 3:5 muli, “Ang magtagumpay ay daramtang gayon ng mga mapuputing damit; at hindi Ko papawiin sa anomang paraan ang kaniyang pangalan sa Aklat ng Buhay, at ipahahayag Ko ang kaniyang pangalan sa harapan ng Aking Ama at sa harapan ng kaniyang mga anghel.”
Ang paunang kundisyong binigay ng Diyos sa atin sa talatang nabanggit na Kanya lamang tayong bibihisan ng mapuputing mga damit “siya na magtatagumpay.” Dapat tayong magtagumpay. Ngunit ang mga, bagaman nakikilala si Jesus, ay naniniwala rin na ang kanilang mga araw-araw na kasalanan ay dapat mapatawad sa pamamagitan ng mga araw-araw na pangungumpisal ay hindi ang mga nagtagumpay kay satanas sa kanilang pakikipaglaban sa kanya, kundi sila ay mga talunan. Ang taong may gayong pananalig kailanma’y hindi mabibihisan ng puting damit. Hindi sila magiging matuwid.
Yaong lamang nagtagumpay ang nanalig sa ganap na gawa ng kaligtasan ng Panginoon. Binigyan ka na ng pananampalataya ng Panginoon na makapagtatagumpay sa mga gayong maling doktrina tulad ng mga doktrina ng pagbabanal at pagwawalang-sala. Tayo ma’y niligtas ng Diyos sa Kanyang tunay na ebanghelyo, ang ebanghelyo ng tubig at ng dugo, upang tayo’y maaaring lumaban at magtagumpay sa mga maling ebanghelyo na hindi nagdudulot ng ganap na kaligtasan at mapalaya mula kay satanas.
Dapat lamang natin isuko ang ating mga kasalanan sa pamamagitan ng pananampalataya, buong kinikilala sa ating mga puso na ang lahat ng ating mga kasalanan ay nailipat na nga kay Jesus. At dapat tayong manalig na tayo’y namatay na nang si Jesus ay namatay, at ang Kanyang kamatayan ay tiniis alang-alang sa atin. Dapat din tayong manalig na si Jesus ay bumangon mula sa kamatayan upang tayo’y mabuhay muli. Kapag mayroon tayong matibay na pananampalataya sa katotohanang ito, ang Diyos ay titingin sa ating pananampalataya, sasang-ayunan tayo bilang mga matuwid.
Ito ang kahulugan ng Salita, “Datapuwa’t ang lahat ng sa Kaniya’y nagsitanggap, ay pinagkalooban Niya sila ng karapatang maging mga anak ng Diyos, sa makatuwid bagay ang mga nagsisimpalataya sa Kaniyang pangalan” (Juan 1:12). Ang tao’y hindi nagiging anak ng Diyos sa pamamagitan lamang ng kanilang mga bibig, “Naniniwala ako sa Inyo Jesus,” ngunit sa katotohana’y ni wala silang wastong kaalaman ukol kay Jesus.
Ang salita ng Diyos ay nagpapatuloy. “na mga ipinanganak na hindi sa dugo, ni sa kalooban ng laman, ni sa kalooban ng tao, kundi ng Diyos.” Tama. Ang maging anak ng Diyos ay posible sa pamamagitan ng pananampalataya. Dahil dito, tayo’y dapat na lumaban at magtagumpay sa mga sinungaling. Ang mga nagkamit ng katubusan sa kasalanan sa pamamagitan ng pagtatagumpay sa mga sinungaling ay dapat lumakad kasama ang Diyos sa pamamagitan din ng pagtagumpay sa kanilang laman. Sila’y dapat mabuhay, sa ibang pananalita, ayon sa kalooban ng Diyos.
Ano, kung gayon, ang kalooban ng Diyos? Ang kalooban ng Diyos para sa mga nabihisan ng puting mga damit upang pagsamahin at paglingkuran ang Kanyang ebanghelyo. Ang Kanyang kalooban ay para sa mga matuwid, bagama’t sila’y nabubuhay na hiwalay, upang magtipon para sumamba, maglingkod, at magpuri s Diyos, at upang ikalat ang ebanghelyo sa mga makasalanan upang sila rin ay mabihisan ng mga mapuputing damit. Ang buhay na ito sa paggawa para sa kaligtasan ng mga kaluluwa ay ang buhay ng bayan ng Diyos, ang buhay ng Kanyang mga lingkod.
Kapag tayo’y namuhay sa gayong buhay, hindi lamang tayo bibihisan ng Diyos ng Kanyang “katuwiran,” ngunit Kanya ring ibibigay ang lahat ng mga pagpapala ng kasaganaan nitong mundo at ang mga espirituwal na pagpapala ng Langit. Sa pamamagitan ng utos na ipangaral ang ebanghelyong ito sa mga tao sa ating paligid, binihisan Niya din sila ng mga puting damit. Binihisan ng Diyos ang lahat ng mga matuwid at ang kanilang nasa paligid sa puti. Pinahintulot tayo ng Diyos na magtagumpay sa ating pakikipaglaban sa hindi katotohanan sa pamamagitan ng pananalig ng pagbibihis ng mga puting damit sa mga matuwid na nagtatagumpay sa mga espirituwal na pakikibakang ito. Purihin ang Panginoon!