(Apocalipsis 3:7-13)
“At sa anghel ng iglesia sa Filadelfia ay isulat mo: Ang mga bagay na ito ay sinasabi ng banal, niyaong totoo, niyaong may susi ni David, niyaong nagbubukas at di mailalapat ng sinoman, at naglalapat at di maibubukas ng sinoman: nalalaman ko ang iyong mga gawa (narito, inilagay Ko sa harapan mo ang isang pintuang bukas, na di mailalapat ng sinoman), na ikaw ay may kaunting kapangyariahn, at tinupad mo ang Aking salita, at hindi mo ikinaila ang Aking pangalan. Narito, ibinibigay Ko sa sinagoga ni satanas, ang mga nagsasabing sila’y mga Judio, at sila’y hindi, kundi nangagbubulaan; narito, sila’y Aking papariyanin at pasasambahin sa harap ng iyong mga paa, at nang malamang ikaw ay Aking inibig. Sapagka’t tinupad mo ang salita ng Aking pagtitiis, ikaw naman ay Aking iingatan sa panahon ng pagsubok, na darating sa buong sanglibutan, upang subukin ang mga nananahan sa ibabaw ng lupa. Ako’y dumarating na madali: panghawakan mong matibay ang nasa iyo, upang huwag kunin ng sinoman ang iyong putong. Ang magtagumpay, ay gagawin Kong haligi sa templo ng Aking Dios, at hindi na siya’y lalabas pa doon: at isusulat Ko sa kaniya ang pangalan ng Aking Dios, at ang pangalan ng bayan ng Aking Dios, ang bagong Jerusalem, na mananaog buhat sa langit mula sa Aking Dios, at ang Aking sariling bagong pangalan. Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia."
Masusing Kapaliwanagan na Kasulatan
Talatang 7: “At sa anghel ng iglesia sa Filadelfia ay isulat mo: Ang mga bagay na ito ay sinasabi ng banal, niyaong totoo, niyaong may susi ni David, niyaong nagbubukas at di mailalapat ng sinoman, at naglalapat at di maibubukas ng sinoman:”
Ang Panginoon ay naghahari sa Kaharian ng Langit bilang Hari ng lahat. Siya ang Diyos na may lubos na kapangyarihan—anuman ang Kanyang binuksan ay walang makapagsasara, at anuman ang Kanyang sarhan ay walang makapagbubukas. Ang Panginoon ay ganap na Diyos na naparito sa mundo at pinalaya ang mga makasalanan sa lahat ng kanilang mga kasalanan sa pamamagitan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Ang pinto ng Langit ay mabubuksan lamang sa pamamagitan ng susi ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritung binigay ng Panginoon. Walang ibang makapagbubukas nito, dahil lahat ng bagay na pag-aari ng Kahariang ito ay nakasalalay lahat sa ating Panginoong Diyos.
Talatang 8: “Nalalaman Ko ang iyong mga gawa (narito, inilagay Ko sa harapan mo ang isang pintuang bukas, na di mailalapat ng sinoman), na ikaw ay may kaunting kapangyarihan, at tinupad mo ang Aking salita, at hindi mo ikinaila ang Aking pangalan.”
Binuksan ng Panginoon ang pinto ng pagpapahayag ng ebanghelyo sa pamamagitan ng iglesia ng Diyos. Samakatuwid ang mga hinirang ay dapat manangan sa kanilang unang pananampalataya hanggang sa pinakahuli, kapag ang Panginoon ay magbalik. Ito ang uri ng pananampalatayang dapat na mayroon ang mga lingkod ng Diyos at Kanyang mga hinirang. Ang kanilang pananampalataya ay hindi dapat sa simula ay malaki ngunit sa huli ay kamatayan. Dapat silang kumapit sa kanilang di-pabagu-bagong pananampalatayang binigay ng Panginoon sa kanila.
Ang pananampalataya ng mga hinirang ay ang pananampalataya ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, ang pananampalatayang nananalig sa katotohanang ang Kaharian ang ating Panginoon ay paparito sa lupa at ang Bagong Langit at Lupa, at tayong lahat ay maninirahan sa Kahariang ito magpakailanman. Ang mga hinirang ay dapat manangan sa pananampalatayang ito hanggang sa araw sa sila’y sasalubong sa pagdating ng Panginoon.
Ang lingkod at mga hinirang sa Iglesia ng Filadelfia ay mayroon lang isang maliit na kalakasan. Marami rin silang mga pagkukulang. Subali’t, ang pinakamahalaga, sinunod nila ang Salita ng Diyos at hindi itinatwa ang Ngalan ng Panginoon.
Talatang 9: “Narito, ibinibigay Ko sa sinagoga ni satanas, ang mga nagsasabing sila’y mga Judio, at sila’y hindi, kundi nangagbubulaan; narito, sila’y Aking papariyanin at pasasambahin sa harap ng iyong mga paa, at nang maalamang ikaw ay Aking inibig.”
Sinabi ng Diyos na Kanyang ibabagsak ang iba sa mga huwad na mananampalataya sa kanilang mga tuhod upang malaman nila kung gaano talaga ang pagmamahal ng Diyos sa Iglesia ng Filadelfia, ang Kanyang iglesia.
“Sa sinagoga ni Satanas, ang mga nagsasabing sila’y mga Judio, at sila’y hindi” ay tumutukoy sa mga Judio na kinikilala ang kanilang mga sarili na lumuluwalhati sa Diyos sa pamamagitan ng kanilang pananampalataya. Ngunit marami sa kanila, sa katotohanan, ay hindi. Sa kabaligtaran, sila’y naging mga lingkod ni satanas at pinipigil ang iglesia ng Diyos at Kanyang mga hinirang.
Dapat nating mabatid ngayon, tulad dati; marami sa mga tumatawag sa pangalan ni Jesus at sumasamba sa Kanya ay naging lingkod din ni satanas, ginagamit ng diablo bilang kanyang instrumento. Pinakita ng Diyos ang natatanging pag-ibig para sa lingkod ng Iglesia ng Filadelfia na Kanyang minahal at ginamit bilang Kanyang sisidlan ng karangalan.
Talatang 10: “Sapagka’t tinupad mo ang salita ng Aking pagtitiis, ikaw naman ay Aking iingatan sa panahon ng pagsubok, na darating sa buong sanglibutan, upang subukin ang mga nananahan sa ibabaw ng lupa.”
Ang katangi-tangi, pinuri ng Panginoon ang lingkod ng Iglesia ng Filadelfia dahil sa pagsunod sa Kanyang utos na magpatuloy. Kung wala itong uri ng espesyal na pagtitiis, sa katunayan, hindi natin mahihintay ang ukol sa kaganapan ng lahat ng pangako ng Salita ng Diyos. Upang makasunod sa Kanyang utos na magpatuloy, dapat tayong magkaroon ng lubos na pananampalataya sa Salita ng Diyos. Dahil sa pagtitiyaga, binigay ng Panginoon sa Iglesia ng Filadelfia ang isang espesyal na gantimpala. Ang espesyal na gantimpalang ito ay dumating sa anyo ng pagsunod sa Iglesia ng Filadelfia mula sa oras ng pagsubok. Ang oras ng pagsubok dito ay tumutukoy sa paghadlang ni anticristo.
Talatang 11: “Ako’y dumarating na madali: panghawakan mong matibay ang nasa iyo, upang huwag kunin ng sinoman ang iyong putong.”
Dahil ang pagdating ng Panginoon ay nalalapit na, ang mga hinirang ay dapat ipagtanggol at manatili sa kanilang pananampalataya sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Dapat din silang manalig at maghintay sa pag-asang Bagong Langit at Lupang pinangako ng Panginoon. Ang mga lingkod ng Diyos ay dapat kasama ang mga hinirang at huwag silang hayaan na lumayo sa kanilang pananampalataya, upang ang kanilang gantimpala mula sa Diyos ay di-mananakaw.
Talatang 12: “Ang magtagumpay, ay gagawin Kong haligi sa templo ng Aking Dios, at hindi na siya’y lalabas pa doon: at isusulat Ko sa kaniya ang pangalan ng Aking Dios, at ang pangalan ng bayan ng Aking Dios, ang bagong Jerusalem, na mananaog buhat sa langit mula sa Aking Dios, at ang Aking sariling bagong pangalan.”
Ang mga magtagumpay kay satanas ay sasama sa pulong ng mga martir. Ang kanilang pangalan ay masusulat din sa Banal na Templo ng Kaharian ng Diyos. Kahit pa ngayon, sila’y ginagamit bilang mga dakilang manggagawa sa iglesia ng Diyos, at patuloy na gagamitim bilang mga instrumento ng ating Panginoon.
Talatang 13: “Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia.”
Ang may mga pandinig upang pakinggan ang Salita ng Diyos ay ang mga lingkod ng Diyos at Kanyang mga hinirang. Naririnig nila ang sinasabi ng Espiritu sa kanila sa pamamagitan ng iglesia ng Diyos. Tulad niyaon, ang mga lingkod ng Diyos at Kanyang mga hinirang ay dapat manatili sa iglesia na pinahintulot ng Diyos sa kanila, at dapat nilang kalingain at ipagtanggol ang iglesiang ito.