• All e-books and audiobooks on The New Life Mission website are free
  • Explore multilingual sermons in global languages
  • Two new revised editions in English have been released
  • Check out our website translated into 27 languages
Search

Sermons

Paksa 10: Ang Pahayag (Mga Komento sa Pahayag)

[Kabanata 3-4] Ang mga Lingkod at Hinirang ng Diyos na Nagbibigay Lugod sa Kanyang Puso (Apocalipsis 3:7-13)

(Apocalipsis 3:7-13)
 
 
Mayroon pa ring mga Iglesia Tulad ng Iglesia ng Filadelfia sa Mundong Ito
 
Sinasabi ng Diyos sa atin dito na sa gitna ng mga pitong iglesia sa Asia, ang iglesiang pinaka kapuri-puri at iniibig ng Panginoon ay ang Iglesia ng Filadelfia.
Sa ngayong panahon din, makikita natin na ang Diyos, na nagsalita sa mga pitong iglesia sa Asia, nais Niya ang mga iglesia na maging katulad ng Iglesia ng Filadelfia, na kumilos sa pamamagitan nila at malugod sa pamamagitan nila. Kahit sa panahon ngayon, ang mga iglesiang pinupuri ng Diyos ay yaong nangangaral ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu.
Ngayon tulad noon, ang mga hinirang na tapat sa Diyos, kahit pa ang kanilang kakayahan ay limitado, ay kabilang sa mga iglesia na ikinakalat ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Ang Diyos ay nasisiyahan sa gayong mga manggagawa. Wala ni isa sa kanila ang makapagpapalayas ng mga demonyo sa pamamagitan ng pagpatong ng mga kamay o magbigay hula. Ni wala sa kanila ang may kaloob ng pagsasalita, o napagkalooban ng kapangyarihang pagpipilit. Ang tanging magagawa nila ay ang manalig at ipangaral na si Jesus lang ang naglinis ng lahat ng ating mga kasalanan ng minsanan para sa lahat sa pamamagitan ng pagkuha ng mga kasalanan sa sangkatauhan sa pamamagitan ng Kanyang bautismong tinanggap kay Juan, at ang lahat ng ating kahatulan sa kasalanan ay inilipat kay Cristo sa pamamagitan ng Kanyang dugo sa Krus.
Ang mga manggagawang ito ay ang mga sumusunod sa Panginoon, smasamba sa Kanya, at tumatalima sa Kanyang kalooban sa pamamagitan ng kanilang pananampalataya sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Ang mga nangangaral ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay di-mayaman sa materyal. Ni wala rin silang anumang kaloob. Ang tanging mayroon sila ay ang kanilang pananampalataya at kahalingan sa pangangaral ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Alam nila na ang paggawa ng pangangaral ng ebanghelyo ay ang nakakalugod sa puso ng Panginoon, dahil ang Panginoon nga’y binautismuhan ni Juan, napako sa Krus, at bumangon muli sa kamatayan upang maglaho lahat ng ating mga kasalanan. Ang mga nananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu lang ay nagpapasalamat sa Panginoon at sa Kanya lang sumusunod.
Ang tanging hangad lamang natin ay ang ikalat ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu kanino man, at ang bawat isa’y mapalaya mula sa lahat ng kanilang mga kasalanan. Kamangha-manghang pinahintulutan tayo ng Diyos na ipangaral ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu sa buong mundo, at Kanya tayong pinagpala upang maraming bunga ang ipanganak. At Kanya ring binigay sa atin ang pananampalatayang makayayakap sa ating kamatayan sa mga huling araw, at ang pagpapala ng ating “rapture” at buhay sa Milenyong Paghahari. Pinahintulutan tayo ng Diyos na maging martir para sa Panginoon, at pinahintulutan Niya tayong makabilang sa unang pagkabuhay na muli at madamtan ng kaluwalhatian ng Langit.
Sa atin na ngayo’y inialay ang sarili sa pangangaral ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay kabilang sa iglesiang mahal ng Diyos.
Ating isipin kung paano natin mapapalawig ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu sa buong mundo. Sinabi ng Diyos sa Kanyang mga iglesia na ang pinto sa pangangaral ng ebanghelyo ay nabuksan na. Dahil walang makapipigil sa itinakda ng Diyos, Kanya nga tiyak na isasakatuparan ang lahat.
Pinahintulutan tayo ng Diyos bilang mga nananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu na ipangaral itong ebanghelyo ng Kanyang bautismo sa buong mundo. Kahit ngayon, ang Kanyang mga iglesia’y pinagpala pa rin upang gawin ang pagpapalaganap ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu sa mundong ito. Kung titignan ang kani-kanilang kakayahan, maaaring sila’y puno ng mga pagkukulang. Ngunit sa kanilang mga puso’y makikita ang kanilang pagmamahal sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, ang Diyos ay matimtimang nakahawak sa kanila at kumikilos kasama sila.
Na may mga iglesia pa ring tulad nito sa mundong ito ay isang malaking pag-asa para sa mundong ito. Sa kanila ay pinagkatiwala ng Diyos ang pagpapalawig ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, at Kanya ring tiniyak na walang makapipigil ng kanilang ginagawa. Kanilang pinangangaral ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu saan mang lugar sa mundo, at ang ebanghelyong ito ay gayon ngang pinapalawig sa buong mundo. Pinalalakas sila ng Diyos, kinakalinga sila, at gumagawang kasama sila. Makikita ngayon natin na pinagpapala ng Diyos yaong nagkakaisa sa gawaing ito at pinalalawig ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu sa bawat bansa sa espirituwal at pisikal.
Aming ipinangangaral ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu sa bawat sulok ng mundong ito sa pamamagitan ng aming mga papel at mga elektronikong babasahin. Gagawin namin ito hanggang sa katapusan ng mundong ito, at ang Panginoon ay patuloy na kikilos sa pamamagitan natin hanggang sa Kaharian ni Cristo ay maisakatuparan sa mundong ito. Bibigyan tayo ng Diyos ng kakayahang ipangaral ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu sa 6 bilyong tao sa mundo sa pamamagitan ng aming babasahin. Pagpapalain tayong lahat ng Diyos!
Upang magawa ang mga gawaing makakalugod sa Diyos, dapat tayong maghanda lagi sa espirituwal na digmaan. Sa gayon, dumalangin ako sa Diyos na Kanyang matibay na hawakan at pagpalain lahat ng Kanyang mga lingkod. Walang sinuman ang matapat tulad ng ating Panginoon. Naniniwala ako na wala ng iba pang katotohanan sa mundong ito, wala ni isa, ang makapagdadala sa atin ng malinaw at ganap na kaligtasan sa tunay na ebanghelyong ating sinasampalatayanan, ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, ang naghatid sa atin.
 
 
Ang Aklat ng Apocalipsis ay ang Pinagpalang salita ng Diyos na Binigay sa mga Magtatagumpay
 
Sinabi ng Diyos sa atin, “ang magtatagmpay ay siya kong pakakanin ng punong kahoy ng buhay.” Ang ibig sabihin ng katotohanang ito na hahayaan ng Diyos na mamuhay ang gayong tao sa Kanyang Milenyong Paghahari. “Ang magtatagumpay” ay tumutukoy sa mga nagtanggol ng kanilang pananampalataya sa pakikipaglaban sa anticristo sa pamamagitan ng katotohanan sa mga huling araw, at para sa panahon ngayon, ang mga lumaban at magtatagumpay sa mga tagasunod ng maling ebanghelyo sa pamamagitan ng kanilang pananampalataya sa Salita ng katoohanan. Dapat tayong magtagumpay sa masama sa pamamagitan ng kabutihan ng pangangaral ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu sa buong mundo. Dapat tayong makibaka at magtagumpay sa lahat ng mga sinungaling at mga maling doktrina sa pamamagitan ng ating pananampalataya sa Salita ng tubig at ng Espiritu.
Ang makipaglaban at magtagumpay sa mga sinungaling, tayo’y dapat na laging magninilay-nilay sa ebanghelyong salita ng tubig at ng Espiritu. Kung tayo’y nanalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ngayon at nalinis ang lahat ng ating mga kasalanan, ang ating pakikipaglaban sa mga sinungaling kung gayon ay nagsimula ngayon pa lang. Ang mga nananalig sa tunay na ebanghelyo ay lumalaban at magtatagumpay sa mga taong taglay ang maling ebanghelyo.
Tayo’y dapat laging ipangaral ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu sa mga tagasunod ng maling ebanghelyo. Bakit? Dahil ang kapangyarihan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay kanyang wawasakin ang kanilang maling pananampalataya at ihahatid sa kanila ang bagong buhay. Sinasabi ng Biblia na talunin natin ang kasamaan sa pamamagitan ng kabutihan. Sa gayon, huwag nating isusuko ang ating mabuting espirituwal na pakikipaglaban na magliligtas sa mga kaluluwang ito sa kanilang mga kasalanan.
Sa ating espirituwal na pakikipaglaban ay matatagpuan ang pagpapala sa ikaliligtas ng mga kaluluwa. Sa pamamagitan ng laging pakikipaglaban at pagtatagumpay sa mga sinungaling dahil sa ating pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, maibibigay natin ang lahat ng mga bunga ng buhay na walang hanggan sa Diyos.
 
 
Sinabi ng Panginoon sa Atin na Matuto Tayo sa Talinghaga ng Puno ng Igos
 
Ang puno ng igos ay sumisimbulo sa bayan ng Israel. Bawat bansa’y may kanya-kanyang pambasang bulaklak o puno, sa Israel ay ang puno ng igos na sumusimbulo rito. Dapat mong malaman na kapag lumagong makapal ang mga dahon ng Israel, ang mga huling araw ay nalalapit ng dumating sa mundo. Sinasabi ng Biblia sa atin na ang Panginoon ay babalik kapag ang bayan ng Israel ay naitatag muli sa mundong ito at naging makapangyarihan.
Sa mga araw na ito ang mga pahayagan ay puno ng mga kwentong tumatakay sa kaguluhan sa pagitan ng Israel at mga Palestino. Ang Israel ngayon ang siyang nagmamay-ari ng kaniyang makasaysayang lupain. Ang hinaharap ng Israel ngayon ay nakasalalay lahat sa Diyos. Kung ang Israel man ay umahon o bumagsak sa hinaharap ang lahat ay matutupad ayon sa Salita ng Diyos. At kapag ang Israel ay maglaho sa mundong ito, dapat mong malaman na ito ay kapag ang pangalawang pagdating ng Panginoon ay maisakatuparan sa mundong ito. Tulad ng sinasabi ng Biblia na babalik muli ang Panginoon kapag ang mga dahon ng igos ay lumaking makapal, inihula Niya ang katapusan ng mundong ito sa pamamagitan ng panunumbalik at kasaganaan ng Israel. Ang paghula rin ng mga huling araw ay magiging kasawian na magsasalot sa kalikasan ng mundo.
Sinabi ng Diyos sa bawat isa na magkaroon at manatili sa pananampalataya sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Lahat ng mga layon ng Diyos ay nakatuon sa pananampalataya sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Sa gayon, ang mga nananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay maliligtas sa lahat ng kanilang mga kasalanan. Sinabi ng Diyos sa atin, “Datapuwa’t mangagpuyat kayo sa bawa’t panahon, na mangagsidaing, upang kamtin ninyo ang makatakas sa lahat ng mga bagay na ito na mangyayari, at upang mangakatayo kayo sa harapan ng Anak ng tao” (Lukas 21:36). Sa pamamagitan ng ating lakas, hindi tayo makatatakas mula sa Kapighatiang darating. Ngunit sa pamamagitan ng pananalig sa salita ng Diyos, magtatagumpay tayo. Atin ngayong makikita ang ating mga sarili sa isang sitwasyon kailangan nating ihanda ang ating pananampalataya sa kamatayan dahil ang oras ng Kapighatian ay nalalapit na sa atin.
Kung inaakala ng mga Kristiyano na sila mismo ay di-masasama sa Matinding Kapighatian pagdating ng mga huling araw, ang kanilang pananampalataya ay nasa malaking kamalian. Huwag tayong maniwala sa doktrina ng “pre-tribulation rapture.” Ang doktrinang ito ay lumalayo sa katotohanan ng Biblia, dahil ang Kasulatan, lalo na mula sa Aklat ng Apocalipsis, sinasabi sa atin na ang pagmamartir sa mga hinirang ay darating kapag ang unang tatlo at kalahating taon ng pitong taong kapighatian ay nagdaan. Para sa mga hinirang, ang mag-akala na hindi sila dadaan sa pitong taong Matinding Kapighatian ay aakay sa kanila sa isang napaka-mapanganib at maling pananampalataya. Dapat mong mabatid na ang mga nananalig kay Jesus ay masasama sa gitna ng Matinding Kapighatian.
Sa pagsaalang-alang sa pangkalahatang salita ng Diyos, gaano katagal mananatili ang matuwid sa mundong ito? Mananatili sila sa mundong ito hanggang ipilit ni satanas sa mga makasalanan na tanggapin ang kanyang marka at ang mga hinirang ay papatayin bilang mga martir ng mga hukbo ni anticristo. Ito ang katotohanang inihayag ng Diyos, ang wastong pananampalataya.
 
 
Ang Malaking Espirituwal na Labanang darating sa Mga Huling Araw
 
Ang resulta ng pananampalataya ng mga matuwid ay malinaw na pinakita sa Matinding Kapighatiang pinahintulutan ng Diyos. Dapat mong mabatid na ang di-pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, hindi mo makakamit ang tunay na tagumpay sa iyong pakikipaglaban kay satanas sa mga huling araw. Ngunit kasabay nito, dapat mo ring malinaw na malaman na ang huling tagumpay ay nakalaan sa mga matuwid, tulad ng kanilang pananampalataya sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu sila’y magiging tunay na mga mananagumpay kahit pa nalalapit na ang katapusang ng mundo. Sa gayon, dapat nating kumpletuhin ang gawain ng pangangaral ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu sa buong mundo bago ang pagdating ng mga huling araw.
Dapat nating bigyang lugod ang ating Panginoon sa pamamagitan ng pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Nasa atin ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, ang Salita ng pananampalatayang magbibigay sa atin ng ganap na katagumpayan. Malinaw na sinasabi sa atin ng Diyos ang Kanyang katapusan. Dapat din nating malaman na ang Panginoon ay babalik sa araw na iyon, na Kanyang itataas ang mga hinirang sa langit, at Siya’y magpapadala ng matinding sumpa sa mga nananatili pa rin sa mundong ito. Tulad niyaon, dapat nating tanggapin ang mga huling araw sa pamamagitan ng pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, may sandata ng tunay na pananampalataya. Sinabi ng Diyos sa mga nananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu na maghintay sa Milenyong Paghahari nang may pananalig, tulad ng Kanyang sinabi sa panahon ni Noe na ang katapusan ng mundo’y darating habang ang mga tao’y nagsisikain at nag-iinuman.
Ang di-pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, hindi malulutas ng tao ang lahat ng mga suliranin sa mga huling araw ng mundo. Sa anumang pamamaraan, dapat tayong manalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Ang mga di-nananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay di-maaaring pagparayaan. Magpapadala ang Diyos ng pinakakakila-kilabot na mga salot sa mundong ito sa huling yugto ng mga huling araw. Dahil ang mga di-nananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay di-makatatakas mula sa makatuwirang hatol ng Diyos, dapat silang manalig sa ebanghelyo ngayon.
Upang maiwasan ang hatol ng Diyos, samakatuwid, kailangang-kailangan sa bawat isa na alamin ang ukol sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu at sampalatayan sa kanilang buong puso. Ang katotohanan ng kaligtasan na kailangang-kailangan sa bawat isa ay ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Wala ng ibang tunay na ebanghelyo sa harap ng Diyos kundi itong ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Higit kaysa dati, ang mundong ito ngayo’y kailangang-kailangan para sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, dahil ito’y nabubuhay sa malalim na pagkakasala kasama ang Kanyang kalinangan sa kasalanan.
Dahil wala ng anumang kasiguruhan para sa hinaharap nitong huling panahon, ang tao’y araw-araw na nabubuhay sa kasalanan at hangad lamang ay kanilang kasiyahan. Ang tunay na pag-asa para sa sangkatauhan ay makikita sa Salita ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, at itong salita lamang ang makapagbibigay sa atin ng tunay na pag-asa. Ngunit ang mundong ito ay naging isang mundo na di-hinahanap ang Diyos. Dahil ika’y makasalanan at nalalapit na ika’y hatulan ng Diyos dahil sa iyong mga kasalanan, dapat kang manalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ng buong puso kay Jesus. Sa gayon ika’y mapapalaya mula sa nakatatakot na hatol ng Diyos. Hinihimok ng Diyos ang bawat isa na magsisi sa kanilang mga kasalanan, manumbalik sa Diyos, at tanggapin ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu.
Ang katapusan ng mundo ay isang panahon na ang tao’y, yamang kumain at natulog sa kasalanan, papasok sa lawa ng apoy at asupre nang hindi nalalaman ito.
Ang tao’y dapat tanggapin ang kanilang kaligtasang bigay ng Diyos, ngunit kung di-nalalaman ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, paano sila mapapalaya sa kanilang mga kasalanan? Bawat isa’y dapat malaman na kanyang tatanggapin ang nakakatakot na hatol ng Diyos dahil sa kanilang mga kasalanan, at mabatid na ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay ang katotohanang pagtutubos at ang Salita ng pagpapala.
Hindi sinasabi sa atin ng Biblia ang tiyak na araw at oras ng katapusan ng mundong darating. Ang paglilihim ng oras ng wakas ng mundo ay karunungan ng Diyos. Kung ihahayag ng Diyos ito ang oras ng katapusan, ito’y magdudulot ng walang kapalaran. Ito ang dahilan kung bakit itinago ng Diyos ang araw ng paghatol sa tao. Ngunit kapag dumating ang araw na itinakda ng Diyos, ang lahat ay maisasakatuparan sa pamamagitan Niya, at ang bagong mundo’y magsisimula.
Sinabi ng Diyos sa pangunahing talatang ito, “Sapagka’t tinupad mo ang Salita ng Aking pagtitiis, ikaw naman ay aking iingatan sa panahon ng pagsubok na darating sa buong sanglibutan, upang subukin ang mga nananahan sa ibabaw ng lupa.”
Ang salitang ito ay pangako ng Diyos na Kanyang ililigtas ang mga hinirang mula sa pitong salot na darating sa mundong ito matapos ang kamatayan ng mga martir. Subalit, hindi ibig sabihin na Kanyang di-pahihintulutan ang mga hinirang na maging martir o usigin ni satanas sa mga huling araw. Maraming bilang ng tao ang haharap sa nakatatakot na hatol ng Diyos dahil sa hindi pagtanggap ng kapatawaran ng kanilang mga kasalanan. Sanhi nito, ang kanilang makasalanan kaluluwa’y matatapon sa impiyerno. Ngunit pahihintulutan ng Diyos ang mamatay ang mga hinirang sa simula, dahil ang pagmamartir na ito ay ang magliligtas sa kanila mula sa nakakikilabot na mga salot.
 
 
Anong Uri ng Marka ang Tatanggapin ng Tao sa mga Huling Araw ng Kapighatian?
 
Sinasabi ng Biblia sa atin na ang tao’y tatanggapin ang markang taglay ang pangalan ni anticristo. Ngunit ang Aklat ng Apocalipsis ay sinasabi rin sa atin na ang mga tumanggap ng marka ng pangalan ni anticristo sa kanilang mga noo at mga kanang kamay ay itatapon sa lawa ng apoy o asupre. Dahil sa pagtanggap nitong marka ng pangalan ni anticristo, sila’y walang hanggang magiging mga lingkod ni satanas. Ang lawa ng apoy at asupre ay inilaan para sa mga may kasalanan.
Ang panahon ng biyaya ang tao’y maliligtas mula sa kanilang mga kasalanan sa pamamagitan ng pananampalataya, ay lumilipas na ngayon. Naitala ng Biblia na di-mabilang na dami ng mga martir ang magaganap sa mga huling araw. Dahil ang mga pangalan ng mga martir na ito ay nakatala sa Aklat ng Buhay, at kanilang tatanggihan ang marka ng pangalan ni anticristo.
Sinabi ng Diyos sa atin na ang mga nananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay papatayin lahat sa oras na ito. Sila’y papatayin bilang mga martir sa kanilang pagtanggi sa marka ni satanas. Ang mga naging matuwid au hindi dapat matakot sa kamatayan sa mga huling araw, sa halip, kailangan silang magpasalamat sa Diyos para sa Milenyong Paghaharing naghihintay sa kanila matapos ang kanilang pagmamartir.
Dahil ang pagtanggap sa marka ng pangalan ni anticristo ay isang kataksilang gawa ng pagkakanulo sa ating Panginoon, kaya dapat nating tanggihan ito. Maaari tayong bumangon sa ating kamatayan bilang mga martir, dahil sa pananatili ng ating pananampalataya, sa Diyos sa panahong ito sa pagluluwalhati sa Diyos. Sinabi ng Diyos sa atin na ibibigay Niya sa mga hinirang ang kalakasang magtagumpay sa lahat ng kahirapan.
 
 
Paano at Hanggang Kailan Ipangangaral ng Iglesia ng Diyos ang Ebanghelyo ng Tubig at Espiritu?
 
Gaano katagal pahihintulot ng Panginoon ang ating pangangaral ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu? Ang sagot ay hanggang sa oras ng ating kamatayan bilang mga martir sa Matinding Kapighatian. Binuksang mabuti ng Diyos ang pinto ng pangangaral ng ebanghelyo para sa mga matuwid, upang kanilang maipangaral ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Hanggang sa panahong ito ng kanilang kamatayan, ang mga matuwid ay patuloy na ipangangaral ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Ito ay susundan ng mga kakila-kilabot na mga salot sa mundong ito.
Sa ngayon, ang mga magagandang kalikasan ng Panginoon. Hanggang sa pagdating ng oras ng Kapighatian, ang mga matuwid ay dapat panatilihing dalisay ang kanilang pananampalataya at maghintay sa Panginoon, sa pangangaral sa lahat ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Ang matuwid ay dapat linangin ang pagsasaka ng ebanghelyo.
Sa mga huling araw, kapag ang marka ng Halimaw ay mamimilit sa atin, dapat tayong lumaban at magtagumpay sa mga makamundong tao sa pamamagitan ng ating pananampalataya sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritung binigay ng ating Panginoon. Kapag tayo’y pinatay ni anticristo sa mga huling araw, ang ating pananampalataya ay nagtagumpay. Lahat ng buhay ng mga matuwid ay nakasalalay sa Panginoon. Kung sila’y nananalig sa Salita ng panginoon, na Kanya silang kukupkupin sa oras ng pagsubok, at pinangangaral ang ebanghelyo hanggang sa katapusan ng mundo, bibigay ng Diyos sa kanila ang buhay ng katagumpayan. Ang matuwid ay dapat ipangaral ang ebanghelyo ng tunay na kaligtasan kahit saan, ngayon, at bukas.
Tayong lahat ay dapat maghintay sa pagbabalik ng ating Panginoon at maging tapat sa Kanya para sa mga gantimpalang naghihintay sa atin kapag ang Milenyong Paghahari’y ibibigay sa mag matuwid. Ang mga matuwid ay dadamitan ngayon ng kaluwalhatian ng Diyos kasama ang Panginoon.
Ngunit sa ngayon, dapat tayong patuloy na ipangaral ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu sa mundong ito, hanggang sa pinakahuling pagkakataong hindi na natin magagawa pa. Ang ebanghelyong nagliligtas sa mga makasalanan mula sa kanilang mga pagkakasala, ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, ay ang ebanghelyo ng tunay na katubusan sa kasalanan.
Ang mabuhay hanggang sa katapusan ng mundo habang ipinangangaral ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, makikita ng mga matuwid ang Panginoon, maghahari ng isang libong taon, at kapag natapos ang Milenyong Paghahari, papasok sa walang hanggang Kaharian ng Diyos at mamumuhay kasama ang Panginoon magpakailanman. Ako’y nagpapasalamat sa Panginoon sa pananampalataya. Dapat tayong magpasalamat sa Panginoon ng lubos dahil sa pagbibigay sa atin nitong pag-asa.
 
 
Ang Iglesia ng Filadelfia ay ang Espesyal na Iglesiang Iniibig ng Panginoon na, Bagama’t Kakaunti Lang ang Lakas, Hindi Ikinaila ang Pangalan Ni Jesus at Sinunod ang Kalooban ng Diyos
 
Binigay ng Diyos sa Iglesia ng Filadelfia ang Kanyang natatanging pagpapalang kaligtasan sa oras ng pagsubok. Ang pagpapala ng pagtutubos sa kasalanan, mamuhay sa Milenyong Paghahari, at maging mga may-ari ng walang hanggang Kaharian ng Diyos. Ang mga Kristiyanong nananatiling makasalanan ay sasarhan ng mga pagpapala ng Diyos. Ngunit ang matuwid ay maghahari ng isang libong taon.
Itataas ng Panginoon ang mga hinirang mula sa mundong ito sa pamamagitan ng kanilang pagmamartir, at pagkatapos ay ibubuhos ang mga matinding salot ng mga kapighatian ng mundong ito. Gagawin nga ito ng Diyos upang mabatid ang mabuti sa masama, hahatulan at wawasakin ang mga makasalanan. Mahal ng Diyos ang mga matuwid, lalo na yaong, bagama’t kaunti lang ang kalakasan, nanatili sa Kanyang Salita at ipinangaral ang ebanghelyo hanggang sa katapusan ng mundo. Ang mga hinirang na may gayong pananampalataya ay kabilang sa gayong iglesia ay tunay na mapalad. Ang Diyos ay nalulugod sa mga hinirang na matuwid at magtatagumpay kay satanas sa pamamagitan ng pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ng kanilang mga buong puso.
Maraming Kristiyano sa mundong ito ang umaangking nananalig sila kay Jesus ngunit sila’y mga nalinlang ni satanas. Ang gawa ng kaligtasan, na nagpapalaya sa lahat ng mga makasalanan mula sa kanilang mga kasalanan sa pamamagitan ng pagparito ni Jesus dito sa mundo, ay naisagawa ng Kanyang dalawang makatuwirang mga gawa. Ang pananampalataya sa mga gawa ng kaligtasang ito ay nananalig na inalis Niya lahat ng mga kasalanan ng mundo sa pamamagitan ng Kanyang bautismo sa Ilog ng Jordan, at Kanyang nakumpleto itong gawa ng kaligtasan sa pamamagitan ng pagpasan ng mga kasalanan ng mundo sa Krus, nahatulan dahil sa mga kasalanang ito ng Kanyang Sariling dugo. Ito ang ebanghelyo ng kaligtasan, ang ebanghelyong magpapatawad ng kasalanang nagligtas sa mga makasalanan.
Ngunit yaong kulang ang pananampalataya ay naging “siyang umaangkin na walang kasalanan na walang pananalig sa bautismo ni Jesus.” Ang gayong pananampalataya ay mali. Ang ibang tao, sa kabilang dako, umaangkin na walang ibang umiibig kay Jesus nang higit sa kanila, ngunit kasabay nito inilalarawan nila ang kanilang mga sarili bilang mga kasalanan. Ngunit hindi sinuman kundi yaong nananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu patungo sa Langit. Hindi Niya isinusulat ang mga pangalan ng mga makasalanan sa kanyang Aklat ng Buhay. Yaon lamang nananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ang nakasulat sa Aklat ng Buhay ng Panginoon.
Ang kaligtasan mula sa kasalanang binigay ng Diyos ay di-makakamit sa pamamagitan ng “nagagawa ng isa,” kundi ito’y makakamit lamang sa pamamagitan ng “kung ano ang pinapanaligan ng isa.” Sa pananampalatayang ito, ang unang isinasaalang-alang ay ang manalig na si Jesus ay ang Anak ng Diyos at ating Tagapagligtas, at pangalawa, ang manalig sa bautismo ni Jesus at Kanyang dugo sa Krus bilang kabuuan at kailangang-kailangang mga gawa para sa ating kaligtasan. At dapat din tayong manalig sa pagkabuhay muli ni Cristo at sa Kanyang pangalawang pagbabalik.
Sinasabi sa Mateo 7:21-23, “Hindi ang bawa’t nagsasabi sa Akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng Aking Ama na nasa langit. Marami ang mangagsasabi sa Akin sa araw na yaon, Panginoon, Panginoon, hindi baga nagsipanghula kami sa Iyong pangalan, at sa pangalan mo’y nangagpalayas kami ng mga demonio, at sa pangalan mo’y nagsigawa kami ng maraming gawang makapangyarihan? At kung magkagayo’y ipahahayag ko sa kanila, Kailan ma’y hindi Ko kayo nangakilala: magsilayo kayo sa Akin, kayong manggagawa ng katampalasan!” Bakit ikakaila ni Jesus ang mga taong ito? Dahil yaong mga may kasalanan ay di-masusulat sa Aklat ng Buhay ng Panginoon. Sa mga araw na ito marami ang nagsasabing naniniwala sila kay Jesus bilang kanilang Tagapagligtas, ngunit marami sa kanila ang di-nanalig sa bautismo na tinanggap ni Jesus kay Juan.
Sa gayon, ang kanilang mga pangalana’y di-masusulat sa Aklat ng Buhay. Ngunit ang mga makasalanang ito ay nagsisikap na makarating sa Kaharian ng Panginoon kahit pa pasan nila lahat ng kanilang mga kasalanan. Subalit, sila’y di-makapapasok dito. Ang ibang tao’y lubos na may katapangan sa paniniwalang makapapasok sa Langit kahit pa sila ma’y kasalanan. Ang gayong tao ay di-naniniwala sa kaligtasang handog ng Diyos, kundi sa kanilang pagmamataas. Yaong kanilang pananampalataya ay mali ay di-naniniwalang si Jesus ay Diyos, ni sa katotohanang kinuha ni Jesus ang mga kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang bautismo, ni hindi Niya pinasan lahat ng mga kasalanang ito sa Krus. Ang mga taong ito ay ipinapalagay lamang na si Jesus ay isa sa apat na dakilang pantas ng sanlibutan. Ang gayong mga tao ay mga makasalanan kahit pa sila naniniwala kay Jesus bilang kanilang Tagapagligtas. Ang Panginoon, gayon pa man, ay mayroong bagay na maibibigay sa mga makasalanan. “Ngunit ano?” maaaring iyong itanong. Wala ng iba kundi ang impiyernong naghihintay sa kanila!
Tayong mga matuwid, na ang mga kasalanan ay napatawad na ay dapat lumaban at nagtagumpay sa mga sinungaling hanggang sa katapusan ng mundo sa pamamagitan ng ating pananampalataya sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Ang sinasampalatayanan ng matuwid ay hindi isang nasusuhulang katotohanan. Hanggang sa araw ng pagbabalik ng ating Panginoon, hindi natin maaaring isuko ang ating pananampalataya sa tunay na ebanghelyong ating sinasampalatayanan as ating Panginoon, anuman ang sinasabi ng iba. Ang tunay na Salitang pinapanaligan ng mga matuwid ay personal na tinanggap mula sa Diyos. Pinatotohanan ito ng salita ng Diyos. Harapang nagsalita mismo ang Diyos. Personal na pinangako ng Diyos ang kapatawaran sa ating kasalanan. Ang mga matuwid ay naligtas ni Jesus at sa Kanyang Krus. Mayroon bang anumang bagay na mahalaga sa sinasabi ng mga makasalanan ukol sa atin? Wala! Ang matuwid ay dapat panatilihin ang kanilang pananampalataya sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu sa pamamagitan ng Salita ng Diyos.
Ngayon na ang panahon ng mga likas na malalaking kapahamakan, at sa hindi nalalayong bukas, ang digmaang nukleyar ay darating din dito sa mundo. At ang mga kalikasang kapahamakan ay naitakda sa maikling panahon sa isang napakalaking antas ng kapahamakan. Ang mga lingkod ng Diyos ay dapat malinaw na makita kung ano ang paparito sa mundo at ipangaral ito. Dapat mong mabatid na ang katapusan ng mundo ay maaaring dumating ng biglaan. Kapag ang digmaang nukleyar ay magsimula sa mundo, ang mga kalikasang kapahamakan ay aabot ng isang walang-kapantay ang taas, at ang marka ng Halimaw ay mag-uulos sa atin – ito ay, kapag ang panahon ng ating kamatayan at pagkabuhay na muli, at ang pagtatayo ng Milenyong Paghahari ay darating – ito ang oras ng pagbabalik ni Cristo sa mundong ito. Ang lahat ng mga bagay ay magaganap ng buo ng Panginoon.
Anuman ang sabihin ninuman, tayo’y dapat manalig sa Salita ng Diyos hanggang sa katapusan ng mundo at manatili sa pananampalatayang ito. Sa pagsunod sa Panginoon, anuman ang mga paghihirap, tayo’y dapat tiyakan na manatili at ikalat ang ating pananampalataya sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu.
Tayo’y mamuhay sa pag-aasam ng Araw ng Panginoon. Ating ihanda ang mga makasalanan para sa kapatawaran ng kanilang kasalanan sa pamamagitan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu! Naniniwala ako na ang ating Panginoon ay naihanda na lahat ng mga pagpapala ng Langit inilaan para sa mga matuwid at naghihintay para sa atin. Maghanda tayo para sa araw na iyon bago ang pagkabuhay muli ng mga patay at amg pagbabago ng mga matuwid ay dumating. Huminto sa pagreklamo ukol sa kawalan ng iyong buhay, at sa halip ay manalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Esiritu.
Kapag iyong nalaman ang ebanghelyo ng katotohanan, paano mo pipiliin pa ang mahantong sa impiyerno dahil sa pagtangging manalig dito? Sa halip na mahulog sa kawalan ng pag-asa ng kahungkagan ng buhay, tayo’y dapat maghanda para sa Milenyong Paghahari sa pamamagitan ng kalayaan mula sa lahat ng ating mga kasalanan sanhi ng pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Pagkatapos tayong mamuhay sa pananampalatayang tulad ng taglay ng Iglesia ng Filadelfia, ay pinapurihan ng Diyos, ating tiyak na makikita ang ating Panginoon sa alapaap! Hallelujah!