• All e-books and audiobooks on The New Life Mission website are free
  • Explore multilingual sermons in global languages
  • Two new revised editions in English have been released
  • Check out our website translated into 27 languages
Search

Sermons

Paksa 10: Ang Pahayag (Mga Komento sa Pahayag)

[Kabanata 3-5] Liham sa Iglesia ng Laodicea (Apocalipsis 3:14-22)

(Apocalipsis 3:14-22)
“At sa anghel ng iglesia sa Laodicea ay isulat mo: Ang mga bagay na ito ay sinasabi ng Siya Nawa, ng saksing tapat at totoo, ng pasimula ng paglalang ng Dios: nalalaman ko ang iyong mga gawa, na ikaw ay hindi malamig o mainit man: ibig ko sanang ikaw ay malamig o mainit. Kaya sapagka’t ikaw ay malahininga, at hindi mainit o malamig man, ay isusuka kita sa Aking bibig. Sapagka’t sinasabi mo, Ako’y mayaman, at nagkamit ng kayamanan, at hindi ako nangangailangan ng anoman; at hindi mo nalalamang ikaw ang aba at maralita at dukha at bulag at hubad: ipinapayo Ko sa iyo, na ikaw ay bumili sa Akin ng gintong dinalisay ng apoy, upang ikaw ay yumaman: at ng mapuputing damit, upang iyong maisuot at upang mahayagang iyong kahiyahiyang kahubaran; at ng pangpahid sa mata, naipahid sa iyong mga mata upang ikaw ay makakita. Ang lahat Kong iniibig, ay Aking sinasaway at pinarurusahan: ikaw nga’y magsikap, at magsisi. Narito Ako’y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinoman ay duminig ng Aking tinig at magbukas ng pinto, Ako’y papasok sa kaniya, at hahapong kasalo niya, ay siya’y kasalo ko. Ang magtagumpay, ay Aking pagkakaloobang umupong kasama Ko sa Aking luklukan, gaya ko naman na nagtagumpay, at umupong kasama ng Aking Ama sa Kaniyang luklukan. Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia.”
 
 
Masusing Kapaliwanagan na Kasulatan
 
Talatang 14: “At sa anghel ng iglesia sa Laodicea ay isulat mo: Ang mga bagay na ito ay sinasabi ng Siya Nawa, ng saksing tapat at totoo, ng pasimula ng paglalang ng Dios:”
Naparito ang ating Panginoon at sumunod sa Diyos Ama hanggang sa Kanyang kamatayan upang maisakatuparan ang kalooban ng Diyos. Sa ibang mga pananalita, tumalima Siya sa anumang utos sa isang “Amen” kung ito ang kalooban ng Ama. Ang ating Panginoon ay ang tapat ng lingkod na nagpapatunay sa Kanyang sarili bilang Anak ng Diyos at Tagapagligtas. Ang ating Panginoon ay ang Diyos ng nilikha ng pasimula.
 
Talatang 15: “Nalalaman Ko ang iyong mga gawa, na ikaw ay hindi malamig o mainit man: ibig Ko sanang ikaw ay malamig o mainit.”
Sinaway ng Diyos ang lingkod ng Iglesia ng Laodicea dahil sa kanyang maligamgam na pananampalataya. Karapat-dapat sa lingkod na ito ang galit ng Diyos. Ang sinuman ang pananampalataya’y maligamgam sa harap ng Diyos, dapat niyang isaayos ang kanyang pananampalataya sa pamamagitan ng hindi malamig o mainit. Ang pananampalatayang kailangan ng Diyos mula sa atin ay isang malinaw na pananampalataya na hindi malamig ni mainit man. Ang malinaw na pananampalatayang ito ay siya ring isang pinakakailangan sa pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu.
Pagdating sa pananalig sa Diyos, mayroong mga dalawang uri ng mananampalataya. Sa kabilang dako, mayroong mga tao na nananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu bilang tunay na ebanghelyo, at wala ng ibang ebanghelyo kundi ang ebanghelyong ito. Sakabilang dako, mayroon namang naniniwala na mayroon pang ibang mga ebanghelyo, maliban sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Ang pananampalataya ganito ay maligamgam lamang.
Inaakala nilang sapat na ang maniwala kay Jesus, at hindi kailangan pang alamin ang tunay na ebanghelyo at mga maling ebanghelyo. Iba naman sa kanila’y inaakalang hindi lang si Jesus ang Tagapagligtas, ang kaligtasa’y matatagpuan sa mga ibang relihiyon ng mundong ito. Tulad ng kanilang pananampalataya, ang pananampalataya ng lingkod ng Iglesia ng Laodicea ay maligamgam din, walang malinaw na pagbubuklod sa pagitan ng tunay at mga maling ebanghelyo –wala ng iba kundi ang ebangehlyo ng tubig at ng Espiritu. Ito ay kung bakit ang lingkod ay nagdulot ng mga pagkabalisa sa Diyos at naglikom ng kanyang sumpa.
 
Talatang 16: “Kaya sapagka’t ikaw ay malahininga, at hindi mainit o malamig man, ay isusuka Kita sa Aking bibig.”
Ang ating Panginoong Diyos ay nagpilit na hiningi ang isang malinaw na pananampalataya mula sa Kanyang lingkod. Dapat nating mabatid na hindi nasisiyahan ang Diyos sa isang pananampalatayang hindi malamig o hindi mainit. Kapag tayo’y nanalig sa Panginoon, samakatuwid, ating malinaw na italaga ang ating mga puso sa pamamagitan ng pagsusukat sa mga ito sa Salita ng Diyos at manatili sa Kanyang kalooban sa pananalig dito. Yaong mga isinilang na muli ay dapat ding malinaw na tumayo sa panig ng Biblia sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, at matatag na humarap laban sa mga nagkakalat ng mga ibang ebanghelyo bukod sa tunay na ebanghelyong ito. Sinasabi sa atin ng Diyos na kung ang matuwid ay hindi mananalig sa malinaw na panig ng pananampalataya, siya’y isusuka Niyang palabas. Kung gayon, saan nakatayo ang iyong pananampalataya ngayon?
 
Talatang 17: “Sapagka’t sinasabi mo, Ako’y mayaman, at nagkamit ng kayamanan, at hindi ako nangangailangan ng anoman; at hindi mo nalalamang ikaw ang aba at maralita at dukha at bulag at hubad:”
Yaong ang pananampalataya sa Panginoon ay maligamgam ay nananalig na ang kanilang pananampalataya ay sapat na, kaya’t sila’y nananatiling hindi alintana sa kahinaan ng kanilang pananampalataya. Dahil ang lingkod sa Iglesia ng Laodicea ay nakitaan ng kanyang pananampalatayang maligamgam, siya rin, nabigong mabatid kung gaano ang kanyang pagiging aba. Upang magkaroon ng malinaw at tiyakang pananampalataya, samakatuwid, kailangan niyang maharap sa mga pagsubok at pag-uusig para sa katotohanan, at dadaan sa labanan ng pananampalataya laban sa mga sinungaling. Saka lang naman niya malalaman kung gaano siya walang katapatan at ang kanyang kahubaran. Tayong lahat ay dapat magkaroon ng malinaw na pananalig sa Panginoon.
 
Talatang 18: “Ipinapayo Ko sa iyo, na ikaw ay bumili sa Akin ng gintong dinalisay ng apoy, upang ikaw ay yumaman: at ng mapuputing damit, upang iyong maisuot at upang mahayagang iyong kahiyahiyang kahubaran; at ng pangpahid sa mata, naipahid sa iyong mga mata upang ikaw ay makakita.”
Sinabi ng Diyos sa anghel ng Iglesia ng Laodicea na kanyang dalisayin ang kanyang pananampalataya. Ang lingkod ng Iglesia ng Laodicea ay dapat itaguyod muli ang pundasyon ng kanyang pananampalataya sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu at bihisan ng damit ng buong katuwiran. Dapat ding tignan niya ang kanyang sarili, magbalik at dalisayin ng malinaw ang kanyang pananampalataya. Kailangan niyang panatilihin ang kanyang pananampalataya ng may pagtitiis, at matupad ang kanyang pag-asa sa pamamagitan ng pagdalisay ng kanyang pananampalataya.
Ikaw din, ay dapat dumaan sa mabigat na pagsisiil at pag-uusig para sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, ang ebanghelyo ng katotohanang binigay ng Diyos. Saka mo lang malalaman kung gaano kahalaga ang katotohanan nitong ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Nawasak mo na ba ang iyong sariling katuwiran ng tao upang mapanatili ang katuwiran ng Diyos na nakakamit sa pamamagitan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu? Yaong nagputol ng katuwiran ng tao ay nalalaman kung gaano ang halaga at pagpapala ang katuwiran ng Diyos. Dapat mong mabatid na dahil sa kawalan ng pananampalatayang hindi pagtitiwala sa Panginoon, ang iyong buhay pananampalataya ay tiyak na magiging kahabag-habag. Samakatuwid, dapat kang matuto sa pananampalatayang binigay ng Panginoon sa Kanyang sinusundang mga lingkod bago tayo, at takpan ang iyong walang katapatan.
Hindi natin dapat kalimutan ang katotohanang kailangan ng mga sakripisyo upang matutunan ang tunay na pananampalataya. Dahil ang tunay na pananampalataya ay natutunan sa pamamagitan ng pagsunod sa buhay pananampalataya ng mga espirituwal na tagapagpauna ng dahan-dahan, dapat tayong magbigay ng sakripisyo. Dapat din tayong maging handa na mawalan ng mga bagay ng mundo alang-alang sa pagtatayo ng Kaharian ng Panginoon at sa pagpapaunlad ng ating pananampalataya, at itapon ang lahat para sa Panginoon.
 
Talatang 19: “Ang lahat Kong iniibig, ay Aking sinasaway at pinarurusahan: ikaw nga’y magsikap, at magsisi.”
Sinaway at pinarusahan ng Panginoon ang mga nakakaalam at nananalig sa Kanyang pag-ibig, kung ang kanilang pananampalataya ay walang gawa. Ang mga iniibig ng Panginoon, samakatuwid, ay dapat magpagal ng husto para sa Kanya at sumunod sa Kanya nA may tunay na pananampalataya.
 
Talatang 20: “Narito Ako’y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinoman ay duminig ng Aking tinig at magbukas ng pinto, Ako’y papasok sa kaniya, at hahapong kasalo niya, ay siya’y kasalo Ko.”
Ang mga naging lingkod ng Diyos ay ibinabahagi ang kanilang mga buhay sa Kanya na may galak at kalungkutan. Ang mga gumagawa para sa Panginoon ay namumuhay sa pamamagitan ng laging pananalig sa Salita ng Panginoon, at sa pamamagitan ng kanilang pananampalataya, laging tinutupad ng ating Panginoon ang lahat ng Kanyang mga gawa.
 
Talatang 21: “Ang magtagumpay, ay Aking pagkakaloobang umupong kasama Ko sa Aking luklukan, gaya Ko naman na nagtagumpay, at umupong kasama ng Aking Ama sa Kaniyang luklukan.”
Ang tunay na pananampalataya ay matatamo o mawawala batay sa kung ang isa’y nakahandang yakapin ang pagmamartir o hindi. Ang mga lumalaban kay satanas sa pamamagitan ng pananalig sa salita ng Panginoon ay matatamo ang tagumpay at maluluwalhating kasama ang Panginoon. Ang mga hinirang at mga lingkod ng Diyos ay laging napapasabak sa isang espirituwal na laban kay satanas. Sa labanang ito, sila’y laging magtatagumpay sa pamamagitan ng pananalig sa salita ng Panginoon. Samakatuwid ang mga nagtagumpay nga sa kanilang pakikipaglaban kay satanas ay maluluwalhating kasama ang Panginoon.
Talatang 22: “Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia.”
Ang mga hinirang ay dapat laging makinig sa tinig ng Diyos at sundin ang pamumuno ng Banal na Espiritu. Sa kanilang pagsunod, ang kanilang pananampalataya ay magiging tulad ng lumalakad kasama ang Banal na Espiritu, at ang espirituwal na katagumpayan ay laging mapapasakanila.