(Apocalipsis 3:14-22)
Ang pananampalataya ng Iglesia ng Laodicea ay isang pananampalatayang isusuka ng Panginoon. Pinayuhan samakatuwid ng Panginoon na bumili siya ng gintong dinalisay sa apoy upang maging mayaman sa pananampalataya. Ang maligamgam na pananampalatayang ito ay maaaring lumitaw sa mga matuwid sa panahong ito. Dahil walang bayad nilang nakamit ang kanilang pananampalataya, hindi nila nalalaman kung gaano kahalaga ang kanilang pananampalataya. Dahil dito ang Diyos ay sinabi ang Kanyang salita ng pagsaway at payo sa mga matuwid, upang bigyan sila ng pananampalatayang tulad ng gintong dinalisay sa apoy. Makikita rin natin sa talatang ito nais ng Panginoon na ang lahat ng pitong iglesia sa Asia na nagkaroon ng iisang pananampalataya. Iniutos ng Panginoon sa lahat ng mga may pandinig na makinig sa sinasabi ng Banal na Espiritu sa Kanyang mga iglesia.
Mula sa 3:17, makikita natin ang Iglesia ng Laodicea ay malalim na nasilo sa kanyang sariling-panlilinlang, inaakala na ang kanyang materyal na kasaganaan ay katulad ng mga espirituwal na pagpapala ng Diyos at ito’y utang sa kanilang pananampalataya. Sa nalinlang na kongregasyong ito, maanghang na tinukoy ng Diyos ang kanilang karukhaan at kalungkutan.
Ang Iglesia ng Laodicea ay maaaring nagmukhang mayaman sa pananampalataya, ngunit sa katotohanan ito’y walang pananalig, mahirap na iglesia. Ang kanyang pananampalataya ay maligamgam, puno ng espirituwal na pagyayabang, at higit na mahal ang mundo kaysa kay Jesus.
Ang Apocalipsis 3:14-22 ay nagsasalita sa buhay ng isang alagad. Ang tunay na mga alagad ni Jesus ay yaong sumusunod at tumatalima sa Salita ni Cristo. Lahat ng mga isinilang na muli sa pananalig kay Jesucristo ay nararapat na maging Kanyang mga alagad. Nais ng Panginoon na tayong lahat ay mamuhay na isang alagad. Dapat nating mabatid na ang buhay ng alagad ay binigay na nga sa atin.
Sa talata, sinabi ng Panginoon na Kanyang isusuka ang mga hinirang na hindi namumuhay bilang isang alagad. Tulad ng pagkatala nita sa mga talatang 15-16, “Nalalaman Kko ang iyong mga gawa, na ikaw ay hindi malamig o mainit man: ibig Ko sanang ikaw ay malamig o mainit. Kaya sapagka’t ikaw ay malahininga, at hindi mainit o malamig man, ay isusuka kita sa aking bibig.” Kung ang ligtas ay hindi malamig ni mainit sa Panginoon, ito’y nagbabadya lamang ng kanilang espirituwal na karalitaan. Gayon din, ang gayong tao ay di-nalalaman pa ukol sa buhay ng isang alagad. Tayo’y natubos na sa ating mga kasalanan dahil sa pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Ito ang ating kaligtasan.
Ano, kung gayon, ang ibinigay sa atin matapos tayong maligtas at maisilang na muli? Binigay sa atin ang buhay na magsikap na maging tulad ng Panginoon, tumatalima at sumusunod sa Kanyang mga utos, at hinahanap ang Kanyang Salita. Ito ang buhay ng isang alagad. Kinailangan ang pagdidisipulo mula sa Kanyang mga lingkod, sinuway ng Diyos ang Iglesia ng Laodicea sa pagsasabing ito’y “hindi malamig o mainit man.”
Ang pananampalatayang hindi mainit o malamig man ay pananampalatayang maligamgam. Anong uri ng pananampalataya, kung gayon, ang pananampalatayang maligamgam na nagbibigay ng higit na maraming kaaliwan sa sangkatauhan dahil sa pagiging hindi malamig o mainit man? Ito ang pananampalatayang nagsisikap sa parehong kapamaraan, upang magkaroon ng “cake” at kainin din ito. Ito ang uri ng pananampalatayang hindi namumuhay tulad ng isang alagad. Yaong ang pananampalataya ay maligamgam ay yaong, bagamat ligtas ay hindi sinusunod ang kalooban ni Jesus. Sila’y animo’y sumusunod kay Jesus, ngunit sa katotohana’y hindi – pananalita, ay tinatawag bilang pananampalatayang maligamgam.
Inilalarawan ng mundo ang gayong pananampalataya bilang isang matalino. Ang pananampalatayang ito ay maaaring maging matalino sa pananaw ng sanlibutan, nagpapasuka sa Panginoon. Anong maligamgam na nagpapasuka sa Panginoon. Dapat kang magkaroon ng makatarungan at mabuting ideya kung anong uri ng pananampalataya ito na hindi malamig o mainit man. Yaong ang pananampalataya ay maligamgam ay hindi nakikiisa ni nakikibukod mula sa mga gawain ng mga iglesia ng Diyos; ginagawa nila ay hindi nila ginagawa lahat ito ng sabay-sabay. Ang kanilang buhay pananampalataya ay gayon na lamang na kung ang paghahati ay, halimbawa ay 60, pagkatapos ibabagay nila ang kanilang sarili sa eksaktong 60, hindi lalabis at hindi kukulang.
Ang mga buhay pananampalataya tulad nito ay espirituwal na karukhaan. Tulad ng sinasabi sa mga talatang 17-18, “Sapagka’t sinasabi mo, ako’y mayaman, at nagkamit ng kayamanan, at hindi ako nangangailangan ng anoman; at hindi mo nalalamang ikaw ang aba at maralita at dukha at bulag at hubad: Ipinapayo Ko sa iyo, na ikaw ay bumili sa Akin ng gintong dinalisay sa apoy, upang ikaw ay yumaman; at ng mapuputing damit, upang iyong maisuot at upang mahayagang iyong kahihiyang kahubaran; at ng pangpahid sa mata, naipahid sa iyong mga mata upang ikaw ay makakita.”
Yaong ang pananampalataya’y maligamgam kinilala ang kanilang makalupang kasaganaan bilang kanilang espirituwal na kasaganaan. Bagama’t nararamdaman nilang sila’y mga aba, napapagal, at maralita, hindi nila lubos na nalalaman ito. Ito ang mga taong hindi nakakakilala ang kanilang mga sarili. Inaakala nila sa kanilang mga sarili, “Ako’y nasa mabuting kalagayan. Ako’y taos puso, matalino at sinasang-ayunan ng mga iba, kaya tama lang sa akin ang mamuhay ng ganito, bagaman ako’y ligtas,” at namumuhay sila sa kanilang sariling panuntunan. Ang mga taong ito ay tapat sa sanlibutan, ngunit hindi sila tapat sa iglesia ng Diyos. Ang kanilang pananampalataya ay maligamgam lamang. Samakatuwid sinabi ng Diyos na Kanyang isusuka sila.
Dumadalo sila sa iglesia ng walang layunin kundi ang iwasan magpalipas oras. Umuupo lang sila hanggang sa katapusan ng pananambahan at aalis agad. Hindi sila boluntaryong nakikibahagi sa mga gawain ng iglesia, at kung sakali man, titiyakin nilang ito ay ang pinakamaliit na pakikibahagi: gingawa nila ngunit hindi, hindi nila ginagawa ngunit ginagawa naman nila. Ito ang mga taong may espirituwal na karukhaan.
Ang Panginoon ay may sumusunod na payo sa gayong tao, “Ipinapayo ko sa iyo, na ikaw ay bumili sa akin ng gintong dinaliyay ng apoy, upang ikaw ay yumaman: at ng mapuputing damit, upang iyong maisuot at upang mahayagang iyong kahiyahiyang kahubaran; at ng pangpahid sa mata, naipahid saiyong mga mata upang ikaw ay makakita.” Sinabi Niya sa kanila na bumili ng gintong dinalisay sa apoy upang magkaroon ng yaman.
Kung talagang nais mong sumunod sa Panginoon, at kung talagang nais mo na ika’y Kanyang purihin ka sa iyong pananampalataya, dapat mong pag-aralan ang iyong pananampalataya. Paano, kung gayon matututunan ang iyong pananampalataya? Dapat mong matutunan ito sa pamamagitan ng pagbabayad ng sakripisyo at manalig sa salita. Ibig sabihin napakaraming mga pagsubok at mga kapighatian para sa atin dahil sa pagsunod sa Salita ng Diyos. Ngunit lahat ng gayong mga pagsubok at mga kapighatian ay makapagtatagumpay sa pamamagitan ng pananalig at pagsunod sa Salita ng Diyos. Sa paggawa ng gayon, ang ating mga puso ay dadalisay, bibigyan tayo ng pananampalatayang kumilala sa Salita ng Diyos bilang ang katotohanan at buong pusong nananalig dito. Ito ang pananampalatayang tulad ng dalisay na ginto.
Upang matamo ang tunay na pananampalataya, dapat nga tayong magbigay bayad ng sakripisyo, dahil sa hindi pagbayad sakripisyo, hindi natin matutunan ang pananampalataya ng hindi dadaan sa mga maraming paghihirap. Kung talagang nais nating maging mamamayan ng pananampalataya, mamuhay bilang disipulo ng Panginoon, at maging pagpapala para sa ating pananampalataya, pagkatapos dapat nating bayaran ang sakripisyo. Kung walang sakripisyo, hindi ito matatamo.
Sino ang mayroong malakas na pananampalataya mula sa simula? Wala ni isa. Ito’y dahil ang tao ay mangmang sa pananampalatayang itinuturo ng iglesia sa kanla ukol sa salita at gumagabay sa kanila. Dapat tayong sumunod sa paggabay ng iglesia sa atin, at matapat na sundin ito. Ngunit sa pagsunod ay nakasunod ang paghihirap; kadalasa’y pagtitiis ay kinakailangan. Ito ay kung bakit ang pagiging mamamayan ng pananampalataya sa pamamagitan ng pagtanggap ng gabay ng Salita, pakikipagtipon, pagtuturo ay kalakip ng sakripisyo. Ngunit dahil ang tao’y ayaw ang sakripisyo, bagama’t nais nilang matutunan ang pananampalataya, hindi nila makakamit ang pagdalisay ng tunay na pananampalataya. Ito ay kung bakit sinabi ng Panginoon sa atin na bumili sa Kanya ng gintong dinalisay sa apoy upang tayo’y yumaman sa pananampalataya.
Mauunawaan mo lang kung ano ang kahulugan ng Salita kapag iyong natutunan ang pananampalataya ng mga naunang hinirang at sundin ang kanilang mga halimbawa. Kung narinig lang ang Salita sa teoriya at hindi mo talagang sinusunod ang iniutos sa iyo, at kung sumama ka sa paghihikayat ng kaluluwa, mga panalangin, o mga pagtitipon ngunit hindi mo talagang ginagawa ito palagi, hindi mo matutunan ang pananampalataya. Dahil kaunti ang iyong pananampalataya, sinusukat mo ang iyong pananampalataya na hindi ganoon masama sa pamamagitan ng iyong sariling pamantayan sa mundo. Inaakala mo sa iyong sarili, “Ako’y naligtas, ako’y may salapi, at ako ay walang problema sa mga bagay ng mundo, kaya’t ako’y dapat na maging higit kaysa sa mga iba. Oo, nakatitiyak akong ako’y higit na mabuti kaysa sa mga taong ito.”
Kung talagang nais mong matutunan ang tunay na pananampalatayang tulad ng ginto, dapat kang magbayad sakripisyo. Madali ba ang tumalima at sumunod? Kailangan ng sakripisyo upang sumunod. Madali ba ang magsakripisyo? Hindi. Ngunit kung nais mong maiwang maisuka ka, dapat kang tumalima sa pamamagitan ng pagsakripisyo.
Ngunit yaong, hindi natutunan ang tunay na pananampalataya, ay mga espiritwal na dukha ayaw magsakripisyo. Upang tumalima, kailangan niya munang wasakin ang kanyang kaisipan. Kung hindi magagawa ito, ang kanilang mga puso ay patuloy sa kanilang espirituwal na pagka-aba, habang ang oras ay lumulipas. Hindi nalalaman ang kanilang sariling kakulangan ng pananampalataya, sila’y mahahantong lang sa pagbibigay sisi sa mga hinirang na nauna sa kanila. Dapat mong matutunan ang tunay na pananampalataya kapag ika’y nakapasok sa mga espirituwal na labanan at ika’y nasa panig ng Diyos, ang iyong pananampalataya ay dadalisayin habang ika’y nagtatamo ng mga espirituwal na kabiguan at iyong nabatid kung ano ang mamuhay ng espirituwal na katagumpayan. Malalaman mo lang ang pananampalatayang ito kapag iyong tunay na naranasan.
Sinuway ng Diyos ang lingkod ng Iglesia ng Laodicea sa pagsulot, “Hindi mo nalalaman ang iyong kahubaran ni ang iyong karalitaan. Ika’y naligtas, ngunit ang iyong pananampalataya ay maligamgam – ni hindi ito o iyan man. Ang tanging mayroon ka ay ang iyong kaligtasan, na iyong kinasangkapan. Maliban nito, wala ng iba pa ang sa iyo.”
Ang mga lingkod ba ng Diyos o ang ating mga espirituwal ninuno ay naging ating mga sinundan ng pananampalataya sa paglipas ng panahon, nang hindi nabubuhay bilang disipulo? Hindi! Dinaanan nila ang lahat ng mga uri ng kahirapan para sa Panginoon, sa galak at sa kalungkutan. Ginagabayan ka ng Diyos sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mga nauna sa iyo na dumanas ng lahat ng mga bagay na iyong dadanasin din. Samakatuwid dapat kang manalig sa katotohanang ang Diyos ang nagtuturo at gumagabay sa iyo sa pamamagitan ng mga sumunod sa daan ng pananampalatayang nauna sa iyo.