• All e-books and audiobooks on The New Life Mission website are free
  • Explore multilingual sermons in global languages
  • Two new revised editions in English have been released
  • Check out our website translated into 27 languages
Search

Sermons

Paksa 10: Ang Pahayag (Mga Komento sa Pahayag)

[Kabanata 4-1] Tumingin kay Jesus na Siyang Nakaluklok sa Trono ng Diyos (Apocalipsis 4:1-11)

(Apocalipsis 4:1-11)
“Pagkatapos ng mga bagay na ito ay tumingin ako, at narito, ang isang pintong bukas sa langit, at ang unang tinig na aking narinig, na gaya ng sa pakakak, na nakikipagusap sa akin, ay sa isang nagsasabi, Umakyat ka rito, at ipakikita ko sa iyo ang mga bagay na dapat mangyari sa haharapin. Pagkadaka’y napasa Espiritu ako: at narito, may isang luklukang nalalagay sa langit, at sa ibabaw ng luklukan ay may Isang nakaupo; at ang nakaupo ay katulad ng Isang batong jaspe at Isang sardio: at naliligid ng isang bahaghari na tulad sa anyo ng isang esmeralda. At sa palibot ng luklukan ay may dalawangpu’t apat na luklukan: at sa mga luklukan ay nakita kong nangakaupo ang dalawangpu’t apat ng mapuputing damit; at sa kanilang mga ulo ay may mga putong na ginto. At mula sa luklukan ay may lumalabas na kidlat, at mga tinig at mga kulog. At may pitong ilawang apoy na mga nagliliyab sa harapan ng luklukan, na siyang pitong Espiritu ng Dios; At sa harapan ng luklukan, ay wari na may isang dagat na bubog na katulad ng salamin; at sa gitna ng luklukan, at sa palibot ng luklukan, ay may apat na nilalang na buhay na puno ng mga mata sa harapan at sa likuran. At ang unang nilalang ay katulad ng isang leon, at ang ikalawang nilalang ay katulad ng isang guyang baka, at ang ikatlong nilalang ay may mukhang katulad ng sa isang tao, at ang ikaapat na nilalang ay katulad ng isang agila na lumilipad. At ang apat na nilalang na buhay, na may anim na pakpak bawa’t isa sa kanila, ay mga puno ng mata sa palibot at sa loob; at sila’y walang pahinga araw at gabi, na nagsasabi:
‘Banal, banal, banal,
Ang Panginoong Dios, ang Makapangyarihan sa lahat, 
Na nabuhay at nabubuhay at siyang darating!’
At pagka ang mga nilalang na buhay ay nangagpupuri, at nangagpaparangal at nangapapasalamat sa nakaupo sa luklukan, doon sa nabubuhay magpakailan kailan man, ang dalawangpu’t apat na matatanda ay mangagpapatirapa sa harapan niyaong nakaupo sa luklukan, at mangagsisisamba doon sa nabubuhay magpakailan kailan man, at ilalagay ang kanilang putong sa harapan ng luklukan na nangagsasabi:
‘Marapat ka, Oh Panginoon namin at Dios namin,
Na tumanggap ng kaluwalhatian at ng kapurihan at ng kapangyarihan:
Sapagka’t nilikha Mo ang lahat ng mga bagay
At dahil sa Iyong kalooban ay nangagsilitaw, at nangalikha.’”
 
 
Masusing Kapaliwanagan na Kasulatan
 
Talatang 1: “Pagkatapos ng mga bagay na ito ay tumingin ako, at narito, ang isang pintong bukas sa langit, at ang unang tinig na aking narinig, na gaya ng sa pakakak, na nakikipagusap sa akin, ay sa isang nagsasabi, Umakyat ka rito, at ipakikita ko sa iyo ang mga bagay na dapat mangyari sa haharapin.”
Ang pinto ng Langit ay dating nakasara. Ngunit ang pintong ito ay lubos na binuksan nang palayain ni Jesus ang mga makasalanan mula sa kanilang mga kasalanan sa pamamagitan ng pagparito sa mundo, sa pagbautismo kay Juan, kamatayan sa Krus, at pagbangong muli mula sa kamatayan. Sa pamamagitan ng Kanyang mga anghel, inihayag ng Diyos kay apostol Juan ang naghihintay sa mundo sa mga huling araw.
 
Talatang 2: “Pagkadaka’y napasa Espiritu ako: at narito, may isang luklukang nalalagay sa langit, at sa ibabaw ng luklukan ay may isang nakaupo;”
Sa pamamagitan ng pintong bukas sa Langit, nakita ni Juan na mayroon pang ibang trono na inihanda sa Langit at ang nakaupo ay si Jesucristo. Sa palibot ng trono ay ang apat na nilalang, 24 na mga matatanda, at ang pitong Espiritu ng Diyos.
Tinanggap ng Panginoon ang trono ng Diyos mula sa Ama para sa kabuuan ng Kanyang gawaing pagliligtas sa mga makasalanan mula sa mga kasalanan ng mundo. Habang narito sa mundo, kinuha ng Panginoon ang lahat ng kasalanan ng sanlibutan sa pamamagitan ng pagtanggap ng bautismo kay Juan bautista, at pinalaya lahat ng mga kasalanan mula sa kanilang mga kasalanan sa pamamagitan ng kamatayan sa Krus at pagbangong muli mula sa kamatayan. Ito ay kung bakit pinahintulot ng Diyos Ama ang tronong nasa Langit para sa Kanyang Anak.
May pagkiling na nakikita nila si Jesus sa wari mo’y sa limitadong pananaw, makikilala Siya bilang Anak ng Diyos at Tagapagligtas, wala ng iba pa. Ngunit si Jesucristo ngayo’y nakaupo sa trono ng Diyos bilang pinakamataas na Hari na naghahari sa Langit.
Ito’y hindi nangangahulugan, na si Jesus ay nasisiyahan laban sa Ama para sa Kanyang trono. Ang trono ng Diyos Ama ay naroon pa rin. Pinahintulot Niya ang isa pang trono sa Langit para sa Kanyang Anak, kokoronahan Siya bilang Hari ng Kalangitan at itatalaga bilang Tagapaghatol ng lahat ng mga sumasalungat sa Diyos. Itinaas ng Ama si Jesucristo sa itaas ng bawat isang nasa Langit at lupa bilang Diyos. Ngayon si Jesucristo ay Diyos, kapantay ng Ama. Atin ngang purihin at sambahin si Jesus, na Siyang ating Tagapagligtas at Diyos.
 
Talatang 3: “At ang nakaupo ay katulad ng isang batong jaspe at isang sardio: at naliligid ng isang bahaghari na tulad sa anyo ng isang esmeralda.”
Inilalarawan ng talatang ito ang kaluwalhatian ng Diyos nakaupo sa bagong trono.
 
Talatang 4: “At sa palibot ng luklukan ay may dalawangpu’t apat na luklukan: at sa mga luklukan ay nakita kong nangakaupo ang dalawangpu’t apat ng mapuputing damit; at sa kanilang mga ulo ay may mga putong na ginto.”
Sa palibot ng trono ni Jesucristo na ating Diyos ay nakaupo ang Kanyang mga ministro. Sinasabi rito na ang trono ng Diyos ay pinapalibutan ng 24 pang mga trono, at sa mga tronong ito at nakaupo ang 24 na matatanda na may mga koronang ginto sa kanilang mga ulo. Ito’y isang dakilang pagpapala ng Diyos para sa mga matatandang nakaupo sa 24 trono. Ang mga matatandang ito, habang narito sa mundo, nagpagal at naging mga martir para sa Kaharian ng Panginoon. Sinasabi ng Salita sa atin na ang Kaharian ng Langit ngayo’y naging kaharian ng ating Panginoong Diyos, walang hanggang mamamalagi sa ilalim ng Kanyang paghahari.
 
Talatang 5: “At mula sa luklukan ay may lumalabas na kidlat, at mga tinig at mga kulog. At may pitong ilawang apoy na mga nagliliyab sa harapan ng luklukan, na siyang pitong Espiritu ng Dios;”
Ang Diyos ang Siyang lumikha at naghahari sa lahat ng mga espiritu.
 
Talatang 6: “At sa harapan ng luklukan, ay wari na may isang dagat na bubog na katulad ng salamin; at sa gitna ng luklukan, at sa palibot ng luklukan, ay may apat na nilalang na buhay na puno ng mga mata sa harapan at sa likuran.”
Ang mga apat na nilalang kasama ang 24 na mga matatanda, ang mga ministro ng Kaharian ng Diyos. Lagi nilang hinahanap ang kalooban ng Diyos at pinupuri ang Kanyang kabanalan at kaluwalhatian. At sila ang yaong nagsasagawa ng kalooban ng Diyos sa pagtalima.
 
Talatang 7: “At ang unang nilalang ay katulad ng isang leon, at ang ikalawang nilalang ay katulad ng isang guyang baka, at ang ikatlong nilalang ay may mukhang katulad ng sa isang tao, at ang ikaapat na nilalang ay katulad ng isang agila na lumilipad.”
Ang mga apat na nilalang ay ang mga lingkod o ministro ng Diyos tapat sa mga gawaing binigay sa bawat isa, mga tapat na naglilingkod sa lahat ng Kanyang mga layon.
 
Talatang 8: “At ang apat na nilalang na buhay, na may anim na pakpak bawa’t isa sa kanila, ay mga puno ng mata sa palibot at sa loob; at sila’y walang pahinga araw at gabi, na nagsasabi, Banal, banal, banal, ang Panginoong Dios, ang Makapangyarihan sa lahat, na nabuhay at nabubuhay at siyang darating.”
Tulad ng Diyos na hindi natutulog, ang mga apat na nilalang din ay laging gising sa Kanyang tabi, patuloy na pumupuri sa Kanya dahil sa Kanyang kaluwalhatian at kabanalan. Pinupuri nila ang kabanalan ng Diyos na naging Kordero at sa Kanyang kapangyarihan. Pinupuri nila ang Diyos bilang Isang nabuhay, at nabubuhay at Siyang darating. Ang Siyang pinapupurihan nila ay ang Diyos Ama at Jesucristo, na Siyang Diyos.
 
Talatang 9: “At pagka ang mga nilalang na buhay ay nangagpupuri, at nangagpaparangal at nangapapasalamat sa nakaupo sa luklukan, doon sa nabubuhay magpakailan kailan man,”
Ang mga ministro ng Diyos ay siyang nagbibigay luwalhati, karangalan at pasasalamat sa Kanya na Siyang nakaupo sa trono magpakailanman.
 
Talatang 10: “Ang dalawangpu’t apat na matatanda ay mangagpapatirapa sa harapan niyaong nakaupo sa luklukan, at mangagsisisamba doon sa nabubuhay magpakailan kailan man, at ilalagay ang kanilang putong sa harapan ng luklukan na nangagsasabi,”
Kapag nagpupuri ang 4 na nilalang sa Diyos, ang mga matatandang nakaupo sa 24 trono ay inilagay ang kanilang mga korona sa harapan ng Diyos at pinuri Siya, “Karapat-dapat Ka, Oh Panginoon, na tanggapin ang kaluwalhatian, at kapurihan at kapangyarihan.”
 
Talatang 11: “Marapat ka, Oh Panginoon namin at Dios namin, na tumanggap ng kaluwalhatian at ng kapurihan at ng nilikha mo ang lahat ng mga bagay at dahil sa iyong kalooban ay nangagsilitaw, at nangalikha.”
Ang papuring binigay ng 24 na mga matatanda sa Diyos ay mula sa kanilang pananampalataya na ang Diyos ay karapat-dapat na tanggapin ang lahat ng kaluwalhatian, kapurihan at kapangyarihan, dahil nilikha Nya ang lahat ng bagay at ang lahat ay namamalagi dahil sa Kanya.