(Apocalipsis 4:1-11)
Sa pamamagitan ng Salita ng Apocalipsis 4, makikita natin kung anong uri ng Diyos ang ating si Jesus, at sa pamamagitan ng kaalamang ito ang ating pananampalataya ay mapapalakas. Kapag ang pananampalatayang naabot sa pamamagitan ng Salita ay naging pananampalataya at naitanim sa ating mga puso, malalabanan at mapagtatagumpayan natin laban kay Satanas ng may malakas na pananampalataya sa Panginoon kapag ang oras ng Kanyang pagbabalik ay nalalapit at ang anticristo ay lilitaw at babantaan tayo.
Ating pinapalago ang ating pananampalataya ngayon upang makapaghanda sa mga pagsubok sa unang tatlo at kalahating taon ng Matinding Kapighatian. Kung darating tayo sa araw na iyon ng walang pagpapalago, ang ating pananampalataya’y tiyak na mawawala. Ngunit kung ang ihahanda nati’y matibay na pananampalataya, matapang nating mapapahayag, kahit pa tayo mamamatay sa isang sandali, na ang Siyang nagligtas sa atin ay Diyos, at tayo’y mga anak ng Diyos na Makapangyarihang lubos na nakatataas kaysa sa satanas na walang papantay sa Kanya.
Ngunit kung magkagayon, dapat muna nating paniwalaan sa kahibuturan ng ating mga puso na ang Panginoon ay Makapangyarihan, at tayo’y Kanyang mga anak. Gaano kababa ang ating Panginoon, na Siyang kapantay ng Diyos Ama, nagpakababa nang Siya’y naparito sa mundo upang iligtas tayo sa lahat ng ating mga kasalanan? Naparito Siya sa mundo sa laman ng tao, sa anyo ng isang alipin, higit na mababa kaysa sa atin, bilang Kanyang sariling nilikha. Anong mangyayari kung hindi naparito ang Panginoon sa gayong kababaang-loob bagkus ay sa pamamagitan ng kapangyarihan kapantay ng mga pinuno ng sanlibutan? Likas lang sa makapangyarihan na kaibiganin lang ang makapangyarihan at upang ibigay ang kanilang kapangyarihan sa mga aba, sa madungis, at ang mahina. Ngunit ang Panginoon ay naparito sa isang anyo na mababa pa kaysa sa atin, kinaibigan ang mabababa at ang mahihina, at sila’y ginawang Kanyang bayan sa pamamagitan ng pagpapalaya sa kanila sa kanilang mga kasalanan.
Ito ay kung bakit ang Diyos ay ang Mabuting pastol at ang maawaing Panginoon. At ito ay kung bakit, sa mahabaging Mabuting Pastol, wala tayong magagawa kundi ang magpuri sa luwalhati ng pagiging Kanyang mga anak. Sa gayon mapupuri natin ang Panginoon ng ating buong puso dahil sa Kanyang biyaya at mga pagpapala habang narito sa mundong ito, at tayo’y patuloy na magpupuri sa Kanya dahil sa Kanyang kapangyarihan at kaluwalhatian nang tayo’y pumasok sa Kanyang Kaharian. Upang makasama sa pagpupuri sa Panginoon sa pamamagitan ng ating mga tinig ay siyang malaking pagpapala, dahil yaon lamang nananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ang makapagpupuri sa Panginoon. Binigyan tayo nitong malaking pagpapala na pinagkaloob lamang sa mga nananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng espiritu. Hindi natin dapat kaligtaan na tayo’y naging bayan ng kamangha-manghang Diyos at Kanyang mga lingkod.
Ang ibang tao’y nagsasabing si Jesus ay ang Anak ng Diyos, ngunit hindi raw Siya Diyos. Ngunit tulad ng tao ay nagsisilang ng tao at ang mga hayop ay nagsisilang ng mga hayop, ang Anak ng Diyos ay Diyos. Tulad ng mga tao ay hindi makapagsisilang ng isang aso, ang Anak ng Makapangyarihang Diyos ay di-maaaring maging isang tao, o isang nilalang lamang Niya. Yaong hindi kumikilala na si Jesus ay Diyos ay yaong hindi nakakaalam na, niligtas Niya tayo sa pamamagitan ng Kanyang tubig at Espiritu.
Tayo’y dapat na maniwalang si Jesus ay Diyos (Juan 1:1). Nang inihanda ng Diyos Ama ang trono para kay Jesucristo at inilipat lahat ng Kanyang kapangyarihan sa Kanya, si Jesus – nabuhay, nabubuhay, ay darating sa araw ng hukom, at mananatili kailanman – nakaupo sa Kanyang trono taglay ang kapangyarihan ng Diyos upang maghari sa lahat at taglay ang kadakilaan ng Diyos ng Nilikha, ng Kaligtasan, at ng Paghuhukom. Dahil tayo’y naging Kanyang bayan dahil sa pananalig sa Panginoon, makapapasok tayo sa Kanyang Kaharian at mamuhay magpakailanman. Si Jesus na ating sinasampalatayanan ay itong Diyos, at tayo ang siyang naging mga anak ng Diyos sa pamamagitan ng kaligtasang ating makamit mula sa Kanya.
Ang mga hinirang, mga manggagawa, at mga lingkod ng Diyos, silang mga isinilang na muli, ay may maipagmamapuri. Bagama’t kakaunti ang ating ari-arian sa mundong ito, tayo’y dapat na magkaroon ng karangalan ng hari bilang anak ng Diyos na maghahari sa buong kalawakan. Nagpapasalamat ako sa Diyos sa pagliligtas sa akin mula sa mga kasalanan ng sanlibutan at ginawa Niya tayong Kanyang mga anak.
Ang papuring binigay ng 24 na mga matatanda ng Langit sa Diyos ay ang Kanyang ginawa sa mundong ito. Ang kanilang pagpupuri ay dahil sa ang Diyos ay karapat-dapat tumanggap ng lahat ng kaluwalhatian, karangalan, at kapangyarihan dahil lahat ng bagay ay Kanyang nilikha at nanatili dahil sa Kanyang kalooban.
Ang tiyak na dapat nating malaman dito na ang Isang nakaupo sa trono ay si Jesucristo, at Siya ay Diyos. Ang Jesucristo ating pinapanaligan ay ang tunay na Diyos na nagligtas sa atin. Sa Kaharian ng Langit, lahat ng kapangyarihan ay taglay ni Jesucristo ating Diyos. Ang huling paghuhukom din ay kay Jesucristo na ating Diyos na Tagapagligtas. Kapag hahatulan tayo ni Jesus mula sa Kanyang trono, yaong ang mga pangalang nakasulat sa Aklat ng Buhay ay makapapasok sa Bagong Langit at Lupa, at yaong ang pangalan ay di-makikita sa Aklat na ito ay itatapon sa apoy.
Samakatuwid, ang di-pananalig kay Jesus ay katulad din ng di-pananalig sa Diyos, at ang di-pananalig sa Diyos ay pagsalungat sa Diyos. Ito ay kung bakit ang di-naniniwalang si Jesus ay Diyos, na Siya ang Tagapagligtas, at Siya ang Hari ng Langit, ay mahaharap sa nakatatakot ng hatol ng Diyos.
Sa mga nananalig sa Diyos may mga grupong ang tawag ay saksi ni Jehovah, na mali ang paniniwala kay Jesus, bagama’t Siya ang Anak ng Diyos, Siya’y hindi Diyos. Ngunit kung si Jesus ay hindi Diyos, hindi Niya tayo maaaring iligtas sa mga kasalanan, dahil Siya lang ang ganap ang Siya ring ganap na makapagliligtas sa atin.
Tayo’y lubos na mahina ang ating mga puso’y madaling magbago kasabay ng mga pabagu-bagong pangyayari. Ang dahilan kung bakit mapupuri natin si Jesucristo na ating Diyos magpakailanman, sa kabila ng ating mga kahinaan, ay dahil si Jesus, Siya na nabubuhay magpakailanman ay ganap kailanman, naging Tagapagligtas na mga makasalanan. Yaon lamang naligtas sa pamamagitan ni Jesucristo, ang Diyos na ganap na gumawang maglaho lahat ng mga kasalanan, ang makapagpupuri sa Panginoon. Ang ating pananampalataya kay Jesucristo, sa ating mga isipan, ay hindi dapat katulad ng mga makamundong relihiyon. Kapag nalalaman natin at naiisip na si Jesus bilang Diyos at ang ating pananampalataya sa Kanya ay wasto, mararanasan natin ang tunay na Diyos.
Tayo’y mamuhay sa ating pananampalatayang naniniwala kay Jesucristo bilang ating Diyos na Tagapagligtas at sa pananampalatayang ito ay ating malalabanan at magtatagumpay sa ating mga kaaway. Kapag tayo’y nanalig kay Jesus na ating Diyos, sa ibang pananalita, sa pananampalatayang ito si satanas ay manginginig sa takot, at sa gayon makakayanan nating tumayong matatag at magtagumpay sa mga pagsubok at mga kapighatian sa mga huling araw. Ngunit, sa kabilang dako, hindi tayo nananalig kay Jesus bilang ating Diyos, pagtatawanan tayo ni satanas at wawasakin upang lumayo tayo sa ating pananampalataya.
Yamang natanggap Niya ang trono mula sa Diyos Ama, si Jesus ay nakaupo sa tronong ito bilang ating Diyos. Sa pamamagitan ng Salita ng Apocalipsis, nabatid natin na si Jesus ay ang makapangyarihang Diyos na naghahari sa lahat ng bagay sa buong kalawakan, dahil tinanggap Niya lahat ng kapangyarihan ng Diyos mula sa Ama.
Ang iyong pananampalataya sa katotohanang ito ang magbibigay tapang sa iyo na talunin si satanas. Dahil taglay natin ang kapangyarihan ng Diyos bilang Kanyang mga anak, wala ni isa ang makapipigil, at lahat tayo’y magtatagumpay sa mga huling araw na may lakas ng loob at di-matitinag. Nagpapasalamat ako at nagpupuri sa Diyos sa lahat ng Kanyang ginawa sa atin.