• All e-books and audiobooks on The New Life Mission website are free
  • Explore multilingual sermons in global languages
  • Two new revised editions in English have been released
  • Check out our website translated into 27 languages
Search

Sermons

Paksa 10: Ang Pahayag (Mga Komento sa Pahayag)

[Kabanata 5-1] Si Jesus ang Nakaluklok Bilang Kinatawan ng Diyos Ama (Apocalipsis 5:1-14)

(Apocalipsis 5:1-14)
“At nakita ko sa kanang kamay niyaong nakaupo sa luklukan ang isang aklat na may sulat sa loob at sa labas, na tinatakang mahigpit ng pitong tatak. At nakita ako ng isang malakas na anghel, na nagtatanyag ng malakas na tinig, Sinong karapatdapat magbukas ng aklat, at magtanggal ng mga tatak nito? At sinoman sa langit, o sa ibabaw man ng lupa, o sa ilalim man ng lupa, ay hindi makapagbukas ng aklat, o makatingin man. At ako’y umiyak na mainam, sapagka’t hindi makasumpong ng sinomang marapat magbukas ng aklat, o makatingin man: At sinabi sa akin ng isa sa matatanda, Huwag kang umiyak; narito, ang Leon sa angkan ni Juda, ang Ugat ni David, ay nagtagumpay upang magbukas ng aklat at ng pitong tatak nito. At nakita ko sa gitna ng luklukan at ng apat na nilalang na buhay, at sa gitna ng matatanda, ang isang Cordero na nakatayo, na wari ay pinatay, na may pitong sungay, at pitong mata, na siyang pitong Espiritu ng Dios, na sinugo sa buong lupa. At Siya’y lumapit, at kinuha ang aklat sa kanang kamay niyaong nakaupo sa luklukan. At pagkakuha Niya ng aklat, ang apat na nilalang na buhay at ang dalawangpu’t apat na matatanda at nangagpatirapa sa harapan ng Cordero, na ang bawa’t isa’y may alpa, at mga mangkok na ginto na puno ng kamangyan, na siyang mga panalangin ng mga banal. At sila’y nangagaawitan ng isang bagong awit, na nagsasabi:
‘Ikaw ang karapatdapat na kumuha ng aklat,
At magbukas ng mga tatak nito;
Sapagka’t Kkaw ay pinatay,
Binili Mo sa Dios ng Iyong dugo
Ang mga tao sa bawa’t angkan at wika, at bayan, at bansa.
At sila’y Iyong ginawang kaharian at mga saserdote sa aming Dios;
At sila’y nangaghahari sa ibabaw ng lupa.
At nakita ko, at narinig ko ang tinig ng maraming mga anghel sa palibot ng luklukan at ng mga nilalang na buhay at ng matatanda; at ang bilang nila ay sangpung libong tigsasangpung libo at libolibo; na nangagsasabi ng malakas na tinig:
Karapatdapat ang Cordero na pinatay
Upang tumanggap ng kapangyarihan, at kayamanan, at karunungan, at kalakasan, at kapurihan, at kaluwalhatian, at pagpapala.!’
At ang bawa’t bagay na nilalang na nasa langit, at nasa ibabaw ng lupa, at nasa ilalim ng lupa at nasa ibabaw ng dagat, at lahat ng mga bagay na nasa mga ito, ay narinig kong nangagsasabi:
Sa kaniya na nakaupo sa luklukan,
At sa Cordero ay ang pagpapala, at kapurihan, at kaluwalhatian, at paghahari, magpakailan kailan man.
At ang apat na nilalang na buhay at nagsabi, ‘Siya nawa.’ At ang matatanda ay nangagpatirapa at nangagsisamba."
 
 
Masusing Kapaliwanagan na Kasulatan
 
Talatang 1: “At nakita ko sa kanang kamay niyaong nakaupo sa luklukan ang isang aklat na may sulat sa loob at sa labas, na tinatakang mahigpit ng pitong tatak.”
Sinasabi rito na ang Diyos ay may isang sulat na tinatakan ng pitong tatak na nasa Kanyang kanang kamay. Kinuha ng ating Panginoong Jesucristo ang sulat na nasa kanang kamay ng Ama, ibig sabihin na si Jesus ay taglay lahat ng kapangyarihan ng Langit.
 
Talatang 2-4: “At nakita ako ng isang malakas na anghel, na nagtatanyag ng malakas na tinig, ‘Sinong karapatdapat magbukas ng aklat, at magtanggal ng mga tatak nito?’ At sinoman sa langit, o sa ibabaw man ng lupa, o sa ilalim man ng lupa, ay hindi makapagbukas ng aklat, o makatingin man. At ako’y umiyak na mainam, sapagka’t hindi makasumpong ng sinomang marapat magbukas ng aklat, o makatingin man:”
Wala ng iba, kundi si Jesus, ang nakapaghahatol sa sanlibutan, lilikha ng bagong Langit at Lupa, at manirahan kasama ang mga hinirang bilang kinatawan ng Diyos Ama.
 
Talatang 5: “At sinabi sa akin ng isa sa matatanda, Huwag kang umiyak; narito, ang Leon sa angkan ni Juda, ang Ugat ni David, ay nagtagumpay upang magbukas ng aklat at ng pitong tatak nito.”
Dito, ang pariralang “Ang Leon sa angkan ni Juda, ang Ugat ni David,” binigyan-diin ang katotohanang si Jesucristo ay ang Makapangyarihang Diyos at Hari ng mga hari karapat-dapat at lubos na makatutupad ng plano ng Ama. Si Jesucristo ay ang Diyos mismo at ang kinatawan ng Diyos na tutupad ng plano ng Ama.
Talatang 6: “At nakita ko sa gitna ng luklukan at ng apat na nilalang na buhay, at sa gitna ng matatanda, ang isang Cordero na nakatayo, na wari ay pinatay, na may pitong sungay, at pitong mata, na Siyang pitong Espiritu ng Dios, na sinugo sa buong lupa.”
Si Jesucristo, ang nagkamit ng lahat ng kapangyarihan ng langit at lupa mula sa Diyos Ama, ay ang makapangyarihang Diyos na lumikha ng lahat ng bagay. Siya ang naparito sa mundo sa laman ng tao, tinanggap lahat ng kasalanan ng mundo, at namatay dahil sa mga kasalanang ito upang tubusin tayo sa lahat ng ating mga kasalanan.
 
Talatang 7: “At Siya’y lumapit, at kinuha ang aklat sa kanang kamay niyaong nakaupo sa luklukan.”
Dahil si Jesucristo ang nararapat bilang Diyos, maaari Niyang kunin ang aklat mula sa Ama. Ibig sabihin na simula noon, ang ating Panginoon ang gaganap lahat ng mga gawa ng Diyos.
 
Talatang 8: “At pagkakuha Niya ng aklat, ang apat na nilalang na buhay at ang dalawangpu’t apat na matatanda at nangagpatirapa sa harapan ng Cordero, na ang bawa’t isa’y may alpa, at mga mangkok na ginto na puno ng kamangyan, na siyang mga panalangin ng mga banal.”
Ibig sabihin na si Jesucristo ay ang gaganap para sa Ama bilang Diyos, na ang unang gawaing handog ng 24 na matatanda at ang apat na nilalang ay ang mga pananalangin ng mga hinirang.
 
Talatang 9: “At sila’y nangagaawitan ng isang bagong awit, na nagsasabi, Ikaw ang karapatdapat na kumuha ng aklat, at magbukas ng mga tatak nito: sapagka’t Ikaw ay pinatay, binili mo sa Dios ng Iyong dugo ang mga tao sa bawa’t angkan at wika, at bayan, at bansa.”
Dito, si Jesucristo ay pinupuri ng mga ministro o lingkod ng Langit matapos maging kinatawan ng Diyos. Ang mga lingkod ng langit ay nagpuri kay Jesucristo sa pagliligtas sa mga makasalanan ng mundong ito mula sa kanilang mga kasalanan. Habang narito sa mundo, si Jesus ay binautismuhan ni Juan, at namatay sa Krus upang iligtas ang mga makasalanan mula sa lahat ng mga kasalanan ng sanlibutan, at Kanyang tinubos sila para sa Ama sa pamamagitan ng pagbabayad sa kasalanan ng Kanyang sariling dugo. Ito ay kung bakit ang mga lingkod ng Langit ay nagpupuri sa mga makatwirang gawa Niya na Siyang naging kanilang Diyos.
 
Talatang 10: “At sila’y Iyong ginawang kaharian at mga saserdote sa aming Dios; at sila’y nangaghahari sa ibabaw ng lupa.”
Si Jesucristo, na naging kinatawan ng Diyos Ama, ginawa ang mga hinirang na maging bayan at mga saserdote ng kaharian ng Diyos, at ginawang maghari rito. Sa gayon lalo Siyang naging karapat-dapat na tanggapin lahat ng kaluwalhatian at papuri mula sa mga lingkod ng Langit.
 
Talatang 11-12: “At nakita ko, at narinig ko ang tinig ng maraming mga anghel sa palibot ng luklukan at ng mga nilalang na buhay at ng matatanda; at ang bilang nila ay sangpung libong tigsasangpung libo at libolibo; na nangagsasabi ng malakas na tinig, Karapatdapat ang Cordero na pinatay upang tumanggap ng kapangyarihan, at kayamanan, at karunungan, at kalakasan, at kapurihan, at kaluwalhatian, at pagpapala.”
Dahil kinuha ni Jesus lahat ng kasalanan ng mundo tungo sa Kanyang katawan sa pamamagitan ng Kanyang bautismo ni Juan, nagbubo ng dugo sa Krus, at dahil dito Siya’y karapat-dapat sa pagtanggap ng kapangyarihan, mga kayamanan, karunungan, kalakasan, karangalan, kaluwalhatian, at pagpapala mula sa lahat ng mga nilalang ng Langit bilang Siyang kinatawan ng Ama. Napapalibot ng mga lingkod ng Langit at mga anghel, Kanyang Tinanggap lahat ng kanilang papuri at pagsamba. Hallelujah! Purihin ang Panginoon! Sa palibot ng trono ng Diyos ay ang apat na nilalang at ang 24 na matatanda. Kanilang pinuri ang Diyos na nagpalaya sa lahat ng mga kaluluwa mula sa kasalanan, dahil ang Kanyang kaluwalhatian ay walang katapusan.
 
Talatang 13-14: “At ang bawa’t bagay na nilalang na nasa langit, at nasa ibabaw ng lupa, at nasa ilalim ng lupa at nasa ibabaw ng dagat, at lahat ng mga bagay na nasa mga ito, ay narinig kong nangagsasabi, sa kaniya na nakaupo sa luklukan, at sa Cordero ay ang pagpapala, at kapurihan, at kaluwalhatian, at paghahari, magpakailan kailan man. At ang apat na nilalang na buhay at nagsabi, Siya nawa. At ang matatanda ay nangagpatirapa at nangagsisamba.”
Sa pangwakas, si Jesucristo na naging kinatawan ng Diyos ay itinaas bilang Isang karapat-dapat na tumanggap ng lahat ng papuri at pagsamba mula sa mga lingkod ng langit. Lahat ng mga lingkod ng Langit ay nagbigay sa Kanya ng pagpapala, karangalan, at kaluwlahatian magpakailanman, dahil ito ang pinaka-nakamamangha at pagpapasalamat na ng Diyos ay karapat-dapat. Lahat ng mga hnirang sa Langit at sa lupa ay dapat magbigay ng kaluwalhatian, at karangalan sa Kanya na nakaluklok bilang kinatawan ng Diyos Ama.