• All e-books and audiobooks on The New Life Mission website are free
  • Explore multilingual sermons in global languages
  • Two new revised editions in English have been released
  • Check out our website translated into 27 languages
Search

Sermons

Paksa 10: Ang Pahayag (Mga Komento sa Pahayag)

[Kabanata 5-2] Ang Corderong Nakaluklok sa Trono (Apocalipsis 5:1-14)

(Apocalipsis 5:1-14)
 
 
Atin nang natalakay ang Apocalipsis 5. Dito, ay sinasabi sa atin ng Salita ng Diyos na ang Panginoon ang Siyang magliligtas at hahatol sa sangkatauhan sa mga huling araw. Sino itong Panginoon na ating sinasampalatayanan? Sinasabi sa atin ng Salita na si Jesucristo ay ang Tagapagligtas ng mga nananalig sa Kanya, ang Hukom ng lahat ng tao, at ang Hari ng mga hari.
Kadalasa’y iniisip nating si Jesus ay isang Panginoong may limitasyon. Ngunit ang ating Panginoon ay ang Hukom ng lahat ng nilikha.
Pinalaya tayo ng Panginoon sa lahat ng ating mga kasalanan, sa paghahatol, at kapahamakan sa pamamagitan ng pagbibigay sa atin ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Ang Panginoon sa gayon ay naging ating tunay na Tagapagligtas at tunay na Diyos. Kasabay nito, ang ating Panginoon ay ang Hari at Hukom ng lahat ng tao. Ngayon, ating gisingin ang ating pagpapasalamat sa mga puso sa Panginoon na Siyang ating sinasampalatayanan at ating inaasam.
Mula sa talatang 1, at sa mga sumusunod, makikita natin na sa kanang kamay Niya na nakaluklok sa trono ay ang isang aklat, at ang Cordero – si Jesucristo, ilang sandali’y kinuha itong aklat. Makikita rin natin sa huling talata na ang Panginoon ay nakaluklok sa tronong ito. Sinasabi ng Salita sa atin na ang Panginoon kapagdaka’y magiging Hukom ng lahat ng tao, ng mga mananampalataya at maging ang mga di-mananampalataya. Samakatuwid ating nalaman at naniwalang si Jesus ay Diyos na naging Hukom ng lahat.
Hindi nililimitahan ng Panginoon ang Kanyang mga gantimpala at mga parusa para sa atin lamang na mga isinilang na muli, ngunit Siya ang tunay na Hukom at ang hari ng mga hari sa buong sangkatauhan at lahat ng mga bagay sa kalawakan. Madalas sabihin ng tao sa atin na pumasok na tayo sa ika-21 siglo. Maaaring ito na ang oras ng pagbabalik ng Panginoon. Kapag ating sinasabing ang pagbabalik ng Panginoon ay napipinto, ito’y nangangahulugan din na ang pagwasak ng mundo’y napipinto na rin.
Ang makikita natin mula sa Salita na ang Panginoon ay may kapangyarihang maging Hukom ng lahat. Ang ating Panginoon ay naparito sa mundo sa laman ng tao, at sa gulang na 30, Kanyang kinuha lahat ng kasalanan ng sangkatauhan sa pamamagitan ng Kanyang bautismo ng minsanan. At sa pamamagitan ng pagpako, Siya’y hinatulan para sa lahat ng mga kasalanan ng sanlibutan.
Tanging ang Diyos Ama lamang ang makatatanggap ng karangalan at pagsamba mula sa bawat tao at bawat nilalang sa langit at sa lupa. Ngunit ang Anak ng Diyos, na si Jesucristo, ay binigyan ng karapatang tumanggap ng karangalan at pagsamba kasama ang Ama dahil sa pagtalima at pagtupad ng kalooban ng Diyos Ama. Sa gayon mamanahin ni Cristo mula sa Ama lahat ng Kanyang nasasakupan.
Si Jesucristo ay binigyan ng karapatang humatol sa sangkatauhan, at bawat isa’y naligtas at hahatulan lang sa pamamagitan Niya. Lubos na kapakipakinabang para sa atin na malaman na may katiyakan kung sino ang panginoon na nagligtas sa atin. Ang kaalamang ito ay mahalaga para sa atin upang mapanatiling matatag ang ating pananampalataya sa mga huling araw. Kapag tayo’y nanalig sa Panginoon ng may malinaw na kaalaman kung anong uri ng Kapangyarihan mayroon Siya, ang kaalamang ito ay magiging matinding kalakasan para sa atin.
Ang Panginoong nagligtas sa atin ang Siyang may kapangyarihang hatulan ang sinuman sa kabutihan at kasamaan. Dapat nating malaman at manalig na ang Panginoong ito ay karapat-dapat na tanggapin ang gayon ding pagsamba tulad ng sa Diyos Ama. Sinabi ng talata sa atin na ang ating Panginoon ay naparito at pinatay, na sa pamamagitan ng Kanyang dugo Kanyang tinubos ang tao para sa Diyos mula sa bawat angkan, wika, bayan at bansa, at ginawa Niya silang mga hari at mga saserdote sa presensiya ng ating Diyos upang maghari sa mundo.
Sa gayo’y sinasabi sa atin ng talata na mayroong mga tinig ng mga anghel sa Langit, na may bilang na libu-libo’t laksa-laksang anghel, nagpupuri at sumasamba sa Panginoon na may isang malakas na tinig: “Karapat-dapat ang Kordero na pinatay upang tumanggap ng kapangyarihan, at kayamanan, at karunungan, at kalakasan, at kapurihan, at kaluwalhatian at pagpapala!” Si Juan ay nagpatuloy sa kanyang patutoo sa kanyang nakita at narinig sa talatang 13: “At ang bawa’t bagay na nilalang na nasa langit, at nasa ibabaw ng lupa, at nasa ilalim ng lupa at nasa ibabaw ng dagat, at lahat ng mga bagay na nasa mga ito, ay narinig kong nangagsasabi, sa kaniya na nakaupo sa luklukan, at sa Cordero ay ang pagpapala, at kapurihan, at kaluwalhatian, at paghahari, magpakailan kailan man!” Kanino, kung gayon, nagbibigay luwalhati ang bawat nilalang? Sa Kordeero na nakaluklok sa trono na lahat ng pagpapala, karangalan, kaluwalhatian at kapangyarihan ay ibibigay, kailan kailan pa man.
Kaluwalhatian, papuri at pagsamba mula sa sangkatauhan ay dati-rating nakalaan lamang sa Diyos, ang Ama ni Jesucristo. Ngunit dahil si Jesucristo ngayo’y taglay din ang gayong kapangyarihang tulad ng Ama sa pamamagitan ng pagparito sa mundo at pagliligtas sa sangkatauhan mula sa kanyang mga kasalanan, kapahamakan, at paghahatol, para sa kaligtasan nitong pagbabayad-puri siya’y binigyan ng lahat ng luwalhati kasama ang Ama at naging ating Tagapagligtas na karapat-dapat sa lahat ng pagsamba.
Ngunit sa pag-iisip ukol dito, na ang Panginoong nakaluklok sa trono, na Siyang Panginoon at Hukom ng lahat, ay Siyang ating Tagapagligtas na nagkakaloob sa atin ng matinding luwalhati na magpupuno sa ating mga puso. Tama – ang Panginoon ay ang Hari ng mga hari, ang Diyos ng nilikha sa pamamagitan Niya’y lahat ng bagay sa kalawakan ay nalikha.
Dahil ang ating Panginoon ay ang Diyos ng nilikha, Siyang naparito sa ating mundo at niligtas tayo sa pamamagitan ng kanyang tubig at dugo, Siya’y karapat-dapat para sa bawat sangkatauhan at bawat bagay sa kalawakang ito upang lumuhod sa harap ng Kanyang trono at ibigay lahat ng pagsamba, papuri, kaluwalhatian at karangalan sa Kanya. Ang ating pananampalataya ay lubos na mapapalakas at ang ating mga puso’y lubos na mahihimok sa pamamagitan ng kaalaman na ang Panginoon ay Siyang nakaupo sa trono ng kaluwalhatian bilang Tagapaghatol ng lahat.
Ang ibang tao’y inakalang si Jesus ay isa lamang sa mga apat na dakilang paham, na ang Panginoong ay isa lamang tao. Ang Panginoon ay ang ating Diyos na lumikha, gumawa at nagligtas sa atin. Samakatuwid hindi natin maihahambing ang Panginoon ng ating sariling nilikha sa mga tao lamang. Hindi sina Socrares, o Conficius, o Buddah, ni anumang tao ay maihahambing sa ating Panginoon. Si Jesus ay nabuhay lang bilang isang tao sa 33 taon upang iligtas tayo. Ngunit ang kanyang kalamnan ay katulad ng sa Diyos. Ito ay maaaring hindi isang magandang paghahalintulad, ngunit tulad ng taong nagsisilang ng tao, si Jesucristo ay Diyos bilang Siya ay Anak ng Diyos Ama.
Samakatuwid si Jesus ay ang Diyos mismo, ating Diyos ng nilikha. Ngunit ang Panginoon ay naparito upang iligtas tayo. Dahil sa niligtas tayo, Siya’y nararapat na tumanggap ng lahat ng luwalhati mula sa atin, at matatag tayong manalig sa ating mga puso na si Jesus ay hindi isang nilalang, ngunit ang Manlilikha. Gayon ang ating kagalakan at pasasalamat.
 
 
Ang Ating Panginoon na Magkukumpleto ng Plano ng Diyos
 
Wala ni isa kundi ang Panginoon ang makapagbubukas ng nakaselyong sulat na may pitong selyo. Nilikha ng Diyos ang lahat ng bagay sa kalawakan, pati na tayo, para kay Jesucristo. Kahit bago pa ang paglikha, naitakda ng Diyos ang Kanyang plano kay Jesucristo upang tayo’y maging Kanyang mga anak. Tinanggap ng ating Panginoon itong nakaselyong sulat upang maisakatuparan ang layon ng Diyos ng nilikha at Kanyang plano upang iligtas tayo at upang hatulan ang sangkatauhan.
Sinasabi ng Salita ng Diyos sa atin, “At sinoman sa langit, o sa ibabaw man ng lupa o sa ilalim man ng lupa, ay hindi makapagbukas ng aklat, o makatingin man.” Wala ni isa, sa ibang pananalita, sino ang pangwakas na makakakumpleto ng plano ng Diyos? Tanging si Jesucristo ang makagagawa nito. Bakit? Dahil nilayon ng Diyos ang lahat ng bagay sa pamamagitan ng Kanyang Anak.
Ito’y nangangahulugan din na taglay ng Panginoon ang kapangyarihan ng paghatol upang buksan ang nakaselyong sulat na may mga pitong selyo, ang plano ng Diyos Ama. Sa pamamagitan ng kapangyarihang ito, nakumpleto ni Jesus ang bawat bahagi ng plano ng Diyos ng Trinidad sa pamamagitan ng pagkuha Niya ng lahat ng ating mga kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang bautismo at pagliligtas sa atin sa kaparusahan dahil sa mga kasalanang ito sa Krus sa halip na tayo. Tayo’y ginawang mga saserdote ng Panginoon sa pamamagitan ng pagliligats sa atin sa kasalanan sa pamamagitan ng kanyang pag-aalay at ang handog ng Kanyang sariling buhay.
Ginawa rin ni Jesus ang mga nananalig sa Kanyang kaligtasan upang magharing kasama Siya. Tulad ng sinasabi ng salita ng Diyos, “Tayo’y maghahari sa sanlibutan,” kapag ang Panginoon ay talagang magbalik sa mundong ito, sasakupin Niya ang lahat ng mga bagay uli at dadalhin ang Milenyong Paghahari sa Kanyang pagsasakatuparan sa sanlibutan.