(Apocalipsis 6:1-17)
“At nakita ko nang buksan ng Cordero ang isa sa pitong tatak, at narinig ko sa isa sa apat na nilalang na buhay, na nagsalitang gaya ng tunog ng kulog, Halika. At tumingin ako, at narito, ang isang kabayong maputi, at yaong nakasakay dito ay may isang busog; at binigyan siya ng isang putong: at siya’y yumaong nagtatagumpay, at upang magtagumpay. At nang buksan Niya ang ikalawang tatak, ay narinig ko sa ikalawang nilalang na buhay, na sinasabi, Halika. At may lumabas na ibang kabayo, na kabayong mapula: at ang nakasakay dito, ay pinagkaloobang magalis sa lupa ng kapayapaan, at upang mangagpatayan ang isa’t isa: at binigyan siya ng isang malaking tabak. At nang buksan Niya ang ikatlong tatak, ay narinig ko sa ikatlong nilalang na buhay, na nagsasabi, Halika. At tumingin ako, at narito, ang isang kabayong maitim; at yaong nakasakay dito ay may isang timbangan sa kaniyang kamay. At narinig ko ang gaya ng isang tinig sa gitna ng apat na nilalang na buhay na nagsasabi, Sa isang denario ay isang takal na trigo, at sa isang denario ay tatlong takal na sebada; at huwag mong ipahamak ang langis at ang alak. At nang buksan niya ang ikaapat na tatak, ay narinig ko ang tinig na ikaapat na nilalang na buhay na nagsasabi, Halika. At tumingin ako, at narito, ang isang kabayong maputla: at ang nakasakay dito ay may pangalang Kamatayan; at ang Hades ay sumusunod sa kaniya. At sila’y pinagkalooban ng kapahamalaan sa ikaapat na bahagi ng lupa, na pumatay sa pamamagitan ng tabak, at ng gutom, at ang salot, at ng mga ganid na hayop sa lupa. At nang buksan niya ang ikalimang tatak, ay nakita ko sa ilalim ng dambana ang mga kaluluwa ng mga pinatay dahil sa salita ng Dios, at dahil sa patotoong sumakanila: At sila’y sumigaw ng tinig na malakas, na nagsasabi, Hanggang kailan, Oh Panginoong banal at totoo, hindi mo hahatulan at ipaghihiganti ang aming dugo, sa mga nananahan sa ibabaw ng lupa? At binigyan ang bawa’t isa sa kanila ng isang maputing balabal; at sa kanila’y sinabi, na mangagpahinga pa ng kaunting panahon, hanggang sa maganap ang bilang ng kanilang mga kapuwa alipin at ng kanilang mga kapatid, na mga papatayin namang gaya nila. At nakita ko nang buksan niya ang ikaanim na tatak, at nagkaroon ng malakas na lindol; at ang araw ay umitim na gaya ng isang magaspang na kayong buhok na maitim, at ang buong buwan ay naging gaya ng dugo; At ang mga bituin sa langit ay nangahulog sa lupa, gaya ng puno ng igos na isinasambulat ang kaniyang mga bungang bubot pagka hinahampas ng malakas na hangin. At ang langit ay nahawi na gaya ng isang lulong aklat kung nalululon; at ang bawa’t bundok at pulo ay naalis sa kanilang kinatatayuan. At ang mga hari sa lupa at ang mga prinsipe, at ang mga pangulong kapitan, at ang mayayaman, at ang mga makapangyarihan, at ang bawa’t alipin at ang bawa’t laya, ay nagsipagtago sa mga yungib at sa mga bato sa mga bundok; at sinasabi nila sa mga bundok at sa mga bato, Mahulog kayo sa amin, at kami’y inyong itago sa mukha noong nakaupo sa luklukan, at sa galit ng Cordero: Sapagka’t dumating na ang dakilang araw ng kanilang kagalitan; at sino ang makatatayo?”
Masusing Kapaliwanagan na Kasulatan
Talatang 1: “At nakita ko nang buksan ng Cordero ang isa sa pitong tatak, at narinig ko sa isa sa apat na nilalang na buhay, na nagsalitang gaya ng tunog ng kulog, Halika.”
Sinasabi ng talata sa atin na binuksan ni Jesus ang unang plano ng sulat na tinanggap mula sa Ama, kung saan nakatala ang buong plano ng Diyos sa sangkatauhan.
Talatang 2: “At tumingin ako, at narito, ang isang kabayong maputi, at yaong nakasakay dito ay may isang busog; at binigyan siya ng isang putong: at siya’y yumaong nagtatagumpay, at upang magtagumpay.”
Ang unang selyo ng Diyos ay nagsasabi ukol sa pagtatag ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu kay Jesucristo bilang plano ng Diyos, upang iligtas ang sangkatauhan mula sa kasalanan, at sa tagumpay nitong plano. Ang plano ng Diyos Ama upang gawing Kanyang bayan ang sangkatauhan sa pamamagitan ng pagliligtas sa kanla mula sa kanilang mga kasalanan ay nagsimula sa pamamagitan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu kay Jesucristo – ito ay kasama ang pagliligtas sa sangkatauhan mula sa kasalanan sa pamamagitan ng bautismo ni Jesus at Kanyang dugo sa Krus.
Iniligtas ng Diyos ang mga kaluluwa mula sa lahat ng mga kasalanan ng sanlibutan sa pamamagitan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, at patuloy Niyang ginagawa ito magpahanggang ngayon. Ito ang unang plano na itinakda ng Diyos para sa tao. Itong unang plano ng Diyos ay para sa ikaliligtas ng sangkatauhan sa pamamagitan ng pagparito ni Jesucristo dito sa mundo, sa Kanyang bautismo, pagpako at pagkabuhay na muli.
Itong panahon ng puting kabayo ay tumutukoy sa pagtagumpay ng Diyos sa makatwirang labanan ng ebanghelyo na Kanyang natupad upang iligtas ang sangkatauhan mula sa lahat nitong mga kasalanan. Ito’y sinasabi rin sa atin na ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay patuloy na magtatagumpay.
Talatang 3-4: “At nang buksan Niya ang ikalawang tatak, ay narinig ko sa ikalawang nilalang na buhay, na sinasabi, Halika.At may lumabas na ibang kabayo, na kabayong mapula: at ang nakasakay dito, ay pinagkaloobang magalis sa lupa ng kapayapaan, at upang mangagpatayan ang isa’t isa: at binigyan siya ng isang malaking tabak.”
Sinasabi sa atin na sa panahon ng pangalawang panahong itinakda ng Diyos, ang mundo’y magiging mundo ni satanas. Ang paglitaw ng pulang kabayo rito ay nagsasabi na ang mundo ay mapapasailalim ng pamamahala ni satanas.
Si satanas ay naghatid ng digmaan sa mundong ito, inaalis ang kapayapaan nito. Dahil sa Kanya, ang mundo ay dumaan sa dalawang digmaang pandaigdig, hindi mabilang na tao ang nasawi sanhi nito, at ang mga nabuhay ay namuhay ng walang-kapanatagan, kapayapaang wasak. Kahit ngayon, ang mga bansa at mga bayan sa buong mundo ay wala ng tiwala sa isa’t isa at nakikipagdigma sa isa’t isa, winasak ang kapayapaan sa maraming mga lugar. Ang panahong maraming mga lugar. Ang panahong ito ay ang panahon ng digmaan at pagpatay ng isang lipi.
Talatang 5-6: “At nang buksan Niya ang ikatlong tatak, ay narinig ko sa ikatlong nilalang na buhay, na nagsasabi, Halika. At tumingin ako, at narito, ang isang kabayong maitim; at yaong nakasakay dito ay may isang timbangan sa kaniyang kamay. At narinig ko ang gaya ng isang tinig sa gitna ng apat na nilalang na buhay na nagsasabi, Sa isang denario ay isang takal na trigo, at sa isang denario ay tatlong takal na sebada; at huwag mong ipahamak ang langis at ang alak.”
Ang pangatlong panahon sinasabi ng Diyos ay ang panahon ng kabayong itim, ay panahon ng pisikal at espirituwal na kagutuman para sa sangkatauhan. Sa buong mundo ngayon, maraming tao ang hindi naligats dahil sa kanilang espirituwal na kagutuman, at marami rin ang nangangamatay dahil sa kagutumang pisikal. Dapat nating tandaan na tayo ngayo’y namumuhay sa ikatlong kapanahunan. Sa paglipas ng panahong ito, ang panahon ng maputlang kabayo ay darating.
Talatang 7-8: “At nang buksan Niya ang ikaapat na tatak, ay narinig ko ang tinig na ikaapat na nilalang na buhay na nagsasabi, Halika. At tumingin ako, at narito, ang isang kabayong maputla: at ang nakasakay dito ay may pangalang Kamatayan; at ang Hades ay sumusunod sa kaniya. At sila’y pinagkalooban ng kapahamalaan sa ikaapat na bahagi ng lupa, na pumatay sa pamamagitan ng tabak, at ng gutom, at ang salot, at ng mga ganid na hayop sa lupa.”
Ang pangatlong panahong itinakda ng Diyos ay ang panahon ng maputlang kabayo. Sinasabi ng Biblia sa atin na sa oras ng panahong ito ang anticristo ay magsisimula ang kanyang mga gawain, at ang panahong ito ay ang panahon din ng kamatayan ng mga hinirang. Ito ang oras na ang anticristo ay nanakawan ang mga hinirang sa kanilang tunay na pananampalataya, uusigin at papatayin yaong hindi sasamba sa kanya o hindi tatanggap ng kanyang tatak. Mula sa oras na iyon, ang mundo’y mapapasailalim sa kalagayan ng mga salot ng mga pitong trumpeta. Sa oras na ito, ang pagmamartir sa mga hinirang ay di-maiiwasan.
Talatang 9-11: “At nang buksan Niya ang ikalimang tatak, ay nakita ko sa ilalim ng dambana ang mga kaluluwa ng mga pinatay dahil sa salita ng Dios, at dahil sa patotoong sumakanila: At sila’y sumigaw ng tinig na malakas, na nagsasabi, Hanggang kailan, Oh Panginoong banal at totoo, hindi mo hahatulan at ipaghihiganti ang aming dugo, sa mga nananahan sa ibabaw ng lupa? At binigyan ang bawa’t isa sa kanila ng isang maputing balabal; at sa kanila’y sinabi, na mangagpahinga pa ng kaunting panahon, hanggang sa maganap ang bilang ng kanilang mga kapuwa alipin at ng kanilang mga kapatid, na mga papatayin namang gaya nila.”
Ang pang-limang panahon ng Diyos ay ang panahon ng pagkabuhay na muli ng mga hinirang at kanilang rapture. Pagkatapos ng panahong ito ay magsisimula ang Milenyong Paghahari. Sinasabi ng talata sa atin na tayo’y dapat na maniwala sa pagmamartir, pagkabuhay na muli, at ang rapture na naghihintay sa atin, at tayo’y dapat na mamuhay sa pamamagitan ng ating pananalig at pag-asa sa Bagong Langit at Lupa na pinangako ng Diyos sa atin.
Talatang 12: “At nakita ko nang buksan Niya ang ikaanim na tatak, at nagkaroon ng malakas na lindol; at ang araw ay umitim na gaya ng isang magaspang na kayong buhok na maitim, at ang buong buwan ay naging gaya ng dugo;”
Ang ika-anim na panahon ng Diyos ay ang panahon ng pagwasak ng unang mundong nilikha ng Diyos. Sa panahong ito na ang mga salot ng mga pitong mangkok ay bababa sa sanlibutan, kapag ang araw, ang buwan, at ang mga bituin ay mawawala ang liwanag, at ang mundo’y lulubog sa tubig dahil sa mga lindol.
Talatang 13: “At ang mga bituin sa langit ay nangahulog sa lupa, gaya ng puno ng igos na isinasambulat ang kaniyang mga bungang bubot pagka hinahampas ng malakas na hangin.”
Sa oras ng ika-anim na panahon, ang pagwasak ng kalawakang nilikha ng Diyos ay mangyayari sa pamamagitan ng mga salot ng mga pitong mangkok. Isang matinding kalituhan ay lalamon sa mundo habang ang mga bituin ay nahulog mula sa langit at ang mundo’y bumaligtad.
Talatang 14: “At ang langit ay nahawi na gaya ng isang lulong aklat kung nalululon; at ang bawa’t bundok at pulo ay naalis sa kanilang kinatatayuan.”
Sinasabi ng talatang ito na kapag ang mga salot ng mga pitong mangkok ay nabuhos, ang langit ay maglalaho na parang isang aklat na nakalulon, at lahat ng mga bundok at mga isla ay naalis sa kanilang kinalalagyan – mga malaking kapahamakan na nagbabadya ng mundong nawawasak na nagpapabago na mag-iiba ng pinaka-pisikal na anyo ng sanlibutan.
Talatang 15: “At ang mga hari sa lupa at ang mga prinsipe, at ang mga pangulong kapitan, at ang mayayaman, at ang mga makapangyarihan, at ang bawa’t alipin at ang bawa’t laya, ay nagsipagtago sa mga yungib at sa mga bato sa mga bundok;”
Sa oras ng panahon ng ika-anim na selyo, kapag binuhos ng Diyos ang mga salot ng mga pitong mangkok, wala ni isa ang mabubuhay sa mundong ito, hindi mga hari ni ang makapangyarihan, sino ang hindi manginginig sa takot ng galit ng Cordero.
Talatang 16: “At sinasabi nila sa mga bundok at sa mga bato, Mahulog kayo sa amin, at kami’y inyong itago sa mukha noong nakaupo sa luklukan, at sa galit ng Cordero:”
Ang galit ng Diyos ay gayon na lamang ang lawak na ang buong sangkatauhan ay manginginig sa takot. Ito ang una at ang huling oras na ang bawat sangkatauhan ay mahahampas sa takot.
Talatang 17: “Sapagka’t dumating na ang dakilang araw ng kanilang kagalitan; at sino ang makatatayo?”
Kapag naibuhos ang mga salot ng mga pitong mangkok, bawat isa, gaano man ang kapangyarihan at lakas, ay manginginig sa takot ng mga malalaking kapahamakan, na bababa sa kanila mula sa galit ng Diyos na nasa itaas. Wala ni isa ang makatatayo sa galit ng Diyos nang walang takot
Ano, kung gayon, ang ikapitong kapanahunan? Ang ikapitong panahong itinakda ng Diyos ay ang panahon kung saan ang mga hinirang ay mamumuhay sa Milenyong Paghahari, na susundan ng Bagong Langit at Lupa kung saan sila’y mamumuhay magpakailanman.