• All e-books and audiobooks on The New Life Mission website are free
  • Explore multilingual sermons in global languages
  • Two new revised editions in English have been released
  • Check out our website translated into 27 languages
Search

Sermons

Paksa 10: Ang Pahayag (Mga Komento sa Pahayag)

[Kabanata 6-2] Ang Mga Panahon ng Mga Pitong Selyo (Apocalipsis 6:1-17)

2021.04.13 220
(Apocalipsis 6:1-17)
 
 
Ang tema sa bawat kapitulo ng Apocalipsis ay maaaring maikli at malinaw na maibubuod sa mga sumusunod:
Kapitulo 1 – Ang paunang salita ng Salita ng Apocalipsis
Kapitulo 2-3 – Mga liham sa mga pitong iglesia sa Asia
Kaputulo 4 – Si Jesus ang nakaluklok sa trono ng Diyos
Kapitulo 5 – Si Jesus ang Siyang Nakaluklok sa bilang Kinatawan ng Diyos Ama
Kapitulo 6 – Ang mga pitong kapanahunang itinakda ng Diyos
Kapitulo 7 – Ang mga maliligtas sa panahon ng Matinding Kapighatian
Kapitulo 8 – Ang mga trumpetang tumugtog sa mga pitong salot
Kapitulo 9 – Ang mga salot sa walang-hanggang hukay
Kapitulo 10 – Kailan magaganap ang rapture?
Kapitulo 11 – Sino ang dalawang puno ng olibo at ang dalawang propeta?
Kapitulo 12 – Ang Iglesia ng Diyos na haharap sa matinding paghihirap
Kapitulo 13 – Ang paglitaw ng anticristo at ang pagmartir sa mga hinirang
Kapitulo 14 – Ang pagkabuhay na muli at rapture ng mga hinirang, at ang papuri nila sa Diyos sa alapaap
Kapitulo 15-16 – Ang panimula ng mga salot ng mga pitong mangkok
Kapitulo 17 – Ang paghatol ng dakilang patotot na nakaupo sa maraming mga tubig
Kapitulo 18 – Ang pagbagsak ng Babilon
Kapitulo 19 – Isang Kahariang pinamumunuan ng Makapangyarihan
Kapitulo 20 – Ang Milenyong Paghahari
Kapitulo 21 – Ang banal na lungsod mula sa langit
Kapitulo 22 – Ang Bagong Langit at Lupa, kung saan ang tubig ng buhay ay umaagos
 
Mula sa unang kapitulo, bawat kapitulo ng Salita ng Apocalipsis ay may isang paksa, at kapag nailahad lahat ng mga ito’y may kaugnayan sa isa’t isa hanggang sa pinakahuling kapitulo. Tulad ng sa Roma, kung ang kapitulo 1 ay ang panimula, kapitulo 2 ay ang salita ng Diyos sa mga Judio, at ang kapitulo 3 ay Kanyang salita sa mga Hentil, ang Aklat ng Apocalipsis ay magpapatuloy din sa isang paksa para sa isa’t isa.
Ang dahilan kung bakit pinapaliwanag ko ang Apocalipsis batay sa kabuuan ng Salita ay dahil napakaraming tao ang nagtalakay sa Apocalipsis sa lahat ng mga uri ng haka-haka, at kung iyong babasahin ang Apocalipsis sa pamamagitan ng pagtutuon sa mga palagay na ito, hindi ka makatatakas sa paggawa ng mga seryosong mga kamalian.
Dahil ang Biblia ay nasulat sa pamamagitan ng mamamayan ng Diyos na kinasiyahan ng Banal na Espiritu, ito’y tiyak na hindi nangangailangan ng pagwawasto. Salungat nito, ang mga seglar o makalupang aklat ay may mga kamalian at nangangailangan ng mga pagwawasto, gaano man mabuti at ang kaalaman ng panunulat ng may akda. Ngunit ang Salita ng Diyos ay hindi nagbago, kahit pa ito’y nilipasan ng libu-libong taon. Sa kabila ng maraming mga taong lumipas, ang Salita ng Diyos ay nananatiling walang kamalian, dahil ito’y nasulat sa pamamagitan ng mga lingkod ng Diyos na ang mga puso’y kinasiya ng Banal na Espiritu.
Dahil ang nais na sabihin ng Diyos sa atin ay nakatago sa Biblia, marami sa atin ang nanatiling mangmang sa Kasulatan. Ngunit sa pasimula ng paglilikha, ang Biblia ay hindi nagbago, kahit minsan. Ngunit maraming tao ay may maliit na kaunawaan sa Salita ng Diyos at Kanyang plano, nagsimula silang bigyang pakahulugan ang Kasulatang sa pamamagitan ng kanilang sariling mga kaisipan.
Yamang hindi basta na lamang ihahayag ng Diyos ang Kanyang mga lihim kaninuman, yaong di-sumasamba sa Kanya at di-nananalig ayon sa Salita, mga nagtatangkang punuin lang ang kanilang kasakiman sa pamamagitan ng paggamit sa pangalan ng Diyos sa walang-kabuluhan, kailanma’y di-matatagpuan ang katotohanan. Ang taong may kasalanan, sa ibang panananalita, kailanma’y di-mauunawaan ang Salita ng Apocalipsis gaano man ang kanilang pagsisikap ng mabuti. Ito’y dahil sa kanilang walang kakayanang maunawaan ang Salita na lahat ng mga uri ng mga kamalian ay nagagawa – ang iba’y nahantong sa paniniwala sa walang-saysay na mga kahibangan ukol sa mga huling araw, inaral ang mga ito, at ianunsyo ang oras ng pangalawang pagbabalik ni Jesus, habang ang iba nama’y ipinapakahulugan ang Biblia sa kanilang sariling kapritso, ginagawa lahat ng uri ng mga kamalian ukol sa Biblia.
Ang mga kumakatawan sa kanila, sa gitna ng mga teolohikang kilala natin, ay sina Abraham Kuyper at Louis Berklof, ang pasimula ng amilenialismo, gayon din si C.I. Scofield, ang yumakap ng teoriya ng pre-tribulation rapture. Ngunit ang haka-hakang itinaguyod ng mga iskolar na ito lahat ay mga maling aral batay lang sa kanilang sariling kaisipan.
Una sa lahat, ang doktrinang amilenialismong itinaguyod ng mga konserbatibo ay iginigiit na walang hiwalay na Milenyong Paghahari, at ang Kahariang ito sa halip ay naisakatuparan sa mga puso ng mga hinirang na nabubuhay ngayon sa mundong ito. Ikinakaila ng Ameliniyalismo ang talagang pagtatag ng Milenyong Paghahari sa hinaharap. Ang ‘haka-haka’ ay ipinapakahulugan ang Milenyong Paghahari na isang simbolo, kinikilala ang panahon kung saan ang mga hinirang ay mabubuhay hanggang sa pagbabalik ni Jesucristo bilang panahon ng milenyong paghahari. Ngunit ang pagpapakahulugang binibigay ng amilenialismo, na ang Milenyong Paghahari ay nagaganap na sa mga puso ng mga hinirang ngayon ngunit hindi kasama ang Matinding Kapighatian, ay isang malaking pagkakamali.
Ang higit pang laganap sa buong mundo kaysa sa amilenialismo, ay ang teoriya ng “pre-tribulaiton rapture” na ipinaliwanag ni Scofield. Ngunit itong “dispensiyonalismo” ay nagtapos sa pagbabago mismo ng plano ng Diyos. Ang Diyos ay naglayon ng pitong kapanahunan kahit pa bago ang Kanyang paglikha sa kalawakan, at Kanyang naisakatuparan ang lahat ng bagay ayon sa Kanyang plano habang ang panahon ay lumipas. Ngunit ang taong mangmang sa inihayag na plano ng Diyos sa Apocalipsis 6 ay nagdulot nitong maling teoriya ng pre-tribulation rapture. Kanilang iginigiit na ang isinilang na muli sa mga Hentil ay maisasama sa rapture bago ang nakatakdang Matinding Kapighatian, at ang ibang tao sa Israel ay maliligtas sa pitong-taon ng Kapighatian.
Ang teoriyang ito ay nananatiling isang doktrina na inilagay ang maraming tao sa malaking pagkalito. Kung ang rapture ng mga hinirang ay magaganap bago ang Matinding Kapighatian, tulad ng inaangkin ng mga pre-tribulation, walang magaganap na pagmamartir sa mga hinirang ni sa kanilang pag-uusig na nakatala sa Apocalipsis 13. Ang mga mananampalataya kay Jesus samakatuwid ay dapat na iwanan itong doktrina ng pre-tribulation rapture at ihanda ang kanilang pananampalataya sa pamamagitan ng pananalig sa katotohanang ang kanilang rapture ay darating sa kalagitnaan ng Matinding Kapighatian.
Ang Salita ng Apocalipsis ay inihahayag sa atin kung paano aakayin ng Diyos ang sanlibutan ayon sa dispensasyon ng Kanyang pitong kapanahunan. Dapat nating makita sa pamamagitan ng pagtutuon sa plano ng mga pitong panahong itinakda ng Diyos tulad ng tinatalakay sa buong Apocalipsis 6. Ang tao ay lito at ang kanilang pananampalataya ay nangangatal dahil hindi nila nalalaman ang katotohanan nitong mga pitong panahon sa kasulatan. Tayo’y dapat, samakatuwid, manalig sa kung ano ang nakasulat sa Apocalipsis 6 tulad ng nakikita rito. Upang magkagayon, tayo’y dapat maniwala sa lihim na Salita ng pitong kapanahunang pinatunayan ng buong Biblia, sa halip na isipin ito sa ilang bahagi sa pamamagitan ng pagtingin nito sa maliit, hiwa-hiwalay na mga bahagi ng Kasulatan lamang.
Yamang ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay inilihim sa tao, gayon din ang mga pitong panahon ng Diyos. Bagama’t tinangka ng mga iskolar sa Biblia na maunawaan ang Salita ng Apocalipsis at nagmungkahi ng maraming mga teoriya sa pamamagitan ng paglilito sa kanilang mga sariling kaisipan, ang Salita ng Apocalipsis at nananatili pa ring napakahirap na unawain. Ito’y katulad sa katotohanang ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay nakatayo magpahanggang ngayon. Ngunit ang mga teoriya na taglay ng mga iskolar ay sumapit sa pagbabalik ni Cristo, ang rapture ng hinirang o ang Milenyong Paghahari ay nagdala na walang-pakinabang sa mga nananalig kay Jesus.
Para sa atin na maunawaan ang Salita ng Apocalipsis, ito’y tiyak na peligroso na unawain natin ang Apocalipsis 6. Ang kapitulong ito ay ang susi upang malutas at maunawaan lahat ng Salita ng Apocalipsis. Ngunit bago natin subukang unawain ang buong Salita ng Apocalipsis, mayroong isang bagay na dapat nating ipaalala sa ating mga sarili: hindi maaaring maunawaan ang Apocalipsis nang hindi nalalaman at hindi pa nanalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Dapat mong mabatid na ang katotohanan ng Diyos ay mauunawaan lamang kapag iyo munang nalaman at nanalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu.
Ito ay “nang buksan Niya ang ikapitong tatak,” na nakatala sa Apocalipsis 8, na ang mga salot ng pitong trumpeta ay bababa sa mundo. Dito’y pinapaliwanag ang mga pangyayaring magaganap sa ika-apat na panahong nakatala sa Apocalipsis 6, ang panahon ng maputlang kabayo. Kung hindi muna inaalam ang mga pitong panahong itinakda ng Diyos, samakatuwid, hindi mo rin mauunawaan ang mga salot ng mga pitong trumpeta. Upang maunawaan ang Salita ng Apocalipsis sa kanyang kabuuan, dapat muna nating unawain at paniwalaan ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu na binigay ng Diyos sa atin.
Ang Salita ng Diyos sa Apocalipsis 6 ay naglalaan ng isang balangkas ng kabuuang disenyo na iginuhit ng Diyos nang Kanyang likhain ang sangkatauhan. Hinati ng Diyos ang simula at katapusan ng sangkatauhan sa pitong iba-ibang mga panahon.
Ito ay ang mga: una, ang panahon ng puting kabayo; pangalawa, ang panahon ng pulang kabayo; pangatlo, ang panahon ng kabayong itim; pang-apat, ang panahon ng maputlang kabayo; panglima, ang panahon ng pagmartir ng mga hinirang at ang rapture; pang-anim, ang panahon ng pagwasak ng mundo; at pangpito, ang panahon ng Milenyong Paghahari at ang Bagong Langit at Lupa. Naniniwala at tumatalima tayo na hinati nga ng Diyos ang Kanyang plano para sa sangkatauhan sa mga pitong kapanahunang ito. Sa kasalukuyan, ang mundo’y nasa panahon ng kabayong itim, dumaan na sa mga panahon ng puti at itim na mga kabayo.
Sinasabi ng Kasulatan sa atin na ang panahon kung saan tayo ngayon nasa panahon ng kagutuman. Ngunit ang panahon ng maputlang kabayo ay malapit na rin sa atin. Sa pagdating ng panahon ng maputlang kabayo ay magsisimula naman ang panahon ng pagmartir sa mga hinirang, papasok sa pitong-taong Matinding Kapighatian. Itong panahon ng mga kapighatian at pagmartir ay ang panahon ng maputlang kabayo.
“At nang buksan Niya ang ikaapat na tatak, ay narinig ko ang tinig na ikaapat na nilalang na buhay na nagsasabi, Halika. At tumingin ako, at narito, ang isang kabayong maputla: at ang nakasakay dito ay may pangalang Kamatayan; at ang Hades ay sumusunod sa kaniya. At sila’y pinagkalooban ng kapahamalaan sa ikaapat na bahagi ng lupa, na pumatay sa pamamagitan ng tabak, at ng gutom, at ang salot, at ng mga ganid na hayop sa lupa.” Ang talatang, “sila’y pinagkalooban ng kapamahalaan sa ikaapat na bahagi ng lupa… na hayop sa lupa,” ipinakikita rito na ang anticristo ay lilitaw sa panahon ng maputlang kabayo at papatayin ang mga hinirang.
Ang mga pangyayaring ilaladlad sa panahon ng maputlang kabayo ay nakatala sa Apocalipsis 8:1-7. Tulad ng nasusulat, “At nang buksan niya ang ikapitong tatak, ay nagkaroon ng katahimikan sa langit na may kalahating oras. At nakita ko ang pitong anghel na nangagkatayo sa harapan ng Dios; at sila’y binigyan ng pitong pakakak. At dumating ang ibang anghel at tumayo sa harap ng dambana, na may hawak na isang gintong pangsuob ng kamangyan; at binigyan siya ng maraming kamangyan, upang idagdag ito sa mga panalangin ng lahat ng mga banal sa ibabaw ng dambanang ginto, na nasa harapan ng luklukan. At ang usok ng kamangyan, kalakip ng mga panalangin ng mga banal, ay napailanglang mula sa kamay ng anghel, sa harapan ng Dios. At kinuha ng anghel ang pangsuob ng kamangyan; at pinuno niya ng apoy ng dambana, at itinapon sa lupa: at nagkaroon ng mga kulog, at mga tinig, at mga kidlat, at ng isang lindol. At ang pitong anghel na may pitong pakakak ay nagsihanda upang magsihihip. At humihip ang una, at nagkaroon ng granizo at apoy, na may halong dugo, at itinapon sa lupa: at ang ikatlong bahagi ng lupa at nasunog, at ang ikatlong bahagi ng mga punong kahoy ay nasunog, at ang lahat ng sariwang damo ay nasunog.”
Ang nasa itaas na tinalakay ukol sa mga salot ng mga pitong trumpeta sa Apocalipsis 8 ay naglalaan ng detalyeng pagpipilit ng katotohanan sa panahon ng maputlang kabayo sa Apocalipsis 6. Ang Salitang ito ay detalyeng nakatala ang paglitaw ni aticristo at ang mga salot ng mga pitong trumpeta at mga pitong mangkok na malaladlad sa panahon ng maputlang kabayo.
Ang kapitulo 4 at 5, sa kabilang dako, sinabi sa atin na si Jesucristo ay maghahari sa buong mundo at darating bilang Diyos, at ang buong plano ng Diyos ay maisasakatuparan ni Jesucristo bilang Diyos. Ating ngang matutuklasan, sa pamamagitan ng Apocalipsis 4 at 5, kung gaano ang kapangyarihan at anong Makapangyarihang Diyos si Jesucristo.
Sinasabi sa atin ng Apocalipsis 8: “At ang pitong anghel na may pitong pakakak ay nagsihanda upang magsihihip. At humihip ang una, at nagkaroon ng granizo at apoy, na may halong dugo, at itinapon sa lupa: at ang ikatlong bahagi ng lupa at nasunog, at ang ikatlong bahagi ng mga punong kahoy ay nasunog, at ang lahat ng sariwang damo ay nasunog.” Kapag dumating na ang panahon ng maputlang kabayo, isa sa tatlong bahagi ng kagubatan ay matutupok ng sunog, at ang kapahamakang ito ay susundan pa ng marami pang salot.
Ang salot ng unang trumpeta ay isang kapahamakan na magsusunog sa ikatlong bahagi ng mga puno at lahat ng mga damo. Kapag ang kapahamakang ito ay humagupit sa daigdig, ang mga natitirang kagubatan ay mawasak din bunga ng maitim na usok sanhi ng malaking sunog na nanalanta sa ikatlong bahagi ng mundo, ang kanyang usok ay humaharang sa araw patungo sa mundo. Ang mga tanim ay hindi tutubo, ang buong mundo ay malalagay sa pagkagutom.
Sa panahong ito ng kagutuman, ang sahod ng isang araw na paggawa ay makabibili lang ng ikaapat na bahagi ng trigo o tatlo sa apat na bahagi ng “barley.” Ang mundo ngayo’y mahaharap sa napipintong pagdating ng kakaibang kagutuman. Ang gutom sa mundong darating sa pisikal ay espirituwal na paraan. Ang espirituwal na kagutuman ay nagaganap na ngayon sa mundo.
Ang mga iglesia ngayo’y puno ng mga naturingang Kristiyano, walang kakayanang ibahagi ang espirituwal na tinapay at ang buhay ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu sa sanlibutan. Ang tao sa buong mundo, mula Europa hanggang Asia hanggang sa lupalop ng Amerika, lahat ng nabubuhay ngayon sa panahon ng kanilang kapahamakan. Iilan sa Kristiyanismo ngayon ay naghahandog ng espirituwal na tinapay upang pakainin ang mga gutom na kaluluwa.
Mailalarawan natin ang panahon ng maputalng kabayo bilang panahon ng paglitaw ni anticristo. Sa panahong ito, mga likas na pamiminsalan ay gagawing salat sa tinapay at mga bilihin, kung saan ang sinuma’y hindi halos makaliligtas sa matinding kagutuman. Bagama’t ang mundo’y patuloy sa pag-unlad sa siyentipiko, ang pamantayan ng pamumuhay gayon pa ma’y mapupunta sa sukdulang kahirapan, isang uri na hindi pa nasasaksihan noon pa. Ang taong nabubuhay sa gayong mundo’y magkakaroon pa ba ng natitirang paghahangad na mabuhay?
Sa panahon nitong kapighatian, tayong lahat ay dapat na yumakap sa ating kamatayan at luwalhatiin ang Diyos sa pamamagitan ng pananalig sa Salita ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Ang mga hinirang na sa gayo’y nananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay ibibigay lahat ng luwalhati sa Diyos sa pamamagitan ng kanilang pagmamartir. Ang Diyos, kapalit nito, ay itataas sa langit yaong mga naging martir dahil sa pagtatanggol sa kanilang pananampalataya ay inanyayahan sila sa kasalang piging ng Cordero.
Sinabi ni Apostol Pablo na siya’y naging Kanyang lingkod para sa Kaharian ng Diyos. Pinangaral ng mga apostol ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu upang marami ang pumasok sa Milenyong Paghahari.
Sa panahon ng Matinding Kapighatian, marami sa mga Israelita ang magiging martir din at maisasama sa rapture dahil sa pananalig kay Jesus. Ang mga hinirang sa gayon ay maibibilang sa panahon ng Matinding Kapighatian sa panahon ng maputlang kabayo. Kapag dumating ang Matinding Kapighatian, bawat isa sa mundong ito’y maghahanap ng isang tao na magdadala ng kaayusan sa nawawasak na sanlibutan. Sila’y mananabik ng isang maglulutas sa kanilang mga suliranin dulot ng mga malalaking kapahamakan ng kalikasan, at makalulutas sa maraming suliranin ng politika, ekonomiya, at relihiyong makakaharap nila. Ito ang paglitaw ni Anticristo.
Kamakailan isang Hapong manunulat ang nagsulat ng isang serye ng mga aklat na pinamagatang Ang Salaysay ng mga Romano, na walang laman kundi papuri sa mga emperador ng Roma. Ang pangunahing paliwanag ng may akda na ang mundo’y di-maglaon ay mangangailangan ng isang pinuno na mag-aani ng lubos na kapangyarihan. Maraming tao rin ang sumasang-ayon sa kanya. Sa panahon ng Matinding Kapighatian, ang tao’y maghahangad ng isang makapangyarihang pinuno upang makapaghahari sa buong mundo na may isang kamay na bakal – hindi maraming pinuno, bawat isa’y may kanya-kanyang sariling kapamahalaan, ngunit isang makapangyarihang pinuno sa buong mundo.
Sa kasalukuyan, ang mundo’y nahahati sa maraming bansa, at bawat isa’y mayroong sariling pinuno. Ngunit sa mga huling araw, ang tao’y kailangan ang isang pinuno sa buong mundo na may karisma na siyang ganap na makalulutas lahat ng kanilang mga problema. Ang mundo ngayo’y hinihintay ang pinunong ito, ang anticristo na maghahari sa buong daigdig.
Sinasabi ng Biblia sa atin na kapag ang panahon ng maputlang kabayo’y dumating, ang anticristo’y lilitaw na may matinding kapangyarihan at lulupigin ang lahat sa ilalim ng Kanyang pamamahala. Sinabi rin ng Biblia na kapag ang maputlang kabayo ay dumating, uulan ng apoy sa mundo, at tutupukin ang ikatlong bahagi ng kagubatan. At kapag ang panahong ito’y dumating, ang anticristo’y mamamahala sa buong daigdig, at wala ni isa ang maaaring bumili o magbili ng anumang bagay kung wala ang kanyang tatak. Sa panahong ito, ang hinirang ay papatayin dahil sa pagtanggi sa tatak at pagsamba sa imahen, at pagkatapos ay mabubuhay na muli at masasama sa rapture. Kapag ang panahon ng maputlang kabayo ay nagwakas, ang panahon ng Milenyong Paghahari ay mabubuksan.
Sinabi ng Panginoon sa atin na ang pagwasak sa mundong ito at ang Matinding Kapighatian ay darating parang isang magnanakaw. Atin ngayon, samakatuwid, dapat ihanda ang pananampalatayamg makapagtatagumpay sa lahat ng mga pagsubok sa Matinding Kapighatian at kapahamakan. Ang paghahandang ito ay posible lamang dahil sa pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Ngunit ang mga hindi nagsihanda, lahat ng mga salot at kapahamakan ay darating sa mga di-nananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu.
Tulad niyaon, malinaw na dapat nating malaman at maniwala na ang panahon ngayon ay panahon ng itim na kabayo. Bago ang huling araw na yaon, dapat tayong manalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu at humanda para sa hinaharap.
Sa mga nananalig ngayon sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay maisasama sa rapture sa pamamagitan ng kanilang kamatayan bilang martir. Ang mga mayayaman ay hindi na patuloy na mamumuhay sa kaginhawaan. Samakatuwid, hindi tayo dapat na maging malungkot ni mapagyabang sa mga bagay na nangyayari sa atin ngayon, dahil naniniwala tayong ang panahon ng maputlang kabayo ay napipinto, ang lahat ng mga hinirang ay posibleng mamatay bilang mga martir.
Paminsan-minsan makikita natin ang ibang tao sa paligid natin ang nagdudulot ng malaking kalituan sa pamamagitan ng pagsusuring mabuti ng oras sa pagbabalik ni Cristo batay sa kanilang sarili, inihahayag ang kanilang sariling araw at oras sa pangalawang pagbabalik ng Panginoon at inililigaw ang marami sa pamamagitan ng mga gayong pag-angkin. Ngunit ang pagbabalik ni Cristo, ayon sa Biblia, ay hindi magaganap hangga’t ang ikapitong trumpeta’y tumunog. Samakatuwid, hindi tayo maaaring gumawa ng maling kalkula sa Salita ng Biblia at magkaroon ng ating sariling araw para sa pagbabalik ng Panginoon.
Dapat din tayong maging maingat sa mga umaangking nakita nila ang araw ng pagbabalik ni Cristo sa kanilang mga panaginip o mga pangitain. Ang kanilang mga panaginip ay walang iba kundi mga panaginip lamang. Ngunit dahil sinasabi ng Diyos sa atin kung kailan ang tiyak na oras ng rapture sa pamamagitan ng Kanyang Salita, sa halip tayo’y dapat na manalig sa Salita.
Kapag ang panahon ng maputlang kabayo, ang ikaapat na panahon sa Apocalipsis 6, ay dumating, ang mga martir ay dadami kasama ang mga salot ng mga puting trumpeta, at ang pagkabuhay muli at rapture ng mga hinirang ay darating.
Mahalaga para sa atin na mabatid na tayo’y nabubuhay ngayon sa ikatlong panahon ng pitong panahong itinakda ng Diyos. Dapat nating mabatid na ang panahon ngayon ay ang panahon ng kabayong itim. Kapag atin ngang ginawa, mag-aani tayo ng mga binhi ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ngayon, at sa pamamagitan ng pagtatanim ng mga binhi ngayon tayo’y makapaghahasik kapag ang panahon ng maputlang kabayo’y dumating.
Sa mundo ng kalikasang nilikha ng Diyos may mga halaman na maaaring sumibol, mamumulaklak, at mamumunga sa isang lingo lamang. Tulad nitong mga halaman sa ilog, kapag ang panahon ng maputlang kabayo’y dumating, yaong mga ligtas sa pamamagitan ng pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu na aming pinangangaral ngayon ay magiging martir din, sasamahan kami sa aming pagkabuhay na muli at sa rapture na siyang pinahintulot ng Panginoon sa atin. Sa panahon ng Kapighatian, marami pang tao ang mananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu kaysa ngayon. Maraming tao pa, sa madaling salita, ang mamamatay bilang martir dahil sa kanilang pananampalataya sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu.
Ang Salita ng Apocalipsis ay hindi nililimitahan ang pagtalakay sa kaligtasan ng bayan ng Israel. Ang sinumang nanalig na ang panahon ng Apocalipsis ay inihanda lamang para sa mga Israelita, siya’y nasa malaking kamalian. Bakit? Dahil kapag dumating ang panahon ng Apocalipsis, maraming mga Hentil ang maliligtas dahil sa pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu at magiging martir dahil sa pagtatanggol sa kanilang pananampalataya. Ang iyo mang kaalaman sa Salita ng Apocalipsis ay wasto o hindi, sa gayon, ay gagawa ng isang malaking kaibhan sa iyong pananampalataya.
Dapat mong malaman, sa makatuwid, na isang kamalian sa mga Kristiyano ngayon ang maniwala sa doktrina ng pre-tribulaiton rapture. Sinasabi ng Biblia sa atin na ang pagmamartir sa mga hinirang ay darating matapos ang ilang saglit ng kalagitnaan ng pitong taong Matinding Kapighatian, at ang kanilang pagsama sa rapture ay magaganap sa ilang sandali matapos nito. Ating tuklasin ang Salita ng Apocalipsis ayon sa pagkasulat nito, kapitulo sa kapitulo at talata sa talata, at sa loob ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Sa paggawa nito, magkakaroon tayo ng wastong kaalaman sa Salita ng Apocalipsis.
Sinasabi ng Apocalipsis 7 sa atin na di-mabilang na mga tao sa mga Hentil ang maliligtas din dahil sa kanilang pananampalataya at papatayin dahil sa kanilang pananampalataya. Tayo’y dapat na manalig sa Biblia ayon sa pagkakasulat – hindi sa teoriya ng pre-tribulation rapture, ni sa post-tribulation rapture, o sa amilenyo, kundi sa pitong kapanahunang tinakda ng Diyos.
Kapitulo 1 ng Salita ng Apocalipsis ay ang panimula, mga kapitulo 2 at 3 ay tumatalakay sa pagmamartir ng mga hinirang, at ang kapitulo 4 ay sinasabi sa atin na si Jesucristo ay Diyos at Siya’y nakaluklok sa trono ng Diyos. Kapitulo 5 ay pinakita sa atin kung paano naisasakatuparan ni Jesus ang plano ng Diyos Ama, at kapitulo 6 ay naglalaan ng kabuuang disenyo ng mga pitong kapanahunang naiplano ng Diyos. Lahat ng mga planong ito ay nalutas sa salita ng Apocalipsis.
Tulad ng sinasabi ng Salita ng Apocalipsis sa atin, “mapalad ang mga patay na nangamamatay sa Panginoon mula ngayon” magmula ngayon, ang mga hinirang ay mabubuhay sa pag-asa ng pagkabuhay na muli at sa Milenyong Paghahari.
Ang Apocalipsis 8:10-11 ay naglalarawan ng ibang salot: “At humihip ang ikatlong anghel, at nahulog mula sa langit ang isang malaking bituin, na nagliliyab na gaya ng isang sulo, at nahulog sa ikatlong bahagi ng mga ilog, at sa mga bukal ng tubig. At ang pangalan ng bituin ay Ajenjo: at ang ikatlong bahagi ng tubig ay naging ajenjo; at maraming tao ay nangagmatay dahil sa tubig, sapagka’t mapait ang gabi.” Sinasabi rito na ito ang oras na isang malaking bituin ang nag-aapoy tulad ng isang sulo na nahulog sa mga ilog at mga sibol. Ang malaking bituing ito na nag-aapoy na parang isang sulo ay tumutukoy sa isang kometa. Habang ang langit ay nayuyugyog, sa ibang salita, ang mga bituin ay babangga sa isa’t isa at ang kanilang mga pira-pirasong bahagi ay mahuhulog sa mundo.
Sa Apocalipsis 8:12-13 at magpapatuloy sa iba pang salot: “At humihip ang ikaapat na anghel, at nasugatan ang ikatlong bahagi ng araw at ang ikatlong bahagi ng buwan, at ng ikatlong bahagi ng bituin; upang magdilim ang ikatlong bahagi nila, ay upang ang ikatlong bahagi ng maghapon ay huwag lumiwanag, at gayon din naman ang gabi. At nakita ko, at narinig ko ang isang agila, na lumilipad sa pagitan ng langit, na nagsasabi ng malakas na tinig, Sa aba, sa aba, sa aba ng mga nananahan sa ibabaw ng lupa, dahil sa mga ibang tunog ng pakakak ng tatlong anghel, na magsisihihip pa.” Sinasabi sa atin na ang ikatlong bahagi ng mundo’y magdidilim, ang umaga’y magiging gabi.
Kapag ang mga salot ng pitong trumpeta’y nagsimula, ikaw at ako’y tiyak mapapasama sa kanila. Ngunit ang nabubuhay na mga hinirang ay malapit ng maging martir, at sa pamamagitan ng kanilang pananampalataya’y sila’y magtatagumpay kay satanas.
Kung malinaw na nalalaman mo ang pitong kapanahunan sa Apocalipsis 6, ikaw din ay magkakaroon ng malinaw na kaalaman kung ano ang dapat mong gawin at kung anong uri ng pananampalataya ang iyong kailangan sa panahon ngayon. Dahil ang mga nanalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay papataying martir sa panahon ng Apocalipsis, dapat nilang maranasan ang panahong ito sa kanilang pag-asam ng Kaharian ng Diyos. Habang nabubuhay sa mundong ito, ang mga hinirang ay dapat na maghanda para sa kanilang kamatayan sa mga huling araw sa pamamagitan ng kanilang pananampalataya, at dapat silang magpagal ng husto upang mapalawig ang Kaharian ng Diyos sa pamamagitan ng pagpapalaganap ng pananampalatayang ito.
Naniniwala ka ba at nananalig sa mga pitong kapanahunang itinakda ng Diyos? Iyo bang malalaman na tayo ngayo’y nabubuhay na sa panahon ng kabayong itim? Kung hindi nalalaman o nananalig man sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ngayon, hindi ka makatatakas mula sa mga kapighatiang darating sa mundo. Samakatuwid dapat kang maghanda ngayon. Upang magkaroon ng pananampalatayang makapagtagumpay sa mga kapighatian, una sa lahat dapat kang mapatawad sa iyong mga kasalanan sa pamamagitang ng pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu at manirahan sa Milenyong Paghahari sa pamamagitan ng pagtanggap sa Banal na Espiritu bilang iyong handog.
Maghanda ngayon. Kung hangad mong ipagpaliban at mananalig lamang sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu kapag ang mga salot ng pitong trumpeta’y dumating, ika’y mahaharap sa maraming mga pagsubok. Umaasa ako at nananalangin na ika’y manalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu sa pagkakataong ito, upang maisilang na muli at maihanda ang iyong kinabukasan bilang bayan ng Diyos.
 
Ang mga pitong panahon ng Diyos:
1. Puting kabayo: Ang panahon ng simula at pagpapatuloy ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu.
2. Pulang kabayo: Ang pagkawasak ng kapayapaan sa pagdating ng panahon ni Satanas.
3. Kabayong maitim: Ang panahon ng pisikal at espirituwal na kagutuman. Ang kasalukuyang panahon.
4. Maputlang kabayo: Ang panahon ng pagpatay sa mga hinirang sa paglitaw ni Anticristo.
5. Ang panahon ng pagkabuhay na muli at rapture ng mga hinirang. Ang kasalang piging ng Cordero.
6. Ang panahon ng pagwasak sa unang mundo.
7. Ang kapahon ng Milenyong Paghahari at ang Bagong Langit at Lupa pinaghaharian ng Panginoon at ang Kanyang mga hinirang.
 
Ito ang mga pitong panahong tinakda ng Diyos. Ang mga nakakaalam nitong mga panahon ng malinaw at nananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay ang mga naghanda ng kanilang pananampalataya upang mabuhay sa mga huling panahon. Nawa at dalangin na ikaw din, ay mabatid mo ang mga panahong ito ay tunay na pananampalatayang itinakda ng Diyos.