(Apocalipsis 7:1-17)
“At pagkatapos nito ay nakita ko ang apat na anghel na nakatayo sa apat na sulok ng lupa, na pinipigil ang apat na hangin ng lupa, upang huwag humihip ang hangin sa lupa, o sa dagat man, o sa anomang punong kahoy. At nakita ko ang ibang anghel na umakyat mula sa sikatan ng araw, na taglay ang tatak ng Dios na buhay: at siya’y sumigaw ng tinig na malakas sa apat na anghel na pinagkaloobang maipahamak ang lupa at ang dagat, na nagsasabi, ‘Huwag ninyong ipahamak ang lupa, kahit ang dagat, kahit ang mga punong kahoy, hanggang sa aming matatakan sa kanilang mga noo ang mga alipin ng ating Dios.’ At narinig ko ang bilang ng mga natatakan, na isang daan at apat na pu’t apat na libo, na natatakan, sa bawa’t angkan ng mga anak ni Israel:
Sa angkan ni Juda ay labing dalawang libo ang tinatakan;
Sa angkan ni Ruben ay labing dalawang libo;
Sa angkan ni Gad ay labing dalawang libo;
Sa angkan ni Aser ay labing dalawang libo;
Sa angkan ni Neftali ay labing dalawang libo;
Sa angkan ni Manases ay labing dalawang libo;
Sa angkan ni Simeon ay labing dalawang libo;
Sa angkan ni Levi ay labing dalawang libo;
Sa angkan ni Isacar ay labing dalawang libo;
Sa angkan ni Zabulon ay labing dalawang libo;
Sa angkan ni Jose ay labing dalawang libo;
Sa angkan ni Benjamin ay labing dalawang libo ang tinatakan.
Pagkatapos ng mga bagay na ito ay tumingin ako, at narito, ang isang lubhang karamihan na di mabilang ng sinoman, na mula sa bawa’t bansa at lahat ng mga angkan at mga bayan at mga wika, na nakatayo sa harapan ng Cordero, na nangadaramitan ng mapuputing damit, at may mga palma sa kanilang mga kamay; at nagsisigawan ng tinig na malakas, na nangagsasabi, Ang pagliligtas ay sumaaming Dios na nakaupo sa luklukan, at sa Cordero. At ang lahat ng mga anghel ay nangakatayo sa palibot ng luklukan, at ng matatanda at ng apat na nilalang na buhay; at sila’y nangagpatirapa sa harapan ng luklukan, at nangagsisamba sa Dios, na nangagsasabi:
‘Siya nawa! Pagpapala at kaluwalhatian, at karunungan,
At pasalamat, at karangalan, at kapangyarihan, at kalakasan,
Nawa ang sumaaming Dios magpakailan kailan man.
Siya nawa.’
At sumagot ang isa sa matatanda na, nagsasabi sa akin, Ang mga ito na nangadaramtan ng mapuputing damit, ay sino-sino at saan nagsipanggaling? At sinabi ko sa kaniya, Panginoon ko, Ikaw ang nakakaalam. At sinabi niya sa akin, Ang mga ito’y ang naggaling sa malaking kapighatian, at nangahugas ng kanilang mga damit, at pinaputi sa dugo ng Cordero. Kaya’t sila’y nasa harapan ng luklukan ng Dios; at nanganglilingkod sa kaniya araw at gabi sa kaniyang templo: at siyang nakaupo sa luklukan, ay lulukuban sila ng kaniyang tabernakulo. Sila’y hindi na magugutom pa, ni mauuhaw pa man; ni hindi na sila tatamaan ng araw, o ng anomang init: Sapagka’t ang Cordero na nasa gitna ng luklukan ay siyang magiging pastor nila, at sila’y papatnugutan sa mga bukal ng tubig ng buhay; at papahirin ng Dios ang bawa’t luha ng kanilang mga mata.”
Masusing Kapaliwanagan na Kasulatan
Talatang 1: “At pagkatapos nito ay nakita ko ang apat na anghel na nakatayo sa apat na sulok ng lupa, na pinipigil ang apat na hangin ng lupa, upang huwag humihip ang hangin sa lupa, o sa dagat man, o sa anomang punong kahoy.”
Dito’y pinakikita sa atin kung ang hangin ng mga kapighatian ay umiihip o hindi ay lubos na nakasalalay sa pahintulot ng Diyos. Ipinasiya ng Diyos na Kanyang ililigtas ang 144,000 mula sa mga angkan ni Israel at gagawin silang Kanyang bayan bago hayaan ang Matinding Kapighatian sa mundong ito.
Talatang 2-3: “At nakita ko ang ibang anghel na umakyat mula sa sikatan ng araw, na taglay ang tatak ng Dios na buhay: at siya’y sumigaw ng tinig na malakas sa apat na anghel na pinagkaloobang maipahamak ang lupa at ang dagat, Na nagsasabi, ‘Huwag ninyong ipahamak ang lupa, kahit ang dagat, kahit ang mga punong kahoy, hanggang sa aming matatakan sa kanilang mga noo ang mga alipin ng ating Dios.’”
Dito, inutos ng Diyos sa apat na anghel na pinahintulutang pinsalain ang lupa at ang mga dagat hangga’t ang 144,000 na mga Israelita ay natatakan. Sinabi ng Diyos sa kanila, sa ibang pananalita, huwag maminsala hanggang ang 12,000 ay napili mula sa bawat lipi ni Israel at ang kanilang mga noo ay natatakan ng buhay na tatak ng Diyos. Ito ang espesyal na utos ng Diyos pinakikita ang Kanyang natatanging kalinga para sa bayan ng Israel.
Talatang 4: “At narinig ko ang bilang ng mga natatakan, na isang daan at apat na pu’t apat na libo, na natatakan, sa bawa’t angkan ng mga anak ni Israel:”
Ang mga natatakan ng Diyos ay tatanggap ng espesyal na pangangalaga mula sa Diyos at ang Kanyang pagpapala ng kaligtasan kahit pa sa panahon ng Matinding Kapighatian sa mga huling araw.
Talatang 5-9: “Sa angkan ni Juda ay labing dalawang libo ang tinatakan; Sa angkan ni Ruben ay labing dalawang libo; Sa angkan ni Gad ay labing dalawang libo; Sa angkan ni Aser ay labing dalawang libo; Sa angkan ni Neftali ay labing dalawang libo; Sa angkan ni Manases ay labing dalawang libo; Sa angkan ni Simeon ay labing dalawang libo; Sa angkan ni Levi ay labing dalawang libo; Sa angkan ni Isacar ay labing dalawang libo; Sa angkan ni Zabulon ay labing dalawang libo; Sa angkan ni Jose ay labing dalawang libo; Sa angkan ni Benjamin ay labing dalawang libo ang tinatakan. Pagkatapos ng mga bagay na ito ay tumingin ako, at narito, ang isang lubhang karamihan na di mabilang ng sinoman, na mula sa bawa’t bansa at lahat ng mga angkan at mga bayan at mga wika, na nakatayo sa harapan ng Cordero, na nangadaramitan ng mapuputing damit, at may mga palma sa kanilang mga kamay;”
Ang mga talatang ito ay sinasabi sa atin ang bilang ng mga natatakan mula sa bayan ng Israel–12,000 sa bawat lipi ni Israel ay matatatakan bilang tagapagtanggap ng espesyal na biyaya ng Diyos. Ibibigay ng Diyos ang kaligtasan sa 12,000 mula sa bawat lipi ni Israel at gagawin silang Kanyang bayan; ang espesyal na biyayang ito ay pantay-pantay na maipagkakaloob sa bawat lipi ni Israel.
Yamang pantay-pantay ang pag-ibig ng Diyos sa bawat lipi ni Israel, binigay Niya lahat ng pagpapala ng pagiging Kanyang bayan. Dinamitan ng Diyos ang mga Israelita nitong biyaya upang matupad ang Kanyang Salita ng pangakong binigay kay Abraham at sa kanyang mga inapo. Tulad ng makikita, tinupad ng Diyos ang lahat ng bagay na Kanyang pinangako at nilayon para sa sangkatauhan.
Sinasabi sa atin na isang malaking bilang ng mga Hentil ay maliligtas din sa araw ng Matinding Kapighatian at sila’y magiging bayan ng Diyos. Sa ibang salita, hindi mabilang na dami ng mga Hentil ang mapapalaya rin mula sa kanilang mga kasalanan dahil sa pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu at magiging martir sanhi ng kanilang pananampalataya sa mga huling araw. Tayo’y dapat, samakatuwid na tandaan na ang Diyos ay kumikilos upang ang mga Hentil ay Kanyang maging bayan maging sa pinakahuling mga araw.
Talatang 10-11: “At nagsisigawan ng tinig na malakas, na nangagsasabi, Ang pagliligtas ay sumaaming Dios na nakaupo sa luklukan, at sa Cordero. At ang lahat ng mga anghel ay nangakatayo sa palibot ng luklukan, at ng matatanda at ng apat na nilalang na buhay; at sila’y nangagpatirapa sa harapan ng luklukan, at nangagsisamba sa Dios,”
Pinagkaloob ng Diyos ang Kanyang biyaya ng kaligtasan maging sa mga huling araw sa mga Israelita at sa atin, ang mga Hentil. Sa gayon ang ating Panginoon ay karapat-dapat na tumanggap ng lahat ng pagsamba, papuri, at kaluwalhatian. Para sa mga hinirang, wala ng iba kundi ang Diyos lamang ay layon ng lahat ng kanilang pagsamba.
Talatang 12: “Na nangagsasabi, Siya nawa: Pagpapala at kaluwalhatian, at karunungan, at pagpapasalamat, at karangalan, at kapangyarihan, at kalakasan, nawa ang sumaaming Dios magpakailan kailan man. Siya nawa.”
Lahat ng mga lingkod ng Diyos ay nagbibigay puri sa Panginoon na Siyang Diyos. Marapat lamang na ang Diyos ang tatanggap ng lahat ng papuri at karangalan.
Talatang 13-14: “At sumagot ang isa sa matatanda na, nagsasabi sa akin, Ang mga ito na nangadaramtan ng mapuputing damit, ay sino-sino at saan nagsipanggaling? At sinabi ko sa kaniya, Panginoon ko, Ikaw ang nakakaalam. At sinabi niya sa akin, Ang mga ito’y ang naggaling sa malaking kapighatian, at nangahugas ng kanilang mga damit, at pinaputi sa dugo ng Cordero.”
Titipunin ng Diyos ang Kanyang huling ani matapos Niyang pataasin ang hangin ng Matinding Kapighatian upang mapagtagumpayan ng mga hinirang ang kanilang maluwalhating pagmartir at ipagtanggol ang kanilang pananampalataya.
Kapag ang unang tatlo at kalahating taon ng pitong-taong Matinding Kapighatian ay lumipas, ang mga hinirang ay tampalasang uusigin ni anticristo at papatayin sa pagtatanggol ng kanilang pananampalataya. Itong kapighatiang pagmamartir ay may isang kakaibang sidhi sa ibang mga kapighatian na nagpatuloy sa Kasaysayan ng Iglesia; ito’y gagawa ng isang tiyak na pangangailangan para sa pananampalataya ng mga hinirang na nananalig sa Diyos sa mundong ito. Sa pamamagitan ng kanilang pagmamartir, ang mga hinirang ay higit na maliwanag nilang maihahayag ang kanilang tunay na pananampalataya sa Diyos. Sa mga huling panahon ng Matinding Kapighatian, lahat ng mga hinirang ay ipagtatanggol ang kanilang pananampalataya sa pamamagitan ng kanilang kamatayan, mapapabilang sa kanilang pagkabuhay na muli at sa rapture, at tatayo sa harapan ng trono ng Diyos.
Talatang 15-16: “Kaya’t sila’y nasa harapan ng luklukan ng Dios; at nanganglilingkod sa kaniya araw at gabi sa kaniyang templo: at siyang nakaupo sa luklukan, ay lulukuban sila ng kaniyang tabernakulo. Sila’y hindi na magugutom pa, ni mauuhaw pa man; ni hindi na sila tatamaan ng araw, o ng anomang init:”
Yaong may taglay ng tunay na pananampalataya sa Diyos ay magiging martir sa mga huling araw ng Matinding Kapighatian upang maipagtanggol ang kanilang pananampalataya sa kaligtasan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Sa gayon ang Diyos ay ibibigay sa mga hinirang ang gayong pananampalataya sa Kanyang espesyal na kalinga at pagpapala, at yakapin sila sa Kanyang mga bisig.
Yamang lumaban kay satanas at naging martir at nabuhay na muli, ang mga hinirang ay hindi na muling mamamatay o dadanas ng kalungkutan sa Kaharian ng Diyos. Sila’y walang hanggang mamumuhay sa mga pagpapalang binigay sa mga anak ng Diyos. Ang mga mabubuhay ay mayayakap sa mga bisig ng Diyos ay hindi na mangangailangan pa, ni sila’y dadanas pang mula ng mga kapinsalaan o panggigipuspos mula sa diablo. Ang lahat ng naghihintay sa kanila ngayon ay ang espesyal na gantimpala ng Diyos, pag-ibig, at kaluwalhatian na ipagkakaloob sa kanila magpakailanman.
Talatang 17: “Sapagka’t ang Cordero na nasa gitna ng luklukan ay siyang magiging pastor nila, at sila’y papatnugutan sa mga bukal ng tubig ng buhay; at papahirin ng Dios ang bawa’t luha ng kanilang mga mata.”
Ang Diyos ang magiging walang hanggang Pastol ng mga hinirang at ibibigay sa kanila ang Kanyang walang hanggang mga pagpapala. Upang gantimpalaan sa lahat ng mga pasakit at pagmamartir na dinanas ng mga hinirang alang-alang sa Panginoon habang narito sa mundo, aakayin sila ng Diyos sa mga bukal ng tubig na buhay, hahayaan silang magpira-piraso ng tinapay kasama ang Panginoon sa harapan ng trono ng Diyos, at damitan sila ng walang hanggan sa Kanyang mga pagpapala upang umanib sa Kanya sa lahat ng Kanyang kaluwalhatian. Dahil ang mga hinirang, habang narito sa mundo, ay nanalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, namumuhay sa paglilingkod para sa ikaluluwalhati ng Diyos, at nangamatay bilang martir alang-alang sa Kanyang pangalan, hahayaan ng Diyos yaong nagsipagtanggol ng kanilang pananampalataya upang mabuhay kailanman sa gitna ng Kanyang kaluwalhatian sa Bagong Langit at Lupa. Hallelujah! Purihin ang ating Panginoon!