(Apocalipsis 7: 1-17)
Ang mga Kristiyano ngayon ay dapat malaman ng wasto ang katotohanan ng Biblia. Lalo na sa pamamagitan ng Salita ng Apocalipsis, dapat tayong magkaroon ng wastong unawa ng rapture ng mga hinirang at mamuhay na may tamang pananampalataya.
Una sa lahat, dapat nating mabatid na ang rapture ay magaganap sa kalagitnaan ng Matinding Kapighatian, bahagyang lampas ng unang tatlo at kalahating taon ng pitong taon. Ang mga iglesia at mga hinirang samakatuwid ay dapat na magkaroon ng mandirigmang pananampalataya sa mga huling araw, upang maisakatuparan ang kalooban ng Diyos at mapalaya ang sangkatauhan mula sa kasalanan at ibigay ang buhay na walang hanggan tulad ng Kanyang nilayon kay Jesucristo.
Pinahintulot ng Diyos ang mga gawa ni anticristo upang maganap itong Kanyang kalooban. Ang panahon kung saan si anticristo ay magiging aktibo ay sa unang tatlo at kalahating taon ng pitong taong panahon ng Matinding Kapighatian. Hinayaan ng Diyos na hindii ituloy ang kanyang mga hangganan sa panahong ito. Bakit? Dahil upang matupad ang Kanyang dakilang layong naiplano para sa atin, kailangang ikulong ng Diyos si satanas sa walang hanggang hukay, at upang magkagayon ang Panginoon mismo ay dapat magbalik sa mundong ito bilang tao. Ito ay kung bakit pinahintulot ng Diyos si anticristo na gawin ang kanyang mga gawain sa panahon ng unang tatlo at kalahating taon ng pitong-taong Matinding Kapighatian.
Binigay ng Diyos sa bawat isa ang Kanyang salita ng pagliligtas mula sa kasalanan at ng buhay na walang hanggan, at upang maisakatuparan itong salitang Kanyang nilayon sa Matinding Kapighatian. Sa pangunahing talata, nasusulat, “Nakita ko ang apat na anghel na nakatayo sa apat na sulok ng lupa, na pinipigil ang apat na hangin ng lupa, huwag humihip ang hangin sa lupa, o sa dagat man, o sa anumang punongkahoy.” Naiplano rin ng Diyos na iligtas ang 144,000 mamamayan ng Israel mula sa kanilang kapahamakan, dahil Kanyang pinangako kay Abrahan na Siya’y kanyang magiging Diyos at Diyos ng kanyang mga inapo. Upang matupad ang pangakong ito, ipinagkaloob ng Diyos ang Kanyang biyaya ng kaligtasan sa Israel at iligtas ang 144,000 mga inapo ni Abraham sa mga huling araw.
Upang ibigay ang kanyang Milenyong Paghahari sa mga hinirang at ang walang hanggang Bagong Langit at Lupa, ang Diyos ay tiyak na pahihintulot ang Matinding Kapighatian na dumating sa mundong ito. Matapos hayaan ang panahon ni anticristo sa Matinding Kapighatian, pagkatapos ay lulupigin ng Diyos si satanas at ikukulong sa walang hanggang hukay. Ang dahilan kung bakit pinahintulot ng Diyos ang paglitaw ni anticristo at ang Matinding Kapighatian ay upang maisakatuparan ang Kanyang pangakong pagliligtas sa Israel at upang ipagkaloob ang Kanyang biyaya ng pagbigay ng buhay na walang hanggan sa mga Hentil, na madadamitan ng puti sa Matinding Kapighatian.
Sa gayon, ang Matinding Kapighatian at ang paghahari ni anticristo ay ang mga yugtong ating tiyak na dapat na dadanasin. Dapat nating malaman na lahat ng mga bagay na ito na pinahintulot ng Diyos ay bahagi ng Kanyang planong iligtas tayong lahat at damitan tayo ng Kanyang biyayang buhay na walang hanggan sa kaharian ni Cristo. Dapat nating malinaw na malaman ng tiyakan kung anong panahon tayo nabubuhay ngayon, at itanong sa ating sarili kung anong uri ng pananampalataya dapat magkaroon tayo. Ang ating pananampalataya, ay dapat maging malinaw at tiyak.
Naniniwala tayo sa Salita ng Diyos. At naniniwala rin tayo na ang lahat ng Salitang ito ay matutupad, sa pisikal at espirituwal man. Ang panahon ngayon ay panahon na patungo sa mga huling araw. Kapag si anticristo at ang kanyang mga tagasunod ay lumitaw sa mga huling araw, dapat tayong lumaban sa kanila maipagtanggol ang ating pananampalataya, kahit pa sa halaga ng pagbibigay ng ating sariling buhay sa kamatayang martir. Ang panahong ito ay mabilis na papalapit sa atin. Kung nananalig tayo sa Salita, dapat tayong lumaban kay anticristo, ang dakilang kaaway, at kanyang mga tagasunod. Ito ang pananampalataya ng pakikibaka.
Ang pakikibaka ay ang paglaban. Ngunit sa pakikipaglaban, hindi ko pinapakahulugan ang pisikal na dahas, puminsala’t manira. Sa halip, ang pinapakahulugan ng digmaan ay pagtanggol ng pananampalataya ng walang pagsuko kay anticristo, ang lingkod ni satanas na siyang sumasalungat sa ebangelyo ng kaligtasang binigay ng Panginoon sa atin, at siyang taga-usig ng mga mananampalataya. Ang mga naging martir sa mga huling araw ay ang patotoo kay Jesus at mga nanangan sa Salita ng Diyos. Ang kanilang pinatotoo ay si Jesus na naparito sa pamamagitan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu.
Ang makidigma ay ang pagtanggol sa pananampalataya sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Upang ipagtanggol ang pananampalatayang ito, ang mga isinilang na muli dahil sa pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritung binigay ng Panginoon ay dapat makiisa sa mga ibang isinilang na muling hinirang sa mga Iglesia ng Diyos. At dapat nating lutasin na matapang na pumasok sa digmaan na may isang di-nababaling pagpupunyagi sa paglaganap ng ating pananampalataya sa iba at mailigtas ang kanilang mga kaluluwa. Upang lubusang handa sa pakikibaka ay nangangahulugang ipagtanggol ang ating pananampalataya at upang maligtas din ang mga ibang kaluluwa; itong pananampalataya ng iglesia ay ang daan ng tagumpay na magbibigay lugod sa Diyos. Ang mga lingkod ng Diyos ay dapat manatili sa kanilang pananampalatayang pakikibaka.
Ano na ang kalagayan ng panahon ngayon, kung saan dapat tayong mamuhay na may mga kaisipan at pananampalatayang handang makibaka? Ay kasalukuyang panahon ay maliwanag na dumadaan sa maraming pagbabago. Maraming mga “teoriya” ng rapture at ang pangalawang pagdating ni Cristo ang lumitaw at naglaho, ay kasabay nito ang pananampalataya rin ng tao ay alinsunod na nagbabago rin.
Bago ang isang teoriya ng rapture ay makatigan noong unang mga taon ng 1800, lahat ay naniniwala at pinangaral ang doktrina ng “post-tribulation rapture,” na iginigiit na si Cristo’y darating matapos dumaan ang mga hinirang sa lahat ng Matinding Kapighatian, at ang kanilang rapture at pagkabuhay na muli ay mangyayari sa panahong ito ng pagbabalik ni Cristo. Ngunit ang teorya ng “post-tribulation rapture”, na unti-unting lumakas ang agos noong mga unang taon ng 1800, lubusang binago ang “post-tribulation rapture”.
Ang teoriya ng “pre-tribulation rapture” ay hinihimok na ang mga mananampalataya kay Jesus ay itataas sa langit bago ang magsimula ang pitong-taong Matinding Bagaman ang teoriyang ito sa pasimula ay tinanggihan ng marami, ngayon halos lahat ay hahantong na maniwala sa “pre-tribulation rapture”, ngunit mayroong iilang tumututol. Subalit ang teoriya ng “pre-tribulation rapture” ay hindi lang sa hindi angkop sa Salita ng Diyos, bagkus naglalarawan sa Salita ng Diyos, at kanyang plano sa walang-kabuluhan. Ngunit sa mga isipan ng mga mangmang sa Biblia, itong teoriya ng “pre-tribulation rapture” ay matatag ng naitanim.
Ang mga Apostol sa naunang mga taon ay hinati ang panahon ng Diyos sa dalawang kapanahunan. Ito ay ang mga unang panahon ng kaligtasan, sa pamamagitan ng pananampalataya kay Jesucristo, ang pangalawang panahon ng Matinding Kapighatian na sumunod makalipas ang unang panahon. Sinasabi ng mga iskolar ngayon na habang inuunawa nila ang unang panahon ng pagliligtas sa pamamagitan ng pananampalataya kay Jesus, ang pangalawang panahon sa Matinding Kapighatian, ang panahon ng pagbabalik ni Cristo at ang rapture ng mga hinirang, ay napakahirap maunawaan.
Karamihan sa mga Kristiyanong naniniwala sa teoriya ng “pre-tribulation rapture” sanhi ng kanilang kamangmangan sa mga kapanahunan ay walang magagawa kundi ang magkaroon ng maling pananampalataya. Pakitang-gilas na huhulaan ang kanilang sariling araw at oras ng pagbabalik ni Cristo, o kaya’y hayaan ang kanilang pananampalataya’y matulog na walang-saysay, inaakalang ang kanilang ang rapture ay magaganap bago ang Matinding Kapighatian - lahat ng ito ay resulta ng mga naniniwala sa “pre-tribulation rapture”. Maraming mga Kristiyano ang nahulog sa espirituwal na katamaran, inaakala sa kanilang sarili, “Eh ano kung ang mundo’y mahaharap sa paghihirap? Ako’y masasama sa rapture bago dumating ang Matinding Kapighatian, kaya lahat ng bagay ay ayos lamang.” Lahat ng ito ay nagdulot ng kalituhan dahil sa kanilang kakulangan sa tiyak at kaalamang Biblia ng rapture.
Itinaguyod ni Scofield ang “pre-tribulation rapture”, at ang resulta’y ang mga isipan ng mga naniniwala sa teoriyang ito ay nahahantong na maanod sa dako ng kanilang sariling mga kaginhawaan, iniisip, “Tayo’y masasama sa rapture bago dumating ang Matinding Kapighatian sa mundong ito, kaya’t tayo’y magsikap na mamuhay na may kaginhawaan ngayon.” Ang kanilang pananampalataya sa gayo’y naging walang-silbi.
Ngunit ano ba ang sinasabi ng Biblia ukol sa Matinding Kapighatian at sa rapture? Ang Biblia’y nagsasabi ukol sa “mid-tribulation rapture.” Sinasabi sa atin na ang mga Hentil at mga Israelitang nananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritung binigay ni Jesus na dadanas din ng mga pag-uusig mula kay anticristo habang sila’y dumadaan sa unang tatlo at kalahating taon ng Matinding Kapighatian sa panahon ng maputlang kabayo.
Sinasabi sa atin na matapos ang unang tatlong kalahating taon ng Matinding Kapighatian, papatayin ni anticristo ang mga hinirang, mga hinirang na papatayin bilang martir. Sinasabi rin sa atin na lahat ng mga hinirang, ang mga naging martir at yaong hindi, ay mabubuhay muli sa maluwalhating katawan, at kasabay ng kanilang pagkabuhay muli, sila’y itataas sa alapaap sa oras ng rapture. Kapag ang mga hinirang ay kinuha sa rapture sa kalagitnaan ng Matinding Kapighatian, ang mundong ito ay darating sa kanyang hangganan sa pagbubuhos ng mga salot ng pitong mangkok. Pagkatapos ang Panginoon ay babalik dito sa mundo upang hatulan si satanas, ang anticristo, at kanyang mga tagasunod.
Sa Apocalipsis 13 ay sinasabi sa atin na yaong ang mga pangalan ay di nakasulat sa Aklat ng Buhay ay susuko lahat kay anticristo at sa kanyang mga rebulto. Yaon lamang mga pangalan na nakasulat sa Aklat ng Buhay, sa ibang pananalita, ay hindi susuko kay anticristo at sa kanyang mga tagasunod. Yaong ang mga pangala’y hindi nakasulat sa Aklat ng Buhay dahil sa pagtangging manalig sa ebangelyo ng tubig at ng Espiritu sa kanilang mga puso’y mahahantong lahat sa pagsamba at pagsuko kay satanas at sa kanyang mga rebulto.
Ito ay kung bakit sinasabi ng Biblia sa atin na ang mga hinirang ay mananatili sa mundo sa panahon ng Matinding Kapighatian, at bahagyang lalampas sa kalagitnaan ng Kapighatian, silang lahat ay itataas sa alapaap sa pamamagitan ng kanilang rapture. Ang mga sumuko kay satanas at tumanggap ng marka ni anticristo sa loob ng pitong-taon ng Matinding Kapighatian ang lahat itatapon sa lawa ng apoy at asupre, ngunit yaong ang pangalan ay nakasulat sa Aklat ng Buhay at hindi sumuko sa rebulto ay masasama sa rapture sa kalagitnaan ng Matinding Kapighatian.
Ang tunay na rapture ay magaganap ilang sandali ng kalagitnaan ng pitong taong Matinding Kapighatian. Detalyeng mga reperensiya mula sa Biblia ukol sa oras ng rapture ang tatalakayin sa pangalawang yugtong darating. Ngunit maraming tao, maagang itinatakda ang araw ng rapture, nagsasalita ukol sa “pre-tribulation rapture”, o kaya naman itinatakda ito ng may kaluwagan at tumutukoy naman sa “pre-tribulation rapture”. Ang mga iskolar ay pinag-uusapan ang teoriya ng “pre-tribulation rapture” kahit sila mismo ay hindi sang-ayon sa kahalagahan nito, subalit maraming mga pumupunta ng iglesia ang naniniwala sa teoriyang ito. Ang ibang tao’y ihahandog ang kanilang ari-arian sa kanilang mga iglesia, o panatikong maghihintay sa di-makatwirang naitakdang araw ng animo’y pagbabalik ni Cristo.
Kamakailan, mga miyembro ng isang denominasyon ay pumili ng isang araw at naniwalang si Cristo’y babalik sa araw na ito na kanilang pinili. Kaya silang lahat ay umakyat sa isang bundok, tinalian ang kanilang mga katawan, at naghintay ng kanilang rapture hanggang sa hatinggabi. Lumipas ang oras, ngunit gaano man ang sigasig na sila’y naghintay, si Jesus ay di-nagbalik. Kaya’t sila’y sumuko rin, kinalag ang pagkakatali, at nahihiyang bumaba ng bundok. Itong uri ng kabiguan, sa kasawiang palad, ngayo’y naging halos karaniwan sa Kristiyanismo. Ang gayong kahibangang pangyayari’y hindi lamang limitado sa Korea, ang mga ito’y madalas na nangyayari sa buong mundo, sa Europa, Amerika, Asia, kahit saan.
Ang dapat na katiyakang ating malaman, samakatuwid, na ang Diyos ay malinaw na pinahihintulot ang Matinding Kapighatian kahit pa sa Kanyang mga hinirang sa pananampalataya. Ito ang plano ng Diyos. Ang dahilan kung bakit pinahihintulot ng Diyos ang Matinding Kapighatian sa mga hinirang ay upang matupad ang Kanyang mga pangako–upang itapon, sa pamamagitan ng Kapighatian, si satanas sa walang-katapusang apoy, upang gawing bagong daigdig itong mundo sa pamamagitan ng pagtataguyod ng Kaharian ni Cristo sa isang libong taon, kung saan ang mga hinirang ay maghaharing kasama Niya, at upang igawad ang Bagong Langit at Lupa sa mga mananampalataya kay Jesus. Ito ang kalooban ng Diyos sa pagpapahintulot na dumating ang Matinding Kapighatian sa atin na may layunin.
Ang pitong-taong Matinding Kapighatian ay hindi pa nagsisimula. Kung ating ipapalagay na ang mga kalikasang kapahamakang ating dinadanas sa paghihirap ay maihahambing sa mga paikot-ikot na mga apoy na madaling mapulaan ng mga mamamatay-sunog, ang mga kapamahakang naghihintay sa atin mundo sa Matinding Kapighatian ay hindi karaniwan, ihahambing sa apoy na tutupok sa ikatlong bahagi ng kagubatan ng sanlibutan.
Upang hindi manginig at upang makapagtiis kapag ang gayong nga kapahamakan at mga salot ay hahagupit sa mundo, ang mga hinirang at mga lingkod ng Diyos ay dapat magkaroon ng pananampalatayang pakikibaka. Dahil tayo’y mananatili sa mundong ito hanggang sa kalagitnaan ng Matinding Kapighatian, dapat tayong mamuhay sa mga huling panahon na may pananampalatayang hindi susuko kay anticristo at kanyang mga tagasunod. Sa pamamagitan ng matikang pananampalataya ng isang kawal na papasok sa isang digmaan, dapat mong ipangaral ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu sa buong mundo para sa ikaliligtas pa ng ilang kaluluwa, kasama na iyong sariling pamilya.
Ang mundo ay hindi laging ganitong payapa. Ngunit kahit pa maghari ang kalituhan sa mundo at managana ang paghihirap sa ating mga buhay, dapat lagi tayong mamuhay ng may katapatan, nanalig sa kalinga ng Diyos hanggang sa pinakahuling araw. Ang mga relihiyon ng sanlibutan at si satanas ay nililinlang ang mga tao sa lahat ng uri ng mga maamong salita ninanakaw sa kanila at sa huli’y ilulublob ang kanilang mga kaluluwa sa impiyerno.
Kahit pa ngayon, hindi mabilang ng tao at yaong kabilang sa mga malalaking denominasyon ay naniniwala sa teoriya ni Scofield, inililigaw ang marami tungo sa kanilang maling pananampalataya. Ang mga nanalig na sila’y masasama sa rapture bago ang Matinding Kapighatian ay hindi nangangailangan ng paghahanda ng kanilang pananampalataya upang makapagtiis sa Matinding Kapighatian. Akala nila na kailangan lang nilang maging matapat sa kanilang kasalukuyang buhay at simpleng maitataas sa alapaap kapag nagtawag ang Panginoon. Ngunit ang rapture ng mga hinirang ay talagang magaganap makalipas ang unang tatlo at kalahating taon ng Matinding Kapighatian, kaya’t sila’y dapat maghanda sa kanilang pananampalataya para sa Kapighatiang kailanman ang pagbabalik ni Cristo. Dapat tayong maniwala na ililigtas ng Diyos ang bayan ng Israel at marami sa mga hinirang sa pitong-taong panahon ng Matinding Kapighatian.
Sinasabi ng talatang 14 sa atin, “Ang nga ito’y ang nanggaling sa malaking kapighatian, at nangaghugas ng kanilang mga damit, at pinaputi sa dugo ng Cordero.” Ito’y tumutukoy sa pagmamartir. Ang ibig sabihin ng pagmamartir ay ang mamatay para sa makatwirang gawa ayon sa pananampalataya. Ang pinakawastong pananampalataya para sa mga hinirang na naligtas sa kasalanan ay ang hinirang na naligtas sa kasalanan ay ang manalig sa ebanghelyo, pinaglaho ng Panginoon ang lahat ng ating mga kasalanan, manatili sa pananampalatayang ito. Ngunit laging nagsisikap si satanas na wasakin ang pananampalataya ng mga hinirang. Tayo kung gayon ang dapat makipaglaban kay satanas sa pamamagitan ng ating pananampalataya.
Kung isusuko natin ang labanang ito kay satanas, tayo’y itatapon sa impiyerno kasama ang diyablo bilang kanyang mga lingkod, ngunit kung tayo’y lalaban at ipagtatanggol an gating pananampalataya kahit pa magbuwis ng buhay, tayo’y papatayin at papasok sa Kaharian ng Diyos dahil sa pananampalatayang martir. Dahil tayo’y nakikibaka sa digmaan ng pananampalataya upang ipagtanggol ang ating pananampalataya, ang ating kamatayan ay makatuwirang maluluwalhati.
Samakatuwid tayo’y dapat magkaroon ng pananamapalatayang lumaban para sa mga matuwid na gawain. Dapat tayong maniwala na tayo’y nakikibaka para sa kapakanan ng iba upang maligtas ang kanilang mga kaluluwa, at ating dapat ipagtangol ang ating pananampalataya hanggang sa huli at magtagumpay sa digmaang ito upang maihatid ang kaluluwang ito sa Langit. Hanggang sa makamit ang korona ng tagumpay, dapat tayong magtagumpay kay satanas sa ating pakikibaka sa kanya sa pamamagitan ng tabak ng Salita ng ating Panginoon.
Ang tao’y minsang isilang at sila’y mamamatay ng minsan. Walang halaga kung gaano man maunlad ang nagawa ng siyensiya mediko, ang bawat isa’y mamamatay. Ang tao may papanaw sa gulang na 10 o 80, silang lahat ay haharap sa paghatol sa kasalanan ng Diyos. Ang mga mamamatay nang di-nanalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritung binigay ng Panginoon habang narito sa mundong ito ay makikita ang kanilang hatol at mahahatulang itapon sa walang katapusang apoy. Bagaman nahugasan ang kanilang mga kasalanan sa pamamagitan ng tubig at dugo ni Jesus, gagawin ang mga ito na kasing puti ng niyebe, ngunit dahil sa kasalanang di-pananalig sa katotohanang ito ay di-mapapatawad, ang mga di-mananampalatayang ito ay mahahatulan dahil sa lahat ng kanilang kasalanang nagawa sa harap ng Diyos at sa tao habang narito sa mundo na kanilang pagbabayaran.
Upang maiwasang mahatulan sa apoy ng impiyerno sa harap ng Diyos, dapat tayong manalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritung binigay ni Jesus na tutubos sa lahat ng ating mga kasalanan. Ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritung maghuhugas ng lahat ng ating mga kasalanan ay iba sa ebanghelyo ng tubig at ng Espitu, kahit sa ordinaryong oras o hindi. Tanging pananalig lang sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu natin makakamtan ang Banal na Espiritu at mapagkakalooban ng pagpapalang maging mga amak ng Diyos. Kapag tayo’y nanalig kay Jesus, dapat tayong lumayo at hindi manalig sa maling ebanghelyong likha lamang ng dugo sa Krus.
Ang Lumang Tipan ay nagsasalita sa tunay na ebanghelyo sa pamamagitan ng pagpapatong ng mga kamay at ang hugasang tanso sa Bagong Tipan. Sinasabi ng Salita ng Diyos sa atin na ang ating mga kasalanan ay inilipat kay Jesus nang minsan sa pamamgitan ng bautismong tinanggap ni Cristo. Ang hugasang tanso sa Lumang Tipan at ang bautismo sa Bagong Tipan ay parehong tumutukoy sa iisang pananampalataya sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritung nagligtas sa lahat ng ating mga kasalanan—sa pamamagitan ng bautismo ni Jesus na naglipat ng lahat ng ating mga kasalanan sa Kanya, Kanyang kamatayan sa Krus, at Kanyang pagkabuhay na muli. Walang maliligtas kundi sa pamamagitan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu.
Dapat tayong patuloy na mamuhay sa pamamagitan ng ating pananampalataya sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu hanggang umabot tayo sa kalagitanaan ng Matinding Kapighatian. Dapat nating malaman ang panahong ito, at mamuhay sa mga natitirang ilang mga araw tulad ng nais ng Diyos sa atin, ipangaral ang Kaharian ng Diyos at naghahatid ng mabuting balita sa lahat. Sinasabi ng Diyos sa atin na maraming tao ang maliligtas kahit sa mga huling araw na ito.
Iilang halaman ang mabubuhay sa isang ilang, dahil sa walang tubig, kundi buhangin lang at sinag ng araw. Ngunit kahit sa malagim na ilang na ito ay puno lang ng init at tuyong alikabok at buhangin, kapag ang ula’y nagdala ng tubig, ang mga halaman ay sisibol, mamumulaklak, ang mamumunga sa isang lingo lang. Ang kulang sa ilang ay tubig; ang mga binhing nakabaon sa buhangin, bagamat walang kakayahang pang sumibol, sila’y hindi patay kundi mga buhay, naghihintay ng ulan. At kapag ang halumigmig ay nakarating sa mga tuyong binhing ito, sila’y tutubo agad. Ang mga binhing tutubo sa isang araw, lalaki sa susunod na araw, at mamumulaklak at mamumunga sa ikatlong araw. At sa kanilang huling araw ang mga halamang ito ay maglalaglag ng mga binhi sa lupa, at ang mga matitigas na binhi’y matutungo sa ilalim ng buhangin muli.
Tulad ng mga halaman sa isang ilang na animo’y imposibleng magbibigay-buhay kahit isang magsasaka o pagsibol ay magagawang patubuin kapag may tubig, naniniwala tayo na sa mga huling araw, may mga kaluluwa rin sa paligid ng parang ilang sa mundo na sisibol, mamumukadkad, at mamumunga kung sila’y mapapalapit kahit kaunti sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Naniniwala tayo na ang mga salot ng pitong trumpeta ay tiyak na mangyayari, marami sa mga dating nakarinig sa Matinding Kapighatian sa pamamagitan ng Salita ay mababatid na ang ebanghelyong itinanim sa kanila, nanatili rito, ilang sandaling tutubo ang pananampalatayang pagmamartir.
Tulad niyaon, kapag ikaw at ako’y naging martir upang ipagtanggol ang ating pananampalataya, lilitaw tulad ng mga halaman sa ilang agad tutubo kahit sa mga tuyong lupa, ang sasama sa ating pagmamartir dahil sa pagtangging tanggapin ang marka at sambahin ang rebulto. Itong ebanghelyo ng tubig at ng Espiritung ating pinapalawig ngayon ay ang pagpapatubo ng kanilang panamampalataya sa ilang sandali ng panahon upang yakapin ang pagmamartir, at gawin silang mga manggagawa ng Diyos na makikipaglaban.
Mula sa mga bata hanggang sa matatanda, tayong lahat ay mga kawal sa hukbo ng Diyos. Laging ihahanda ang ating mga puso sa digmaan, dapat tayong mamuhay na may wastong pananampalataya, di-malilinlang sa anumang kasinungalingan, bilang bayan ni Cristo. Sa atin na mananalo sa digmaan, ibibigay ng Diyos sa atin ang korona ng tagumpay at di-mabigkas na mga gantimpala. Tayo nga’y dapat na mamuhay sa paglilingkod sa mga makatwirang gawain ng Diyos ng may pananampalatayang nakikipaglaban kay satanas, sa lahat ng kayang kasinungalingan, at lahat ng masasama sa mundo.
Bibigyan Tayo ng Diyos ng Matapang na Pananampalataya sa Oras ng Kapighatian
Kapag ang panahon ng maputlang kabayo’y dumating, bibigyan tayo ng Diyos ng mga tanda. Sa talatang 1 ay sinasabi, “At pagkatapos nito ay nakita ko ang apat na anghel na nakatayo sa apat na sulok ng lupa, na pinipigil ang apat na hangin ng lupa, upang huwag humihip ang hangin sa lupa, o sa dagat man, o sa anomang punong kahoy.” Ang hangin dito’y tumutukoy sa hangin ng kapighatiang padadala ng Diyos. Sinasabi sa atin ng Apocalipsis 7:1-8 na upang iligtas ang bayan ng Israel, tatatakan sila ng Diyos at ihihinto ang hangin ng ilang sandali. Ngunit kapag ang araw ay dumating—ito ay, kapag ang panahon ng kabayong itim, ang panahon ng kagutuman sa mga pitong panahon ng Diyos ay lumipas—bubuksan ng Diyos ang panahon ng maputlang kabayo. Ang mga apat na hangin ay itataas, magdadala ng hangin ng kapighatian sa mundo.
Kapag oras na upang buksan ang panahon ng maputlang kabayo, ang nakakatakot na hangin ng kapighatian ay magsisimulang umihip, at maraming Israelita ang mamamatay, at maraming mga Hentil, kasama tayo, ang mamamatay din. Kapag itong panahon ng maputlang kabayo’y dumating, ang panahon ng kapighatian ay di-magkakamaling magsimula.
Dahil ngayon ay ang panahon ng kabayong itim, ang hangin ng kapighatian ay iihip sa buong mundo. Kapag natapos ang panahong ito, ang panahon ng maputlang kabayo ay magsisimula, itaas ang hangin ng kapighatian. Ang hangin ng kapighatian ay mga tanda ng malawakang simula ng pitong-taong Matinding Kapighatian. Kapag pinadala ng Diyos ang Matinding Kapighatian sa mundong ito sa unang pagkakataon mula sa paglikha ng Kalawakan at ang simula ng kasaysayan ng tao—ito ay, kapag ang hangin ng kapighatian ay umihip sa pagbubukas ng panahon ng maputlang kabayo—ang lahat ay matatapos, at lahat ay magbabago at magsisimulang muli.
Dapat nating mabatid na kapag ang panahon ng maputlang kabayo’y dumating, ang panahon ng kapighatian ay mabubuksan din. Habang ang lahat ng mga pinuno ng mundo’y magsasama-sama, may mga ilang pulitiko ang magkakamal ng matinding kapangyarihan, at ang mga hindi sumunod sa kanilang kagustuhan at mga patakaran ay itatapon sa mga kapighatian at kamatayan. Makikita ng tao sa sobrang hirap ang mabuhay sa panahon ng maputlang kabayo dahil sila’y mahaharap sa mga malalaking paghihirap sanhi ng mga kapahamakang kalikasang pakakawalan sa pamamagitan ng mga salot ng pitong trumpeta, ngunit ang tambalan ng kahirapang ito ay magiging mga pang-pulitikong pangyayari sa panahon na siya ring malaking pagbabanta. Ngunit sa pangyayaring ito, ang Diyos ay patuloy na kikilos sa tao, aakayin ang di-mabilang na mga Hentil para sa kanilang ikaliligtas.
Kapag ang hangin ng kapighatian ay umihip sa panahon ng maputlang kabayo, ang pag-asa ay masusumpungan lang sa isang dako. Tulad ng sinasabi ng Salita sa atin, na “Ang pagliligtas ay sumaaming Dios na nakaupo sa luklukan, at sa Cordero.” Ang pag-asang ito ay makikita lang sa ating Diyos Ama at kay Jesucristo. Kapag ang nakatatakot na hanging kapighatian ay nalikha, ang anticristo’y lilitaw sa mundong ito, pag-iisahin hindi lang ang mundo ng pulitika kundi lahat ng mga mundo ng ukol sa lipunan, mula sa ekonomiya hanggang sa kultura hanggang sa relihiyon, sa pandaigdig na pagsasama. Ang kapighatian ay ang pagdanas sa nakakakilabot na pag-uusig. Ito ang hangin malilikha. At ang lahat ng mga ito’y magaganap bigla.
Ang hangin ng ekonomiyang pagsasama ay iihip sa buong mundo ngayon. Mayroon isang matatag na kilusan tungo sa libreng kalakalan, inaalis ang taripa sa mga miyembrong bansa ng iba’t-ibang organisasyong kalakalan. Sa ilalim ng isang pangangalagang sistema ng kalakalan, dati’y mahirap para sa produkto ng isang bansa ang pananatilihin ang kanilang paligsahan sa presyo sa ibang bansa, dahil ang mga taripang ipapataw sa pagkalakal-palabas ng bansa at pag-angkat ay maitataas ang kanilang mga presyo, gaano man ang baba ng kanilang mga puhunan sa pagbibili sa labas ng bansa.
Ngunit ang mga pader ng taripa ay nagbubuwalan. Isang magandang halimbawa ay makikita sa Europa, kung saan ang mga taripa ay pinag-aalis na. Sa mga miyembrong bansa ng European Union (EU), bilang halimbawa, wala na ang taripa. Ito ang pasimula ng malaking pagsasama-samang darating, nagbabadya ng pagbangon ng pampulitika at pangkulturang pagkakaisa. Ito’y isang nakamamanghang pagbabago. Kung walang mga taripa, ang bansa’y makapagbibili ng kanyang mga produkto sa anumang bansa. Ito’y isang pagsulong na pagbabago ng daigdigang pang-ekonomiyang kapaligiran. Kung ang EU ay matagumpay na mabuo ang kanyang ekonomiyang pag-iisa, ang ekonomiyang pandaigdigang pag-iisa ay lalong mapapadali rin.
Kamakailan, ang Korea, Tsina at Hapon ay nagkasundong maglalaan ng mga pautang sa panahon ng mahigpit na pangangailangan sa bawat isa sa pagkakataong ng isang panghinaharap na krisis sa pananalapi sa Asia, tulad niyaong isang lumamon sa rehiyon noong 1997. Sa krisis sa Asia noong 1997, ang suporta sa pananalapi ay pinagkaloob ng Estados Unidos. Ngunit sa kasunduang ito, ang tatlong bansang kasapi ay nangakong magbibigay ng tulong pananalapi sa isat-isa kung ang bansang kasapi’y naharap sa isang krisis sa pananalapi. Ibig sabihin ito’y pagbubuo ng isang alyansang pananalapi. Tulad ng mga bansang Europa na nag-alis ng mga taripa at sinusog ang ekonomiyang pagkakaisa sa pamamagitan ng EU upang makahanap ng higit na kasaganaan para sa kaniyang miyembro, ang tatlong bansa ng Malayong Silangan ay nagsasama-sama rin ng kanilang mga kayamanan. Ang pag-iisa ng mga bawat bansang ito at ang kanilang samahang pagsulong ay unti-unting magiging pampulitikang pag-iisa.
Ang ekonomiyang pag-iisa sa pamamagitan ng pag-alis ng taripa ay nangangahulugang isang katotohanang pagsasama-sama ng mga bansa sa isang pambansang limitasyong may kaibhan. Kapag ang mga kalikasang kapahamakan ng mga pitong salot ay humagupit at ang kaguluhan ay palasak na umikot sa buong mundo, ang mga kinatawan ng gayong pandaigdigang samahan, at mga institusyon ay magsasama-sama upang pumili ng isang makapangyarihang pinuno. Susubukan nila, sa madaling salita, ang maghatid ng kaayusan sa magulong daigdig sa pamamagitan ng pagbubuo ng mundo ng isang pampulitikang kakaiba at magpipili ng isang tagapamahala na may tiyakang kapangyarihan.
Ang hangin ng kapighatian ay iihip sa kalagitnaan ng prosesong ito. Sa halip na igalang ang karapatan ang bawat isa, yuyurakan ang mga karapatan ng iilan alang-alang sa nakararami na hindi lamang katanggap-tanggap, kundi inaasahan. Ang hangin ay iihip kapag ang panahon ng maputlang kabayo’y dumating. Ang pagsulong para sa gayong pangyayari ay ilalapag sa panahon ng kabayong itim, at ang kanilang tunay na kabatiran ay darating sa panahon ng maputlang kabayo.
Nang ang Korea ay hinagupit ng krisis sa pananalapi noong 1997 at dumaan sa ilalim ng pagtuturo ng International Monetary Fund (IMF), ito’y nilamon ng nakawawasak na ekonomiyang kalamidad. Ang mga halaga ng mga lupain ay bumagsak, nawalan ng mga trabaho ang mga tao sa isang magdamagan, at ang mga taong nakaririwasa ay tiyak na naitulak sa mga lansangan. Ang gayong mga kapahamakang pananalapi’y naging karaniwan sa buong mundo na halos sa isang araw ay di-maaaring hindi makaririnig ng isa pang krisis sa pananalapi sa ibang bansa. Ang hanging ito ay ang hangin ng kagutuman. Tayo’y nasa panahon ng kagutuman, isang uri ng panahon ng iyong buhay ay magiging walang-saysay kung ika’y walang salapi. Sa nalalapit na bukas, ang hangin ng kagutuman ay saglit na susundan ng malakas na ihip ng hanging kapighatian.
Pinigil ng Diyos ang mga hangin ng apat na sulok ng daigdig sa isang sandali at tinatakan ang 144,000 sa mga bayang ng Israel. Matapos pigilin ang anuman kapahamakan sa kanila, Kanya ngayong pinakawalan ang hanging kapighatian. Kapag itong hanging kapighatian ay lumisan sa mga kamay ng mga anghel, ang hangin ng Matinding Kapighatian ay iihip. Ang hanging kapighatian ay pag-iisahin ang mundo, sa paglitaw ng anticristo, ang mundo’y paghaharian ni satanas, at dadaan sa pitong-taong malalaking kapahamakang kalikasan mula sa mga salot ng pitong trompeta. Ang mga salot na ito ng pitong trumpeta’y susundan agad ng mga salot ng pitong mangkok.
Sa panahong ito na malupit na pamamahala ni anticristo at ang paglaho ng kalayaan ng pananampalata, kagutuman ay aabot sa masahol na kalagayan, pipilitin ang tao na mabuhay lamang sa mga pagkaing ipinamamahagi ng pamahalaan. Bawat isa sa mundo ay haharap sa panahong ito. Ang Salita sa Apocalipsis 7 ay nagbibigay sa atin ng pangkalahatang larawan ng yaong mga bagay na darating.
Ano pa ang naghihintay sa atin sa panahong ito? Ang panahon ng maputlang kabayo ay tanda rin ng di-mabilang na pagmartir sa mga Israelita at mg Hentil. Kapag ang Matinding Kapighatian ay dumating, isang pag-asa lang ang natitira. Sa talatang 10 ay sinasabi sa atin, “At nagsisigawan ng tinig na malakas, na nangagsasabi, Ang pagliligtas ay sumaaming Dios na nakaupo sa luklukan, at sa Cordero.” Ang ating kaligtasan sa ibang pananalita, ay matatagpuan lamang sa ating Diyos na nakaluklok sa trono, at sa Cordero. Tulad ng ating makikita sa Kapitulo 4, nagsasabi sa atin na ang trono ay inihanda, para kay Jesucristo, Siya na nakalulok sa trono ay si Jesucristo, bilang isang mahina, bagkus bilang Anak ng Diyos, ang makapangyarihang Diyos, at Hukom ng lahat. Ang Diyos Ama’y nakaluklok pa rin sa Kanyang trono. Kaya’t kapag ating tinutukoy ang Diyos ng Trinidad, Diyos Ama, Diyos Anak, at ang Banal na Espiritu silang lahat ay iisang Diyos. Ang ating tiyakang kaligtasan nga’y nauukol sa ating Diyos at sa Cordero—si Jesuscristo.
Saan tayo makahahanap ng pag-asa kapag ang nakatatakot na kapighatian ay dumating? Kapag ang anticristo’y lumitaw sa Matinding Kapighatian, siya’y gagawa ng isang rebulto ng kaniyang sarili, at tatakuting papatayin ang lahat ng hindi sasamba sa rebulto, pati na ang mga tatanggi sa marka ng kanyang pangalan—sa kanilang mga kamay at mga noo (Apocalipsis 13).
Sa kayarian ng paligid, ang mga kalagayang kalikasan ay mararating ding ang posibleng pinakamasamang yugto, bilang apoy at asupre na mabubuhos mula sa langit, mga hampas ng lindol, at mga salot na darating. Walang lugar sa mundong ito ang mananatiling hindi magagalaw ng mga salot. Sa malubhang kalagayan ng paligid na ito, kung saan ang daigdig ay mahahati ng mga lindol, ang araw, ang buwan, at mga bituin ay maglalaho ang liwanag, at ang mga dagat at mga ilog ay mamatay sa mga salot, ang pampulitikong kalagayan ng panahon ay magiging malubha din. Ang anticristo ay mamamahala na may pinakamalupit na pamumuno, habang siya’y manunungkulan sa ganap na kapangyariahan at supilin lahat ng mga pinuno ng mga mundo sa ilalim ng kapamahalaan.
Bakit Kailangang Lumitaw si anticristo?
Dahil ibibigay ni satanas ang kanyang kapangyarihan sa anticristo sa pagtangkang gawin ang kanyang huling kahilingan—ito ay, upang masiyahan ang kanyang nasa na matawag bilang Diyos ng mga tao upang mailagay sa ibabaw ng tunay na Diyos. Ngunit alam mismo ni satanas na ang hangad na ito ay di-matutupad. Ngunit kahit sa huling sandali, kanya paring tatangkain ang luwalhati ng sangkatauhan, papatayin lahat ng mga hindi susunod sa kanya. Ang gayon ay pinakamalubha sa lahat ng mga hirap na dadanasin ng mga hinirang. Sa panahong ito, ang mga hinirang ay walang pagpipilian kundi ang mamamatay dahil wala silang mapagkakatiwalaan at pag-asa kundi sa Diyos ng ating Kaligtasan, si Jesucristo ating Diyos, na nagligtas sa atin sa pamamagitan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Tanging sa Diyos lamang tayo makakaasa, at tanging pananalig sa Kanya tayo’y maaaring maligtas mula sa kamatayan sa kalagitnaan ng nakapangingilabot na mga salot at mga kapighatian.
Sa mga huling araw na ito, ang ating tanging pag-asa nasa “sumasaaming Diyos na nakaupo sa luklukan, at sa Cordero.” Sa pamamagitan ng pananalig sa ating Diyos, ang mga martir ay papatayin, at dahil sa kanilang pananampalataya sa Kanya, sila’y maliligtas mula sa nakatatakot na mga salot at kamatayan. Sa Apocalipsis 7 ay ibibigay sa atin ang mga guhit ng lahat ng magaganap sa pitong-taong Matinding Kapighatian.
Tayo’y magpatuloy sa mga pangyayari na idudulot ng hangin ng kapighatiang sinasabi sa mga talata 9-10, “Pagkatapos ng mga bagay na ito ay tumingin ako, at narito, ang isang lubhang karamihan na di mabilang ng sinoman, na mula sa bawa’t bansa at lahat ng mga angkan at mga bayan at mga wika, na nakatayo sa harapan ng Cordero, na nangadaramitan ng mapuputing damit, at may mga palma sa kanilang mga kamay; At nagsisigawan ng tinig na malakas, na nangagsasabi, Ang pagliligtas ay sumaaming Dios na nakaupo sa luklukan, at sa Cordero.” Nang tinanong kung sino ang mga karamihan mula sa lahat ng mga angkan at mga wika na binihisan sa puti at pumupuri sa Panginoon, isa sa mga 24 matatanda’y nagsasalita, “Ang mga ito’y nanggaling sa malaking kapighatian, at nangaghugas ng kanilang mga damit, at pinaputi sa dugo ng Cordero.”
Sinasabi sa atin na di-mabilang na dami ng tao ang maliligtas sa kalagitnaan ng Matinding Kapighatian, kapag ang di-mabilang na mga martir ay babangon mula sa mga mamamayan ng lahat ng bansa, mga angkan at mga wika. Magkakaroon, sa ibang pananalita, ng baha ng mga nanalig sa Diyos bilang kanilang tanging Tagapagligtas mula sa lahat ng mga pag-uusig at mga salot ng kapanahunan. Ibig sabihin, na ang kaligtasan ay masusumpungan lamang sa Diyos ng Trinidad.
Dahil binigay ng Diyos sa atin ang ebanghelo ng tubig at ng Espiritu na nagligtas atin mula sa ating kasalanan, at dahil sa nanalig tayo sa ebanghelyong ito, kapag si anticristo ay lumitaw at pilitin sa atin ng may pananakot na sumuko sa kanya at tawagin siyang Diyos, hindi tayo susuko sa kanya. Dagdag nito, kahit pa ang iba sa atin ay susuko kay anticristo, walang katiyakan sa kanilang kaligtasan dahil sila’y dadaan sa mga kapahamakan ng salot at huling-kanal na pagpanatiko kay aatanas. Walang kasiguruhan sa panahong ito.
Sa gayon nga’y wala tayong pagpipilian kundi ang manalig sa Diyos na nagligtas sa atin. Ating mayayakap na may katapangan ang ating kamatayan dahil sa pananalig sa Diyos, na magkakaloob sa atin ng kanyang Milenyong Paghahari. At ang Bagong Langit at Lupa, dahil tayo’y kanyang ibabangon muli mula sa kamatayan, kukuhanin sa rapture, at ibibigay sa atin lahat ng kaluwalhatian at pagpapala ng Bagong Langit at Lupa. Ito ay kung bakit maraming mga tao ang mabibihisan ng mga puting damit na nahugasan ng dugo ng Cordero.
Marami ang tiyak na magiging martir ang mamamatay dahil sa kanyang pananampalataya sa Diyos. Ang mga hinirang at lahat ng mga naging martir sa panahong ito, mula sa bawat bansa ng mundo, ang susuko sa kanilang mga buhay para kanilang pananampalataya sa Diyos. Ang mga nananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritung aming ipinangaral ngayon ay yayakapin ang kanilang kamatayan sa pamamagitan ng pananalig sa Diyos, na Kanyang ililigtas sila mula sa lahat ng mga nakakikilabot na mga kapighatian at mga salot ng kapanahunan. Tanging ang Diyos ang makapagliligtas sa atin mula sa nakatatakot na mga salot na ito.
Sinasabi ko sa inyo ang lahat ng mga mahahalagang kaganapan na mangyayari sa pitong-taon ng Matinding Kapighatian. Kapag ang hangin ng kapighatian ay umihip sa mundong ito, wala ng pag-asa sa mga maiiwan sa mundong ito. Ang mundong ayon sa kaalaman ngayon ay hindi mamalagi, na ang langit at lupa ay maglalaho bilang isang sulat na ibinilot.
Ang Diyos pagkatapos ay lilikha ng Bagong mundo sa mundong ito, paghahariin ang mga hinirang dito ng isang libong taon, at kapag ang milenyong ito’y natapos, ililipat sila sa Kanyang walang hanggang Kaharian. Naroon lang ay ang ating Diyos na nagligtas sa ating mga kasalanan, magliligtas sa atin mula sa kamatayan at kapahamakan ng Matinding Kapighatian, at magbibigay pag-asa sa atin. Kapag ang panahon ang pagmartir ay dumating, ikaw at ako, maging ang mga tao sa buong mundo na nakarinig at nanalig sa ebanghelyo, ay matapang na papatayin bilang martir dahil sa pananalig sa Diyos na nagligtas sa atin mula sa ating mga kasalanan. Ating mayayakap ang ating pagmamartir sa pamamagitan ng ating matapang na pananampalataya at sa pag-asa. Ang Isa sa magliligtas sa atin mula sa nakatatakot na mga salot at mga kapighatian ay ang ating Diyos na nakaluklok sa trono.
Tulad niyaon, hindi tayo magiging martir nang di-nanalig na ang Diyos na nagligtas sa atin ay ang Diyos din na magliligtas sa atin mula sa nakatatakot na salot. Ang mga martir sa panahong ito’y yaong ang mga pangalan ay nakasulat sa Aklat ng Buhay ng Cordero. Ngunit wala ni isa ang pangalan ay di makikita sa Aklat ng Buhay ang magiging martir.
Ang ebanghelyong ito ay tiyak na ipangangaral sa buong mundo, at bawat isa sa buong mundo ay tiyak na maririnig at malalaman ito. Dahil tayo’y walang-humpay sa pagpapalawig sa ebanghelyong ito, ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay pinatotoo sa buong mundo. Maraming mga kaluluwa sa mundong ito, kapag ang Matinding Kapighatian ay dumating, ay ilalagay ang kanilang pag-asa sa Cordero lamang, nanalig sa Diyos kahit pa sa peligro ng kanilang mga buhay, at mayayakap ang kanilang mga kamatayan. At ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu na magbibigay kakayanan sa mga pangalan ng mga mananampalataya na nasulat sa Aklat ng Buhay, ay patuloy na maipangangaral.
Ang mga nanalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay papatayin sa mga huling araw. Sinasabi sa atin ng Apocalipsis 13:8, “At ang lahat ng nangananahan sa lupa ay magsisisamba sa kaniya, na ang kanikaniyang pangalay ay hindi nasusulat sa Aklat ng Buhay ng Cordero na pinatay buhat nang itatag ang sanglibutan.” Ito ang lubos na katotohanan na bawat isang pangalan na hindi nakasulat sa Aklat ng Buhay ay susuko sa Halimaw, ng walang pasubali.
Tanging si Jesucristo at Diyos Ama ang makapagliligtas sa atin mula sa Matinding Kapighatian sa huling araw. Ang Banal na Espiritu ay nananangan ngayon sa ating mga puso. Naniniwala akong niligtas tayo ng Diyos, kahit pa tayo’y patayin alang-alang sa Kanya, tayo’y bubuhayin muli ng Diyos, itataas sa alapaap sa pamamagitan ng rapture, baguhin ang lahat ng mga bagay sa mundo, hahayaan tayong mamuhay sa Kanyang Milenyong Paghahari.
Itong panahong maputlang panahong sinalanta ng hangin ng kapighatian ay mabilis ang paglapit sa atin. Ang panahon ng kabayong itim ay matulin ang takbo. Kapag natapos na ang kanyang takbuhin, lilitaw ang maputlang kabayo. Mula niyaon, ang mundo’y papasok sa pitong-taong Matinding Kapighatian. Tatagal ng higit-kumulang pitong-taon, itong panahon ng Matinding Kapighatian ay tiyak na magaganap, dahil ito ay plano ng Diyos.
Ating ipalagay sandali na ang Milenyong Paghahari ay nagsimula na. Ang mga puno’t halaman sa ating paligid at sa buong mundo’y masusunog, ang langit ay puno ng usok, ang araw ay natatakpan ng makapal na usok kung saan ang mundo’y madilim kahit na may liwanag ng araw, ang tao’y nangangamatay kung saan, at naririnig natin ang mga boses ng tao na humahabol sa atin. Sino ang ating pagtitiwalaan? Magtitiwala ka ba sa Diyos, na nagliligtas sa iyo mula sa lahat ng iyong kasalanan, at pinangakuang ang mga martir na hindi magsusuko kay anticristo, na magbabalik sa mundong ito upang buhayin muli at kukuhanin sa rapture, at Kanyang dadalhin sa Kanyang Bagong Langit at Lupa, o sa halip ay ayaw mong magtiwala sa Kanya? Siyempre tayo’y magtitiwala sa Diyos! Ang Diyos lamang ang ating pag-asa. Hindi ang labis na papuri kay anticristo ni pagsanib ng ating mga sarili ang makapagliligtas sa atin; ni ang pagtatago sa mga yungib, ni ang paglisan sa mundo at pagtakas tungo sa isang dako sa kalawakan—wala, kundi wala kailanman ang makapagliligtas sa atin kundi ang Diyos.
Kapag ang kometa’y sumalpok sa mundong ito, lahat ng mga pira-piraso ay mangahuhulog sa daigdig, wawasakin ang buong mundo. Lahat ng unang nilikha ng Diyos ay mawawasak. Ang tunay na pag-asa kung gayo’y sisibol sa ating mga puso. Kanino natin mailalagay ang ating pag-asa sa gayong kalagayang walang pag-asa? Ang Diyos lamang ang Siyang ating kailangan at mahihingan ng tulong, wala ng iba kundi ang Diyos na nagligtas sa atin!
Dahil tayo’y naligtas sa pamamagitan ng pananalig sa salita ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, pinasasalamatan at pinupuri natin ang Diyos dahil sa kaligatasang ito, ngunit kapag dumating ang Matinding Kapighatian, magpapasalamat at magpupuri tayo sa Diyos sa lahat ng bagay mayroon tayo at sa pagliligtas din sa atin mula sa mga nakatatakot na mga salot at kamatayan. Tanging ang Diyos ang makapagliligtas sa atin mula sa mga kamay ni anticristo. Wala ng iba kundi ang Diyos. Dahil inilagay natin ang ating pananampalataya at pag-asa sa Diyos at dahil tayo’y naniniwala at umaasa na bubuhayin tayong muli ng Diyos at pahihintulutan tayong mamuhay sa Milenyong Paghahari at sa Bagong Langit at Lupa sa walang-hanggang kaligayahan, makapagtitiis tayo at makapagtatagumpay sa lahat ng mga kapighatiang darating.
Ang oras ay darating kapag ang anticristo’y kakaladkarin tayo sa harapan ng kanyang rebulto, pipiliting, “Yumukod sa kanyang rebulto, at tawagin akong Diyos. Si Jesus ay hindi Diyos. Ako ang Diyos at ako ang magliligtas sa iyo.” Kapag ang anticristo ay ipilit sa atin ang sumamba sa kanya, tayo’y matatakot, ngunit ni wala ni isa sa ating mga isinilang na muli ang yuyukod sa kanyang rebulto. Bakit? Dahil matapos ipilit sa atin na tanggapin ang kanyang marka, ang anticristo’y gagawin tayong kanyang mga alipin, gagamitin tayo upang pumatay ng tao, at sa huli’y papatayin din tayo.
Ang panahon ay darating kung saan ang anticristo’y ihahayag ang sarili bilang Diyos. Hindi magtatagal ang anticristo’y magtatayo ng mga malalaking rebulto ayon sa kanyang wangis, pipilitin ang lahat sa buong mundo na tawagin siyang Diyos, at magbubuo ng mga mang-aawit upang magpuri sa kanya. Kung ang kapayapaa’y nananahan sa panahong ito at likas na kapaligiran ay maayos at maganda, ang isang taong maaaring mag-aakala na ang bagong mundo’y nabuksan. Ngunit ang kagubatang natupok ng apoy, ang araw ay naglaho at ang mundo’y nagdilim, tao’y nagsisisigaw habang namamatay, ang basura at mga bangkay na hindi pa buong nasunog ay nagkalat, wala sa atin ang kailanma’y susunod sa utos na anticristo na yumukod sa kanyang rebulto at tatawagin siya bilang ating Diyos. Bawat isinilang na muli’y malalaman sa panahong ito, na siya ang anticristong inihula sa Salita ng Diyos.
Tinuturuan din tayo ng Banal na Espiritu. Binibigyan Niya tayo ng mga pusong hindi sumusuko. Bibigyan Niya tayo ng matapang na puso, ang uri ng nagsasabing, “Patayin mo ako kung ibig mo, ngunit kung ako’y mamamatay, ipaghihiganti ako ng Panginoon sa iyo, at tiyak na bubuhayin Niya akong muli!.” Naniniwala tayo na tulad ng pagkabuhay muli ng ating Panginoon sa ikatlong araw, tayo rin, ay bubuhaying muli. At kukuhanin tayo ng Panginoon sa rapture ng walang kabiguan.
Ang mga Matuwid Kailanma’y Hindi Susuko kay anticristo
Ang mga nakarinig ng Salita ng pangakong ito, na wawasakin ng Diyos ang unang mundo at itatayo ang Milenyong Paghahari sa kanyang kinalalagyan upang hayaan ang mga matuwid na mamahala ng isang-libong taon, at ang mga isinilang na muli dahil sa pananalig ay di-susuko kay antictisto, dahil habang ang Banal na Espiritu ay nananahan sa kanilang mga puso, malalaman nila ang lahat ng bagay. Ngunit yaong wala ang Banal na Espiritu ay magmamakaawa para sa kanilang mga buhay at susuko kay aatanas, natatakot na ang kanilang mga buhay ay maglalaho kung sila’y tumangging sumunod sa daloy ng kapamahalaan sa animo’y katulad ng isang buong bagong daigdig. Kapag ang bawat isa nga’y natakot sa kamatayan at naging isang alipin nito, tanging ang isinilang na muli ang mapapalaya sa takot ng kamatayan at may katapangang yayakapin ang kanilang kamatayan, sa kaganapang kasing-liwanag ng bukang-liwayway.
Maaaring magawa ng isinilang na muli dahil sila’y may pag-asa na sila’y bubuhaying muli na may bagong katawan. Ito ay kung bakit yaong pinanahanan ng Banal na Espiritu ay hindi lamang matapang sa kamatayan, kundi sila’y makakayanang lumaban sa anticristo at itapon sa kanyang pagkakatumba sa pamamagitan ng matatapang na mga salitang dumadaloy mula sa Banal na Espiritu. Maaaring sila’y madaling matakot ngayon, ngunit yaong tinatakan ng Banal na Espiritu dahil sa pananalig sa Banal na Espiritu, sa pamamagitan ng Banal na Espiritu, masasabi ang mga salita na hindi masasagot ng kanilang mga kaaway. Nananalig tayo sa Salita ng Diyos.
Ang Anticristo’y magagalit habang inahayag ng mga hinirang na ito sa kanya, “Kapahangasang tawagin mo ang iyong sarili na Diyos! Ika’y pinalayas mula sa langit, at di-maglaon ay palalayasin ka rin sa mundo! Ang iyong mga araw ay nabibilang na ngayon!” At papatayin silang lahat ni anticristo. Sa panahong ito, ang mga hinirang kailanma’y hindi na mapangayupapa habang sila’y pinapatay. Tulad ng sinasabi ng Salita ng Diyos sa atin, na “Ang kaligtasa’y sa ating Diyos na nakaluklok sa trono, at sa Cordero!,” tayo’y mamatay na may pag-asa at malaking udyok ng ating pananampalatayang umaagos mula sa Banal na Espiritu.
Tulad ng patotoo ng Aklat ng Mga Gawa, nang si Esteban ay patayin sa bato, siya’y tumingin sa langit at nakita sa isang pangitain ang trono ng Diyos, at si Jesus ay nakatayo sa Kanyang kanang kamay naghihintay na tanggapin siya. Kahit habang siya’y naghihingalo, si Esteban ay nanalangin ng kapatawaran sa mga nambabato sa kanya, tulad ni Jesus na humihingi ng patawad sa mga taong nagpako sa Kanya.
Tulad ni Esteban ang mga pinatay na hinirang sa mga huling araw, puspos ng Banal na Espiritu, hindi manlulupaypay kundi magiging matapang. Bagamat sila ngayo’y mukhang matatakutin at ang kanilang pananampalatayang mahina, lahat ng mga nakinig ng Salitang ito ngayon ay magkakaroon ng matapang na pananampalataya kapag dumating ang araw na ito.
Huwag matakot. Walang dapat ikatakot, dahil lahat ng mga bagay na ito, mula sa paglitaw ng anticristo hanggang sa hangin ng kapighatian, ay magaganap lamang dahil sa pahintulot ng Diyos at sa Kanyang plano tulad ng makikita sa Apocalipsis 6.
Ang pagmamartir ay di-darating sa pamamagitan ng ating sariling lakas ng laman. Ang pagmamartir ay maaari lamang sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Banal na Espiritu at ating pananampalataya sa katotohanan. Tayo’y maaaring maging martir, sa ibang salita, sa pamamagitan ng pananalig sa Diyos, sa Kanyang Salitang pangako, at sa katotohanan na ang Makapangyarihang Diyos ay ang ating Diyos.
Dapat mong mabatid ngayon na ang pagmamartir na pinahintulot ng Diyos sa loob ng pitong kapanahunan ng Kanyang plano ay ang kalinga ng Diyos. Huwag nating isipin ang ating pagmamartir, isang bahagi ng plano ng Diyos para sa atin, sa ating sariling mga kapritso, kundi sa halip ay manalig sa ating mga puso ayon sa Kalooban ng Diyos. Tayo’y manalig sa Salita ng Diyos, na kapag ang oras ng ating pagmamartir ay dumating, tayo’y bibigyan ng Diyos ng sapat na lakas na harapin ito.
Sa bawat mundo ay mayroong isang makapangyarihang pinuno. Ang mga isinilang na muli’y pinamamahalaan ng Diyos, ngunit yaong hindi isinilang na muli ay pinamumunuan ng espiritu ni satanas. Kapag dumating ang mga huling panahon, ang isinilang na muli, na pinamumunuan ng Diyos, ay tatanggap ng kalakasan mula sa Kanya upang kayanin lahat ng mga pagsubok at mga kapighatian. Salungat nito, yaong pinamumunuan ni satanas ay walang pagpipilian kundi sundin ang kanyang nais, kahit pa nais nila o hindi, dahil sila’y nasa ilalim ng pamamahala ni Satanas.
Ngunit kaninong kapangyarihan ang nakahihigit? Kung tayo may mapalad o sinumpa ay malalaman kung kanino kapangyarihan ang nakahihigit sa pagitan ng Diyos o ni satanas. Ang lubos na maliligtas sa mga huling araw ay mapapasiya kung sino ang ating pinapaniwalaan at sinusunod, kung kaninong mga salita ang ating pinagkakatiwalaan. Ang mga nanalig sa Diyos at sa Kanyang Salita ay kinalinga, mapalad, at binigyan ng buhay na walang hanggan sa pamamagitan ng Kanyang kapangyarihan at awtoridad magpakailanman. Ngunit yaong nakarinig ng mga salita ni satanas at sumuko sa kanya ay itatapon sa impiyerno kasama niya, siya na walang kapangyarihang iligtas sila mula sa impiyerno. Ito ay kung bakit binigay ng Diyos ang Kanyang Salita sa pamamagitan ng Apocalipsis 1-7.
Mula kapitulo 8 at sa susunod, detalyeng nakatala sa Apocalipsis kung ano ang magaganap sa panahon ng maputlang kabayo. Una sa lahat, ang mga salot ng mga pitong trumpeta ay bababa sa mundo. Sa mga pitong salot na ito, ating tingnan ang unang salot na makikita sa talatang 7: “At umihip ang una, at nagkaroon ng granizo at apoy, na may halong dugo, at itinapon sa lupa: at ang ikatlong bahagi ng lupa ay nasunog, at ang ikatlong bahagi ng mga punong kahoy ay nasunog, at ang lahat ng sariwang damo ay nasunog.” Sa salot ng unang trumpeta, asupre at apoy na hinaluan ng dugo ay bubuhos sa mundo. Hindi ito ang unang pagkakataon na ang apoy ay bubuhos sa mundo, dahil ang mundo’y tinamaan na ng mga bulalakaw o mga kometa sa mga maraming pagkakataon na.
Sa ngayon, wala pa sa mga ito ang naging mapangwasak ng husto upang magdulot ng mga kapinsalaan sa buong mundo, ngunit kapag ang panahon ng maputlang kabayo’y dumating, ang malakas na init ng hangin ng kapighatian ay mananalanta sa buong mundo. Kapag ang hanging ito ay mamuo bilang isang buhawi at walisin ang kalikasan, uulan ng apoy sa mundong ito at tutupukin ang ikatlong bahagi ng mga puno at lahat ng mga damo, at bawat isa’y magmamadaling maapula ang nananalantang apoy.
Sinasabi ng Salita ng Diyos sa atin na matapos matupok ang mga kagubatan dahil sa unang salot, isang malaking kabundukang nag-aapoy ang mahuhulog sa dagat—maaaring isang kometa. Ito ay ipinaliwanag ng husto sa ikatlong salot; “At humihip ang ikatlong anghel, at nahulog mula sa langit ang isang malaking bituin, na nagliliyab na gaya ng isang sulo, at nahulog sa ikatlong bahagi ng mga ilog, at sa mga bukal ng tubig.” Isang kometa, sa ibang pananalita, ay babangga sa mundo. Tulad ng sa pelikulang ‘Deep Impact,” kung saan isang kometa ay mahuhulog sa dagat at magdudulot ng mga malalaking alon, ang ikatlong salot ay maghahatid ng gayon ding pinsala. Ang salot ay maaaring hindi kasing tulad ng pinsala sa pelikulang ito, ngunit ang mga bulalakaw na hahampas sa iba’t-ibang lugar ng mundo ay magdudulot ng mga makahulugang pagwasak sa daigdig. Ang mga malalaking alon ay patungo sa ikatlong bahagi ng mga nilalang sa dagat at wawasak sa ikatlong bahagi ng mga barko.
Kapag ang gayong hangin ng kapighatian ay magsimulang umihip, makikilala natin ang pagparito ng panahon ng maputlang kabayo. Sa hinaharap, kapag iyong nakita ang mga balita sa TV nagsasabi sa iyo na umuulan ng apoy mula sa langit at ang ikatlong bahagi ng kagubatan ay nasusunog, dapat mong mabatid na ang dapat maganap ay narito na. Kapag ang pamahalaan ay magtipon-tipon ang bawat isa mula sa mga bata hanggang sa nakatatanda na patayin ang sunog, tiyak na dapat mong malaman na ang simula ng wakas ay dumating na rin.
Para sa atin na nananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ngayon, ang pag-asa ng kaligtasang magpapalaya sa atin mula sa mga nakakatakot na mga salot na ito ay masusumpungan lamang sa Makapangyarihang Diyos. Kapag tayo’y pinatay ni anticristo, tayo’y magiging mga martir yamang wala tayong kapangyarihang tapatan siya, ngunit gayon pa ma’y tayo’y magiging mga martir na may malaking kagalakan. Bubuhaying muli ng Makapangyarihang Diyos yaong yumakap sa pagmamartir sa kalagitnaan nitong nakapangingilabot ng Kapighatian sa pananampalataya, at ang Panginoon ang ating magiging Pastol at aakayin tayo tungo sa ilog ng tubig ng buhay.
Yamang naitayo ang Kaharian ng Diyos, kung saan hindi na tayo muling maghihirap mula sa apoy, sa uhaw, ni sa mga kapinsalaan ng araw, aakayin tayo ng Diyos doon. Sinasabi ng Salita na ang Diyos ay titira kasama natin sa Kahariang ito, aaliwan tayo, papahirin ang ating mga luha, at hahayaan tayong mabuhay na maluwalhati magpakailanman, upang hindi na tayo muli pang maghirap.
Matatag Na Manatili Sa Salita Ng Pangako
Kapag ako’y nananahan sa Biblia, ang aking puso’y napupuspos ng pag-asa sa pamamagitan ng Banal na Espiritu, at nababatid ko ang Diyos lamang ang makapagliligtas sa atin mula sa mga nakatatakot na mga salot. “Halina, Panginoong Jesus!” Nananalig ako sa Panginoon. Nananalig ako na ako’y Kanyang ililigtas mula sa kakila-kilabot na Kapighatian, tulad ng pagligtas Niya sa akin sa lahat ng aking mga kasalanan. Nananalig ako na Kanya ring ililigtas ang aking mga kapwa hinirang. Nananalig ako na ang aking kaligtasan, kahit pa ang pagdating ng mga huling araw, ay kabilang sa ating Diyos na nakaluklok sa trono at sa Cordero, at nananalig ako na ang iyong kaligtasan din, ay masusumpungan sa Diyos.
Di-maglaon ang mundo’y mapupuno ng mga salot at mga kapahamakang tulad ng Matinding Kapighatian na darating. Ngunit gaano man ang kahirapang magaganap sa mundong ito, nananalig ako na ililigtas tayo ng Diyos mula sa mga kapighatian at mga salot ng panahon at ang pag-uusig ng ating mga kaaway, dahil iniligtas na tayo ng Diyos mula sa lahat ng ating mga kasalanan, binigay sa atin ang karapatang maging Kanyang mga anak, at nangyari nga sa atin.
Ang mga hindi isinilang na muli ay higit na aba kaysa sa atin. Ano ang saysay ng buhay kung walang Diyos na ating ilalagay ang lubos na pagtitiwala, kung lahat ay nasusunog at ang kaguluhan ay palasak? Ang ibang tao ay walang duda na walang-saysay na kikiling sa kanilang sariling relihiyon, maging Budismo man o Islam, ngunit wala silang makikitang pag-asa sa mga ito. Tanging walang pag-asa at kabiguan ang naghihintay sa kanila. Maraming mga tao ang mahahantong na haharap sa kanilang katapusan sa gayong walang pag-asa. Tayo rin, ay haharap sa iisang kaguluhan at iisang paghihirap tulad ng mga taong ito. Ngunit ang ating mga puso’y iba sa kanila. Tayo na naghahanda ng ating pananampalataya ngayon ay may kaibahan sa iba, dahil ginawa tayong walang kasalanan ng Diyos sa pamamagitan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu.
Sinasabi ng Juan 1:12 sa atin, “Datapuwa’t ang lahat ng sa Kaniya’y nagsitanggap, ay pinagkalooban Niya sila ng karapatang maging mga anak ng Dios, sa makatuwid baga’y ang mga nagsisisampalataya sa Kaniyang pangalan.” Tayo’y tinatakan ng Diyos, sa ibang pananalita, nagkakaroon ng karapatang maging Kanyang mga anak, sinasabi sa atin, “Kayo’y Aking mga anak.” Binigay Niya sa atin ang dakila at maluwalhating karapatan. Tayo’y anak ng Diyos. Nang tayo’y manalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, mayroon pa bang kasalanan sa ating mga puso? Wala! Sa lahat ng mga bagay, hindi ba tayo naging mga anak ng Diyos? Oo, tayo’y naging Kanyang mga anak. Kung ang mga anak ng Diyos ay kulang ng kaalaman sa kasulatan at maraming mga pagkukulang, ibig bang sabihin na hindi sila kakalingain ng Diyos bilang kanilang Ama? Hindi! Tulad ng mga magulang na inilalagay ang maraming pagtuon at kalinga sa kanilang mg anak na kulang sa kaalaman, nagbibigay ang Diyos ng higit na kalakasan at paglingap sa atin na mga mahihina.
Kapag ang ligalig ay palasak sa pagdating ng anticristo, pananatilihin ng Diyos ang Kanyang mga anak na malakas sa pamamagitan ng Banal na Espiritu, at bigyan sila ng pananampalataya, pag-asa at katapangan. Dahil binigyan Niya tayo ng katapangan hindi tayo matatakot. Walang dapat ikatakot kundi ang takot mismo na tumutubo sa ating mga puso. Maiiwasan ng tao ang nangyayari sa kanilang paligid sa pagtakas mula rito, ngunit ang takot sa kanilang mga puso ay di-maaaring maligalig kahit saan man sila magtungo. Hindi sa pagtatago sa mga silid-tulugan, hindi sa mga silong, nasa mga kublihan laban sa mga bomba sila’y makatatakas mula sa takot na ito na makikipagbuno sa kanilang mga puso.
Ang mga puso ng mga hinirang, sa kabaligtaran, walang takot kundi yaong katapangan lamang, at kanila ngang mahaharap ang kanilang kamatayan na may tapang, sinasabi sa kanilang mga sarili, “Kung ano ang inaasahan ay ganap ng dumating. Panahon na sa pagbabalik ng Panginoon! Malapit na tayong kunin Niya!” Ito’y kapag naganap ang rapture – hindi lamang isang normal na araw tulad ngayon, ngunit kapag ang isang ikatlong bahagi ng mundo ay natutupok. Ngunit bago lumala ang Kapighatian, iaakyat ng Diyos ang mga hinirang sa alapaap.
Naniniwala ka ba ngayon na itinalaga nga ng Diyos ang mga pitong panahon para sa iyo? Sinasabi ng Apocalipsis 6 na Kanya ngang ginawa. Gaya ng Kanyang itinakda, gagawin ng Diyos ang lahat ng bagay upang makaya ng mga hinirang tulad ng nasusulat. Tulad niyaon, yaong mga tinubos sa kanilang mga kasalanan ay lubos na mapalad, ngunit yaong mga nag-atubili at di-naniwala sa ebanghelyo ay walang-kapalaran, mahahantong sa impiyerno. Sinasabi ng Diyos sa atin na ang mga nakapangingilabot ng mga salot ay darating sa hinaharap, at kapag natapos ang mga salot na ito, ang mga hindi isinilang na muli ay itatapon sa lawa ng walang-katapusang apoy at asupre. Ito ay kung bakit binigyan tayo ng Diyos ng isang mapayapang mundo ngayon, at kung bakit pinagkatiwala Niya sa ating ang Kanyang ebanghelyo sa gayong mapayapang panahon.
Ang Diyos ay naparito sa mundong ito halos 2000 taong na nakalipas sa laman ng isang tao. Alang-alang sa atin, tinanggap Niya ang bautismo upang kuhanin lahat ng ating mga kasalanan at namatay sa krus, niligtas tayo sa lahat ng ating mga kasalanan sanlibutan. Bilang ating Panginoon, Kanya tayong niligtas. Ipinagkaloob sa atin ang Kanyang pagpapala na nagpahintulot sa atin na maligtas dahil sa pananalig sa Diyos at Kanyang kaligtasan. Ito ang biyaya ng Diyos. Ito ang ebanghelyong nagligtas sa atin mula sa lahat ng ating mga kasalanan at sa hatol ng Diyos, sa pamamagitan ng pagsugo ng bugtong na Anak ng Diyos sa atin, inilipat lahat ng ating mga kasalanan sa Kanya, at hinatulan ang Kanyang sariling Anak sa halip na tayo. Sa pamamagitan ng pananalig nito ngayon, tayo’y bibihisan ng biyaya ng Diyos at tatanggapin ang buhay na walang hanggan mula sa Kanya. Dahil sa naniniwala tayo rito, tayo’y naging mga anak ng Diyos, at dahil tayo’y mga anak na ng Diyos, tayo’y Kanyang tatawagin at kakalingain kapag ang kapighatian ng mga huling araw ay maging pinakamalubhang yugto.
Sa panahong ito, ang mga anak ng Diyos at mga anak ni satanas ay malinaw na mapapansin sa isa’t-isa. Ang kanilang mga walang-pagkakamaling kaibhan ay tiyak na mahahalata. Ito’y lubos na maipapaliwanag na mabuti na may isang higit na detalyeng pagtalakay sa huli. Ang dapat mong tandaan sa ngayon na kapag ang Matinding Kapighatian ay naparito sa atin at tayo’y patayin, tayo’y bubuhaying muli at itataas sa harap ng Diyos. Hindi mahalaga kung ang isa’y nananalig o hindi; gayon pa man ito’y magaganap, dahil sinabi ng Diyos na Kanyang bubuuin ang mga hangin at matupad ang lahat ng mga ito.
Sinasabi ng talatang 1 sa atin, “At pagkatapos nito ay nakita ko ang apat na anghel na nakatayo sa apat na sulok ng lupa, na pinipigil ang apat na hangin ng lupa, upang huwag humihip ang hangin sa lupa, o sa dagat man, o sa anomang punong kahoy.” Pinipigil ng Diyos ang mga hangin upang ang mga ito ay hindi umihip ngayon. Ibig sabihin na kapag pinahintulot ng Diyos, ang mga hanging ito ay maiihip mula sa mga apat na sulok ng daigdig. Kapag pinahintulot ng Diyos, ang mga anghel ng Diyos ay pakakawalan ang mga hanging ito at ihahatid sa panahon ng maputlang kabayo. Kapag ang hangin ng Matinding Kapighatian ay nagsimula ngang umihip, magdadala ng mga digmaan kahit saan man sa mundo, at bawat isang naroon sa kalagitnaan ng mga buong kalamidad. Ngunit sa kalaunan, pinigil ng Diyos ang mga hanging ito.
Ang mga bansa sa buong mundo ay naggugol ng lubos sa paggawa ng mga armas. Darating ang panahon kapag ang mga makapangyarihang bansa ay maaaring maglaan ng higit 30 porsiyento ng kanilang GNP sa sandatahang gastusin. Kahit pa ngayon, malalaking halaga ng mga kayamanan ay dumadaloy sa sandatahang gastuhin sa pagsisikap na makabuo ng maraming bilang ng mga bago, higit na nakamamamtay na mga sandata, tulad ng, sandata na magwawasak ng higit na marami. Kapag ang ekonomiya ay nakakabawi, ang mga labis nito’y iginugugol sa pagpapalaki ng sandatang gastusin.
Ang Estados Unidos, halimbawa, ay tumutulak sa paggawa ng isang sistemang kontra sa pagpapasabog ng “missile” tinawag na “Star War Plan.” Kapag nabuo na ang sistemang ito, ang digmaan ay hindi lang sa mundo, kundi sa kalawakan din, may mga aramas na “Satellite” na babaril sa mga lumilipad na mga “missile” sa mundo sa pamamagitan ng kanyang sariling mga “missile” mula sa labas ng daigdig. Ang digmaan sa himpapawid ay magkakaroon ng isang buong bagong kahulugan. Kaya ang katanungan ngayon ay kung sino ang unang makabubuo ng mga pangkalawakang mga sandata at mamahala sa kalawakan para sa gamitin ng military.
Kung titingnan ang gayong mga pagbabago, mararamdaman natin na kapag pinahintulot ng Diyos, at kapag ang mga kakila-kilabot ng mga salot na bababa sa mundo, ang inihulang mamumuno na may lubos na kapangyarihan ay malapit ng lumitaw.
Lahat ng mga bagay na ito, gayon pa man, ay magaganap lamang kung pahihintulot ng Diyos. Gaano mang hirap ang mangyari sa mundo, nananalig tayong ang Diyos ang ating magiging Pastol, gagabayan tayo sa mga buhay na sibol ng tubig, at papahirin lahat ng ating mga luha sa ating mga mata. Itong dahilan kung bakit ang mga ligtas ay mapalad na nananagana.
Kapag ika’y nanalig kay Jesus, hindi ka makapananalig sa Kanya sa anumang paraang nais mo. Ang tunay na pananampalataya ay ang pananampalataya ng mga nananalig sa Salita ng Diyos.
Sinasabi ng Apocalipsis 7:14, “At sinabi ko sa kaniya, Panginoon ko, Ikaw ang nakakaalam. At sinabi niya sa akin, Ang mga ito’y ang nanggaling sa malaking kapighatian, at nangahugas ng kanilang mga damit, at pinaputi sa dugo ng Cordero.” Ang ibig sabihin ng “nangahugas ng kanilang mga damit, at pinaputi sa dugo ng Cordero,” na sila’y pinatay dahil sa kanilang pananampalataya sa Panginoon. Maging maingat sa pagpapakahulugan sa talatang ito; hindi tumutukoy sa pagiging ligtas sa pamamagitan ng pananalig lamang sa dugo sa Krus.
Sa halip, dapat mong mabatid na yaong ang mga puso ay hindi nananahan ang Banal na Espiritu ay hindi mga anak ng Diyos, at yaong hindi nananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay yaong mga hindi nananalig sa ebanghelyo. Yaon lamang nananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ang maaaring yumakap sa kanilang kamatayan, magtatagumpay sa Kapighatian, at sa gayo’y makaluluwalhati sa Panginoon.
Dahil tayo’y nananalig sa Diyos, kapag ang panahon ng matinding kahirapan at pasakit ay dumating, hindi maglalaho ang ating pananampalataya, ni susuko kay satanas, ngunit ang matapang na yayakap sa ating kamatayan dahil sa kalakasang nakamit mula sa Diyos. Tayo ngayo’y bubuhaying muli ng Panginoon at kakalingain Niya. Ang Cordero ay magiging ating Pastol, at papahirin lahat ng ating mga luha, hindi na tayo muling gugutumin, ni mauuhaw, ni masasaktan sa init, ni maghihirap sa ano pa mang bagay. Bakit? Dahil aalisin ng Diyos ang paghihirap magpakailanman, tulad ng ating dadanasin sa Matinding Kapighatian. Ganito ang kamangha-manghang mundo ng Diyos na tinatawag na Langit. Dahil ito’y isang kamangha-manghang lugar, ang tawag ng tao rito ay Paraiso o Langit, bilang ang buod ng lahat ng bagay na mabuti.
Ang paraiso ay isang lugar na walang hanggang kagalakan. Sa Budismo, ang paraiso ay inilaan lamang para sa mga magiging diyos, isang Buddha. Ngunit mayroon ba talagang maaaring maging isang Buddha, ang sinuman ay maaaring maging isang diyos? Hindi! Sinabi mismo ni Siddharta bago siya mamatay, “Maging isang diyos; sa pamamagitan lamang ng pagiging isang diyos maaari kang makatakas sa lahat ng mga uri ng kakila-kilabot ng sanlibutan.” Ngunit imposible para sa isa na makatakas mula sa kasalanan at magtagumpay sa mga nakakatakot na kamatayan nito sa kanyang sarili. Si Siddharta mismo ay nabigong makatakas, at maging ang sinumang iba. Tulad ng sinasabi sa atin ng Salita, “At sa kanino mang iba ay walang kaligtasan: sapagka’t walang ibang pangalan sa silong ng langit, na ibinigay sa mga tao, na sukat nating ikaligtas” (Mga Gawa 4:12). Ang ating kaligtasan ay ang Diyos lamang ang nagbigay, si Jesucristo na lumalang sa kalawakan at sa atin. Ang katotohanang ito, na si Jesucristo ang Tagapagligtas na Siya ring magliligtas sa atin mula sa nakapangingilabot na mga salot, ang tinuturo sa atin ng Diyos sa pamamagitan ng Banal na Espiritu.
Ang Langit ang pinaka-kahangahangang lugar. Nais mo bang mabuhay ng maligaya magpakailanman sa karangalan at kagalakan? Nais mo bang makilala bilang isang mahalaga at mabuhay sa walang-katapusang kaligayahan? Nais mo bang mabuhay na ganap at masagana, at hindi na mangangailangan pa? Ang lugar na tatawagin tayo ng Diyos upang manirahan doon ay gayong isang lugar. Ito ang Langit. Wala ng kakailanganin pa, at walang kakulangang makikita pa. Hindi ka na muling magkakasakit, ni mapapahamak sa init, ni luluha pang muli.
Nang si Jesus ay napako, sinabi Niya sa magnanakaw na nakapako sa Kanyang tabi, “Ngayon ay kakasamahin kita sa paraiso.” Ang “paraiso” ay literal na tumutukoy sa isang hardin ng kagalakan. Ito’y isang lugar kung saan ang isa’y malulugod sa buong galak at kasiyahan. Ang kasiyahan at kagalakan natin sa mundong ito ay nag-uumapaw sa lugar na ito, kung saan tatawagin tayo ng Diyos upang manirahan dito. Manalig dito, at gawin itong Langit, ang Paraisong ito, ang kaharian ng Diyos na mapasa-iyo. Ang kaharian ng Diyos ay ganap at mabuti, dahil walang di-ganap na mga kaharian sa mundong ito ang makasusumpong nito.
Dahil ang Diyos ay makapangyarihan, Kanyang ibibigay sa atin itong Kaharian. Dahil ang ating Panginoon ay ang Makapangyarihang Diyos, Kanyang ililigtas ang Kanyang bayan at gagawin Niya silang hindi na muling luluha, ni maghihirap sa anumang bagay. Aakayin Niya tayo sa mga bukal ng buhay na tubig. Kanya tayong aakayin upang mabuhay sa gitna ng buhay na walang hanggan, walang hanggang kaligayahan, at kagalakan. Lahat ng mga ito ay posible, naniniwala ako, dahil sa Kanyang dakilang kapangyarihan.
Kung ang Diyos na nagligtas sa atin ay walang kapangyarihan, kung gayon tayo rin ay walang kapangyarihan. Ngunit ang Diyos na nagligtas sa atin ay may tiyakang, dakilang kapangyarihan. Ginawa Niya Kanyang dakilang kapangyarihan, at sa gayo’y tayo’y tinawag ng Kanyang mga hinirang.
Hindi mahalaga kung anong uri ng buhay mayroon tayo sa mundong ito. Dahil tayo’y mga anak ng Diyos at taglay ang kapangyarihan ng Hari ng mga hari, kahit pa ang ating mga buhay ngayon ay malubha kaysa sa mga hindi isinilang na muli, Kanya tayong tiyak na tatawagin at hayaang manirahan sa Kanyang Paraiso. Wala tayong kakailanganin at maghahari na may takdang kapangyarihan, kung saan pati ang mga anghel ay ating mga lingkod. Ang mga hinirang ay mabubuhay kailan man sa lahat ng ningning at kaluwalhatian.
Ang mga hinirang ay hindi na muling mamamatay. Ito ang pangarap ng lahat ng mga relihiyon – ang mabuhay magpakailan man, maghari, at pumasok sa Langit. Hindi lang para sa akin ang pagpapalang ito, ngunit pantay-pantay na iginawad ng Diyos ang hangin ng kapighatian, at kapag umihip itong hangin ng mga kapighatian, tayo’y Kanyang palalakasin upang tayong mabuhay magpakailanman sa kasiyahan.
Hindi ba pinangako ng Diyos ang lahat ng mga ito sa atin? Oo, Kanyang pinangako! Sinabi Niya sa atin, “Huwag magulumihanan ang inyong puso: magsisampalataya kayo sa Dios, magsisampalatay naman kayo sa Akin. Sa bahay ng Aking Ama ay maraming tahanan; kung di gayon, ay sinabi Ko sana sa inyo, sapagka’t Ako’y paroroon upang ipaghanda Ko kayo ng dakong kalalagyan. At kung Ako’y pumaroon at kayo’y maipaghanda ng kalalgyan, ay muling paparito Ako, at kayo’y tatanggapin Ko sa Aking sarili; upang kung saan Ako naroroon, kayo naman ay dumoon” (Juan 14:1-3). Ito ang pangako ng Panginoon sa atin. Lahat ng Salita ng Diyos sa Apocalipsis 20 – 22 ay ang Kanyang Salita ng pangako sa atin.
Hallelujah! Binibigay ko lahat ng aking mga pasasalamat sa Diyos.