• All e-books and audiobooks on The New Life Mission website are free
  • Explore multilingual sermons in global languages
  • Two new revised editions in English have been released
  • Check out our website translated into 27 languages
Search

Sermons

Paksa 10: Ang Pahayag (Mga Komento sa Pahayag)

[Kabanata 8-2] Ang mga Salot ba ng mga Pitong Trumpeta ay Literal? (Apocalipsis 8:1-13)

2021.04.13 121
(Apocalipsis 8:1-13)
 
 
Sa Apocalipsis 5 ay makikita ang isang aklat na may pitong tatak, na kinuha ni Jesus. Ibig sabihin si Jesus nga’y binigyan ng lahat ng karapatan at kapangyarihan ng Diyos, at Kanyang pangungunahan ang mundo ayon sa layon ng Diyos para sa kanila. Ang Apocalipsis ay nagbukas sa ganitong salaysay, “At nang buksan Niya ang ikapitong tatak, ay nagkaroon ng katahimikan sa langit na may kalahating oras. At nakita ko ang pitong anghel na nangakatayo sa harapan ng Dios, at sila’y binigyan ng pitong pakakak.” Binuksan nga ni Jesus ang ikapitong tatak ng aklat, at pinakita sa atin ang mga bagay na darating.
Nagsimula ang Kabanata 8 sa pagsabi sa atin na ang mga salot ng pitong trumpeta ay magsisimula sa mga dasal ng mga hinirang. Mula sa talatang 6, ang kabanata’y nagsabi ukol sa mga salot ng mga pitong trumpeta na darating sa mundong ito.
 
 
Ang Salot ng Unang Trumpeta
 
Ang Unang Trumpeta—Talatang 7: “At humihip ang una, at nagkaroon ng granizo at apoy, na may halong dugo, at itinapon sa lupa, at ang ikatlong bahagi ng lupa ay nasunog, at ang ikatlong bahagi ng mga punong kahoy ay nasunog, at ang lahat ng sariwang damo ay nasunog.”
Ang unang bagay na ating dapat na malaman ay kung tayong mga hinirang ay masasama sa kalagitnaan ng mga salot ng mga pitong trumpeta o hindi kapag ang mga ito’y dumating sa sanlibutan.
Narito at paparito ang pitong anghel ihip ang mga pitong trumpeta. Dapat nating mabatid, na sa mga pitong salot na ito, tayo’y mananatili sa mundo at dadaan sa unang anim na mga salot. Dapat din nating mabatid na kapag tumunog ang ikapitong trumpeta, tayo’y kukuhanin sa rapture, at ito’y susundan ng mga salot ng pitong mangkok.
Sa talatang 7 ay sinasabi sa atin na kapag ang trumpeta ng unang anghel ay tumunog, asupre at apoy na may dugo ay bubuhos sa mundo, bahagyang susunugin ang ikatlong bahagi ng mundo at ang ikatlong bahagi ng mga puno. Ikatlong bahagi ng mundo at kalikasan nito, sa madaling salita, ay masusunog.
Mabubuhay ba tayo kung ang kalikasan ay natupok ng sunog? Na may asupre at apoy at halong dugo ay mabubuhos sa atin, at ang mga puno’y magiging mga abo, mabubuhay pa ba tayo habang tayo’y napapaligiran nitong mga uri ng likas na mga kapaligirang nasunog ng apoy? Kung tayo nga’y naharap sa payak na katotohanang mawawalan tayo ng tirahan sanhi nitong pag-ulan ng asupre at dugong apoy, at sa umuusok na makapal na kagubatan at mga burol, ni isa sa atin ay di-magnanais na mabuhay pa, sa bagay na yaon, kahit pa naisin natin.
Huwag kalilimutan na ikaw at ako ay kailangang dumaan nitong unang salot. Sa pagbukang-liwayway nito sa atin na tayo’y palapit na dito sa napakalaking salot, dapat din nating mabatid na ang Anticristo’y nabubuhay na sa mundong ito. Dahil ang gayong mga salot ay magsisimula bago lubusang lumitaw si Anticristo upang makamit ang kanyang lubos na paghahari sa mundong ito, ang mga pinuno ng mundo’y magsisimulang magbubuo ng sama-samang puwersa upang labanan ang mga salot, at isang natatanging pinuno ang magtitipon ng pito pang mga pinuno upang magbuo ng higit pang kapangyarihan.
Ang Anticristo sa gayo’y unti-unting lilitaw bilang pinaka-pinuno sa pangyayaring ito. Bilang Anticristo siya’y magpapakita ng isang malawak na kakayanan sa pamamahala at makabawi mula sa pagkawasak ng kalikasan, marami ang mamangha sa kanyang kapangyarihan, magsisimulang sundin siya, kikilanin siya bilang isang diyos, at ang kanyang mga taga-sunod ay lilitaw, unti-unti nguni’t may katiyakan.
Sinasabi ng Biblia sa atin na kapag pinatunog ng unang anghel ang kanyang trumpeta, ito’y magdadala ng unang salot ng pitong trumpeta na magsusunog sa ikatlong bahagi ng mundo. Tayong mga hinirang at ang tao sa mundo’y naririto kapag itong salot ay magwawasak. Ano kung gayon, ang mangyayari sa mundo? Malaking kaguluhan ay maghaharing ganap sa mundo, magwawasak, mga bangkay, at ang mga sugatan ay laganap; ang singaw ay nababalutan ng usok at mga nakalalasong hangin dulot ng lawa ng apoy na lumamon sa buong mundo; at ang hanging malinis ay di-sapat dahil sa malawakang pagkasira ng kagubatan sanhi ng apoy na biglang magpipigil sa paggawa ng hanging malinis. Sa unang salot pa lamang ilang bahagi ng mundo’y magiging abo, wawasaking lubos maging ang ating hangaring mabuhay pa.
Sa salot na ito, dapat tayong magkaroon ng matalinong pagpili. Ang mamuhay ngayon sa mundong normal, tayo’y maaaring matatakot sa mga malalaking salot at mga kapighatiang darating. Nguni’t tayo’y mapapalaya mula sa takot na ito at sa halip ay maging matapang, dahil kapag ang ikatlong bahagi ng kalikasan ay nasunog at ang tao’y nanaghoy kahit saan, mahabang panahon bago natin malalaman na ang salot ay nalalapit na, at mayroon pang higit na maraming salot ang darating. Nguni’t dahil tayo’y may pag-asa, tayo’y mapupuspos nito, nguni’t dahil tayo’y nasa laman, minsan tayo’y matatakot. Subali’t dahil nalalaman natin ang hinaharap nitong mundo, nilagay natin ang ating pag-asa, hindi sa mundong ito, kundi sa Kaharian ng Diyos. Sa gayong pananalig, at sa pamamagitan ng pananahan ng Banal na Espiritu, magagawa nating maging matapang.
Ang nananaghoy na mga iyak ng tao sa mundo’y lalong magiging maingay, at tayo rin, ay maaaring magdadalamhati kung ang ating sariling pamilya ay isa sa mga hindi nagkamit ng kapatawaran ng kanilang mga kasalanan. Ang iba sa ating mga sariling pamilya sa laman, di-natubos sa kanilang mga kasalanan, ay maaaring ipagbili tayo kay Anticristo kapalit ng pirasong pagkain. Ang iba naman, ay lalapit sa atin upang itanong kung paano matatanggap ang kapatawaran sa kanilang mga kasalanan. Ito’y higit na posible, dahil ang pagkakataon para sa kanilang katubusan ay nakalaan pa rin. Sinasabi ng Biblia sa atin na kapag ang mga salot ng pitong trumpeta’y dumating, ikatlong bahagi ng buong mundo’y mamamatay. Ito’y nangangahulugan din na dalawa sa ikatlong bahagi ng mundo’y di-mapapahamak. Kapag ang ikatlong bahagi ng populasyon ng mundo’y namatay sa apoy, ating mababatid na ang oras ng ating pagmamartir at ang pagbabalik ng Panginoon ay nalalapit na. Sinabi ng Diyos na Siya’y magpapaulan ng granizo at apoy na may halong dugo mula sa langit.
Kapag nagpadala ang Diyos ng apoy at granizo sa atin, tayo’y walang kakayahang iwasan ang mga ito. Imposible, kahit pa sa pag-unlad ng agham, upang makagawa at maglagay ng pansangga sa alapaap na magtatakip sa mundo laban sa buhos ng apoy at granizo. Kahit pa tayo makabuo ng gayong kagamitan, wala itong bisa laban sa kakayahan ng salot mula sa Panginoon. Dapat nating tanggapin sa ating mga puso ang katotohanan na ang mga salot na ito’y talagang paparito sa atin, at mamuhay sa kasalukuyan sa pananalig sa lahat ng pangako ng Salita ng Diyos ng ating buong puso. 
Kamakailan, nakarinig ako ng balita na isang pag-ulan ng yelo na kasing-laki ng ulo ng tao ang bumagsak sa Tsina. Pabulusok sa pagbaba, itong tumpok ng yelo’y kasing-laki ng ulo ng tao, malakas na bumagsak sa lupa, tumagos sa mga bubong at sinira lahat ng madadaanan. Ang mahuhulog sa unang salot ay lubos na malakas ang puwersa. Dapat tayong maniwala sa ating buong puso na ang apoy na lalamon sa ikatlong bahagi nitong mundo, ay higit na mapangwasak kaysa sa mga pag-ulan ng yelo sa Tsina, ay tiyak na babagsak; dapat natin itong panaligan ng ating mga puso, at dapat tayong kumilos sa pamamagitan ng pananalig na ito kapag ito ngang salot ay dumating. Dapat tayong maniwala na itong mundo’y malapit ng mawasak. At dapat din nating tiyakin na tayo’y mahaharap sa salot ng gayong pananalig, at tayo’y papataying mga martir. Kapag ang pitong mga trumpeta’y tumunog, ang pitong mga salot sa katunayan ay darating sa mundong ito. Ito ang una sa mga salot.
 
 
Ang Salot ng Pangalawang Trumpetang Pinadala ng Diyos
 
Ang pangalawang trumpeta—Talatang 8-9: “At humihip ang ikalawang anghel, at ang tulad sa isang malaking bundok na nagliliyab sa apoy ay nabulusok sa dagat, at ang ikatlong bahagi ng dagat ay naging dugo. At namatay ang ikatlong bahagi ng mga nilalang na nasa dagat, na mga may buhay, at ang ikatlong bahagi sa mga daong ay nawalat.”
Dapat tayong magtuon sa katotohanan na ang mga hinirang ay dadaan din sa pangalawang salot.
Sinasabi rito na waring isang malaking bundok ang itinapon sa dagat, naging dugo ang ikatlong bahagi ng dagat at namatay ang ikatlong bahagi ng mga isda. Kapag dumating ang huling araw, magkakaroon ng kaguluhan sa kalawakan, lalansagin ang mga bituin at ito’y magbabanggaan sa isa’t isa at magpira-piraso, at mula rito’y ang mga bato ay papailanlang at babagsak dito sa mundo. Ang ibang mga bato’y malakas na babagsak sa karagatan, ang ikatlong bahagi ng dagat ay magiging dugo, papatayin ang ikatlong bahagi ng mga isda, at wawasakin ang ikatlong bahagi sa daungan. Ito ang salot ng pangalawang trumpeta sa mga salot ng pitong trumpeta.
Tayo pa ba’y makakakain ng isda, o kaya’y makalalangoy, kapag ito’y nangyari? Hindi na mangyayari. Kapag ang isang bato ng kalawakan kasing-laki ng bundok ay bumagsak sa dagat, ang ikatlong bahagi ng dagat ay magiging dugo, lilipulin ang ikatlong bahagi ng mga isda, mabubulok ang dagat sa mga patay na isda, at malalaking alon at lindol ay hindi lamang wawasakin ang nasa daungan kundi sa maraming tao rin.
Naalala ko ang isang pelikula kung saan ang isang malaking bato mula sa kalawakan ay bumagsak sa dagat at nagdulot ng malalaking alon na bumalot sa lupa. Ang gumawa ng pelikula, tiyak ako na siya’y may matingkad na larawan ng mga huling araw sa kanyang isipan nang kanilang gawin itong pelikula. Iyang malaking sakuna ay hahampas sa lupa ay isang katotohanan maging ang mga di-mananampalataya’y madaling makikilala ito. Di-mabilang na mga tao’y malilipol ng salot ng bumabagsak na mga bato. Bagaman ikatlong bahagi lamang ng lupa’y mawawasak, ikaw at ako ay patuloy na mabubuhay sa mundong ito hanggang ang mga salot ng pitong mangkok ay mabuhos.
Ang tao’y dating naniniwala na ang rapture ay magaganap matapos ang Matinding Kapighatian, nguni’t sa paglitaw ng teoriya ng “pre-tribulation rapture,” sa halip maraming mga teolohiya ang nagsimulang maniwala nitong “pre-tribulation rapture.” Masahol nito, maging ang amileniyalismo, na tumatanggi sa Milenyong Paghahari, ay lumitaw. Ang mga teolohiya, sa kanilang kakayahang talakayin ang buong Salita ng Apocalipsis, ngayo’y nagsisikap na lumayo mula sa lahat nitong Salita. Yaong mga nawalan ng pag-asa sa mundong ito dahil sa mga salot na darating ay maghahatid ng isang marahas na kaibhan sa mga hinirang na isinilang na muli mananatili sa gayong kalagayan, dahil inilagay lamang ang kanilang pag-asa sa Milenyong Paghahari at ang Bagong Langit at Lupang pinangako ng Panginoon.
Dapat nating ihanda ang ating pananampalataya habang ang mga huling araw ay papalapit na sa atin, nguni’t sa halip na gawin ito, maraming tao ang piniling pag-usapan ukol sa “pre-tribulation rapture” o ang amileniyalismo, waring iniiwasang maharap sa tunay na pananampalataya. Dahil sila’y naniniwala na si Jesus ay babalik sa alapaap habang kanilang ginagawa araw-araw, di-maabalang mga buhay, at dahil sila nga’y naniniwalang itataas sa Kaharian ng Diyos at hindi dadaan sa anumang mga salot, hindi nila inihanda ang kanilang pananampalataya para sa Matinding Kapighatian.
Sa unang sulyap, yaong mga panatag at hindi naghahanda para sa Matinding Kapighatian ay magmumukhang waring matapang. Ang dahilan kung bakit waring matapang ang mga makasalanang hindi isinilang na muli bago ang Matinding Kapighatian ay dahil ang kanilang mga kaluluwa, lasing sa mga kasinungalingan ng mga huwad na propeta, ay patay, at walang mga espirituwal na hangaring nalalabi sa kanila. Sa gayon ding dahilan, ito’y dahil ang kanilang mga kaluluwa’y patay na, hindi naririnig ng tao at tinatanggihan ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, na magsisilang sa kanilang muli sa tubig at sa Espiritu at magpapapasok sa kanila sa Kaharian ng Diyos (Juan 3:5).
Nguni’t ang mga isinilang na muli ay dapat maghanda ng kanilang pananalig para sa mga kapighatian sa mga huling araw, gaano man ang kaginhawaan sa kasalukuyan. Dapat silang maghanda para sa hinaharap sa pamamagitan ng paglalagay sa kanilang mga isipan ang hangaring ipangaral ang ebanghelyo sa mga magiging tapat sa Diyos, upang sila’y makapagliligtas ng maraming kaluluwa sa panahon ng Kapighatian.
Ang pagsawalang-bahala sa napipintong pagdating ng Matinding Kapighatian ay isang malaking kahangalan. Ang gumawa nga nito’y magiging mahina pagdating ng mga salot, katulad ng naganap noong Digmaang Koreano. Bago ang Digmaang ito, ang Estados Unidos ay nalaman ang malaking pagkilos ng mga hukbo ng Hilagang Koreano at nagbabala sa Timog Koreano ng maaaring biglang pagsalakay, nguni’t ang pamahalaan ng Timog Koreano at mga militar ay sinawalang-bahala ang babala, sa halip ay pinagbakasyon ang kanilang mga hukbo at hinayaan ang mga pinuno na magsaya sa kanilang araw ng pahinga noong unang araw ng pagsalakay.
Dahil hindi sila nakapaghanda sa pagsalakay ng ang pagtiktik sa Hilagang Korea ay laan sa kanila, hindi nila nagawang pigilin ang paglusob ng mga Katimugan at di-maglaon sila’y naitulak paibaba hanggang sa huling linya ng digmaan sa pinaka-katimugang sulok. Nang kanilang tipuning muli ang kanilang mga hukbo mula sa kanilang bakasyon at tinangkang paigtingin ang hukbo para sa digmaan, ang kanilang malakas na hukbo’y nagapi na, at walang magagawa kundi ang patuloy na umurong at maraming mga nasawi.
Ganitong uri ng sumpa ang babagsak sa atin kung hindi tayo mananalig sa Salitang sinabi ng Diyos ukol sa huling araw. Nguni’t kung tayo’y tapat na mananalig, makatatakas tayo mula sa gayong sumpa. Ang Apocalipsis ay nagwika ukol sa isang kublihan sa panahon ng Kapighatian, nguni’t hindi sinasabi sa atin ang tiyak na kinaroroonan nito. Gayun paman, sinasabi sa atin na ang mga hinirang ay makukupkop at maalagaan sa isang kublihan. Itong kublihang tinutukoy walang iba kundi ang iglesia. Saan sa mundo makikita ang kanlungang ito? Ang ibang tao’y sinasabi na sila’y di mapapahamak kung sila’y pupunta sa Israel. Nguni’t ang Israel ay tiyak na mahaharap sa higit na matinding kapighatian. Dapat mong malaman na ang Israel ang siyang himpilan mismo ni Anticristo, ang mga salot ay lalong iigting sa lugar na iyon.
Bagaman itong Salita ng mga kapighatian ay maaaring hindi totoo ngayon, nguni’t dapat mong malaman sa iyong puso at maghanda para sa hinaharap. Dapat kang manalig sa iyong puso, at sa pamamagitan nitong pananalig dapat mong ipangaral ang ebanghelyo sa mga tao na parang ika’y nasa Matinding Kapighatian na. Dapat mong ihanda ang mga puso ng tao at akayin sila sa kanilang kanlungan sa pangangaral ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Kinupkop tayo ng Diyos sa Kanyang mga iglesia upang ating maipangaral sa tao ang gayong mga bagay na darating at tulungan silang ihanda ang kanilang pananampalataya para sa mga huling araw.
Itong dahilan kung bakit ginagawa namin ang aming ginagawa—ito ay ang pangangaral ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu sa ating buong kakayahan. Aming pinangangaral ang Salita ng Apocalipsis sa panahong ito upang hindi ipagyabang ang sariling amin, kundi dahil ito’y Salita na kailangan sa panahong ito, para sa mga mananampalataya at di-mananampalataya. Sa pamamagitan lamang ng paghahanda ngayon nitong pananampalataya ang ating mga puso’y di-maliligalig kapag ang mga kapighatian at mga salot ay dumating sa atin.
Ang Diyos ay magbibigay sa atin ng Kanyang espesyal na kalinga, nguni’t dahil tayo’y nabubuhay sa isang nakakikilabot at di-malirip ng mundo, kung ating nalalaman ang darating sa mga huling araw at ihanda ang ating pananalig upang magtagumpay sa mga kapighatian, lalo nating makakalat ang ebanghelyo. Dahil tayo rin ay makapaglalagay ng higit na tiwala sa pag-asa sa Kaharian ng Diyos, hindi tayo matatangay ng agos ng sanlibutan, ni ipagbibili ang ating pananalig, sa halip ay lalong kikilos sa pananampalataya. Itong dahilan kaya namin pinangangaral ang Salita ng Apocalipsis at naglilingkod sa maraming mga gawain sa pananampalataya.
 
 
Ang Salot ng Ikatlong Trumpeta
 
Ang ikatlong trumpeta—Talatang 10-11: “At humihip ang ikatlong anghel, at nahulog mula sa langit ang isang malaking bituin, na nagliliyab na gaya ng isang sulo, at nahulog sa ikatlong bahagi ng mga ilog, at sa mga bukal ng tubig. At ang pangalan ng bituin ay Ajenjo, at ang ikatlong bahagi ng tubig ay naging ajenjo, at maraming tao ay nangamatay dahil sa tubig, sapagka’t mapait ang tubig.”
Ang mga hinirang ay dadaan din sa ikatlong salot. Ang salot ng pangalawang trumpeta ay dulot ng dagat, nguni’t ito’y dulot ng salot sa mga ilog at mga sibol. Ang malaking bituing pabagsak mula sa langit ay isang kometa. Ang mga ilog at mga sibol na tinamaan ng kometa’y magiging mapait, ito’y magiging ajenjo. Sa lumang panahon, dati-rati’y ang tao’y dinidikdik ang ajenjo at kinakain ang katas nito para gawing gamot, di-mailarawan ang pait nito. Sinasabi sa atin ng Biblia na habang itong mapait na ajenjo’y kumakalat sa lahat ng tubig, maraming tao ang mamamatay sa uhaw.
Habang ang inuming tubig ay nagiging ajenjo, maraming tao ang mamamatay, nguni’t kukupkupin ng Panginoon ang Kanyang bayan mula sa salot na ito. Marahil ang sanhi ng malawakang kamatayan ay sanhi ng sakit mula sa tubig, maaaring dulot ng kemikal na sangkap sa tubig sanhi ng pagbagsak ng kometa. Ang tao’y di-mamamatay, sa ibang salita, dahil lamang sa pait ng tubig, nguni’t dahil sa iba pang bagay. Nalalaman at naniniwala tayo na lahat ng mga ito’y totoo, at tiyak na magaganap sa hinaharap.
 
 
Ang Salot ng Ikaapat na Trumpeta
 
Ang ikaapat na trumpeta—Talatang 12: “At humihip ang ikaapat na anghel, at nasugatan ang ikatlong bahagi ng araw, at ang ikatlong bahagi ng buwan, at ang ikatlong bahagi ng bituin, upang magdilim ang ikatlong bahagi nila, at upang ang ikatlong bahagi ng maghapon ay huwag lumiwanag, at gayon din naman ang gabi.”
Huwag kalimutan na ang mga hinirang ay mananatili pa rin sa ikaapat na salot dito sa lupa.
Kung ang ikatlong bahagi ng araw ay di-magliwanag, ibig sabihin ang liwanag ng araw ay mababawasan ng halos apat na oras mula sa pito o walong oras. Yamang ang buwan at mga bituin ay mawawala rin ang ikatlong bahagi ng kanilang liwanag, ang buong mundo’y magdidilim. Dapat ay maliwanag sa umaga, sa ibang salita, karimlan ay biglang darating. Ang pelikulang Rapture ay ayon sa teoriya ng “pre-tribulation rapture”, nguni’t dito’y makikita na ang buong mundo’y magdidilim sa liwanag ng araw, ang tao’y magsisigawan sa takot. Isipin mo: dapat ay alas-onse ng umaga, nguni’t biglang naglaho ang araw at wala ng liwanag. Ikaw din, ay matatakot, na parang ika’y dinalaw ng anghel ng kamatayan.
Nalalaman nating tayo’y mabubuhay sa gayong panahon ng mga sakuna, nguni’t di ka dapat matakot. Kukupkupin tayo’t pagpapalaing lubos ng Diyos. Sa panahong ito, ang iyong pananalig ay lalong lumakas tutugunin ng Diyos ang iyong mga dasal at kikilos para sa iyo kung ika’y magdarasal sa Kanya. Dahil pinangako ng Diyos sa atin na laging sasaatin hanggang sa dulo ng mundo, hindi tayo iiwan ng Diyos na nag-iisa sa Matinding Kapighatian ng huling araw. Walang-alinlangan, Siya’y pasasaatin lagi. Tulad niyaon, dahil ang Diyos ay laging kasama natin, dapat tayong manalig na tayo’y Kanyang kukupkupin at hayaang mabuhay, at dapat nating ikalat itong pananampalataya sa iba at ihandang lubos din ang kanilang pananampalataya.
 
 
Tatlong Salot pa ang Darating
 
Sinasabi ng talatang 13, “At nakita ko, at narinig ko ang isang agila, na lumilipad sa pagitan ng langit, na nagsasabi ng malakas na tinig, ‘Sa aba, sa aba, sa aba ng mga nananahan sa ibabaw ng lupa, dahil sa mga ibang tunog ng pakakak ng tatlong anghel, na magsisihihip pa!’”
Tulad ng pagsigaw ng sumpa ng anghel ng tatlong beses, tatlong salot pa ang magaganap dito sa lupa. Sa mga salot ng pitong trumpeta, tatlong salot pa ang nalalabi. Ating dapat na malaman na ang ikapitong trumpeta’y ang ating rapture. Kapag natapos na ang ikaanim na trumpeta, at inihip ng ikapitong anghel ang kanyang trumpeta, ang mga hinirang ay bubuhaying muli at masasama sa rapture. Kapag lahat ng mga hinirang ay maitaas at salubungin ang Panginoon sa alapaap, ang mga salot ng pitong mangkok ay mabubuhos sa mundong ito.
Dapat nating malaman na ang mundong ito di-maglao’y magsisimula ang mga salot ng pitong trumpeta at ng pitong mangkok, ang huli’y mabubuhos kasama ang salot ng ikapitong trumpeta ayon sa layon ng Diyos. Dapat nating paniwalaan lahat ng mga ito sa ating mga puso, at hubugin ngayon ang ating mga pananampalataya upang ito’y lumagong malakas nananatili hanggang sa lahat ng mga salot. Kung ang tao’y mananalig na hindi nalalaman ang mga huling araw, sila’y masisindak kapag talagang dumating ang Kapighatian at sila’y mahahantong sa pagtalikod sa paniniwala.
Tulad niyaon, upang tayo’y magtagumpay sa huli, ang ating mga pananalig sa mga bagay na ito ay dapat lakipan ng wastong kaalaman ng mga huling araw. Ngayon, kapag ang huli’y papalapit na sa atin, hindi natin dapat iwalang-bahala ang iglesia ni lalayuang lubos. Lahat ng ating mga puso ay dapat kaisa sa iglesia, at ano pa man, tayong lahat ay dapat manalig sa Salita ng Diyos tulad ng pinangangaral sa atin sa pamamagitan ng iglesia, sama-sama sa pananampalataya.
Kapag dumating itong mga salot, ang iba sa mga di-ligtas mula sa inyong sariling pamilya, kamag-anak, o mga kaibigan ay maaaring hanapin ka. Maging sa mga ordinaryong araw, kapag tinanong kung sino ang ating mga kamag-anak, mga kapatid at mga magulang, sinabi ng Panginoon sa atin na yaon lamang sumusunod sa Ama ang ating pamilya, mga magulang at mga kapatid. Kapag dumating ang mga kapighatian, lubos na malalaman ng mga isinilang na muli kung sino ang kanilang mga tunay na kapatid, at pamilya. Dahil nauunawaan at nagtutulungan tayo ngayon sa pananampalatayang ito, at dahil ako at ikaw ay pinalaya ng Diyos mula sa lahat ng mga salot, babantayan Niya tayo, kukupkupin mula sa mga salot, at aalagaan sa Kanyang iglesia bilang Kanyang mga anak. Itong pananampalataya’y dapat na matatag na itanim sa atin.
Yaong mga nagbili sa atin kay Anticristo sa mga huling araw ay tiyak na ating mga sariling kapamilya sa laman. Bagaman sila ang ating pamilya’t kamag-anakan, kung hindi sila isinilang na muli sa tubig at sa Espiritu, ang ating pananalig ay dapat na matatag upang kilalanin sila bilang mga taong di-nakikilala mula sa umpisa. Sila’y may kakayahang gawin ang masahol na mga bagay sa atin kaysa sa mga tunay na mga taong di-kilala. Hindi mahalaga kung sila’y ating sariling mga kapamilya sa laman—kung hindi sila ligtas, dapat natin silang ipalagay bilang ating mga kaaway. Dapat nating buksan ang ating mga puso sa madalas nating marinig mula sa Salita ng Diyos sa paksang ito na manalig sa katotohanan.
Tulad ng pagbuhos ng apoy ng Diyos sa Sodom at Gomora, Kanya ring ipadadala ang salot sa mga huling araw sa mga makasalanan. Ang pagwasak ng Diyos sa Sodom at Gomora ay magpapatunay sa mga katibayang arkelohika.
Itong mga araw, maraming mga pelikula ang ukol sa pagwasak ng sangkatauhan sa pamamagitan ng pagbagsak ng mga bato mula sa kalawakan. Ang gayong mga pelikula’y nilikha batay sa Salita ng Biblia na nagtatala ng mga salot sa huling araw na babagsak sa lupa. Ang maaaring kaganapan ng pagbagsak ng mga meteor sa lupa ay higit, lalong pinaiigting ang kaganapan ng mga salot dito sa mundo.
Isang mabuting halimbawa ay ang katibayang paleontolihika mula sa mga buto ng mga “dinosaurs,” nagpapakita na ang mundo’y dumanas ng malaking pagbabago noong mga unang panahon. Mga patay na nilalang ay sinasabi sa atin ng naunang mga nilalang sanhi ng kanilang mga buto. Minumungkahi ng ibang mga dalubhasa na ang kamatayan nitong mga naunang nilalang, kasama na ang mga “dinosaurs,” ay maipapaliwanag sa isang malaking kapaminsalaang pangbangga ng mundo sa isang “meteor,” isang bato mula sa kalawakan. Ang mga salot ng “meteor” na nakatala sa Apocalipsis, samakatuwid, ay higit na posibleng magaganap dito sa mundo.
 
 
Sa Hindi Gaanong Malayong Hinaharap…
 
Dapat nating mabatid na ang gayong mga salot ay darating dito sa lupa sa hindi gaanong malayong bukas. Ang ibang mga dalubhasa sa agham ay sinubukan na ang paggaya ng tao, na siyang pinakakakila-kilabot na hamon sa Diyos. Kaya lahat nitong mga salot ay handa ng ipadala ng Diyos sa panahong ito. Hindi dapat kalimutan ng sangkatauhan ang Diyos sa kanilang pag-asam sa kapangyarihan ng agham.
Tinatangka ngayon ng sangkatauhan na tumugon sa lahat ng mga salot ng mundo sa pamamagitan ng kapangyarihan ng kaalamang siyentipiko. Nguni’t walang siyentipikong pag-unlad ang makapipigil sa mga salot ng Diyos, dahil ang mga ito’y lubos na masahol kaysa anumang mga kapahamakan na naranasan ng sangkatauhan noon. Kung ating titignan ngayon ang likhang-tao ng pagsulong ng siyentipiko, makikita natin na ang sangkatauhan ay naghahamon sa kapangyarihan ng Diyos, nagnanais na maging tulad Niya. Nguni’t anuman ang pagsulong ng siyentipiko, walang makapipigil sa mga salot na hatid ng Diyos. Lahat nitong mga salot ay hinihingi mismo ng sangkatauhan.
Ang tanging paraan upang makatakas sa mga salot na dala ng Diyos ay ang matuklasan ang katotohanan ng kaligtasan sa pamamagitan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, at manahan sa bisig ng Panginoon sa pamamagitan pananalig nito. Ang pagtakas sa mga salot na ito sa pamamagitan ng pagkilala at paniniwala na ang tanging daan upang maiwasan ang nakatatakot na hatol ng Diyos ay ang iyong pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu.
Lahat ng mga pagpapala at mga sumpa ay nasa kamay ng Diyos. Kung pinasiyang panatilihin itong mundo, ang mundo’y mananatili; kung hindi, ito’y mawawasak lamang. Ang mamuhay sa gayong panahon, kung ika’y mananalig at dalisay na susunod sa Salita ng Diyos at matatakot sa Kanya ng lubos, aakayin ka ng Diyos sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu na kukupkop sa iyo mula nitong mga kakila-kilabot na mga salot na darating.
Maging ngayon, maraming tao sa buong mundo ang namamatay at nanginginig sa takot dulot ng mga lindol, mga bagyo, at mga sakit. Dagdag nito, walang katapusan ang digmaan kahit saan, mga bansa laban sa mga bansa at mga estado laban sa mga estado. Tulad niyaon, kapag lumitaw ang Anticristo sa nalalapit na bukas at nilutas ang agarang suliranin ng magulong mundo, marami ang susunod sa kanya. At ito’y lalakipan ng pagbuhos ng mga nakatatakot na salot dito sa lupa, at sa huli’y, itong mundo’y ganap na mawawasak nitong mga salot na dala ng Diyos.
Ang Diyos ay lilikha ng Bagong Langit at Lupa at ibibigay sa mga naligtas sa kasalanan. Ang layon ng paglikha ng Diyos ng Bagong Langit at Lupa ay upang igawad sa mga isinilang na muli sanhi ng pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Di-magtatagal, wawasakin ng Diyos ang unang mundo at bubuksan ang pangalawang mundo. Tulad ng paglaho ng mga “dinosaurs,” kaya ito ring mundo ng makabagong kabihasnan ay maglalaho, at masasaksihan natin ang bagong simula ng isang bagong mundong hatid ng Diyos.
Tayo nga’y dapat isipin kung paano tayo mamuhay ngayon. Dapat tayong maniwala sa lahat ng mga salot na darating tulad ng nakatala sa kasalukuyang talata, at mamuhay sa mga nalalabing buhay para sa katuwiran ng Diyos, handa para sa susunod na mundo sa pananampalataya. Dapat tayong magkaroon ng kaalaman sa Salita ng hula ng Apocalipsis. Sinasabi ko ito ngayon dahil kapag dumating ang araw, lahat ng kaalamang iyong nakamit ay mapapatunayang lubos na kailangan para sa iyong pananampalataya.
Lahat ng mga bagay sa kalawakan na maaaring bumangga sa mundo, mula sa mga “asteroid” na nakakalat sa pagitan ng Mars at Jupiter hanggang sa di-mabilang na mga kometa na may di-malamang pagbabalik, ay tinatawag na mga “Near Earth Objects (NEOs).” Inihayag minsan ng NASA ang listahan ng mga kilalang mga NEOs sa kalawakan. Kung ang isa sa mga NEOs ay babangga dito sa mundo, ang kapahamakang dulot nitong pagbangga ay di-maipapaliwanag. Itong sakuna ay maaaring kasinglakas ng libu-libong pinagsamang bombang nukleyar.
Isipin mo kung anong mangyayari kung gayon sa mundong ito. Na ang mga kagubatan, tubig at mga barko’y mawawasak. Lahat ng tao samakatuwid, ay dapat manalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu at mamuhay na may paghahanda para sa buhay na walang-hanggan.
Sinabi ng Diyos sa atin na kapag ang mga likas na salot ay dumating dito sa mundo, ikatlong bahagi ng araw, ng buwan, at mga bituin ay magdidilim. Nguni’t iilang tao ang makakaalam nito, at higit na iilan ang mananalig. Tulad niyaon, maliit na bilang lamang ng tao ang mananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu at mangangaral ng katotohanan nito.
Dapat magising ang ating mga isipan. Itong mga salot ay darating nga. Dapat nating malaman kung anong uri ng pananampalataya at paghahangad na tayo’y mabuhay sa ating nalalabing mga buhay. Ikaw at ako’y dapat na malaman na ang panahon ngayon ay isang hakbang na lamang mula sa Matinding Kapighatian, at sa pananampalataya’y ipamuhay ang ating nalalabing buhay, na walang anumang alinlangan sa ating mga puso.
Kung hindi tayo ngayon mamumuhay sa pananalig sa Salita ng hula nitong Kapighatian, ang ating mga puso’y magiging kawalan, ang ating mga layunin ay mawawala, at tayo’y malulumpo ng mga alalahin sa buhay. Hindi ito dapat mangyari. Gayon din, ni hindi natin dapat ilagay ang ating pag-asa dito sa mundo, na parang ayaw nating iwanan ito. Marami ang may kaunting kaalamang sa siyentipiko ang lubos na nakakaalam na wala ng pag-asa itong mundo. Tiyak na ilalagay ng Diyos itong mundo sa kawalan.
Ang Diyos ay lilikha ng bagong Kaharian ni Jesus at hahayaan ang mga hinirang na manirahan dito. At Kanyang itutulot ang mga nanalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu na manirahan kasama Niya magpakailan man.
Dapat nating iwaksi ang ating sariling pasiya at mga isipan sa Diyos, at sa kababaa’y tanggapin at manalig sa Kanyang Salita ng hula. Dapat nating ipinangangaral ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, at salubungin ang Panginoon pagdating Niya. Tayo’y mamuhay sa gawaing ito ng Diyos. Kapag dumating ang Panginoon dito sa mundo, tatanggap tayo ng bagong buhay, ang ating mga katawan ay mababagong katulad Niya, at tayo’y maninirahang muli sa Kanyang bagong mundo, lahat tulad ng Kanyang sinabi sa atin.
Hindi natin alam ang talagang araw at oras ng pagdating ng Panginoon. Nguni’t kung titignan ang mga tanda ng sanlibutan, malalaman natin na ang lahat ng mga salot na nakatala sa Salita ng Diyos ay papalapit na sa atin. Tayo nga’y manalig sa Diyos na naghula ng lahat ng ito, na Siyang nagpakita sa atin ng daan ng kaligtasan.