• All e-books and audiobooks on The New Life Mission website are free
  • Explore multilingual sermons in global languages
  • Two new revised editions in English have been released
  • Check out our website translated into 27 languages
Search

Sermons

Paksa 10: Ang Pahayag (Mga Komento sa Pahayag)

[Kabanata 9-1] Ang Salot mula sa Hukay ng Kalaliman (Apocalipsis 9:1-21)

(Apocalipsis 9:1-21)
“At humihip ang ikalimang anghel, at nakita ko ang isang bituin na nahulog sa lupa mula sa langit, at sa kaniya’y binigay ang susi ng hukay ng kalaliman. At binuksan niya ang balon ng kalaliman, at napailanglang ang usok mula sa hukay, na gaya ng usok ng isang malaking lutuang-bakal, at nagdilim ang araw at ang himpapawid dahil sa usok ng hukay. At nangasilabas sa usok ang mga balang sa lupa, at binigyan sila ng kapangyarihan, na gaya ng mga alakdan sa lupa na may kapangyarihan. At sinabi sa kanila na huwag ipahamak ang damo sa lupa, ni ang anomang bagay na sariwa, ni ang anomang punong kahoy, kundi ang mga tao lamang na walang tatak ng Dios sa kanilang mga noo. At pinagkalooban silang huwag patayin ang mga ito, kundi pahirapan nilang limang buwan, at ang kanilang pahirap ay gaya ng pahirap ng alakdan kung kumakagat sa isang tao. At sa mga araw na yaon ay hahanapin ng mga tao ang kamatayan, at sa anomang paraa’y hindi nila masusumpungan, at mangagnanasang mamatay, at ang kamatayan ay tatakas sa kanila. At ang anyo ng mga balang ay katulad ng mga kabayong nahahanda sa pagbabaka, at sa kanilang mga ulo ay gaya ng mga putong ng katulad ng ginto, at ang kanilang mga mukha ay gaya ng mga mukha ng mga tao. At sila’y may buhok na gaya ng buhok ng mga babae, at ang kanilang mga ngipin ay gaya ng sa mga leon. At sila’y may mga baluti, na gaya ng baluting bakal, at ang ugong ng kanilang mga pakpak ay gaya ng ugong ng mga karro, at ng maraming kabayo na dumadaluhong sa pagbabaka. At sila’y may mga buntot na gaya ng sa mga alakdan, at mga tibo, at sa kanilang mga buntot naroroon ang kanilang kapangyarihan upang ipahamak ang mga taong limang buwan. Sila’y may pinakahari na anghel na kalaliman, ang kaniyang pangalan sa wikang Hebreo ay Abaddon, at sa Griego ay may pangalan siyang Apolyon. Ang unang Pagkaaba ay nakaraan na, ‘Narito, darating pa ang dalawang Pagkaaba sa haharapin.’ At humihip ang ikaanim na anghel, at narinig ko ang isang tinig mula sa mga sungay ng dambanang ginto na nasa harapan ng Dios. Na nagsasabi sa ikaanim na anghel na may pakakak, ‘Kalagan mo ang apat na anghel na nagagapos sa malaking ilog ng Eufrates.’ At kinalagan ang apat na anghel, na nangahahanda sa oras at araw at buwan at taon upang patayin ang ikatlong bahagi ng mga tao. At ang bilang ng mga hukbong nangangabayo ay makalawang sangpunglibong tigsasangpung libo, aking narinig ang bilang nila. At nakita kong sa pangitain ang mga kabayo, at ang mga nakasakay dito, na may mga baluting gaya ng apoy at ng jacinto at ng asupre, at ang mga ulo ng mga kabayo ay gaya ng mga ulo ng mga leon, at sa kanilang mga bibig ay lumalabas ang apoy at usok at asupre. Sa pamamagitan ng tatlong salot na ito ay napatay ang ikatlong bahagi ng mga tao, sa pamamagitan ng apoy at ng usok at ng asupre, na nangagsisilabas sa kanilang mga bibig. Sapagka’t ang kapangyarihan ng mga kabayo ay nasa kanilang bibig, at nasa kanilang mga buntot, sapagka’t ang kanilang mga buntot ay kawangis ng mga ahas, at may mga ulo, at siya nilang ipinananakit. At ang nalabi sa mga tao, na hindi napatay sa mga salot na ito, ay hindi nagsipagsisi sa mga gawa ng kanilang mga kamay, upang huwag sumamba sa mga demonio, at sa mga diosdiosang ginto, at pilak at tanso, at bato, at kahoy, na hindi nangakikita, ni nangakaririnig man, ni nangakalalakad man. At sila’y hindi nagsipagsisi sa kanilang mga pagpatay, kahit man sa kanilang panggagaway, kahit man sa kanilang pakikiapid, kahit man sa kanilang pagnanakaw.”
 
 
Masusing Kapaliwanagan ng Kasulatan
 
Talatang 1: At humihip ang ikalimang anghel, at nakita ko ang isang bituin na nahulog sa lupa mula sa langit, at sa kaniya’y binigay ang susi ng hukay ng kalaliman.
Kapag binigay ng Diyos sa anghel ang susi ng hukay ng kalaliman ay nangangahulugan na Kanyang ipinasiya na magdadala ng salot na kasing-kilabot ng impiyerno sa sangkatauhan.
Ang hukay ng kalaliman ay tinatawag ding isang di-maarok na kalaliman, isang lugar na walang-katapusan ang lalim. Upang magdala ng kahirapan kay Anticristo na narito sa mundo, sa kanyang mga taga-sunod, at sa mga lumalaban sa mga matuwid, bubuksan ng Diyos ang hukay ng kalaliman. Ang susi nito ay binigay sa ikalimang anghel. Ito’y kakila-kilabot na salot na kasing-lagim ng impiyerno.
 
Talatang 2: At binuksan niya ang balon ng kalaliman, at napailanglang ang usok mula sa hukay, na gaya ng usok ng isang malaking lutuang-bakal, at nagdilim ang araw at ang himpapawid dahil sa usok ng hukay.
Nang itulot ng Diyos na buksan ang hukay ng kalaliman, ang buong mundo’y natakpan ng mga alikabok tulad ng abo ng bulkan, nagdulot ng salot ng karimlan. Itong salot ng karimlan ay inihanda para sa mga umiibig sa dilim. Ang Diyos ay Diyos ng liwanag nagniningning sa atin, nagbigay ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu kaninuman. Sa mga nanalig sa katotohanang ito, binigay ng Diyos ang biyaya ng kaligtasan at itinulot silang manirahan sa Kanyang maningning na liwanag. Subali’t sa mga di-tumanggap ng katotohanan ay haharap sa makatwirang ganti ng Diyos, dahil Kanyang ibibigay sa kanila ang salot ng karimlan at Kanyang hatol.
Ang tao’y likas na makasalanan, at higit na nais ay karimlan kaysa liwanag sa kanilang mga buhay. Nararapat sa kanilang makamit ang salot ng kadiliman mula sa Diyos dahil sa di-pagtanggap at di-pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritung bigay ng Panginoon.
 
Talatang 3: At nangasilabas sa usok ang mga balang sa lupa, at binigyan sila ng kapangyarihan, na gaya ng mga alakdan sa lupa na may kapangyarihan.
Ang Diyos ay magpapadala ng mga balang sa mundong ito at paparusahan ang mga kasalanan ng mga sumalungat sa katotohanan ng Diyos sa kanilang mga isipan. Itong salot ng mga balang ay may kakayahang magdulot ng hirap na kasing-sakit ng kagat ng alakdan. Samakatuwid lahat ng mga makasalanan nitong mundo ay dapat na manalig sa tunay na pag-ibig ng Diyos. At sa mga hindi, kanilang makakamit ang unang karanasan kung gaano ang laki at sakit ng mga kasalanan ng kanilang pagtanggi sa pag-ibig ng Diyos at kanilang pagsalungat sa Kanya.
Pinadala ng Diyos ang mga balang nitong mundo at ang tao’y nagbayad ng kanilang kasalanang pagsalungat sa Diyos ng katotohanan sa kanilang mga kaisipan. Itong halaga ng kasalanan ay kanilang kahirapan mula sa salot ng mga balang.
 
Talatang 4: At sinabi sa kanila na huwag ipahamak ang damo sa lupa, ni ang anomang bagay na sariwa, ni ang anomang punong kahoy, kundi ang mga tao lamang na walang tatak ng Dios sa kanilang mga noo.
Nang ipadala ng Diyos ang mga kakila-kilabot na salot, hindi Niya kinalimutang ipakita ang Kanyang awa para sa mga nagkamit ng Kanyang tatak. Kanya ring iniutos sa mga balang na huwag saktan ang kalikasan.
 
Talatang 5: At pinagkalooban silang huwag patayin ang mga ito, kundi pahirapan nilang limang buwan, at ang kanilang pahirap ay gaya ng pahirap ng alakdan kung kumakagat sa isang tao.
Sa Awit ng mga Awit 8:6, ang Diyos ay nangusap ng Kanyang pag-ibig at galit, sinabing, “Sapagka’t ang pagsinta ay malakas na parang kamatayan, Panibugho ay mabagsik na parang Sheol, Ang mga liyab niyaon ay parang mga liyab ng apoy.” Gayon din, sinasabi nitong salot sa atin kung gaano kabagsik ang parusa para sa mga tumanggi sa pag-ibig ng Diyos na pinakita sa Kanyang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Itong salot ay mananakit sa tao ng limang buwan.
 
Talatang 6: At sa mga araw na yaon ay hahanapin ng mga tao ang kamatayan, at sa anomang paraa’y hindi nila masusumpungan, at mangagnanasang mamatay, at ang kamatayan ay tatakas sa kanila.
Ang salot ng mga balang ay magdudulot ng matinding sakit na ang tao’y magnanais na mamatay kaysa mabuhay sa hirap, nguni’t hindi sila mamamatay anuman ang naisin nila. Ang salot ay dumating dahil sa pagwalang-bahala ng tao sa Diyos. Inaakalang ang katapusan ng buhay ng laman ay katapusan ng lahat, winalang-bahala nila ang Diyos, na Siyang naghahari ng buhay at kamatayan. Nguni’t sa pamamagitan nitong salot, pinakita sa atin na maging ang kamatayan ay di-darating maliban na itulot ng Diyos.
 
Talatang 7-12: At ang anyo ng mga balang ay katulad ng mga kabayong nahahanda sa pagbabaka, at sa kanilang mga ulo ay gaya ng mga putong ng katulad ng ginto, at ang kanilang mga mukha ay gaya ng mga mukha ng mga tao. At sila’y may buhok na gaya ng buhok ng mga babae, at ang kanilang mga ngipin ay gaya ng sa mga leon. At sila’y may mga baluti, na gaya ng baluting bakal, at ang ugong ng kanilang mga pakpak ay gaya ng ugong ng mga karro, at ng maraming kabayo na dumadaluhong sa pagbabaka. At sila’y may mga buntot na gaya ng sa mga alakdan, at mga tibo, at sa kanilang mga buntot naroroon ang kanilang kapangyarihan upang ipahamak ang mga taong limang buwan. Sila’y may pinakahari na anghel na kalaliman, ang kaniyang pangalan sa wikang Hebreo ay Abaddon, at sa Griego ay may pangalan siyang Apolyon. Ang unang Pagkaaba ay nakaraan na, ‘Narito, darating pa ang dalawang Pagkaaba sa haharapin.’ 
Ang mga buntot ng balang mula sa hukay ng kalaliman ay may kapangyarihang saktan ang tao ng limang buwan. Bagaman ang kanilang anyo’y babae, itong mga balang ay lubos na kakila-kilabot at mababagsik. Pinakikita sa atin ang lawak ng kasalanang nagawa ng tao dahil sa paghahabol sa mga babae kaysa sa Diyos. Hindi na dapat kalilimutan na hanap ni Satanas na tayo’y mahulog sa kahalayan at ilayo tayo mula sa Diyos sa pamamagitan ng pagdala ng gayong mga kasalanan ng pita ng laman sa ating mga buhay.
Talatang 13-15: At humihip ang ikaanim na anghel, at narinig ko ang isang tinig mula sa mga sungay ng dambanang ginto na nasa harapan ng Dios. Na nagsasabi sa ikaanim na anghel na may pakakak, ‘Kalagan mo ang apat na anghel na nagagapos sa malaking ilog ng Eufrates.’ At kinalagan ang apat na anghel, na nangahahanda sa oras at araw at buwan at taon upang patayin ang ikatlong bahagi ng mga tao.
Ang hatol ng Diyos sa kasalanan, na matagal Niyang hinihintay na may pagtitiya alang-alang sa sangkatauhan, sa wakas ay nagsimula. Ngayon na ang oras ng salot ng digmaang papatay sa ikatlong bahagi ng sangkatauhan sa Ilog Eufrates.
 
Talatang 16: At ang bilang ng mga hukbong nangangabayo ay makalawang sangpunglibong tigsasangpung libo, aking narinig ang bilang nila.
Ang bilang dito ng hukbong mangangabayo ay pinakita. Ito’y tumutukoy sa modernong digmaan. Bagaman ang ikatlong bahagi ng sangkatauhan ay namatay sa digmaang ito, ang mga di-nasawi ay patuloy sa mga diyos-diyosan, salungat sa Diyos, at tumangging magsisi sa kanilang mga kasalanan. Pinakikita rito ang katigasan ng puso ninuman kahit sa mga huling araw.
 
Talatang 17: At nakita kong sa pangitain ang mga kabayo, at ang mga nakasakay dito, na may mga baluting gaya ng apoy at ng jacinto at ng asupre, at ang mga ulo ng mga kabayo ay gaya ng mga ulo ng mga leon, at sa kanilang mga bibig ay lumalabas ang apoy at usok at asupre. 
Ang nakita ni Apostol Juan ay ang nakakatakot na mapangwasak na armas ng ika-21 siglo, tulad ng mga tangke, pandigmaang eroplano at ibang makabagong mga armas.
 
Talatang 18-19: Sa pamamagitan ng talong salot na ito ay napatay ang ikatlong bahagi ng mga tao, sa pamamagitan ng apoy at ng usok at ng asupre, na nangagsisilabas sa kanilang mga bibig. Sapagka’t ang kapangyarihan ng mga kabayo ay nasa kanilang bibig, at nasa kanilang mga buntot, sapagka’t ang kanilang mga buntot ay kawangis ng mga ahas, at may mga ulo, at siya nilang ipinananakit.
Isang malaking digmaan na may makabagong sandata ang magaganap sa mga huling araw. At ang ikatlong bahagi ng sangkatauhan ay mamamatay mula sa salot ng apoy at usok at asupre dulot nitong mga sandata.
 
Talatang 20: At ang nalabi sa mga tao, na hindi napatay sa mga salot na ito, ay hindi nagsipagsisi sa mga gawa ng kanilang mga kamay, upang huwag sumamba sa mga demonio, at sa mga diosdiosang ginto, at pilak at tanso, at bato, at kahoy, na hindi nangakikita, ni nangakaririnig man, ni nangakalalakad man.
Kahit sa mga salot na ito, ang mga di-nasawi ng digmaan ay lalong sumamba sa diyos-diyosan at patuloy na yumukod sa mga ito, dahil ang mga taong ito’y itinakda sa kapahamakan.
 
Talatang 21: At sila’y hindi nagsipagsisi sa kanilang mga pagpatay, kahit man sa kanilang panggagaway, kahit man sa kanilang pakikiapid, kahit man sa kanilang pagnanakaw.
Pinakikita sa atin na sa mga huling araw, ang sangkatauhan ay di-magsisisi sa kanilang mga kasalanan sa Diyos. Sa gayon hahatulan ng Diyos itong mga makasalanan, nguni’t itutulot ang isang bago at mapalad na mundo para sa mga matuwid.