• All e-books and audiobooks on The New Life Mission website are free
  • Explore multilingual sermons in global languages
  • Two new revised editions in English have been released
  • Check out our website translated into 27 languages
Search

Sermons

Paksa 10: Ang Pahayag (Mga Komento sa Pahayag)

[Kabanata 10-1] Alam Mo Ba Kung Kailan ang Oras ng “Rapture”? (Apocalipsis 10:1-11)

2021.04.13 99
(Apocalipsis 10:1-11)
“At nakita ko ang ibang malakas na anghel na nanaog mula sa langit, na nabibihisan ng isang alapaap at ang bahaghari ay nasa kaniyang ulo, at ang kaniyang mukha ay gaya ng araw, at ang kaniyang mga paa ay gaya ng mga haliging apoy. At may isang maliit na aklat na bukas sa kaniyang kamay, at itinungtong ang kaniyang kanang paa sa dagat, at ang kaniyang kaliwa sa lupa. At sumigaw ng malakas na tinig, na gaya ng leon na umaangal, at pagkasigaw niya, ay ang pitong kulog ay umugong. At pagkaugong ng pitong kulog, ay isusulat ko sana, at narinig ko ang isang tinig na mula sa langit, na nagsasabi, ‘Tatakan mo ang mga bagay na sinalita ng pitong kulog, at huwag mong isulat.’ At ang anghel na aking nakita na nakatayo sa ibabaw ng dagat at sa ibabaw ng lupa ay itinaas ang kaniyang kanang kamay sa langit. At ipinanumpa yaong nabubuhay magpakailan kailan man, na lumalang ng langit at ng mga bagay na naroroon, at ng lupa at ng mga bagay na naririto, at ng dagat at ng mga bagay na naririto, na hindi na magluluwat ang panahon. Kundi sa mga araw ng tinig ng ikapitong anghel, pagka malapit nang siya’y humihip, kung magkagayo’y ganap na ang hiwaga ng Dios, ayon sa mabubuting balita na kaniyang isinaysay sa kaniyang mga alipin na mga propeta. At ang tinig na aking narinig na mula sa langit, ay muling nagsalita sa akin, at nagsabi, ‘Humayo ka, kunin mo ang aklat na bukas na nasa kamay ng anghel na nakatayo sa ibabaw ng dagat at sa ibabaw ng lupa.’ At ako’y naparoon sa anghel na nagsabi ako sa kaniya na ibigay sa akin ang maliit na aklat, at kaniyang sinabi sa akin, ‘Kunin mo ito, at ito’y kanin mo, at papapaitin ang iyong tiyan, datapuwa’t sa iyong bibig ay magiging matamis na gaya ng pulot.’ At kinuha ko ang maliit na aklat sa kamay ng anghel, at aking kinain, at sa aking bibig ay matamis na gaya ng pulot, at nang aking makain, ay pumait ang aking tiyan. At sinasabi nila sa akin, ‘Dapat kang manghulang muli sa maraming mga bayan at mga bansa at mga wika at mga hari.’”
 
 
Masusing Kapaliwanagan ng Kasulatan
 
Ang pangunahing sentro nitong kabanata ay makikita sa talatang 7: “Kundi sa mga araw ng tinig ng ikapitong anghel, pagka malapit nang siya’y humihip, kung magkagayo’y ganap na ang hiwag ng Dios, ayon sa mabubuting balita na kaniyang isinaysay sa kaniyang mga alipin na mga propeta.” Ang rapture, sa ibang salita’y, magaganap sa oras na ito.
 
Talatang 1: At nakita ko ang ibang malakas na anghel na nanaog na mula sa langit, na nabibihisan ng isang alapaap at ang bahaghari ay nasa kaniyang ulo, at ang kaniyang mukha ay gaya ng araw, at ang kaniyang mga paa ay gaya ng mga haliging apoy.
Ang makapangyarihang anghel na lumitaw sa kabanata 10 ay ang taga-bitay ng Diyos na magpapatotoo sa Kanyang mga gawa na darating. Ang paglitaw nitong anghel ay upang ipakita kung gaano ang kadakilaan at kapangyarihan ng Diyos. At upang ipakita rin na wawasakin ng Diyos ang mga dagat sa lupa, at ibabangong-muli at isasama sa rapture ang mga hinirang tungo sa langit.
 
Talatang 2-3: At may isang maliit na aklat na bukas sa kaniyang kamay, at itinungtong ang kaniyang kanang paa sa dagat, at ang kaniyang kaliwa sa lupa. At sumigaw ng malakas na tinig, na gaya ng leon na umaangal, at pagkasigaw niya, ay ang pitong kulog ay umugong.
Ginagawa ng Diyos ang lahat ayon sa Kanyang mga layon. Kanyang wawasakin ang lupa at ang dagat kapag dumating ang huling araw. Ang ating Panginoon ay wawasakin ang unang dagat at ang unang lupa.
Pinakikita nitong talata ang di-mapasusukong kalooban ng Diyos upang ganapin lahat ng mga bagay tulad ng Kanyang nilayon, at ang pagtapos ng Kanyang mga gawa. Sa Biblia, ang bilang na pito ay dala ang kahulugan ng pagtatapos. Ginamit ng Diyos itong numero nang Kanyang tapusin lahat ng Kanyang mga paglikha at nagpahinga. Gayun din, sinasabi ng talata sa atin na nais ng Diyos, sa mga huling araw, ililigtas ang marami mula sa kanilang kapahamakan, nguni’t tiyak na wawasakin itong mundo, sa kabilang dako. 
 
Talatang 4: At pagkaugong ng pitong kulog, ay isusulat ko sana, at narinig ko ang isang tinig na mula sa langit, na nagsasabi, ‘Tatakan mo ang mga bagay na sinalita ng pitong kulog, at huwag mong isulat.’
Iniutos ng Diyos kay Juan na huwag itala ang mga sinabi sa pitong kulog, upang ilihim ang rapture ng mga hinirang sa mga di-ligtas. Kung minsan, inilihim ng Diyos ang Kanyang mga gawain mula sa mga di-mananampalataya, dahil sila, bilang mga kaaway ng Diyos, namumuhi at inuusig ang Kanyang mga hinirang.
Sa panahon din ni Noe, nang wasakin ng Diyos ang mundo sa pamamagitan ng tubig, Kay Noe lamang Niya inihayag ang pagdating ng baha. Maging ngayon, ipinangangaral ng Diyos ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu sa buong mundo, at binigigay ang Kaharian ng Langit sa mga nanalig. Nguni’t kung wala ang mga ito sa mga nagtataglay ng tunay na pananalig, hindi pa Niya ipinahayag kaninuman kapag dumating ang rapture. Para sa matuwid, lumikha ang Diyos ng bagong mundo sa Kanyang Kaharian, at hangad Niyang manirahan kasama sila.
 
Talatang 5-6: At ang anghel na aking nakita na nakatayo sa ibabaw ng dagat at sa ibabaw ng lupa ay itinaas ang kaniyang kanang kamay sa langit. At ipinanumpa yaong nabubuhay magpakailan kailan man, na lumalang ng langit at ng mga bagay na naroroon, at ng lupat at ng mga bagay na naririto, at ng dagat at ng mga bagay na naririto, na hindi na magluluwat ang panahon.
Lahat ng mga ito’y ipinanumpa sa ngalan ng Diyos, bilang huling sumpa sa lahat ng bagay ay ginawa hindi dahil sa sariling pangalan ng isa, kundi sa pangalan ng isang higit na dakila. Sa gayon, ang Diyos ang huling tagapanagot para sa mga hinirang sa mga huling araw at sa lahat na naging Kanyang mga hinirang.
Dito, ang dakilang anghel ay nagsumpa sa pamamagitan ng Makapangyarihan na ang rapture ay tiyak na darating. Itong sumpa’y sinasabi sa atin na ang Diyos ay lilikha ng Bagong Langit at Lupa at mamumuhay kasama ang Kanyang mga hinirang nitong bagong mundo. Pinakikita na ang Diyos ay hindi babagalan ang paglikha ng bagong lupa, nguni’t sa huling sandali ay tatapusin para sa Kanyang mga hinirang.
 
Talatang 7: Kundi sa mga araw ng tinig ng ikapitong anghel, pagka malapit nang siya’y humihip, kung magkagayo’y ganap na ang hiwaga ng Dios, ayon sa mabubuting balita na kaniyang isinaysay sa kaniyang mga alipin na mga propeta.
Sinasabi nitong talata sa atin na kapag ang huling ikapitong trumpeta’y tumunog sa huling kapighatian, lahat ng mga hinirang ay isasama sa rapture. Ang pinagtataka ng tao sa mundong ito ay kung kailan magaganap ang rapture ng mga hinirang.
Sa Apocalipsis 10:7 ay sinasabi sa atin, “Kundi sa mga araw ng tinig ng ikapitong anghel, pagka malapit nang siya’y humihip, kung magkagayo’y ganap na ang hiwaga ng Dios, ayon sa mabubuting balita na kaniyang isinaysay sa kaniyang mga alipin na mga propeta.” Anong ibig sabihin ng pariralang “ang hiwaga ng Dios, ayon sa mabubuting balita na kaniyang isinaysay sa kaniyang mga alipin na mga propeta?” Ibig sabihin na yamang ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay ang tunay na ebanghelyo, at sinuman ang manalig ay magkakamit ng pagtubos at ang Banal na Espiritu sa kanyang puso, ang rapture ng mga hinirang ay tiyak na darating sa pagtunog ng ikapitong trumpeta.
Matapos ang salot ng ikaanim sa pitong trumpeta, ang mga hinirang ay papatayin habang ang Anticristo, sa kanyang paglitaw sa mundo at tinalaga ang kanyang paghahari rito, pinilit kaninuman na tanggapin ang marka ng Halimaw. Pagkatapos ng huling sandali, kapag tumunog ang ikapitong trumpeta ng anghel, ang mga martir at mga nakaligtas na hinirang na nagtanggol ng kanilang pananampalataya ay babangong-muli at maisasama sa rapture ng sabay. Pagkatapos ang mga salot ng pitong mangkok, ang huling salot ng sangkatauhan, ay magsisimula. Sa pagkakataong ito, ang mga hinirang ay wala na sa lupa, kundi kapiling ng Panginoon matapos ang kanilang rapture. Dapat malaman ng mga hinirang na ang kanilang rapture ay mangyayari kapag tumunog ang huling trumpeta ng ikapitong anghel. 
Si Apostol Pablo din, ay sinasabi sa atin sa 1 Tesalonica 4 na ang Panginoon ay mananaog mula sa langit dala ang trumpeta ng arkanghel. Maraming Kristiyano ang nag-aakala na ang Panginoon ay mananaog dito sa lupa sa oras ng rapture, ang ating Panginoon ay di-mananaog dito sa lupa, kundi sa alapaap. Gaganapin Niya ang rapture, sa pamamagitan ng pagkuha sa mga hinirang paitaas sa alapaap.
Tulad niyaon, itong mga Kristiyano na nagkamaling inakala na ang Panginoon ay mananaog dito sa lupa kapag dumating ang rapture ng mga hinirang ay dapat iwaksi ang kanilang maling unawa, at dapat nilang malaman ang katotohanan at manalig ng wasto sa pag-alaala na ang rapture ng mga hinirang ay darating sa pagtunog ng trumpeta ng ikapitong anghel.
“Ang hiwaga ng Dios, ayon sa mabubuting balita na kaniyang isinaysay sa kaniyang mga alipin na mga propeta.” Dapat mong malaman na ang hiwaga ng Diyos na tinutukoy dito ay ang rapture ng mga hinirang na darating sa pagtunog ng salot ng ikapitong trumpeta. Wawasakin ng Diyos ang unang mundo, at itatatag ang ikalawang mundo. Ito ay upang manahan at manirahan ang Diyos kasama ang mga isinilang na muli sa pamamagitan ng pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, at upang matapat na tuparin lahat ng pangakong binigay ng Diyos sa Kanyang bayan. Ito ang kalooban ng Diyos, ang Manlilikha ng buong kalawakan, na Kanyang itinalaga sa Kanyang sarili para sa mga hinirang.
Kapag pinatunog ng anghel ang ikapitong trumpeta, ang mga salot ng pitong trumpeta’y matatapos, at ang huling mga salot ng pitong mangkok ay darating. Sinasabi ng Salita sa atin, “sa mga araw ng tinig ng ikapitong anghel, pagka malapit nang siya’y humihip, kung magkagayo’y ganap na ang hiwaga ng Dios, ayon sa mabubuting balita na kaniyang isinaysay sa kaniyang mga alipin na mga propeta.” Ang hiwaga ng Diyos dito na ang mga hinirang ay masasama sa rapture pagtunog ng trumpeta ng ikapitong anghel.
Ang mga hinirang ay nabubuhay ngayon dito sa lupa, nguni’t para sila mamuhay sa isang bago at lalong mabuting daigdig, dapat silang gawing mga martir, ibangong-muli, at maisama sa rapture. Saka lamang sila maaanyaya sa kasalang piging ng Cordero kasama ang Panginoon at maghaharing kasama Niya ng isang libong taon. Matapos itong isang libong taon, ang Anticristo, si Satanas, at lahat ng kanyang mga tagasunod ay tatanggap ng walang-hanggang hatol ng Diyos. At simula niyaon, ang mga hinirang ay pagpapalaing mamuhay kapiling ang Panginoon sa Kanyang Langit ng walang-hanggang mga pagpapala. Ito ang hiwaga ng Diyos. Pasasalamat lamang sa Diyos sa paghahayag nitong hiwaga sa atin na taglay ang tunay na pananampalataya. Sinasabi ng Diyos sa atin na Kanyang tutuparin lahat nitong mga pangako sa pagtunog ng trumpeta ng ikapitong anghel.
 
Talatang 8: At ang tinig na aking narinig na mula sa langit, ay muling nagsalita sa akin, at nagsabi, ‘Humayo ka, kunin mo ang aklat na bukas na nasa kamay ng anghel na nakatayo sa ibabaw ng dagat at sa ibabaw ng lupa.’
Sinasabi ng Diyos sa atin na ang mga hinirang at ang mga lingkod ng Diyos ay dapat magpatuloy na ipangaral ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu hanggang sa dumating ang huling araw. Itong ebanghelyo ay ukol sa katotohanan ng pagpapatawad ng mga kasalanan, kamatayang martir, pagbangong-muli, rapture, at ang kasalang piging ng Cordero. Para sa mga hinirang at mga lingkod ng Diyos upang ipangaral ang ebanghelyo hanggang sa huli, dapat muna silang kumain ng Salita ng Diyos sa kanilang pananalig bago ang pagdating ng Matinding Kapighatian. Hinihingi ng Diyos ang dalawang uri ng pananalig mula sa atin. Ang una’y ang pananalig na maisilang na muli, at ang pangalawa’y ang pananalig na yakapin ang kamatayan upang ipagtanggol ang tunay na pananampalataya.
 
Talatang 9: At ako’y naparoon sa anghel na nagsabi ako sa kaniya na ibigay sa akin ang maliit na aklat, at kaniyang sinabi sa akin, ‘Kunin mo ito, at ito’y kanin mo, at papapaitin ang iyong tiyan, datapuwa’t sa iyong bibig ay magiging matamis na gaya ng pulot.’
Ang mga hinirang at mga lingkod ng Diyos ay dapat munang kumain ng Salita ng Diyos at pagkatapos ay ibahagi sa iba.Tinuturo ng talatang ito sa atin na bagaman ang mga puso ng mga nananalig sa Salita ng Diyos ay pinatamis, ang pangangaral nitong Salita ng pananampalataya sa mga kaluluwang ligaw ay di-madaling gawain, kalakip ang mga sakripisyo. Ito ang pinakikita ng Diyos sa atin.
 
Talatang 10: At kinuha ko ang maliit na aklat sa kamay ng anghel, at aking kinain, at sa aking bibig ay matamis na gaya ng pulot, at nang aking makain, ay pumait ang aking tiyan.
Nang kainin ni Juan ang Salita ng Diyos sa pananampalataya, ang kanyang puso’y napuspos ng galak. Nguni’t sa pangangaral ng katotohanang pinatotoo ng Salita ng Diyos sa mga di-nanalig sa katotohanan, si Juan ay naharap sa maraming mga pasakit.
 
Talatang 11: At sinasabi nila sa akin, “Dapat kang manghulang muli sa maraming mga bayan at mga bansa at mga wika at mga hari.”
Ang mga hinirang ay dapat manghulang muli kaninuman na ang mga pagpapala ng Diyos ay dumarating sa pamamagitan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Dapat silang manghulang muli na ang layon ng ating Panginoon sa mundong ito sa mga huling araw ay upang ang sinuman ay lumapit sa mga pagpapala ng Diyos sa pamamagitan ng pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Ang iniutos ng Diyos kay Juan na ihula ay ang ipangaral ang Salita ng katotohan—na ang bagong mundo’y malapit ng dumating, dala ng Diyos, at ang sinumang nais pumasok ay dapat mapawalang-sala sa pamamagitan ng pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Dahil sa gawaing ito, ang mga hinirang at mga lingkod ng Diyos ay dapat ipangaral muli ang lahat ng Salita ng Diyos mula simula, upang ang bawa’t isa sa mundong ito’y magkakaroon ng pananalig na magtutulot sa kanila na pumasok at manirahan sa Kaharian ng Panginoon.