• All e-books and audiobooks on The New Life Mission website are free
  • Explore multilingual sermons in global languages
  • Two new revised editions in English have been released
  • Check out our website translated into 27 languages
Search

Sermons

Paksa 10: Ang Pahayag (Mga Komento sa Pahayag)

[Kabanata 10-2] Alam Mo Ba Kailan Magaganap ang “Rapture” ng mga Hinirang? (Apocalipsis 10:1-11)

(Apocalipsis 10:1-11)
 
 
Atin ngayong ituon ang paksa kung kailan magaganap ang rapture. Maraming mga talata sa Biblia ang tumutukoy sa rapture. Ang Bagong Tipan ay may maraming mga talata na tumatalakay dito, maging ang Lumang Tipan, kung saan ating makikita, halimbawa, si Elias na umakyat sa langit sa karro ng apoy, at si Enoc na naglakad kasama ang Diyos at kinuha Niya. Tulad ng makikita, ang Biblia’y nagsasalita ukol sa rapture sa maraming lugar. Ang ibig sabihin ng ‘rapture’ ay upang ‘tangayin paitaas.’ Ito’y tumutukoy sa pagkuha ng Diyos sa Kanyang bayan paitaas sa langit sa pamamagitan ng Kanyang kapangyarihan.
Gayunman, ang pinakamalaking palaisipan sa Biblia ay ito ring katanungan sa rapture. Kailan kukuhanin paitaas ng Diyos ang Kanyang bayan? Itong katanungan ng panahon ng rapture ay ang isa sa mga pinakamadalas na tanong sa Kristiyanismo.
Ating buksan ang 1 Tesalonica 4:14-17 at tignan kung ano ang sinabi ng Diyos sa pamamagitan ni Apostol Pablo: “Sapagka’t kung tayo’y nagsisisampalatayang si Jesus ay namatay at nabuhay na maguli, ay gayon din naman ang nangatutulog kay Jesus ay dadalhin ng Dios na kasama Niya. Sapagka’t ito’y sinasabi namin sa inyo sa salita ng Panginoon, na tayong nangabubuhay, na nangatitira hanggang sa pagparito ng Panginoon, ay hindi tayo mangauuna sa anomang paraan sa nangatutulog. Sapagka’t ang Panginoon din ang bababang mula sa langit, na may isang sigaw, may tinig ng arkanghel, at may pakakak ng Dios, at ang nangamatay kay Cristo ay unang mangabubuhay na maguli. Kung mgakagayon, tayong nangabubuhay, na nangatitira, ay aagawing kasama nila sa mga alapaap, upang salubungin ang Panginoon sa hangin, at sa ganito’y sasa Panginoon tayo magpakailan man.” 
Sa Judas 1:14, sinabi rin ng Diyos sa atin, “At mga ito naman ang hinulaan ni Enoc, na ikapito sa bilang mula kay Adan, na nagsabi, ‘Narito, dumating ang Panginoon, na kasama ang Kaniyang mga laksalaksang banal.’” Ang mga hinirang, ay isasama paitaas sa alapaap ng Diyos sa pagtunog ng trumpeta ng arkanghel, mananatili panumandali sa alapaap, at pagkatapos ay mananaog muli sa lupa kasama ang ating Panginoon. Ito ang Bibliang paglalarawan ng rapture.
Ang dahilan kung bakit tinignan natin ang nabanggit na mga talata ay dahil ang Apocalipsis 10 ay sinasabi sa atin na ang rapture ay darating. Gaya ng aking nabanggit dati, ang sentrong talata nitong kabanata ay makikita sa talatang 7, “kundi sa mga araw ng tinig ng ikapitong anghel, pagka malapit nang siya’y humihip, kung magkagayo’y ganap na ang hiwaga ng Dios, ayon sa mabubuting balita na kaniyang isinaysay sa kaniyang mga alipin na mga propeta.” Itong talata ay ang susi upang sagutin lahat ng ating mga katanungan at mga pag-uusisa ukol sa rapture, dahil sinasabi sa atin kung kailan magaganap ang rapture.
Nagpadala ang Diyos ng isang dakilang anghel kay Juan sa pangitain, at Kanyang pinakita kung ano ang Kanyang gagawin sa pamamagitan nitong anghel na ipagagawa sa kanya na parang siya ang Panginoon na dumating dito sa lupa. Itong anghel, itinaas ang kanyang kamay sa langit, “at ipinanumpa yaong nabubuhay magpakailan kailan man, na lumalang ng langit at ng mga bagay na naroroon, at ng lupat at ng mga bagay na naririto, at ng dagat at ng mga bagay na naririto, na hindi na magluluwat ang panahon.” Na hindi na magtatagal pa ay nangangahulugang wala ng dahilan upang maantala pa, ibig sabihin “wala ng oras.” Wala ng oras, ibig sabihin na sa araw ng pagtunog ng ikapitong anghel, ang hiwaga ng Diyos ay matutupad habang inihayag ng Diyos sa Kanyang mga lingkod na mga propeta.
Sa mga salot ng pitong trumpeta, kapag ang huling trumpeta’y tumunog, ang mundo’y papasok sa mga salot ng pitong mangkok. Dapat nating malaman na gayon, wala ng oras pa ang nalalabi sa mundong ito. Tulad niyaon, ang Salita ng Diyos sa talatang 7, na sa araw na iyon “pagka malapit nang siya’y humihip, kung magkagayo’y ganap na ang hiwaga ng Dios, ayon sa mabubuting balita na kaniyang isinaysay sa kaniyang mga alipin na mga propeta,” ay tumutukoy sa oras ng rapture. Sa ibang dako, si Pablo rin, ay sinabi na ang rapture ay magaganap sa tinig ng isang arkanghel at pagtunog ng trumpeta ng Diyos. Ito ang nasa isip ni Pablo, at ito ang simula sa lahat ng mga binabanggit din ng Biblia ukol sa rapture.
“Kundi sa mga araw ng tinig ng ikapitong anghel, pagka malapit nang siya’y humihip, kung magkagayo’y ganap na ang hiwaga ng Dios, ayon sa mabubuting balita na kaniyang isinaysay sa kaniyang mga alipin na mga propeta.” Itong Salita’y sinasabi sa atin na ang rapture ng mga hinirang ay mangyayari, itataas sila tungo sa alapaap. Kapag ang mga hinirang ng Diyos ay kinalat ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu sa mga kaluluwang ligaw, ang Banal na Espiritu’y sadyang nanaog sa mga puso ng mga mananampalatayang tumanggap sa tunay na ebanghelyo, at sila nga’y naging mga anak ng Diyos. Ang lahat ay pareho sa atin na ang rapture, ang hiwaga ng Diyos, ay magiging totoo rin, itataas ang mga hinirang sa alapaap.
Matapos nito, ganap na wawasakin ng Diyos itong mundo sa pagbubuhos ng mga huling salot ng pitong mangkok, dadalhin ang Kaharian ng Diyos dito sa lupa kung saan tayo’y maghaharing kasama si Cristo ng isang libong taon, at pagkatapos ay dadalhin tayo sa Bagong Langit at Lupa kung saan tayo’y maninirahan magpakailan man.
Matapos sabihin kay Juan ukol sa pagdating ng rapture, iniutos ng Diyos na kainin niya ang maliit na aklat at muling manghula. Ang pinakamahalagang aral na dapat ituro ng mga lingkod ng Diyos sa mga hinirang na nabubuhay nitong mga huling araw ay ang kaganapan ng rapture at ang eksaktong oras nito. Dapat nilang ituro ito sa wastong biblikal na paraan. Dapat din nilang ipangaral ng wasto ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Ito ang dapat gawin ng mga lingkod at mga hinirang ng Diyos, na nabubuhay sa mga huling araw. Ipinagkatiwala ng Diyos ang mga gawaing ito sa mga hinirang, gayon ang paghayag ng Kanyang hiwaga sa kanila. Sinabi ng Diyos na hindi maaantala, bagkus ay tutuparin ang Kanyang mga gawa ng walang kabiguan. Kapag dumating ang oras, tutuparin ng Diyos ang lahat.
Sa Kabanata 11, naroon ang dalawang puno ng olibo, ito ang dawalang propeta. Itong dalawang propeta ng Diyos, ay sumisimbulo bilang dalawang puno ng olibo, papatayin ni Anticristo sa kanilang pakikipaglaban sa kanya, nguni’t sila’y bubuhaying muli at isasama sa rapture ng tatlo at kalahating araw. Sa ibang salita, pinakikita ng Diyos sa atin, sa ibang mga pagkakataon, na ang rapture ay magaganap kapag ang mga hinirang ay pinatay sa panahon nitong Anticristo.
Ang ating dapat na malaman antimano na ang mga hinirang ay mabubuhay hanggang sa Matinding Kapighatian, mananatili sa mundong ito hanggang sa unang anim na salot ng pitong trumpeta ay magdaan. At kakalingain ng Diyos ang mga hinirang mula nitong mga salot ng pitong trumpeta—ito’y, kakalingain sila ng Diyos hanggang sa ikaanim na salot, nguni’t sa huli’y papatayin sila ng Anticristo sa taluktok ng kanyang kalupitan habang ginagawa ang kanyang huling pakikibaka laban sa Diyos. Ang kamatayang yayakapin ng mga hinirang sa oras na ito ay ang kamatayang martir. Dahil sila’y mamamatay sa matuwid na kamatayan upang ipagtanggol ang kanilang pananampalataya, tinatawag natin itong “pagmamartir.” Dapat tayong manalig na ang rapture ay magaganap matapos itong pagmamartir, at ipangaral din itong pananalig sa iba.
Maraming tao ang lubos na nalito ukol sa kung ang rapture ay magaganap bago o pagkatapos ng Matinding Kapighatian. Ang mga tao noong unang panahon ay inaakala na si Cristo’y babalik matapos ang Kapighatian, at ang mga hinirang ay kukuhanin paitaas nitong pangalawang pagdating ni Jesus. Nguni’t sa ngayon, karamihan ng mga Kristiyano’y naniniwala na ang rapture ay darating bago ang Matinding Kapighatian. Inaakala nilang wala silang kinalaman sa mga salot ng pitong trumpeta o ng pitong mangkok, at sila’y itataas habang kanilang ginagawa ang kanilang araw-araw, normal at maayos na pamumuhay. Nguni’t hindi tayo dapat padadaya nitong maling aral. Ang mga taong ito’y lubos na nagkakamali sa kanilang kaalaman at unawa ng oras ng rapture; habang ang mga huling araw ay papalapit ng papalapit, ang kanilang pagkabanal ay hihina at ang kanilang pananampalataya’y maglalaho.
Kapag aking sinabi sa inyo na ang rapture ay darating sa kalagitnaan ng Matinding Kapighatian, hindi ko sinasabi ito upang kayo’y maging mga lalong banal. Nais ko lamang na magkaroon kayo ng malinaw na unawa sa oras ng rapture at umalis mula sa maling aral ng pre-tribulation rapture, dahil sa talatang 7 ay detalyeng sinasabi sa atin ng Diyos: “kundi sa mga araw ng tinig ng ikapitong anghel, pagka malapit nang siya’y humihip, kung magkagayo’y ganap na ang hiwaga ng Dios, ayon sa mabubuting balita na kaniyang isinaysay sa kaniyang mga alipin na mga propeta.” Kapag ang mga salot ng pitong mangkok ay nabuhos, di-tulad ng mga naunang salot ng pitong trumpeta, ang mga ito’y isa-isang mabubuhos ng tuloy-tuloy. Tayo na mga hinirang, ay dapat malaman ito.
Sa Apocalipsis 16:1-2 ay sinasabi sa atin, “At narinig ko ang isang malakas na tinig na mula sa santuario, na nagsasabi sa pitong anghel, ‘Humayo kayo, at ibuhos ninyo ang pitong mangkok ng kagalitan ng Dios sa lupa.’ At humayo ang una, at ibinuhos ang kaniyang mangkok sa lupa, at naging sugat na masama at mabigat sa mga taong may tanda ng hayop na yaon, at nangagsisamba sa kaniyang larawan.” Sa pagbuhos ng mga nalalabing mangkok ay susundan nga nitong unang salot, animo’y ang mga salot ay isang automatikong piloto, ang mga pitong anghel ay isa-isang binubuhos ang kanilang mga mangkok, walang trumpetang tumutunog ni anumang bagay. Sa pamamagitan ng pagbuhos ng pitong mangkok, sa ibang salita’y, ganap na wawasakin ng Diyos itong mundo. Bakit? Dahil lahat ng bagay ay matatapos sa pagbuhos ng mga salot ng pitong mangkok, kung saan, lahat ay sama-samang kasama sa salot ng pitong trumpeta.
Kapag ang mga salot ng pitong trumpeta’y binuhos, may mga sandaling pagtigil ng pagbuhos sa pagitan ng naunang salot at sa sumunod, nguni’t sa mga salot ng pitong mangkok, ito’y walang humpay. Dahil itong mga salot ng pitong mangkok ay nilaan para sa huling pagkakataon, matapos ang mga salot ng pitong trumpeta, ito’y sunod-sunod na mabubuhos, kapag ang huling trumpeta’y tumunog, ang mundo’y mababago sa isang buong bagong yugto kung saan lahat ng bagay ay matatapos.
Ito kung bakit naitala sa Apocalipsis 11:15-18: “At humihip ang ikapitong anghel, at nagkaroon ng malalakas na tinig sa langit, at nagsasabi, ‘Ang kaharian ng sanglibutan ay naging sa ating Panginoon, at sa Kaniyang Cristo, at Siya’y maghahari magpakailan kailan man.’ At ang dalawangpu’t apat na matatanda na nakaupo sa kanikaniyang luklukan sa harapan ng Dios ay nangagpatirapa, at nangagsisamba sa Dios, na nagsasabi, ‘Pinasasalamatan ka namin, Oh Panginoong Dios, na Makapangyarihan sa lahat, na Ikaw ngayon, at naging Ikaw nang nakaraan, sapagka’t hinawakan Mo ang Iyong dakilang kapangyarihan, at Ikaw ay naghari. At nangagalit ang mga bansa at dumating ang Iyong poot, at ang panahon ng mga patay upang mangahatulan, at ang panahon ng ganting-pala sa iyong mga alipin na mga propeta, at sa mga banal, at sa mga natatakot sa Iyong pangalan, maliliit at malalaki, at upang ipahamak Mo ang mga nagpapahamak ng lupa.’”
Sinabi rito na kapag ang ikapitong anghel ay pinatunog ang kanyang trumpeta, malalakas na tinig ay maririnig, sinasabing, “Ang kaharian ng sanglibutan ay naging sa ating Panginoon, at sa Kaniyang Cristo, at Siya’y maghahari magpakailan kailan man!” Nguni’t walang binanggit na isang salot. Bakit? Dahil pagdaka’y susundan ng pagtunog ng ikapitong trumpeta at hindi ang ikapitong salot, kundi ng rapture. Bubuhaying muli ng Diyos at iaakyat ang mga hinirang, yaong mga nabubuhay pa sa lupa at yaong mga natutulog, at pagkatapos ng kanilang rapture, Kanyang ibubuhos ang mga salot ng pitong mangkok at ganap na wawasakin ang mundo.
Kung nais nating malaman kung kailan talaga ang kaganapan ng ating rapture, kailangan lamang nating tumingin sa Salita ng Diyos na makikita sa Apocalipsis 10:7. Ang hiwaga ng Diyos ay tiyak na matatapos sa pagkakataong ito, tulad ng Kanyang pinahayag sa Kanyang mga lingkod na mga propeta. Ang hiwaga ng Diyos na tinutukoy dito ay ang rapture—hindi ng sinuman, kundi ng mga hinirang.
Dito, ay pinakikita ko ang iba pang talata para sa inyong malinaw na unawa at wastong pananalig. Muli ay sinasabi ng Biblia, “Narito sinasaysay ko sa inyo ang isang hiwaga: hindi tayong lahat ay mangatutulog, nguni’t tayong lahat ay babaguhin. Sa isang sangdali, sa isang kisap-mata, sa huling pagtunog ng pakakak, sapagka’t tutunog ang pakakak, at ang mga patay ay mangabubuhay na maguli na walang kasiraan, at tayo’y babaguhin. (1 Corinto 15:51-52).” Hindi ba malinaw na sinabi ng Biblia na ang pagbangong-muli ng mga hinirang ay magaganap sa huling trumpeta? Kapag tumunog ang trumpeta, ang mga patay kay Cristo ay ibabangong-muli, at tayo’y babaguhin sa isang sandali upang kuhanin sa rapture.
Ang anghel na lumitaw sa kabanata 11 ay isang dakilang anghel na sinugo ng Diyos, kaiba sa mga ibang anghel na humihip sa unang anim na mga trumpeta. Kung ating titignan itong gagawin ng anghel, siya’y may anyong katulad ng Diyos at pagkakamalang siya’y Diyos: “at ang bahaghari ay nasa kaniyang ulo, at ang kaniyang mukha ay gaya ng araw, at ang kaniyang mga paa ay gaya ng mga haliging apoy. At may isang maliit na aklat na bukas sa kaniyang kamay, at itinungtong ang kaniyang kanang paa sa dagat, at ang kaniyang kaliwa sa lupa. At sumigaw ng malakas na tinig, na gaya ng leon na umaangal, at pagkasigaw niya, ay ang pitong kulog ay umugong. At pagkaugong ng pitong kulog.” 
Pagkakamalan natin itong anghel bilang Diyos, dahil itong dakilang anghel ay gagawin lahat ng mga bagay na gagawin ni Jesu-Cristo, para sa Kanya. Sinasabi nito sa atin na ang Diyos ay gagawin lahat ng mga bagay na ito sa pamamagitan nitong dakilang anghel. Sinasabi sa atin na itong anghel, inilagay ang kanyang paa sa dagat at sa lupa, wawasakin pareho, at kapag dumating ang mga kulog, tatapusin lahat ng nilayon ng Diyos kay Jesu-Cristo mula sa pasimula ng paglikha ng kalawakan at sangkatauhan. 
Sa mga salot ng pitong trumpeta, tayong mga hinirang ay dadaan at mararanasan ang unang anim na mga salot, at tayo’y patuloy na mangangaral ng ebanghelyo hanggang doon. Sinabi ng Diyos kay Juan na kuhanin at kainin ang maliit na aklat at muling manghula, nguni’t itong Salita ay inukol sa iyo at sa akin—ito ang huling araw, dapat tayong magpatuloy sa ating pananalig at mabuhay. Sa pagganap ng ating rapture kapag tumunog ang ikapitong trumpeta, dapat nating kilalanin itong katotohanan ng ating rapture, manangan sa pananampalataya, at makinig sa Salita at ipangaral ang ebanghelyo hangang sa pagdating ng araw na ito.
Hanggang sa pagtunog ng ikapitong trumpeta, ang Anticristo’y aktibo sa kalagitnaan nitong salot, ang mga hinirang ay papatayin, at sa ilang sandali’y ang rapture. Tulad niyaon, maging sa oras na ito, kapag ang pananalig ng maraming mga mananampalataya kay Jesus ay maliligalig sa kalagitnaan nito at mawalan ng sigla, ikaw at ako’y dapat na mabuhay sa pananampalataya. Dapat tayong manalig, sa ibang salita, na ang ating rapture ay darating matapos ang pagtunog ng ikapitong trumpeta, at mamumuhay sa pamamagitan nitong pananampalataya.
Di-maglaon makikita ng ating sariling mga mata ang mga salot ng pitong trumpeta. Ating makikita at mabibilang itong mga salot, mula sa pinakauna at ikaanim, sa ating sariling mga mata. Matapos nito, kapag tayong mga hinirang ay makaramdam na ang oras ng ating pagmamartir ay parating, tayo nga’y papatayin bilang martir. Ito’y hindi isang kuwentong engkanto ni isang likhang-isip. Ni hindi isang bagay na inyong paniniwalaan ni sa inyong sariling kapritso. Ito ang talagang magaganap sa iyo at sa akin.
Sa Apocalipsis 10:7, ang talata na malinaw na nagpapakita ng rapture mula sa Aklat ng Apocalipsis, sinasabi sa atin na ang rapture ng mga hinirang ay darating sa pagtunog ng ikapitong trumpeta, at ang mundo’y magwawakas sa mga salot ng pitong mangkok. Matapos kuhanin paitaas ang mga hinirang, dadalhin ng Diyos ang buong mundo sa kanyang hangganan. Sa rapture ng lahat ng mga hinirang, kanilang pupurihin ang Panginoon sa alapaap. Nguni’t sa mundong ito, ang mga salot ng pitong mangkok ay ibubuhos, ganap na wawasakin ang mundo, at kapag natapos itong mga salot ng pitong mangkok, at mga hinirang ay mananaog sa bagong lupa kasama ang Panginoon. At ang Milenyong Paghahari, ang Kaharian ni Cristo, ay matatayo sa mundong ito.
Karamihan sa mga Kristiyano ngayon ay sumusuporta sa “pre-tribulation rapture,” at iba sa kanila sa ngayon ay tinangkilik maging ang amileniyalismo—na walang Milenyong Paghahari. Kung gayon ang Milenyong Paghahari ay hindi totoo? Marami ang mga nananalig ng gayon sa mga panahong ito. Ang iba sa kanila, na nagmiministeryo sa iba sa mga malalaking iglesia sa Korea, pinahahayag maging lahat ng bagay sa Apocalipsis, mula sa markang 666 hanggang sa rapture, ay hindi tunay kundi simbulo lamang. Tulad ng minsang tinanong ng Panginoon, “kapag dumating ang Anak ng Tao, Kanya nga bang makikita ang pananalig sa lupa?” ay tiyak na napakahirap makakita ng tunay na mananampalataya nitong mga huling araw.
Nguni’t sinabi ng Panginoon sa atin na ang ating rapture ay tunay ngang magaganap. Sa ating rapture, sasalubong tayo sa Panginoon sa alapaap at pupurihin Siya, kukupkupin at aaliwin Niya, at muling babalik dito sa lupa kasama Siya. Sa pagbaba sa Milenyong Paghahari, tayo’y mamumuhay ng bagong buhay sa ating katawang binago at binuhay muli, sa kalagitnaan ng lahat ng bagay na binago, mula sa mga nagbagong buhay tungo sa mga bagong pagpapala. Tayo’y mabubuhay sa gayong luwalhating dinamtan ng Diyos. Ikaw at ako ay dapat mamuhay sa pananampalatayang ito at sa pag-asang ito. At pagkatapos ng Milenyong Paghahari, tayo’y papasok sa Bagong Langit at Lupa, at maghaharing kasama si Cristo magpakailan man sa walang-hanggang karangalan at luwalhati.
Kapag tayo’y pumasok sa Milenyong Paghahari at sa Bagong Langit at Lupa, lahat ng mga anghel ay magiging ating mga lingkod. Sa lahat ng mga espirituwal na nilalang, ang buong mundong nilikha ng Diyos at ni Jesu-Cristo, at lahat ng bagay na kinabibilangan? Lahat sila’y magiging atin. Itong dahilan kung bakit sinabi ng Biblia na ang magmamana ng lahat ay ang mga hinirang. Dahil ikaw at ako ay ang mga hinirang na isinilang na muli dahil sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, tayo ang mga tagapagmana ng Diyos at kasamang tagapagmana ni Cristo, kung saan lahat ng bagay ay mamanahin. Tulad niyaon, ikaw at ako ay dapat magtagumpay sa mga pasakit nitong mundo sa pamamagitan ng pananalig, at magtiyaga sa pagtingin sa araw ng ating mamanahin. Dapat din tayong magkaroon ng pananalig ng pakikidigma tulad ng mga piling tropa ng Diyos.
Sinabi ng Diyos sa atin na lahat nitong mga bagay ay magaganap ng walang pag-antala. Ang mga ito’y tiyak na matutupad sa ilang sandali. Ang iba’y mamamangha kung bakit hindi detalyeng sinabi ng Diyos ito sa atin. Ang kasagutan nitong katanungan ay ang palihim ng mga gawa ng Diyos ay ang Kanyang karunungan (Mga Kawikaan 25:2, Lukas 10:21).
Kung ang layon ng Diyos ay detalyeng isinulat, ito’y magbubunga ng higit na kaguluhan dito sa mundo. Ang mga hinirang kung gayon ay hindi mabubuhay hanggang sa huling araw. Halos lahat ng mga hinirang ay papatayin ng mga di-mananampalataya, at ni isang hinirang ay mabubuhay. Kung bawa’t detalye ng mga huling araw ay naitala sa Biblia, yaong mga di-isinilang na muli sa tubig at Espiritu ay papatayin lahat ang mga mananampalataya. Sa paglihim ng Kanyang mga layon, ihahayag lamang ng Diyos sa mga nararapat, kundi’y ililihim bilang mga hiwaga mula sa iba—ito ang karunungan ng Diyos. Hinayag ng Diyos ang Kanyang layon at tinulot tayo na malaman ito, dahil ito nga’y kailangan ng mga hinirang sa panahong ito.
Na ang isinilang na muling iglesia ng Diyos ngayon ay detalyeng nagsasabi ng mga huling araw ay nalalapit na sa atin. Dahil ang panahon ng Kapighatian ay napipinto, ang Salita ng Apocalipsis ay pinangangaral upang ang mga hinirang ay magkaroon ng wastong kaalaman sa mga huling araw upang magtiyaga at magtagumpay nitong nalalapit na Kapighatian. Maging ang isinilang na muli, kung sila’y mahaharap sa Kapighatian ng walang nalalaman, ay di alam kung anong gagawin at malalagay sa malaking kalituhan pagdating ng Kapighatian. Itong kalituhan ay higit na lalawak para sa mga nagtitiwala sa kanilang sariling pananalig.
Maipapalagay natin na maraming mga kaluluwa ang hindi handa, dahil sa kanilang walang-kaalaman at kalituhan, ay simulang malilihis kapag ang huling araw ay dumating. “Sinabi ba sa iyo ng Diyos?” “Hindi ba Siya nagbigay ng isang pangitain habang ika’y nagdarasal?” Marami ang mababalisa sa paghanap ng pangitain mula sa Diyos, at maraming aangkin na sila’y nakakita ng pangitain sa mga huling araw. “Wala bang sinabi sa iyo ang Diyos nang ika’y nagdasal?” Kung ang mga hinirang ay mananatiling mangmang, ito ang magiging halos na karaniwang tanong sa mga hinirang sa huling araw.
Nguni’t ang Diyos ay di-kumikilos sa gayong paraan, dahil Kanya na ngang iniutos sa atin, “Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia.” Ang mga hinirang ay dapat makinig lamang sa sinasabi ng Banal na Espiritu sa pamamagitan ng mga iglesia. Dahil ang Banal na Espiritu, ang gumagarantiya ng Salita ng Diyos, pinatotoo lamang ang tunay at wasto, kapag ang mga salot ay pinatunog sa pagdating ng wakas ng mundo, tayong mga hinirang ay di-mabibigla sa mga darating na kapighatian, bagkus ay mamumuhay sa pamamagitan ng pananampalataya—dahil narinig na natin ang Salita ng katotohanan at naunang inukit na ito sa ating mga puso sa pananampalataya.
Itong dahilan inihayag ni Juan sa atin ang mangyayari sa hinaharap, at kung bakit ang mga hinirang ng Diyos ay pinangangaral ang katotohanan sa mga saklaw nitong Salitang nakasulat. Ang paghula ay walang iba kundi itong pag-alam at pangangaral ng magaganap mula sa Salita ng Diyos; inaangking nakakita ng mga pangitain sa mga panaginip o mga dasal ay hindi ito!
Huwag kalimutan na ang ating rapture ay mangyayari nga, at tayo ang mga hinirang ng Diyos. Ni huwag kalimutan na ika’y naging isang hinirang, na makakasama ni Cristo sa alapaap kapag dumating ang rapture, na bababang muli sa bagong lupa at mamuhay ng isang libong taon, at maninirahan sa Bagong Langit at Lupa magpakailan man. Kung makaririnig ka sa mga tao ukol sa “pre-tribulation rapture” or “post-tribulation rapture,” o umaangkin na walang Milenyong Paghahari, sabihin sa kanila ang katotohanan sa pamamagitan ng mga talatang ating tinalakay dito. Ipakita mo rin sa kanila ang 1 Tesalonica 4 at 1 Corinto 15, at sabihin sa kanila na ang Panginoon ay mananaog sa tinig ng isang arkanghel at sa pagtunog ng huling trumpeta, at itataas ang mga hinirang sa alapaap upang makasama Niya. Kung mananalig ka lamang dito sa rapture iyong maipagtatanggol ang iyong pananalig.
Upang masama sa rapture, kailangang magkaroon ng pagmamartir ng pananampalataya at ang buhaying muli ang katawan. Dahil ang rapture ay magaganap kasabay ng pagkabuhay muli, kapag tayo’y binangong muli, tayo’y isasama sa rapture paitaas ng alapaap. Ang rapture at pagkabuhay muli, samakatuwid, ay iisa. Ang maging kabilang sa unang pagkabuhay na muli ay nangangahulugang mamumuhay kasama ang Panginoon sa Milenyong Paghahari. Ang rapture din ay nangangahulugang mamumuhay kasama ang Panginoon ng isang libong taon dito sa lupa.
Bakit kung gayon mayroong rapture? Dahil wawasakin ng Diyos lahat nitong mundo sa pagbuhos ng mga salot ng pitong mangkok—Kanya munang kukuhanin sa rapture ang mga hinirang upang iligtas ang Kanyang mga anak mula nitong mga salot ng pagwawakas. Upang ihiwalay ang mga hinirang sa mga makasalanan, at upang ipakita ang kanilang iba-ibang mga hantungan, kukuhanin Niya ang mga hinirang sa rapture. Tulad niyaon, dapat tayong manalig nitong lahat ng bagay—sa ating rapture, sa ating pagkabuhay na muli, sa ating pagmamartir.
Sa iba, ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay detalyeng inihayag, sa iba naman, ito’y nanatiling lihim. Gayon din, ang pagmamartir ng mga hinirang, pagkabuhay na muli, rapture, at kanilang paghahari sa Milenyong Paghahari at ang Bagong Langit at Lupa lahat ay mga lihim ng Diyos. At sa pamamagitan ng pagpapanalig nila sa mga lihim na ito Kanyang tinulot na sila’y mamuhay sa mga huling araw at magtagumpay sa lahat ng mga pasakit sa pamamagitan ng kanilang pag-asam sa rapture at sa Kaharian ng Langit.
Ikaw at ako’y dapat na magkaroon nitong uri ng pananalig. Kung wala itong uri ng pananalig—ito ay, kung walang pananalig na tayo’y kukuhanin sa rapture, na tayo’y mamumuhay sa Bagong Langit at Lupa, na ang Panginoon ay iaahon tayo mula sa kamatayan kapag tayo’y kinatay ni Anticristo, itataas sa rapture, itinulot tayong manahan sa alapaap, at pagkatapos ay magbabalik tayo dito sa lupa upang magharing kasama Siya ng isang libong taon—hindi tayo makatitiis sa mga kahirapan at lumbay ng buhay sa huling panahong ito.
Ang mga hinirang ay may magandang pangarap, at walang iba kundi ang Panginoon ang makatutugon nitong pangarap. Kung wala itong pag-asa, tayo’y malulungkot at maghihirap dito sa mundong nakalulumbay.
Sinabi ni Pablo kay Timoteo na ingatan ang magandang bagay na pinagkatiwala sa kanya. Itong ebanghelyo’y mabuti; maging ang ating pagmamartir, pagkabuhay na muli at rapture; at maging ang mamuhay sa Milenyong Paghahari at ang Bagong Langit at Lupa. Lahat ng mga ito’y mabuti at magagandang bagay. Ang mga ito’y kabilang sa mga hinirang, at ito’y mga nababatid na pananalig at pag-asa, hindi mga haka-haka at mga guni-guni. Ito ang ating mga pag-asa at pananampalatayang bigay ng Panginoon. Sa pananalig sa lahat ng mga ito, dapat tayong mamuhay sa panahong ito na may pag-asa para sa araw na dumating ang Milenyong Paghahari at ang Bagong Langit at Lupa sa atin.
Yaong masasama sa rapture ay walang iba kundi ikaw at ako. Dapat tayong mabuhay sa pamamagitan ng pananalig, maghintay sa araw na tayo’y kuhanin upang humarap sa Panginoon at maghari sa Milenyong Paghahari at sa Bagong Langit at Lupa.
Sinabi ng Diyos sa atin na ang Siyang darating ay malapit ng dumating. Ang mga salot na darating sa unang pangalawang bahagi ng pitong taong Matinding Kapighatian ay katamtaman at panandalian lang. Kung ang mga salot ay magpatuloy hanggang sa pitong taon ng Matinding Kapighatian, sino ang makababata ng mga ito? Ang mga naunang salot ay maikli, at habang ang panahon ay nalalapit sa huling hangganan, marami pa ang makikita. Kapag ang salot ng ikapitong trumpeta’y dumating, ito’y mararating ang kagila-gilalas na yugto.
Kapag tinangkang tigatigin ni Satanas ang pananampalataya ng mga hinirang, siya’y gagawa ng halimbawa ng pagpatay ng iilang mga guro ng iglesia. Maaaring sabihin ni Satanas, “Hahayaan kitang mabuhay kung itatakwil mo ang Diyos!” Kahit pa ang mundo’y maging mabuti, magdadalawang-isip ang sinuman sa alok ni Satanas. Sinong nasa tamang isip, kung gayon, ang magtatakwil sa Panginoon gayong nalalaman niyang lubos na ang Panginoon at ibubuhos ang mga salot ng pitong mangkok, at siya’y dadaan sa lahat ng mga paghihirap dulot nitong mga salot? Ang mga hinirang na batid ang katapusan ng mundo ay hindi itatakwil ang Panginoon ni pagkakanulo ang kanilang pananampalataya. Gayon din, dahil sa ating mga puso ay naroon ang Banal na Espiritu, bibigyan Niya tayo ng tapang.
Dahil lahat ng mga plano ng Diyos ay dagling matutupad sa mga huling araw, wala ng lugar para mayamot. Kapag natapos ang panandaliang mga salot, magkakaroon ng pagkabuhay na muli, at matapos nito ay ang rapture, na magtatangay sa atin paitaas sa alapaap. Isipin mo na ang ating mga katawang laman ay magiging mga katawang espirituwal, pinupuri ang Panginoon. Sa Kaharian ng Diyos, magagalak tayo sa isang kakaibang mundo, maganda at maringal, mga bagay na hindi pa natin nararanasan sa mundong ito. Bilang mga espirituwal na katawan na malaya mula sa mga limitasyon ng oras at espasyo, tayo’y mamumuhay sa isang kahanga-hanga at kamangha-manghang daigdig na mararating saan man naisin.
Binibigay ko ang tunay na pasasalamat sa Diyos sa pagbibigay sa akin ng gayong dakilang mga pagpapala. Nagpapasalamat ako sa Diyos sa detalyeng paghahayag sa akin, sa pamamagitan ng Kanyang Salita, ang Matinding Kapighatian, mga salot, ating pagmamartir, pagkabuhay na muli at rapture. At dalangin ko na ang ating mga puso’y laging mabuhay sa pag-aalam nitong huling panahon at manalig   dito.