• All e-books and audiobooks on The New Life Mission website are free
  • Explore multilingual sermons in global languages
  • Two new revised editions in English have been released
  • Check out our website translated into 27 languages
Search

Sermons

Paksa 10: Ang Pahayag (Mga Komento sa Pahayag)

[Kabanata 11-1] Sino ang Dalawang Puno ng Olibo at ang Dalawang Propeta? (Apocalipsis 11:1-19)

(Apocalipsis 11:1-19)
“At binigyan ako ng isang tambong katulad ng isang panukat, at may isang nagsabi, ‘Magtindig ka, at sukatin mo ang templo ng Dios, at ang dambana, at ang mga sumasamba doon. At ang loobang nasa labas ng templo ay pabayaan mo, at huwag mong sukatin, sapagka’t ibinigay sa mga bansa, at kanilang yuyurakang apat na pu’t dalawang buwan ang banal na siudad. At may ipagkakaloob ako sa aking dalawang saksi, at sila’y magsisipanghulang isang libo at dalawang daan at anim na pung araw, na nararamtan ng magagaspang na kayo.’ Ang mga ito’y ang dalawang punong olibo at ang dalawang kandelero, na nangakatayo sa harapan ng Panginoon ng lupa. At kung nasain ng sinoman na sila’y ipahamak, ay apoy ang lumalabas sa kanilang bibig, at lumalamon sa kanilang mga kaaway, at kung nasain ng sinoman na sila’y ipahamak ay kailangan ang mamatay sa ganitong paraan. Ang mga ito’y may kapangyarihang magsara ng langit, upang huwag umulan sa loob ng mga araw na kanilang hula, at may kapangyarihan sila sa mga tubig na mapaging dugo, at mapahiran ang lupa ng bawa’t salot sa tuwing kanilang nasain. At pagka natapos nila ang kanilang patotoo, ang hayop na umahon mula sa kalaliman ay babaka sa kanila, at pagtatagumpayan sila, at sila’y papatayin. At ang kanilang mga bangkay ay nasa lansangan ng malaking bayan, na ayon sa espiritu ay tinatawag na Sodoma at Egipto, na doon din naman ipinako sa krus ang Panginoon nila. At ang mga tao mula sa gitna ng mga bayan at mga angkan at mga wika at mga bansa, ay nanonood sa kanilang mga bangkay na tatlong araw at kalahati, at hindi itutulot na ang kanilang mga bangkay ay malibing. At ang mga nananahan sa ibabaw ng lupa ay mangagagalak tungkol sa kanila, at mangatutuwa, at sila’y mangagpapadalahan ng mga kaloob, sapagka’t ang dalawang propetang ito ay nagpahirap sa nangananahan sa ibabaw ng lupa. At pagkatapos ng tatlong araw at kalahati, ang hininga ng buhay na mula sa Dios ay pumasok sa kanila, at sila’y nangagsitindig, at dinatnan ng malaking takot ang mga nakakita sa kanila. At narinig nila ang isang malakas na tinig na nagsasabi sa kanila, ‘Umakyat kayo rito.’ At sila’y umakyat sa langit sa isang alapaap, at pinagmasdan sila ng kanilang mga kaaway. At nang oras na yaon ay nagkaroon ng isang malakas na lindol, at nagiba ang ikasampung bahagi ng bayan, at may nangamatay sa lindol na pitong libo katao, at ang mga iba ay nangatatakot, at nangabigay ng kaluwalhatian sa Dios ng langit. Nakaraan na ang ikalawang Pagkaaba, narito, nagmamadaling dumarating ang ikatlong Pagkaaba. At humihip ang ikapitong anghel, at nagkaroon ng malalakas na tinig sa langit, at nagsasabi, ‘Ang kaharian ng sanglibutan ay naging sa ating Panginoon, at sa Kaniyang Cristo, at Siya’y maghahari magpakailan kailan man.’ At ang dalawangpu’t apat na matatanda na nakaupo sa kanikaniyang luklukan sa harapan ng Dios ay nangagpatirapa, at nangagsisamba sa Dios, na nagsasabi, ‘Pinasasalamatan Ka namin, Oh Panginoong Dios, na Makapangyarihan sa lahat, na Ikaw ngayon, at naging Ikaw nang nakaraan, sapagka’t hinawakan Mo ang Iyong dakilang kapangyarihan, at Ikaw ay naghari. At nangagalit ang mga bansa, at dumating ang Iyong poot, at ang panahon ng mga patay upang mangahatulan, at ang panahon ng pagbibigay Mo ng ganting-pala sa Iyong mga alipin na mga propeta, at sa mga banal, at sa mga natatakot sa Iyong pangalan, maliliit at malalaki, at upang ipahamak Mo ang mga nagpapahamak ng lupa.’ At nabuksan ang templo ng Dios na nasa langit, at nakita sa Kaniyang templo ang kaban ng Kaniyang tipan, at nagkaroon ng mga kidlat, at mga tinig, at mga kulog, at isang lindol, at malaking granizo.”
 
 
Ang Salita ng Apocalipsis 11 ay lubos na mahalaga sa atin, gayon din lahat ng Salita ng Diyos. Upang wasakin ang mundo, mayroong kritikal na gawain ang Diyos na kailangan munang gawin. Ito ang pag-ani ng bayan ng Israel sa huling pagkakataon. Ang Diyos ay mayroon ding ibang dapat na gawin para sa mga Israelita at mga Gentil, at ito ay upang isama sila sa unang pagkabuhay na muli at sa rapture sa pamamagitan ng pagmamartir sa kanila.
Tulad ng pagdulot ng Biblia ng pangkalahatang salaysay ng mga paksang ito, kailangan nating malaman kung paano natupad sa Bagong Tipan ang pagpapatawad ng Diyos para sa ikaliligtas. Ang Banal na Kasulatan ay nagsasabi sa atin nitong mga paksa dahil kung hindi natin susuriing mabuti, tayo’y malilito ukol sa mga mga hinirang, ang mga lingkod ng Diyos, at ang bayan ng Israel na makikita sa Aklat ng Apocalipsis.
 
 
Masusing Kapaliwanagan ng Kasulatan
 
Talatang 1: At binigyan ako ng isang tambong katulad ng isang panukat, at may isang nagsabi, “Magtindig ka, at sukatin mo ang templo ng Dios, at ang dambana, at ang mga sumasamba doon.”
Dito’y sinasabi sa atin na ang gawaing pagliligtas sa mga Israelita mula sa kasalanan sa pamamagitan ng biyaya ng Diyos ngayon nga’y itinakdang magsimula. Ang “Sukatin” dito’y nagsasabi na ang Diyos ay mamamagitan upang iligtas ang bayan ng Israel sa kanilang mga kasalanan sa huling araw.
Sa pangunahing talata ng kabanata 11, dapat tayong magtuon sa kaligtasan ng mga Israelita mula sa kasalanan. Sinasabi ng Salita sa atin na ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay palalawigin sa bayan ng Israel mula niyaon, nangangahulugang simula ng gawain ng Diyos upang maging bayan ng Diyos ang mga Israelita na niligtas mula sa lahat ng kanilang kasalanan sa pamamagitan ng biyaya ng kaligtasang bigay ni Jesu-Cristo. Naitala ng Diyos sa Apocalipsis 11 upang ibigay din ang Kanyang pagpapatawad sa kasalanan sa mga Israelita sa mga huling araw. Ang “panukat” sa talatang 1 at 2 ay ang pagtatalaga ng panuntunan para sa lahat ng mga bagay. Ang layon ng Diyos sa pagsukat ng Kanyang templo ay upang malaman, yamang nilayon na iligtas ang mga Israelita, natanggap man nila o hindi ang kanilang kaligtasan. At kung ang kanilang mga puso’y hindi handa, kung gayon ipahahanda sa kanila, upang ang kanilang mga puso’y maging matuwid.
 
Talatang 2: At ang loobang nasa labas ng templo ay pabayaan mo, at huwag mong sukatin, sapagka’t ibinigay sa mga bansa, at kanilang yuyurakang apat na pu’t dalawang buwan ang banal na siudad.
Binigyan ng Diyos si Satanas na yurakan ang mga Gentil ng tatlo at kalahating taon. Samakatuwid, lahat ng mga Gentil ay dapat tanggapin sa kanilang mga puso ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, ang Salita ng pagtubos, kaagad sa loob ng unang tatlo at kalahating taon ng pitong taong Matinding Kapighatian. Ang kasaysayan nitong mundo’y matatapos sa kalagitnaan ng Matinding Kapighatian at dumating sa huling kalahati. Di-maglaon, ang oras ay darating sa nalalapit na bukas na ang lahat ng mga Gentil, gayon din ang mga hinirang na naligtas sa lahat nilang kasalanan, ay yuyurakan ni Satanas.
Ang mga Gentil sa gayo’y dapat na tanggapin ang kapatawaran ng kanilang mga kasalanan at ihanda ang kanilang pananampalataya sa pagmamartir bago dumaan ang unang tatlo at kalahating taon ng Kapighatian sa kanila. Sa panahong ito, ang bayan ng Israel ay maghihirap din sa ilalim ng nakatatakot na Kapighatian sa unang tatlo at kalahating taon. Nguni’t tatanggapin din nila ang katotohanan na si Jesus ay ang kanilang Tagapagligtas sa oras na ito. Sa huli, ang bayan ng Israel ay tatanggapin ang kanilang kaligtasan mula sa lahat ng kanilang kasalanan sa unang tatlo at kalahating taon ng Matinding Kapighatian. Dapat nating mabatid na itutulot ng Diyos ang pagpapatawad ng kasalanan sa mga Israelita sa panahon ng Matinding Kapighatian.
 
Talatang 3: At may ipagkakaloob ako sa aking dalawang saksi, at sila’y magsisipanghulang isang libo at dalawang daan at anim na pung araw, na nararamtan ng magagaspang na kayo.
Espesyal na isusugo ng Diyos ang dalawang saksi bilang Kanyang mga lingkod para sa bayan ng Israel. Ang dalawang propetang ibibigay ng Diyos para sa mga Israelita ay ibibigay ng dalawang beses bilang dakilang kapangyarihan tulad ng mga naunang propeta, at sa pamamagitan ng mga salita ng kanilang patotoo, ang Diyos ay magsisimulang kikilos sa bayan ng Israel upang kanilang tanggapin si Jesus bilang kanilang Tagapagligtas. Sa pamamagitan ng mga gawa nitong dalawang propeta, maraming mga Israelita ang tunay na masisilang na muli sa bayan ng Diyos.
Sa pagkakaroon ng dalawang propeta, na isusugo ng Diyos sa mga huling araw upang iligtas ang mga Israelita sa kanilang mga kasalanan, gagawa ng mga himala at mga kababalaghan, pababalikin Niya ang mga Israelita kay Cristo at manalig sa Kanya bilang kanilang Tagapagligtas sa pamamagitan nitong mga propeta. Itong dalawang propeta ay pakakanin ng Salita ng Diyos ang bayan ng Israel sa loob ng 1,260 araw sa unang tatlo at kalahating taon ng Kapighatian. Sa pagbibigay ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu sa mga Israelita at gagawing manalig sila, itutulot ng Diyos ang gayon ding kaligtasan sa mga Gentil noong panahon ng Bagong Tipan mula sa lahat ng kanilang kasalanan sa pamamagitan ng pananalig.
 
Talatang 4: Ang mga ito’y ang dalawang punong olibo at ang dalawang kandelero, na nangakatayo sa harapan ng Panginoon ng lupa.
Ang “dalawang puno ng oblibo” ay tumutukoy sa dalawang propeta ng Diyos (Apocalipsis 11:10). Ang “dalawang kandelero,” sa kabilang dako’y, tumutukoy sa Iglesia ng Diyos na Kanyang tinalaga sa mga Gentil, at ang Iglesia na Kanyang tinulot sa bayan ng Israel. Tinatag ng Diyos ang Kanyang Iglesia para sa mga Judio at sa ating mga Gentil, at Siya’y patuloy na tutupdin ang Kanyang gawa sa pagliligtas ng mga kaluluwa mula sa kasalanan hanggang sa pinakahuling araw.
Sa pamamagitan ng “dalawang punong olibo” at “dalawang kandelero,” sinasabi ng Diyos sa atin na tulad ng pagsugo Niya ng Kanyang mga propeta sa panahon ng Lumang Tipan upang iligtas ang mga Israelita mula sa kanilang mga kasalanan at kumilos sa pamamagitan nitong mga propeta sa pagwiwika sa kanila, sa pagating ng mga huling araw, Kanya ring isusugo mula sa bayan ng Israel ang dalawang propetang mangangaral ng Kanyang Salita, at aakayin ang mga Israelita kay Jesus sa pamamagitan nitong mga propeta.
Ang mga Israelita’y nabigong kilalaning mabuti ang mga lingkod ng Diyos na nagmula sa mga Gentil, at hindi sila nakikinig sa mga sinasabi nitong mga lingkod ng Diyos. Nalalaman nilang lahat ukol sa pamamaraan ng paghahandog at ang mga hula ng Lumang Tipan, ang mga propeta sa huling araw ay kailangang magmula sa kanilang sariling bayan ng Israel. Ang mga Israelita’y bihasa sa Kasulatan na maaari nilang isalaysay ang buong Torah maging sa kanilang pagtakbo. Itong dahilan kung bakit kailanma’y hindi sila naniniwala sa sinasabi ng mga Gentil na lingkod ng Diyos.
Nguni’t ang mga lingkod ng Diyos, sa pakikinig ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu na iyo at aking pinangangaral, ay magmumula sa kanilang sariling bayan. Kapag ang mga mananampalataya sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay magmula sa kanila, at sa kanila magmumula ang dalawang propetang tinalaga ng Diyos na magpapaliwanag at mangangaral ng Salita ng Diyos sa kanila, sa gayon lamang mananalig ang mga Israelita.
Malalaman ng bayan ng Israel na itong dalawang saksi ay ang mga propetang sinugo ng Diyos mismo upang iligtas sila mula sa kanilang mga kasalanan sa mga huling araw. Ang mga Israelitang ito’y gagawin ang kanilang kapangyarihan, tulad ng mga lingkod ng Diyos sa Lumang Tipan, lubos na nalalaman at pinaniniwalaan na kanilang ginawa. Makikita ng mga Israelita kung gayon ang makapangyarihang kababalaghang gagawin ng dalawang propeta. Mula rito, ang bayan ng Israel ay magbabalik kay Jesu-Cristo at manalig sa Panginoon. Kapag kanilang kinilala si Jesu-Cristo bilang Anak ng Diyos at kanilang Tagapagligtas, tulad natin, makakamit nila ang gayon ding pananalig tulad ng sa atin—ito ay, ikaw din, ay maliligtas sa pananalig ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu.
Itong dalawang saksi ang magpapaliwanag ng Salita ng Diyos at pakakanin sa bayan ng Israel sa loob ng 1,260 na araw sa Matinding Kapighatian ng pitong taon. Tulad mo at ako, na mga Gentil sa panahon ng Bagong Tipan, ay naligtas dahil sa pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, itutulot din ng Diyos na maligtas ang mga Israelita sa mga huling araw dahil sa pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu.
Tulad ng sinabi ng talatang 4 sa atin, “ang mga ito’y ang dalawang punong olibo at ang dalawang kandelero, na nangakatayo sa harapan ng Panginoon ng lupa,” tinatawag ng Biblia itong dalawang saksi bilang “dalawang puno ng olibo.” Ang dalawang puno ng olibo ay tumukoy sa dalawang propeta ng mga huling araw. Nasusulat sa talatang 10, “At ang mga nananahan sa ibabaw ng lupa ay mangagagalak tungkol sa kanila, at mangatutuwa, at sila’y mangagpapadalahan ng mga kaloob, sapagka’t ang dalawang propetang ito ay nagpahirap sa nangananahan sa ibabaw ng lupa.” Dito’y kailangan nating lutasin ang Salita sa pagtuon kung sino ang dalawang puno ng olibo.
Ang dalawang puno ng olibo’y ginamit sa panahon ng Lumang Tipan upang pabanalin ang mga kagamitan ng santuario at ang dambana ng Templo ng Diyos sa pamamagitan ng pagpahid sa kanila ng langis. Itong langis ng olibo ay ginamit din sa ibang layunin, tulad ng pagpapa-ilaw ng mga kandelero ng Templo. Kailangan lang nilang gamitin ang purong langis ng olibo sa Templo. Hindi itinulot ng Diyos ang anumang langis upang gamitin sa Kanyang Templo, nguni’t Kanyang tiniyak na tanging langis ng olibo ang gagamitin. Sa gayon, kailangan nating malaman na ang puno ng olibo, gayon din ang puno ng igos, kumakatawan sa bayan ng Israel.
Maraming pakahulugan itong dalawang puno ng olibo at dalawang kandelero. Ang ibang tao’y umaangkin na sila mismo’y mga puno ng olibo. Nguni’t ang dalawang puno ng olibo ay tumutukoy sa mga pinahiran ng langis. Sa panahon ng Lumang Tipan, ang tao’y pinapahiran ng langis kapag sila’y tinalaga bilang isang propeta, hari o isang saserdote. Kapag siya’y pinahiran nga ng langis, mananahan ang Banal na Espiritu sa kanya. Tulad niyaon, ang puno ng olibo ay tumutukoy ka Jesu-Cristo na pinaglihi ng Banal na Espiritu (Roma 11:24). Nguni’t maraming tao ang may maling unawa dito sa puntong ito.
Gayun pa man, ang dalawang puno ng olibo, sila na dalawang saksi na binanggit sa buong pangunahing salaysay, tumutukoy sa dalawang lingkod ng Diyos na Kanyang isusugo sa mga huling araw para sa kaligtasan ng mga Israelita.
Ito ang sinasabi ng talatang 4 sa atin. At ang dalawang kandelero rito ay tumutukoy sa Iglesia ng Diyos na Kanyang pinahintulot sa mga Gentil, at ang Iglesia’y tinulot sa bayan ng Israel. Sa panahon ng Lumang Tipan, ang mga Israelita’y taglay noong una pa ang Iglesia ng Diyos. Nguni’t mula sa panahon ng Bagong Tipan, hindi na nila taglay itong Iglesia ng Diyos. Bakit? Dahil hindi pa nila nakikilala si Jesu-Cristo, at hindi nila taglay din ang Banal na Espiritu sa kanilang puso.
Dahil sa hindi nila pagtanggap sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritung binigay ni Jesus, hindi na nila masusumpungan ang Iglesia ng Diyos. Subali’t, bago ang wakas ng mundo, sa oras ng unang tatlo at kalahating taon Matinding Kapighatian, itutulot ng Diyos ang Kanyang Iglesia sa bayan ng Israel. Ito ay kung bakit sinabi ng Biblia ang ukol sa dalawang puno ng olibo, ang dalawang saksi.
Itatatag ng Panginoon ang Kanyang Iglesia at gagawin ang Kanyang pagliligtas sa mga kaluluwa ng mga Judio at sa ating mga Gentil. At sa pamamagitan nitong mga iglesia, Kanyang papaglikuran sila sa espirituwal na gawaing pagliligtas sa mga kaluluwa sa kasalanan hanggang sa paglitaw ng Anticristo. Ito’y nangangahulugan na gagawa ang Diyos ng sisidlan mula sa mga hinirang, ang mga miyembro ng Kanyang Iglesia, upang papaglingkuran sila sa ministeryo ng pagligtas sa mga kaluluwa. Samakatuwid taimtim nating tupdin ang ating nalalabing ministeryo sa pananampalataya.
 
Talatang 5: At kung nasain ng sinoman na sila’y ipahamak, ay apoy ang lumalabas sa kanilang bibig, at lumalamon sa kanilang mga kaaway, at kung nasain ng sinoman na sila’y ipahamak ay kailangan ang mamatay sa ganitong paraan.
Binigay ng Diyos itong kapangyarihan sa dalawang propeta upang kanilang masunod ang kanilang espesyal na misyon. Upang papagsisihin ang bayan ng Israel at magtagumpay kay Satanas sa huling araw, pinakita ng Diyos sa atin na sinuman ang magtangkang patayin ang dalawang saksi ay sila mismo ang mapapahamak, at ang kapangyarihan ng Kanyang Salita ay kasama nitong dalawang saksi.
Tulad niyaon, ang bayan ng Israel, sa pananalig sa mga aral nitong dalawang propeta, ay magbabalik kay Jesu-Cristo. Ito kung bakit pinayagan ng Diyos ang dalawang olibo—ito ay, ang dalawang saksi—sa mga Israelita, upang sila’y maligtas mula sa kanilang kasalanan sa panahon ng mga huling araw.
Talatang 6: Ang mga ito’y may kapangyarihang magsara ng langit, upang huwag umulan sa loob ng mga araw na kanilang hula, at may kapangyarihan sila sa mga tubig na mapaging dugo, at mapahiran ang lupa ng bawa’t salot sa tuwing kanilang nasain. 
Dahil ang bayan ng Israel ay di-magsisisi maliban ang mga lingkod ng Diyos na Kanyang sinugo ay di-gagawin itong mga makapangyarihang gawain, itutulot ng Diyos ang dalawang saksi na gumawa sa pamamagitan ng Kanyang kapangyarihan. Hindi lamang aakayin ng dalawang propeta ang mga Israelita kay Jesus, magtatagumpay din sila sa mga kaaway ng Diyos na may kapangyarihan at tuparin lahat ng mga gawain ng kanilang pagtawag. Ibibigay ng Diyos sa kanila ang espesyal na kapangyarihan upang maipangaral nila lahat ng Salita ng hula sa bayan ng Israel, ipatotoo na si Jesu-Cristo ay ang kanilang pinakahihintay na Mesias, at sila’y papagsampalatayanin.
 
Talatang 7: At pagka natapos nila ang kanilang patotoo, ang hayop na umahon mula sa kalaliman ay babaka sa kanila, at pagtatagumpayan sila, at sila’y papatayin.
Sinasabi nitong Salita sa atin na ang Anticristo ay lilitaw dito sa mundo pagkalipas ng unang tatlo at kalahating taon ng pitong taong Matinding Kapighatian. Sa panahong ito ang mga nananalig kay Jesu-Cristo bilang kanilang hinihintay na Mesias ay magmumula sa bayan ng Israel. Nguni’t marami ang mamamatay sa pagtatanggol ng kanilang pananampalataya laban sa Halimaw, na siyang Anticristo, at kanyang mga tagasunod. Ang dalawang propeta ng Diyos ay papatayin din kapag kanilang natapos ang kanilang mga gawain.
Na itong dalawang saksi ay papatayin ng Anticristo ayon sa kalooban ng Diyos. Bakit? Dahil nais din ng Diyos na ibigay sa kanila ang Kanyang gantimpala para sa mga martir. Itong gantimpala’y para sa kanila na sumama sa unang pagkabuhay na muli, sumalo sa Panginoon sa kasalang piging ng Cordero, magpakailan man na magagalak, at tanggapin ang buhay na walang-hanggan. Upang igawad itong pagpapala sa lahat ng mga hinirang, nais ng Diyos silang maging martir dahil sa kanilang pananampalataya. Lahat ng mga hinirang sa gayon, ay dapat huwag matakot ni umiwas sa pagmamartir, nguni’t sa halip ay yakapin ito na may pasang-ayon sa pananampalataya at kamtan ang kanilang gantimpala.
 
Talatang 8: At ang kanilang mga bangkay ay nasa lansangan ng malaking bayan, na ayon sa espiritu ay tinatawag na Sodoma at Egipto, na doon din naman ipinako sa krus ang Panginoon nila. 
Sinasabi ng talatang ito sa atin na ang “dalawang saksi” ay mula nga sa bayan ng Israel. Ang dalawang lingkod na isusugo ng Diyos mula sa mga Israelita ay di mula sa mga Gentil, nguni’t mula sa kanilang bayang Israel. Sa gayon, ang dalawang saksi ay mamamatay din kung saang dako pinako si Jesus. Itong katotohana’y malinaw na sinasabi sa atin na itong dalawang saksi ay mga Israelita. Para sa bayan ng Israel, sila ang mga lingkod ng Diyos.
Sa bayan ng Israel, sa espirituwal ay katulad ng Sodoma at Ehipto, itataguyod ng Diyos ang Kanyang dalawang propeta, bibigyan ng kapangyarihan, at kanilang isasaksi na si Jesus ay ang Mesias na hinihintay ng mga Israelita, upang ang bayan ng Israel ay mangagsisi at manalig kay Jesus.
Ang Anticristo’y papatayin ang dalawang lingkod ng Diyos sa dako ng Golgota, kung saan si Jesus ay pinako. Dahil ang mga tagasunod ni Satanas ay mga masasamang espiritu, kamumuhian nila itong dalawang saksi hanggang kamatayan dahil sa pananalig kay Jesus at sa pagpapatotoo sa Kanya. Noon tulad ng mga kawal ng Roma na nagpako kay Jesus at sinibat ang Kanyang tagiliran ng isang tabak, yaong may mga masamang espiritu’y kamumuhian hindi lamang si Jesus, kundi maging ang dalawang saksi ng Diyos at papatayin nila.
 
Talatang 9: At ang mga tao mula sa gitna ng mga bayan at mga angkan at mga wika at mga bansa, ay nanonood sa kanilang mga bangkay na tatlong araw at kalahati, at hindi itutulot na ang kanilang mga bangkay ay malibing.
Mula rin sa bayan ng Israel, may mga hindi mananalig kay Jesu-Cristo bilang kanilang Tagapagligtas. Makikita nila ang kamatayan ng dalawang lingkod (dalawang puno ng olibo), ang mga ito’y mamamangha sa kanilang tagumpay, at upang palawigin itong nakamit na tagumpay, ni hindi nila ibibigay sa mga bangkay ang wastong paglilibing. Nguni’t ang kanilang tagumpay ay mawawasak kapag binuhay muli ng Diyos itong “dalawang saksi,” at sa gayon sila’y matatakot sa Diyos. 
Maaaring babatiin nila ang kanilang mga sarili sa kamatayan ng dalawang lingkod ng Diyos, nguni’t ito’y di-magtatagal, dahil di-maglao’y malalaman nila na ang Anticristo’y di-papantay kay Jesu-Cristo—kabiguan at kawalan ang gagapi sa kanila.
Itong mga tao’y ayaw sa Salita ng hula ng Diyos na pinangaral ng dalawang propeta. Sa paglaban nila sa dalawang lingkod na sinugo ng Diyos, di-maglaon sila’y puputulin mula sa huling pag-ani ng kaligtasan at mahahantong bilang mga tagasunod ni Satanas.
 
Talatang 10: At ang mga nananahan sa ibabaw ng lupa ay mangagagalak tungkol sa kanila, at mangatutuwa, at sila’y mangagpapadalahan ng mga kaloob, sapagka’t ang dalawang propetang ito ay nagpahirap sa nangananahan sa ibabaw ng lupa. 
Sa kanilang pangangaral ng Salita ng hula ng Diyos, ang dalawang saksing sinugo para sa kaligtasan ng mga Israelita’y magiging isang malaking pasakit sa leeg ng mga tagasunod ni Satanas. Sa gayon, silang lahat ay magagalak sa kamatayan ng dalawang saksi at magbibigay ng mga handog sa isa’t isa upang batiin ang kanilang mga sarili.
Tayo rin, ay magsasaya kapag ang mga nang-aabala sa atin ay naglaho. Ang Anticristo at kanyang mga tagasunod ay mamumuhi kapag nangangaral ang dalawang saksi ng Diyos. Sa tuwing maririnig nila ang Salita ng Diyos, ang kanilang mga espiritu’y magagapi sa hirap. Dahil sila nga’y nayayamot sa tuwing magsasalita ang dalawang saksi ukol kay Jesus, matutuwa silang makitang pinatay sila ng Anticristo. Itong dahilan sila’y nagbibigayan ng mga regalo at binabati ang isa’t isa.
 
Talatang 11: At pagkatapos ng tatlong araw at kalahati, ang hininga ng buhay na mula sa Dios ay pumasok sa kanila, at sila’y nangagsitindig, at dinatnan ng malaking takot ang mga nakakita sa kanila. 
Ang Diyos, gayon pa man, ay isasama sa unang pagkabuhay na muli. Itong Salita ay ang katibayan ng katotohan na ang mga hinirang, naging mga martir sa pagtatanggol ng kanilang pananampalataya matapos maligtas sa kasalanan dahil sa pananalig sa Salita ng kaligtasang binigay ng Panginoon, ay maisasama sa unang pagkabuhay na muli.
Na ang hininga ng buhay ay papasok sa kanila sa “tatlo at kalahating araw” ay sinasabi sa atin na ang Panginoon ay itutulot ang pagkabuhay na muli mula sa Kanyang kamatayan ng laman. Pinayagan ng Diyos ang lahat ng mga hinirang itong pananampalataya ng unang pagkabuhay na muli, para sa mga hinirang mismo, ay isang dakilang pagpapala ng Diyos, nguni’t para sa lahat ng mga makasalanan, ito’y magdudulot sa kanila ng malaking kabiguan at takot. Ang unang pagkabuhay muli ng mga hinirang ay pangako ng Diyos at Kanyang gantimpala dahil sa kanilang pananampalataya.
 
Talatang 12: At narinig nila ang isang malakas na tinig na nagsasabi sa kanila, ‘Umakyat kayo rito.’ At sila’y umakyat sa langit sa isang alapaap, at pinagmasdan sila ng kanilang mga kaaway. 
Itong Salita’y pinakikita ang pagkabuhay na muli at rapture ng lahat ng mga hinirang. Ang mga nanalig sa Salita ng hula ng Panginoon, yaong mga naligtas sa lahat ng kanilang mga kasalanan ay wala ng pag-asa kundi ang maging martir dahil sa pagtatanggol ng kanilang pananampalataya. Pinakikita nitong talata sa atin na ang Panginoon ay bubuhaying muli lahat nitong mga hinirang at isasama sila sa rapture. Ang mga hinirang at mga lingkod ng Diyos na naging martir sa kanilang katapatan sa Kanya ay pagpapalain sa pamamagitan ng pagtaas sa kanila sa alapaap (rapture) dahil sa kanilang pananalig sa Panginoon. Wala tayong magagawa kundi ang pasalamatan ang Panginoon sa pagbigay sa atin ng pagkabuhay na muli at rapture bilang gantimpala ng pagiging martir matapos maligtas sa pamamagitan ng pananalig sa kapatawaran ng kasalanang binigay Niya sa atin.
Itutulot ng Diyos Ama ang mabuhay na muli at rapture sa lahat ng mga nakibaka sa Anticristo at naging martir dahil sa pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritung bigay ni Jesu-Cristo. Dapat tayong manalig sa katotohanang ito. Ang pagkabuhay muli at rapture ng mga hinirang ay ang mga pagpapalang dumaloy mula sa kanilang kaligtasan sa pamamagitan ng kanilang pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritung bigay ng Diyos. Si Satanas at ang kanyang mga tagasunod sa huling araw ay makikita lahat ng kanilang pagpapagal na maglalaho sa hangin kapag kanilang makita ang mga hinirang, na kanilang inusig at pinatay, ay nabuhay muli at naisama sa rapture.
Bubuhaying muli at isasama sa rapture ang mga hinirang na naging martir, nguni’t Kanyang wawasakin yaong nanatili dito sa lupa sa pamamagitan ng pagbubuhos ng mga salot ng pitong mangkok. Kapag itong gawain ay agad na natapos, Siya’y mananaog dito sa lupa kasama ang mga hinirang at anyayahan ang mga matuwid sa kasalang piging ni Cristo. Itong pista ng ating Panginoon ay tatagal hanggang sa isang libong taon. Kapag natapos itong milenyo, hahayaan Niya panumandali si Satanas na umahon mula sa balon ng kalaliman at makibaka laban sa Diyos at Kanyang mga lingkod, nguni’t di-maglao’y wawasakin Niya si Satanas at ang kanyang mga tagasunod at hatulan silang mabulid sa walang hanggang apoy. Ang matuwid, gayun pa ma’y papasok sa Kaharian ng Langit ng Panginoon at maninirahang kasama Niya magpakailan man
 
Talatang 13: At nang oras na yaon ay nagkaroon ng isang malakas na lindol, at nagiba ang ikasampung bahagi ng bayan, at may nangamatay sa lindol na pitong libo katao, at ang mga iba ay nangatatakot, at nangabigay ng kaluwalhatian sa Dios ng langit. 
Matapos ang pagmamartir, pagkabuhay na muli at rapture ng dalawang propetang isusugo ng Diyos para sa ikaliligtas ng mga Israelita, pahihintulutan Niya ang Kanyang mga anghel na malayang ibuhos ang mga salot ng pitong mangkok dito sa lupa. Ang mga nanatili dito sa lupa matapos ang rapture ng mga hinirang ay magkakamit nitong mga salot ng pitong mangkok bilang kanilang mga regalo. Saka lamang sila makikipagbuno sa takot at luluwalhati sa Diyos, nguni’t ito’y walang saysay sa kanila, dahil ito’y hindi gawa ng tunay na pananampalataya sa pag-ibig ng Diyos.
Kapag nawasak itong mundo, ang matuwid ay magtatamo ng walang-hanggang Langit, walang-hanggang pagkabuhay na muli, at walang-hanggang mga pagpapala, nguni’t sa mga makasalanan, tanging paghihirap ng walang-hanggang apoy sa impiyerno ang naghihintay sa kanila. Itong dahilan bakit bawa’t isa’y dapat tanggapin ang kapatawaran ng kanilang mga kasalanan sa pamamagitan ng pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. At dahil yaon ngang mga natubos sa kanilang mga kasalanan ay nanalig sa bagong mundong pinangako ng Diyos sa kanila, pinangaral nila ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu kaninuman.
 
Talatang 14: Nakaraan na ang ikalawang Pagkaaba, narito, nagmamadaling dumarating ang ikatlong Pagkaaba. 
Para sa mga Gentil at mga Israelita, ang ikatlong sumpa mula sa Diyos ay naghihintay sa bawa’t isa maliban sa mga nakibahagi sa kanilang pagkabuhay na muli at rapture sa pamamagitan ng pagliligtas at pagiging martir.
Ang salot na tumagal mula sa pagtunog ng ikaanim na trumpeta ng anghel hanggang sa simula ng mga salot ng pitong mangkok sa pagtunog ng ikapitong trumpeta’y tinatawag na pangalawang sumpa. Ang mga salot ng pitong trumpeta’y nahahati sa tatlong panahon—ang nauna, ang kalagitnaan, at ang huling panahon. Ang mga salot ng kalikasan at ang pagmamartir ni Anticristo sa mga hinirang ay kasama sa una’t pangalawang sumpa. Ang ikatlong sumpa, sa kabilang dako, ay ang mga salot na lubos na wawasak sa mundo. Itong ikatlong sumpa ay ang mga mangkok ng galit ng Diyos na mabubuhos sa mga makasalanang nananatili dito sa lupa.
 
Talatang 15: At humihip ang ikapitong anghel, at nagkaroon ng malalakas na tinig sa langit, at nagsasabi, ‘Ang kaharian ng sanglibutan ay naging sa ating Panginoon, at sa Kaniyang Cristo, at Siya’y maghahari magpakailan kailan man.’ 
Ang pariralang “at nagkaroon ng malalakas na tinig sa langit” pinakikita sa atin na ang mga hinirang at mga lingkod na naligtas sa lahat ng mga kasalanan ay nasa Langit na sa oras na ang mga salot ng pitong mangkok ay magsimula dito sa lupa. Sa gayon, ang bayan ng Diyos ay di na makikita dito sa lupa sa panahong ito. Dapat nating malaman ito. “Ang kaharian ng sanglibutan ay naging sa ating Panginoon, at sa Kaniyang Cristo, at Siya’y maghahari magpakailan kailan man!” 
Sa oras na ito, ang mga hinirang ay magpupuri sa Panginoon sa Langit, nguni’t matapos lahat ng mga salot ng pitong mangkok ay mabuhos, sila’y mananaog din tungo sa binagong daigdig kasama ang Panginoon at maghaharing kasama Niya ng isang libong taon dito sa lupa. Ito ngayo’y susundan ng paghahari ng Panginoon at ng mga hinirang magpakailan man sa Bagong Langit at Lupa.
Upang iligtas tayo mula sa kasalanan, naglingkod sa atin ang Panginoon bilang isang alipin sa lahat ng ito, sa halip na maghari sa atin bilang Hari. Ginawad Niya sa atin ang Kanyang biyaya na gawing mga anak ng Diyos ang mga nanalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu bilang kanilang kaligtasan. Yamang ang ating Panginoon ay ang walang- hanggang Hari sa atin, Kanya ring papaghariin ang Kanyang bayan magpakailan man. Hallelujah! Pasalamatan ang Panginoon!
 
Talatang 16: At ang dalawangpu’t apat na matatanda na nakaupo sa kanikaniyang luklukan sa harapan ng Dios ay nangagpatirapa, at nangagsisamba sa Dios, 
Ang Diyos ay nararapat na tumanggap ng lahat ng luwalhati. Nararapat lamang sa mga naligtas sa lahat ng mga kasalanan na magpatirapa, at sumamba at magpuri sa Diyos. Ang ating Panginoon, na gumanap ng lahat ng mga gawa sa pagliligtas sa mga makasalanan, ay karapat-dapat na tumanggap ng papuri at pagsamba mula sa lahat ng mga hinirang at lahat ng mga nilikha magpakailan kailan man.
 
Talatang 17: na nagsasabi, ‘Pinasasalamatan Ka namin, Oh Panginoong Dios, na Makapangyarihan sa lahat, na Ikaw ngayon, at naging Ikaw nang nakaraan, sapagka’t hinawakan Mo ang Iyong dakilang kapangyarihan, at Ikaw ay naghari.’ 
Upang maghari sa Kanyang bayan magpakailan man magmula niyaon, magtatagumpay ang Panginoon kay Satanas at kakamtan ang dakilang kapangyarihan mula sa Diyos Ama. Sa gayon, maghahari ang Panginoon magpakailan man. Nararapat nga Niya itong gawin. Lumuluwalhati ako sa Kanya, sa Panginoon na nag-alis ng lahat ng kasalanan ng mundo, ang nagligtas sa lahat ng mga nanalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, at humatol sa Kanyang mga kaaway, ay nararapat na kamtan ang Kanyang nakamamanghang kapangyarihan at maghari magpakailan man. Sa gayon, lahat ng mga kumilala sa dakilang kapangyarihan ng Diyos ay dadamtan sa luwalhati ng pagpupuri sa Diyos magpakailan man kasama ang dakilang kapangyarihan at pag-ibig ng Panginoon.
 
Talatang 18: ‘At nangagalit ang mga bansa, at dumating ang Iyong poot, at ang panahon ng mga patay upang mangahatulan, at ang panahon ng pagbibigay Mo ng ganting-pala sa Iyong mga alipin na mga propeta, at sa mga banal, at sa mga natatakot sa Iyong pangalan, maliliit at malalaki, at upang ipahamak Mo ang mga nagpapahamak ng lupa.’ 
Kaalinsabay sa pagbuhos ng mga salot ng pitong mangkok ngayo’y darating ang pagwasak sa laman ng mga nanatiling Gentil sa espirituwal. Sinasabi ng Salita sa atin na ito ang oras para sa Diyos na hatulan sinuman bilang Hukom ng lahat, gagantimpalaan ang Kanyang mga lingkod at mga propeta, at mga hinirang, at sa mga sumasamba sa Kanya, at wawasakin ang mga lumaban at sumuway sa Kanyang kalooban. Magdadala ang Panginoon ng hatol ng Kanyang poot sa mga di-kumilala sa Kanyang kapangyarihan, nguni’t Kanyang hahayaan ang mga hinirang na maluwalhati kasama Niya. Ibig sabihin ang Panginoon ay naging Hukom ng lahat, sa mga mabubuti man o sa masasama.
Kapag lumuklok ang Panginoon sa Kanyang trono bilang Hari ng mga isinilang na muli at hahatulan ang sinuman, lahat ng mga makasalanan at mga matuwid ng mundo’y tatanggap ng kanilang makatwirang hatol. Sa oras na ito, ang pasiya ng Kanyang hatol, ibibigay ng Panginoon ang Langit at buhay na walang-hanggan sa mga hinirang, nguni’t sa mga makasalanan Kanyang dadalhin ang walang-hanggang pagwasak at ang parusa sa impiyerno. Ang dakilang kapangyarihan ni Jesu-Cristo at ang pagpapala ng paghahari ng Kanyang bayan ay magpapatuloy magpakailan man. Ang unang mundo’y magwawakas sa panahong ito, at ang ikalawang mundo, ang Kaharian ni Cristo nga’y magsisimula.
 
Talatang 19: At nabuksan ang templo ng Dios na nasa langit, at nakita sa Kaniyang templo ang kaban ng Kaniyang tipan, at nagkaroon ng mga kidlat, at mga tinig, at mga kulog, at isang lindol, at malaking granizo.
Pahihintulutan ng Diyos ang Kanyang mga hinirang, ang mga matuwid, ang Kanyang pagpapala na manirahan sa Kanyang Templo. Lahat ng mga bagay na ito’y matutupad ayon sa Salita ng pangako ng Diyos sa sangkatauhan kay Jesu-Cristo. Ang Kaharian ng Diyos ay magsisimula sa Salita ng hula ng Diyos, at ito’y matatapos sa katuparan nitong hula.
Lahat ng mga pangako ng Diyos, mula sa pagkabuhay na muli at rapture ng mga hinirang hanggang sa kanilang pakikibagahi sa kasalang piging ng Cordero kasama si Jesu-Cristo at ang kanilang pagpapalang maghari magpakailan man bilang mga hari, ay pantay-pantay na binigay sa bayan ng Israel at sa ating mga Gentil. Gayon din, kinilala Niya ang kaligtasan ng mga Israelita sa panahon ng mga huling araw at ang ating kaligtasan sa gayon ding paraan, gagawin tayong mga martir sa panahong ito, hahayaan tayo na mabuhay muli at rapture, at dadamitan tayo ng gayon ding luwalhati. Sinasabi ng Salita sa atin na bagaman ang mga Israelita at tayong mga Gentil ay ibang tao sa laman, gayon pa man tayo’y iisang bayan ng Diyos sa espirituwal.
Maraming tao ang umaangkin at naniniwala na ang isinilang na muli’y isasama sa rapture bago magsimula ang Matinding Kapighatian ng pitong taon. Nguni’t hindi ito ang mangyayari. Sa Bibliang pananalita, ang tao’y patuloy na maririnig ang tunay na ebanghelyo at maliligtas sa buong unang tatlo at kalahating taon ng pitong taong Matinding Kapighatian. Ang Anticristo’y lilitaw, ang mga hinirang ay magiging martir, at matapos ang kanilang pagkabuhay muli at ang rapture ay darating bago ang kasalang piging ng Cordero ni Cristo, itutulot ang mga hinirang na maghari kasama Niya ng isang libong taon.
Ang mga hinirang ay dapat magkaroon ng wastong unawa ng panahon ng kanilang pagmamartir, pagkabuhay na muli at rapture. Ang walang kaalaman sa panahong ito, sila’y patuloy na gagala sa kanilang kalituhan at espirituwal na masasawi.
Yaong may taglay ng wastong Kalinga ng Diyos ukol sa mga huling araw ay umaasa sa kanilang pagkabuhay na muli at rapture, at mataimtim na maglilingkod sa ebanghelyo. Yaong nakakalaam na wala ng pag-asa dito sa lupa ay dapat magkaroon ng gayong pag-asa tulad ng mga isinilang na muli dahil sa pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. At ang mga hinirang ay naging mga martir dahil sa pananalig sa Salita ng Diyos.
Ang pananampalataya na makakatanto ng mga panahon ay kailangang-kailangan sa panahong ito. Ang panahon ay halos dumating para sa nakatatakot na mga salot at mga kapighatian na mananaog sa buong mundo at para sa paglitaw ng Anticristo. Ngayon na ang oras upang magising sa iyong pagkakatulog. Dapat nating isaisip na kailangan tayong dumaan halos sa lahat nga mga kapighatian ng Matinding Kapighatian. At dapat na tayo’y maniwala sa pagbabalik ni Cristo, sa ating pagkabuhay na muli at rapture, at sa ating pagbahagi sa kasalang piging ng Cordero kasama si Cristo. Upang tayo’y magkaroon ng wastong pananampalataya sa panahong ito, dapat tayong pumasok sa kaban ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu.
Nawa at dalangin ko na sa kaalaman nitong kasalukuyang panahon, magkakaroon ka ng pananampalataya na pinaka-kailangan at pinakawasto sa panahong ito.