• All e-books and audiobooks on The New Life Mission website are free
  • Explore multilingual sermons in global languages
  • Two new revised editions in English have been released
  • Check out our website translated into 27 languages
Search

Sermons

Paksa 10: Ang Pahayag (Mga Komento sa Pahayag)

[Kabanata 11-2] Ang Kaligtasan ng Bayan ng Israel (Apocalipsis 11:1-19)

(Apocalipsis 11:1-19)
 
 
Bakit isusugo ng Diyos ang dalawang propeta sa bayan ng Israel? Upang iligtas ng Diyos ang tanging bayan ng Israel. Sinasabi ng pangunahing talata sa atin na papaghulain ng Diyos ang Kanyang dalawang propeta ng 1,260 na araw. Ito ay upang iligtas ang mga Israelita sa huling pagkakataon. Na ang pagliligtas nga ng Diyos sa bayan ng Israel ay nangangahulugan din na ang panahon ng katapusan ng mundo’y dumating na.
Sa talatang 2 ay sinasabi, “Ang kaharian ng sanglibutan ay naging sa ating Panginoon, at sa Kaniyang Cristo, at Siya’y maghahari magpakailan kailan man.” Ibig sabihin na kapag ang nakakikilabot na mga salot ay dumating sa mga Gentil, kapag ang pitong taong panahon ng Matinding Kapighatian ay nagsimula at unti-unting dadalhin ang malaking kalituhan at mga salot, kapag yaong mga Gentil na nakarinig at nanalig sa ebanghelyo’y naging martir, isusugo ng Diyos ang dalawang propeta para sa bayan ng Israel, ipapatotoo nilang si Jesus ay Diyos at ang Tagapagligtas, at sa gayo’y niligtas ang mga Israelita. Sinasabi sa atin na ito ang mga gawain ng Diyos na darating.
Dapat nating ituro itong salita sa mga, nalinlang ni Satanas, inaangkin na ang mga lider ng kanilang mga sekta ay ang dalawang puno ng olibo sa mga huling araw, o ang tagapagtaguyod ng kanilang sekta ay ang Elias na inihula sa mga huling araw. Sa tuwing ang mga makamundong iglesia’y magtalakay sa Apocalipsis, sinasamantala nilang lubos itong talata ng dalawang puno ng olibo. Sa mga taong nalinlang ng mga kultong erehe na aking nakilala sa buhay pananampalataya, walang sinuman ang nakakatuwang nabigong umangkin na ang pinuno sa kanilang kulto ay isa sa dalawang puno ng olibong binabanggit dito. Bawa’t ereheng aking nakikilala ay umangkin ng gayon.
Nguni’t ang dalawang puno ng olibo at ang dalawang kandelero ng Apocalipsis ay hindi itong inaangkin nitong mga erehe. Sa katotohanan, itong mga puno ng olibo ay tunay na tumutukoy sa dalawang propeta na isusugo ng Diyos mula sa Israelita upang iligtas sila.
Detalyeng sinasabi ng kabanata 11 kung paano ililigtas ng Diyos ang bayan ng Israel. Tulad ng Aklat ng Roma, bawa’t kabanata ng Aklat ng Apocalipsis ay may espesyal na paksa. Tanging sa pag-aalam nitong paksa natin mauunawaan kung ano ang ukol sa kabanatang ito. Mababasa na ang mga Gentil ay yuyurakan ang banal na lungsod ng apat na pu at dalawang buwan, ibang tao’y umaangkin, di-nalalaman itong paksa, na ang panahon ng mga Gentil ay magwawakas, ang panahon ng kaligtasan ng mga Israelita’y magbubukas, at kaya mula niyaon tanging mga Israelita ang maliligtas.
Nguni’t ito’y malayo sa katotohanan. Sinasabi ng kabanata 7 sa atin na di-mabilang na mga Gentil ang maliligtas sa Kapighatian—ito ay, mga Gentil at mga Israelita’y maliligtas sa Kapighatian, di lamang mga Israelita. Sa gayon, ang sinasabi ng kabanata 11 sa atin na isusugo ng Diyos ang dalawang propeta upang iligtas ang bayan ng Israel sa mga huling araw, nguni’t di-nangangahulugan na di na maliligtas ang mga Gentil.
Ang ibang tao’y magtatanong, kung gayon, “Kung hindi naligtas ang 144,000 na mga Israelita, tulad ng sinasabi ng kabanata 7 sa atin na ito ang bilang mga Israelitang tinatakan ng Diyos?” Ang matatakan ay di-nangangahulugan ng kaligtasan. Wala sinumang maliligtas kung hindi dadaan kay Jesu-Cristo. Ang kaligtasan ay magmumula lang sa pananalig na si Jesu-Cristo’y naging ating Tagapagligtas sa naparito sa mundo, nagpabautismo upang kuhanin lahat ng ating kasalanan, pinasan lahat ng kasalanan ng mundo sa Krus at namatay, at nabuhay muli mula sa kamatayan.
Bagaman alam nating tayo’y nakagapos sa kasalanan hanggang sa ating kamatayan, tayo gayon pa ma’y maliligtas dahil sa pananalig na inalis ni Jesu-Cristo lahat ng ating kasalanan at Siya’y naging ating Tagapagligtas. Yamang ang 144,000 Israelita’y matatatakan, isusugo ng Diyos ang Kanyang dalawang propeta, at sa pamamagitan nila’y ipangangaral ang Kanyang ebanghelyo sa mga Israelita. Ang sinasabi ng Salita sa atin, na ang dalawang propeta’y ipangangaral ang ebanghelyo sa mga Israelita, at ang 144,000 sa kanila’y maliligtas.
Ang Biblia kailanma’y di-kumikiling o nagtatangi. Walang maliligtas kung di dadaan kay Jesu-Cristo. Hindi sinabi ng Diyos, kung hindi ka dadaan kay Jesu-Cristo, “Ika’y maliligtas, nguni’t hindi ka ligtas.”
Ang dalawang propeta, ang dalawang punong olibong binanggit sa pangunahing talata, ay papatayin sa Golgota. Ang kanilang bangkay ay iiwan at hindi ililibing, at ang mga di-nananalig ni tumanggap kay Jesus ay magagalak sa kanilang pagkamatay at magbibigayan ng mga regalo sa isa’t isa. Nguni’t sinasabi ng mga talatang 11 at 12 sa atin, “At pagkatapos ng tatlong araw at kalahati, ang hininga ng buhay na mula sa Dios ay pumasok sa kanila, at sila’y nangagsitindig, at dinatnan ng malaking takot ang mga nakakita sa kanila. At narinig nila ang isang malakas na tinig na nagsasabi sa kanila, ‘Umakyat kayo rito.’ At sila’y umakyat sa langit sa isang alapaap, at pinagmasdan sila ng kanilang mga kaaway.”
Dito ay sinasabi sa atin ng tahasan na tayo—ito ay, ikaw at akong mga Gentil—ay papatayin din sa pananampalataya kapag dumating ang oras, at sa ilang sandali matapos ang ating pagmamartir ay bubuhaying muli at masasama sa rapture. Itong paksa ay patuloy sa paglalathala sa buong Aklat ng Apocalipsis. May mga talata ring nagsasabi na kapag binuhos ang mga salot ng pitong mangkok dito sa lupa, ang mga nasa alapaap ay magpupuri sa Diyos.
Binanggit din sa kabanata 14 ang 144,000 na naligtas, mga nagpupuri sa Diyos sa isang awit na wala ng iba kundi ang mga unang bunga ng kaligtasan ang makaaawit. Ang sinasabi nito sa atin na kapag ang bayan ng Israel ay naligtas, kahit saan sila’y papatayin, at di-maglaon matapos ang pagmamartir sa kanila ay susundan ng pagkabuhay muli at rapture.
Ito rin ay mangyayari sa mga Gentil. Sa mga huling araw, ikaw at ako ay dadaan sa maraming paghihirap dulot ng mga salot ng pitong trumpeta, nguni’t tayo’y kukupkupin pa rin ng Diyos mula sa mga salot. Kapag umigting ang Matinding Kapighatian ng pitong taon sa pagdaan ng unang tatlo at kalahating taon, ang pag-uusig sa mga hinirang ay mararating din ang kanyang taluktok. Nguni’t itong labis na pag-uusig ay magtatagal lang ng ilang sandali. Di-magtatagal maraming mga hinirang at mga lingkod ng Diyos ang papatayin, at matapos agad ng pagmamartir sa kanila ang rapture ay darating.
Bakit? Dahil pauli-ulit na sinulat sa Apocalipsis na sa oras na ang mga salot ng pitong mangkok ay nabuhos dito sa lupa, ang mga hinirang ay nasa langit na’t nagpupuri sa Diyos. Kamangha-mangha ang paglalarawan ng Salita rito.
Sinasabi sa Apocalipsis 10:7, “At narinig nila ang isang malakas na tinig na nagsasabi sa kanila, ‘Umakyat kayo rito.’ At sila’y umakyat sa langit sa isang alapaap, at pinagmasdan sila ng kanilang mga kaaway.” Ito’y tumutukoy sa rapture, ang hiwagang inilihim ng Diyos. Sa 1 Tesalonica 4:16, sinabi rin ni Apostol Pablo sa atin, “Sapagka’t ang Panginoon din ang bababang mula sa langit, na may isang sigaw, may tinig ng arkangel, at may pakakak ng Dios at ang nangamatay kay Cristo ay unang mangabubuhay na maguli.” 
Na ang Panginoon ay bababa mula sa Langit, gayon pa man, hindi ibig sabihin na Siya’y mananaog agad dito sa lupa. Siya’y bababa sa alapaap mula sa Langit, at kapag naganap ang unang pagkabuhay na muli, ang rapture na makakamit ng mga hinirang mula sa Panginoon sa alapaap ay agad na susunod. Matapos maganap ang kasalang piging ng Cordero sa alapaap at itong lupa’y lubos na mawawasak sa pagbuhos ng lahat ng mga salot ng pitong mangkok dito sa lupa, ang Panginoon ay bababa sa bagong mundo kasama natin at magpapakita sa mga naiwang buhay pa.
Sa pagpapakahulugan ng Salita ng Apocalipsis at ng Biblia ay batay sa sariling opinyon ng tao at ang pagharap sa daan ng kapahamakan. Isang kamalian ang maniwala lamang sa mga haka-hakang minungkahi sa ibang mga teolohiya at nagtaguyod nitong mga pag-angkin ng mga walang wastong kaunawaan sa Salita.
Sa mga telohiyang lubos na ginagalang at kinikilala sa mga makalumang komunidad ng mga Kristiyano, ang ibang mga iskolar tulad ni L. Berkhof at Abraham Kuyper ay niyakap ang amilenialismo. Ang mga teoriya ng “pre-tribulation rapture,” “post-tribulation rapture,” at amilenialismo, ang paniniwala rito sa huling doktrina ng amilenialismo ay katulad ng di-pananalig sa Biblia.
Ang panahon na ang tao dati-rati’y naniniwala sa teoriya ng “post-tribulation rapture” ay naglaho na, at sa mga panahong ito halos lahat ay naniniwala sa teoriya ng “pre-tribulation rapture.” Nguni’t itong teoriya rin, ay hindi ayon sa Biblia. Nguni’t lubos na ninanais pa rin ito ng tao sa tuwing sila’y makaririnig ukol sa “pre-tribulation rapture.” Bakit? Dahil ayon sa teoriyang ito ng “pre-tribulation rapture,” ang tao’y walang alalahanin ukol sa Matinding Kapighatian ng pitong taon.
Sa gayon, ito’y nagiging katanggap-tanggap para sa mga mananampalataya upang mamuhay sa pananampalataya na hindi mainit o malamig, at ang mga iglesia’y mag-aalala lang ukol sa pagpaparami ng kanilang kalipunan. Ang pananalig ng tao kung gayo’y napapabayaan. Dahil iniisip nila na hindi na kailangan pang mag-alala ukol sa pagdaan sa Matinding Kapighatian, ang kanilang pananampalataya’y magiging malarosas at pabaya gayong ang kanilang pananampalataya sa katunayan ay dapat maging matatag sa nalalapit na huling araw. Ang tao ay dating naniniwala sa amilenialismo, at sa teoriya ng “post-tribulation rapture” ng panandalian, at sila ngayo’y naniniwala na sa “pre-tribulation rapture.”
Noong 1830, si Rev. Scofield, isang guro sa Moody Bible Institute, ay sumulat ng kanyang “reference Bible.” Si Scofield ay lubos na nahikayat ni Darby, isang teolohiya na kilala sa buong mundo.
Si Darby, ang espirituwal na guro ni Scofield, na dating isang paring Katoliko, isang napakatalino at isang taong maraming nalalaman. Nilisan niya ang Iglesia Katolika matapos malaman ang mga kamalian nito, sumapi sa isang maliit na kalipunan ng Kristiyano, at naging guro. Bagaman laging nagbabasa at nag-aaral ng Biblia, hindi niya malaman mula sa Apocalipsis kung ang rapture ay magaganap bago o matapos ang Matinding Kapighatian. Kaya siya’y naglakbay sa paghahanap ng higit pang malinaw na katibayan sa paksang ito.
Sa kanyang paglalakbay ay nakilala niya ang isang kabataang babae na isang lider ng “pneumatology.” Inangkin nitong babae na siya’y nakakita ng pangitain na ang rapture ay magaganap bago ang Matinding Kapighatian. Naniwala sa kanyang sinabi at sumang-ayon na ang rapture ay mangyayari bago ang Kapighatian, ipinasiya ni Darby ang kanyang pag-aaral ng Biblia sa teoriya ng “pre-tribulation rapture.”
Subali’t, dahil ang tao sa panahong ito ay pangunahin naniwala sa teoriya ng “post-tribulation rapture,” at hindi lubos na tinanggap ang teoriya ng “pre-tribulation rapture” ni Darby. 
Inangkin ni Darby na ang nakasulat sa Aklat ng Apocalipsis ay ukol sa kaligtasan ng bayan ng Israel, at walang kinalaman sa kaligtasan ng mga Gentil. At ang “Dapat kang manghulang muli (10:11),” ay hindi niya pinahulugan ito bilang pangangaral ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, kundi ng ebanghelyo ng Kaharian na hinahayag ang kanyang pagdating.
Si Scofield, na tumanggap sa gayong mga teoriya ni Darby at isinama itong teoriya ng “pre-tribulation rapture” sa kanyang “reference Bible,” gumawa ng kanyang sariling teoriya sa pitong mga panahon. Ang gayong mga pag-angkin ni Scofield ay nakita ang mga pangangailangan sa kanyang panahon at naangkop ng lubos sa kanyang karanasan, nagdulot ng isang malaking kaguluhan sa mga relihiyon sa buong mundo at lubos namang tinanggap.
Nguni’t ano ang sinabi ng Diyos sa Biblia? Sa Kasulatan makikita nating kinuha at binuksan ni Jesus ang aklat na tinatakan ng pitong tatak sa harapan ng trono ng Diyos, hinati ang kasaysayan sa Kanyang pitong kapanahunan kasama ang pitong tatak.
Ang unang panahon ay ang panahon ng puting kabayo. Ito ang panahon ng kaligtasan, ang panahong nagpasiya ang Diyos na ililigtas tayo mula pa sa paglikha Niya nitong kalawakan at tao, at gayon nga’y niligtas tayo. Sinasabi sa atin ng Apocalipsis 6:2, “At tumingin ako, at narito, ang isang kabayong maputi, at yaong nakasakay dito ay may isang busog, at binigyan siya ng isang putong, at siya’y yumaong nagtatagumpay, at upang magtagumpay,” ang Panginoon ay nagtagumpay at patuloy na magtatagumpay. Kahit pa bago ang paglikha, naroon na ang ebanghelyo at ang kaligtasan ay nagsimula na.
Ang pangalawang panahon ay ang panahon ng pulang kabayo, ang panahon ni Satanas. Ito ang panahon ng Diablo kung saan kanyang aalisin ang kapayapaan mula sa sangkatauhan, gagawin niyang magdigmaan ang isa’t isa, kamuhian ang isa’t isa at pag-awayi ang mga relihiyon.
Ang ikatlong panahon ay ang panahon ng kabayong itim, na siyang oras ng espirituwal at pisikal na kagutuman, at ang ikaapat na panahon ay ang panahon ng maputlang kabayo, ang panahon ng pagmamartir. Ang ikalimang panahon ay ang panahon ng rapture—itinalaga ng Diyos ang rapture ng mga hinirang bilang isa sa Kanyang mga panahon. Ang ikaanim na panahon ay itong pitong mangkok, susundan ng pagwasak nitong mundo, at ang sumunod na panahon ay ang Milenyong Paghahari at ang Bagong Langit at Lupa. Tinalaga nga ng Diyos ang panahon ng mundo itong pitong panahon, sa loob ng aklat ng pitong mga tatak.
Ang paghati ng panahon ni Scofield sa pitong panahon ay sarili niyang pagtataguyod. Salungat nito, ang pitong panahon na inihula sa Apocalipsis 6 sa pamamagitan ng pitong tatak ng aklat na nasa kamay ng Diyos ay tinalaga mismo ng Diyos. Nguni’t ang tao’y nagwiwika ng likha ng tao ukol sa “pre-tribulation rapture”, at sa maraming naniniwala rito ay pinasiya na hindi na kailangan para sa kanila ng mataimtim na pananalig sa Panginoon. 
Kanilang pinasiya sa kanilang mga puso, “Yamang tayo’y masasama sa rapture bago ang Matinding Kapighatian, tayo’y nasa presensiya na ng Diyos kapag dumating ang Matinding Kapighatian. Kaya wala na tayong dapat ikabahala pa!” Kung sinabi ng Salita ng Diyos sa atin na tayo’y kukuhanin sa rapture bago ang Kapighatian, hindi na kailangan pang maghanda ng ating pananampalataya, at ang dumalo sa iglesia ng minsan o dalawang beses isang taon ay sapat na. Nguni’t hindi ito ang sinabi ng Diyos sa atin.
“At sila’y magsisipanghulang isang libo at dalawang daan at anim na pung araw.” “Kanilang yuyurakang apat na pu’t dalawang buwan ang banal na siudad.” Ang gayong Salita ng Diyos ay sinasabi sa atin na ang mga Gentil din, ay maliligtas sa oras ng Kapighatian. Itatayo ng Diyos ang Kanyang dalawang propeta upang ikalat ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Wala sinuman ang makahaharap sa Diyos kung hindi dadaan sa unang tatlo at kalahating taon ng pitong taong Matinding Kapighatiang tinalaga Niya, kapag dumating ang oras ng mga paghihirap. Sinabi rin ng Diyos sa atin na maraming mga martir ang magmumula sa Kapighatian.
Ang wastong pananalig kay Jesus, ang isa’y dapat mag-aral ng Biblia at manalig sa mga bagay na wasto. Kung ang tao’y mangangaral at maniniwala sa kanilang sarili na walang masusing pagbabasa sa bawa’t pahina ng Biblia, sila’y magiging mga erehe. Ang dahilan kung bakit maraming mga sekta dito sa lupa ay dahil din sa katotohanan na maraming tao ang nagsasalig ng kanilang pananampalataya batay sa kanilang sariling pakahulugan ng Biblia. 
Na ang bayan ng Israel ay maliligtas ay nagsasabi sa atin na ang layon ng Diyos ay matutupad ayon sa Kanyang salita ng pangako. Sinasabi rin sa atin na hindi puputulin ng Diyos ang Kanyang Salitang pinangako sa atin bagkus ay tutuparing lahat. Itong dahilan bakit mayroon tayo ng gayong malaking pag-asa.
Ang dalawang propeta ng Israel ay bubuhaying muli sa tatlo at kalahating araw matapos silang paslangin at aakyat sa Langit. Ito ang rapture. Ito’y nagbibigay halimbawa kung paano kukuhanin sa rapture ang mga martir sa Matinding Kapighatian, at pinakikita sa atin bilang pauna sa ating sariling rapture. Sinasabi ng Biblia sa atin na matapos ang pagtunog ng pitong trumpeta, itong mundo’y magiging Kaharian ni Cristo at Siya’y maghahari magpakailan man. Kaya sila rin na nagtiwala kay Jesu-Cristo ay maghaharing kasama Niya.
Lubos na wawasakin ng Diyos itong mundo matapos ang rapture ng mga hinirang. Hindi natin batid kung ang pagwasak ay magiging 100 porsiyento, dahil ito’y hindi detalye sa Biblia, nguni’t sinasabi ng Diyos sa atin sa Apocalipsis 11:18, “At nangagalit ang mga bansa, at dumating ang Iyong poot, at ang panahon ng mga patay upang mangahatulan, at ang panahon ng pagbibigay Mo ng ganting-pala sa Iyong mga alipin na mga propeta, at sa mga banal, at sa mga natatakot sa Iyong pangalan, maliliit at malalaki, at upang ipahamak Mo ang mga nagpapahamak ng lupa.” 
Ang rapture ay tiyak na magaganap sa paglipas ng Matinding Kapighatian ng isa at tatlong kalahating taon—hindi sa eksaktong pagdating ng una at tatlong kalahating taon, kundi halos pagkalipas nito. Ang kalagitnaan ng pitong taon kung saan ang Kapighatian ay mararating ang taluktok nito. Ito ang pagmamartir ng mga hinirang, at ilang saglit ay ang rapture. Kapag naganap ang rapture, tayong lahat ay masasama sa kasalang piging ng Cordero sa alapaap.
Habang tayo’y sumasalo sa kasalang piging ng Cordero sa alapaap, tulad ng sinabi ng Mateo 25 sa atin na tayo’y, ang mga salot ng pitong mangkok ay bababa dito sa lupa. Pinupuri ang Diyos sa alapaap at nakikita lahat ng mga bagay na nangyayari dito sa lupa, pasasalamatan nating lubos ang Diyos sa Kanyang biyaya.
Nawa at dalangin ko na sa pamamagitan ng Salita ng Apocalipsis, inyong malalaman ang mga panahon kung kailan darating ang mga huling araw, manalig ng wasto sa Salita, mamuhay ng mataimtim sa pananampalataya, at maghanda para sa hinaharap. Upang magpuri, maparangal, at sambahin ang Panginoon habang nakikibahagi sa kasalang piging ng Cordero kasama Niya, at dapat mong ihanda ang iyong pananampalataya.
Nawa’y ang Salita ng Apocalipsis ay mapatunayan ito’y isang malaking gabay para sa iyo sa mga araw na darating, paalalahanan muli ang inyong puso na dapat kayong mataimtin at tapat sa inyong pananampalataya sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu.