• All e-books and audiobooks on The New Life Mission website are free
  • Explore multilingual sermons in global languages
  • Two new revised editions in English have been released
  • Check out our website translated into 27 languages
Search

Sermons

Paksa 10: Ang Pahayag (Mga Komento sa Pahayag)

[Kabanata 12-1] Ang Iglesia ng Diyos na Lubos na Mapapahamak sa Hinaharap (Apocalipsis 12:1-17)

2021.04.13 86
(Apocalipsis 12:1-17)
“At ang isang dakilang tanda ay nakita sa langit, isang babae na nararamtan ng araw, at ang buwan ay nasa ilalim ng kaniyang paa, at sa kaniyang ulo ay may isang putong na labingdalawang bituin. At siya’y nagdadalang tao, at siya’y sumisigaw, na nagdaramdam sa panganganak, at sa hirap upang manganak. At ang ibang tanda ay nakita sa langit, at narito, ang isang malaking dragong mapula, na may pitong ulo at sangpung sungay, at sa kaniyang mga ulo’y may pitong diadema. At kinaladkad ng kaniyang buntot ang ikatlong bahagi ng mga bituin sa langit, at ipinaghagis sa lupa, at lumagay ang dragon sa harapan ng babaing manganganak na, upang lamunin ang kaniyang anak pagkapanganak niya. At siya’y nanganak ng isang anak na lalake, na maghahari na may panghampas na bakal sa lahat ng mga bansa, at ang kaniyang anak ay inagaw na dinala hanggang sa Dios, at hanggang sa kaniyang luklukan. At tumakas ang babae sa ilang, na doon siya’y ipinaghanda ng Dios ng isang dako, upang doon siya ampuning isang libo dalawang daan at anim na pung araw. At nagkaroon ng pagbabaka sa langit, si Miguel at ang kaniyang mga anghel ay nakipagbaka sa dragon, at ang dragon at ang kaniyang mga anghel ay nakipagbaka. At hindi sila nanganalo, ni nasumpungan pa man ang kanilang dako sa langit. At inihagis ang malaking dragon, ang matandang ahas, ang tinatawag na diablo at satanas, ang dumadaya sa buong sanglibutan, siya’y inihagis sa lupa, at ang kaniyang mga anghel ay inihagis na kasama niya. At narinig ko ang isang malakas na tinig sa langit, na nagsasabi, ‘Ngayo’y dumating ang kaligtasan, at ang kapangyarihan, at ang kaharian ng ating Dios, at ang kapamahalaan ng kaniyang Cristo, sapagka’t inihagis na ang tagapagsumbong sa ating mga kapatid na siyang sa kanila’y nagsusumbong sa harapan ng ating Dios araw at gabit. At siya’y kanilang dinaig dahil sa dugo ng Cordero, at dahil sa salita ng kanilang patotoo, at hindi nila inibig ang kanilang buhay hanggang sa kamatayan. Kaya’t mangagalak kayo, Oh mga langit at kayong nagsisitahan diyan. Sa aba ng lupa at ng dagat, sapagka’t ang diablo’y bumaba sa inyo, na may malaking galit, sa pagkaalam niya na kaunting panahon na lamang mayroon siya. At nang makita ng dragon na siya’y inihagis sa lupa, ay inusig niya ang babaing nanganak ng sanggol na lalake. At sa babae’y ibinigay ang dalawang pakpak ng agilang malaki, upang ilipad sa ilang mula sa harap ng ahas hanggang sa kaniyang tahanan, na pinagkandilihan sa kaniyang isang panahon, at mga panahon, at kalahati ng isang panahon. At ang ahas ay nagbuga sa kaniyang bibig sa likuran ng babae ng tubig na gaya ng isang ilog, upang maipatangay siya sa agos. At tinulungan ng lupa ang babae, at ibinuka ang kaniyang bibig at nilamon ang ilog na ibinuga ng dragon sa kaniyang bibig. At nagalit ang dragon sa babae, at umalis upang bumaka sa nalabi sa kaniyang binhi, na siyang nagsisitupad ng mga utos ng Dios, at mga may patotoo ni Jesus.”
 
 
Masusing Kapaliwanagan ng Kasulatan
 
Talatang 1: At ang isang dakilang tanda ay nakita sa langit, isang babae na nararamtan ng araw, at ang buwan ay nasa ilalim ng kaniyang paa, at sa kaniyang ulo ay may isang putong na labingdalawang bituin.
Dito’y sinasabi sa atin na ang Iglesia ng Diyos ay lumuluwalhati sa Kanya sa pamamagitan ng pagmamartir. Ang “babae na nararamtan ng araw” ay tumutukoy sa Iglesia ng Diyos dito sa lupa, at ang kahulugan ng “ang buwan ay nasa ilalim ng kaniyang paa” na ang Iglesia ay nasa ilalim pa rin ng pamamahala ng mundo. Ang kahulugan naman ng “sa kaniyang ulo ay may isang putong na labingdalawang bituin,” na ang Kanyang Iglesia’y magtatagumpay sa pag-uusig at pagbanta ni Satanas sa pagmamartir.
Itong talata’y tumutukoy sa Iglesia ng Diyos sa kalagitnaan ng Matinding Kapighatian. Ang Kanyang Iglesia’y dadanas ng matinding hirap kay Satanas at papatayin sa mga huling araw, nguni’t gayon pa ma’y magtatagumpay kay Satanas sa kanyang pananalig at maluluwalhati ng Diyos. Kahit pa sa panahon ng Kapighatian, ang mga hinirang sa Iglesia ng Diyos ay magtatagumpay kay Anticristo at mananalo sa kanilang pagmamartir dahil sa pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu.
Ang mga anak ng Diyos na isinilang na muli dahil sa tubig at sa Espiritu ay tiyak na papatayin sa mga huling araw. Sa mga nanalig na at naglingkod sa Diyos bago ang panahon ng Kapighatian, at ang mga nanalig sa ebanghelyo at aahon tulad ng maraming kabute sa gitna ng kapighatian, ay magkakaroon ng pananampalataya ng pagmamartir upang kayanin at magtagumpay sa Anticristo.
Ang di-masasama sa pagmamartir dahil sa pagtakwil sa Kanya ay di rin masasama sa Langit, at mahuhulog sa impiyerno kasama si Satanas. At dapat tayong handang yakapin ang ating pagmamartir na may tapang kundi’y maglalaho ang ating walang-hanggang pagpapalang inihanda para sa atin. At dapat nating malaman na lahat ng mga isinilang na muli’y haharap sa banta ni Satanas. Ang pagmamartir ay sandali lamang, at matapos itong ilang sandali, ang Milenyong Paghahari at Langit ay mapapasa atin.
Sa gayon, dapat tayong mamuhay sa kasalukuyang panahon nalalaman na kapag dumating ang mga huling araw, tayo’y papatayin sa pamamagitan ng pananampalataya at sa pamamagitan ng Banal na Espiritu. At ibibigay ng Banal na Espiritu sa atin ang mga salita na mangungusap sa panahon ng pagmamartir, magbibigay tapang na magtagumpay sa ating pag-uusig at handang yakapin ang ating pagmamartir na walang pagtatakwil sa ating pananampalataya.
Kahit pa sa gitna ng nakatatakot na Kapighatian, ang Iglesia ng Diyos ay makikibaka pa rin laban kay Satanas at magtagumpay sa kanya sa kamatayan. Lubos na malinaw na ang Iglesia’y kakamtan ang mga gantimpala mula sa Diyos dahil sa pagtagumpay kay Anticristo maging ang pagmamartir, nananalig sa Salita ng Panginoon maging sa huling panahon ni Satanas.
 
Talatang 2: At siya’y nagdadalang tao, at siya’y sumisigaw, na nagdaramdam sa panganganak, at sa hirap upang manganak.
Sinasabi nitong talata sa atin na ang Iglesia ng Diyos sa mga kapighatian. Sinasabi sa atin ang buong Iglesia’y nagtitiis sa mga pag-uusig at mga pighating dala ni Satanas sa mga huling araw. Ang Iglesia ng Diyos ay dadaan sa Matinding Kapighatian, ang panahon ng pakikibaka kay Anticristo. Tatawag lang ang mga hinirang sa Diyos kapag sila’y dadaan sa Kapighatian. Sila’y magdarasal, “O Diyos, ibigay Ninyo sa amin ang biyaya upang kami’y agad na makaraan nitong lahat ng mga pighati. Tulungan kami na matiis lahat nitong mga pighati. Pahintulot kami na magtagumpay sa aming mga pighati. Gawin Mong magtagumpay kami kay Satanas!”
 
Talatang 3: At ang ibang tanda ay nakita sa langit, at narito, ang isang malaking dragong mapula, na may pitong ulo at sangpung sungay, at sa kaniyang mga ulo’y may pitong diadema.
Kapag si Satanas ay lumitaw sa mundong ito sa hinaharap, siya’y kikilos na parang Diyos, at kanyang titipunin lahat ng mga bansa at gagamitin sila bilang kanyang mga instrumento upang tuparin ang kanyang mga layunin. Gayon din, tiyak na papatayin niya ang mga hinirang at maghahari sa mundo parang isang Diyos at isang hari.
Ang pariralang, “isang malaking dragong mapula, na may pitong ulo at sangpung sungay, at sa kaniyang mga ulo’y may pitong diadema,” pinakikita na si Satanas, ang tagawasak ng kapayapaan, wawasakin itong pitong hari at sampung bansa. Sinasabi rin sa atin na si Satanas, sa kanyang pinaka-diwa, sa panimula pa’y salungat na sa Diyos.
 
Talatang 4: At kinaladkad ng kaniyang buntot ang ikatlong bahagi ng mga bituin sa langit, at ipinaghagis sa lupa, at lumagay ang dragon sa harapan ng babaing manganganak na, upang lamunin ang kaniyang anak pagkapanganak niya.
Sinasabi ng talatang ito sa atin kung anong gagawin ni Satanas. Ang Dragon ay sumalungat sa Diyos at pinaalis. Tinangay niya ang ikatlong bahagi ng mga anghel ng Langit at inakay sila sa kanilang kapahamakan kasama na ang kanyang sarili. Siya nga’y tinaboy mula sa presensiya ng Diyos. Nguni’t habang narito sa lupa, tinatangka niyang supilin ang gawa ng ebanghelyo ng Diyos sa pamamagitan ng pag-uusig sa mga nananalig dito.
 
Talatang 5: At siya’y nanganak ng isang anak na lalake, na maghahari na may panghampas na bakal sa lahat ng mga bansa, at ang kaniyang anak ay inagaw na dinala hanggang sa Dios, at hanggang sa kaniyang luklukan.
Sinasabi sa atin na ang Iglesia ng Diyos, dahil nangamatay sa pananalig kay Jesu-Cristo, ay ibabangong muli kasama si Jesus at ihahatid sa Kaharian ng Langit.
 
Talatang 6: At tumakas ang babae sa ilang, na doon siya’y ipinaghanda ng Dios ng isang dako, upang doon siya ampuning isang libo dalawang daan at anim na pung araw. 
Ang talata’y sinasabi sa atin na pakakanin ng Diyos ang Kanyang bayan ng tatlo at kalahating taon dito sa lupa. Ang Iglesia ng Diyos ay pakakanin at kukupkupin ng 1,260 araw bago ang pagsapit ng malawakang kapighatian, at kapag dumating ang oras, ito’y makikibaka sa Anticristo at magiging martir.
 
Talatang 7-8: At nagkaroon ng pagbabaka sa langit, si Miguel at ang kaniyang mga anghel ay nakipagbaka sa dragon, at ang dragon at ang kaniyang mga anghel ay nakipagbaka. At hindi sila nanganalo, ni nasumpungan pa man ang kanilang dako sa langit.
Ito’y tumutukoy kay Satanas na tinaboy mula sa Langit.
Bago pumarito sa lupa, si Satanas ay lubos na pinalayas mula sa Langit. Hindi na muling mamamalagi sa Langit. Si Satanas, siya na may kapangyarihan sa alapaap, nakaluklok sa alapaap at sa lupa ngayo’y namamahala sa mga ito. Yamang siya nga’y pinalayas sa Langit, dito sa lupa’y kanyang uusiging lubos ang mga hinirang kapag dumating ang mga huling araw. Nguni’t si Satanas ay itatapon at ganap na gagapusin sa balon ng kalaliman at impiyernong inihanda ng Diyos.
 
Talatang 9: At inihagis ang malaking dragon, ang matandang ahas, ang tinatawag na diablo at satanas, ang dumadaya sa buong sanglibutan, siya’y inihagis sa lupa, at ang kaniyang mga anghel ay inihagis na kasama niya.
Sa nga huling araw, si Satanas, yamang tinaboy mula sa Langit at tinapon dito sa lupa, uusigin at papatayin ang mga hinirang sa huling pagkakataon, maraming mga hinirang ang magiging martir sa kanyang mga kamay.
 
Talatang 10: At narinig ko ang isang malakas na tinig sa langit, na nagsasabi, ‘Ngayo’y dumating ang kaligtasan, at ang kapangyarihan, at ang kaharian ng ating Dios, at ang kapamahalaan ng kaniyang Cristo, sapagka’t inihagis na ang tagapagsumbong sa ating mga kapataid na siyang sa kanila’y nagsusumbong sa harapan ng ating Dios araw at gabit.’ 
Hindi na muling makikita si Satanas sa Kaharian ng Langit. Pagkatapos ng mga huling araw, hindi na siya muling mananahan sa Langit. Kaya sinabi ng Apocalipsis 21:27 sa atin na wala ng masusumpungan sa Langit na mga masasama at mga sinungaling.
 
Talatang 11: At siya’y kanilang dinaig dahil sa dugo ng Cordero, at dahil sa salita ng kanilang patotoo, at hindi nila inibig ang kanilang buhay hanggang sa kamatayan.
Kapag dumating ang huling araw, papatayin ang mga hinirang sa pagtatanggol ng kanilang pananampalataya. Sinuman ang hinirang ay makakamit ang tagumpay ng pananalig dahil sa pagmamartir ng pananampalataya sa mga huling araw. Ang mga martir na nananalig sa Panginoon, sa ibang pananalita, ay magtatagumpay sa kanilang pakikibaka laban sa sarili.
 
Talatang 12: Kaya’t mangagalak kayo, Oh mga langit at kayong nagsisitahan diyan. Sa aba ng lupa at ng dagat, sapagka’t ang diablo’y bumaba sa inyo, na may malaking galit, sa pagkaalam niya na kaunting panahon na lamang mayroon siya. 
Si Satanas ay tinaboy mula sa Langit, panandaliang may kapangyarihan sa lupa, kanyang lubhang pahihirapan at uusigin ang mga hinirang nang siya’y bumaba dito sa lupa. Nguni’t sa mga hinirang na papatayin at iniakyat sa alapaap, tanging kagalakan ang naghihintay sa kanila. Matapos ang rapture, ibubuhos ng Diyos ang mga salot ng pitong mangkok sa buong mundo at sa karagatan.
 
Talatang 13: At nang makita ng dragon na siya’y inihagis sa lupa, ay inusig niya ang babaing nanganak ng sanggol na lalake. 
Ito’y tumutukoy sa pag-uusig sa mga hinirang na magaganap sa loob ng panahon ng Matinding Kapighatian. Ang mga hinirang at lingkod ng Diyos ay papatayin sa panahong ito bilang martir, nguni’t sa katotohana’y ito ang kanilang tagumpay ng pananampalataya. Kailanma’y wala na ang kamatayan, paghihirpa, o sumpa sa kanila. Ang nalalabi sa kanila’y ang pagpupuri sa Diyos at maluwalhati kailan man.
 
Talatang 14: At sa babae’y ibinigay ang dalawang pakpak ng agilang malaki, upang ilipad sa ilang mula sa harap ng ahas hanggang sa kaniyang tahanan, na pinagkandilihan sa kaniyang isang panahon, at mga panahon, at kalahati ng isang panahon. 
Sinasabi ng Biblia sa atin na ang rapture ay mangyayari matapos ang unang tatlo at kalahating taon ng Matinding Kapighatian. Sinasabi ng Salita na ibibigay ng Diyos sa mga hinirang ang Kanyang espesyal na kalinga at pagpapakain sa kalagitnaan ng mga likas na salot ng Matinding Kapighatian. Pakakanin ng Diyos yaong nanatili sa kanilang pananampalataya upang makibaka at magtagumpay kay Satanas sa pananampalatayang ito.
Na tayo ngayo’y nabubuhay para sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu bilang ating pagkain, at gayon din ang ating pangangaral nitong ebanghelyo. Kahit maging sa pagbaba ng mga salot ng pitong trumpeta, tayo’y patuloy na mabubuhay sa pangangaral ng ebanghelyo. Bakit? Dahil kapag hindi natin pinangaral itong ebanghelyo hanggang sa pinakahuling panahon ng ating pagmamartir, maraming mga kaluluwa ang mabubulid sa impiyerno. Wala ng ibang oras kundi ngayon.
 
Talatang 15-17: At ang ahas ay nagbuga sa kaniyang bibig sa likuran ng babae ng tubig na gaya ng isang ilog, upang maipatangay siya sa agos. At tinulungan ng lupa ang babae, at ibinuka ang kaniyang bibig at nilamon ang ilog na ibinuga ng dragon sa kaniyang bibig. At nagalit ang dragon sa babae, at umalis upang bumaka sa nalabi sa kaniyang binhi, na siyang nagsisitupad ng mga utos ng Dios, at mga may patotoo ni Jesus.
Dati, pinapatay ni Satanas ang mga hinirang sa pamamagitan ng pag-uusig sa kanila at inilalayo sila mula sa ebanghelyo. Nguni’t ngayon, dahil ang ebanghelyo’y laganap na sa pamamagitan ng maraming paraan, tinatangka niyang patayin ang mga hinirang sa pagbubuhos ng kasalanan at lulunurin sila sa agos nito. Tinangka nga ni Satanas na patayin ang maraming hinirang sa pamamagitan ng pagbubuhos ng kasalanan sa ilog at pinaiinom niya ang mga ito, nguni’t ang hindi isinilang na muli ay nainom na lahat ng tubig nitong ilog ng kasalanan. Yamang ang mga hinirang ay nakaligtas at hindi nasawi kahit pa sa kanyang pagsisikap, si Satanas ay gagawa ng iba pang paraan upang lubusan silang patayin, tulad ng makikita sa kabanata 13.