(Apocalipsis 12:1-17)
Sa kabanata 12 ay makikita natin kung paano haharapin ng Iglesia ng Diyos ang mga kapighatian sa mga huling araw. Sa talatang 1 ay sinasabi, “At ang isang dakilang tanda ay nakita sa langit, isang babae na nararamtan ng araw, at ang buwan ay nasa ilalim ng kaniyang paa, at sa kaniyang ulo ay may isang putong na labingdalawang bituin.” Ang “babae na nararamtan ng araw” ay tumutukoy sa Iglesia ng Diyos sa lupa, at ang pariralang “ang buwan ay nasa ilalim ng kaniyang paa” ibig sabihin na ang Iglesia ng Diyos ay nasa ilalim pa rin ng pamamahala ng sanlibutan. Sinasabi nito sa atin na ang Iglesia ng Diyos dito sa lupa, at ang mga hinirang na kaanib nito, ay luluwalhati dahil sa pagiging martir.
Ang pariralang, “sa kaniyang ulo ay may isang putong na labingdalawang bituin,” pinakikita na ang Iglesia ay lalaban kay Satanas sa mga huling araw at magiging martir. Tulad ng sinabi ng Salita ng Diyos sa atin, ang Iglesia ng Diyos ay tiyak na magtatagumpay. Bagaman nais ni Satanas na wasakin ang ating pananampalataya, babantaan tayo sa lahat ng uri ng paraan, pahihirapan tayo, sasaktan, at di-maglao’y hihingin sa atin ang ating buhay, atin pa ring maipagtatanggol ang ating pananampalataya at matuwid na magiging martir. Ito ang tagumpay ng pananampalataya.
Sa panahon ng Naunang Iglesia, maraming mga hinirang na nauna sa atin ang naging martir. Itong pagmamartir ay naganap hindi dahil sa ating sariling kalakasan, kundi sa pamamagitan ng Banal na Espiritung nanahan sa ating puso.
Mula sa pariralang, “ang babae na nararamtan ng araw,” ang “babae” dito’y tumutukoy sa Iglesia ng Diyos, at siya’y “nararamtan ng araw” may kahulugan na ang Iglesia’y lubos na uusigin. Kahit sa kalagitnaan ng nakatatakot ng mga pighati at mga salot sa mga huling araw, ang mga hinirang ay matatag na maipagtatanggol ang kanilang pananampalataya at di-susuko kay Satanas. Bakit? Dahil ang Banal na Espiritung nasa kanilang mga puso ay magagawa nilang makipaglaban kay Satanas, at ibibigay sa kanila ang pananalig na di-sumusuko sa anumang banta o pag-uusig kahit pa sa panganib ng buhay.
Gayon din, dahil ang mga umasa sa Kaharian ng Langit ay nanalig sa Salita ng Diyos na nagsasabi sa kanila na ang mga salot ng pitong trumpeta’y di-magtatagal at susundan ito ng salot na lilipol sa lupa, sila’y di-susuko kay Satanas.
Ang mga nakakaalam at naniniwala na ang isang mabuting mundo’y hindi naghihintay sa kanila kung sila’y susuko kay Satanas at hindi sila yuyukod sa kanya. Ang mga salot ng pitong mangkok na ibubuhos kay Anticristo at sa kanyang mga tagasunod ay walang-tigil at walang-awang lalamunin sila. Ang mga hinirang na nakakaalam ng gayong mga salot, 100 porsiyento sa kanila, ay hindi itatakwil ang kanilang pananampalataya dahil sa mga banta, dahil ang Banal na Espiritu’y kikilos sa kanilang mga puso. Ang Banal na Espiritung nananahan sa atin ay ibibigay sa atin ang kalakasang lumaban kay Satanas, magtagumpay sa kanya, at maging martir.
Pagkatapos ng salot ng ikaapat na trumpeta at ang mga salot ng ikalima at ikaanim na trumpeta’y tumunog, darating sa atin ang “pagmamartir.” Ang mga nagtanggol ng kanilang pananampalataya at pinatay ay yaon lamang naisilang na muli dahil sa tubig at sa Espiritu. Kapag bumaba ang mga salot ng pitong trumpeta, si Antricristo’y magkakaroon ng kapangyarihan sa mundo na tinulot ng Diyos panumandali.
Nalalaman na ang kanyang kapangyariha’y sandali lamang, ang lingkod ni Satanas, na si Anticristo, ay uusigin ang mga naglilingkod kay Jesu-Cristo bilang kanilang Panginoon, upang siya’y makapagdala ng tao kasama niya sa impiyerno. Nguni’t yaong ang kanilang mga kasalana’y inilipat kay Jesus sa pamamagitan ng Kanyang bautismo ay di-susuko sa pag-uusig ni Satanas, nguni’t matatag na maipagtatanggol ang ebanghelyong bigay ni Jesus at papatayin bilang martir.
Sa gayon, ang pagmamartir ay katibayan ng pananalig. Yaong taglay itong katibayan ay kakamtan ang Milenyong Paghahari at ang Bagong Langit at Lupa na inihanda ng Panginoon. Ito’y angkop sa lahat ng nanalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu sa buong mundo. Sinasabi ng Biblia sa atin na halos lahat ng mga hinirang na isinilang na muli ay papataying bilang martir sa mga huling araw.
Nguni’t ang mga, upang maiwasan ang pagmamartir, nagtakwil ng kanilang pananampalataya sa tubig at sa Espiritu, ay papanig sa Anticristo, maglilingkod at sasamba sa kanya bilang Diyos ay mamamatay sa mga salot ng pitong mangkok at sa mga kamay ng Anticristo mismo. Ang kanilang kamataya’y hindi kalakip ng kanilang pagmamartir, kundi kamatayang walang-saysay. Kapag si Satanas at si Anticristo’y mabulid sa impiyerno, ang mga ito’y kasamang mahuhulog dito.
Ang pagkanulo kay Jesu-Cristo upang maiwasan ang pagmamartir at mabawasan ang mga paghihirap sa mga pighati kahit kaunti ay isang kamangmangang bagay na gagawin. Kapag ang mga salot ng pitong trumpeta’y magwakas at ang mga nagtanggol ng kanilang pananampalataya’y papatayin, ang mga salot ng pitong mangkok di-magtatagal ay wawasak sa buong mundo, mag-iiwan ng iilang mga nakaligtas. Malinaw na marami ang magtatamo ng kapatawaran ng kasalanan ay tiyak na magiging martir, at para sa atin upang hindi magkanulo sa ating Panginoon sa panahong ito ng pagmamartir, dapat nating ihanda ang ating pananampalataya ngayon sa pamamagitan ng pananalig na may wastong kaalaman sa mga huling araw at tamang unawa sa Salita.
Ating nakamit ang kapatawaran ng ating mga kasalanan, at kapag tayo’y pinatay, tayo’y magagalak na di natin nalalaman noon, dahil patitibayan tayo ng Diyos. Hayaang malinaw na maitalaga ang ating pananampalataya sa ating mga puso upang ikaw at ako ay tinadhanang maging mga martir para sa Panginoon. Pagkatapos nitong oras ng pagmamartir, lubos na ibibigay ng Diyos ang ating pagkabuhay na muli at rapture, pahihintulutan tayong maluwalhati sa Milenyong Paghahari, ibibigay sa atin ang Kanyang walang-hanggang Bagong Langit at Lupa upang tayo’y maghari, at hahayaan tayong mamuhay sa kayamanan magpakailan man—kung tayo’y mataimtim na mananalig sa lahat ng mga ito, ang ating paghihirap ay magiging ating kagalakan.
Sinabi ni Apostol Pablo, “Sapagka’t npautunayan ko na ang pagtitiis sa panahong ito’y hindi karapatdapat maitumbas sa kaluwalhatiang mahahayag sa atin” (Roma 8:18). Habang naglilingkod sa ebanghelyo, si Pablo’y lubos na naghirap, binugbog ng ilang ulit. Nguni’t sa pananalig na itong paghihirap ay para sa ikaluluwalhati ng Diyos, ang pasakit ni Pablo’y naging kanyang lubhang kagalakan. At ayon sa kasaysayan, halos lahat ng mga apostol, pati na si Pablo ay naging martir. Sinabi na si Pedro’y pinako ng patiwarik sa burol ng Vatican. At ang mga pinuno ng Naunang Iglesia, maging si Policarpio, at ang ibang mga hinirang ay umawit ng mga papuri sa Diyos kahit pa sa kamatayan. Ang gayong mga bagay ay hindi naging posible kung hindi sa kalakasang bigay ng Diyos sa Kanyang mga hinirang.
Kahit pa may mga gayong matatapat na mga hinirang sa panahong ito, meron ding magtatagkwil ng kanilang pananalig. Si Origen, isang teolohiya na kinikilalang lubos ng mga teolohiya ngayon, narinig niya mismo ang ebanghelyo mula sa mga apostol. Nguni’t nang dumating sa kanya ang pagmamartir, siya’y nakatakas, siya’y nakaligtas habang ang kanyang mga kapwa hinirang ay naging mga martir. Ito’y hindi naging posible kung hindi niya tinakwil ang lahat ng ginawa ni Jesus sa kanya. Si Origen sa gayo’y kinatawan ng mga nagtakwil ng kabanalan ni Jesus. Nguni’t sa kabila ng kanyang pagkanulo, ang mga teolohiya ngayon ay inilagay siya bilang isa sa mga pinakamataas sa mga bantog na mga teolohiya.
Bakit tumakas si Origen sa pagmamartir habang ang ibang mga hinirang ay niyakap ito? Hindi dahil sa mahina si Origen habang matibay naman yaong naging mga martir. Ang mga hinirang na naging martir habang nagpupuri sa Diyos ay nagawa nga dahil sila’y nananalig sa winika ni Pablo—ito ay, “ang pagtitiis sa panahong ito’y hindi karapatdapat maitumbas sa kaluwalhatiang mahahayag sa atin.” Matitiis nila ang kanilang kasalukuyang paghihirap, sa ibang pananalita, dahil nananalig sila sa Salita ng pangako ng Diyos na Kanya silang bubuhaying muli at isasama sa rapture, at ibibigay sa kanila ang Kanyang Milenyong Paghahari.
Dapat nating malinaw na malaman na ang pagmamartir ay magaganap sa atin. Ang mga nabubuhay sa pananampalataya na may malinaw na kaalaman nitong katotohanan at may kaibhan sa mga iba. Ang mga naniniwala na ang larawan ng mga naging martir noong panahon ng Naunang Iglesia ay kanilang sariling larawan ay magkakaroon ng matibay na buhay pananalig, marangal at matapang, dahil lahat ng Salita ng Biblia ay kanilang magiging sariling salaysay. Lagi silang nabubuhay sa pananampalatayang yayakap sa pagmamartir—ito ay, nabubuhay sila sa laging pananalig na matapos ang kanilang pagmamartir, ibibigay ng Diyos ang pagkabuhay na muli at rapture, at ang Bagong Langit at Lupa na Kanyang nilayon at inihanda para sa kanila.
Ang mga nananalig nito ay laging mabubuhay na may tapang sa buhay pananampalataya, dahil alam nila na ang kanilang pananampalataya’y naghahanda sa kanila para sa kanilang hangganan, sila’y maaaring mamatay habang nagpupuri sa Diyos. At dahil ito’y hindi lamang isang simpleng doktrina, bagkus ay tunay na pananampalataya, ang di lubos na nananalig nitong Salita at sa ebanghelyo ay ang unang susuko sa Anticristo. Ito kung bakit, kapag ikaw at ako’y nalamang tayo’y magiging mga martir, ang ating mga kapatiran sa Iglesia ng Diyos, taglay ang iisang pananampalataya at makakasama natin magpakailan man, ay napakahalaga sa atin. Ang mga lingkod ng Diyos, Kanyang bayan, at Kanyang Iglesia—lahat nito’y mahahalaga din sa atin.
Ang mga hinirang ng Naunang Iglesia ay may pananalig na higit na masigasig at tiyak kaysa sa atin na nabubuhay ngayon sa mga huling araw. Naniniwala sa kanilang pagmamartir, sa kanilang pagkabuhay na muli at rapture, at sa Milenyong Paghahari at sa Bagong Langit at Lupa. Ito kung bakit sila’y nabubuhay sa pananampalataya parang sila ang talagang nabubuhay sa panahon ng Matinding Kapighatian, animo’y nalalapit na ang pagbabalik ng Panginoon. Kaya tayo na nabubuhay sa panahon ng nalalapit na pagdating ng panahon ng Kapighatian ay nababasa ang ukol sa mga ito, ang kanilang mga salaysay ay malinaw nakakapag-akit sa atin bilang katotohanan, dahil sila rin, ay nalalaman at nananalig sa lahat ng Salita ng Diyos sa Kapighatian, at kanilang pagmamartir, pagkabuhay na muli at rapture.
Dahil tayo’y tunay na mabubuhay sa huling araw na papalapit na sa ating sariling mga mata, dapat mahigpit nating ihanda ang ating pananampalataya ng pagmamartir sa ating mga puso. Hahamunin si Satanas sinuman ang nananalig sa tubig at dugo ni Cristo, sinisikap na ibaba ang kanilang pananalig. Upang hindi sumuko sa hamon ni Satanas, dapat nating itali ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu sa ating mga puso, suriing muli ang pagkapit sa ating pag-asam ng Bagong Langit at Lupa, at tiyakin na ang ating pananampalataya’y di-bibitaw hanggang sa sandali ng ating pagmamartir.
Naipagtanggol ng mga hinirang noong Naunang Iglesia ang kanilang pananampalataya dahil nalalaman nila’t nananalig sa lahat ng Salita ng Kasulatan ng Kapighatian, at kanilang pagmamartir, pagbubuhay muli at rapture. Ikaw at ako rin, ay magiging martir. Ako’y mamamatay, at maging ikaw—tayong lahat ay mamamatay sa pagtatanggol ng ating pananampalataya. Marahil ako ang mauunang kaladkarin at mapapatay. Ito marahil ay isang nakatatakot na tanawin, nguni’t sa huli, walang dapat ikatakot, dahil ang nararapat na hangganan ng pag-iiwas ng pagmamartir ay ang pagtakwil sa ating pananampalataya, isang bagay na hindi natin dapat gagawin.
Magkagayon man, ang Diyos ay maluluwalahati sa ating pagmamartir, at Kanya itong tinalaga bilang ating tadhana. Kaya ito ang isang bagay na dapat nating tahakin kahit papaano’y minsan lang. Yamang hindi tayo makaiiwas ni makatatakas sa tahaking ito, sa halip ay ating harapin ng buong lakas at lampasan na may tapang. Taglay natin ang kapangyarihan ng Hari na wala ng iba, at taglay din natin ang ating pag-asa sa walang-hanggang mga pagpapala. Gayon man, maaari tayong laging magdasal sa Diyos para sa ating kalakasan, at lumuwalhating lubos sa Kanya. Sa pamamagitan ng pananalig na walang takot sa ating pagmamartir, ating makakamit ang higit na kagalakan. Ito ang dakilang kaluwalhatian para sa Diyos, at dakilang pagpapala sa atin.
Sinulat ng Diyos ang Aklat ng Apocalipsis upang mangusap sa atin ukol sa pagmamartir ng mga hinirang, pagbubuhay muli at rapture, ang Milenyong Paghahari, at ang Bagong Langit at Lupa. Sa gayon, nalalaman na ang Apocalipsis ay siya ring pagkakaroon ng tiyak na pananampalataya sa nanghihinang mundo. Ang daan tungo sa Bagong Langit at Lupang nakatala sa Apocalipsis ay di-malalakbay na wala ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. At itong pananalig ay di sasang-ayunan kung hindi dadaan sa pagmamartir. Nawa at dalangin ko, samakatuwid, na inyong italing mabuti ang inyong pananampalataya sa inyong puso, nananalig na hindi ninyo itatakwil ang ebanghelyo bagkus ay maging martir kapag dumating ang panahon, at tumingin sa inyong pananalig. Ang iyong buhay pananampalataya ay mahigpit na mababago mula sa pagkakataong ito.
Hindi tayo mamamatay na walang-saysay, mahuhulog sa mga patibong ni Satanas. Sa pagsunod sa mga gawa ng Banal na Espiritu sa ating mga puso, maaari tayong mamatay sa pagtatanggol sa ating pananampalataya. Ito ang siyang pagmamartir. Ang araw ng ating pagmamartir ay tiyak na magaganap. Nguni’t di tayo natatakot, dahil nalalaman nating bagaman ang ating mga katawa’y papatayin ni Satanas, ilang saglit ay bubuhaying muli ng Diyos sa ating bago at maluwalhating mga katawan. Nalalaman din natin na ang ating pagmamartir ay sandaling susundan ng ating pagkabuhay na muli at rapture, at lahat ng naghihintay sa atin mula niyaon ay ang pagpapala ng paghahari sa Milenyong Paghahari at ang ating walang-hanggang paghahari sa Langit.
Sa malayong panahon, ang Romanong Emperador na si Nero ay sinunog ang Roma upang muling itayo ang lungsod. Nang ang mga mamamayan ng mga Roma ay lubos ang galit, sinisi nila ang panununog sa mga Kristiyano at walang patatanging pinagpapatay sila. Gayon din, kapag ang mga likas na kapahamakan ay humampas sa panahon ng Matinding Kapighatian, sisisihin ni Anticristo ang mga hinirang dahil sa mga salot, bulaang pararatangan tayo, at papatayin.
Kaya, dapat tayong magdasal sa Diyos, mula ngayon, upang bigyan tayo ng pananalig sa pagmamartir, ang pananalig na maaari tayong mamatay. Kung hindi natin itatakwil ang ating pananampalataya at naging martir, lilitaw ang luwalhati ng Diyos. Nguni’t kung itatakwil natin, susuko kay Anticristo, at kilalanin siya bilang Diyos, tayo’y mabubulid sa walang-hanggang apoy. Kung tayo’y magdarasal sa Diyos para pananampalatayang makapagtagumpay sa Anticristo, sa ibang pananalita, ibibigay ng Panginoon sa atin ang kalakasan at kapangyarihan, nguni’t kung di-mataimtin na italaga ang ating mga puso at itakwil ito, impiyerno lang ang maibibigay sa atin.
Hayaan ninyong sabihin ko ang isang maliit na kwento ng Digmaan sa Korea. Ang mga hukbo ng Hilagang Koreano ay nakarating sa isang iglesia sa katimugang dako ng bansa, kung saan ang isang diakonong si Chudal Bae ay nangangalaga rito. Napansing marumi ang paligid ng iglesia, sinabi ng isang sundalo sa diakono na linisin ito. Nguni’t itong diakono ay tumanggi, sinabing kailangan niyang gawing banal ang araw ng Panginoon. Nang mainis ang mga sundalo, binantaang papatayin siya sa harap ng buong kalipunan kung hindi siya maglilinis. Nguni’t patuloy na tumanggi ang diakono, sinasabing kailangan niyang ipagtanggol ang kanyang pananampalataya, at di-maglao’y pinatay. Ilang sandali, ang ibang Kristiano’y tinawag itong pagmamartir, nguni’t ito’y hindi pagmamartir. Bakit? Dahil ang pagmamartir ay kamatayan para sa matuwid na gawain—ito ay, upang ihayag ang luwalhati ng Diyos. Ang kamatayan dahil sa katigasan ng ulo sa ilalim ng pagkukunwari sa Diyos ay malayo mula sa totoong pagmamartir.
Maitatapon ba natin ang pag-ibig ng kaligtasang binigay ng Diyos sa atin? Dahil sa ating mga dungis at mga kasalanan, kinuha ni Jesu-Cristo lahat ng ating mga kasalanan sa Kanyang bautismo at namatay sa Krus. Kung hindi natin maigagawad ang ating buong pananalig sa pag-ibig ng ating Panginoon sa kamatayan, lalong maliit na maitatapon natin ang ebanghelyong magbigigay sa atin ng Bagong Langit at Lupa alang-alang sa ating laman na maglalaho sa ating kamatayan. Tayo’y isinilang dito sa lupa at itinadhang maligtas, upang ipangaral ang ebanghelyo ng kaligtasan sa bawa’t isa sa lupa, at upang mamatay habang nangangaral. Huwag kalilimutan na ang tadhana ng mga hinirang na nagkamit ng kapatawaran ng kasalanan, ang ating tadhana ay ang mabuhay sa pananampalataya at maging martir upang magtagumpay sa hamon ng pananampalataya ni Satanas alang-alang sa kaluwalhatian ng ginawa ng Diyos sa atin.
Marami ang ating mga pagkukulang at puspos ng mga dungis na hindi natin maaaring luwalhatiin ang Diyos sa anu pa man. Sa gayong mga taong tulad natin, binigay ng Diyos ang pagkakataon upang ibigay sa atin ang dakilang kaluwalhatian ng Panginoon, at ito’y walang iba kundi ang pagmamartir. Huwag nating iwasan ito. Tayo’y manalig sa Diyos na Siyang magbabawas ng oras ng Kapighatian kung ating hihilingin sa Kanya, at sa pamamagitan ng pananatili sa ating pag-asam ng mana ng Bagong Langit at Lupa, tayo’y magtatagumpay sa ating pansamantalang paghihirap na dagling magtatapos. Tayo’y mamuhay sa pananalig na ang ating Panginoon ay di-hahayaan ang malaking paghihirap sa mga tapat na nabubuhay sa Kanya, ni itutulot sa kanila ang anuman na magpapatakwil sa kanilang pananampalataya, bagkus Kanya silang kakalingain at ipagkakaloob pang lalo ang masaganang biyaya.
Nalalamang tayo’y magiging martir, kailangan natin ang karanasang harapin ang pasakit, magtiis sa paghihirap, at magpagal para sa Panginoon. Sa pamamagitan ng mga ito, lalago ang ating pananampalataya sa pamamagitan ng karanasang mabuhay kasama ang Panginoon, at kapag ang mga huling araw ay dumating, ating mahaharap ang ating pagmamartir na may kalakasang bigay ng Panginoon. Kung tayo’y mananatiling walang anumang karanasan ng paghihirap para sa Panginoon, pagmamahal sa Kanya, o pagpapagal at pasakit para sa Kanya, tayo’y magagapi ng takot kapag dumating ang panahon ng ating pagmamartir sa pagparito ng Matinding Kapighatian. Yaon lang naghirap at nagtagumpay sa parusa noon ang maaaring tumalo sa kanilang mga paghihirap.
Dalangin ko sa Diyos na ang inyong buhay pananampalataya at yaong paghihirap para sa Panginoon ay magtagumpay sa ibabaw nito, at sa pagdating ng panahon ng pagmamartir, ikaw din, ay magiging isa sa matapat na magpapa-alala sa kanilang mga puso at ipahayag ng kanilang mga labi na lahat nitong mga bagay ay kanilang sariling kaluwalhatiang hinayaan sa kanila sa pamamagitan ng pagpapala at biyaya ng Diyos.
Kung lubhang hangad mo ang Kaharian ng Langit sa pamamagitan ng iyong pananalig, ang Bagong Langit at Lupa ay tiyak na mapapasaiyo. Hangad ng Diyos ang lahat ng tao’y maligtas at malaman ang katotohanan (1 Timoteo 2:4).