(Apocalipsis 13:1-18)
Batay sa pangunahing salaysay, akin ngayon tatalakayin ang paglitaw ng Anticristo at pagmamartir sa mga hinirang. Mula sa kabanata 13 ay makikita natin ang halimaw na umaahon mula sa dagat. Itong Halimaw, na may sampung sungay at pitong ulo, ay walang iba kundi ang Anticristo. Sinasabi ng talata sa atin na ang mga sungay ng Halimaw na may sampung korona, at sa kanyang mga ulo ay ang paglapastangang pangalan. Sinabi rin sa atin na itong Halimaw ay tulad ng leopardo, ang kanyang mga paa’y tulad ng oso, at ang bibig ay tulad ng bibig ng leon. Dagdag nito, binigyan siya ng kapangyarihan ng Dragon, trono, at malaking kapamahalaan. Isa sa kanyang mga ulo ay malubhang nasugatan, nguni’t itong nakamamatay na sugat ay mahimalang gumaling.
Sa pagkamangha rito, ang buong mundo’y nagsimulang sumunod sa Halimaw, dahil siya’y binigyan ng kapangyarihan ng Dragon, sinamba nila ang Dragon at ang Halimaw, sinasabing, “Sino ang kagaya ng halimaw? At sino ang makikipaglaban sa kanya?” Sinasabi rin ng talata sa atin na ang Halimaw ay binigyan ng bibig na makapagsasabi ng mga malalaking bagay at mga paglapastangan, at kapamahalaan upang ituloy ang kanyang mga gawa ng 42 buwan.
Ang Halimaw na Umahon sa Dagat
Ang nakita ni Apostol Juan ang paglitaw ng Anticristo sa gitna ng mga pinuno nitong mundo na lilitaw sa mga huling araw. Itong Anticristo ay ang Halimaw na umahon sa dagat, isang halimaw na may sampung sungay at pitong ulo.
Dapat muna nating malaman kung itong Halimaw ay ang tunay na Halimaw na siyang lilitaw sa lupa. May dalawang pangunahing bagay ang Halimaw na kapansin-pansin: una, siya man o hindi ang Halimaw na lilitaw dito sa lupa at papatayin ang maraming tao; at pangalawa, siya man o hindi itong Halimaw na tinutukoy ang malupit na Anticristong lilitaw mula sa mga pinuno ng mundo. Ito ang iilan sa mga paksang nagkaroon ng interes ang tao. Ang mga nakakaalam nitong mga paksa ay maaaring sabihing ito’y madaling maunawaan, nguni’t sa mangmang, ito’y halos natural lamang na maging palaisipan sa katanungan kung ang Halimaw nga’y lilitaw sa mga huling araw dito sa lupa at mamamahala sa maraming tao.
Ang sinasabi ng Diyos sa atin sa kabanata 13 ay ukol sa paglitaw ng isang hari dito sa lupa sa hinaharap na pamamahalaan ni Satanas. Ang kahulugan ng pariralang, “isang halimaw na umaahon sa dagat,” ay isang hari sa pitong mga hari ng mundo ay magiging Anticristo. Sinasabi rin ng talata sa atin na ang sampung bansa’y mag-iisa kay Anticristo at mamumuno sa lubusang nawasak na sanlibutan.
Ang nakamamatay na sugat ng isa sa mga ulo ng Halimaw at sa kanyang kagalingan, sa kabilang dako’y, sinasabi sa atin na isa sa pitong mga hari ay lubos na masusugatan, nguni’t gagaling din ang kanyang sugat. Itong hari’y ihahayag na patay na, nguni’t himalang binuhay na muli, at kumilos na parang Dragon. Ang Dragon dito’y si Satanas. Tulad ng Dragon, ang Halimaw ay tataglayin lahat ng kapangyarihang wasakin at saktan ang tao. Sa pagdating ng mga huling araw, ang gayong makahayop na tao’y lilitaw dito sa lupa at papapatayin ang tao, siya’y kasing-halimaw ng Godzilla sa pelikula.
Sa pagdating ng lingkod ni Satanas, ang mundo’y magsisimulang sabuyan tungo sa pagkawasak. Ang paraan kung saan pinili ni Satanas na kumilos sa huling panahon ay ang ibigay ang kanyang kalupitan sa mga tao sa pamamagitan ng kanyang lingkod. Ito ang iisang prinsipyon ng Diyos sa pagliligtas sa mga makasalanan sa pamamagitan ng Kanyang mga lingkod.
Dapat nating tiyak na maipakita kung ano ang kahulugan nitong talata sa atin. Ang isa sa mga ulo ng Halimaw ay nasugatan sa talata, isang pinuno nitong mundo, ay binuhay muli mula sa kanyang nakamamatay na sugat, ay tatanggap ng kapamahalaan mula sa Dragon at pararangalan ng tao na parang siya’y diyos. Ito kung bakit, dapat nating tandaan, na ang tao’y nagpahayag, “Sino ang kagaya ng hayop? At sinong makababaka sa kaniya?”
Itong Anticristong lumitaw sa kasalukuyang talata ay gagalangin ng lahat ng tao sa ilalim ng pamamahala ni Satanas at lalaban sa Diyos. Ibig sabihin isang makapangyarihang pinuno ang lilitaw sa huling mundo at maghahari rito. Itong pinuno ay isa sa mga namamahala ng mga bansa. Yamang nakamit ang espiritu ni Anticristo mula kay Satanas, siya’y lilitaw bilang isang makapangyarihang pinuno. Ang mundo kung gayo’y papasailalim sa pinunong ito at pamamahalaan niya. Ang mundo’y magsasama upang maging isang estado sa hinaharap. Ang mga maunlad na bansa sa kasalakuyan ay tutulong sa isa’t isa at palalawakin ang kanilang pamamahala sa buong mundo sa pagharap sa makapangyarihang pinuno.
Sa Europa, naroon ang “European Union,” at sa Asya at gayon din sa Amerika, may mga kapisanan na ang hanap ay ibayong pagsasama ng bawa’t estado upang maging isang katawang pampulitika. Kapag ang gayong mga samahan ay lubusang napag-ibayo, ang sama-samang makapangyarihang estado ay lilitaw, at isang lubos na makapangyarihang pinuno’y lilitaw mula sa gayong sama-samang mga estado. Itong pinuno’y gaganap bilang Anticristo na lalaban sa Diyos. Siya’y magiging isang karismang pinuno na may kapangyarihang mamahala at sumiil sa buong mundo anuman ang kanyang nais.
Bakit? Dahil sa pagkakaroon ng malaking kakayanan at kapamahalaan mula sa Dragon, si Satanas, ay may karunungan kaiba sa ordinaryong tao, at ang kanyang mga kaisipan ay may kaibhan din. Ang kanyang karunungan at kapangyarihan ay aakyat sa alapaap. Ang kanyang sinasabi’y matutupad ng walang sagabal, at walang sinuman ang mangangahas na mag-imbot sa kanyang kinalalagyan. Itong panahon ng kanyang paghahari’y ang panahon ng maputlang kabayo na nakasulat sa Apocalipsis 6.
Ang panahon ng maputlang kabayo’y tiyak na darating sa nalalapit na bukas, at ang mundo’y mapapabilang panumandali kay Anticristo. Nguni’t yaong di-nakakaalam ng katotohanang ito ay talagang nais makita ang paglitaw ng makapangyarihang pinunong tulad ni Anticristo. Ang mga hinirang, gayon man, ay nalalaman itong katotohanan at sa panahong ito, sa pagdating ng araw na ito, mapipigilan nila at lalabanan ang Anticristo, at mamamatay sa pagtatanggol ng kanilang pananampalataya.
Iilang tao ngayon ang ganap na gumagalang sa mga pinuno ng kanilang sariling mga bansa. Saan mang bansa sila nakatira, ang tao sa kalahatan ay may ibang uri ang walang-kasiyahan sa kanilang politikong mga pinuno. Ang tao sa buong mundo’y naghihintay sa isang malakas at mahusay na pinuno. Bakit? Dahil nais nila ang isang pinuno na lulutas sa lahat ng mga suliraning dumadami dito sa mundo, mula sa kakapusan ng pagkain hanggang sa pag-ubos ng kalikasan, mga suliranin sa relihiyon, di-pagunlad ng ekonomiya, away ng mga lahi, at kung ano pa. Kapag ang isang pinuno, taglay ang malawak na karunungan at kapangyarihan, may kakayanang lutasin lahat ng mga suliranin, lahat ng tao sa mundo’y pararangalin siya na parang Diyos at galak na papaghariin siya. Itong pinuno, ang Anticristo na ang buong mundo’y nasa kanyang palad, ay aayusin ang lahat ng bagay.
Tayong lahat ay hangad ang isang pinunong pampulitika na ating gagalangin sa lahat ng bagay, nguni’t ang gayong pagnanais ay napakalawak na mangyari, dahil itong uri ng pinuno’y imposibleng mangyari. Nguni’t sa paglutas ng Anticristo sa maraming pampulitika at pang-ekonomiyang mga suliranin, siya ang uri ng pinuno ng hinahangad ninuman, ang siyang maghahatid ng katatagan sa pampulitika at sa ekonomiya.
Sa pagdaan ng panahon ng itim na kabayo at ang panahon ng maputlang kabayo’y magsimula, dahil sa mga salot ng pitong trumpeta, ang mundong wasak ay maghahangad ng isang matatag at matalinong pinuno. Ang mga pinunong walang-kapangyarihan sa mga maliliit na bansa’y di-malulutas ang pandaigdigang mga suliranin. Sa gayon, ang tao’y maghahanap ng makapangyarihang pinuno. Ang Anticristo’y lilitaw sa panahong ito, magsasalita at kikilos na parang Diyos. Dahil siya’y gumaling sa kanyang nakamamatay na mga sugat, ang tao’y mamamangha sa kanya. Siya’y mabubuhay muli at magiging isang tagapamahala na taglay ang dakilang kapangyarihan, tapang, pagpupunyagi at karunungan, ang tao sa buong mundo’y kikilanin siya bilang Diyos.
Sa gayon, maging ang bayan ng Israel ay maniniwala sa kanya upang maging kanilang pinakahihintay na Mesias. Nguni’t ang mga Israelita di-maglaon ay mababatid na siya’y sinungaling at si Jesus ang kanilang tunay na Mesias, at marami sa kanila ang maliligtas. Maririnig ng Anticristo ang tao sa pangsabing, “At sinong makababaka sa kaniya?” Lahat ng sumuway sa kanya ay walang pagtanging pagpapatayin.
Sa pagdating ng panahon ng maputlang kabayo, ang buong mundo hindi lamang lubusang maghihirap dulot ng mga salot ng kalikasan, mapipinsala sa apoy na tutupok sa ikatlong bahagi ng kagubatan at masasakal sa usok, nguni’t ang tao’y magkakaisa upang magpasailalim sa isang pinuno upang paglingkuran siya bilang kanilang hari. Ang siyang lumutas ng lahat nitong mga suliranin ay itataas ng higit kaysa sa Diyos.
Lahat ng mga ito’y plano ng Diyos. Upang ang mga ito’y mangyari dito sa mundo, dapat muna ay may marahas na pagdaigdigang pagbabago ng kapaligiran, at isang kasunduan ng mga pinuno sa bawa’t bansa sa pangangailangan ng isang sentrong kapamahalaan. Ang gayong kasunduan na ang hangad para sa ganitong uri ng pinuno ay ginagawang huwad ngayong panahon ng kabayong maitim. Ang mundo ngayo’y hangad ang pinakamagaling na pinuno. Ang mga pinuno ng bawa’t bansa ay walang-kakayanang alisin ang walang-kasiyahan ng kanilang mga sariling mamamayan, ang sangkatauhan ngayon ay naghahanap ng isang magaling ng pinuno na lulutas sa lahat ng mga problemang kanilang kinakaharap. Kung titignang mabuti sa nangyayari dito sa lupa, malalaman mo na lahat ng bagay ay malaki ang posibilidad na mangyari. Ang inihulang pinuno ay lubos ang bagsik, isang tao na taglay ang higit na kapangyarihan at lubos na kakayanan, tulad paglalarawan sa kanya na may paa tulad ng paa ng oso, bibig na tulad ng bibig ng leon, at mukha tulad ng mukha ng isang leopardo.
Itong tao, taglay ang kapamahalaan mula sa Dragon, ay lalapastangan sa Diyos, sa Kanyang mga anghel sa Langit, at sa Kanyang mga hinirang. At kanyang lalabanan ang mga hinirang at tatalunin sila. Papatayin ng Anticristo ang mga hinirang sa kanyang pakikipaglaban sa kanila, pipilitin silang talikuran ang kanilang pananalig. Dahil sa hindi pagsuko ng kanilang pananampalataya sa panahong ito, sila’y papatayin. Yamang taglay ng Anticristo ang kapamahalaan sa buong mundo, kanyang papatayin at wawasakin lahat ng mga di-makikinig sa kanyang mga utos.
Sa talatang 8 ay sinasabi sa atin, “At ang lahat ng nangananahan sa lupa ay magsisisamba sa kaniya, na ang kanikaniyang pangalan ay hindi nasusulat sa aklat ng buhay ng Cordero na pinatay buhat nang itatag ang sanglibutan.” Dahil ang Anticristo’y maghahari bilang makapangyarihang pinuno sa panahong ito, ang sinumang sumuway sa kanya’y papatayin. Gayon pa man, para sa lahat ng mga hinirang, ang gayong panahon ay ang panahon ng kanilang pagmamartir.
Mula sa talatang 8 ay sinabi, ang salitang “sasamba” rito ay kapurihan at paglilingkod sa kanya na may kapangyarihan. Sa mga huling araw, ang Anticristo’y sasambahin ng tao na parang Diyos, kakamtan ang higit na papuri na di pa nakakamit ng sinumang hari. Nguni’t isang lupon ng tao ay di-sasamba sa kanya. Sila’y walang iba kundi ang “isinilang na muling mga Kristiyano.” Hindi nila kikilalanin ang Anticristo bilang Diyos, at sa gayon, hindi nila siya sasambahin at sanhi nito sila’y mamamatay sa pagtatanggol ng kanilang pananampalataya.
Isa pang Halimaw ang Aahon mula sa Lupa
Ang Anticristo rin ay mayroong huwad na propeta. Itong huwad na propeta ang siyang magtataas sa Anticristo, ang magbabanta at papatay sa mga sumuway sa Halimaw. Sinasabi sa Apocalipsis 13:11, “At nakita ko ang ibang hayop na umaahon sa lupa, at may dalawang sungay na katulad ng sa isang kordero, at siya’y nagsasalitang gaya ng dragon.” Ang pangalawang halimaw na lilitaw dito ay ang lingkod ng unang Halimaw—ito ay, ang Anticristo. Tulad ng Anticristo, siya’y lalaban din sa Diyos at papatayin ang tao at ang mga matuwid.
Tinanggap niya ang kapamahalaan mula sa Dragon, pagyayamanin niya ang tao upang sambahin ang Anticristo na naunang dumating sa kanya bilang Diyos. Dahil siya rin, ay tatanggap ng kapamahalaan mula sa Dragon, gagawin niya ang mga kagustuhan ng Dragon. Hindi lamang niya pasasambahin ang mga tao sa Anticristo na nauna sa kanya at papatayin lahat ng mga sumuway sa kanya, nguni’t gagawa rin siya ng mga himala, tulad ng pagpapababa ng apoy mula sa langit, at kikilos tulad ng Anticristo. Sasambahin niya’t pakaibigin ang Halimaw, na masusugatang lubos nguni’t manunumbalik mula sa sugat na ito, sa harapan ng lahat. Sino kung gayon, ang makagagawa ng lahat ng ito? Ito ang propeta ng Anticristo. Siya’y gagawa ng isang rebulto ng Anticristo na nauna sa kanya at iuutos sa mga tao na itaas itong Anticristo higit sa Diyos. Upang magkagayon, hihingahan ng buhay itong rebulto ng Anticristo upang ito’y makapagsalita, at papatayin lahat ng mga di-sumamba sa rebulto ng Halimaw gaano ang dami nila. Dahil ang mga hinirang ay papatayin dahil sa pagtangging sumamba sa rebulto, di-mabilang ng mga martir ay magsisilabasan sa panahong ito.
Ang bawa’t isa sa mundo na hindi isinilang na muli, sa kabilang dako, ay manginginig sa kanilang kamatayan at magiging mga alipin ng kamatayan. Sa gayon, silang lahat ay sasamba sa Anticristo bilang Diyos. Ang mga matatapat na matalino’y maaaring maging rebelde laban sa diktador, nguni’t sila’y agad na ibababa, papatayin ng apoy na magmumula sa mga bibig ng huwad na propeta at ng Anticristo.
Itong huwad na propeta, na gagawa ng rebulto, ay sasabihing, “Lahat ay dapat tanggapin ang marka ng kanyang pangalan o numero!” Kanyang ipag-uutos na ipagbabawal sa lahat ng hindi tumanggap ng marka ng Halimaw ang pakikipagkalakal ng kahit ano, upang ang lahat ay kailangan ngang magpatatak nitong pangalan ng Halimaw. Sa talatang 18 ay sinasabi, “Dito’y may karunungan. Ang may pagkaunawa ay bilangin ang bilang ng hayop, sapagka’t siyang bilang ng isang tao, at ang kaniyang bilang ay Anim na raan at anim na pu’t anim.”
Ito sa halip ay matapat. Bagaman iniisip natin na ang numerong 666 ay isang masalimuot na bagay, ibig sabihin lamang na ito’y pangalan ng Anticristo, o kanyang numero. Upang tanggapin ang marka ng Halimaw nangangahulugang pagtanggap ng marka ng kanyang pangalan sa noo o sa kanang kamay. Iuukit ang pangalan nitong pinuno sa katawan ng isang tao, itatatak ang isang numero at “digital” na isang “bar code.”
Itong marka ay kailangan kahit saan sa tuwing ang isang tao’y bibili ng anumang bagay. Kahit sa iyong pagsakay sa bus, kailangan mo itong “digital” na numerong nakaukit sa iyong katawan, at kung wala nito ika’y limitado. Itong panahon ay ang pinaka-panahon ng “digital.” Ito’y isang panahon ng mga numero. Ang lahat ay isinasalin sa mga numero, ang dating lubos na masalimuot ngayon ay naging simple na lamang. Sa gayong panahon ay lilitaw itong numero ng Halimaw.
Ang Anticristo’y gagawa ng isang rebulto ng kanyang sarili at iuutos sa tao na sambahin siyang parang Diyos. Ang oras ay talagang darating na ang tao’y kakailanganing tawagin ang Anticristo bilang kanilang “Diyos,” pupurihin siya at tatawag sa kanyang pangalan sa karangalan, at kakamtan ang kanyang pangalan sa kanilang kanang kamay o mga noo. Pipilitin ni Anticristo sa mga hinirang na magpatatak at sambahin siya, sasabihing, “Naniniwala ka nga ba kay Jesus? Nananalig ka ba sa Kanya bilang iyong Diyos? Itakwil mo Siya! Yumukod sa rebultong ito at sa halip ay tawagin siyang Diyos! Maniwala ka sa akin bilang isang pinaka-makapangyarihan! Kung hindi, ika’y tiyak na mamamatay!”
Ipipilit ng Anticristo ang isang pananalig mula sa buong mundo. At kanyang ipipilit sa lahat na sambahin siya bilang Diyos. Ang mga hindi kumilala na siya’y Diyos sa panahong ito ay papatating lahat. Sa publiko’y pagpapatayin ng Anticristo ang mga hinirang na sasalungat sa kanya.
Yaon ang mga pangala’y di-nakatala sa Aklat ng Buhay ng Cordero’y ay tatatakan at sasamba sa kanya. Nang makamtan natin ang kapatawaran ng kasalanan sa ating mga puso, ang Banal na Espiritu’y nanahan sa atin, at ang ating mga pangala’y sinulat na sa Aklat ng Buhay sa Kaharian ng Langit. Yamang ang ating mga pangala’y nakatala sa Aklat ng Buhay at dahil ang Banal na Espiritu’y nakatatak sa ating mga puso, tayong lahat ay itataas bilang mga anak ng Diyos kapag tayo’y Kanyang tinawag.
Maaari ba nating itakwil si Jesu-Cristo na nagligtas sa atin, at sabihin sa rebulto ng Halimaw na siya na ngayon ang ating Diyos at Tagapagligtas? Hindi! Hindi man tayo sapat sa Kanyang harapan, ang ating Panginoon na naparito sa laman, nilinis lahat ng ating mga kasalanan sa pamamagitan ng pagkuha Niya sa Kanyang bautismo, at niligtas tayo sa pagtitiis ng hatol sa Krus.
Gayon din, dahil sinabi na ng Panginoon sa atin ukol sa lahat ng mga bagay na ito noon pa, tayong mga hinirang ay di-magtatakwil ng ating pananampalataya sa panahong ito ng Anticristo. Bagaman ang panahon ng Kapighatian ay darating sa atin at susundan ng ating kamatayan, naniniwala akong pahihintulutan tayo ng ating Panginoon na manirahan sa Kaharian ng Langit sa pamamagitan ng pagbuhay muli at pagkuha sa atin ilang saglit matapos ang ating pagmamartir.
Naniniwala ako na matapos ang ating rapture, wawasakin ng Diyos itong mundo sa pagbubuhos ng Kanyang mga salot ng pitong mangkok, at matapos nito tayo’y mananaog sa lupa at maghahari ng isang libong taon, hindi tayo yuyukod sa rebulto. Ito kung bakit ang mga lingkod at mga hinirang ng Diyos ay handang isuko ang kanilang mga buhay.
Susubukan ng propetang huwad na kumbinsihin tayo sa ibang paraan. Sisikaping mabibili tayo sa pagsasabing, “Tignan mo, ang kaguluha’y palasak ngayon sa mundong ito. Ang lahat, pati na mga matatalino at mga iskolar, naniniwala at sumunod sa aming pinaka-pinuno bilang Diyos, magpapatuloy ka ba sa pagtangging at maniwala sa makapangyarihang hari namin?” Nguni’t kung nalalaman natin at nananalig lagi sa Salita ng Diyos, magtatagumpay tayo sa huli sa pagyakap sa ating kamatayang martir.
Sa Apocalipsis 14 ay lilitaw ang 144,000 na mga hinirang na pupuri sa Diyos sa Langit. Sinasabi sa atin ang pagkabuhay muli at rapture pagkatapos ng pagmamartir. Saan mang dako sa Biblia, tulad ng sinabi ni Pablo sa pangalawang pagbabalik ni Cristo o ang inihula ng ibang mga lingkod ng Diyos sa Lumang Tipan, malalaman din natin ang ukol sa rapture, na ang mga hinirang ay itataas sa alapaap at makakasama sa kasalang piging ng Cordero ng Panginoon. Sa kasalang piging na ito makapapasok ang mga hinirang.
Kapag ang mga hinirang ay nakapasok na sa kasalang piging ng Cordero sa Langit, ang mga salot ng pitong mangkok ay ibubuhos dito sa lupa, lubos na magwawasak. Matapos nito, ang mundo’y babaguhin, at ang mga hinirang ay bababang kasama ang Panginoon at maghahari sa Kaharian ni Cristo ng isang libong taon. Kapag alam natin lahat nitong mga katotohanan, matatawag ba nating diyos ang Anticristo, kahit pa sa lahat ng uri ng pagpapayapa at mga pang-aakit upang tayo’y yumukod sa kanyang rebulto, sambahin siya bilang diyos, at itakwil ang ating pananalig sa tunay na Diyos? Hindi!
Tulad na nakasulat sa Biblia, “ang pananampalataya ay siyang kapanatagan sa mga bagay na hinihintay, ang katunayan ng mga bagay na hindi nakikita (Hebreo 11:1),” ang mga propeta’y nananalig sa paunang sinabi ng Diyos sa kanila ukol sa mga bagay na magaganap. Ang mga lingkod at bayan ng Diyos na nananalig sa Salita ay mga saserdote at mga propeta. Sa pagpapangaral sa atin ng ebanghelyo ng kapatawaran ng kasalanan sa lahat sa buong mundo, inaakay ng Diyos ang maraming kaluluwa upang kamtan ang kanilang kapatawaran. Niligtas tayo ng Diyos bagaman tayo’y di-sapat sa Kanyang harapan, tayo’y ginawang Kanyang bayan, at maging sa pagkakataong ito, inibig Niya tayo, ginabayan, at pinagpala ng walang pagbabago.
Hindi lang binigay ng Panginoon sa atin ang kapayapaan sa ating mga puso, kundi Kanya rin nilagay sa atin ang pag-asa sa Kaharian ng Langit sa pagbibigay sa atin ng Banal na Espiritu. Sa gayon, kapag sinabi ng Anticristo sa atin na sambahin siya bilang Diyos, tatanggihan ito ng ating mga puso.
Sa una’y maaaring magitla tayo sa pagbukadkad ng mga pangyayari kapag ating biglang mabatid na ang panahong sinabi ng Diyos ay dumating na, nguni’t tayong mga hinirang di-maglao’y babalik ang ating kahinahunan at magsimulang lumaban sa Anticristo. “Kung gayon iniisip mong ikaw ang tunay na Diyos? Nilikha mo ba ang kalawakan? Nilikha mo ba ang sangkatauhan? Ikaw ba talaga ang panginoon ng mga kaluluwa?” Ito ang mga salitang pakikipaglaban sa Anticristo.
Kapag pinatay ng Anticristo ang mga hinirang at mga lingkod ng Diyos sa panahong ito, tayo rin ay mamamatay. Di-magbabago kailanman ang ating Diyos sa atin. Ang pananalig ay ipinipilit. Ni ang pananalig ay lumilitaw o naglalaho sa lohika ng pagpipilit. Malayo sa mga ito, ang tunay na pananalig ay may higit na kapangyarihan upang talunin ang pagpipilit. Samakatuwid ang mga hinirang ay papatayin, at sa huli’y matatalo ang Anticristo sa mga hinirang.
Kapag gumawa ang Anticristo ng mga rebulto ayon sa kanyang sariling anyo at pipilitin ang mga hinirang na sambahin siya bilang diyos, ang mga hinirang at mga lingkod ng Diyos ay sisigaw sa kanya, “Ikaw ba ang lingkod ng Diyos o ang lingkod ni Satanas? Kilala mo ba ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu? Kilala mo ba at nananalig na si Jesu-Cristo ay Diyos? Kapag si Jesu-Cristo’y nagbalik dito sa lupa, itatapon Niya ang taong tulad mo sa pinakamalalim na hangganan ng impiyerno! Nauunawaan mo ba, ikaw na anak ni Satanas?” Ang Anticristo at kanyang propeta’y papatayin ang mga hinirang, at ang mga hinirang ay galak ng yayakapin ang kanilang kamatayang maging martir para sa Diyos.
Sinasabi sa talatang 10 na “Dito’y may karunungan. Ang may pagkaunawa ay bilangin ang bilang ng hayop, sapagka’t siyang bilang ng isang tao, at ang kaniyang bilang ay Anim na raan at anim na pu’t anim.” Ibig sabihin na kapag pinatay ni Anticristo ang mga hinirang, itatapon din siya ng Diyos maging ang kanyang mga tagasunod sa balon ng kalaliman, at papatayin din sila dito sa lupa. Kapag yaong lumaban sa Diyos ay pahihirapan ang mga hinirang, sila rin, ay haharap sa lalong higit na mga paghihirap mula sa Diyos.
Sa gayon, tayo’y dapat na lumaban sa Anticristo sa pagtitiis ng ating pananampalataya. Ang itatagal ng pag-uusig sa mga hinirang sa panahong ito ay tatlo at kalahating taon lamang. Nguni’t maaaring bawasan ng Diyos ang pag-uusig at pighati ng mga hinirang, paiiksihin ang itatagal nito ng iilang buwan o dalawang linggo. Bagaman papatayin ang mga hinirang, sila’y mabubuhay muli. Sila’y bubuhaying muli at isasama sa rapture, at sila’y pagpapalaing magharing kasama si Jesu-Cristo sa Milenyong Paghahari.
Kapag dumating ang Milenyong Paghahari, ang kariktan ng kalikasan ay mararating ang sukdulan nito, at ang mga hinirang ay maghaharing kasama ang Panginoon sa kanilang mga banal na katawan mula sa kanilang lumang laman. Sila sa gayo’y magiging maligaya kapiling ang Panginoon sa Bagong Langit at Lupa magpakailan man. Paano natin, tayo na nakakaalam at nananalig sa lahat nitong mga bagay, di-nagtiis sa maikling paghihirap na darating sa atin dahil sa ating pananalig kay Jesus?
Gaano man ang bagsik ng mga pighati nitong panahon, di-mabilang na mga hinirang gayon pa ma’y pagpapatayin, kaya walang dahilan upang tayo rin ay di-yayakap sa ating pagmamartir. Lahat ng mga ito’y tunay, hindi tayo susuko sa Kapighatiang magtatagal lang ng sandali habang narito sa lupa. Tulad ng lubos na halimbawa, kahit pa ang mundo’y maging isang paraiso ng isang daan o isang libong taon, hindi tayo susuko sa Anticristo. Lahat ng mga ito’y hindi malayo sa atin, nguni’t darating sa atin sa isang nalalapit na panahon.
Tayo samakatuwid ay dapat ipangaral ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ngayon, habang ang mundo’y mapayapa. Upang maihanda itong panahon ng Matinding Kapighatian, masigasig nating ikalat ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ngayon. Sa loob ng isan taon, ang ebanghelyong ating pinangangaral ay ang pinakakahanga-hangang gawain. Pambansa at pandaigdigan, ang kahanga-hangang gawain ng ebanghelyo ay darating. Marahil ay mababaw na unawain ng tao sa una ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, nguni’t marami sa di-nakakaalam ng Salita ng Apocalipsis ay hahanapin at mapapakinggan at magbabalik sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, dahil sila’y higit na magkakaroon ng interes sa Salita ng Apocalipsis at hindi tatanggapin na may kababawan.
Ang Apocalipsis 13 ay ang kabanata ng pagmamartir sa mga hinirang. Kapag dumating ang oras ng pagmamartir, ang mga hinirang ay papatayin sa tabak o babarilin. Maraming mga martir ang mamamatay sa kamay ng Anticristo. Nguni’t mahaharap natin ang ating kamatayan ng walang takot, dahil ito’y kamatayan ng ating laman, hindi ng ating pananalig. Puspos ng ating pananampalataya at ng Banal na Espiritu, ating isisigaw ang di-maipaliwanag na mga salita at tapang.
Wala kang dapat ikatakot, kahit hindi ka magaling sa pagsasalita o kimi. Sadyang isipin lamang ang matatandang mga hinirang ng Naunang Iglesia. Ang mga hinirang sa panahong yaon ay di sumuko sa mga puwersa ni Satanas dahil sila’y hindi pinatay na mag-isa kundi sama-sama, at dahil sila’y puspos din ng Banal na Espiritu. Sadyang alalahaning sinabi na ni Jesus sa atin, “Datapuwa’t pagka kayo’y ibinigay nila, huwag ninyong ikabalisa kung paano o kung ano ang inyong sasabihin, sapagka’t sa oras na yaon ay ipagkakaloob sa inyo ang inyong sasabihin. Sapagka’t hindi kayo ang mangagsasalita, kundi ang Espiritu ng inyong Ama ang sa inyo’y magsasalita” (Mateo 10:19-20). Upang kamtan ang Kaharian ng Diyos, hindi ba natin kayang tiisin ang ating kamatayan, bilang bayan ng Diyos? Kaya nating itong tiisin.
Itong mundo’y lubos na mawawasak ng mga salot ng pitong trumpeta ng Diyos, kapag ang isang mapaniil na si Anticristo’y mamamahala sandali. Paano natin maipagpapalit ang walang-hanggang Langit para sa anumang bagay nitong mundo, gaano man ito kaakit-akit? Kapag ang lupa’y naging isang imposibleng lugar na titirhan, ang mga ilog ay magiging mga ajenjo, dagat na may dugo, at ang kalikasan ay nangawasak, higit na kaliitang tao’y susuko sa makahayop na taong magsisikap na itakwil ang ating pananampalataya.
Mula sa araw ng ating pagmamartir, ang tanging mundong naghihintay sa mga nananatili pa rin sa lupang ito ay ang uri kung saan ang mga di-kilalang mga epidemya ay malupit na mananalasa at ang mga halama’y hihinto sa pagbigay na mga aanihin, sila’y matutuyo at malilipol sa pag-ulan ng yelo. Sa gayong mundo, kahit isantabi pa ang bagay ng pananampalataya, wala ng magnanais pang mabuhay.
Ang Aklat ng Apocalipsis ay pinakikita sa atin ang mga bagay na magaganap sa hinaharap. Kapag ang ngayong panahon ng kabayong itim ay umusad lamang ng kaunti, ang panahon ng maputlang kabayo’y talagang darating. Ang ating Panginoon, sa madaling salita, ay malapit ng bumalik. Ang aking sinasabi’y hindi ang ipagbili lahat ng inyong ari-arian yamang ang pagbabalik ng Panginoon ay napipinto. Sa halip, ang aking sinasabi na tayo’y patuloy na maging matapat at di-nagbabago sa paglilingkod sa ating Panginoon hanggang sa pinaka-araw ng paglitaw ng Anticristo.
Kung ikaw, sa anumang pagkakataon, nagugulumihanan o walang pag-asa ngayon, hindi na dapat mag-alala pa. Kapag ating nalaman na tayo’y magiging mga martir, ang ating mga puso’y magiging mapayapa. Yamang tayo’y magiging mga martir, anong kasakiman pa ang nalalabi sa atin? Kung may isang hangarin pa sa atin, ito’y ang pangangaral nitong ebanghelyo sa lahat sa buong mundo, upang maraming mga hinirang ang lilitaw sa mga huling araw, maligtas at maging martir dahil sa pananalig sa ebanghelyo, at sa gayo’y makamit ang Bagong Langit at Lupa. Nawa lahat ng mga hinirang ay makamit din ang Kaharian ni Cristo dahil sa kanilang pananalig, binusog dahil sa pananalig nitong katotohanan, at sa gayo’y handang danasin lahat ng mga ito na naghihintay sa kanila sa panahon ng Anticristo.
Binigay ng Diyos sa atin ang pagpapala ng pagmamartir. Hindi lahat ay martir, at hindi sadyang kahit sino ay nabubuhay sa Panginoon. Ako’y nagpapasalamat sa Diyos sa pagbibigay sa akin ng gayong pagpapala, at ako’y masaya sa katotohanang ako’y mamamatay dahil sa pananalig. Dahil tayo’y di-umasa ni nagtagal na umibig nitong mundo, ang pagmamartir ay isang dakilang kaligayahan para sa akin.
Ang dapat lang nating gawin ay umasa para sa Milenyong Paghahari at Langit na hinanda ng Diyos para sa atin, mamuhay sa pag-iisa ng ating mga pagpapagal sa pangangaral ng ebanghelyo sa buong mundo hanggang sa pagbabalik ng Panginoon, galak na tanggapin kapag Siya’y magbalik. Manalig sa Salita, dahil ang mga ito ang sadyang darating.
Hindi natin maaaring tanggapin ang marka ng Anticristo, dahil tayo’y bayan ng Kaharian ng Langit. Dahil sa pagtanggap ng marka’y isang paraang pagpili sa sarili, hindi pagpipilit, kundi sa pamamagitan ng pagtanggap sa puso.
Maging ang ating mga anak, kung ang ebanghelyo’y nasa kanilang mga puso, ay higit na may tapang na mayayakap ang kanilang kamatayan, dahil sila rin, ay pinanahanan ng Banal na Espiritu. Tulad ng paghahayag ng mga nakatatanda na si Jesus ay kanilang Tagapagligtas, kung ang Banal na Espiritu’y nasa puso ng mga bata, sila rin, ay tiyak na ipapahayag na si Jesus ay ang kanilang Tagapagligtas at Diyos. Sinasabi ng Biblia sa atin na huwag isipin ang sasabihin kapag tayo’y kinakaladkad tungo kay Anticristo, dahil ang Banal na Espiritu’y pupunan ang ating mga puso ng mga salitang ating sasabihin.
Ang mga anak ng Diyos ay maaari ring matakok habang sila’y bata at mahina pa sa pananampalataya, nguni’t ang Banal na Espiritu sa kanila ay di-natatakot. Sila’y magiging mga martir dahil sa kapangyarihan ng Banal na Espiritung nasa kanila. Dahil sila rin, ay kabilang sa Diyos, Kanyang tatanggapin ang kanilang mga kaluluwa, itutulot na mamatay ang kanilang mga katawan, at gagantimpalaan din silang maghari sa mabuting mundo.
Ang Diyos ay pupunan ang mga puso ng mga isinilang na muli sa pamamagitan ng tubig at ng Espiritu ng Kanyang mga Salitang sasabihin. Dahil ang mga kaluluwang pinili at tinanggap ng Diyos ay magiging martir, hinanda ng Diyos ang kanilang pananalig alang-alang sa Kanyang ngalan. Sadyang sa katotohanang nananahan ang Banal na Espiritu sa ating mga puso dahil tayo’y nanalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, matatamo nating lahat ang gantimpala ng Milenyong Paghahari at luwalhati ng Bagong Langit at Lupa.
Sa huling panahon, mararanasan nating lahat ang puspos ng Banal na Espiritu sa ating mga puso. Dahil tayo’y tinadhanang maging mga martir, kapag tayo nga’y naging martir ayon sa layon ng Diyos, tayong lahat ay dadaan sa pagmamartir habang nagpupuri, sumasamba, at lumuluwalhati sa Kanyang presensiya. Dahil tayo’y nananalig sa Diyos, sinusunod lang nating Siya dahil sa ating pananampalataya na nakasisigaw ng “Amen!” Dahil nalalaman nating tayo’y magiging martir, ang kasakiman ng ating laman ay likas na lilisan sa atin, dadalisayin ang ating mga kaluluwa.
Ang maging martir, na siyang layon ng Diyos sa atin, ay ang kamtan ang dakilang pagpapala at maluwalhating lubos. Ang mga hinirang ay umasam na manahan magpakailan man sa Bagong Langit at Lupa, lalaban kay Anticristo at ipagtatanggol ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu sa kanilang mga puso hanggang sa huli. Itong panahon ng Matinding Kapighatian, lahat ng hinirang, ay kinikilala si Jesus bilang kanilang Diyos at nananalig sa kanilang ganap na kaligtasang ibibigay Niya, at yayakapin ang kanilang pagmamartir sa harap ng Diyos. Nagpapasalamat ako sa Panginoong nagbigay nitong pagpapala ng pagmamartir.