• All e-books and audiobooks on The New Life Mission website are free
  • Explore multilingual sermons in global languages
  • Two new revised editions in English have been released
  • Check out our website translated into 27 languages
Search

Sermons

Paksa 10: Ang Pahayag (Mga Komento sa Pahayag)

[Kabanata 14-1] Ang Papuri ng mga Nabuhay na Muli at Rapture ng mga Martir (Apocalipsis 14:1-20)

(Apocalipsis 14:1-20)
“At tumingin ako, at narito, ang Cordero ay nakatayo sa bundok ng Sion, at ang kasama niya’y isang daan at apat na pu’t apat na libong may pangalan niya, at pangalan ng kaniyang Ama, na nasusulat sa kanikaniyang noo. At narinig ko ang isang tinig na mula sa langit, na gaya ng lagaslas ng maraming tubig, at gaya ng ugong ng malakas na kulog, at ang tinig na aking narinig ay gaya ng sa mga manunugtog ng alpa na tumutugtog ng kanilang mga alpa. At sila’y nangagaawitan na wari’y isang bagong awit sa harapan ng luklukan, at sa harap ng apat na nilalang na buhay at ng matatanda, at sinoman ay hindi maaaring matuto ng awit kundi ang isang daan at apat na pu’t apat na libo lamang, sa makatuwid ay siyang mga binili mula sa lupa. Ang mga ito’y ang hindi nangahawa sa mga babae, sapagka’t sila’y mga malilinis. At ang mga ito’y ang nagsisisunod sa Cordero saan man siya pumaroon. Ang mga ito’y ang binili sa gitna ng mga tao, na maging mga pangunahing bunga sa Dios at sa Cordero. At sa kanikaniyang bibig ay walang nasumpungang kasinungalingan, sila’y mga walang dungis. At nakita ko ang ibang anghel na lumilipad sa gitna ng langit, na may mabuting balita na walang hanggang upang ibalita sa mga nananahan sa lupa, at sa bawa’t bansa at angkan at wika at bayan. At sinasabi niya ng malakas na tinig, ‘Matakot kayo sa Dios, at magbigay kaluwalhatian sa Kaniya, sapagka’t dumating ang panahon ng Kaniyang paghatol, at magsisamba kayo sa gumawa ng langit at ng lupa at ng dagat at ng mga bukal ng tubig.’ At ang iba, ang pangalawang anghel, ay sumunod na nagsasabig, ‘Naguho, naguho ang dakilang Babilonia, na siyang nagpainom sa lahat na bansa ng alak ng kagalitan ng kaniyang pakikiapid.’ At ang ibang anghel, ang pangatlo, ay sumunod sa kanila, na nagsasabi ng malakas na tinig, ‘Kung ang sinoman ay sumasamba sa hayop at sa kaniyang larawan, at tumatanggap ng tanda sa kaniyang noo, o sa kaniyang kamay, Ay iinom din naman siya ng alak ng kagalitan ng Dios, na nahahandang walang halo sa inuman ng kaniyang kagalitan, at siya’y pahihirapan ng apoy at asupre sa harapan ng mga banal na anghel, at sa harapan ng Cordero. At ang usok ng hirap nila ay napaiilanglang magpakailan kailan man, at sila’y walang kapahingahan araw at gabi, silang mga nagsisisamba sa hayop at sa kaniyang larawan, at sinomang tumatanggap ng tanda ng kaniyang pangalan. Narito ang pagtitiyaga ng mga banal, ng mga nagsisitupad ng mga utos ng Dios, at ng pananampalataya kay Jesus.’ At narinig ko ang isang tinig na mula sa langit na nagsasabi, ‘Isulat mo, Mapapalad ang mga patay na nangamamatay sa Panginoon mula ngayon, oo, sinasabi ng Espiritu, upang sila’y mangagpahinga sa kanilang mga gawa, sapagka’t ang kanilang mga gawa ay sumusunod sa kanila.’ At nakita ko, at narito, ang isang alapaap na maputi, at nakita ko na nakaupo sa alapaap ang isang katulad ng isang Anak ng tao, nasa Kaniyang ulo’y may isang putong na ginto, at sa Kaniyang kamay ay may isang panggapas na matalas. At lumabas ang ibang anghel sa templo, na sumisigaw ng malakas na tinig doon sa nakaupo sa alapaap, ‘Ihulog mo ang iyong panggapas, at gumapas ka, sapagka’t dumating ang oras ng paggapas, sapagka’t ang aanihin sa lupa ay hinog na.’ At inihagis ng nakaupo sa alapaap ang kaniyang panggapas sa lupa, at ang lupa ay nagapasan. At lumabas ang ibang anghel sa templong nasa langit, na may panggapas din namang matalas. At ang ibang anghel ay lumabas sa dambana, na siyang may kapangyarihan sa apoy, at tinawagan ng malakas na tinig yaong may panggapas na matalas, na sinasabi, ‘Ihulog mo ang iyong panggapas na matalas, at putihin mo ang mga buwig sa ubasan sa lupa, sapagka’t ang kaniyang mga ubas ay mga hinog na.’ At inihagis ng anghel ang kaniyang panggapas sa lupa, at pinuti ang mga ubas sa lupa, at inihagis sa pisaan ng ubas, sa malaking pisaan ng kagalitan ng Dios. At nayurakan ang pisaan ng ubas sa labas ng bayan, at lumabas sa pisaan ng ubas ang dugo, na umapaw hanggang sa mga preno ng mga kabayo, sa lawak na isang libo at anim na raang estadio.”
 
 
Masusing Kapaliwanagan ng Kasulatan
 
Talatang 1: At tumingin ako, at narito, ang Cordero ay nakatayo sa bundok ng Sion, at ang kasama niya’y isang daan at apat na pu’t apat na libong may pangalan niya, at pangalan ng kaniyang Ama, na nasusulat sa kanikaniyang noo.
Ito’y ukol sa mga hinirang na isinilang muli, mga binuhay muli at isinama sa rapture matapos ang kanilang pagmamartir ng Anticristo, pinupuri ang Panginoon sa Langit. Ang mga hinirang na pinaslang ng Anticristo at ang mga hinirang na natutulog ngayo’y nasa Langit, nagpupuri sa Panginoon na may bagong awit. Sa talatang 4 ay makikita natin ang 144,000 na umawit nitong bagong awit. Marahil magtataka ka, kung gayon, ang rapture ay may bilang lamang na 144,000 na tao. Nguni’t ang bilang na 14 dito’y nangangahulugan na lahat ng mga bagay ay nabago (Mateo 1:17).
Dapat nating malaman na matapos ang pagmamartir at rapture ng mga hinirang, babaguhin ng Panginoon itong kasalukuyang mundo sa isang bagong mundo. Sa halip na itong mundo, lilikha ang Panginoon ng isang bagong mundo kung saan Siya’y maninirahang kasama ang Kanyang bayan. Ito ang kalooban ng Lumikha.
Ang mga nagpupuri sa Panginoon sa Langit ay yaong naging mga hinirang dahil sa pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritung bigay ni Cristo habang narito sa lupa. Sa gayon, sa kanilang mga noo’y nakasulat ang mga pangalan ng Cordero at ng Ama, dahil sila ngayo’y kabilang kay Cristo.
 
Talatang 2: At narinig ko ang isang tinig na mula sa langit, ng gaya ng lagaslas ng maraming tubig, at gaya ng ugong ng malakas na kulog, at ang tinig na aking narinig ay gaya ng sa mga manunugtog ng alpa na tumutugtog ng kanilang mga alpa. 
Ang mga hinirang sa Langit ay yaong naging martir sa pagtatanggol ng kanilang kaligtasang bigay ng Panginoon at ang kanilang pananampalataya sa katotohanang ang Panginoon lang ang kanilang Diyos, at pagkatapos sila ay binuhay muli. Yamang binuhay silang muli at tinangay sa rapture dahil sa kapangyarihan ng Panginoon, sila’y nagpupuri sa Kanya sa Langit dahil sa Kanyang kaligtasan at pagpapala ng pagbibigay kapamahalaan sa kanila. Ang tunog ng kanilang papuri ay kasing-ganda ng tunog ng umaagos na batis, at kahanga-hangang tulad ng mga kulog. Lahat sila’y walang-hanggang niligtas sa kanilang mga kasalanan sa pamamagitan ng pagtubos sa kanilang mga kasalanan dahil sa pananalig, habang narito sa lupa, sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritung bigay ng Panginoon.
 
Talatang 3: At sila’y nangagaawitan na wari’y isang bagong awit sa harapan ng luklukan, at sa harap ng apat na nilalang na buhay at ng matatanda, at sinoman ay hindi maaaring matuto ng awit kundi ang isang daan at apat na pu’t apat na libo lamang, sa makatuwid ay siyang mga binili mula sa lupa.
Ang 144,000 na taong tinukoy dito ay ang mga hinirang na kinuha sa rapture. Sa Biblia, ang kahulugan ng bilang 14 ay isang pagbabago. Yaong makapagpupuri sa Panginoon sa isang bagong himig sa Langit ay yaong binago habang narito sa lupa dahil sa pagtanggap ng kapatawaran ng kasalanan at naisilang muli sa pamamagitan ng kanilang pananampalataya sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Ito kung bakit sinasabi ng Panginoon dito na sila’y 144,000.
Maliban sa kanila, wala ng iba ang makapagpupuri sa Panginoon dahil sa Kanyang pagpapala ng pagtubos sa pamamagitan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Ang ating Panginoon nga’y pinupuri ng mga napatawad dahil sa pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu at ang tumanggap ng Banal na Espiritu bilang kanilang handog.
 
Talatang 4: Ang mga ito’y ang hindi nangahawa sa mga babae, sapagka’t sila’y mga malilinis. At ang mga ito’y ang nagsisisunod sa Cordero saan man siya pumaroon. Ang mga ito’y ang binili sa gitna ng mga tao, na maging mga pangunahing bunga sa Dios at sa Cordero.
Ang mga hinirang ay ang mga hindi nagdungis ng kanilang pananampalataya sa anumang makamundong kapangyarihan o mga relihiyon. Maraming tao sa mundong ito ang madaling nag-iiba ng kanilang pananalig, nguni’t sa mga naging mga hinirang dahil sa pananalig sa bautismo ng Panginoon at Kanyang dugo sa Krus, at dahil sa pagkamit ng kapatawaran ng kanilang mga kasalanan, ang kanilang pananampalataya kailan ma’y di-mababago ng anuman dito sa lupa.
Ang mga hinirang na umahon sa Langit at nagpuri sa Panginoon ay yaong nanatili sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritung bigay ng Panginoon at nagtanggol ng kanilang pananalig. Sa gayon, ang mga makapagpupuri sa Panginoon sa Kaharian ng Langit ay yaong naisama sa rapture ng Panginoon dahil sa pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu.
Sa kalagitnaan ng talatang 4 ay nasusulat, “At ang mga ito’y ang nagsisisunod sa Cordero saan man siya pumaroon.” Dapat mong malaman na yaong minsanang nalinisan ng kanilang lahat na kasalanan dahil sa kanilang pananampalataya sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay dapat, matapos maisilang muli, na sumunod sa Panginoon saan man Niya sila inaakay. Dahil kanilang tinanggap ang kapatawaran ng mga kasalanan, sa kanilang mga puso’y naroon ang kahandaang sumunod sa Panginoon na may galak saan man Niya aakayin sila. Sa mga huling araw, sila’y magpupuri sa Panginoon sa Langit, yamang pinatay ng Anticristo dahil sa kanilang pananalig, at pagbuhay muli at sa rapture ng Panginoon.
Nasusulat din, “Ang mga ito’y ang binili sa gitna ng mga tao, na maging mga pangunahing bunga sa Dios at sa Cordero.” Sa mga di-mabilang na taong naninirahan dito sa lupa, isang dakot lamang ang naligtas dahil sa pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritung bigay ng Panginoon. Ito kung bakit sinabi ng Panginoon sa atin sa Jeremias 3:14, “Kukuha ako sa inyo ng isa sa isang bayan, at dalawa sa isang angkan, at dadalhin ko kayo sa Sion.” Yaong nakarinig ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu at nagkamit ng kapatawaran ng kanilang mga kasalanan ay iilan lamang.
Dahil sila’y kabilang sa Cordero, sila ang magkakamit ng unang bunga ng pagkabuhay na muli, sa rapture ng kapangyarihan ng Panginoon, at magpakailan mang magpupuri kay Cristo, lahat ayon sa pangako ng Panginoon. Sa mundong ito rin, sila ang mga sumunod sa Panginoon saan man Niya sila akayin. Lahat ng mga ito’y sa pamamagitan ng biyaya at kapangyarihan ng Diyos.
 
Talatang 5: At sa kanikaniyang bibig ay walang nasumpungang kasinungalingan, sila’y mga walang dungis. 
Yaong mga isinilang muli dahil sa pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ang makapangangaral nitong tunay na ebanghelyo. Sadyang maraming tao ngayon ang nangangaral ng ebanghelyo sa kanilang sariling kaparaanan, tunay din na iilan lamang sa kanila ang talagang nangangaral ng tunay na ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu.
Ang mga nangangaral lang ng dugo ni Jesus sa Crus ay di-pangangaral ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Bakit? Dahil wala ng ibang ebanghelyo kundi ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu lamang ang tunay na ebanghelyo ng Biblia. Yamang lahat ng kasalanan sa mga puso ng mga matuwid ay naglaho dahil sa Salita ng tunay na ebanghelyo, maaari nilang ipangaral itong ebanghelyo sa pamamagitan ng kanilang mga bibig na may buong pag-uudyok.
 
Talatang 6-7: At nakita ko ang ibang anghel na lumilipad sa gitna ng langit, na may mabuting balita na walang hanggang upang ibalita sa mga nananahan sa lupa, at sa bawa’t bansa at angkan at wika at bayan. At sinasabi niya ng malakas na tinig, ‘Matakot kayo sa Dios, at magbigay kaluwalhatian sa Kaniya, sapagka’t dumating ang panahon ng Kaniyang paghataol, at magsisamba kayo sa gumawa ng langit at ng lupa at ng dagat at ng mga bukal ng tubig.’
Ang mga hinirang na isinilang muli ay dapat patuloy sa pangangaral ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu dito sa lupa. Itong gawaing pangangaral ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, samakatuwid, ay dapat magpatuloy sa mundong ito hanggang sa pinaka-araw ng rapture ng mga hinirang.
Yaon lamang nanalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ang papatayin ng Anticristo upang maipagtanggol ang kanilang pananampalataya, at sila lang ang itataas sa Kaharian ng Langit. Lahat ay dapat matakot sa Diyos, manalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, at sa gayo’y makakamtan ang kapatawaran ng kanilang kasalanan at ang Banal na Espiritu bilang handog sa kanila. Kung ang mga Kristiyano ngayon ay di-mananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu na may pasasalamat, ang lahat ng kanilang pananampalataya kay Jesus ay walang-saysay.
Ang Siyang lumikha ng buong kalawakan at lahat ng bagay ay walang iba kundi si Jesu-Cristo. Sa gayon, ang sangkatauhan ay dapat kilalanin si Jesu-Cristo bilang kanilang Diyos na lumikha sa kanila at nagbigay ng kaligtasan sa pamamagitan ng Kanyang pagpapatawad sa kanilang mga kasalanan, at sambahin Siya alinsunod nito, dahil sa Kanyang mga kamay lahat ay nalikha at naganap. Dahil sa pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu sa kanilang mga puso, lahat ng tao’y mapapatawad sa lahat nilang kasalanan at kamtan ang pagpapala ng Banal na Espiritu bilang handog.
Itong mundo’y dapat na maghanda upang makamit ang hatol na igagawad ni Jesu-Cristo sa mga laban sa Diyos. Tayo’y dapat ding ihanda ang ating pananalig dahil darating ang araw tayo’y isasama ng Panginoon, dahil ang hatol ng Diyos ay nalalapit na. Ang daan upang makapaghanda sa rapture ay ang manalig sa Salita ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Bakit? Dahil sa pananalig lamang sa Kanyang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, matatamo ninuman ang Banal na Espiritu, at kapag ang huling araw ay dumating, sila’y bibihisan sa luwalhati ng pagsasama sa alapaap ng Panginoon sa kanilang rapture.
Agad-agad, lahat ng mga makasalanan ay dapat, samakatuwid, manalig kay Jesu-Cristo bilang Diyos ng nilikha at kaligtasan, at sambahin Siya alinsunod nito. Dapat nilang tanggapin ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu sa kanilang mga puso, at sa gayo’y makakamtan ang biyaya ng Kanyang pagtubos ang Banal na Espiritung handog sa kanila. Ang mga sumamba sa Diyos ay nakamit sa kanilang mga puso ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu at hindi tinanggihan, dahil ganito kung paano sila makasasamba sa Diyos.
 
Talatang 8: At ang iba, ang pangalawang anghel, ay sumunod na nagsasabig, ‘Naguho, naguho ang dakilang Babilonia, na siyang nagpainom sa lahat na bansa ng alak ng kagalitan ng kaniyang pakikiapid.’
Itong mundo’y maglalaho dahil sa kakila-kilabot na hatol ni Jesus. Dahil ang mga relihiyon nito’y gawa sa mga maling aral, wawasakin ito ng Diyos. Itong mga makamundong relihiyon ay tinuruan ang tao na higit na sumunod sa mundo kaysa sa Diyos, at ginamit sila bilang mga instrumento na lalaban sa Diyos. Ito ngang mundo’y mawawasak, dahil ang mga tao ay tinanggihan ang Diyos at ninasa ang mga makamundong relihiyon.
Sila’y nagsisunod sa mga makamundong relihiyon, ibig sabihin sila’y sumunod sa mga huwad na diyos, sa mga demonyo. Wawasakin nga ng Diyos itong mundo sa Kanyang galit. Lahat ng bagay dito sa lupa at lahat nitong mga maling relihiyon ay ibabagsak ng Diyos, at ipaiinom ang alak ng galit ng Diyos. Sa gayon, ang mga sumalungat sa Diyos, maging ang mga demonyo na nabubuhay na parang mga linta na nakakabit sa mga makamundong relihiyon, lahat ay babagsak sa mga salot ng Diyos at ibubulid sa walang hanggang impiyerno.
 
Talatang 9-10: At ang ibang anghel, ang pangatlo, ay sumunod sa kanila, na nagsasabi ng malakas na tinig, ‘Kung ang sinoman ay sumasamba sa hayop at sa kaniyang larawan, at tumatanggap ng tanda sa kaniyang noo, o sa kaniyang kamay, Ay iinom din naman siya ng alak ng kagalitan ng Dios, na nahahandang walang halo sa inuman ng kaniyang kagalitan, at siya’y pahihirapan ng apoy at asupre sa harapn ng mga banal na anghel, at sa harapan ng Cordero.’
Dito’y nagbabala ang Diyos sa lahat, sinabing ang sinumang sumamba sa Halimaw at sa kanyang rebulto, o tumanggap ng kanyang marka sa kanang kamay o noo, tatanggapin niya ang kaparusahan ng impiyerno. Kumikilos kasama ang maraming tao, ipipilit ni Satanas sa sangkatauhan na sumamba sa rebultong gawa sa anyo ng Anticristo, nguni’t yaong isinilang na muli’y makikibaka sa Anticristo at mamamatay sa pagtatanggol ng kanilang pananampalataya. Ang mga hinirang na isinilang muli’y dapat, upang maipagtanggol ang kanilang pananampalataya, na makibaka laban sa Anticristo at magiging martir.
Kung sinuman ang sumuko sa Anticristo, yuyukod sa kanyang rebulto at tatanggap ng marka ng kanyang pangalan o numero, kakamtan niya ang galit ng Diyos na magbubulid sa kanya sa walang-hanggang lawa ng apoy at asupre. Kapag dumating ang panahon ng Kapighatian, ang mga hinirang ay dapat magdasal sa Diyos, ipagtanggol ang kanilang pananalig sa Panginoon, at umasa ng Kanyang Kaharian. At sa pananalig kay Jesu-Cristo, dapat silang makibaka laban sa Anticristo at ipagtanggol ang kanilang pananampalataya, makasama sa kanilang pagmamartir, pagkabuhay muli, rapture, at sa gayo’y tatanggapin ang walang-hanggang pagpapala ng pananahan kasama ang Panginoon sa Kanyang Kaharian.
 
Talatang 11: At ang usok ng hirap nila ay napaiilanglang magpakailan kailan man, at sila’y walang kapahingahan araw at gabi, silang mga nagsisisamba sa hayop at sa kaniyang larawan, at sinomang tumatanggap ng tanda ng kaniyang pangalan.
Ang mga sumamba kay Satanas bilang diyos ay ibibigay ang Kanyang mga salot at ang paghihirap sa walang-hanggang impiyerno. Sinuman ang sumuko sa Anticristo sa mga huling araw at sambahin ang rebulto bilang Diyos ay parurusahan sa lawa ng apoy at asupre na puno ng galit ng Diyos. Tayong lahat ay maniwalang sinuman ang sumunod sa Halimaw at sa rebulto, at sinuman ang tumanggap ng marka ng Halimaw, ay hindi magkakaroon ng kapahingahan sa araw at sa gabi.
 
Talatang 12: Narito ang pagtitiyaga ng mga banal, ng mga nagsisitupad ng mga utos ng Dios, at ng pananampalataya kay Jesus.
Yamang ang mga hinirang ay nanalig sa lahat ng yaman, luwalhati, at pagpapalang pinangako ng Panginoon sa kanila, dapat silang magtiyaga na may pagtitiis. Dapat silang magpatuloy hanggang sa panahon din ng Kapighatian. Ang pangakong binigay ng Panginoon sa mga hinirang sa mga huling araw ay ang Kanyang paggawad sa kanila ng pagpapalang mamuhay kasama Niya matapos ang kanilang pagmamartir, kalakip ng kanilang pagkabuhay muli dulot ng kapangyarihan ng Panginoon, sila’y aakyat sa Langit.
Ang mga hinirang kung gayo’y magtiyaga dahil sila’y nananalig sa pagpapalang ito na magtutulot sa kanila na pumasok sa kasalang piging ng Cordero ng Panginoon, maghaharing kasama Niya ng isang libong taon, at laging maninirahang kasama Niya sa Kaharian ng Langit. Kapag dumating ang huling araw, ang mga hinirang samakatuwid ay kailangang maging martir upang maipagtanggol ang kanilang pananampalataya. Dapat silang magtiyaga hanggang sa lahat ng mga pighati ng panahon ng pagtitiis.
Ang mga hinirang na nabubuhay ngayon sa kasalakuyan ay dapat, kapag pinilit ng Anticristo sa kanila na itakwil ang kanilang pananampalataya dahil sa kanyang mga banta, pagpipilit at mga pang-aakit, gayon pa ma’y yayakapin ang kanilang pagmamartir, mananalig sa mga pangako ng Panginoon. Bakit? Dahil ilang saglit nito, lahat ng pagpapala ng ating Panginoon ay matutupad tulad ng Kanyang pangako sa atin. Lahat ng mga hinirang ay makakamtan ang kanilang mga gantimpala tanging sa pananahan ng kanilang pananalig sa Salita ng Diyos at sa Panginoon. Samakatuwid, manahan sa iyong pananalig sa Salita ng Panginoon. Aakayin ng Diyos ang mga hinirang sa pagtatanggol ng kanilang pananalig sa Kanyang Salita at kay Jesu-Cristo tungo sa Kanyang bagong mundo.
Maraming mga dahilan kung bakit ang mga hinirang na naglingkod sa ebanghelyo ay dapat magtiyagang magtiis sa lahat ng mga paghihirap ng panahon ng Kapighatian. Para sa magandang bukas, kailangan magtiyagang magtiis sa kasalukuyang paghihirap. 
Sa Roma 5:3-4 ay sinabi sa atin, “At hindi lamang gayon, kundi naman nangagagalak tayo sa ating mga kapighatian na nalalamang ang kapighatian ay gumagawa ng katiyagaan, at ang katiyagaan, ng pagpapatunay, at ang pagpapatunay, ng pag-asa.” Ang mga hinirang ay dapat magtiyaga hanggang sa Matinding Kapighatian sa pananalig sa Panginoon mamuhay sa mga pagpapala, makakamit ang kanilang pagkabuhay na muli at rapture mula sa Kanya at maghahari sa Kanyang Kaharian. Sa gayon, tayong lahat ay dapat magtiyaga hanggang sa Kapighatian sa pamamagitan ng ating pananalig. Sa pamamagitan ng pananatili sa kanilang pananampalataya sa Panginoon, ang mga hinirang ay maaaring maging matiyaga hanggang sa Matinding Kapighatian sa mga huling araw. Ang mga hinirang ay naniniwala sa lahat ng mga bagay na tutuparin ng Panginoon para sa kanila dito sa lupa at sa Langit.
 
Talatang 13: At narinig ko ang isang tinig na mula sa langit na nagsasabi, ‘Isulat mo, Mapapalad ang mga patay na nangamamatay sa Panginoon mula ngayon, oo, sinasabi ng Espiritu, upang sila’y mangagpahinga sa kanilang mga gawa, sapagka’t ang kanilang mga gawa ay sumusunod sa kanila.’
Sinasabi ng talata rito, “Mapapalad ang mga patay na nangamamatay sa Panginoon mula ngayon.” Bakit? Dahil sa pagdating ng Kapighatian—ito ay, kapag naghari dito sa lupa ang Anticristo—bawa’t makasalanang nabubuhay sa mundong ito ay wawasaking lahat. Ang mga hinirang samakatuwid ay dapat tumingin sa pagdating ng Kaharian ni Cristo, ipagtanggol ang kanilang pananalig, at yakapin ang kanilang pagmamartir sa pananampalataya. Yaong naging martir upang maluwalhati ang Panginoon ay mapapalad, at sa gayon, dapat nilang yakapin ang kanilang pagmamartir upang maipagtanggol ang kanilang pananampalataya.
Kakalingain ng Panginoon ang gayong mga hinirang, itutulot ang kanilang pagkabuhay muli at rapture upang iakyat sa Kanyang Kaharian. Lahat ng mga pagpapagal ng mga hinirang dito sa lupa’y magwawakas, at sa halip sila’y magsasaya sa kanilang mga gantimpalang bigay ng Panginoon. Sa panahong ito, lahat ng mga hinirang ay magsasaya sa paghaharing kasama ang Panginoon at ang buhay na walang hanggan, at ang kayamanan at luwalhati ng Kanyang Kaharian ay mapapasa kanila magpakailan man.
Ito kung bakit ang mga naging martir sa mga huling araw ay mapapalad, dahil sila’y mabubuhay kasama ang Panginoon sa lahat ng yaman at luwalhati ng Kanyang Milenyong Paghahari at sa Kanyang walang-hanggang Kaharian ng Langit. Sa mga di-sumuko sa Halimaw at nagtanggol ng kanilang pananalig sa Panginoon, ibibigay ng Diyos ang pagpapalang maghari kasama ang Panginoon magpakailan man.
 
Talatang 14: At nakita ko, at narito, ang isang alapaap na maputi, at nakita ko na nakaupo sa alapaap ang isang katulad ng isang Anak ng tao, nasa Kaniyang ulo’y may isang putong na ginto, at sa Kaniyang kamay ay may isang panggapas na matalas.
Sinasabi nitong talata sa atin na ang Panginoon ay magbabalik upang kuhanin ang mga hinirang. Dahil ang Panginoon ay ang Panginoon ng mga hinirang, Kanyang bubuhaying muli ang mga hinirang na naging mga martir at iaakyat sila sa Kaharian ng Diyos sa rapture. Sa panahon ng Matinding Kapighatian, ang rapture ay tiyak na darating sa mga hinirang.
 
Talatang 15: At lumabas ang ibang anghel sa templo, na sumisigaw ng malakas na tinig doon sa nakaupo sa alapaap, ‘Ihulog mo ang iyong panggapas, at gumapas ka, sapagka’t dumating ang oras ng paggapas, sapagka’t ang aanihin sa lupa ay hinog na.’
Itong Salita’y tumutukoy sa kaganapan ng rapture ng Panginoon sa mga hinirang. Sa tamang panahon, ang rapture ay magaganap matapos ang pagmamartir sa mga hinirang. Itutulot ng Panginoon ang rapture sa mga hinirang na natutulog, kasama ang mga hinirang na pinaslang. Ang kaganapan ng pananampalataya ng mga hinirang ay makikita sa kanilang kaligtasan, pagmamartir, pagkabuhay na muli, rapture at buhay na walang-hanggan. Ang panahon ng rapture ng mga hinirang ay pagkatapos ng kanilang pagmamartir sa pag-uusig ng Anticristo, at ito’y susundan ng kanilang pagkabuhay na muli.
 
Talatang 16: At inihagis ng nakaupo sa alapaap ang kaniyang panggapas sa lupa, at ang lupa ay nagapasan.
Itong talata rin, ay tumutukoy sa rapture ng mga hinirang. Ang rapture ay pag-akyat ng mga hinirang sa alapaap. Ibig bang sabihin nito na ang mga hinirang ay iaakyat sa alapaap, at pagkatapos ay mananaog sa lupa kasama ang Panginoon? Hindi! Matapos ang rapture ng mga hinirang, wawasakin ng Panginoon ang lupa, ang dagat, at lahat ng naroon sa pamamagitan ng pagbuhos ng mga salot ng pitong mangkok, at matapos ngang wasakin ang mundo, Siya’y bababa dito sa lupa kasama ang mga hinirang na inakyat sa rapture.
Pagkatapos, ang Panginoon at ang Kanyang mga hinirang ay maghahari dito sa lupa ng isang libong taon, at pagkatapos ng kasalang piging ng Cordero, ito’y aahon tungo sa walang-hanggang Kaharian ng Langit. Sa pagsama ng mga hinirang sa Panginoon sa kasalang piging ng Cordero, binago na ng Panginoon ang buong mundo at lahat ng mga bagay nito.
Matapos ang kanilang rapture, ang mga hinirang ay mananatili sa alapaap kasama ang Panginoon sa isang sandali, at pagkatapos ng lahat ng mga salot ng pitong mangkok, sila’y mananaog sa bagong mundo upang magharing kasama Niya ng isang libong taon. Sila ngayo’y papasok sa Kaharian ng Diyos kasama ang Panginoon, at mamumuhay kapiling Niya magpakailan man.
 
Talatang 17: At lumabas ang ibang anghel sa templong nasa langit, na may panggapas din namang matalas.
Ang anghel na lumitaw dito ay ang anghel ng paghahatol. Ibubuhos nitong anghel ang malaking mga salot sa taong lumaban sa Diyos, at itatapon sila sa walang-hanggang apoy. Ang kanyang tungkulin ay itapon at gapusin, kasama ang Anticristo at kanyang mga alipin, lahat ng mga makasalanang hindi isinilang na muli sa balon ng kalaliman.
 
Talatang 18: At ang ibang anghel ay lumabas sa dambana, na siyang may kapangyarihan sa apoy, at tinawagan ng malakas na tinig yaong may panggapas na matalas, na sinasabi, ‘Ihulog mo ang iyong panggapas na matalas, at putihin mo ang mga buwig sa ubasan sa lupa, sapagka’t ang kaniyang mga ubas ay mga hinog na.’
Sinasabi ng Salita sa atin na ang oras ay dumating para sa hatol ng Diyos sa mga makasalanan dahil sa kanilang kasalanang paglaban sa Kanya. Sa oras ng Diyos ay ang mga oras ng kaganapan ng Kanyang plano. Upang ibigay sa mga makasalanan ang Kanyang hatol ng apoy, titipunin ng Diyos lahat ng makasalanan at lahat ng mga lumaban sa Diyos, at alinsunod na parurusahan sila.
 
Talatang 19: At inihagis ng anghel ang kaniyang panggapas sa lupa, at pinuti ang mga ubas sa lupa, at inihagis sa pisaan ng ubas, sa malaking pisaan ng kagalitan ng Dios.
Sinasabi nitong Salita na matapos ang rapture ng mga hinirang, ang Anticristo at mga makasalanana’y lubos na maghihirap dulot ng mga salot ng pitong mangkok. Dito sa lupa rin, ihahatid ng Diyos ang Kanyang poot sa mga makasalanan sa pamamagitan ng pagbuhos ng Kanyang nakatatakot na mga salot sa kanila, at susundan ng kaparasuhan ng impiyerno. Ang mga salot na ibubuhos ng Diyos sa mga makasalanan, kay Anticristo at kanyang mga tagasunod ay ang Kanyang matuwid na galit. Ito ang hatid ng Diyos sa mga makasalanang sumalungat sa Kanya.
 
Talatang 20: At nayurakan ang pisaan ng ubas sa labas ng bayan, at lumabas sa pisaan ng ubas ang dugo, na umapaw hanggang sa mga preno ng mga kabayo, sa lawak na isang libo at anim na raang estadio.
Dito ay sinasabi ng talata kung gaano ang bagsik ng parusa ng galit ng Diyos at ang paghihirap sa mga nananatili dito sa lupa, sa tao maging mga nilalang, dulot ng mga salot ng pitong mangkok na ibubuhos sa kanila. Sinasabi rin sa atin na itong mga salot ay wawasak sa buong mundo. Kapag ang mga hinirang ay naging martir, binuhay muli, at rapture, mula sa araw na yaon, ang galit ng mga salot ng pintong mangkok ay sabay-sabay na ibubuhos, at sa gayo’y wawakasan ang lahat.
Walang iba kundi ang mga hinirang sa Langit at mga anghel na pumanig sa Diyos ang makatatakas mula sa mga kakila-kilabot na mga salot. Sa mga sumalungat sa Diyos, sa kabilang dako, tanging parusa ng impiyerno ang naghihintay sa kanila. Salungat nito, sa araw na yaon ang mga hinirang na isinilang na muli ay makikita ang kanilang mga sarili sa kasalang piging ng Cordero sa alapaap, nagpapasalamat at nagpupuri sa Kanyang pagliligtas. Mula niyaon, ang mga hinirang ay mamumuhay kasama ang Panginoon magpakailan man sa Kanyang walang-hanggang mga pagpapala.