(Apocalipsis 14:1-20)
Upang magtagumpay kay Anticristo sa kanyang paglitaw sa nalalapit na bukas, ang mga hinirang ay dapat na ihanda ang kanilang mga sarili na maging martir sa pamamagitan ng kanilang pananalig sa Panginoon. Upang magkagayon, dapat nilang lubos na malaman ukol sa masasamang paraan na ihahatid ni Anticristo dito sa lupa. Sa gayon lamang ang mga hinirang ay makapaglalaban sa kanya at magtagumpay sa pamamagitan ng pananampalataya. Sisikapin ni Satanas na wasakin ang pananampalataya ng mga Kristiyano sa pagtanggap ng marka ng kanyang pangalan o numero.
Ang dahilan bakit sinisikap niyang wasakin ang pananampalataya ng mga hinirang ay dahil sa kanyang pakikibaka sa Diyos at sa pagbabagsak ng pananampalataya ng mga matuwid, hanap niyang pipigilan ang tao na makamit ang kapatawaran ng kanilang mga kasalanan sa pamamagitan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Gagawing alipin ni Anticristo ang tao at makikibaka sa Diyos. Dahil dito, ang Anticristo at kanyang mga aliping nalalabi pa rin sa mundong ito ay kakamtan ang malaking kaparusahan at mga salot.
Ang matuwid ay dapat mamuhay sa pananalig na may malinaw na kaunawaan sa mga salot ng pitong mangkok na ibubuhos ng Diyos sa kanilang mga kaaway. Tulad ng wika ng Diyos sa Deuteronomio 32:35, “Ang paghihiganti ay Akin, at gayon din ang gantingpala,” Kanyang ipaghihiganti ang kamatayan ng Kanyang mga anak sa kanila. Sa gayon, dapat nating ipagtanggol ang ating pananalig at matagumpay na mamuhay, sa halip na magapi ng ating galit at gawin ang mga walang-saysay na gawain. Paniniwala sa katotohanang wawasakin ng Diyos lahat nga mga nanatili rito sa lupa matapos ang kanilang pagmamartir, ang mga hinirang ay dapat makibaka laban kay Anticristo.
Ang Salita ng Katotohanang Hindi Dapat Kalimutan
Ang lahat ng tumanggap ng kapatawaran sa kanilang mga kasalana’y dapat tandaan na yaon lamang mga hinirang na walang kasalanan ang bubuhaying muli at isasama sa rapture ilang saglit matapos patayin ng Anticristo. Sa araw ng paglitaw ng Anticristo at dumating ang pagmamartir sa mga hinirang, hindi natin dapat kaligtaan na bawa’t pangako ng Diyos ay matutupad.
Mula sa talatang 14, ang Salita ng Diyos sa kabanata 14 ay tinuturo sa atin na ang rapture ay tiyak na mangyayari sa mga hinirang, at ang panahon nitong rapture ay magaganap matapos ang pagmamartir sa kanila.
Hindi dapat kaligtaan na ang ating pagkabuhay muli at rapture ay darating matapos ipilit ni Satanas na magkaroon sila ng kanyang tatak. Para sa mga matuwid na naging martir, ang mga pagpapala ng unang pagkabuhay muli at rapture na naghihintay sa kanila. Yayakapin ng matuwid ang kanilang banal na kamatayan sa pagtatanggol ng kanilang pananampalataya sa panahong ito, dahil tumanggi silang magkaroon ng marka ni Satanas. Ang mga pinaslang na matuwid sa gayo’y kakamtan ang kanilang mga gantimpala ayon sa kanyang pagpapagal dito sa lupa, at ang luwalhati ng Diyos ay idadagdag sa kanila.
Huwag manangis, ni magalit, kapag iyong nakita na ang mga hinirang o mga lingkod na malapit sa iyo’y patayin upang ipagtanggol ang kanilang pananalig. Salungat nito, lahat ng mga hinirang ay dapat magpasalamat sa Diyos at luwalhatiin Siya sa pagpapatulot sa kanila ng kamatayan upang maipagtanggol ang kanilang pananampalataya, ilang sandali matapos nito ang mga martir ay bubuhaying muli sa banal na mga katawan at isasama ng Panginoon sa rapture.
Anu-ano Ang mga Salot ng Pitong Mangkok na Inihanda sa Mga Lalaban sa Diyos?
Sa talatang 19 ay sinabi, “At inihagis ng anghel ang kaniyang panggapas sa lupa, at pinuti ang mga ubas sa lupa, at inihagis sa pisaan ng ubas, sa malaking pisaan ng kagalitan ng Dios.” Ang mga sumalungat sa Kanyang pag-ibig ay itinakdang tanggapin mula sa Diyos ang Kanyang nakatatakot na mga salot matapos ang pagmamartir ng mga hinirang, dahil sila, habang narito sa lupa, ay tinanggihan ng kanilang mga puso ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, at sa halip ay sinalungat ito. Ito ang mga naging kaaway ng Diyos dahil sa di-pananalig sa kaligtasan ni Jesu-Cristo, na naparito sa Kanyang dugo at tubig upang iligtas sila sa kasalanan. Dapat nilang tanggapin hindi lamang ang mga salot ng pitong mangkok, nguni’t dapat din nilang tanggapin ang salot ng nakatatakot na parusa ng impiyerno magpakailan man.
Ito ang pitong salot na ihahatid ng Diyos sa mga hindi nakasama sa rapture ng Panginoon. Matapos ang pagmamartir ng mga hinirang, walang-awang ibubuhos ng Diyos itong mga salot ng pitong mangkok na Kanyang hinanda para sa mga nananatili rito sa lupa bilang mga alipin ni Satanas at patuloy na lalapastangan sa kaluwalhatian ng Diyos.
Bakit kung gayon, hahayaan ng Diyos na maging martir ang matuwid? Dahil kung mananatili ang mga matuwid dito sa lupa kasama ang mga di-isinilang na muli, hindi Niya maibubuhos ang mga salot ng pitong mangkok pagdating ng kanilang panahon. At dahil iniibig ng Diyos ang mga matuwid, hahayaan Niyang maging martir sila upang makasama sa Kanyang kaluwalhatian. Ito kung bakit hinayaan ng Diyos ang mga matuwid na maging martir bago ang pagbubuhos ng mga salot. At matapos ang pagbubuhay muli at rapture ng mga martir, ibubuhos Niya ang mga salot sa lupa. Itong mga salot ng pitong mangkok ay ang mga huling salot na ibubuhos ng Diyos sa sangkatauhan dito sa lupa.
Ang Milenyong Paghahari at ang Kapamahalaan ng mga Hinirang
Ang panahon ng Milenyong Paghahari’y magsisimula sa pagbaba muli ng Panginoon, kasama ang Kanyang mga hinirang, dito sa lupa. Sa Mateo 5:5 ay sinasabi sa atin, “Mapalad ang maaamo, sapagka’t mamanahin nila ang lupa.” Kapag nagbalik ang Panginoon dito sa lupa kasama ang mga hinirang, ang Salita sa Awit 37:29, na “mamanahin ng matuwid ang lupain,” lahat ay matutupad.
Kapag bumaba ang Panginoon dito sa lupa kasama lahat ng mga hinirang, ibibigay Niya ang kapamahalaan sa kanila upang maging kanila itong mundo. Sa panahong ito, ibibigay Niya ang kapamahalaan sa kanila upang maghari sa sampung lungsod, at lima pang lungsod. Babaguhin ng Panginoon itong mundo at lahat ng narito kapag Siya’y nagbalik, at papaghariin ang mga hinirang kasama Niya ng isang libong taon.
Ano kung gayon, ang pag-asa na titirhan ng matuwid sa panahong ito? Dapat silang mamuhay na umaasa para sa araw na itatayo ang Kaharian ni Cristo dito sa lupa. Sa pagdating ng Kaharian ng Panginoon, ang kapayapaan, kagalakan, at mga pagpapalang umaagos mula sa Kanyang kapamahalaan ay mananatili rito. Ang mamuhay sa ilalim ng paghahari ng Panginoon, wala ng kakailanganin pa, kundi ang mamuhay lamang sa Kanyang nag-uumapaw ng kasaganaan at kaganapan.
Kapag ang Kaharian ng Panginoon ay dumating dito sa lupa, lahat ng mga pag-asa at mga pangarap ng mga matuwid ay magaganap. Matapos mamuhay dito sa lupa ng isang libong taon, ang matuwid ay papasok sa walang-hanggang Kaharian ng Langit, nguni’t yaong lumaban sa Diyos, salungat nito, ay itatapon sa walang-hanggang lawa ng apoy at asupre, maghihirap magpakailan man at walang kapahingahan.
Ang matuwid ay dapat mamuhay na may pag-asa, naghihintay sa araw ng Panginoon. Lahat ng mga matuwid ay di dapat kalimutan na ang pagmamartir, pagkabuhay muli, rapture at buhay na walang hanggan lahat ay kabilang sa kanila. Itago sa inyong mga puso itong Salita ng katotohanan at umasa na iyong halos narinig at nanangan na walang-pagbabago.
Hanggang sa araw ng pagbabalik ng Panginoon, ang matuwid ay mamumuhay na pinangangaral ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu at umaasa sa Kaharian ng Langit. Ang matuwid ay may kapamahalaang mamuhay magpakailan man sa Kaharian ng Diyos, at ang kapamahalaang ipangaral ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu dito sa lupa.
Ano ang Dapat Gawin ng mga Hinirang na Nabubuhay sa Panahon nitong Kadiliman
Halos malinaw na itong panahon ay panahon ng karimlan, at ito’y magiging higit na mahirap tirhan. Sa gayon, dapat nating ipangaral ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu sa mga makasalanan at alagaan sila. Sa buong mundo, ang matuwid ay dapat na ikalat ang pag-ibig ng Diyos at ang kapatawaran ng kanilang mga kasalana’y nagmumula sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu bigay ni Jesu-Cristo. Ito ang dapat gawin ng mga matuwid ngayon.
Kung maglalaho sa kanila itong kasalukuyang pagkakataon, hindi na ito muling magbabalik sa kanila. Dahil ang wakas nitong mundo ay malapit na, dapat nating ipangaral ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ng lubos, at alagaan ang mga kaluluwang naliligaw sa pag-asam ng Kaharian ng Diyos. Ito ang mabuting bagay na kailangang gawin ng mga matuwid.
Sa kasalukuyang mundo, maraming umaangking naniniwala kay Jesus at naglilingkod sa Panginoon, kahit hindi nila nalalaman ang Salita ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Nguni’t yaong namumuhay na wala ang tunay na katotohanan ang lahat ng mga ito’y huwad na propeta. Itong mga sinungaling ay ang mga mapanlinlang na nakikinabang sa mga materyal na ari-arian ng mga mananampalataya sa ngalan ni Jesus.
Dapat nating kaawaan yaong nagsisikap na mamuhay sa pananampalataya habang nadadaya naman nitong mga huwad na propeta. Ang kanilang pamumuhay pananampalatayang wala ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, ito’y mga naturingang mga Kristiyanong nananatili pa rin bilang mga makasalanan at patuloy sa ilalim ng sumpa ng Kautusan ng Diyos, kahit pa sabihing naniniwala sila kay Jesus. Sila’y laging namumuhay sa kasalanan, mangmang sa katotohanan kung sila’y maniniwala lamang sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, lahat ng mga kasalanan ng kanilang mga puso’y biglang maglalaho at magiging kasingputi ng niyebe, at ang Banal na Espiritu’y ipagkakaloob sa kanila bilang handog.
Nguni’t salungat nito, ang mga lingkod ng Diyos na nananalig at nangangaral ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu’y nabubuhay sa kapayapaan. Ang mga lingkod ng Diyos at Kanyang bayan ay nagagalak sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Kanilang pinatotoo: “Sa minsanang pagkuha ng mga kasalanan ng mundo sa Kanyang sarili sa pamamagitan ng Kanyang bautismo mula kay Juan, at sa kahatulang dulot nitong mga kasalanan sa Krus, pinaglaho ng Panginoong Jesus lahat ng mga kasalanan ng mundo. Nang ako’y nanalig nitong kaligtasan ng pagtutubos, lahat ng aking kasalana’y nagpabigat sa akin ay naglaho. Ako ngayo’y naging matuwid.”
Sa gayong mga patotoo, ang mga hinirang sa Iglesia ng Diyos ay lumuluwalhati sa Diyos. Yaong may taglay nitong pananampalataya sa huli’y aasa para sa Langit.
Ang Unang Pagkabuhay na Muli Ay ang Isang Pangyayaring Nilaan para sa mga Hinirang
Sa ilang sandali, ang Panginoon ay babalik dito sa lupa. Sa di-kalayuang hinaharap, ang isang Anticristo’y lilitaw at itatatak sa mga kanang kamay o mga noo ng maraming tao ang kanyang marka. Kapag dumating ang araw na ito, dapat mong malaman na ang pangalawang pagbabalik ng Panginoon, gayon din ang pagmamartir ng mga hinirang, pagkabuhay muli, at rapture, ay papalapit na sa inyo. Kapag ang gayong araw at oras ay dumating, dapat mong mabatid na ito’y araw ng kagalakan para sa mga hinirang, nguni’t para sa mga makasalanang hindi isinilang na muli, araw ng hatol ng kanilang kasalanan.
Lahat ng mga hinirang ay bubuhaying muli matapos ang pagmamartir, at pagkatapos ay makakasama sa kasalang piging ng Cordero kasama ang Panginoon. Kapag ikaw at ako ay naging martir sa panahong ito, ang ating mga katawa’y bubuhaying muli at iaakyat sa rapture. Hindi mahalaga kung anong mangyayari sa mga katawan ng mga hinirang na nauna sa atin—kung ang kanilang mga katawa’y naging abo, o wala ng nalalabi pa sa kanila, ay di isang suliranin. Kapag dumating ang oras na ito, ang mga hinirang ay bubuhaying muli hindi sa katawang mahihina tulad ng kasalukuyan, kundi ng ganap na mga katawan. Ang mga matuwid ay bubuhayin sa banal na mga katawan sa panahong ito, at mamuhay kasama ang Panginoon magpakailan man.
Kahit pa naghihintay ang paghihirap sa atin, kapag lumitaw ang Anticristo at usigin tayo, dapat nating ipagtanggol ang ating pananampalataya kay Jesu-Cristo sa pamamagitan ng pananalig sa Salita ng Diyos na ating napakinggan ngayon. Hindi rin natin dapat kalimutan na dahil ikaw at ako’y nanalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, tayong lahat ay kabahagi sa pagmamartir ng mga hinirang, ang kanilang unang pagkabuhay muli at kanilang rapture.
Ngayon, hindi ka dapat lumayo sa iyong pananalig sa katotohanang ito, at mamuhay na nakikibaka at nagtatagumpay sa Anticristo. Hanggang sa mga araw na ito, tayo’y dapat sama-sama kasama ang mga naunang naligtas sa atin dahil sa pananampalataya sa katotohanan, manangan sa Salita ng Diyos, at sa pananampalataya’y sumusunod sa Panginoon.
Maging Ngayon, Maraming mga Sinungaling ang Nadadaya ng Tao
Maging ngayon, di-mabilang na mga tao, bilang mga alipin ni Satanas, ay nagtuturo ng maling pananampalataya. Natatangi nito, maraming mga sinungaling ang nagtaguyod at nagtuturo ng doktrina ng “pre-tribulation rapture” sa kanilang kalipunan, sinisikap na kumbinsihin sila na sila’y di-kabilang sa Matinding Kapighatian ng pintong taon.
Ang Biblia, salungat nito, ay maliwanag na pinatotoo sa atin na ang pagmamartir ng mga hinirang at ang rapture ay darating makalipas ilang sandali ang unang tatlo at kalahating taon ng Kapighatian. Huwag tayong padadaya sa gayong mga sinungaling. Sa halip ating alamin at manalig na kapag ang una at tatlong kalahating taon ng pitong taong Matinding Kapighatian ay lumipas sa atin, tayong lahat ay magiging martir, at pagkatapos ilang sandali ay bubuhaying muli at kasabay ang rapture.
Dapat kang lumayo kung gayon sa mga huwag na propetang nagtuturo na wala silang kinalaman sa Matinding Kapighatian ng pitong taon. Ang mga tunay na hinirang na nanniniwala sa kanilang pagmamartir, pagkabuhay muli at rapture, at ang kasalang piging ng Cordero lahat ay darating ilang sandali matapos ang unang tatlo at kalahating taon ng Kapighatian.
Kung Gayon, Paano Tayo Mamumuhay Lahat Ngayon?
Sa ngayon, iyong nabatid na kung sinuman ang nanalig sa Panginoon bilang Tagapagligtas—ito ay, ang Panginoon ay naparito sa lupa, pinasan ang mga kasalanan sa Kanyang bautismo mula kay Juan, nagdanak ng dugo sa Krus, at nabuhay muli mula sa kamatayan—ang Banal na Espiritu’y papasok sa puso nitong mananampalataya bilang handog sa kanila.
Iyong dapat na marinig sa pamamagitan ng iyong mga tenga at manalig sa iyong puso sa sinasabi ng Banal na Espiritu sa iyo sa pamamagitan ng Iglesia ng Diyos, at manatili sa iyong pananalig sa Diyos. Lahat ng mga hinirang ay dapat mamuhay sa pananampalatayang inaakay sa pamamagitan ng Iglesia ng Diyos. Sa pamamagitan ng sarili, wala ni isa ang makapangangaral ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, ni ang tupdin ito, ni paglingkuran. Ito kung bakit ang Iglesia ng Diyos ay lubos na mahalaga maging sa mga hinirang na naisilang ng muli.
Tinaguyod ng Diyos ang Kanyang Iglesia at Kanyang mga lingkod dito sa lupa, at sa pamamagitan nila Kanyang pinakakain ang Kanyang mga tupa. Katangi-tangi rito, ang mga gawain ng Diyos ay lalong naging mahalaga habang ang mga huling araw ay papalapit na sa atin, at sa gayon, dalangin ko’t umaasa na ikaw ay mamumuhay ng tapat na buhay at puspos ng Banal na Espiritu. Habang papalapit ang mga huling araw, ang mga matuwid ay lalong dapat na magpagal upang magsama-sama, upang manalangin, upang mag-aliw, manangan, at magtulungan sa isa’t isa, at mamuhay para sa Panginoon, sama-sama sa iisang puso at iisang layon.
Pinahintulot ng Diyos ang pagmamartir, pagkabuhay muli, rapture at buhay na walang-hanggan sa mga hinirang. Tayong lahat ay mamuhay sa uri ng buhay na nakikibaka at nagtatagumpay laban kay Anticristo, at sa gayo’y tiwalang haharap sa Diyos. Hallelujah!