(Apocalipsis 15:1-8)
“At nakita ko ang ibang tanda sa langit, dakila at kagilagilalas. Pitong anghel na may pitong salot, na siyang mga panghuli, sapagka’t sa mga yao’y magaganap ang kagalitan ng Dios. At nakita ko ang gaya ng isang dagat na bubog na may halong apoy, at yaong nangagtagumpay sa hayop, at sa kaniyang larawan, at sa bilang ng kaniyang pangalan, ay nangakatayo sa tabi ng dagat na bubog, na may mga alpa ng Dios. At inaawit nila ang awit ni Moises na alipin ng Dios, at ang awit ng Cordero, na sinasabi:
‘Mga dakila at kagilagilalas ang Iyong mga gawa,
Oh Panginoong Dios, na Makapangyarihan sa lahat,
matuwid at tunay ang Iyong mga daan,
Ikaw na Hari ng mga bansa.
Sinong hindi matatakot, Oh Panginoon,
At luluwalhatiin ang Iyong pangalan?
Sapagka’t Ikaw lamang ang banal,
Sapagka’t ang lahat ng mga bansa ay darating at magsisisamba sa harapan Mo,
Sapagka’t ang Iyong mga matuwid na gawa ay nangahayag.’
At pagkatapos ng mga bagay na ito ay tumingin ako, at ang santuario ng tabernakulo ng patotoo sa langit ay nabuksan. At sa santuario ay nagsilabas ang pitong anghel na may pitong salot, na nararamtan ng mahalagang bato, tunay at makintab, at nangabibigkisan ng gintong pamigkis ang kanilang mga dibdib. At isa sa apat na nilalang na buhay ay nagbigay sa pitong anghel ng pitong mangkok na ginto na puno ng kagalitan ng Dios, na siyang nabubuhay magpakailan kailan man. At napuno ng usok ang santuario mula sa kaluwalhatian ng Dios, at sa kaniyang kapangyarihan, at sinoman ay hindi nakapasok sa santuario, hanggang sa matapos ang pitong salot ng pitong anghel.”
Masusing Kapaliwanagan ng Kasulatan
Talatang 1: At nakita ko ang ibang tanda sa langit, dakila at kagilagilalas. Pitong anghel na may pitong salot, na siyang mga panghuli, sapagka’t sa mga yao’y magaganap ang kagalitan ng Dios.
Sinasabi sa atin sa kabanata 15 na sa pamamagitan ng mga salot ng pitong mangkok na ibubuhos ng pitong anghel. Ano itong “ibang tanda sa langit, dakila at kagilagilalas,” na nakita ni Apostol Juan? Ito ang kamangha-manghang tanawin ng mga hinirang na nakatayo sa dagat ng salamin at nagpupuri sa mga gawa ng Panginoon.
Talatang 2: At nakita ko ang gaya ng isang dagat na bubog na may halong apoy, at yaong nangagtagumpay sa hayop, at sa kaniyang larawan, at sa bilang ng kaniyang pangalan, ay nangakatayo sa tabi ng dagat na bubog, na may mga alpa ng Dios.
Ang pariralang “gaya ng isang dagat na bubog na may halong apoy” sinasabi sa atin na ang taghoy ng paghihirap nitong mundo’y aabot sa sukdulan habang binubuhos ng Diyos ang salot ng pitong mangkok, at ang mga hinirang, sa kabilang dako, ay magpupuri sa Panginoon sa alapaap. Ang mga salot ng pitong mangkok na nabuhos dito sa lupa ay hatid ng Diyos upang ipaghiganti ang mga hinirang sa kanilang mga kaaway.
Sa oras na ito, ang mga hinirang, napabilang sa kanilang pagkabuhay muli at rapture ng Diyos, tatayo dito sa salaming dagat na hinaluan ng apoy upang purihin ang Kanyang mga gawa. Ang mga hinirang na binuhay muli at isinama sa rapture dahil naging martir sa lupang ito sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Panginoon kailanma’y pupurihin Siya sa Kanyang pagliligtas at kapangyarihan. Ang mga nagpupuring hinirang ay yaong nagkamit ng tagumpay ng pananampalataya sa pamamagitan ng pagwagi kay Anticristo sa uri ng pananampalatayang nagtatakwil sa kanya, sa kanyang rebulto, at ang marka ng kanyang pangalan o numero.
Talatang 3: At inaawit nila ang awit ni Moises na alipin ng Dios, at ang awit ng Cordero, na sinasabi:‘Mga dakila at kagilagilalas ang Iyong mga gawa, Oh Panginoong Dios, na Makapangyarihan sa lahat, matuwid at tunay ang Iyong mga daan, Ikaw na Hari ng mga bansa.’
Ang mga hinirang na nakatayo sa dagat ng salamin ay umaawit ng awit ni Moises at ang awit ng Cordero. At ang mga titik ay: “Mga dakila at kagilagilalas ang Iyong mga gawa, Oh Panginoong Dios, na Makapangyarihan sa lahat, matuwid at tunay ang Iyong mga daan, Ikaw na Hari ng mga bansa.!” Ang mga titik nitong awit, tulad ng nasusulat, pinuri ang Diyos sa katotohanan na sa pamamagitan ng Kanyang kapangyarihan wala na Siyang magagawa pa. Nasusulat din dito na “dakila at kagilagilalas ang [Kanyang] mga gawa.”
Ang salitang “kagilagilalas” dito’y nangangahulugang “isang bagay na dakila na di-maipaliwanag ng salita.” Ito’y kamangha-mangha, na ang ating Panginoong Diyos ay niligtas, sa pamamagitan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, lahat ng mga hinirang sa Luma at Bagong Tipan mula sa lahat ng kanilang mga kasalanan, sila’y naging walang kasalanan, at pinahintulot itong mga hinirang, silang naligtas dahil sa kanilang pananalig, upang purihin ang Panginoon sa alapaap sa pamamagitan ng pagbuhay muli ng kanilang laman at iaakyat sa alapaap. Itong mga hinirang ay nagpupuri sa Panginoong Diyos dahil sa pagiging kanilang Tagapagligtas, kanilang Panginoon, at ang Makapangyarihan.
Naniniwala ka bang talaga na ang Panginoon ay nilikha ang kalawakan at lahat ng mga bagay, kasama ka at ako, at Siya nga ang ating Panginoon? Yaon lamang nanalig sa katotohanang ito ang magiging mga mananampalataya sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Yaong taglay itong pananampalataya ang nagtataglay ng pinakatunay na pananampalataya. Dapat malaman ng mga Kristiyano at manalig na si Jesus ay ang Manlilikha na gumawa ng buong kalawakan at lahat nito. At sila’y dapat na magpuri at sumamba sa Panginoong Diyos sa pamamagitan ng pag-aalam at pananalig sa Kanyang mga gawa. “Dakila at kagilagilalas ang Iyong mga gawa, Oh Panginoong Dios, na Makapangyarihan sa lahat!” Itong pagpuri ng pananampalataya’y pinakikita sa atin na ang tunay na pananalig ng mga hinirang na isinilang na muli ay umaawit ng awit ni Moises at ang awit ng Cordero.
Naniniwala ka ba na ang Panginoong Jesus ay Diyos na Makapangyarihan? Ang mga nanalig na si Jesus ay ang Diyos mismo na lumikha ng buong kalawakan ay naniniwala rin na ang Panginoon ay naparito sa lupa sa laman ng tao, na sa gulang na 30 Siya’y binautismuhan ni Juan upang minsanang kuhanin ang mga kasalanan ng sangkatauhan, at dumanak ang Kanyang dugo at namatay sa Krus at nabuhay na muli. Sa pamamagitan ng kanilang pananampalataya nakamit nila ang kapatawaran ng kasalanan at naging mga hinirang. Ang mga nakakaalam nitong katotohanan, at taglay ang tunay na pananampalataya, ay talagang mailalarawan bilang bayan ng dakilang pananampalataya.
Ang salaysay ay sinasabi rito na ang mga hinirang na isinama sa rapture ay nagpuri sa Diyos sa alapaap, sinasabing, “Dakila at kagilagilalas ang Iyong mga gawa.” Sila’y nagpupuri sa Panginoon, sa paglikha ng kalawakan at ng sangkatauhan, sa pagliligtas sa mga makasalanan sa paghuhugas ng lahat nilang kasalanan sa pamamagitan ng bautismo ng Panginoon mula kay Juan, at sa pagbibigay sa kanila ng karapatang maging mga anak ng Diyos—lahat sa pamamagitan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritung bigay ng Panginoon. Na ang mga hinirang ay maaaring maging bahagi ng kanilang pagmamartir para kay Cristo, ang kanilang pagkabuhay muli at rapture, ang buhay na walang hanggan—lahat nito’y mga pagpapalang pinagkaloob ng Diyos.
Lahat ng mga hinirang ay dapat ibigay sa Diyos ang kanilang mga papuri na maghahayag lahat ng Kanyang kaluwalhatian para sa lahat ng matuwid na gawa ng Panginoon sa mga hinirang—ito ay, pag-aalis sa lahat ng kasalanan, pati na lahat ng ibang mga gawain na Kanyang ginawa habang narito sa lupa. Ang mga hinirang ay inawit ang awit ni Moises at ng Cordero sa alapaap. Pinuri nila ang Panginoon sa pag-awit kung gaano ang dakila at kahanga-hanga ang ginawa ng Makapangyarihang Panginoong Diyos para sa mga makasalanan at sa Kanyang mga kaaway.
Tunay na hindi lamang kahanga-hanga sa atin ang ginawa ng Panginoon para sa mga hinirang at sa lahat ng mga lumaban sa Kanya, nguni’t ito’y higit na kagila-gilalas. Ang layon ng Diyos sa paglikha nitong mundo ay upang gawing Kanyang bayan ang sangkatauhan. Sa gayon, lahat ng Kanyang mga ginawa para sa sangkatauhan na lumilitaw sa atin bilang kamangha-mangha at kagilagilalas. Niluluwalhati natin ang Diyos sa pananalig sa lahat Niyang ginawa para sa atin, at pinupuri natin Siya sa pananalig sa lahat Niyang ginawa.
Na nilikha ng Diyos ang tao ayon sa Kanyang anyo ay kamangha-mangha rin. Na Kanyang binigay ang Kanyang Kautusan sa lahat, at Siya’y kumilos sa pamamagitan ng Birheng Maria upang isugo si Jesu-Cristo sa mundong ito ay nakamamangha rin sa ating mga mata. Nguni’t naniniwala tayo, kasabay nito, na lahat nitong mga gawain ay ginawa bilang isang paraang pagliligtas sa mga makasalanan. Kamangha-mangha rin ang katotohanang nilipat ng Panginoon ang lahat ng kasalanan ng mundo sa katawan ni Jesu-Cristo, minsanan, sa pamamagitan ng pagpapabautismo sa Kanya, upang maglaho ng lubusan ang bawa’t kasalanan ng sangkatauhan.
Para sa mga nanalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, binigay nga ng Panginoong Diyos sa kanila ang walang-hanggang kapatawaran ng kasalanan at Kanyang Banal na Espiritu ay kamangha-mangha rin at kagila-gilalas. At Kanyang ginawang ipangaral sa Kanyang mga ligtas na hinirang ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu sa buong mundo ay isa ring kamangha-manghang pagpapala sa atin. Ang katotohanang tinulot ng Panginoong Diyos ang pagmamartir sa mga hinirang, pinayagan silang mabuhay muli at masama sa rapture, at sila’y mamuhay sa luwalhati ng Langit magpakailan man—lahat nitong mga gawa’y mga kamangha-manghang mga pagpapala.
Yamang naiplano lahat nitong mga bagay, alinsunod na tutuparin ng Diyos lahat ng ito kapag dumating ang panahon—itong mga gawa na magluluwalhati at magpupuri sa Diyos ay naging dakilang mga pagpapala sa ating mga puso. Nagpapasalamat din tayo sa Panginoon at pinagpapala sa katotohanan na Kanyang ipaghihiganti ang Kanyang mga kaaway ng Kanyang kapangyarihan sa pamamagitan ng mga salot ng pitong mangkok.
Dahil lahat ng mga gawa ng Panginoong Diyos ay makikita ng mga mata ng hinirang bilang isang bagay na higit sa kanilang mga limitasyon, sila’y nagpupuri sa Kanya. Sila samakatuwid ay nagpupuri sa Panginoon dahil sa Kanyang kapangyarihan, dahil sa Kanyang mga kamangha-manghang gawa at kapangyarihan. Ang ating Panginoong Diyos ay nararapat na tanggapin lahat ng papuri hindi lamang sa sangkatauhan, kundi mula rin sa bawa’t nilikha ng kalawakan. Hallelujah!
Ang mga nakakaalam, nakaranas, at nakasaksi ng kanilang mga sariling mga mata sa mga ginawa ng Panginoon para sa kanila’y walang magagawa kundi ang purihin Siya dahil sa Kanyang kapangyarihan, Kanyang ganap na karunungan, Kanyang Katuwiran, Kanyang walang-hanggang di-nagbabagong matuwid na hatol, at Kanyang walang-hanggan at di-nagmamaliw na pag-ibig. Pinahintulot ng Panginoon ang mga hinirang na purihin Siya magpakailan man dahil sa Kanyang kahanga-hangang mga gawa.
Sa gayon, ang mga hinirang ay nagpuri sa Panginoong Diyos nang walang-hanggan para sa lahat ng mga gawa na Kanyang tinupad para sa kanila, sa Kanyang kabutihan at kadakilaan. Ang ating Panginoon ay nararapat na tumanggap ng papuri mula sa lahat ng bagay ng kalawakan, sa lahat ng Kanyang gawa’y naging posible lamang dahil sa Kanyang kapangyarihan. Hallelujah! Nagpupuri ako sa Panginoon dahil sa Kanyang kapangyarihan at Kanyang walang-hanggang, di-nagmamaliw at mapalad na pag-ibig!
Talatang 4: Sinong hindi matatakot, Oh Panginoon, At luluwalhatiin ang Iyong pangalan? Sapagka’t Ikaw lamang ang banal, Sapagka’t ang lahat ng mga bansa ay darating at magsisisamba sa harapan Mo, Sapagka’t ang Iyong mga matuwid na gawa ay nangahayag.’
Ang mga hinirang sa alapaap ay nagpupuri sa mga gawa ng Panginoon. “Sinong hindi matatakot, Oh Panginoon, At luluwalhatiin ang Iyong pangalan?” Ito’y isang papuring puno ng matibay na paniniwala, tiwalang pinahahayag na wala ni isa ang maaaring sumalungat sa luwalhati ng Panginoong Diyos, at walang mangangahas na pigilin Siya na tumanggap ng papuri. Sinong maaaring humarap sa Panginoon ng walang takot? Wala ni isa at wala sa mundong ito, sa buong kalawakan at buong walang-hanggang kaharian, ang maaaring sumalungat at magtagumpay laban sa Panginoon, dahil si Jesus ay ang Hari ng mga hari at Makapangyarihang Diyos.
Lahat ng bagay sa mundong ito at ang mga hinirang ay walang magagawa kundi ang matakot sa pangalan ni Jesu-Cristo, ang makapangyarihang Panginoon, at sa Kanyang katotohanan. Dahil ang kapangyarihan ng Panginoong Diyos ay walang-hangganan ang kadakilaan, at dahil Siya ang tunay at ganap, lahat ng nilalang ay nagpapasalamat, lumuluwalhati at nagpupuri sa Kanyang ngalan. Lahat ay dapat may pusong natatakot sa Diyos. At lahat ng bagay sa kalawakan ay dapat magpuri sa ngalan ng Panginoon. Bakit? Dahil ang Panginoon ay banal, at Kanyang niligtas ang buong sangkatauhan mula sa lahat nilang kasamaan.
Dahil ang mga salot ng pitong mangkok na binuhos ng Panginoon kay Anticristo, kanyang mga tagasunod at mga relihiyosong nabubuhay dito sa lupa’y mahahayag ang Kanyang katuwiran, wala tayong magagawa kundi purihin Siya. Dahil ang makatwirang hatol ng Panginoon ay nahayag sa pamamagitan ng mga malalaking salot ng pitong mangkok, ang ating Panginoon ay nararapat na kamtan ang luwalhati, papuri at pagsamba mula sa lahat ng mga nilalang, mga anghel, at mga hinirang sa alapaap.
Sinong mangangahas na di-matatakot sa ngalan ng Panginoong Jesu-Cristo? Ang Panginoon ay hindi nilalang, kundi Panginoong Makapangyarihang Diyos. Sa pagbuhos ng mga nakatatakot na salot ng pitong mangkok sa lahat ng mga laban sa Kanya, ang Panginoon ay ginawang di-maiiwasan na lahat ng Kanyang mga nilalang ang magpuri sa Kanyang Kamaharlikaan at kapangyarihan.
“Sapagka’t ang lahat ng mga bansa ay darating at magsisisamba sa harapan Mo, Sapagka’t ang Iyong mga matuwid na gawa ay nangahayag.” Dapat nating malaman, samakatuwid, na wala ni isang sumasalungat at naglalapastangan sa ngalan ng Panginoon ang mabubuhay ng maligaya.
Tanging pagluhod sa ngalan ng Panginoon, at pananalig, pasasalamat at pagpupuri sa Kanya dahil sa Kanyang kataas-taasang kapangyarihan, walang-hanggang kapangyarihan, Kanyang habag, at Kanyang dakilang kaligtasan at pag-ibig ay ang mga uri ng pagsambang nararapat sa Kanyang pangalan. Lahat ng nilalang ay dapat samakatuwid na manalig sa ginawa ng Panginoon dito sa lupa, purihin at sambahin Siya. Ang ating Panginoon ay nararapat tumanggap ng papuri mula sa lahat ng tao at lahat ng bansa. Siya nawa! Hallelujah!
Talatang 5: At pagkatapos ng mga bagay na ito ay tumingin ako, at ang santuario ng tabernakulo ng patotoo sa langit ay nabuksan.
Itong talata’y sinasabi sa atin na kapag ang mga salot ng pitong mangkok na ibubuhos ng Panginoon dito sa lupa’y natapos, ibibigay ng Diyos sa mga hinirang ang Kanyang tahanan ng Langit. Lahat ng mga bagay na ito’y matutupad ng Panginoong Diyos. Ano itong tabernakulo ng patotoo? Ito’y tahanan ng Diyos na tulad ng tabernakulo dito sa lupa. Ang ibig sabihin ng pariralang, “ang santuario ng tabernakulo ng patotoo sa langit ay nabuksan,” na ang panahon ng Kaharian ng Panginoong Diyos ay mabubuksan simula niyaon.
Sa pagbubukas ng pintuan ng templo ng tabernakulo ng patotoo, ang mga huling salot at ang Kaharian ng Panginoong Diyos ay ihahatid dito sa lupa. Ang walang kaalaman sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, walang pananampalataya ang tatanggapin ng Diyos. Sa gayon, dapat nating malaman at manalig dito sa ebanghelyo ng katotohanan, mabatid at manalig din na ang oras para sa atin na lumisan at manirahan sa Kaharian ni Cristo’y papalapit na ngayon sa atin.
Talatang 6: At sa santuario ay nagsilabas ang pitong anghel na may pitong salot, na nararamtan ng mahalagang bato, tunay at makintab, at nangabibigkisan ng gintong pamigkis ang kanilang mga dibdib.
Itong Salita’y pinakikita sa atin na kapag binuhos ng Diyos ang mga salot ng pitong mangkok dito sa lupa, Siya’y kikilos kasama ang mga anghel na nananalig sa paghahatol at sa katarungan nitong pitong mga salot. Sinasabi rin sa atin, na ang mga lingkod ng Diyos lamang kapag sila’y laging nananalig sa Kanyang katuwiran at ilalagay nila ang kanilang buong tiwala sa Kanyang kabutihan.
Kung sila’y mananalig lamang na ang mga gawa ng Panginoon ay laging wasto, ang mga lingkod ng Diyos ay magagawa ang gayong mga gawain ng Panginoon. Ang mga hinirang sa gayon magagamit lamang bilang mga mahahalagang lingkod ng Diyos kung laging nakabihis sa kanila ang katuwiran ng Panginoon, isusuot ang pag-asa ng kaligtasan bilang isang helmet, ipagtanggol ang kanilang pananalig, at mamuhay na lumuluwalhati sa Panginoon.
Talatang 7: At isa sa apat na nilalang na buhay ay nagbigay sa pitong anghel ng pitong mangkok na ginto na puno ng kagalitan ng Dios, na siyang nabubuhay magpakailan kailan man.
Sinasabi nito sa atin na kapag ang Diyos ay kumilos sa pamamagitan ng Kanyang mga lingkod, Kanya silang pakikilusin sa wastong pamamaraan, at ang gayong mga gawa rin ay magaganap sa wastong pagkasunod-sunod. Ang pariralang, “isa sa apat na nilalang,” ay pinakikita sa atin na ang Panginoon ay nakalagay ang Kanyang mga mahalagang lingkod para sa Kanyang mga layon, at Siya’y kumikilos sa pamamagitan nila. Ang apat na nilalang na lumitaw dito ay ang apat pinakamahalagang lingkod ng Panginoon na laging nasa Kanyang tabi, at sila ang unang maglilingkod sa Kanyang mga layon. Dapat nating mabatid na ang kataas-taasan at walang-hanggang kapangyarihan ng Diyos, ay dapat ding malaman na Siya’y kumikilos sa pamamagitan ng Kanyang mga lingkod.
Talatang 8: At napuno ng usok ang santuario mula sa kaluwalhatian ng Dios, at sa kaniyang kapangyarihan, at sinoman ay hindi nakapasok sa santuario, hanggang sa matapos ang pitong salot ng pitong anghel.
Bago ganaping lubos ng Panginoon ang Kanyang hatol dito sa lupa, walang makapapasok sa Kanyang Kaharian. Ito’y sinasabi sa atin kung gaano ganap ang kabanalan ng Diyos. Sinasabi rin sa atin na hindi Siya isang Diyos na nasisiyahan sa kasamaan (Awit 5:4). Tayo samakatuwid ay dapat tandaan na ang sinumang magnanais na pumasok sa Kaharian ng Diyos, siya’y dapat manalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritung binigay ng Panginoon sa sangkatauhan. Hinayaan din ng Panginoong Diyos ang mga nanalig nitong ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu na pumasok sa Kanyang Kaharian.
Sa mga hinirang na nagkamit ng kapatawaran ng kasalanan, binigay ng Diyos ang pagpapala na mabuhay magpakailan man sa Kanyang Kaharian matapos wasakin ang Kanyang mga kaaway sa pagbubuhos ng mga salot ng pitong mangkok. Lahat ng mga gawa ng Diyos ay makalalampas sa imahinasyon ng tao, hinahayag ang Kanyang kadakilaan at kapangyarihan. Sa paghatol ng Kanyang mga kaaway, nahahayag ng Diyos ang Kanyang walang-hanggang kapangyarihan. Kung ang Diyos ay walang kapangyarihang parusahan ang Kanyang mga kaaway dahil sa kanilang pagsalungat sa Kanya, hindi Niya matatamo ang nararapat na papuri.
Nguni’t ang Diyos ay mayroong higit na kapangyarihang parusahan ang laban sa Kanya, ihahatid ng Panginoong Diyos ang Kanyang hatol sa Kanyang mga kaaway at hahatulan sila sa walang-hanggang kapurasahan ng impiyerno.
Ang ating Panginoong Diyos ay higit na nararapat na purihin magpakailan man ng bawa’t tao sa bawa’t bansa. Sa gayon matutupad ng Diyos ang Kanyang paghahatol sa mga kaaway dahil sa lahat nilang kasalanan at bubuksan ang Kanyang Kaharian. Amen. Nagpapasalamat ako sa Panginoong Diyos dahil sa Kanyang dakilang kapangyarihan, Kanyang luwalhati at kabanalan. Hallelujah!