• All e-books and audiobooks on The New Life Mission website are free
  • Explore multilingual sermons in global languages
  • Two new revised editions in English have been released
  • Check out our website translated into 27 languages
Search

Sermons

Paksa 10: Ang Pahayag (Mga Komento sa Pahayag)

[Kabanata 15-2] Ang Paghati ng Walang-hangang Tadhana (Apocalipsis 15:1-8)

2021.04.13 95
(Apocalipsis 15:1-8)
 
 
Sa kabanata 15 ay inilalarawan ang mga salot ng pitong mangkok, na ibubuhos sa mga kaaway ng Diyos matapos ang rapture ng mga hinirang. Ang numerong “pito” na karaniwang makikita sa Apocalipsis, tulad ng pitong tatak, pitong trumpeta at pitong mangkok, nagbabadya ng kaganapan ng Diyos at Kanyang kapangyarihan. Si Jesu-Cristo ay ang walang-hanggang karunungan at walang-hanggang kapangyarihang Diyos. Ang ibig sabihin na si Jesus ay ang walang-hanggang karunungan at walang-hanggang kapangyarihang Diyos na ang ating Panginoon ay Diyos na Makapangyarihan kung saan walang imposible. Ang ating Panginoon ay Diyos na nagplano ng lahat ng bagay at Siyang may kapangyarihang tuparin lahat.
Ang mga hinirang, sa gayon, ay dapat magpuri sa Panginoon dahil sa Kanyang walang-hanggang karunungan at walang-hangang kamaharlikaan at kapangyarihang nahayag sa pamamagitan ng mga salot ng pitong mangkok na Kanyang ibubuhos dito sa lupa. Nagpapasalamat tayo sa Panginoon dahil sa katotohanan na ang gayong hatol ay naging posible dahil sa Kanyang walang-hanggang karunungan at kapangyarihan. Na ang paghihiganti ng Panginoon sa Kanyang mga kaaway sa pamamagitan ng mga salot at ang walang-hanggang paghihirap sa impiyerno, ay para sa mga hinirang, tanging isang bagay na pagpapasalamat nila ang angkop na angkop. Ang mga hinirang sa gayo’y walang magagawa kundi ang magpuri sa Panginoon. Hallelujah!
Ang mga salot ng pitong mangkok ay darating matapos ang rapture ng mga hinirang ilang saglit makalipas ang unang tatlo at kalahating taon ng pitong taon ng Matinding Kapighatian. Sa mga salot na ito, ang puso ng mga kaaway ng Diyos ay malulungkot, kapag kanilang nalaman na ang ating Panginoon ay Diyos na Makapangyarihan, matatakot sila sa Kanya.
Ang “tanda sa langit, dakila at kagilagilalas” nakasaad sa talatang 1 ay tumutukoy sa mga huling salot na ibubuhos dito sa lupa—ito ay, ang mga salot ng pitong mangkok. Ang sinasabi ng pariralang “dakila at kagilasgilas,” ay tatlong-bagay: una, sa pamamagitan ng Salita ng hula, alam na ng mga hinirang ang lahat ukol sa mga salot na darating dito sa lupa; pangalawa, ang mga hinirang ay di-masasama sa mga salot ng pitong mangkok; at ikatlo, ang kapangyarihan nitong mga salot ng pitong mangkok na dala ng Panginoon ay pandaigdigan at nakamamatay.
Sa kabilang dako, ang mga tinubos at mga isinama sa rapture ay aawit “ng awit ni Moises, ang lingkod ng Diyos, at ang awit ng Cordero” sa alapaap. Sa likuran nitong awit, tulad ng makikita sa Exodo 15:1-8, ay ang awit ng mga Israelita, mga pagpupuri sa Panginoon dahil sa Kanyang kapangyarihan at kapamahalaan matapos tumawid sa Dagat na Pula sa pagliligtas sa kanila sanhi ng Kanyang kapangyarihan at pamamahala mula sa kalagayan ng paghahabol ng mga hukbo ng mga Ehipto.
Gayon din, ang mga hinirang ng Bagong Tipan ay walang-magawa kundi ang purihin ang Panginoon dahil sa kanilang kaligtasan, dulot ng kapatawaran sa kasalanang natupad sa pamamagitan ng bautismong tinamo ni Jesus mula kay Juan at Kanyang dugo sa Krus. Sa pagdating ng mga huling araw, ang bayan ng Diyos ay muling magpupuri sa Panginoon, pasasalamatan Siya dahil sa kanilang pagmamartir, pagkabuhay muli, rapture at buhay na walang-hanggan, lahat ay naging posible sa pamamagitan ni Jesu-Cristong nagpalaya sa kanila mula sa kanilang mga kaaway, at lahat ng kanilang kasalanan.
Dagdag nito, ang mahalagang kaibhan nitong awit, dahil ito’y pagpupuri sa walang-hanggang kapangyarihan ng Panginoon, kapangyarihan, at katuwiran. Ang mga martir ay nagpupuri sa Panginoon dahil sa Kanyang kapangyarihan, ang biyaya ng kanilang kaligtasan sa kasalanan, at ang pagpapala ng buhay na walang-hangan.
“Ang templo ng tabernakulo ng patotoo” sa talatang 5 ay tumutukoy sa tabernakulo na tinulot ng Diyos sa mga Israelita nang lisanin nila ang Ehipto upang ibigay sa kanila ang pagpapalang makapiling ang Panginoon.
Ang “lino” sa talatang 6 ay tumutukoy sa katuwiran ng Diyos. Sinasabi na ang mga anghel ay bibihisan ng katuwiran ng Diyos at kakamtan sa Kanya ang karapatang maggawad ng uri ng hatol na walang kaaway ang maaaring tumanggi.
Sa talatang 8 ay sinasabi, “At napuno ng usok ang santuario mula sa kaluwalhatian ng Dios, at sa kaniyang kapangyarihan, at sinoman ay hindi nakapasok sa santuario, hanggang sa matapos ang pitong salot ng pitong anghel.” Matutuklasan natin dito ang tatlong pakahulugan. Una, pinakikita kung gaano ganap ang galit ng Diyos sa Kanyang mga kaaway.
Pangalawa, sinasabi sa atin na walang makapapasok sa Templo ng Panginoon kung hindi nananalig sa bautismo ni Jesu-Cristo at Kanyang dugo, dahil ang kaligtasan ng Diyos sa mga makasalanan ay ganap na lubos.
Ikatlo, pinakikita na walang kabutihan ng tao ang makaiiwas sa makatwirang hatol ng Diyos, at sa pamamagitan lamang ng pananalig sa bautismo ni Jesu-Cristo at Kanyang dugo sa Krus maaaring makatakas mula sa galit ng Diyos na binuhos sa mga makasalanan.
Samakatuwid ang mga hinirang ay dapat matapat na manangan sa ebanghelyo at ipangaral hanggang sa huling sandali. At ang mga di-nagkamit ng kapatawaran sa kanilang mga kasalanan ay dapat malaman na sila’y nakatakdang harapin ang makatwirang hatol ng Diyos, at sila’y dapat na magbalik agad, sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritung bigay ng Panginoon. Pinakikita nitong salaysay sa atin na, tulad ng hatol na ihahatid ng Diyos sa Kanyang mga kaaway sa pamamagitan ng mga salot ng pitong mangkok ay ganap sa mata ng lahat upang makita, walang makapipigil nito hanggang itong hatol ng kasalanan ay ganap.
Sa kabanata 15 ng Apocalipsis ay pinakikita sa atin na ang Anticristo, si Satanas, mga demonyo, at lahat ng mga di-nanalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, na nakahain sa atin sa pamamagitan ng pag-ibig ni Cristo, ay ang mga kaaway ng Panginoon. Nagpupuri ako’t nagpapasalamat sa Panginoon sa paghahatid ng Kanyang mga salot dito sa mga kaaway ng Diyos upang hatulan sila. Nararapat lamang para sa mga hinirang na magpuri sa Panginoon sa pamamagitan ng awit ni Moises, ang lingkod ng Diyos, at ang awit ng Cordero.
Wala ni isa ang makapipigil sa ating pagpupuri sa katuwiran ng Panginoon, kapangyarihan, kamaharlikaan, at katotohanan. Nagpupuri ako sa Panginoon sa pagkakaloob sa atin ng gayong mga pagpapala. Hallelujah!