• All e-books and audiobooks on The New Life Mission website are free
  • Explore multilingual sermons in global languages
  • Two new revised editions in English have been released
  • Check out our website translated into 27 languages
Search

Sermons

Paksa 10: Ang Pahayag (Mga Komento sa Pahayag)

[Kabanata 16-1] Ang Simula ng mga Salot ng mga Pitong Mangkok (Apocalipsis 16:1-21)

(Apocalipsis 16:1-21)
“At narinig ko ang isang malakas na tinig na mula sa santuario, na nagsasabi sa pitong anghel, ‘Humayo kayo, at ibuhos ninyo ang pitong mangkok ng kagalitan ng Dios sa lupa.’ At humayo ang una, at ibinuhos ang kaniyang mangkok sa lupa, at naging sugat na masama at mabigat sa mga taong may tanda ng hayop na yaon, at nangagsisamba sa kaniyang larawan. At ibinuhos ng ikalawa ang kanyang mangkok sa dagat, at naging dugo na gaya ng isang patay, at bawa’t kaluluwang may buhay, sa makatuwid ay ang nangasa dagat at nangamatay. At ibinuhos ng ikatlo ang kaniyang mangkok sa mga ilog at sa bukal ng tubig, at nangaging dugo. At narinig ko ang anghel ng tubig na nagsasabi, ‘Matuwid Ka, na ngayon at nang nakaraan, Oh Banal, sapagka’t humatol Ka na gayon.’ Sapagka’t ibinuhos nila ang dugo ng mga banal at ng mga propeta, at pinainom mo sila ng dugo, ito’y karapatdapat sa kanila. At narinig ko ang dambana na nagsasabi, ‘Oo, Oh Panginoong Dios, na Makapangyarihan sa lahat, tunay at matuwid ang Iyong mga hatol.’ At ibinuhos ng ikaapat ang kaniyang mangkok sa araw, at ibinigay nito sa kaniya ng masunog ng apoy ang mga tao. At nangasunog ang mga tao sa matinding init, at sila’y namusong sa pangalan ng Dios na may kapangyarihan sa mga salot na ito, at hindi sila nangagsisi upang siya’y luwalhatiin. At ibinuhos ng ikalima ang kaniyang mangkok sa luklukan ng hayop na yaon, at nagdilim ang kaniyang kaharian, at nginatnat nila ang kanilang mga dila dahil sa hirap. At sila’y namusong sa Dios ng langit dahil sa kanilang mga hirap at sa kanilang mga sugat, at hindi sila nangagsisi sa kanilang mga gawa. At ibinuhos ng ikaanim ang kaniyang mangkok sa malaking ilog ng Eufrates, at natuyo ang tubig nito, upang mahanda ang dadaanan ng mga haring mula sa sikatan ng araw. At nakita kong lumabas sa bibig ng dragon, at sa bibig ng hayop, at sa bibig ng bulaang propeta, ang tatlong espiritung karumaldumal, na gaya ng mga palaka. Sapagka’t sila’y mga espiritu ng mga demonio, na nagsisigawa ng mga tanda, na pinaparoonan nila ang mga hari sa buong sanglibutan, upang tipunin sa pagbabaka sa dakilang araw ng Dios, na Makapangyarihan sa lahat. (Narito, ako’y pumaparitong gaya ng magnanakaw. Mapalad siyang nagpupuyat, at nagiingat ng kaniyang mga damit, na baka siya’y lumakad na hubad, at makita nila ang kaniyang kahihiyan.) At tipinon sila sa dako na sa Hebreo ay tinatawag na Armagedon. At ibinuhos ng ikapito ang kaniyang mangkok sa hangin, at lumabas sa santuario ang isang malakas na tinig, mula sa luklukan na nagsasabi, ‘Nagawa na.’ At nagkaroon ng mga kidlat, at mga tinig, at mga kulog, at nagkaroon ng malakas na lindol, na di nangyari kailan man mula nang magkatao sa lupa, isang lindol na lubhang malakas, lubhang kakilakilabot. At ang dakilang bayan ay nabahagi sa tatlo, at ang mga bayan ng mga bansa ay nangaguho, at ang dakilang Babilonia ay napagalaala sa paningin ng Dios, upang siya’y bigyan ng inuman ng alak ng kabagsikan ng kaniyang kagalitan. At malaking granizo na kasinglaki ng talento ay lumagpak sa mga tao buhat sa langit, at namusong ang mga tao sa Dios dahil sa salot na granizo, sapagka’t ang salot na ito ay lubhang malaki.”
 
 
Masusing Kapaliwanagan ng Kasulatan
 
Talatang 1: At narinig ko ang isang malakas na tinig na mula sa santuario, na nagsasabi sa pitong anghel, ‘Humayo kayo, at ibuhos ninyo ang pitong mangkok ng kagalitan ng Dios sa lupa.’
Sa pamamagitan ng mga salot ng pitong mangkok ng galit, ihahatid ng Diyos ang Kanyang galit sa mga alipin ni Anticristo at kanyang kampon na narito pa rin sa lupa. Lahat ng mga nilalang at ng tao ay tatangayin ng galit ng Diyos, sasabog matapos ang maraming taon ng Kanyang pagtitiis, at sila’y maghihirap dulot ng mga malalaking salot na wawasak hanggang sa nalalabing taon ng Matinding Kapighatian. Sa panahong ito, itong mundo’y magiging abo habang ito’y nawawasak, pira-pirasong madudurog, at masisira sa limot.
Ang Apocalipsis 16 ay ang kabanata kung saan ang mga salot ng pitong mangkok ay mabubuhos. Hanggang sa mga huling sandaling ito, ang mga hindi nakakaalam ni nananalig sa ebanghelyo na taglay ang patotoo ng kaligtasan, na magtutulot sa kanila na kuhanin paakyat sa alapaap ng Panginoon—ito ay, ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu—lahat ay mawawasak nitong mga salot.
 
Talatang 2: At humayo ang una, at ibinuhos ang kaniyang mangkok sa lupa, at naging sugat na masama at mabigat sa mga taong may tanda ng hayop na yaon, at nangasisamba sa kaniyang larawan.
Ang salot ng marumi at kasuklam-suklam na hapdi na ibubuhos ng Diyos sa pamamagitan ng Kanyang anghel ay bababa sa mga nagtataglay ng marka ng Halimaw. Itong salot ng hapdi ay isang walang-lunas na sakit sa balat na magnanaknak sa balat ng mga naghihirap, ang impeksyon ay kakalat din sa mga nagnanaknak na balat. Gaano ang tindi ng paghihirap, kapag ang naghihirap ay paparusahan nitong salot ng marumi at kasuklam-suklam na hapdi hanggang sa kanilang kamatayan? Nguni’t hindi lang ibubuhos ng Diyos ang salot ng hapdi sa lahat ng mga tumanggap ng marka ng Halimaw, nguni’t Kanya ring ibubuhos ang anim pang mga salot sa kanilang mga noo matapos nito. Sa gayon, lahat ay dapat humanap ng paraang makatakas mula sa mga salot na ito sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, at iwasan ngayon itong mga nakatatakot na mga salot sa pamamagitan ng pananalig nitong ebanghelyo, hanggang sa sandaling ito.
Sinabi ng Panginoon na Kanyang ibubuhos pa ang anim na salot sa mga sumasamba sa Halimaw at kanyang rebulto. Anong kasalanan ang higit na kinamumuhian ng Diyos? Ito ay ang paggawa ng mga rebulto mula sa anyo ng isang bagay o sinuman maliban sa Diyos, gagawing diyos, at susuko sa kanila. Tiyak na dapat nating nalalaman kung Siya ang ating Panginoon at si Jesu-Cristo, manalig at sumamba kay Jesu-Cristo. Wala ni isa dito sa kalawakan, maliban si Jesus na Diyos mismo, ang maaaring maging ating Diyos.
Kung talagang nais mong iwasan ang salot ng hapdi at ang nalalabing anim na salot, alamin ukol at manalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritung bigay ng Panginoon. Di-mabilang na mga tao ang sumalungat sa Diyos sa kanilang mga araw-araw na buhay, at mga tumangging manalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, lahat sila ay maghihirap mula sa mga salot na ito hanggang sila’ylubusang mawasak.
 
Talatang 3: At ibinuhos ng ikalawa ang kanyang mangkok sa dagat, at naging dugo na gaya ng isang patay, at bawa’t kaluluwang may buhay, sa makatuwid ay ang nangasa dagat at nangamatay.
Ang pangalawang salot ay kung saan ang dagat ay magiging dugo ng kamatayan. Papatayin ng Diyos lahat ng mga nilalalang sa dagat sanhi nitong salot. Mula sa salot na ito ng pangalawang mangkok na ibubuhos ng Diyos, ang dagat ay mabubulok at lahat ng mga nilalang nito’y di na muling mabubuhay. Walang tao samakatuwid ang maaaring kumain ng mga ani ng dagat kapag ibubuhos ng Diyos itong pangalawang salot. Sa pamamagitan ng pangalawang salot, ihahayag ng Diyos na Siya’y buhay, at Siya ang Panginoon ng lahat.
Itong pangalawang salot ay ang hatol ng Diyos na ginawad sa lahat ng tao, sa halip na sambahin ang Panginoong Diyos dahil sa Kanyang mga nilalang, sila’y yumukod sa rebulto ng Halimaw, ang kaaway ng Diyos, at nagdanak ang dugo ng mga hinirang. Itong pangalawang salot ay ang pinakanararapat. Pinakikita ng Diyos sa atin na Kanyang aalisin ang yaman ng kalikasan mula sa mga di-nagpapasalamat sa Panginoon sa lahat ng mga nilalang na likha ng Diyos. 
 
Talatang 4-7: At ibinuhos ng ikatlo ang kaniyang mangkok sa mga ilog at sa bukal ng tubig, at nangaging dugo. At narinig ko ang anghel ng tubig na nagsasabi, ‘Matuwid Ka, na ngayon at nang nakaraan, Oh Banal, sapagka’t humatol Ka na gayon.’ Sapagka’t ibinuhos nila ang dugo ng mga banal at ng mga propeta, at pinainom mo sila ng dugo, ito’y karapatdapat sa kanila. At narinig ko ang dambana na nagsasabi, ‘Oo, Oh Panginoong Dios, na Makapangyarihan sa lahat, tunay at matuwid ang Iyong mga hatol.’
Ang ikatlong salot kung saan ang mga ilog at mga bukal ng tubig ay magiging dugo ay tunay na isa sa pinakakakila-kilabot na mga salot. Itong salot, ay dumating bilang kaparusahan dahil sa mga kasalanan ng lahat na di-nanalig sa Diyos, gagawing dugo ang mga bukal at magiging imposible sa kanila ang mamuhay pa dito sa lupa. Gagawing dugo ng Diyos ang mga bukal at mga ilog dito sa lupa. Itong salot din, ay ang hatol na ginawad sa mga tao bilang kabayaran at parusa sa kanilang pagsalungat sa Diyos na nabigay sa kanila ng tubig, ang ugat ng lahat ng buhay.
Ang dahilan kung bakit ang Diyos ay magdadala nitong salot sa mga sumalungat sa Kanya ay dahil kanilang pinaslang ang Kanyang mga hinirang at mga propeta habang narito sa lupa. Sila ang mga tumangging manalig sa Diyos bilang Diyos, sila rin ang lumaban sa Diyos sa pakikiisa sa Anticristo.
Mangha sa kapangyarihan ni Anticristo, ang mga lumaban sa pag-ibig ng Diyos sa mundong ito ay uusigin at papatayin ang pinakamamahal na mga hinirang at mga lingkod ng Diyos. Yaong di-nananalig ngayon sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritung binigay ng Panginoon sa atin upang iligtas ang tao sa kasalanan, ay papatayin ang maraming mga hinirang at mga propeta ng mga huling araw at dadanak ang kanilang dugo. Samakatuwid ibubuhos ng Diyos ang Kanyang ikatlong salot dito sa lupa kung saan ang Kanyang mga kaaway ay nabubuhay, gagawing dugo ang tubig, na siyang ugat ng lahat ng buhay, at sa gayo’y mapupuksa sila.
Ito ang makatwirang hatol ng Diyos, at upang ang lahat ng mga hinirang sa alapaap ay magalak. Bakit? Dahil sa Kanyang matuwid na hatol na igagawad sa mga kaaway na pumaslang sa mga hinirang, ipaghihiganti ang kamatayan ng mga hinirang. Sa gayon, ang mga hinirang at mga lingkod ng Diyos ay di dapat matakot, nguni’t sa halip ay ipagtanggol ang kanilang pananampalataya sa Panginoong Diyos, at magtuon sa pangako ng Diyos at sa Kanyang kapangyarihan kapag sila’y mahaharap sa kanilang pagmamartir.
 
Talatang 8-9: At ibinuhos ng ikaapat ang kaniyang mangkok sa araw, at ibinigay nito sa kaniya ng masunog ng apoy ang mga tao. At nangasunog ang mga tao sa matinding init, at sila’y namusong sa pangalan ng Dios na may kapangyarihan sa mga salot na ito, at hindi sila nangagsisi upang siya’y luwalhatiin.
Ibubuhos ng ikaapat na anghel ang mangkok ng ikaapat na salot ng araw, ang tao’y mamamatay sa tindi ng init ng araw. Dadalhin ng Diyos ang salot ng nakapapasong init ng araw sa mga sumalungat sa Kanya. Dahil itong mundo’y umiikot sa palibot araw, kung ang mundo’y lumihis sa kanyang landas at napalapit sa araw kahit pa sa pinakamaliit na distansiya, lahat ng mga naninirahan dito’y mamatay sa init. Sa gayon, kapag itong ikaapat na salot ay mabuhos, lahat ng mga taong naninirahan dito sa lupa’y mamamatay sa pagkasunog.
Gayunman hindi pa rin sila magsisisi sa kanilang kasalanang paglaban sa Diyos. Bakit? Dahil sa pagsalungat sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, sila’y itinakda na sa kapahamakan. Kaagad-agad, samakatuwid, bawa’t isa ngayon ay dapat na ihanda ang kanilang pananampalatayang magtutulot sa kanila na makatakas mula sa sumpa ng Diyos. Itong pananampalataya ay ang pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu para sa kaligtasan ninuman. Bawa’t isa kung gayon ay dapat manalig sa katotohanan ng tubig at ng Espiritu.
 
Talatang 10-11: At ibinuhos ng ikalima ang kaniyang mangkok sa luklukan ng hayop na yaon, at nagdilim ang kaniyang kaharian, at nginatnat nila ang kanilang mga dila dahil sa hirap. At sila’y namusong sa Dios ng langit dahil sa kanilang mga hirap at sa kanilang mga sugat, at hindi sila nangagsisi sa kanilang mga gawa.
Ang salot ng ikalimang mangkok ay isa sa maghahatid ng karimlan at pasakit. Ibubuhos ng Diyos itong mangkok ng ikalimang salot sa trono ng Anticristo at ihahatid ang salot ng karimlan at pasakit. Mula sa salot na ito, ang tao’y ngangatngatin ang kanilang mga dila dahil sa hapdi at hirap. Titiyakin ng Diyos na maipaghiganti ang mga paghihirap ng mga hinirang sa kanila ng dobleng matinding hirap.
Padudusahin sila ng Diyos, sa ibang salita, katulad ng higit na paghihirap na ginawa nila sa mga hinirang noon. Gayunma’y sila’y lumapastangan pa rin sa Diyos at di-nagsisi, kahit pa sila’y naghihirap sa hapdi ng mga paghihirap. Sa gayon, kanilang makakamit ang walang-hanggang kaparusahan ng impiyerno na nagbabaga ng apoy at asupre.
 
Talatang 12: At ibinuhos ng ikaanim ang kaniyang mangkok sa malaking ilog ng Eufrates, at natuyo ang tubig nito, upang mahanda ang dadaanan ng mga haring mula sa sikatan ng araw.
Ang salot ng ikaanim na mangkok ay binuhos ng Diyos ay ang salot ng gutom na magpapatuyo sa Ilog ng Eufrates. Ang sangkatauhan ay mahaharap sa lubhang paghihirap dulot nitong salot. Ang salot ng kagutuman ay ang pinaka-nakatatakot na salot sa buhay ninuman. Itong salot, na ibubuhos sa mga tumanggi sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritung bigay ng Panginoon, pinakikita sa atin ang tindi ng kaparusahan para sa mga tumanggi ng pag-ibig ng Diyos at sumalungat sa Kanya. Ilang sandali, ang hukbo ng Diyos sa Langit at hukbo ni Satanas dito sa lupa ay sisimulan ang huling giyera dito sa larangan ng digmaan.
Talatang 13: At nakita kong lumabas sa bibig ng dragon, at sa bibig ng hayop, at sa bibig ng bulaang propeta, ang tatlong espiritung karumaldumal, na gaya ng mga palaka.
Pinakikita ng talatang ito sa atin na ang mga gawa ng lahat na masasamang espiritu at mga demonyong nagmula sa mga bibig ni Satanas, kanyang Halimaw, at mga huwad na propeta. Ang mga gawa ng demonyo’y iiral sa buong mundo kapag ang kanyang hangganan ay lumapit. Ang mga demonyo’y dadayain ang tao at aakayin sila sa kanilang pagkawasak sanhi ng paggawa ng mga himala at mga tanda sa pamamagitan ni Satanas, ang mga huwad na propeta, at ang Anticristo. Ang mundo sa mga huling araw ay magiging mundo ng mga demonyo. Nguni’t ang kanilang mundo ay mahahatid lahat sa kanyang wakas sa pagbuhos ng mga salot ng pitong mangkok ni Jesu-Cristo at ng Kanyang pangalawang pagdating.
 
Talatang 14: Sapagka’t sila’y mga espiritu ng mga demonio, na nagsisigawa ng mga tanda, na pinaparoonan nila ang mga hari sa buong sanglibutan, upang tipunin sa pagbabaka sa dakilang araw ng Dios, na Makapangyarihan sa lahat.
Ang mga espiritu ng mga demonyo ay pupukawin ang puso ng lahat ng mga hari sa buong mundo upang tipunin sa isang lugar upang makidigma sa Diyos. Sa mundo ng mga huling araw, ang puso ng bawa’t isa ay pamamahalaan ng mga masasamang espiritu, at siya’y magiging lingkod ni Satanas taglay ang mga gawa ng Diablo.
 
Talatang 15: “Narito, ako’y pumaparitong gaya ng magnanakaw. Mapalad siyang nagpupuyat, at nagiingat ng kaniyang mga damit, na baka siya’y lumakad na hubad, at makita nila ang kaniyang kahihiyan.”
Ang Panginoon ay paparito sa mundo tulad ng isang magnanakaw, at yaong nagtanggol ng kanilang pananalig at nangaral ng Kanyang ebanghelyo hanggang sa pagbuhos ng mga salot ng pitong mangkok ay lubos na pagpapalain. Sinabi ng Panginoon sa mga hinirang na nabubuhay sa mga huling araw na sila’y dapat mamuhay sa pamamagitan ng kanilang pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu at ipagtanggol itong pananalig hanggang sa kanilang huling araw. Yaong nagtanggol ng kanilang pananampalataya sa Panginoon bago ang pagbuhos ng Kanyang mga salot ng pitong mangkok ay tatanggap ng lubos na mga gantimpala mula sa Kanya. Ang ating Panginoon ay tiyak na babalik muli upang hanapin kung kanino Niya ipagkakaloob ang Kanyang mga pagpapala.
 
Talatang 16: At tipinon sila sa dako na sa Hebreo ay tinatawag na Armagedon.
Sa Biblia ay inihula na ang huling digmaan sa pagitan ni Satanas at ng Diyos ay magaganap sa Armagedon. Nguni’t dahil ang Diyos ay walang-hanggan ang kapangyarihan, siya’y magtatagumpay kay Satanas at itatapon ang Halimaw sa lawa ng apoy at asupre. Dapat nating mabatid na si Satanas ay laging isang manlilinlang, at dapat matimtiman nating panatilihin ang ating pananampalataya sa Panginoon hanggang sa araw na tayo’y humarap sa Diyos.
 
Talatang 17-21: At ibinuhos ng ikapito ang kaniyang mangkok sa hangin, at lumabas sa santuario ang isang malakas na tinig, mula sa luklukan na nagsasabi, ‘Nagawa na.’ At nagkaroon ng mga kidlat, at mga tinig, at mga kulog, at nagkaroon ng malakas na lindol, na di nangyari kailan man mula nang magkatao sa lupa, isang lindol na lubhang malakas, lubhang kakilakilabot. At ang dakilang bayan ay nabahagi sa tatlo, at ang mga bayan ng mga bansa ay nangaguho, at ang dakilang Babilonia ay napagalaala sa paningin ng Dios, upang siya’y bigyan ng inuman ng alak ng kabagsikan ng kaniyang kagalitan. At malaking granizo na kasinglaki ng talento ay lumagpak sa mga tao buhat sa langit, at namusong ang mga tao sa Dios dahil sa salot na granizo, sapagka’t ang salot na ito ay lubhang malaki.
Sa salot ng ikapitong mangkok na ibubuhos ng Diyos sa alapaap, mga kulog at kidlat ay sisira sa kalangitan, habang ang isang malaking lindol at malaking pag-ulan ng yelo, ang tulad nito’y hindi pa nakita kailanman, ay hahampas sa lupa. Sa pamamagitan nitong mga malalaking kapahamakan, ang unang mundo’y maglalaho. Matapos nito, ang mga hinirang ay mabubuhay sa luwalhati kasama si Jesu-Cristo dito sa bagong mundo ng isang libong taon.
Sa paglipas ng isang libong taon at ang panahon na matutupad ang pangako ng Diyos na Bagong Langit at Lupa para sa mga hinirang ay dumating, gagawin ng Diyos na maglaho ang unang mundo at ibibigay sa mga hinirang ang pangalawang langit at lupa. Ang mga hinirang sa gayon ay maghaharing kasama ang Diyos dito sa Bagong Langit at Lupa magpakailan man. Dapat silang mamuhay sa pag-asang ito, naghihintay sa pagbabalik ng Panginoon.