• All e-books and audiobooks on The New Life Mission website are free
  • Explore multilingual sermons in global languages
  • Two new revised editions in English have been released
  • Check out our website translated into 27 languages
Search

Sermons

Paksa 10: Ang Pahayag (Mga Komento sa Pahayag)

[Kabanata 17-1] Ang Hatol sa Patotot na Nakaluklok sa Maraming Tubig (Apocalipsis 17:1-18)

(Apocalipsis 17:1-18)
“At dumating ang isa sa pitong anghel na may pitong mangkok, at nagsalita sa akin, na nagsasabi, ‘Pumarito ka, ipakikita ko sa iyo ang hatol sa bantog na patutot na nakaupo sa maraming tubig. Na siyang pinakiapiran ng mga hari sa lupa, at ang mga nananahan sa lupa ay nalasing sa alak ng kaniyang pakikiapid.’ At ako’y kaniyang dinalang nasa Espiritu sa isang ilang, at nakita ko ang isang babae na nakasakay sa isang hayop na pula, na puno ng mga pangalang pamumusong, na may pitong ulo at sangpung sungay. At nararamtan ang babae ng kulay-ube at ng pula, at nahihiyasan ng ginto at ng mga mahalagang bato at mga perlas, na sa kaniyang kamay ay may isang sarong ginto na puno ng mga kasuklasuklam, at ng mga bagay na marurumi ng kaniyang pakikiapid. At sa kaniyang noo ay nakasulat ang isang pangalan:
HIWAGA, DAKILANG BABILONIA, INA NG MGA PATUTOT AT NG MGA KASUKLAMSUKLAM SA LUPA.
At nakita ko ang babae na lasing sa dugo ng mga banal, at sa dugo ng mga martir ni Jesus. At nang aking makita siya ay nanggilalas ako ng malaking panggigilalas. At sinabi sa akin ng anghel, ‘Bakit ka nanggilalas? Sasabihin ko sa iyo ang hiwaga ng babae, at ng hayop na sinasakyan niya, na may pitong ulo at sangpung sungay. At ang hayop na nakita mo ay naging siya, at wala na, at malapit ng umahon sa kalaliman, at patungo sa kapahamakan. At silang mga nananahan sa lupa ay manggigilalas na ang kanilang pangalan ay hindi nakasulat sa aklat ng buhay mula nang itatag ang sanglibutan, pagkakita nila sa hayop, kung paano naging siya at wala na, at darating. Narito ang pagiisip na may karunungan. Ang pitong ulo ay pitong bundok ng kinauupuan ng babae. At sila’y pitong hari, ang lima ay nanga buwal, ang isa’y narito, ang isa ay hindi pa dumarating, at pagdating niya ay dapat magtagal na sangdaliang panahon. At ang hayop na naging siya, at wala na, ay siya ring ikawalo at siya’y sa pito at siya’y patungo sa kapahamakan. At ang sangpung sungay na iyong nakita ay sangpung hari, na hindi pa nagsisitanggap ng kaharian, datapuwa’t magsisitanggap sila ng kapamahalaang paghahari na isang oras na kasama ang hayop. Ang mga ito ay may isang kaisipan, at ibinibigay nila ang kanilang kapangyarihan at kapamahalaan sa hayop. Makikipagbaka ang mga ito laban sa Cordero, at sila’y dadaigin ng Cordero, sapagka’t siya’y Panginoon ng mga Panginoon at Hari ng mga hari, at ng mga kasama niya, na mga tinawag at mga pili at mga tapat ay nananaig din.’ At sinabi niya sa akin, ‘Ang tubig na iyong nakita, na kinauupuan ng patutot, ay mga bayan, at mga karamihan, at mga bansa, at mga wika. At ang sangpung sungay na iyong nakita, at ang hayop, ay siyang nangapopoot sa patutot, at siya’y pababayaan at huhubaran, at kakanin ang kaniyang laman, at siya’y lubos na susupukin ng apoy. Sapagka’t inilagay ng Dios sa kanilang mga puso na gawin ang kaniyang kaisipan, at mangagkaisa ng kaisipan, at ibinigay ang kanilang kaharian sa hayop, hanggang sa maganap ang mga salita ng Dios. At ang babae na iyong nakita ay ang dakilang bayan, na naghahari sa mga hari at lupa.’”
 
 
Masusing Kapaliwanagan ng Kasulatan
 
Talatang 1: At dumating ang isa sa pitong anghel na may pitong mangkok, at nagsalita sa akin, na nagsasabi, ‘Pumarito ka, ipakikita ko sa iyo ang hatol sa bantog na patutot na nakaupo sa maraming tubig,’
Kung nalalamang sino ang patotot, ang babae, at ang Halimaw sa pangunahing salaysay ay ang kailangang-kailangan upang maunawaan ang kabanata 17. Ang “patotot” sa talatang 1 ay tumutukoy sa mga relihiyon ng sanlibutan, habang ang “babae” ay tumutukoy sa mundo. Ang “Halimaw,” sa kabilang dako, ay tumutukoy sa Anticristo. Ang “maraming tubig” ay tumutukoy sa mga aral ng Diablo. Ang pariralang, “ipakikita ko sa iyo ang hatol sa bantog na patutot na nakaupo sa maraming tubig,” ay sinasabi sa atin na hahatulan ng Diyos ang mga relihiyon ng mundo na nakaluklok sa mga maraming aral ni Satanas.
 
Talatang 2: “Na siyang pinakiapiran ng mga hari sa lupa, at ang mga nananahan sa lupa ay nalasing sa alak ng kaniyang pakikiapid.”
Ang “pakikiapid” ay tumutukoy sa pag-ibig nitong mundo at sa maraming bagay na higit kaysa sa Diyos. Sa paggawa ng mga rebulto ayon sa mga bagay ng mundo, sinasamba at iniibig ito na parang Diyos nguni’t sa katotohanan lahat ay mga gawa ng pakikiapid.
Ang pariralang, “Na siyang pinakiapiran ng mga hari sa lupa,” nangangahulugang ang mga pinuno nitong mundo ay namuhay sa kanilang buhay na lasing sa mga makamundong relihiyon, at lahat ng mga makamundong tao’y lasing din sa gayong mga pagkakasalang kaloob ng mga makamundong relihiyon.
 
Talatang 3: At ako’y kaniyang dinalang nasa Espiritu sa isang ilang, at nakita ko ang isang babae na nakasakay sa isang hayop na pula, na puno ng mga pangalang pamumusong, na may pitong ulo at sangpung sungay.
Ang pariralang, “isang babae na nakasakay sa isang hayop na pula,” sinasabi sa atin na ang tao dito sa mundo’y pagsasamahin ang kanilang mga puso kasama ng kay Anticristo upang usigin at patayin ang mga hinirang. Pinakikita sa atin na ang makamundong tao’y magiging mga lingkod na kaaway ng Diyos, ginagawa ang mga gawain ng Anticristo ayon sa kanyang pag-uutos. Ang Halimaw ay ang Anticristong laban sa Diyos. Ang Anticristo’y mamamahala sa maraming mga hari, at siya’y maghahari din sa maraming mga bansa.
Nguni’t sa pagiging palalo, ang Anticristo’y hindi mag-aatubiling lapastanganan ang Diyos at magsambit ng mga salitang kapalaluan, inaangking siya mismo ang Diyos o ang Jesu-Cristo, at itaas ang kanyang sarili ng kasing-taas ng Diyos. Ang Kanyang kapangyarihan samakatuwid ay aabot at mamamahala sa lahat ng mga hari at sa lahat ng mga bansa.
Mula sa pariralang, “na may pitong ulo at sangpung sungay,” ang “pitong ulo” rito ay tumutukoy sa pitong hari ng mundo, at ang “sampung korona” ay tumutukoy sa mga bansa.
 
Talatang 4: At nararamtan ang babae ng kulay-ube at ng pula, at nahihiyasan ng ginto at ng mga mahalagang bato at mga perlas, na sa kaniyang kamay ay may isang sarong ginto na puno ng mga kasuklasuklam, at ng mga bagay na marurumi ng kaniyang pakikiapid.
Sa pamamagitan ng pariralang, “nararamtan ang babae ng kulay-ube at ng pula, at nahihiyasan ng ginto at ng mga mahalagang bato at mga perlas,” sinasabi ng salaysay sa atin na ang mga makamundong relihiyon, pamamaraan ni Anticristo, ay kinikilala siya bilang kanilang hari. Sa gayon, kanilang ituturing na nararapat lang sa lahat ng mga sumasalungat sa kanya na pagpapatayin, at sa katotohana’y isasakatuparan ang kanilang mga kaisipan sa pamamagitan nitong mga gawaing laban sa mga hinirang.
At upang palamutihan itong mundo bilang isang walang-hanggang kaharian ng kasiyahan, pagagandahin nila ang kanilang mga sarili sa pamamagitan ng mga ginto, mahahalagang bato at mga perlas ng mundo. Nguni’t ang kanilang pananalig ay lubos na interesado lamang kung ilang kasiyahan ng laman ang tataglayin nila habang narito sa lupa. Dahil kapag tumingin ang Diyos sa tao, makikita Niya ang isang mundo puno ng kanilang karumihan ng kasalanan, silang lahat ay lilitaw bilang mga kasuklam-suklam sa harapan Niya.
 
Talatang 5: At sa kaniyang noo ay nakasulat ang isang pangalan: HIWAGA, DAKILANG BABILONIA, INA NG MGA PATUTOT AT NG MGA KASUKLAMSUKLAM SA LUPA. 
Bagaman ang mga relihiyosong tao sa mundo ay sinisikap na pagandahin ang kanilang mga sarili bilang isang reyna, sa katotohanan sila’y mahahayag bilang isang patotot. Sa kabilang dako, ang kanyang pangalang, “Dakilang Babilonia,” ating makikita ang kapalaluan, pagsamba sa diyos-diyosan at pagsisiil na ugali ng patotot, habang ang salitang “ina,” ay pinakikita sa atin na lahat ng mga puwersa ng Anticristo sa kasaysayan ay nagmula sa salita mismo, at ang salita ay ang ugat ng lahat ng uri ng pagsamba sa diyos-diyosan at kasamaan.
Bagaman itong mundo’y pinalamutihan ng mga kumikislap at magagandang mga alahas, ang Anticristo na salungat sa Diyos ay kumikilos sa mga puso nitong mga tao at kikilos bilang kanilang ina. Sa gayon, pinasiya ng ating Panginoon na wasakin silang lahat sa pamamagitan ng Kanyang mga salot ng pitong mangkok.
 
Talatang 6: At nakita ko ang babae na lasing sa dugo ng mga banal, at sa dugo ng mga martir ni Jesus. At nang aking makita siya ay nanggilalas ako ng malaking panggigilalas.
Ang mga “hinirang” ay tumutukoy sa tao sa buong kasaysayan ng Iglesia na nanalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritung bigay ni Jesu-Cristo. Ang pariralang “mga martir ni Jesus” ay tumutukoy sa mga hinirang na nagpatotoo sa katotohanang si Jesus ay ang Anak ng Diyos at kanilang Tagapagligtas, at lalo na sa pagiging martir dahil sa pagtatanggol sa kanilang pananampalataya. 
Sa talatang ito ay idinidiin na ang nag-usig at pumaslang sa mga hinirang ay walang iba kundi ang mga relihiyosong tao nitong mundo. Gagawin nila ang mga kasamaang ito bilang pamunuan ng puwersa ng Anticristo.
Sinasabi ni Juan dito na nang kanyang makita ang babae, siya’y “nanggilalas ako ng malaking panggigilalas.” Itong mundo nga’y isang nakauusisang mundo. Walang ginawa ang mga hinirang upang saktan ito, gayunman itong mundo sa pamamaraan ng Anticristo ay pinapaslang ang maraming mga hinirang. Paano masasabing itong mundo’y hindi kamangha-mangha? Itong mga bagay ay tiyak na darating upang magtiis ang mga hinirang dahil sa mga tao nitong sanlibutan. Dahil ang mundong ito ay nasa ilalim ng pamamahala ng Anticristo, kanyang mga tao, bilang kanyang mga alipin, dadakpin ang mga hinirang at pagpapatayin sila.
Sila samakatuwid ay talagang magiging mga dayuhan sa atin. Kapag ating titignan ang mga makamundong tao, sa katunayan hindi ba sila nagmumukhang mga estranghero sa atin? Kapag ang mga tao ay likha sa anyo ng Diyos, paano sila magiging mga alipin ng Anticristo at papatayin ang tao—hindi lamang kung sinong tao, kundi ang di-mabilang na mga taong nananalig sa Diyos? Dahil itong mundo ay alipin ni Satanas.
 
Talatang 7: At sinabi sa akin ng anghel, ‘Bakit ka nanggilalas? Sasabihin ko sa iyo ang hiwaga ng babae, at ng hayop na sinasakyan niya, na may pitong ulo at sangpung sungay.’
Ang “babae” rito ay tumutukoy sa mga tao dito sa mundo. Itong talata’y sinasabi sa atin na ang Halimaw, tinatawag na Anticristo, ay mamamahala sa lahat ng mga hari ng mundo at ng mga bansa, at sa pamamagitan nila magagawa niyang makipaglaban sa Diyos, uusigin ang mga hinirang, at pagpapatayin sila. Ang “hiwaga ng hayop” ay tumutukoy sa pagkakakilanlan ng Anticristo, kumikilos sa utos ng Satanas. At magiging kanya ang mga bansa nitong sanlibutan.
Ang mga tao dito sa lupa, kasama ang Anticristo, magiging mga instrumento ni Satanas sa pagpaslang sa maraming bilang ng mga bayan ng Panginoon. Itong mundo at ang Anticristo ay mga instrumento ni Satanas, sa ngayon nakatago mula sa kanilang mga mata. Nguni’t sa pagdaan ng unang tatlo at kalahating taon ng Matinding Kapighatian, sila’y aahon at papatayin ang mga hinirang.
Maaaring magtaka ang sinuman kung paano ito mangyayari, gayong itong maraming mga tapat, marunong, at matalinong tao, mula sa mga politiko hanggang sa mga edukado hanggang sa mga pilosopo at mga Phd. Nguni’t dahil ang mundo’y makikisabwatan sa Anticristo, lahat ng mga ito, kasama na ang pagpaslang sa maraming mga hinirang, ay maisasagawa. Sa gayon, itong mundo’y susuko sa Anticristo at papatayin ang mga hinirang ito ang susi ng paglutas ng hiwaga ng Anticristo.
 
Talatang 8: At ang hayop na nakita mo ay naging siya, at wala na, at malapit ng umahon sa kalaliman, at patungo sa kapahamakan. At silang mga nananahan sa lupa ay manggigilalas na ang kanilang pangalan ay hindi nakasulat sa aklat ng buhay mula nang itatag ang sanglibutan, pagkakita nila sa hayop, kung paano naging siya at wala na, at darating.
Sinasabi ng talata sa atin na ang Anticristo ay magmumula sa mga hari ng mga lumang panahon, at bagaman wala pa siya sa mundong ito, siya’y lilitaw sa hinaharap. Sinasabi sa atin na ang tao ay mamanghang lubos kapag kanilang makita ang Anticristo na lumilitaw at papatayin ang mga hinirang.
Isasakatuparan ng Anticristo ang kanyang mga layunin sa pamamagitan ng paglahok sa mga bagong politiko nitong mundo. Siya’y patuloy na mananatiling mahiwaga sa tao at gayunma’y mapapansin ng madla bilang isang kamangha-mangha. Dahil kanyang malulutas lahat ng pampulitika, pang-ekonomiya, ideolohiya, at pang-relihiyong mga suliranin sa pamamagitan ng kanyang karunungan, maraming tao ang mag-aakala sa kanya at susundin siya bilang si Jesu-Cristo na paparitong muli sa mga huling araw. Siya sa gayo’y mananatili bilang kamangha-mangha sa mga mata ng tao ng sanlibutan. 
 
Talatang 9: Narito ang pagiisip na may karunungan. Ang pitong ulo ay pitong bundok ng kinauupuan ng babae.
Sinasabi ng talata sa atin na ang Anticristo’y magtatatag ng kanyang sariling mga kautusan upang mamahala sa tao at gawin itong mga kautusan sa kanyang pamahalaan upang maisakatuparan ang kanyang mga layon. Ang dahilan bakit ang tao ay magsasama-sama upang magpasa-ilalim sa pamamahala ni Satanas sa pamamagitan ng pagtanggap ng marka ng Anticristo, at makipaglaban sa Diyos at sa Kanyang mga hinirang, magtitiwala sa kapangyarihan ng mga utos ng Anticristo.
 
Talatang 10: At sila’y pitong hari, ang lima ay nanga buwal, ang isa’y narito, ang isa ay hindi pa dumarating, at pagdating niya ay dapat magtagal na sangdaliang panahon.
Itong talata’y sinasabi sa atin na ang mga haring lalaban sa Diyos ay patuloy na lilitaw dito sa mundo, tulad ng mga hari noon. Sa pagdating ng oras ng huling Matinding Kapighatian, isang pinuno nitong mundo ay aahon bilang Anticristo at papatayin ang mga hinirang. Nguni’t ang pag-uusig nitong pinuno, na siyang Anticristo, ay tatagal lamang ng ilang sandali na pinahintulot ng Diyos.
 
Talatang 11: At ang hayop na naging siya, at wala na, ay siya ring ikawalo at siya’y sa pito at siya’y patungo sa kapahamakan.
Sinasabi sa atin na ang Anticristo’y paparito sa mundo ay lilitaw bilang huling mga hari ng sanlibutan. Kapag ang Anticristo’y lumitaw mula sa mga hari ng sanlibutan, maraming tao ang susunod sa kanya, tulad ng nararapat, yamang nakamit ang espiritu ng Dragon, gagamitin ang kapangyarihan tulad ng Diyos at gagawa ng mga tanda at mga himala. Ang mga lingkod ng Diyos at mga hinirang ay papatayin din ng Anticristo, nguni’t lahat nito ay magtatagal lamang ng isang sandali sa pahintulot ng Diyos. Matapos makalipas ang gayong mga bagay, ang Anticristo’y gagapusin sa balon ng kalaliman, at pagkatapos ay itatapon sa nag-aapoy na impiyerno, at hindi na muling pakakawalan.
 
Talatang 12: At ang sangpung sungay na iyong nakita ay sangpung hari, na hindi pa nagsisitanggap ng kaharian, datapuwa’t magsisitanggap sila ng kapamahalaang paghahari na isang oras na kasama ang hayop.
Sinasabi ng talata sa atin na ang sampung bansa ay magsasama-sama ang kanilang kapangyarihan upang mamahala sa buong mundo. Itong sampung bansa, yamang nagkaisa, gagamitin ang kanilang kapangyarihan sa mundo kasama ang Anticristo ng ilang sandali. Nguni’t sinasabi rin sa atin na itong mga hari ay hindi pa nakakamtan ang kahariang pinamamahalaan ng Anticristo. Sa nalalapit na bukas, gayunman, itong mga hari ay maghaharing kasama ang Halimaw bilang mga hari ng kadiliman ng ilang sandali. Nguni’t ang kanilang pamamahala’y maikli lamang, at sa gayon, sila’y mamamahala sa kaharian ng kadiliman ng ilang sandali lamang.
 
Talatang 13: Ang mga ito ay may isang kaisipan, at ibinibigay nila ang kanilang kapangyarihan at kapamahalaan sa hayop. 
Kapag dumating ang panahon, ang mga hari nitong mundo ay ililipat ang kanilang kapangyarihan at kapamahalaan kay Anticristo. Sa oras na ito, ang Iglesia ng Diyos, mga hinirang, at Kanyang mga lingkod ay lubos na uusigin ng Anticristo at papatayin. Nguni’t ang Anticristo mismo ay madudurog sa pamamagitan ng kapangyarihan at pamamahala ni Jesu-Cristo at ang tabak ng Salita ng Kanyang bibig.
 
Talatang 14: Makikipagbaka ang mga ito laban sa Cordero, at sila’y dadaigin ng Cordero, sapagka’t siya’y Panginoon ng mga Panginoon at Hari ng mga hari, at ng mga kasama niya, na mga tinawag at mga pili at mga tapat ay nananaig din.
Bagaman si Satanas ay hanap ang makipaglaban kay Jesu-Cristo, hindi siya papantay sa Kanya. Ang mga hinirang din, ay magtatagumpay sa kanya sa kanilang pakikibaka laban sa kanya. Bibigyan ng Panginoon ang mga hinirang ng lakas na makipaglaban at magtagumpay sa Anticristo sa pamamagitan ng kanilang pananampalataya. Sa gayon, ang mga hinirang ay di-matatakot sa kanilang pakikibaka laban sa Anticristo, nguni’t mamumuhay sila sa mga huling araw sa kapayapaan at katahimikan dahil sa pananalig sa kanilang Panginoong Diyos. Sila kung gayon ay magtatagumpay sa kanilang mga kaaway sa pamamagitan ng kanilang pananampalataya sa Panginoon.
Itong tagumpay ng mga hinirang ay nangangahulugan na kanilang ipagtatanggol ang kanilang pananalig at maging martir. Kapag dumating itong panahon, ang mga hinirang ay magtatagumpay kay Satanas at ang Anticristo’y yayakap sa kanilang pagmamartir sa pamamagitan ng kanilang pananalig kay Jesu-Cristo at kanilang pag-asam sa Kaharian ng Langit, lalahok sa kanilang pagkabuhay na muli at rapture, kakamtan ang bagong Kaharian ni Cristo, at mula noon mamumuhay magpakailan man sa katagumpayan.
 
Talatang 15: At sinabi niya sa akin, ‘Ang tubig na iyong nakita, na kinauupuan ng patutot, ay mga bayan, at mga karamihan, at mga bansa, at mga wika.’
Ang mga makamundong relihiyon ay nilinlang at naghari sa lahat ng mga bansa sa pamamagitan ng mga aral ni Satanas. Itong talata’y sinasabi sa atin na ang mga aral ni Satanas na kumikilos sa gitna ng mga makamundong relihiyon ay tumagos sa lahat ng mga bansa at mga dila ng mundo, at ang kanilang impluwensiya’y narating ng gayong lubos upang maghatid ng kapahamakan sa mga kaluluwa ng tao.
 
Talatang 16: At ang sangpung sungay na iyong nakita, at ang hayop, ay siyang nangapopoot sa patutot, at siya’y pababayaan at huhubaran, at kakanin ang kaniyang laman, at siya’y lubos na susupukin ng apoy.
Itong talata’y sinasabi sa atin na ang mga bansa ay sasama sa Anticristo upang patayin at wasakin ang mga relihiyosong tao. Sinasabi sa atin, sa ibang salita, na ang tao dito sa lupa at ang Anticristo’y kamumuhian at aabusuhin ang relihiyosong tao, at pupuksain lahat ng mga relihiyon dito sa lupa. Bagaman ang mga tao ng pandaigdigang mga relihiyon ay pinatay noon ang mga hinirang dahil sa tulong ng Anticristo, sila mismo ngayon ay wawasakin ni Satanas at ang makamundong tao. Si Satanas, sa huli, ay ginamit lamang ang mga relihiyon ng mundo upang gawing diyos ang kanyang sarili.
 
Talatang 17: Sapagka’t inilagay ng Dios sa kanilang mga puso na gawin ang kaniyang kaisipan, at mangagkaisa ng kaisipan, at ibinigay ang kanilang kaharian sa hayop, hanggang sa maganap ang mga salita ng Dios.
Sinasabi nito sa atin na ang tao dito sa lupa’y ibibigay ang kanilang kaharian at kapangyarihan kay Satanas. Sa gayon, sila’y magiging mga alipin ni Anticristo nang kusang-loob nilang tinanggap ang kanyang marka, nagmalaki bilang kanyang mga alipin, at pinatay din ang mga tumanggi sa kanyang tatak. Gayun pa man, ang kanilang pag-uusig sa mga hinirang ay papayagan lamang sa buong panahon na itutulot ng Salita ng Diyos. Sa loob ng panahong ito, ang Anticristo’y ibubuhos lahat ng kasamaan ng kanyang puso at malayang makikipaglaban sa Diyos at sa Kanyang mga hinirang.
 
Talatang 18: At ang babae na iyong nakita ay ang dakilang bayan, na naghahari sa mga hari at lupa.
Sinasabi ng Diyos sa atin na itong mundo’y magtatatag ng bagong pangkat na mga kautusan upang maghari at mamahala sa mga hari, at ang mga hari ng mundo’y mamamahala sa hangganan nitong mga bagong kautusan. Ang sukdulang kapangyarihan nitong mundo ay mamamahala sa lahat ng mga hari, na parang isang tao mismo. Ang sanlibutan, sa ibang pananalita, ay lilikha ng mga kautusan na gagapos sa lahat ng mga hari, at magiging tulad ng Diyos na maghahari sa kanila.
Ang “dakilang bayan” ay tumutukoy sa pagtatag ng pampulitiko kung saan ang Anticristo’y maghahari. Bawa’t isa sa mundo’y mahahantong na maglilingkod sa pamamahala ng mundo, na binigay ng Diyos sa kanila, animo’y Diyos mismo, at pamamahalaan nito. Dahil ang tao’y naging mga lingkod ni Satanas, sila nga’y mawawasak.
Sa Awit 49:20 ay sinasabi sa atin, “Taong nasa karangalan, at hindi nakakaunawa, ay gaya ng mga hayop na namamatay.” Sa gayon, ang tao dito sa mundo ay dapat munang malaman kung ano ang pamamaraan ni Satanas, manalig ngayon sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritung pinangaral ng mga hinirang sa panahong ito, at dahil dito’y makatatakas mula sa sumpa ng pagiging mga lingkod ni Satanas at mamuhay na bihis ang pagpapala ng walang-hanggang Kaharian ng Diyos bilang Kanyang bayan.