(Apocalipsis 17:1-8)
Sa Apocalipsis 17:1-5 ay sinasabi, “At dumating ang isa sa pitong anghel na may pitong mangkok, at nagsalita sa akin, na nagsasabi, ‘Pumarito ka, ipakikita ko sa iyo ang hatol sa bantog na patutot na nakaupo sa maraming tubig. Na siyang pinakiapiran ng mga hari sa lupa, at ang mga nananahan sa lupa ay nalasing sa alak ng kaniyang pakikiapid.’ At ako’y kaniyang dinalang nasa Espiritu sa isang ilang, at nakita ko ang isang babae na nakasakay sa isang hayop na pula, na puno ng mga pangalang pamumusong, na may pitong ulo at sangpung sungay. At nararamtan ang babae ng kulay-ube at ng pula, at nahihiyasan ng ginto at ng mga mahalagang bato at mga perlas, na sa kaniyang kamay ay may isang sarong ginto na puno ng mga kasuklasuklam, at ng mga bagay na marurumi ng kaniyang pakikiapid. At sa kaniyang noo ay nakasulat ang isang pangalan:
HIWAGA, DAKILANG BABILONIA, INA NG MGA PATUTOT AT NG MGA KASUKLAMSUKLAM SA LUPA.”
Ang patotot sa salaysay ay tumutukoy sa relihiyoso nitong mundo, at sinasabi rin sa atin na sila’y nagpakalayaw sa labis na mga luho sa pamamagitan ng mga bagay nitong mundo at sa materyal na kasaganaang bigay ng Panginoon. Binihisan nila ang kanilang mga sarili sa lahat ng uri ng mga luho, ng mga kwintas na ginto at mga hikaw na diamante, at naglagay ng lahat ng uri ng bibingang langis. Sinasabi ng salaysay sa atin na sa kanyang kamay ay ang isang gintong tasa, at ito’y puno ng mga kasuklam-suklam at mga karumihan ng kanyang pakikiapid. Ito ang pinakita ng Diyos kay Juan.
Sa salaysay na ito ay sinabi sa atin na si Satanas ay nagplano sa mga kaluluwa at naghanap upang sila’y mapasuko niya sa pamamagitan ng pag-inom ng mga bagay ng mundo. Lahat din ng mga hari sa mundo, ay pinainom ang mga bagay ng mundo kay Satanas. Sa gayon, bawa’t isa dito sa lupa ay uminom ng alak ng pakikiapid ng sanlibutan.
Nakamit ni Satanas ang kanyang mga layon nang ang tao’y lasing sa agos nitong mundo, kanyang mga layaw, at sakim sa materyal. Ang katotohanan ay ang kanyang layon ay upang pigilin ang tao sa pagtingin sa Diyos. Upang magkagayon, pinainom ni Satanas ang kanilang mga kaluluwa ng mga materyal na bagay ng mundo. Dapat nating malaman ang katotohanang ito.
Wala ni isa sa mundong ito ang di-mahuhulog sa patibong ng materyal. Lahat ay mahuhulog sa pagiging materyalismo. Ang sunod sa moda nitong mundo lahat ay hawak at sinisumulan ni Satanas. Lahat ay inaakala na siya’y may natatanging estilo. Nguni’t sa likod nito ay ang impluwensiya, at itong impluwensiya ay walang iba kundi si Satanas. Itong dahilan bakit hindi tayo dapat magbabad sa materyalismo, sa halip ay mamuhay na umiimom sa Kanyang Salita at ginagawa ang mga gawain ng Diyos.
Ang Salita ng Apocalipsis na hinayag ng Diyos sa atin sa pamamagitan ni Apostol Juan ay ang katotohanan. Ano kung gayon, ang sinasabi ng Diyos sa atin sa pamamagitan nitong Salita? Sinasabi ng Panginoon sa atin na hindi natin dapat ibabad ang ating mga sarili dito sa lupa, nguni’t sa halip ay lumaban dito. Kanyang sinasabi sa atin, na mga hinirang, na isipin at manalig sa Diyos sa pamamagitan ng ating mga puso.
Sa 1 Juan 2:15 ay sinasabi, “Huwag ninyong ibigin ang sanglibutan, ni ang mga bagay na nasa sanglibuta. Kung ang sinoman ay umiibig sa sanglibutan ay wala sa kaniya ang pagibig ng Ama.” Kapag iniibig ng ating puso ang mga materyal na bagay ng mundo, ang Diyos ay di-maaaring manahan sa ating mga puso. Nguni’t kung itatapon ng ating mga puso ang mga bagay ng mundo, ang Diyos sa gayo’y mananahan sa ating mga puso. Hindi tayo dapat mamuhay na babad sa mga materyal na bagay. Tayo’y aakayin ng Kanyang patnubay kung tayo’y magninilay sa Salita ng ating Panginoon at Kanyang mga layunin.
Anuman ay mababago natin sa ating isipan. Kapag ang mga bagay ng mundo’y tangkaing pumasok sa ating mga puso, kailangan nating tanggihan ang mga ito. Atin ngayong maitataboy lahat ng mga maruruming bagay ng sanlibutan mula sa ating mga puso, at ang ating mga puso di-maglaon ay matutunaw sa sariling puso ng Panginoon. Ano ang nais ng Panginoon mula sa atin? At ano ang Kanyang sinabi na gawin natin? Upang tiyakin na ang gayong mga banal na kaisipan ay sisibol sa ating mga puso, dapat nating burahin ang mga makamundong bagay sa ating mga puso.
Binigay ng Diyos sa atin ang maraming mga pagpapala, at batid natin ngayon na dapat nating ipangaral ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu sa tao sa buong mundo para sa ating nalalabing araw. Tayo samakatuwid ay dapat maging handa, at iukol ang ating pansin sa Kanyang kalooban. Sa pamamagitan ng pag-iisip ng mga espirituwal na gawain, maitataboy natin ang mga bagay ng mundo na masusumpungan sa ating mga puso.
Tayong mga hinirang ay dapat itaboy ang mga bagay ng sanlibutan. Hanggang sa pagdating muli ng Panginoon, tayo’y dapat na mamuhay sa Kristiyanong pamumuhay sa pamamagitan ng pananampalataya. Para sa mga nalalabi ng ating buhay, dapat nating gawin ang ipinagkatiwala ng Panginoon sa atin hanggang tayo’y humarap sa Kanya. At dapat nating ibigin ang Panginoon, at mamuhay sa pamamagitan ng pananampalataya, ginagawa anumang bagay na Kanyang pinahintulot sa atin na gawin.