• All e-books and audiobooks on The New Life Mission website are free
  • Explore multilingual sermons in global languages
  • Two new revised editions in English have been released
  • Check out our website translated into 27 languages
Search

Sermons

Paksa 10: Ang Pahayag (Mga Komento sa Pahayag)

[Kabanata 18-1] Ang Mundo ng Babilonia ay Gumuho (Apocalipsis 18:1-24)

(Apocalipsis 18:1-24)
“Pagkatapos ng mga bagay na ito ay nakita ko ang ibang anghel na nananaog mula sa langit, na may dakilang kapamahalaan, at ang lupa ay naliwanagan ng kaniyang kaluwalhatian. At siya’y sumigaw ng malakas na tinig, na nagsasabi, ‘Naguho, naguho ang dakilang Babilonia, at naging tahanan ng mga demonio, at kulungan ng bawa’t espiritung karumaldumal, at kulungan ng bawa’t karumaldumal at kasuklamsuklam na mga ibon. Sapagka’t dahil sa alak ng galit ng kanyang pakikiapid ay nangaguho ang lahat ng mga bansa, at ang mga hari sa lupa ay nangakiapid sa kaniya, at ang mga mangangalakal sa lupa ay nagsiyaman dahil sa kapangyarihan ng kaniyang kalayawan.’ At narinig ko ang ibang tinig na mula sa langit, na nagsasabi, ‘Mangagsilabas kayo sa kaniya, bayan ko, upang huwag kayong mangaramay sa kaniyang mga kasalanan, at huwag kayong magsitanggap ng kaniyang mga salot. Sapagka’t ang kaniyang mga kasalanan ay umaabot hanggang sa langit at naalaala ng Dios ang kaniyang mga katampalasanan. Ibigay din ninyo ang ayon sa ibinigay niya sa inyo, at ibayuhin ninyo ng ibayo sa kaniyang mga gawa, sa sarong kaniyang pinaghaluan ay ipaghalo ninyo siya ng ibayo. Kung gaano ang pagkakapagmapuri, at pagkapamuhay na malayaw, ay gayon din naman ang ibigay ninyo sa kaniyang pahirap at pagluluksa, sapagka’t sinasabi niya sa kaniyang puso, ‘Ako’y nakaupong reina, at hindi ako bao, at hindi ko makikita kailan man ang pagluluksa.’ Kaya’t darating sa isang araw ang mga salot sa kaniya, kamatayan at pagluluksa, at gutom, at siya’y lubos na susunugin sa apoy, sapagka’t malakas ang Panginoong Dios na humatol sa kaniya. At ang mga hari sa lupa, na nangakiapid at nangabuhay na malayaw na kasama niya, ay mangagsisiiyak at mangagsisitaghoy tungkol sa kaniya, pagkakita nila ng usok ng kaniyang pagkasunog. At nangakatayo sa malayo dahil sa takot sa pahirap sa kaniya, na nangagsasabi, ‘Sa aba, sa aba ng dakilang Babilonia, ng bayang matibay! Sapagka’t sa isang oras ay dumating ang hatol sa iyo.’ At ang mga mangangalakal sa lupa ay mangagsisiiyak at mangagluluksa tungkol sa kaniya, sapagka’t walang bibili pa ng kaniyang kalakal. Ng kalakal na ginto at pilak, at mahalagang bato, at mga perlas, at mainam na lino, at kayong kulay ube, at sutla, at kayong pula, at sarisaring mababangong kahoy, at bawa’t kasangkapang garing, at bawa’t kasangkapang mahalagang kahoy, at tanso, at bakal, at marmol. At kanela, at especias, at incienso, at ungguento, at kamangyan, at alak, at langis, at mainam na harina, at trigot at mga baka, at mga tupa, at kalakal na mga kabayo at mga karo, at mga alipin, at mga kaluluwa ng mga tao. At ang mga bungang pinipita mo ay nangapalayo sa iyo, at lahat ng mga bagay na maiinam at mariringal ay nangalipol sa iyo, at hindi na mangasusumpungan pa. Ang mga mangangalakal ng mga bagay na ito, na nangasiyaman dahil sa kaniya, ay mangagsisitayo sa malayo dahil sa takot sa pahirap sa kaniya, na nagsisiiyak at nagsisipagluksa. Na nangasasabi, ‘Sa aba, sa aba, niyaong dakilang bayan, siya na nararamtan ng mahalagang lino at ng kayong kulay ube, at pula, at napapalamutihan ng ginto at ng mahalagang bato at ng perlas!’ Sapagka’t sa loob ng isang oras ay nalipol ang gayong malaking kayamanan. At bawa’t pinunong daong, at bawa’t naglalayag saan mang dako, at ang mga mangdaragat, at lahat ng nagsisipaghanap-buhay sa dagat, ay nangakatayo sa malayo. At nangagsisisigaw pagkakita sa usok ng kaniyang pagkasunog, na nangagsasabi, ‘Anong bayan ang katulad ng dakilang bayan?’ At sila’y nangabubuhos ng alabok sa kanilang mga ulo, at nagsisigawan, na naiiyakan at nagtataghuyan, na nangagsasabi, ‘Sa aba, sa aba, ang dakilang bayan, na siyang iniyaman ng lahat na may mga daong sa dagat dahil sa kaniyang mga kayamanan! Sapagka’t sa loob ng isang oras ay nalipol.’ Magalak ka tungkol sa kaniya, ‘Oh langit, at kayong mga banal, at kayong mga apostol, at kayong mga propeta, sapagka’t inihatol ng Dios ang inyong hatol sa kaniya.’ At dinampot ng isang anghel na malakas ang isang bato, na gaya ng isang malaking gilingang bato, at inihagis sa dagat, na sinasabi, ‘Gayon sa isang kakilakilabot na pagkahulog, igigiba ang Babilonia, ang dakilang bayan, at hindi na masusumpungan pa.’ At ang tinig ng mga manunugtog ng alpa, at ng mga musiko at ng mga manunugtog ng plauta, at ng mga manunugtog ng pakakak ay hindi na maririnig pa sa iyo, at wala nang manggagawa ng anomang gawa ay masusumpungan pa sa iyo, at ang ugong ng gilingan ay hindi na marinig pa sa iyo. At ang ilaw ng ilawan ay hindi na liliwanag pa sa iyo, at ang tinig ng kasintahang lalake at ng kasintahang babae ay hindi na maririnig pa sa iyo, sapagka’t ang mga mangangalakal mo ay naging mga pangulo sa lupa, sapagka’t dinaya ng iyong panggagaway ang lahat ng bansa. At nasumpungan sa kaniya ang dugo ng mga propeta, at ng mga banal, at ng lahat ng mga pinatay sa lupa.’”
 
 
Masusing Kapaliwanagan ng Kasulatan
 
Talatang 1: Pagkatapos ng mga bagay na ito ay nakita ko ang ibang anghel na nananaog mula sa langit, na may dakilang kapamahalaan, at ang lupa ay naliwanagan ng kaniyang kaluwalhatian.
Sa pamamagitan ng mga lingkod na sinugo ng Diyos dito sa lupa upang gawin ang Kanyang mga gawain, maririnig ng tao ang mga sermon ng mga pagpalala ng Diyos at mga sumpa. Upang mapalaya mula sa lahat ng kanilang kasalanan at kalungkutan, samakatuwid, lahat kayo ay dapat tanggapin sa inyong mga puso at manalig sa Salita ng espirituwal na mga pagpapala ng Langit na pinangaral ng mga lingkod ng Diyos.
 
Talatang 2: At siya’y sumigaw ng malakas na tinig, na nagsasabi, “Naguho, naguho ang dakilang Babilonia, at naging tahanan ng mga demonio, at kulungan ng bawa’t espiritung karumaldumal, at kulungan ng bawa’t karumaldumal at kasuklamsuklam na mga ibon!”
Sa pariralang “naguho ang dakilang Babilonia,” ang salitang Babilonia ay ginamit sa Biblia upang tukuyin ang sanlibutan. Sa Lumang Tipan, halimbawa, makikita natin sa kwento ng Tore ni Babel, isang toreng nilikha ng sangkatauhan na ang hanap ay sumuway sa Diyos sa pamamagitan ng sama-samang paglikom ng kanilang mga lakas, na binagsak ng Diyos dahil dito. Nang sinabi ng salaysay na ang dakilang Babilonia’y naguho, sinasabi sa atin na itong mundo’y maguguho. May mga taong nag-iisip, “Itong mundo ay nakatayo ngayon, kaya paano ito maguguho?” nguni’t sinasabi ng Diyos sa atin na kapag ang mga salot ng pitong mangkok ay sunod-sunod na ibuhos, Kanyang wawasakin itong mundo tulad ng Kanyang pagguho sa Tore ng Babel.
Ano kung gayon, ang dahilan bakit itong mundo’y wawasakin ng Diyos sa pamamagitan ng mga salot? Ito’y dahil ang tao dito sa lupa ay mag-iisa kasama si Anticristo sa pagpuksa sa mga isinilang na muling mga hinirang na nanalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, at dahil sila’y lalaban sa Diyos hanggang sa kanilang hangganan. Ito’y dahil itong mundo rin ay magiging “isang tirahan ng mga demonyo.”
Bakit ito ang mangyayari? Bakit itong mundo’y magiging tirahan ng mga demonyo? Ito’y dahil kapag dumating ang mga huling araw, maraming tao ang susuko sa Anticristo at magiging lingkod nitong kasamaan sa pamamagitan ng pagtanggap ng marka ni Satanas mula sa kanya.
Sa Kasulatan, ang Dragon ay ginamit kay Satanas, at ang mga demonyo sa mga lingkod ng Dragon. Kung gayon, nang sinabi rito na ang mundo’y naging tirahan ng mga demonyo, ibig sabihin na ang Anticristo, isang alipin ng Dragon, ay lubos na maninirahan sa mundo. Ang mundo sa mga huling araw ay haharap sa panahon ng lubos na pighati kapag ang mga salot ng pitong mangkok ay nabuhos. Itong mundo’y magiging mundo ng Dragon, at ang mga demonyo’y laganap na magtatakbuhan na parang pag-aari nila ang buong mundo. Ang itong mundo’y mabilis na maguguho, babagsak dulot ng mga huling salot ng pitong mangkok na binuhos ng Diyos.
 
Talatang 3: Sapagka’t dahil sa alak ng galit ng kanyang pakikiapid ay nangaguho ang lahat ng mga bansa, at ang mga hari sa lupa ay nangakiapid sa kaniya, at ang mga mangangalakal sa lupa ay nagsiyaman dahil sa kapangyarihan ng kaniyang kalayawan.
Tulad ng literal na sinasabi ng talatang ito, “lahat ng mga bansa” sa lupa’y uminom ng alak ng galit ng pakikiapid ang mundo. Sa ibang salita, ang tao dito sa lupa ay inakala itong mundo bilang diyos, sa gayo’y nanalig at sumunod. Higit nilang inibig ang mundo kaysa sa Diyos. Itong mundo’y naging pinagmumulan ng kasalanan, at ang mga tao’y namuhay na lasing sa kasalanan.
Samakatuwid, ang bunga ay ang pagguho ng mundo na binagsak ng kasalanan. Dahil inibig at sinunod ng tao ang mundo na parang Diyos, Kanyang wawasakin sila sa pamamagitan ng Kanyang parusa ng mga salot ng pitong mangkok. Ang lahat ng namumuhary dito sa lupa ay lubos na wawasakin nitong pitong mga malalaking salot na hatid ng Diyos at ibubulid sa impiyerno.
Nagbigay ang Diyos sa atin ng Kanyang malinaw na babala sa lahat ng di-nanalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu na ngayon ay mahaharap sa mga salot ng pitong mangkok sa huli. Dapat mong tandaan na kung ika’y di-mananalig sa ebanghelyong ito at patuloy na lumaban sa Diyos sa kabila ng Kanyang babala, hindi ka lamang parurusahan ng mga salot ng pitong mangkok, nguni’t iyo ring matatamo ang walang-hanggang parusa ng impiyerno.
Dapat mabatid ng tao, samakatuwid, na kailangan nilang manalig ngayon sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, upang makatakas sa malalaki at nakatatakot na mga salot ng Diyos, at dapat silang manumbalik agad sa pananalig sa tunay na ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu.
Bagaman maraming mga hari at mga mangangalakal ng mundo’y nag-ipon ng dakilang kayamanan sa pamamagitan ng materyal na kasaganaan, silang lahat ay tatangis, mamimighati, magluluksa at mananaghoy kapag nakita nila itong mundo na gumuguho sanhi ng mga malalaking salot na dala ng Diyos.
Kaya, lahat tayo’y huwag dapat kalimutan na kailangan nating ipangaral ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu sa lahat, at dapat tayong mamuhay na tumitingin sa bagong milenyo. Dapat nating akayin ang lahat sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, upang lahat ng sangkatauhan ay makatakas mula sa mga malalaking salot.
 
Talatang 4: At narinig ko ang ibang tinig na mula sa langit, na nagsasabi, ‘Mangagsilabas kayo sa kaniya, bayan ko, upang huwag kayong mangaramay sa kaniyang mga kasalanan, at huwag kayong magsitanggap ng kaniyang mga salot.’
“Mangagsilabas kayo sa kaniya, bayan ko, upang huwag kayong mangaramay sa kaniyang mga kasalanan, at huwag kayong magsitanggap ng kaniyang mga salot.” Ito ang Salita ng Diyos na sinabi sa Kanyang mga lingkod. Ang mga hinirang ay hindi dapat na mapabilang sa mundo sa mga huling araw at mamuhay bilang mga alipin. Maging yaong mga naging mga hinirang na, kung sila’y mahuhulog sa mga kasalanan ng mundo sa mga huling araw, sila’y di-makaiiwas sa hatol ng Diyos sa pamamagitan ng Kanyang nakatatakot na mga salot. Sinasabi ng Diyos sa lahat ng mga hinirang, sa ibang pananalita, na huwag tipunin ang Kanyang galit sa pagiging mga alipin ng sanlibutan.
 
Talatang 5: Sapagka’t ang kaniyang mga kasalanan ay umaabot hanggang sa langit at naalaala ng Dios ang kaniyang mga katampalasanan.
Sadyang naaalala ng Diyos ang lahat ng mga kasalanan at mga gawa nitong mundo at naghihintay lamang sa araw ng paghuhukom. Sa biglaang paglitaw ng Anticristo, di-maglaon ang pagguho’y magtatakip sa buong mundo tulad ng nilayon ng Diyos. Gayunman marami pa ring tao ang naniniwala na itong mundo’y di-mawawasak, bagkus ito’y tatagal magpakailan man.
Itong mundo ay hindi magtatagal tulad ng akala ng iba, nguni’t biglang mawawasak sa mga salot ng pitong trumpeta at ng pitong mangkok na hatid ng Diyos. Kapag dumating ang mga huling araw, magdadala ang Diyos ng mga kapighatian sa lahat ng dako ng mundo at wawasakin ito. Tayo’y dapat na maging masipag sa ating buhay pananalig hanggang wakas, matimtimang nakakapit sa ating pananampalataya na ang Kaharian ni Jesu-Cristo ay tiyak na darating.
Bago utusan ng Diyos ang Kanyang mga anghel upang ibuhos ang pitong mangkok dito sa lupa, ang mga kasalanan ng mundo ay magiging kalat at lubos na laganap kaysa nararapat na kamtan ang hatol ng Diyos. Samakatuwid maaalala ng Diyos ang kanyang mga kasalanan, at hindi na pipigilin ang pagwasak nito. Dagdad nito, ang Anticristo at ang makamundong tao ay uusigin ang bayan ng Diyos, pipilitin ang mga hinirang na itakwil ang kanilang pananampalataya, at papatayin sila. Kapag nangyari ang mga ito, itong mundo’y mahaharap sa mga salot ng pitong mangkok.
 
Talatang 6: Ibigay din ninyo ang ayon sa ibinigay niya sa inyo, at ibayuhin ninyo ng ibayo sa kaniyang mga gawa, sa sarong kaniyang pinaghaluan ay ipaghalo ninyo siya ng ibayo.
Nasusulat rito, “Ibigay din ninyo ang ayon sa ibinigay niya sa inyo.” Sino ang tinutukoy na “siya” dito? Ito’y tumutukoy dito sa lupa, sa mga makasalanang nabubuhay dito, ang Anticristo, at si Satanas. Sinasabi sa atin na sisingilin sila ng Diyos dahil sila’y naghatid ng pag-uusig, kahirapan, pighati at kamatayan sa mga hinirang.
Sinasabi rin ng talatang, “sa sarong kaniyang pinaghaluan ay ipaghalo ninyo siya ng ibayo.” Ito ang utos na binigay ng Diyos sa Kanyang mga anghel upang parusahan lahat ng mga huwad na relihiyon ng mundo na nag-akay sa tao tungo sa impiyerno dahil sa pagkakalat ng mga kasinungalingan ng Diablo. Ibig sabihin na ihahatid ng Diyos ang Kanyang galit at parusa sa Kristiyanismo ngayon dahil sa kanyang kasalanan ng pagbibigay ng mga maling aral, hinaluan ang Salita ng Diyos ng mga aral ni Satanas, at sa gayo’y inaakay ang tao sa Diablo. Samakatuwid, ang mga Kristiyanong di-nananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay makakamit ang gayon ding parusa ng kasalanan bilang mga makamundong tao.
 
Talatang 7: Kung gaano ang pagkakapagmapuri, at pagkapamuhay na malayaw, ay gayon din naman ang ibigay ninyo sa kaniyang pahirap at pagluluksa, sapagka’t sinasabi niya sa kaniyang puso, ‘Ako’y nakaupong reina, at hindi ako bao, at hindi ko makikita kailan man ang pagluluksa.’
Sinabi ng Diyos na sisingilin ang mga kasalanan nitong mga palalong tao sa pamamagitan ng mga hirap at kalungkutan. Sa lahat ng mga taong relihiyoso ng mundo na hindi isinilang na muli, at sa mga di-nanampalataya, makamundong tao, sisingilin ng Diyos ang kanilang mga kasalanan at parurusahan. 
Gayunman sila’y nanatiling palalo, sinasabi sa kanilang mga sarili, “Ako’y nakaupong reina, at hindi ako bao, at hindi ko makikita kailan man ang pagluluksa.” Ihahatid ng Diyos sa kanila ang mga salot ng kanilang kapahamakan. Sa pamamagitan nitong mga salot na dala ng Diyos, silang lahat ay maghihirap sa kalungkutan dahil sabay-sabay na mawawala sa kanila ang mga makamundong ari-arian at kanilang mga mahal sa buhay.
 
Talatang 8: Kaya’t darating sa isang araw ang mga salot sa kaniya, kamatayan at pagluluksa, at gutom, at siya’y lubos na susunugin sa apoy, sapagka’t malakas ang Panginoong Dios na humatol sa kaniya.
Sa panahon ng mga pitong salot, isang araw ang salot ng kamatayan, pagluluksa at gutom ay darating dito sa mundo. Ang Anticristo at lahat ng kanyang mga makamundong tagasunod ay mapaparusahan sa nag-aapoy na impiyerno magpakailan man.
 
Talatang 9: At ang mga hari sa lupa, na nangakiapid at nangabuhay na malayaw na kasama niya, ay mangagsisiiyak at mangagsisitaghoy tungkol sa kaniya, pagkakita nila ng usok ng kaniyang pagkasunog.
Ang mga tao at mga hari ng mundo’y masasaksihan ng kanilang mga mata ang paglamon ng apoy sa kanilang mundo at mga mapangwasak na lindol dulot ng mga salot ng pitong mangkok. Ang mga hari ay luluha at mananangis, mananaghoy sa kanilang kawalan. 
 
Talatang 10: At nangakatayo sa malayo dahil sa takot sa pahirap sa kaniya, na nangagsasabi, ‘Sa aba, sa aba ng dakilang Babilonia, ng bayang matibay! Sapagka’t sa isang oras ay dumating ang hatol sa iyo.’
Ang taong di-naniwala na itong mundo’y mawawasak ay matatakot kapag kanilang tunay na makikita na ang buong mundo’y gumuguho. Sa mundong lubos na nagniningning sa kagandahan, isang araw ang hatol ng Diyos ay bababa, at biglang mawawasakin ito.
 
Talatang 11-13: At ang mga mangangalakal sa lupa ay mangagsisiiyak at mangagluluksa tungkol sa kaniya, sapagka’t walang bibili pa ng kaniyang kalakal. Ng kalakal na ginto at pilak, at mahalagang bato, at mga perlas, at mainam na lino, at kayong kulay ube, at sutla, at kayong pula, at sarisaring mababangong kahoy, at bawa’t kasangkapang garing, at bawa’t kasangkapang mahalagang kahoy, at tanso, at bakal, at marmol. At kanela, at especias, at incienso, at ungguento, at kamangyan, at alak, at langis, at mainam na harina, at trigot at mga baka, at mga tupa, at kalakal na mga kabayo at mga karo, at mga alipin, at mga kaluluwa ng mga tao.
Sinong makabibili at makapagbibili ng anumang bagay kapag ang pagwasak nitong mundo’y malapit na? Ang mga mangangalakal din ng mundo, ay mananangis at magluluksa sa kawalan ng kanilang daigdig. Kapag binuhos ng Diyos ang mga salot ng pitong mangkok, walang sinuman ang maaaring bumili ng anumang bagay. Itong mundo’y di na muling mabubuo, at tanging ang Kaharian ni Cristo ang itatayo mula sa kanyang pagkawasak.
Narito ang isang listahan ng mga magagarang mga kalakal na ibinihis sa kanilang mga sarili sa karangyaan hanggang sa araw na ito. Nguni’t sa loob ng isang araw ang lahat ng mga ito ay magiging walang-saysay, at wala na muling maghahanap ng gayong mga makamundong bagay. Lahat ng ito ay mga kinakalakal ng mga makamundong relihiyon. Ang mga relihiyon nitong mundo ay ginawa ang lahat ng bagay na maisasaisip dahil sa kanilang pag-ibig sa salapi, hindi nag-aatubiling ipagbili maging ang kanilang mga kaluluwa.
 
Talatang 14-18: At ang mga bungang pinipita mo ay nangapalayo sa iyo, at lahat ng mga bagay na maiinam at mariringal ay nangalipol sa iyo, at hindi na mangasusumpungan pa. Ang mga mangangalakal ng mga bagay na ito, na nangasiyaman dahil sa kaniya, ay mangagsisitayo sa malayo dahil sa takot sa pahirap sa kaniya, na nagsisiiyak at nagsisipagluksa. Na nangasasabi, ‘Sa aba, sa aba, niyaong dakilang bayan, siya na nararamtan ng mahalagang lino at ng kayong kulay ube, at pula, at napapalamutihan ng ginto at ng mahalagang bato at ng perlas!’ Sapagka’t sa loob ng isang oras ay nalipol ang gayong malaking kayamanan. At bawa’t pinunong daong, at bawa’t naglalayag saan mang dako, at ang mga mangdaragat, at lahat ng nagsisipaghanap-buhay sa dagat, ay nangakatayo sa malayo. At nangagsisisigaw pagkakita sa usok ng kaniyang pagkasunog, na nangagsasabi, ‘Anong bayan ang katulad ng dakilang bayan?’
Ang tao samakatuwid kailanma ay hindi na muling makikita ang kanilang mga makamundong ari-arian.
Ang mga mangangalakal na naging mayaman sa pamamagitan nitong mundo ay luluha at tatangis kapag kanilang makita ang mundong nagugunaw. Sila’y mananangis sa kawalan ng pag-asa, kapag naguho ang mundo, sila rin, ay mawawasak, at lahat ng kanilang mga nakamal na ari-arian ay maglalaho sa isang araw.
Kapag nawasak ang makamundong kayamanan ng mga relihiyon, ang tao dito sa mundo’y tatangis, “sayang, sayang!” Ang mga pandaigdigang mangangalakal at mga kapitan ng barko na naglalakbay sa mundo ay tatangis din. Itong mga tao ay tatangis sa kawalan ng pag-asa, “Anong kabihasnan ang naitayo ng sangkatauhan na lubos na dakila at lubhang mabuti kaysa ngayon?”
 
Talatang 19: At sila’y nangabubuhos ng alabok sa kanilang mga ulo, at nagsisigawan, na naiiyakan at nagtataghuyan, na nangagsasabi, ‘Sa aba, sa aba, ang dakilang bayan, na siyang iniyaman ng lahat na may mga daong sa dagat dahil sa kaniyang mga kayamanan! Sapagka’t sa loob ng isang oras ay nalipol.’
Ang makita ang nawawasak na mundo dulot ng mga salot ng pitong mangkok, lahat ng mga nag-akala na itong mundo’y tatagal ng walang-hanggan ay mananaghoy sa matinding pagtangis. Ang mga nananatili pa rin sa mundong ito ay luluha at mananaghoy habang kanilang nasasaksihan ang minsanang pagwasak sa mundo dahil sa mga salot ng pitong mangkok ng Diyos, nguni’t ang kanilang pag-iyak ay walang-saysay, dahil itong mundo at lahat nito ay nagwakas na. Kung mayroon silang lakas na tumangis, sila’y mananaghoy ngayon sa kanilang tadhana, na sila’y patungong impiyerno dahil sa kanilang mga kasalanan, at dapat silang manalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu upang maligtas sa kanilang walang-hanggang kaparusahan.
 
Talatang 20: Magalak ka tungkol sa kaniya, ‘Oh langit, at kayong mga banal, at kayong mga apostol, at kayong mga propeta, sapagka’t inihatol ng Dios ang inyong hatol sa kaniya!’
Ang mga hinirang ng rapture sa alapaap ay magagalak kapag naihatid ang mga salot ng pitong mangkok, dahil itong mga salot ay paghihiganti ng Diyos sa kanilang lahat. Nararapat lang na ibuhos ng Diyos ang nakatatakot na malalaking salot sa Kanyang mga kaaway.
 
Talatang 21: At dinampot ng isang anghel na malakas ang isang bato, na gaya ng isang malaking gilingang bato, at inihagis sa dagat, na sinasabi, ‘Gayon sa isang kakilakilabot na pagkahulog, igigiba ang Babilonia, ang dakilang bayan, at hindi na masusumpungan pa.’
Sinabi ng Diyos na itong mundo’y di na muling makikita, tulad ng isang gilingan ng bato na tinapon sa dagat. Babaguhin ng Panginoon ang buong kalawakan at lahat ng bagay nito, at tutuparin ang Kanyang gawa na gagawing Kaharian ni Cristo itong sanlibutan.
 
Talatang 22: At ang tinig ng mga manunugtog ng alpa, at ng mga musiko at ng mga manunugtog ng plauta, at ng mga manunugtog ng pakakak ay hindi na maririnig pa sa iyo, at wala nang manggagawa ng anomang gawa ay masusumpungan pa sa iyo, at ang ugong ng gilingan ay hindi na marinig pa sa iyo.
Kapag ang mga salot ay nagwakas, wala ng makamundong musika ang maririnig pa ng tao sa mundong ito, ni ang tunog ng pagpukpok ng plauta.
 
Talatang 23: At ang ilaw ng ilawan ay hindi na liliwanag pa sa iyo, at ang tinig ng kasintahang lalake at ng kasintahang babae ay hindi na maririnig pa sa iyo, sapagka’t ang mga mangangalakal mo ay naging mga pangulo sa lupa, sapagka’t dinaya ng iyong panggagaway ang lahat ng bansa.
Kapag ang mga salot ay nagwakas, kailanman hindi na makikita pang muli ang liwanag ng lampara, ni maririnig ang tinig ng kasintahang lalake at ng kasintahang babae. Ang pandaraya ng mga panggagaway ay magtatapos din, dahil ang buong mundo’y nagwakas.
 
Talatang 24: At nasumpungan sa kaniya ang dugo ng mga propeta, at ng mga banal, at ng lahat ng mga pinatay sa lupa.
Ang dahilan bakit ibubuhos ng Diyos ang mga dakilang salot ng pitong mangkok dito sa lupa ay dahil ang mga lingkod ni Satanas ay pinagdanak ang dugo ng Kanyang mga propeta at mga hinirang.