• All e-books and audiobooks on The New Life Mission website are free
  • Explore multilingual sermons in global languages
  • Two new revised editions in English have been released
  • Check out our website translated into 27 languages
Search

Sermons

Paksa 10: Ang Pahayag (Mga Komento sa Pahayag)

[Kabanata 19-1] Ang Kahariang Pamamahalaan ng Makapangyarihan (Apocalipsis 19:1-21)

2021.04.13 94
(Apocalipsis 19:1-21)
“Pagkatapos ng mga bagay na ito ay narinig ko ang gaya ng isang malaking tinig ng isang makapal na karamihan sa langit, na nagsasabi, ‘Aleluya! Kaligtasan at kaluwalhatian, at kapangyarihan ay nauukol sa ating Dios. Sapagka’t tunay na matuwid ang kaniyang mga paghatol, sapagka’t hinatulan niya ang bantog na patutot, na siyang nagpasama sa lupa ng kaniyang pakikiapid, at iginanti niya ang dugo ng kaniyang mga alipin sa pamamagitan ng kaniyang kamay.’ At sila’y muling nangagsabi, ‘Aleluya. At ang usok niya ay napaiilanlang magpakailan kailan man.’ At nangagpatirapa ang dalawangpu’t apat na matatanda at ang apat na nilalang na buhay, at nangagsisamba sa Dios na nakaupo sa luklukan, na nangagsasabi, ‘Siya nawa, Aleluya.’ At lumabas ang isang tinig sa luklukan, na nagsasabi, ‘Purihin ninyo ang ating Dios, ninyong lahat na mga lingkod niya, ninyong lahat na mga natatakot sa kaniya, maliliit at malalaki.’ At narinig ko ang gaya ng isang tinig ng isang makapal na karamihan, at gaya ng lagaslas ng maraming tubig, at gaya ng ugong ng malalakas na kulog na nagsasabi: ‘Aleluya, sapagka’t naghahari ang Panginoong ating Dios na Makapangyarihan sa lahat. Tayo’y mangagalak at tayo’y mangagsayang mainam, at siya’y ating luwalhatiin, sapagka’t dumating ang pagkakasal ng Cordero, at ang kaniyang asawa ay nahahanda na. At sa kaniya’y ipinagkaloob na damtan ang kaniyang sarili ng mahalagang lino, makintab at tunay, sapakat ang mahalagang lino ay siyang mga matuwid na gawa ng mga banal.’ At sinasabi niya sa akin, isulat mo, ‘Mapapalad ang mga inanyayahan sa paghapon sa kasalan ng Cordero.’ At sinasabi niya sa akin, ‘Ang mga ito’y siyang tunay na mga salita ng Dios.’ At ako’y nagpatirapa sa Kaniyang paanan upang siya’y aking sambahin. At sinasabi niya sa akin, Ingatan mong huwag gawin iyan, ako’y kapuwa mo alipin at ng iyong mga kapatid na mayroong patotoo ni Jesus: sumamba ka sa Dios, sapagka’t ang patotoo ni Jesus ay siyang espiritu ng hula. At nakita kong bukas ang langit, at narito, ang isang kabayong maputi, at yaong nakasakay dito ay tinatawag na Tapat at Totoo, at sa katuwiran siya’y humahatol at nakikipagbaka. At ang kaniyang mga mata ay ningas ng apoy, at sa kaniyang ulo ay maraming diadema, at siya’y may isang pangalang nakasulat, na sinoman ay di nakaaalam kundi siya rin. At siya’y nararamtan ng damit na winisikan ng dugo, at ang kaniyang pangalan ay tinatawag na Ang Verbo ng Dios. At ang mga hubong nasa langit ay sumusunod sa kaniya na mga nakasakay sa mga kabayong puti, at nangararamtan ng mahalagang linong maputi at dalisay. At sa kaniyang bibig ay lumalabas ang isang tabak na matalas, upang sa pamamagitan nito’y sugatan niya ang mga bansa, at kaniyang paghaharian ng tungkod na bakal, at niyuyurakan niya ang pisaan ng ubas ng kabangisan ng kagalitan ng Dios na Makapangyarihan sa lahat. At siya’y mayroong isang pangalang nakasulat sa kaniyang damit at sa kaniyang hita, 
HARI NG MGA HARI AT PANGINOON NG MGA PANGINOON. 
At nakita kong nakatayo ang isang anghel sa araw, na siya’y sumisigaw ng malakas na tinig, na nagsasabi sa lahat ng mga ibong lumilipad sa himpapawid, ‘Halikayo at mangagkatipon sa dakilang hapunan ng Dios, upang kayo’y makakain ng laman ng mga hari, at ng laman ng mga pangulong kapitan, at ng laman ng mga taong makapangyarihan, at ng laman ng mga kabayo at ng mga nakasakay dito, at ng laman ng lahat ng mga taong laya at mga alipin man, at maliliit at malalaki.’ At nakita ko ang hayop, at ang mga hari sa lupa, at ang kanilang mga hukbo, na nangagkakatipon upang makipagbaka laban doon sa nakasakay sa kabayo, at laban sa kaniyang hukbo. At sinunggaban ang hayop, at kasama niya ang bulaang propeta na gumawa ng mga tanda sa harapan nito, na siyang ipinangdaya sa mga nagsitanggap ng tanda ng hayop at sa mga sumamba sa larawan nito, ang dalawang ito ay inihagis na buhay sa dagatdagatang apoy na nagliliyab ng asupre. At ang mga iba ay pinatay sa tabak na lumalabas sa bibig niyaong nakasakay sa kabayo, at ang lahat ng mga ibon ay nangabusog ng mga laman nila.”
 
 
Masusing Kapaliwanagan ng Kasulatan
 
Talatang 1: Pagkatapos ng mga bagay na ito ay narinig ko ang gaya ng isang malaking tinig ng isang makapal na karamihan sa langit, na nagsasabi, ‘Aleluya! Kaligtasan at kaluwalhatian, at kapangyarihan ay nauukol sa ating Dios.!’
Inilalarawan ng talata ang mga hinirang na nagpupuri sa Panginoong Diyos habang papalapit ang araw ng kanilang kasal sa Cordero. Binigay ng Panginoon sa mga hinirang ang kanilang kaligtasan at luwalhati, upang sila’y makapagpuri sa Kanya na may mabuting dahilan. Ang mga hinirang na tinangay sa alapaap samakatuwid ay patuloy na nagpuri sa Panginoong Diyos, dahil anong dakila ng Kanyang biyayang pagliligtas sa kanila mula sa lahat ng kasalanan at sa kanilang di-maiiwasang mga kaparusahan.
Ang salitang “aleluya” o “hallelujah” ay isang magkasamang salita mula sa mga salitang Hebreo ng “halal,” na ibig sabihin ay papuri, at “Yah,” ibig sabihin ay “Yahweh”—ang kahulugan, samakatuwid ay “purihin si Yahweh.” Sa Mga Awit 113-118 ng Lumang Tipan ay tinatawag na “Hallel ng Ehipto,” at sa Mga Awit 146-150 ay tinatawag na “Mga Awit ni Hallel.”
Itong mga “Awit ni Halle” ay mga awit na kalakip ang galak at kalungkutan ng mga Judio, nagbibigay sa kanila ng lakas sa oras ng kalungkutan at mga pighati, at inaawit bilang mga awit ng kagalakan sa oras ng kaligtasan at tagumpay. Itong mga awit ay inaawit din tuwing ang papuri ng “hallelujah” ay inaawit lamang sa Diyos. Dahil ang hatol ng Panginoon ng mga malalaking salot na ginawad dito sa lupa ay tunay at makatarungan, at dahil ang kaligtasan, kapangyarihan, at luwalhati’y sa Diyos lamang.
 
Talatang 2: Sapagka’t tunay na matuwid ang kaniyang mga paghatol, sapagka’t hinatulan niya ang bantog na patutot, na siyang nagpasama sa lupa ng kaniyang pakikiapid, at iginanti niya ang dugo ng kaniyang mga alipin sa pamamagitan ng kaniyang kamay.
Na ang Panginoong Diyos ay igaganti ang mga hinirang sa pagbuhos ng mga salot ng pitong mangkok sa lahat ng mga relihiyoso ng mundo at lahat ng mga di-mananampalataya ay ang tunay at makatwirang hatol ng Diyos. Dahil ang mga relihiyoso nitong mundo’y pinaslang ang mga walang-kasalanan at matuwid na mga lingkod ng Diyos, sila, sanhi nito, ay nararapat hatulan ng walang-hanggang kamatayan ng Diyos.
May mga ginawa ba ang mga lingkod ng Diyos dito sa lupa na kailangan silang patayin ng mga makamundong relihiyoso? Wala! Nguni’t lahat ng mga relihiyoso ng mundo’y nagkaisa sa kanilang paraang pagpaslang sa mga anak ng Panginoong Diyos. Sa gayon, ang pagbuhos ng Diyos sa mga salot ng pitong mangkok sa mga mamamatay ay makatwiran, siya ring kapahayagan ng katuwiran ng Diyos.
 
Talatang 3: At sila’y muling nangagsabi, ‘Aleluya. At ang usok niya ay napaiilanlang magpakailan kailan man.’
Ang mga hinirang ay nagpupuri sa Panginoong Diyos sa alapaap dahil ang araw ng kanilang kasal kay Jesus, na naging Cordero, ay dumating na.
“At ang usok niya ay napaiilanlang magpakailan kailan man.” Ito’y tumutukoy sa usok na tumaas dito sa lupa na nagwasak at tumupok dahil sa mga malalaking salot ng pitong mangkok na binuhos ng Diyos. Pinakikita sa atin na itong mundo’y hindi na muling makababawi mula sa kanyang pagkaguho dahil ang pagwasak ay nakamamatay at walang-hanggan.
 
Talatang 4: At nangagpatirapa ang dalawangpu’t apat na matatanda at ang apat na nilalang na buhay, at nangagsisamba sa Dios na nakaupo sa luklukan, na nangagsasabi, ‘Siya nawa, Aleluya.’
Ang katotohanan na ang kasalan ng mga hinirang sa Panginoong Jesus ay dumating at isang maluwalhating pangyayari na ang 24 na mga matatanda at ang apat na nilalang sa Langit ay sumasamba at nagpupuri sa Panginoong Diyos na nakaluklok sa Kanyang trono. Ito kung bakit lahat ng mga hinirang ng Diyos ay nagpupuri sa Panginoong Diyos.
 
Talatang 5: At lumabas ang isang tinig sa luklukan, na nagsasabi, ‘Purihin ninyo ang ating Dios, ninyong lahat na mga lingkod niya, ninyong lahat na mga natatakot sa kaniya, maliliit at malalaki.’
Dahil ang kasalan ng Cordero sa mga hinirang ay isang di-maipaliwanag na kagalakang lubos para sa lahat ng Kanyang mga lingkod at mga hinirang na naligtas dahil sa pananalig sa Panginoong Diyos, ang tinig mula sa trono’y iniutos sa kanilang lahat na magpuri sa Diyos. Ngayon ang oras ay dumating para sa mga lingkod ng Diyos at lahat ng Kanyang mga hinirang na magalak at magpuri sa Panginoon.
 
Talatang 6: At narinig ko ang gaya ng isang tinig ng isang makapal na karamihan, at gaya ng lagaslas ng maraming tubig, at gaya ng ugong ng malalakas na kulog na nagsasabi: ‘Aleluya, sapagka’t naghahari ang Panginoong ating Dios na Makapangyarihan sa lahat.’
Itong talata’y sinasabi sa atin na sa pagdating ng oras ng paghahari ng Panginoong Diyos, ngayon na ang oras para sa Kanyang mga hinirang at mga lingkod na tumanggap ng kanilang walang-hanggang kapayapaan, galak, at mga pagpapalang umaagos tulad ng isang ilog. Ito kung bakit sila’y nagpupuri sa Panginoon. Ang mga hinirang ay nagpupuri sa Diyos sa alapaap habang ang mga salot ay patuloy dito sa lupa dahil ang oras ay dumating upang sila’y papaghariin ng Panginoon—ito ay, ito na ang oras upang iluwalhati ng Diyos ang lahat ng Kanyang mga hinirang. Ang tinig ng papuri ng mga hinirang sa oras na ito ay parang tunog ng mga kulog at ng maraming mga tubig. Ang kasalang piging sa Kaharian ng Panginoon ay nagsimula sa pamamagitan ng mga magagandang papuri ng mga hinirang.
 
Talatang 7: Tayo’y mangagalak at tayo’y mangagsayang mainam, at siya’y ating luwalhatiin, sapagka’t dumating ang pagkakasal ng Cordero, at ang kaniyang asawa ay nahahanda na.
Ngayong pawakas na ang mga salot ng pitong mangkok na hatid ng Diyos, sinasabi ng talatang ito na ang oras ay dumating upang lahat ng mga hinirang ay magalak at magsaya. Ang mga hinirang ay masaya’t maligaya dahil ang araw ay dumating na para sa kanila na makasal sa Panginoon at manirahan sa Kanyang Kaharian. Ang mamuhay kasama ang mga hinirang, hinanda ng Panginoong Diyos ang Kanyang Bagong Langit at Lupa, at Siya’y naghihintay sa kanila. Mula sa panahong ito, ang mga hinirang ay maghaharing kasama ang Panginoon magpakailan man.
 
Talatang 8: At sa kaniya’y ipinagkaloob na damtan ang kaniyang sarili ng mahalagang lino, makintab at tunay, sapakat ang mahalagang lino ay siyang mga matuwid na gawa ng mga banal.
Binigay ng Panginoon sa mga hinirang ang mga bagong damit na gawa sa lino. Sinumang naglilingkod sa Panginoong Diyos ay binihisan nitong mga damit. Binihisan ng Diyos ang mga hinirang, ng mga damit ng Langit. Itong mga maka-langit na mga linong damit ay hindi nababasa ni pinapawisan. Nagsasabi sa atin sa katotohanang tayo’y naging asawang babae ng Cordero hindi dahil sa ating mga pagsisikap o mga paggugol, kundi dahil sa ating pananampalataya sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritung binigay ng Panginoong Diyos.
Sa maliwanag na kaibahan sa pula at kulay-ubeng damit na suot ng Anticristo, itong mapinong lino ay ang mahalagang lino ginamit upang gumawa ng mga damit para sa mga saserdote at mga hari. Hindi pagpapawisan, ang puti, mapinong lino’y pinakikita sa atin na ang dadamitan ng biyaya ng Diyos at Kanyang katuwiran ay naging Kanyang bayan.
Ang pariralang, “sapakat ang mahalagang lino ay siyang mga matuwid na gawa ng mga banal,” ibig sabihin na ang mga naging hinirang dahil sa biyaya ng kaligtasang bigay ng Panginoon ay nagluwalhati sa Diyos sa pamamagitan ng kanilang pagmamartir ng Anticristo at kanyang mga tagasunod sa pagtatanggol ng kanilang pananampalataya. “Ang mga makatwirang gawa,” sa ibang salita, ay di-tinutukoy ang katuwiran ng Kautusan, kundi ng pagmamartir sa mga hinirang dahil sa pagtatanggol ng kanilang pananalig. Gayon din, lahat ng mga pakakasalan ni Jesu-Cristo sa mga huling araw ay ang mga martir, upang ipagtanggol ang puri ng kanilang pananalig sa Panginoon, matapang na nakipaglaban sa Anticristo at sa kanyang mga kampon habang narito sa lupa.
Upang maihanda ang kanilang pananampalataya ng pagmamartir, lahat ng mga hinirang ay dapat pakanin sa unang tatlo at kalahating taon ng Matinding Kapighatian, dahil kapag natapos itong tatlo at kalahating taon, sila’y magiging martir.
 
Talatang 9: At sinasabi niya sa akin, isulat mo, ‘Mapapalad ang mga inanyayahan sa paghapon sa kasalan ng Cordero.’ At sinasabi niya sa akin, ‘Ang mga ito’y siyang tunay na mga salita ng Dios.’
Kapag natapos ang mga salot ng Diyos dito sa lupa, aanyayahan ng Diyos ang lahat ng hinirang sa kasalang piging ng Cordero (ang Kahariang tinayo at pinamahalaan ng Panginoon), at Kanyang itutulot sila na manirahan sa Kaharian ni Cristo. Ang mga inanyayahan sa kasalang piging ng Cordero ay ang mga mapapalad. Sinabi ng Diyos sa atin na hindi Siya mabibigong tuparin itong Salita ng pangako. Ang araw sa katapusa ay darating na pakakasalan ng Panginoon ang mga hinirang. Ang ating Panginoon ay magbabalik dito sa lupa upang kuhanin ang Kanyang mga babaeng pakakasalan, mga nahugasan ng lahat nilang kasalanan dahil sa pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. At ang Panginoon ay mamumuhay na kasama ang Kanyang mga kasintahang pakakasalan magpakailan kailan man sa Kanyang Kaharian.
Ang pag-iisa ng mga hinirang sa Panginoon ay naganap nang sila’y kuhanin ni Cristo sa rapture, sa panahong ito na kanilang makakamit ang walang-katapusang luwalhati at mga gantimpala sa Milenyong Paghahari. Hallelujah! Nagpupuri ako at nagpapasalamat sa Panginoon Diyos na gumawa sa atin bilang Kanyang bayan.
 
Talatang 10: At ako’y nagpatirapa sa Kaniyang paanan upang siya’y aking sambahin. At sinasabi niya sa akin, ‘Ingatan mong huwag gawin iyan, ako’y kapuwa mo alipin at ng iyong mga kapatid na mayroong patotoo ni Jesus: sumamba ka sa Dios, sapagka’t ang patotoo ni Jesus ay siyang espiritu ng hula.’
Ang mga hinirang ay dapat lamang na ibigay lahat nitong mga luwalhati sa Panginoong Diyos. Ang Siyang tumanggap ng lahat ng pagsamba at papuri mula sa mga hinirang ay ang ating nag-iisang Diyos ng Trinidad.
Ang ibig sabihin ng pariralang, “sapagka’t ang patotoo ni Jesus ay siyang espiritu ng hula,” na ang patotoo at hula ni Jesus ay nagmula sa Banal na Espiritu.
 
Talatang 11: At nakita kong bukas ang langit, at narito, ang isang kabayong maputi, at yaong nakasakay dito ay tinatawag na Tapat at Totoo, at sa katuwiran siya’y humahatol at nakikipagbaka.
Kapag dumating ang mga huling araw, ang ating Panginoong Diyos, sakay ng puting kabayo, ay makikipaglaban kay Satanas sa pamamagitan ng Kanyang katuwiran, gagapusin at itatapon sa balon ng kalaliman at lawang apoy. 
Dito, ang pangalan ni Jesu-Cristo ay “Tapat” at “Totoo.” Ang salitang “Tapat,” ay may kahulugan na si Cristo ay kapani-paniwala, pinahahayag ang Kanyang katapatan, habang ang salitang “Totoo,” ibig sabihin Siya’y tunay, sinasabi sa atin na si Cristo’y magtatagumpay kay Anticristo sa pamamagitan ng makatwirang hatol ng Diyos.
 
Talatang 12: At ang kaniyang mga mata ay ningas ng apoy, at sa kaniyang ulo ay maraming diadema, at siya’y may isang pangalang nakasulat, na sinoman ay di nakaaalam kundi siya rin.
Na ang mga mata ng Panginoon ay tulad ng “ningas ng apoy” sinasabi sa atin na Siya’y may kapangyarihang hatulan ang lahat. Ang pariralang “sa kaniyang ulo ay maraming diadema,” sa kabilang dako, ay nangangahulugan na ang ating Panginoon ay laging magtatagumpay kay Satanas sa Kanyang pakikipaglaban sa kanya, dahil Siya ang walang-hanggang karunungan at walang-hanggang kapangyarihan ng Diyos.
 
Talatang 13: At siya’y nararamtan ng damit na winisikan ng dugo, at ang kaniyang pangalan ay tinatawag na Ang Verbo ng Dios.
Ipaghihiganti ng Panginoon ang mga hinirang sa kanilang mga kaaway sa pamamagitan ng paghatol sa Kanyang mga kaaway, na lumaban sa Kanya, sa pamamagitan ng Kanyang mabagsik na galit. Itong Diyos ay walang iba kundi si Jesu-Cristo mismo. Tulad ng Kanyang pinangako sa Kanyang Salita, ang ating Panginoon nga’y naparito sa lupa sa laman ng isang tao, binautismo ni Juan upang pasanin lahat ng kasalanan ng mundo, pinasan ang mga ito sa Krus, at ang mga kasalanan ng sangkatauhan ay naglaho.
Ang “damit na winisikan ng dugo.” Itong dugo ay hindi tumutukoy sa sariling dugo ni Cristo. Ito’y tumutukoy sa dugo ng mga kaaway na tumalsik sa balabal ng Panginoon habang Kanyang hinahatid ang Kanyang nakatatakot na hatol ng galit sa kanila at niyurakan sila ng Kanyang paa ng kapangyarihan.
“Ang Verbo ng Dios” ay tumutukoy sa pagkatao ni Jesus. Dahil ginawa ng Panginoon ang lahat sa pamamagitan ng Kanyang makapangyarihang Salita, Siya’y tinawag bilang “ang Verbo ng Dios.”
 
Talatang 14-16: At ang mga hubong nasa langit ay sumusunod sa kaniya na mga nakasakay sa mga kabayong puti, at nangararamtan ng mahalagang linong maputi at dalisay. At sa kaniyang bibig ay lumalabas ang isang tabak na matalas, upang sa pamamagitan nito’y sugatan niya ang mga bansa, at kaniyang paghaharian ng tungkod na bakal, at niyuyurakan niya ang pisaan ng ubas ng kabangisan ng kagalitan ng Dios na Makapangyarihan sa lahat. At siya’y mayroong isang pangalang nakasulat sa kaniyang damit at sa kaniyang hita, HARI NG MGA HARI AT PANGINOON NG MGA PANGINOON.
Ang hukbo ng Panginoong Diyos ay laging naglilingkod sa Kanyang mga gawa, binihisan ng Kanyang luwalhati ng biyaya.
Hahatulan ng Diyos itong mundo sa pamamagitan ng Salitang nagmumula sa Kanyang bibig. Pinangako ng Panginoon sa atin sa pamamagitan ng Salita ng Kanyang bibig, at lagi Niyang tinutupad itong mga pangako sa pamamagitan ng Kanyang kapangyarihan. Siyang humahatol sa mundo at nagwasak kay Satanay ay si Jesus, Hari ng mga hari at Panginoon ng mga panginoon.
 
Talatang 17: At nakita kong nakatayo ang isang anghel sa araw, na siya’y sumisigaw ng malakas na tinig, na nagsasabi sa lahat ng mga ibong lumilipad sa himpapawid, ‘Halikayo at mangagkatipon sa dakilang hapunan ng Dios,’
Itong mundo, kasama si Satanas at kanyang mga tagasunod, ay lubos na wawasakin ni Jesu-Cristo. Inilalarawan ng Biblia ang pagwasak nitong mundo bilang dakilang hapunan ng Diyos.
 
Talatang 18: upang kayo’y makakain ng laman ng mga hari, at ng laman ng mga pangulong kapitan, at ng laman ng mga taong makapangyarihan, at ng laman ng mga kabayo at ng mga nakasakay dito, at ng laman ng lahat ng mga taong laya at mga alipin man, at maliliit at malalaki.
Sinasabi nitong Salita sa atin na dahil ang buong mundo at lahat ng narito ay pinatay sa pagwawakas ng mga dakilang salot ng Panginoong Diyos, ang mga ibong lumilipad ay mabubusog sa pagkain ng kanilang mga bangkay. Gagawin nila ito dahil binuhos ng Diyos ang mga malalaking salot ng pitong mangkok dito sa lupa. Sinabi ng Panginoon sa atin, “Saan man naroon ang bangkay, ay doon mangagkakatipon ang mga uwak (Mateo 24:28).” Sa mga huling araw nitong mundo, naroon lamang ang pagwasak, kamatayan, at parusa ng impiyerno para sa mga makasalanan. Nguni’t para sa mga hinirang, naroon ang pagpapala ng paghahari sa Kaharian ni Cristo.
 
Talatang 19: At nakita ko ang hayop, at ang mga hari sa lupa, at ang kanilang mga hukbo, na nangagkakatipon upang makipagbaka laban doon sa nakasakay sa kabayo, at laban sa kaniyang hukbo.
Sa kanilang hangganan, ang Anticristo, lingkod ni Satanas, at kanyang mga tagasunod ay lalaban sa mga lingkod ng Diyos at Kanyang mga hinirang at sisikaping manalo sa kanila. Nguni’t dahil ang ating Panginoon ay ang Hari ng mga hari, dadakpin Niya ang Anticristo at ang huwad na propeta, itatapon sila sa lawang apoy, at pagpapatayin lahat ng kanilang mga alipin sa pamamagitan ng tabak ng Kanyang Salita.
 
Talatang 20: At sinunggaban ang hayop, at kasama niya ang bulaang propeta na gumawa ng mga tanda sa harapan nito, na siyang ipinangdaya sa mga nagsitanggap ng tanda ng hayop at sa mga sumamba sa larawan nito, ang dalawang ito ay inihagis na buhay sa dagatdagatang apoy na nagliliyab ng asupre.
Ang “Halimaw” rito ay tumutukoy sa Anticristo. Ang “huwad na propeta” ay ang alipin ni Anticristo, sa pamamagitan ng mga himala at mga tanda ay ilalayo sa mga tao ang sa pananalig sa Salita ng katotohanan. Wawasakin ng ating Panginoon si Satanas, ang Halimaw (Anticristo), ang huwad na propeta, at ang mga tagasunod ni Satanas, mga sumamba sa rebulto ng Anticristo at lumaban sa Diyos, laban sa mga hinirang, at laban sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu.
Ang “dagatdagatang apoy na nagliliyab ng asupre” ay tumutukoy sa impiyerno. Ang impiyerno ay iba sa hukay ng kalaliman. Ang hukay ng kalaliman ay ang lugar kung saan ang mga puwersa ni Satanas ay gagapusin panumandali, ang “lawang apoy” ay ang lugar ng kanilang walang-hanggang kaparusahan. Tangi nito, ang apoy at asupre ay laging ginagamit ng Biblia bilang instrumento ng parusa at hatol ng Diyos.
Matapos mawasak itong mundo, magbabalik ang ating Panginoon dito sa lupa kasama ang mga hinirang, unang wawasakin si Satanas at kanyang mga alipin, at pagkatapos ay bubuksan ang Kaharian ni Cristo. Ang mga hinirang ay mamumuhay at mamamahalang kasama ang Panginoon sa Kaharian ni Cristo ng isang libong taong darating.
 
Talatang 21: At ang mga iba ay pinatay sa tabak na lumalabas sa bibig niyaong nakasakay sa kabayo, at ang lahat ng mga ibon ay nangabusog ng mga laman nila.
Itong mundo ay nilikha sa pamamagitan ng Salita na nagmumula sa bibig ng ating Panginoong Diyos; gayon din, lahat ng mga kaaway ng Diyos ay mawawasak ng Salita ng hatol na nagmumula sa Kanyang bibig. Ang Kaharian ni Cristo sa gayon ay maitatatag dito sa lupa. Ang mga hinirang, samakatuwid, ay dapat ilagay ang kanilang pag-asa sa Kaharian ni Cristo at magbigay luwalhati sa Diyos sa pamamagitan ng pakikibaka kay Satanas, sa Anticristo at kanyang mga alipin, at sa pamamagitan ng pagyakap sa kanilang pagmamartir sa pananampalataya.