(Apocalipsis 19:1-21)
Sa nakaraang kabanata, nakita natin kung paano hinatid ng Diyos ang Kanyang kakila-kilabot na mga salot dito sa lupa. Sa kabanatang ito, makikita natin ngayon si Cristo at ang Kanyang maluwalhating hukbo na nakikipaglaban at nagtatagumpay sa hukbo ng Anticristo, buhay na itatapon ang Halimaw at kanyang mga lingkod sa lawang apoy, papatayin ang ibang hukbo ng Anticristo sa pamamagitan ng tabak ng Salita na nagmumula sa bibig ng Panginoon, at sa gayo’y magwawakas lahat ng Kanyang pakikipagdigma kay Satanas.
Ang nilalaman nitong kabanata’y maihahati sa tatlong pangunahing mga paksa: 1) ang mga hinirang na sinama sa rapture ay nagpupuri sa Diyos sa paghahatid ng hatol ng mga dakilang salot dito sa lupa; 2) ang paghahayag ng pagdating ng kasalang piging ng Cordero; at 3) ang pagbaba ng Panginoon mula sa Langit kasama ang hukbo ni Jesu-Cristo.
Dapat nating mabatid lahat na ang Diyos ay tiyak at malapit nang maisakatuparan lahat ng Kanyang sinabi sa atin sa pamamagitan ng Aklat ng Apocalipsis.
Ang Hatol ng Diyos!
Ang mga nanalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu at naging bayan ng Diyos sa pamamagitan ng pananampalataya ay magpupuri sa Kanyang pagliligtas sa kanila mula sa lahat ng kasalanan ng mundo. Ating tignan ang mga talatang 3-5: “At sila’y muling nangagsabi, ‘Aleluya. At ang usok niya ay napaiilanlang magpakailan kailan man.’ At nangagpatirapa ang dalawangpu’t apat na matatanda at ang apat na nilalang na buhay, at nangagsisamba sa Dios na nakaupo sa luklukan, na nangagsasabi, ‘Siya nawa, Aleluya.’ At lumabas ang isang tinig sa luklukan, na nagsasabi, ‘Purihin ninyo ang ating Dios, ninyong lahat na mga lingkod niya, ninyong lahat na mga natatakot sa kaniya, maliliit at malalaki!’”
Sa Hebreo 9:27 ay sinasabi sa atin, “At kung paanong itinakda sa mga tao ang mamatay na minsan, at pagkatapos nito ay ang paghuhukom.” Ang tao’y minsang mahahatulan ng Diyos, nguni’t ang sentensiya nitong hatol ay ang kahuli-hulihan at di na muling mababaliktad. Sa pamamagitan ng Kanyang minsanang paghatol sa lahat dahil sa kanyang mga kasalanan, sa ibang salita, igagawad ng Diyos ang Kanyang walang-hanggang paghahatol sa pamamagitan ng pagtapon sa mga makasalanan sa apoy na nagbabaga magpakailan man. Ito kung bakit sinasabi ng Biblia sa atin na “ang usok niya ay napaiilanlang magpakailan kailan man.”
Ang ibang tao’y marahil ay isipin at sabihing, “Kapag namatay ka, iyon na ang hangganan.” Nguni’t ito ang sariling kaisipan ng tao, hindi ng Diyos. Dahil lahat ay may katawan at kaluluwa, ang tao ma’y naniniwala sa Diyos o hindi, alam nilang lahat na may Diyos, at di-maglaon silang lahat ay mahahatulan dahil sa kanilang mga kasalanan sa Kanya.
Mayroon bang kaharian ng mga espiritu para sa tao, alam nilang ang Diyos ay naroon, bagaman di-nakikita ng kanilang mga mata. Ang kaharian na makikita ng mga mata ng laman ay di-magtatagal, nguni’t mayroong walang-hanggang kaharian ng katotohanan, di-nakikita ng ating mga mata. Ang kasaganaang materyal dito sa lupa habang iniisip lamang ang salapi at hangarin lamang ang kasakiman sa materyal ay hindi ang layon ng sangkatauhan upang mabuhay, ang tunay na layon ay upang pumasok sa walang-hanggang kaharian sa pamamagitan ng pagkilala sa Diyos, ang Manlilikha ng buong kalawakan, at kilalanin at manalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritung bigay Niya.
Hindi lamang dapat nating malaman ang sinabi ng Diyos sa atin, bagkus ay manalig din dito. Hindi tayo dapat mahantong sa impiyerno dahil sa pagtiwala lamang sa ating mga sariling kaisipan. Bago maharap sa walang-hanggang kaparusahan dahil sa ating mga kasalanan, tayo’y dapat na mapatawad sa lahat ng ating kasalanan at kamtan ang buhay na walang-hanggan sa pananalig, habang narito ngayon sa lupa, sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritung bigay ni Jesus.
Para sa lahat, ang buhay dito sa lupa ay maikli. Tulad ng pagsikat ng araw at paglubog nito araw-araw, ang maikling paglalakbay ng ating mga buhay ay mabilis na magwawakas din, walang-bunga at walang-saysay, animo’y tayo’y tumatakbo tulad ng isang ardilya sa isang takbuhang pang-ehersisyo. Kahit pa ikaw ay mabuhay ng isang daang taon, hindi mo masasabing ikaw ay nabuhay ng matagal.
Kung iyong ibabawas ang mga walang-saysay na pag-ikot ng iyong araw-araw na pamumuhay, tulad ng mga oras ng pagtulog, kain, pagligo, at paggawa ng ibang gayong mga makamundong bagay, sa iyong buong buhay, ang talagang matitira’y maliit na panahon lamang. Kung iyong makikita ang mga bagay na iyong nakita mula ng iyong pagsilang, at habang nasasalubong mo ang mga taong dati mo ng nakita, ang lahat ng iyong mga buhok ay naging puti, at biglang mapapansin mo na ikaw ay haharap na sa iyong huling hangganan.
Ang tanging dahilan kung bakit ang ating buhay bilang mga hinirang ay hindi walang-saysay dahil tayo na naisilang sa mundong ito, ay nakilala ang Panginoon na dumating sa atin sa pamamagitan ng tubig at ng Espiritu, nanalig sa Kanya, at sa gayo’y nakamtan ang kapatawaran ng lahat ng ating kasalanan. Lubos ang ating kapalaran at pasasalamat! Kung hindi naparito sa atin ang Panginoon sa pamamagitan ng tubig at ng Espiritu, tayong lahat ay mabubulid sa walang-hanggang apoy at magdurusa dito.
Sa tuwing naiisip ko ito, nagbibigay pa rin ito ng takot sa akin, at ako’y muling napapasalamat sa Panginoon. Ang impiyerno, ginawa para kay Satanas, ay ang pinakakakila-kilabot na lugar, kung saan ang pagdurusa ay lubos at nanaisin pa ang mamatay, gayunma’y hindi ito maaaring magawa. Ito’y isang lugar kung saan ang apoy at asupre’y nagbabaga magpakailan man.
Upang malaman ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritung bigay ni Jesus, at sa gayo’y kamtan ang Banal na Espiritu, dapat munang makilala ang mga lingkod ng Diyos, sila na nakatagpo nitong ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu at mga isinilang na muli. Ang mamuhay bilang isang Kristiyano, sinuman ang nais malaman ang sagot sa katanungan ng pagiging isinilang na muli sa pamamagitan ng tubig at ng Espiritu at sa pagtanggap ng Banal na Espiritu ay taglay ang lahat ng kasagutan sa pamamagitan ng pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu.
Sinasabi ng Biblia sa atin na ang Espiritu ng Diyos ay binigay bilang handog sa lahat ng nagkamit ng kapatawaran ng kasalanan dahil sa pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu (Mga Gawa 2:38). Yaon lamang taglay ang Banal na Espiritu sa kanilang mga puso sa pamamagitan ng kapatawaran ng lahat nilang kasalanan dahil sa pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, masasabing taglay nila ang wastong pananampalataya kay Jesus, at yaon lang may ganitong uri ng pananampalataya ang makapapasok sa walang-hanggang Kaharian ng Diyos (Juan 3:5). Siya ma’y mapalad o sinumpa ay makikilala kung kanyang nakamtan o hindi ang kapatawaran ng kasalanan dahil sa pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu.
Binihisan ng Mapinong Lino, Malinis at Maningning
Ang mga nag-iisip ng kanilang buhay at nais na malutas ang kanilang kasalukuyang suliranin sa kapatawaran ng kanilang mga kasalanan ay mga matatalino at mapalad. Bagaman siya’y namuhay na puno ng mga pagkukulang, kung siya’y mananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu at kamtan ang kapatawaran sa kasalanan at ang Banal na Espiritu sa kanyang puso, kung gayon ang taong ito ay namuhay ng pinaka-tagumpay na buhay sa lahat.
Sinasabi sa Apocalipsis 19:4-5 “At nangagpatirapa ang dalawangpu’t apat na matatanda at ang apat na nilalang na buhay, at nangagsisamba sa Dios na nakaupo sa luklukan, na nangagsasabi, ‘Siya nawa, Aleluya.’ At lumabas ang isang tinig sa luklukan, na nagsasabi, ‘Purihin ninyo ang ating Dios, ninyong lahat na mga lingkod niya, ninyong lahat na mga natatakot sa Kaniya, maliliit at malalaki!’”
Dito, ang pararilang “natatakot sa Kaniya” ay nangangahulugang tatanggapin ang Salita ni Jesu-Cristo sa puso at mamuhay ayon sa Kanyang patnubay. Tanging yaong napatawad sa kanilang mga kasalanan ang makakakita at pupuri sa Diyos sa Kaharian ng Langit. Nguni’t yaong di-nagkamit ng kapatawaran ng kanilang mga kasalanan ay magdurusa sa nag-aapoy na impiyerno at sumpa ng Diyos.
Tayo’y magpatuloy sa mga talatang 6-9: “At narinig ko ang gaya ng isang tinig ng isang makapal na karamihan, at gaya ng lagaslas ng maraming tubig, at gaya ng ugong ng malalakas na kulog na nagsasabi: ‘Aleluya, sapagka’t naghahari ang Panginoong ating Dios na Makapangyarihan sa lahat. Tayo’y mangagalak at tayo’y mangagsayang mainam, at siya’y ating luwalhatiin, sapagka’t dumating ang pagkakasal ng Cordero, at ang kaniyang asawa ay nahahanda na. At sa kaniya’y ipinagkaloob na damtan ang kaniyang sarili ng mahalagang lino, makintab at tunay, sapakat ang mahalagang lino ay siyang mga matuwid na gawa ng mga banal.’ At sinasabi niya sa akin, isulat mo, ‘Mapapalad ang mga inanyayahan sa paghapon sa kasalan ng Cordero.’ At sinasabi niya sa akin, ‘Ang mga ito’y siyang tunay na mga salita ng Dios.’”
Sinasabi rito na narinig ni Apostol Juan ang tunog ng papuri, isang tunog na tulad ng tinig ng makapal na karamihan, ang tunog ng maraming tubig, at ang tunog ng mga malalakas na kulog. Itong tunog ay walang iba kundi ang tunog ng mga nagtamo ng kapatawaran sas kasalanan, nagtipon at nagpuri sa Diyos. Itong papuring awit ay nagmula, una sa lahat, sa pagpupuri sa Diyos dahil sa pahintulot sa kanila na magpasailalim sa pamamahala ng Makapangyarihang Diyos, upang pamahalaan Niya, at mamuhay na Kasama sa kaluwalhatian. Lahat ng mga ito’y lubos na nagpaligaya, kagalakan sa mga hinirang at nagbigay ng dakilang kaluwalhatian sa Diyos. Upang kanilang mapuri Siya, sumisigaw, “Tayo’y mangagalak at tayo’y mangagsayang mainam, at siya’y ating luwalhatiin.”
Pangalawa, ang mga hinirang ay nagpatuloy sa kanilang pagpupuri: “sapagka’t dumating ang pagkakasal ng Cordero, at ang kaniyang asawa ay nahahanda na. At sa kaniya’y ipinagkaloob na damtan ang kaniyang sarili ng mahalagang lino, makintab at tunay, sapakat ang mahalagang lino ay siyang mga matuwid na gawa ng mga banal.” Anong ibig sabihin nito? Ibig sabihin tulad ng Kanyang pangako sa sangkatauhan, si Jesus ay babalik dito sa lupa, pakakasalan ang mga nagtataglay ng Banal na Espiritu dahil sa pananalig sa Kanya at dahil sa pagsilang na muli, namuhay at nanirahang kasama nila magpakailan man.
Ang kasal ay ang pag-iisa ng isang lalake at kanyang kasintahang babae. Kapag nagbalik si Jesus dito sa lupa, sa ibang pananalita, Kanyang tatanggapin at mamumuhay na kasama lamang ang mga isinilang na muli sa tubig at sa Espiritu. At ibig sabihin na Kanyang itatayo ang Kanyang Milenyong Paghahari at Bagong Langit at Lupa upang manirahang kasama ang mga hinirang magpakailan kailan man. Ang luwalhati ng kasintahang babae na mamumuhay kasama itong lalake ay lubos-lubos na di-mailalarawan. Kung iisipin lamang ito, ang ating mga puso’y masisiyahang ganap.
Kapag dumating si Jesu-Cristo upang maghari dito sa lupa, ang Kanyang mga kasintahang babae’y sukdulang masisiyahan, na di-maaaring ipaliwanag sa salita. Gaanong saya ang kanilang mararamdaman kapag sila’y paghaharian ng Mabuting Pastol? Dahil si Jesu-Cristo ay ang Lalakeng ikakasal ay lubos ang kabutihan, maging ang Kanyang paghahari ay lubos ang kabutihan at ganap. Siya’y maghahari sa Kaharian ng Langit.
Ang Tanging Ebanghelyo na Magbibigay sa Iyo ng Katangiang Kailangan para sa Langit
Upang makamtan ang Banal na Espiritu at makapasok sa Langit, siya’y dapat na manalig lamang sa bautismo at dugo ni Jesus. Dahil ang ating Panginoon ay naparito sa lupa upang iligtas lahat ng mga makasalanan mula sa lahat nilang kasalanan sa pamamagitan ng pagkuha ng lahat ng gayong mga kasalanan ng sangkatauhan sa Kanyang balikat, kailangan Siyang bautismuhan ni Juan. Yamang nakamit ang Kanyang bautismo, si Jesus ay pinako sa Krus sa halip na tayo, hinatulan dahil sa lahat ng ating kasalanan, nabuhay na muli, at naging Panginoon ng walang-hanggang kaligtasan para sa mga nanalig.
Ngayon itong Panginoon ay magbabalik sa lupa, yayakapin ang Kanyang bayan na naging Kanyang mga kasintahang babae sa pamamagitan ng pananampalataya, at mamumuhay na kasama sila magpakailan man. Ang mga naging Kanyang mga kasintahang babae ay maninirahan ngayon kasama ang Panginoon sa bagong mundo, isang maluwalhating pagpapala para sa mga kasintahang babe. Ang mga ligtas na anak ng Diyos sa gayo’y magbibigay luwalhati kay Jesu-Cristo sa pamamagitan ng pagpupuri sa Kanya ng walang-hanggan. Itong mga tao na pamamahalaan ng Diyos ay magagalak sa kanilang kaligayahan. At sanhi nitong kagalakan, sila’y magluluwalhati sa Lalaking ikakasal.
Ang buong sangkatauhan ay naghihintay nitong pangyayari mula pa ng paglikha. Itong pangyayari’y natupad nang magbalik si Jesus, kukuhaning paitaas ang mga nagkamit ng Banal na Espiritu, at mamumuhay na kasama nila. Ang Diyos ay lumikha ng bagong mundo para sa sangkatauhan at naghihintay para sa atin. Tayo’y nabubuhay para dito, at dahil dito tayo’y isinilang na muli sa mundong ito.
Tulad ng sinasabi sa atin ng pangunahing salaysay, “at ang Kaniyang asawa ay nahahanda na. At sa kaniya’y ipinagkaloob na damtan ang kaniyang sarili ng mahalagang lino, makintab at tunay,” binihisan ng Diyos ang mga nanalig kay Jesu-Cristo ng malinis, mapinong lino. Ang mga nanalig sa Salitang ito, ay nagtamo ng kapatawaran ng kasalanan at ang kanilang mga puso ay naging kasing-puti ng niyebe.
Tulad nito, ang mga kasintahang babae ni Jesu-Cristo ay nauna ng naghanda sa pamamagitan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Sa pakikinig at pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu habang narito sa lupa, sinuman ay maisisilang muli bilang kasintahan ni Jesus. Dahil sa pananampalatayang ito kaya ika’y naging kasintahan ni Cristo, at itong pananampalataya ang magbibigay sa iyo ng katangiang makapasok sa Langit.
Ang mga Naghintay na may Pag-asa
Sinasabi sa atin ng pangunahing salaysay, “Mapapalad ang mga inanyayahan sa paghapon sa kasalan ng Cordero!” Anong uri ng pananampalataya ang taglay ng mga napatawad sa kanilang mga kasalanan? Ang mga kasintahang babae na nakilala kay Jesus at namumuhay sa kaluwalhatian ay dapat mamuhay sa pananampalataya at pag-asa, nakatingin sa araw ng kanilang pag-iisang dibdb sa Lalakeng ikakasal.
Ang sanlibutan ay padilim ng padilim, may pag-asa pa rin para sa mga naligtas na babaeng ikakasal. Itong pag-asa ay walang iba kundi ang paghihintay sa araw na kuhanin sila ni Jesu-Cristo, yamang inihanda ang Bagong Langit at Lupa para sa Kanyang mga babaeng ikakasal. Ang Lalakeng ikakasal ay bubuhaying muli lahat ng Kanyang mga kasintahang babae, at ibibigay sa kanila ang buhay na walang-hanggan. Ang mundo kung saan ang Lalaking ikakasal at ang mga kasintahang babae ay mamumuhay magpakailan man sa isang lugar na walang kasamaan, walang kasalanan, at wala ng kakailanganin pa. Ang kasintahang babae’y naghihintay para sa araw na ito. Ito kung bakit tayo na nagkamit ng kapatawaran ng lahat ng ating kasalanan ay namumuhay sa pananalig at pag-asa.
Ang mga kasintahang babae na nabubuhay sa kasalukuyang panahon, ay marami ring mga pagkukulang sa laman. Nguni’t tulad ng sinabi sa 1 Corinto 13:13, “Datapuwa’t ngayo’y nanatili ang tatlong ito: ang pananampalataya, ang pag-asa, at ang pag-ibig, nguni’t ang pinakadakila sa mga ito ay ang pag-ibig,” dahil ang Lalaking ikakasal ay inibig nga ang Kanyang mga kasintahang babae, Kanya silang lilinisin sa lahat ng kanilang kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang bautismo at tatanggapin sila bilang Kanyang mga ganap na kasintahang babae.
Itong mundo’y patungo sa kanyang huling hangganan at wala ng nalalabing pag-asa. Nguni’t kahit lahat ng bagay ay papalapit na sa kapahamakan, ang mga kasintahang babae ay dapat mamuhay sa kanilang katangi-tanging pag-asa. Ang panahon ng kaganapan nitong pag-asa ay papalapit na ngayon. Ang buong mundo ngayo’y nasa panganib ng pagguho mula sa mga lindol. Ang araw ay malapit na para sa lahat ng narito sa lupa upang maglaho tulad ng pagpuksa sa mga “dinosaurs” noong mga unang panahon. Biglaan, itong mundo’y maguguho.
Ang bawa’t kasintahang babae, gayun pa man, ay umaasa, dahil sa pagdating ng mga araw, ang mga katawan ng mga kasintahang babae’y magiging ganap, at sila’y mamumuhay kasama ang Panginoon, naging kanilang Kasintahang lalaki, magpakailan kailan man. Ang mga kasintahang babae, gayuman, ay dapat matapat na ipangaral ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu sa mga makamundong tao sa panahong ito.
Tayo’y Manalig sa Tunay na Salita ng Diyos!
Sinabi ni Jesus sa Juan 3:5, “Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa iyo, ‘Maliban na ang tao’y ipanganak ng tubig at ng Espiritu, ay hindi siya makapapasok sa kahariang ng Dios.” Ano, kung gayon, ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu? Sa Biblia ay sinabi, una sa lahat, ang “tubig” ay maliwanag na tumutukoy sa bautismo ni Jesus, at ito ang anyo ng kaligtasan (1 Pedro 3:21).
Nang si Jesus ay maging 30, Siya’y pumunta kay Juan, ang nagbabautismo sa bayan ng Israel sa Ilog Jordan. Sinabi ni Jesus sa atin na si Juan Bautista ay kinatawan ng sangkatauhan at ang huling Mataas na Saserdote sa Lumang Tipan. Nang makita si Juan, tinanggap ni Jesus ang bautismo, na tumutupad sa lahat ng katuwiran ng Diyos (Mateo 3:15, 11:11-14). Ang bautismong tinanggap ni Jesus ay ang walang-hanggang alay kung saan lahat ng kasalanan ng mundo’y inilipat kay Cristo.
Ang pagkatawang-tao ni Jesus sa pamamagitan ng Banal na Espiritu, Kanyang bautismo, Kanyang dugo at kamatayan sa Krus, Kanyang pagkabuhay na muli at pag-akyat sa langit—lahat ng mga ito ay ang pagkilos ng Banal na Espiritu. Ang sinumang nanalig na si Jesus ay naparito sa lupa, sa pamamagitan ng tubig at ng Espiritu, at minsanang inalis lahat ng kanyang kasalanan, siya’y magiging isang matuwid na tao, malaya mula sa kasalanan, at isang kasintahang babae ni Cristo. Ito’y hindi isang bagay na makakamit sa pamamagitan ng mga kaisipan ng tao, bagkus ito’y nagmumula sa mga kaisipan mismo ng Diyos.
Ang katotohanang ang tubig, dugo at Banal na Espiritu ay ang tatlong kailangang sangkap para sa ikaliligtas ng tao, at walang maaaring alisin. Tunay at malinaw na ipinaliwanag sa Biblia sa kabanata 5 ng 1 Juan. Sinasabi sa atin na itong tatlong elemento ay ang tubig, dugo at Banal na Espiritu ay iisa, at ang kaligtasan sa kasalanan ay di-magiging ganap at angkop kung wala ang isa sa mga ito.
Kapag ating alam at nananalig sa katotohanang ito, na ang ganap na kaligtasan ay ang manalig sa tatlong ito—ang tubig, dugo at ang Banal na Espiritu—ating ngayong mababatid at kakamtin ang pag-ibig ni Jesus na nagligtas sa atin, at sa gayon ang ating mga puso’y ganap na magiging walang-kasalanan. Pinangako ng Biblia sa atin sa Mga Gawa 2:38, “Mangagsisi kayo, at mangagbautismo ang bawa’t isa sa inyo sa pangalan ni Jesu-Cristo sa ikapagpapatawad ng inyong mga kasalanan, at tatanggapin ninyo ang kaloob ng Espiritu Santo.”
Ano kung gayon, itong Salita na magkakaloob sa atin ng Banal na Espiritu? Walang iba kundi ang Salita ng bautismo ni Jesus (ang tubig), Kanyang kamatayan sa Krus (ang dugo), at ang Kanyang pagiging Diyos, pagkabuhay muli at pag-akyat sa langit (ang Banal na Espiritu). Itong Salita ng kaligtasan ay tunay na inihula sa mga sulat ni Moises at mga propeta sa Lumang Tipan, at natupad at pinatotoo ng apat na Ebanghelyo sa Bagong Tipan. Gayon din, ang “walang-hanggang kaligtasan ng pagtutubos ay minsang naganap,” ito’y detalye sa Aklat na Hebreo, paulit-ulit na pinatotoo sa katuwiran ng Diyos, na ating nakamit sa pamamagitan ng ating pananampalataya.
Bagaman lahat ng makasalanan dito sa lupa ay namumuhay sa laman na di-makaabot sa Diyos, dapat niyang kamtan ang kapatawaran ng kasalanan na inaalok ng Diyos, at mamuhay na may pag-asa ng Kalangitan. Ito ang handog ng Diyos na binigay sa sangkatauhan. Lahat tayo’y dapat tanggapin itong biyaya. Mananalig sa Salita na babalik muli ang Panginoon, itatayo ang Kanyang bagong Kaharian, at mamumuhay na may pag-asa. Mamuhay tayo sa pag-asang ito, at ito ang masigasig na aking pinaniniwalaan.
Alam mo ba kung gaano kalawak ang kasalanan dito sa lupa? Kung ihahambing sa pahahon ni Noe, ang mga kasalanan sa panahong ito ay higit na malawak. Sa panahon ni Noe, makikita na ang mga kaisipan ng tao ay laging masama, kaya pinasiya ng Diyos na wasakin ang unang mundo sa pamamagitan ng tubig, sinabi kay Noe na gumawa ng arko, at iligtas ang mga pumasok sa arko sa pamamagitan ng pananalig sa Kanyang Salita.
Bagaman sinabi ng Diyos na Kanyang tiyak na hahatulan ang mundo sa tubig, tanging walo sa pamilya ni Noe ang nanalig sa Kanyang Salita. Kanila ngang ginawa ang arko ng higit isang daang taon, at pumasok dito upang makaiwas sa baha. Nang ginawa nga nila, sinimulan ng Diyos ang pagbuhos ng Kanyang hatol dito sa unang mundo. Ang kalangitan ay naging biglang dumilim, at ang mabilis na ulan ay nagsimula. Marahil sa loob ng isang oras, ang baha’y umabot hanggang sa ikatlong palapag. At umulan ng 40 araw, lumubog sa tubig ang buong daigdig.
Tulad ni Noe at ng kanyang pamilya ay pumasok sa arko sa pananalig na isang bagong daigdig ay mabubuksan, ikaw at ako’y dapat na umasa sa panahong ito. Yamang sila’y nakagawa ng arko sa loob ng isang daang taon dahil sa kanilang pananalig sa Diyos, naniniwala ako na tayo rin, ay dapat maging masigasig at ipangaral ang ebanghelyo. Sinabi ng Diyos kay Noe, “Gumawa ka ng isang sasakyang kahoy na gofer (Genesis 6:14).” Sinasabi nitong Salita sa atin na “upang ating maipagtanggol ang ating sariling pananampalataya,” dapat muna nating iukol ang ating sarili sa Panginoon at ipangaral ang ebanghelyo.
Bagaman umaasa ang mga isinilang na muli, walang pag-asa para sa mga di-nananalig sa ebanghelyo. Sukdulang paghihirap lamang ang para sa mga di-nananalig sa ebanghelyo. Nananalig man o hindi ang tao sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, dapat pa rin nating ipangaral ito sa kanila. Ang kasalukuyang panahon ay ang uri ng panahon na ang tao’y dapat agad na manalig nitong tunay na ebanghelyo. Yaong nananalig sa ebanghelyong ating pinangangaral ay magtatamo ng kasiyahan, nguni’t sa mga di-mananalig ay masusumpa. Sa huli—ito ay, ang mga di-nanalig sa ebanghelyo—ay ang mga mangmang na tatanggap ng walang-hanggang hatol ng Diyos at itatapon sa impiyerno.
Huwag mawalan ng pag-asa. Kung mawawalan ng pag-asa ang mga matuwid, tanging kamatayan ang naghihintay sa kanila. Kung tayo’y walang pag-asa, mawawalan din tayo ng pagnanais, ni interes, ni anumang dahilang mabuhay pa. Kung gayon, tayo nga’y mamuhay na umaasa.
Sa panahon ngayon, ang mga nanalig kay Jesus at naisilang na muli ay ang mga tunay na maligaya. Para sa sangkatauhan, ang nalalabing pag-asa ay ang kamtan ang kapatawaran ng kasalanan—ito ay, wala ng ibang pag-asa kundi ang kamtin ang Banal na Espiritu. Kapag ang tao’y napatawad sa lahat ng kanilang kasalanan, sila’y magkakaroon ng pag-asa at mamuhay ng maligaya magpakailan man, nguni’t kung hindi, tanging kapahamakan ang naghihintay sa kanila, dahil hindi nila taglay ang Banal na Espiritu.
Ito’y dahil aking nakamtan ang kapatawaran sa lahat kong kasalanan kaya ako’y namumuhay na may pag-asa dito sa mundo. Umaasa ako at dalangin ko na kayo rin, ay mamuhay na taglay ang pag-asang ito. Dalangin ko na huwag isanib ang inyong walang-saysay na mga kaisipan sa sanlibutan, sa halip ay mamuhay bilang matatalinong mga babaeng ikakasal, iniibig ang inyong mga kapwa matuwid, tinutulungan silang matatag na manahan kay Cristo, di-nawawala ang inyong pananalig, naghihintay sa Lalaking ikakasal, at sasalubungin Siya sa Kanyang huling pagdating upang kuhanin ka.
Nagapapasalamat ako sa Diyos sa pagbibigay sa atin ng kayayanang mamuhay sa Kanyang kaluwalhatian.